Followers

Saturday, February 24, 2024

Arnis: Pinoy Martial Arts

             Unti-unti nang nakikilala sa mundo ang Arnis hindi lamang bilang pambansang laro ng Pilipinas kundi dahil ito ay may malalim na ugat ng kasaysayan.

Ayon sa kasaysayan, bago pa dumating ang mga Kastila sa Pilipinas, gumagamit na ang mga ninuno natin ng arnis. Nang nasa ilaliln na ang bansa ng pananakop, ang tradisyon ng paggamit ng arnis ay nanatili, ngunit kinalaunan ay mahigpit itong ipinagbawal.

Ang Arnis ay isang martial arts, na ginagamit sa mga labanan at pagtatanggol sa sarili. Ito ay gumagamit ng dalawang patpat na karaniwang gawa sa yantok o kamagong.

Ito ay kabilang na rin sa mga isports sa nilalaro sa mga olympics at sports fest. Ito ay nilalaro sa tatlong paraan. Una, ang espada y rat (sword and dagger). Pangalawa ang solo cane (isang stick). At pangatlo ang sinawali (weave).

Ipagmalaki at laruin natin ang arnis. Ito’y isports na kaibig-ibig.

 

 

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...