Followers

Saturday, November 4, 2023

Edukasyon: Susi sa Magandang Kinabukasan -- Panghalip

 

Madalas sinasabi ng mga magulang ko noon sa akin, na edukasyon daw ay susi sa magandang kinabukasan.

 

Kahit hindi nakatapos ng pag-aaral ang aking ina at ama, grabe ang pagpapahalaga nila sa edukasyon. Sinusuportahan nila ang pag-aaral ko at ng aking mga kapatid dahil naniniwala silang hindi hadlang ang kahirapan namin sa ikatatamo ng edukasyon. Iyan ang dahilan kaya nagsumikap silang mapag-aral kaming magkakapatid sa kabila ng kahirapan namin sa buhay.

 

Bilang ganti sa kanilang suporta sa aking edukasyon, gayon na lamang ang pagsisikap ko na makakuha ako ng matataas na marka sa bawat asignatura. Nagbunga naman iyon, kaya madalas noong elementarya ako ay umaakyat sa entablado ang isa sa mga magulang ko upang tanggapin ang medalya ng karangalan ko.

 

Subalit, bakit may mga kabataan ngayon na hindi nagpopokus sa pag-aaral? Sino-sinong magulang ba ang pumapayag na hindi mabigyan ng sapat na edukasyon ang kanilang mga anak? Gaano ba kahirap ang pagkamit ng edukasyon kumpara sa hirap ng buhay kung walang edukasyon?

 

Nakalulungkot isipin, na ang ilan sa mga kabataan ngayon ay tamad na tamad sa pag-aaral.

 

Samantala, marami namang kabataan ang naniniwala na napakahalaga ng edukasyon sapagkat saanman sila mapadpad ay handa silang makipagsapalaran sa buhay at hindi sila maloloko ng sinoman.

Sabi ng iba, mas nagtatagumpay raw sa buhay ang mga taong may mataas na edukasyon kumpara sa wala o may mababang pinag-aralan.

 

Sa ganang akin, hindi sukatan ang taas ng pinag-aralan sa pagtatagumpay, subalit bihira ang taong gumaganda ang buhay kahit hindi nakapag-aral.

 

Ayon sa propesyonal at may magagandang pamumuhay ngayon, ang mataas at kalidad ng edukasyon daw ang kanilang naging puhunan upang makamit nila ang kanilang mga pangarap.

 

Ang edukasyon ay isang susi para sa tagumpay at mabuting kinabukasan, na pinaniniwalaan ng karamihan ng tao.

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...