Hunyo 1,
2024
Nabuwisit
ako kay Emily nang nambulahaw siya bandang 7 am. Bumalik siya kasi may naiwan.
Ang problema, nai-lock na niya ang pinto. Kaya, panay ang tawag niya kay Ion.
Pati ako nagising. Ako na rin ang bumaba para ibigay ang susi sa kaniya.
Umakyat uli ako para sana matulog, pero hindi na ako nakatulog uli.
Isang
estrangherong tao ang tinulungan ko ngayong araw. Pinadalhan ko siya ng P1,500
sa GCash dahil ilang araw nang nangungulit—nangungutang. Alam kong mali, pero
sa ngalan ang compassion, tinulungan ko pa rin siya.
Pagkatapos
kong mag-send ng pera, ni-block ko siya sa Messenger. Kapag gumawa siya ng
paraan para ma-reach out ako, ibig sabihin ay mabuti ang kaniyang intensiyon.
Nagsulat
ako ng nobela. At nai-post ko sa Inkitt ang isang chapter after lunch.
Dahil
pawala-wala ang internet, umidlip na lang ako. Past five na ako bumangon. At
almost six na ako nagmeryenda.
Gabi, bago
mag-dinner, nakagawa ako ng isang video para sa YT.
Before 8:30
pm, nag-blackout. Hindi pa naman kami ready. Ang init pa. Nakakainis! Alas-10
na bumalik ang kuryente. At hindi rin naman agad bumalik ang internet
connection. Past 12 na yata ako natulog dahil sa sobrang init.
Hunyo 2,
2024
Kahit
alas-siyete pa lang, napakainit na! Hindi na tuloy ako nakatulog uli. Bumangon
ako bandang 8 am para maghanda ng almusal.
Ngayong
araw, nagsulat ako nang nagsulat ng nobela. Umidlip din ako bandang past 1:30,
pero hindi yata ako nakatulog. Okey lang naman dahil productive ang ikalawang
araw ng bakasyon.
Hunyo 3,
2024
Gaya
kahapon, mainit pa rin kahit madaling araw. Ang hirap matulog nang mahimbing.
Kaya naman, hindi agada ko bumangon. Hinayaan kong si Emily ang maghanda ng
almusal.
Ngayong
araw, nag-encode ako ng journal ko noong May 2008. Nagsulat din ako ng nobela.
Nakadalawang kabanata ako ngayon. Gumawa rin ako ng PPT upang gawing video.
Gabi ko na iyon nalagyan ng voiceover, kasi natulog ako bandang 2 pm hanggang 3
pm.
Productive
uli ang araw ko. Pero ang bilis ng araw. Three days down agad. Twenty-seven
more to go.
Hunyo 4,
2024
Katulad
kahapon, mga 7 ako nagising. Nag-cell phone muna ako bago bumangon. At nagdilig
muna ako ng mga halaman bago naghanda ng almusal.
At katulad
kahapon, nag-encode ako ng journal ko, nagsulat ng nobela, umidlip, at nanood
ng Showtime. Hindi nga lang ako Nakagawa ng video para sa YT.
Before 7
am, naglakad ako patungo sa Umboy para i-withdraw ang sahod ko sa Numero noong
March. Naglakad rin ako pabalik, kaya 8 pm na ako nakauwi.
Pagkatapos
kong manood ng BQ, nagsulat uli ako ng nobela. Nakakaadik na ang kuwento ng mga
tauhan ko.
Hunyo 5,
2024
Sa unang
pagkakataon, past 8 ako nagising. At hindi pa ako agad bumangon, kaya very late
na ang almusal ko. Gayundin ang mag-ina ko. Nasarapan lahat kami sa pagtulog.
Maghapon
akong nagsulat. Siyempre, isiningit ko ang pag-encode, pag-idlip, at panonood.
Sa palagay ko, napakaproduktibo ko ngayong araw.
Sa gabi,
bago ako natulog, nanood muna ako ng series para may makuha akong writing
ideas.
Hunyo 6,
2024
Almost 9 na
nang magising ako. Naunahan ko namang gumising at bumangon ang mag-ina ko, na
sa sala natulog, since kagabi pa. Masarap na kasing matulog dahil medyo malamig
na. at siyempre, dahil walang pasok.
Pagkatapos
mag-almusal, nagsulat agad ng nobela. Tinapos ko lang ang isang chapter na
nasimulan ko kagabi. Then, nag-encode ako ng journal na nasa notebook. At
maghapon na akong nagsulat. Ang pahinga ko lang ay panonood at idlip. Madalas
ko ring laruin, harutin, at kausapin si Herming.
Gabi, ako
ang nagluto ng ulam. Nakapagsimula rin akong maglagay ng voiceover sa ginawa
kong PPT ng kuwentong pambata. Hindi ko natapos kasi umulan. Maingay na.
Nagsulat na
lang ako. At bago matulog, nanood ako ng series.
Hunyo 7,
2024
Almost 9 na
ako nagising. Malamig na mainit ang panahon, kaya ang sarap matulog. Kaya
naman, pagbaba ko, tulog pa ang mag-ina ko. Hindi na ako nagluto ng almusal.
Nagkape at kumain na lang ako ng peanut butter sandwich. Past ten, bago ako
namalengke, kumain ako ng hinog na mangga.
Nagluto ako
ng cocidong alumahan. Hindi na masyadong sariwa ang isda, pero masarap pa rin
ang sabaw. Gumaling nga si Emily nang makakain. Bukod kasi sa binilhan ko ng
paracetamol, ay talagang nilutuan ko ng sabaw na kinalamansian.
Nagsulat
ako maghapon. Natapos ko ring lagyan ng VO ang PPT na ginawa ko kahapon. Then,
habang nagluluto ng spaghetti para sa meryenda, nanonood naman ako ng cooking
videos ni Kara David. At siyempre, isinisingit-singit ko ang pagsulat ng
nobela. Nakaka-hook na kasi. Kahit bago
ako natulog, nagsulat ako ng isang chapter.
Hunyo 8,
2024
Ang ganda
ng mga panaginip ko—very realistic. Pero parang mensaheng nais iparating sa
akin ang Diyos.
Before 8,
bumangon na ako. Akala ko, sumama si Ion kay Emily sa KaVitaan Sizzle, hindi
pala. Agad akong naghanda ng almusal para maagang akong makapagsimula sa mga
activities ko this whole month of June. Bago nga mag-9 am, nakapag-encode na
ako ng journal. Isinunod ko na ang pagsusulat ng nobela.
Nanood lang
ako ng Showtime, saka ako umidlip. Paggising ko, nagluto ulit ako ng spaghetti.
Pagkatapos magmeryenda, nagsulat uli ako.
Nanood ako
ng series sa kuwarto ko after kong mag-dinner. Maaga akong umakyat.
At
pagkatapos mag-wash, nagsulat uli ako, kaya nakapag-post ako ng isa pang
chapter ng nobela bandang 10 pm. Bale 3 chapters ang naisulat ko ngayong araw.
Hunyo 9,
2024
Alas-8 na
ako nagising dahil napanaginipan ko si Mama. Dalawang beses ko siyang
napanaginipan. Ang una ang kakaiba. Weird. Parang sci-fi movie kasi may parang
UFO na nagbuga ng mainit na usok. Nagising tuloy ako. Siguro, nami-miss na
talaga ako ni Mama. Kahapon, nag-chat si Lizbeth. Tinatanong daw ni Mama kung
kailan ako roon pupunta.
Napanaginipan
ko rin si Ate Diyang. Nasa bahay kami ni Auntie Vangie. Nagsasampay ako ng mga
damit. Tinutulungan ko si Mama, nang mahuli niya si Ate Diyang na kumakain.
“Bakit ka kumakain?” galit na tanong ni Mama.
Gumising na
ako. Mga 8 am na iyon.
Naine,
bumaba na ako para magkape at mag-almusal. Ready na ang pagkain. Thank God,
naunang bumangon si Emily.
Past 9:30,
nakapag-encode na ako ng isang araw na journal. Then, nagsimula na akong
mag-encode ng isang chapter na na-recover ko sa Wattpad. Nang matapos ko,
nagsulat na ako ng isang chapter.
Bago
mag-6:45, nakapag-post pa ako ng isang chapter sa Inkitt.
Past 9,
nakasulat pa ako ng isang chapter. At quarter to ten, nasa kuwarto na ako—ready
to sleep. Nanood muna ako ng isang Korean movie bago natulog.
Hunyo 10,
2024
Almost 8 am
na ako nagising. Ang sarap matulog! Tapos, ang sarap ding humilata paggising.
Kaya, past 9 na ako bumangon. Minsan lang naman ito sa isang taon, kaya spoil
ko na ang sarili ko. Ilang buwan din akong gumising nang maaga para magtrabaho.
Pagkatapos
mag-almusal, nagsulat na ako ng isang chapter ng nobela ko. Bago mag-11,
nakapag-post na ako. Isinunod ko na ang pagbabad ng mga labahan. Hindi muna ako
magwa-washing machine kasi kaunti lang naman. Naligo na rin ako at naglagay ng
asin sa isdang lulutuin ko.
Past 11,
nag-encode naman ako. Past 12 na ako nagluto kasi gusto kong mag-penetrate muna
nang husto ang asin sa isda para malasa.
Pinilit
kong pumuwesto sa kuwarto ko, umaga pa lang, pero hindi ko kinaya. Bumaba ako
bandang 1:30 after kong magbanlaw ng mga binabad kong damit.
Umidlip ako
pag-alis ni Emily, at pagkatapos kong mai-post ang isa pang chapter ng nobela
ko. Nakakainis lang si Herming kasi nasa paanan ko talaga nahiga.
Past 5,
after magmeryenda at manood ng Pinas Sarap, nagsulat uli ako ng nobela. Six-thirty
nang matapos ko ang isang chapter.
After
dinner, nagsulat uli ako ng nobela. Hindi ako ngayon gumawa ng video para sa
YT. Okey lang naman.
Hunyo 11,
2024
Past 8 am
na ako nagising, at hindi pa agada ko bumaba. Sina Emily, nasa kuwarto pa rin.
Haist! Ako na ang naghanda ng almusal. Past 9:30 na ako nakapag-almusal.
Pagkatapos niyon, nag-encode na ako ng journal, saka nagsulat ng nobela.
Bago
mag-lunch, nagismula akong gumawa ng PPT ng kuwentong pambata na lalagyan ko ng
voiceover. Past 12:30, nakasulat ako ng isang chapter ng nobela.
After
lunch, nanood ako ng Showtime, then sinimulan kong manood ng horror movie,
dahil sa antok ay hindi ko natapos.
Before
quarter to 7, nakapag-post ako ng video sa YT.
Naghanda na
ako ng mga gagamitin at dadalhin ko bukas sa outing namin sa Camaya Coast nina
Ma’am Edith, Ma’am Mel, at Sir Erwin. Nakatapos na rin ako ng isang chapter ng
nobela.
Hunyo 12,
2024
Wala akong
tulog hanggang sa umalis ako sa bahay bandang 2:45 am para bumiyahe papunta sa
bahay ni Ma’am Edith! Papunta kami sa Bataan ngayon!
Three-forty-five
ng umaga nasa may Manila Zoo na ako. Hinintay ko si Ma’am Edith na matapos
maligo, at si Ma’am Mel na dumating. Nahirapan siyang maka-book ng habal kaya
mga 4:45 na kami nakaalis sa Manila. After one hour, saka namin nasundo si
Papang.
Kahit
walang tulog, panay ang kuwentuhan namin sa biyahe. Wala akong ideya sa
pupuntahan namin. Basta ang alam ko, maliligo kami sa Camaya Coast.
Mga 8, nasa
Bataan na kami. Isinama ni Ma’am Edith ang dalawa niyang friends na tagaroon,
kaya bukod sa driver, na bayaw niya, anim kaming lahat. Malayo ang Camaya
Coast, pero worth it naman ang road trip dahil ang ganda ng nature sa
dinaraanan namin. Probinsiya feels. At pagdating namin sa destinasyon dahil
nalula rin ako sa 7-hectare property (raw) na dini-develop na. Although,
pinatag na ang bundok, pero nakikita ko ang nature-inspired na commercial and
residential na subdivision.
Mga past
9:45, nasa Camaya Sands na kami. Ang ganda ng lugar, kaya lang kulay brown ang
dalampasigan dahil sa putik na nagmula sa na-washout na lupa sa ginagawang
airpot doon. Gayunpaman, napaka-picturesque ng lugar. Hindi siyempre namin
sinayang ang pagkakataon na mag-picture taking. SIyempre, habang nagpapahinga,
nag-bonding kami sa kainan, kuwentuhan, at tawanan. Ang mamahal nga lang ng
inumin at pagkain doon. Imagine, ang P15 worth na mineral tubig ay
nagkakahalaga ng P80 doon. Walang worth na P150 na meal. At bawal magpasok ng
softdrink at pagkain. Chips lang ang puwedeng ipasok sa resort. Mabuti, may
baon si Mayora. Nagdala rin ng hinog na mangga ang friends niya. Mabuti may
free drinking water doon kaya hindi ako bumili.
Mga past
11, ni-tour kami sa Phase 1 and 2 ng tour guide. Inilibot niya kami sa halos
buong property, na naaabot na ng van. Nakakamangha ang sirang dulot ng
development. Nakakalungkot tingnan ang mga pinatag na lupa, pinutol na mga
puno, pero in-imagine ko na lang na sa pagdating ng araw ay ibabalik nila iyon,
kundi hindi katulad ng dati, ay kawangis. May mga golf course. May mga
itatayong nature trails, kaya nakatutuwa rin. Overlooking ang baybayin at
karagatan.
Ang mahal
nga lang ang per square meter ng lote. Nagkakahalaga ng P17k to P28K/sqm.
Mayayaman lang ang kayang mag-avail. No wonder, naroon kami dahil sa kapatid ni
Mayora na. Nakakuha na ng lote roon.
Sa lawak ng
lupain at sa dami ng aming pinuntahan—kahit ang isang model house doon ay hindi
namin pinalampas, na talaga namang nakakamangha sa ganda—ay past 1:30 na kami
nakabalik sa Camaya Sands para mananghalian. At dahil sa tagal ng proseso,
almost 3 pm na kami nakakain.
Walang
gustong maligo kaya picture-picture na lang ang ginawa namin bago kami bumiyahe
pauwi. Gayunpaman, worth it ang oras, pagod, at gastos. Pambihirang karanasan.
Hindi kami makakapunta roon kung walang kakilala may-ari ng unit sa Camaya,
kahit may pera.
At kahit
pagod, nagkuwentuhan pa rin kami sa sasakyan habang pauwi. Inantok ako at
umidlip pero agad ring nagising, lalo nan ang malapit na kaming mag-dinner.
Sa isang
food court sa highway sa Pampanga kami kumain. Nag-goto overload lang kami. At
overload rin ang kuwentuhan at sharing of ideas and opinions. Isang oras din
kami roon bago bumiyahe ulit.
Hindi na
rin ako gaanong nakipagkuwentuhan para makatulog ako sa biyahe pauwi. At para
paiksiin ang salaysay, nakauwi ako nang ligtas sa bahay bandang 11:45.
Nagsipilyo lang ako, at natulog na.
Hunyo 13,
2024
Before 9
ako nagising. Nakabawi na ako ng puyat. Magkasunod kaming bumaba ni Ion. May
sakit si Emily, kaya siya ang nagsaing habang nagdidilig ako ng mga halaman.
Pagkatapos, humarap na ako sa laptop para magsulat ng journal. Late na naman
ang almusal namin.
Dumating si
Kuya Emer bago mag-12. Tuwang-tuwa si Ion kasi natuloy ang plano nilang
mag-Samgyup. Nagdala siya ng nonstick pan. Doon sila nagprito ng bacon-ham.
Past 4 na
ako nakapag-post ng isang chapter ng nobela kasi pagkatapos mag-lunch ay
inantok ako. Past 5, nagsulat uli ako.
Alas-7 ng
gabi, pagkatapos kong magluto ng ulam, umalis ako para mag-withdraw ng sahod.
Naglakad lang ako papunta at pabalik, kaya nakauwi ako before 8:30. Nag-grocery
din kasi ako sa Dali nang kaunti. Dumaan din ako sa peryahan. Nanood lang ako
nang saglit.
After
manood ng BQ, nagsulat uli ako ng nobela. Ito ang ikatlong chapter na susulatin
ko ngayong araw. Hindi ko natapos isulat. Ten-thirty kasi inaantok na ako at
umakyat sa kuwarto. Pagkahiga, nawala naman ang antok ko. Inabot pa ako ng past
12 sa kaka-cell phone. Aguy!
Hunyo 14,
2024
Past 2,
nagising ako, at nahirapan na naman akong matulog ulit. Nag-cell phone na lang
ako hanggang past 4. Aguy talaga!
Eight na
ako nagising. Sobrang init na ng kutson. Ako na ang naghanda ng almusal.
Pagkatapos mag-almusal, humarap na ako sa laptop para mag-encode, magsulat,
manood, at iba pa.
Nakapag-post
ako ng isang chapter bago ako nagluto ng lunch. Sinabawang yellowfin tuna ang
ulam namin ngayon. Tamang-tama sa ubo ni Emily.
After
lunch, umidlip ako. Inantok ako sa pinanonood kong noontime show, at siguro sa
kinain ko rin. Past 3 na ako bumangon. Nag-encode ako ng isang chapter na
na-recover ko sa Wattpad. Iyon na rin ang ginamit ko sa isang chapter sa
nobelang karugtong ng mga deleted chapters. Ginawa kong memory ng character ang
isang chapter para hindi masayang. Nai-post ko iyon before 5:30 pm.
Habang
naghahanda ng dinner, nagsusulat ako ng isa pang chapter. Kaya bandang 8:45 ay
nakapag-post na ako sa Inkitt.
Hunyo 15,
2024
Past 8 na
ako gumising. Pinilit ko ang mga mata ko nang mamulat kahit gusto pang matulog.
Kailangan kong gawin ito para maaga akong makapunta sa Teresa para bisitahin si
Mama.
Naghanda
ako ng almusal kasi tulog pa ang mag-ina ko at hindi pa magaling si Emily. At
past 9:30, umalis na ako sa bahay.
Sa Edsa
Shaw na ako nag-lunch, bago ako sumakay sa van. At past 3, nasa Sitio Talaga na
ako. Nagulat sina Lizbeth, dalawa niyang anak, at si Mama sa pagdating ko.
Nagkuwentuhan
kami ni Mama hanggang past 7:30. Hinatiran lang kami ni Lizbeth ng meryenda. At
nang maghahapunan na, saka lang ako pumunta kina Taiwan para kumain.
Pagkatapos
kumain, umakyat na kami kasi nagsalang si Taiwan ng pelikula. Gumamit siya ng
projector kaya malaki ang screen, kaso nakapuwesto ako sa may baba niyon. Hindi
ko na-enjoy, lalo na't nagsi-cell phone ako.
Sobrang
init at namamahay ako, kaya hindi agad ako nakatulog. Grabe rin magpuyat sina
Dani at Arya. Halos madaling araw na, gising pa-- nagsi-cell phone.
Hunyo 16,
2024
Kulang ako
sa tulog. Mabuti na lang almost 8 am na nagising ang lahat. Naglakad-lakad muna
ako habang wala pang almusal. At nang makakain na ako, nakipagkuwentuhan na ako
kay Mama. Mabilis na lang kami nag-usap kasi kailangan ko nang maligo bago
mawalan ng tulo. At past 9:30, nagpaalam na ako. Nahiling ko na sana magtiis pa
si Mama sa kalagayan niya sa bahay ni Gie, na ipinagdadamot nito.
Natagalan
ako sa highway dahil sa kahihintay ng van na diretsong Megamall, pero walang
dumaang may bakanteng upuan. Kaya almost 11 am na ako sumakay sa dyip. Past 12,
kumain muna ako sa Junction. At past 2;30, nasa bahay na ako. Nagpahinga muna
ako bago nagmeryenda, habang masaya ang mag-ina ko sa mga pasalubong kong mais,
nilagang mani, Ponkan, at avocado.
Pagkatapos
kong magmeryenda, nagsulat na ako ng nobela. Naisingit ko ang paghanda ng
hapunan, gayundin ang panonood.
Before
nine, nakapag-post na ako ng isang chapter sa Inkitt.
Past 9:30,
nawalan ng internet, kaya no choice ako kundi matulog nang maaga. Pabor naman
iyon sa akin dahil kulang ako sa tulog.
Hunyo 17,
2024
Past 7,
gising na ako. Wala pa ring internet kaya nang bumaba ako, naghanda lang ako ng
almusal, saka naglinis ako sa hagdan. Maayos at malinis na ang mga rock
collection ko roon bago mag-10.
Ten-thirty,
pagkatapos kong maligo, namalengke ako para sa aming tanghalian. Sinigang na
baboy ang napili kong lutuin.
Past 11 na
bumalik ang internet. Nakapag-encode ako ng journal bago ako nagluto.
After
dinner, umidlip ako. Past 3 na ako bumangon para magsulat. Bago mag-6
nakapag-post na ako ng isang chapter.
Sinimulan
ko ngayong gabi ang pag-digital illustrate ng kuwentong pambata kong ‘Ang Laso
ni Puti.’ Sana matapos ko ito bago mag-July para makahabol sa Pride Month.
Tungkol ito sa pusang lalaking gustong magsuot ng laso.
Hunyo 18,
2024
Paggising
ko, bandang 8 am, naghanda na ako ng almusal, pero dahil nag-inat-inat muna ako
at nagkape, mga past 9 na ako nakapag-almusal. Pagkatapos niyon, humarap na ako
sa laptop para sa digital illustration. Siyempre, naligo muna ako para fresh at
hindi ako mabugnot. Before 11 am, nakatapos na ako ng isang page. Thirteen
pages pa.
Eleven,
nag-encode ako ng journal. Iniisip ko na rin kung ano ang lulutuin ko o ang
uulamin namin.
One-thirty,
bago ako umidlip, nakapag-post ako ng isang chapter ng nobela sa Inkitt.
Past 3,
nanood ako ng dalawang episodes ng Pinoy series bago ako nag-illustrate. Past
4, nakaisang image ako. Bandang 5:45, bale limang pahina na ang nagawa ko.
Nagsulat naman ako ng nobela pagkatapos nito.
Eight-thirty,
pagkatapos magluto at kumain, nakapag-post ako ng isa pang chapter ng nobela sa
Inkitt. All-in-all, nasa 39 chapters na ang naisulat ko. Each chapter, may
1000+ words.
Past 10:30,
nasa taas na ako, hindi para matulog agad kundi mag-cell phone pa. Before 12 na
ako natulog. One percent na lang ang battery ng phone ko. Lolz.
Hunyo 19,
2024
Past 7 ako
nagising, pero hindi ako agad bumangon. At pagbaba ko, paghahanda agad ng
almusal ang ginawa ko, kaya past 8:30, nakapag-almusal na ako.
Ten o’
clock, nakadalawang pahina ako ng illustrations. May walong pahina pa akong
gagawin. Nakapag-encode na rin ako ng isang date sa journal ko noong May 2008.
Twelve,
pagkatapos kong lumabas para bumili ng ulam at fast charger, nag-post ako ng
isang chapter sa Inkitt.
After
lunch, nanood ako ng Showtime. Pagkatapos ng isang segment, umidlip na ako.
Paggising ko, nag-edit ako ng isang nobela ko, at nag-post ako ng ilang chapter
niyon sa Inkitt. Saka ako nag-illustrate. Before 7, nakatapos na ako ng ilang
pahina. Bale apat na pages na lang ang iguguhit ko. Hopefully, bukas o makalawa
ay makapag-post na ako sa YT ng isa na namang kuwentong pambata video na gawa
ko talaga.
Ten-thirty,
nag-off na ako ng wifi para makatulog kami nang maaga-aga. Palagi na lang late
ang tulog. Si Ion kapag may wifi, hindi titigil sa kakaselpon.
Hunyo 20,
2024
Past 7 ako
nagising. Andami ng panaginip ko. Parang totoo ang mga iyon. Magkakarugtong.
Kahit magising ako, iyon pa rin ang panaginip ko. I’m sure, magiging déjà vu
ang iba roon.
Past 8,
naghahanda na ako ng almusal, kaya bandang 9, nasa harap na ako ng laptop para
gumawa na naman ng mga usual na gawain ko.
Eleven,
nakasulat ako ng isang chapter ng nobela. Isinunod ko naman ang paggawa ng Reel
video. Ginamit ko ang sanaysay kong ‘Karma Sutra’ at ang video ng daan noong
pumunta ako sa Teresa.
Bago
mag-alas-dos ng hapon, tapos ko na ang digital illustrations ng kuwento kong
‘Ang Laso ni Puti.” Lalagyan ko na lang ng voiceover ang PPT para maging video.
Alas-kuwatro
ng hapon, pagkatapos kong malagyan ng boses, uploaded na sa YT ang video.
Natutuwa ako kasi Nakagawa na naman ako ng isang obra. Sana palagi akong
motivated gumawa.
Past seven,
napag-post ako sa Inkitt ng isa pang chapter ng nobela ko.
Nanood muna
ako ng BQ at PS bago umakyat. Past 10:30 na ako nagpatay ng wifi.
Hunyo 21,
2024
Past 7,
nagising ako. Akala ko, nakaalis na si Emily, nasa higaan pa pala. Mabuti,
hindi muna ako bumangon. Hinayaan ko siyang maghanda ng almusal. Nagbasa muna
ako ng “Diary of a Wimpy Kid,” at nagselpon. Past 8 na ako bumaba. Nagdilig
muna ako ng mga halaman bago nag-almusal.
Eight-thirty
na nakaalis ang aking butihing maybahay. Saka ko naman sinimulan ang pagharap
sa laptop. Sana marami akong ma-accomplish today.
Bago ako
lumabas para bumili ng ulam, nakapag-post na ako ng isang chapter sa Inkitt. At
pagkatapos kumain, ginugol ko ang oras ko sa pagtulog at panonood hanggang 3
pm. Then, nagsulat ulit ako.
Four-twenty-five,
nakapag-post ako sa Inkitt ng isang chapter ng nobela. Isinunod ko naman ang
editing ng isa ko pang nobela. Ini-edit ko muna bago ko i-post.
Bago ako
nagluto, marami akong na-edit at nai-post. Past 7:30, nakapag-dinner na kami.
Wala na akong ginawa, kundi manood ng balita, BQ, at Pamilya Sagrado.
Hunyo 22, 2024
Past 7 ako
nagising, pero past 8 na ako bumangon. Hinayaan kong si Emily naman ang
maghanda ng almusal. Kaya pagbaba ko, nagkape na lang ako at kumain ng kaniyang
egg-fried rice na niluto.
Pagkaalmusal,
gumawa na ako ng video. Past eleven ko na nai-post sa YT at FB [ages ko. Saka
ako lumabas para bumili ng ulam at mga sangkap sa spaghetti, na lulutuin ko
para sa meryenda.
Pagkatapos
kumain, nagpahinga muna ako para makaligo. Then, nagluto agad ako ng spaghetti.
Isiningit ko ang pagsusulat.
Nang maluto
ko na ang meryenda, tinawag ko na sila. Umidlip naman ako upang ipinahinga ang
sarili at mga mata ko. Past 4 na ako bumango para magmeryenda.
Nai-post ko
na ang dalawa kong nobela sa Inkitt. Bagong edit ang isa, kaya posting na lang
ang ginawa ko. Matapos iyon, nadiskubre kong may ika-copy-paste pa akong nobela
sa Wattpad. Ginawa ko agad iyon hanggang past 6.
Almost 12
na ako natulog kagabi dahil sa kakahanap ng item sa online shop. May
na-checkout din ako.
Hunyo 23,
2024
Past 8 na
ako nagising. Hindi na ako nagtagal sa higaan. Bumangon na ako para maghanda ng
almusal. Nasa higaan pa rin ang mag-ina ko.
Past 9,
pagkatapos kumain, humarap na ako sa laptop. Sinimulan ko na ang pag-eencode ng
journal.
Bago ako
umakyat sa kuwarto para umidlip, bandang 2:30 iyon, nakadalawang chapters ako.
Kailangan ko namang ipahinga ang kamay, mata, at isip ko, kaya nag-off ako ng
laptop. Bukod rito, hindi mainit kaya masarap mag-stay sa kuwarto.
Akala ko
lang pala, malamig sa kuwarto, hindi pala. Pinagpawisan ako. Kahit antok na
antok ako, at kahit nakaidlip na ako, bumangon ako at bumaba para ipagpatuloy
ang pagtulog sa sofa. Kaya lang, nawala na ang antok ko. Nagselpon na lang ako
hanggang 4:45. At bandang 5 pm, nagsulat naman ako ng nobela habang nagkakape.
Nine,
nakapag-post ako sa Inkitt ng isang chapter ng nobela. Matagal kong natapos
kasi nakipag-chat ako at nanood pa ako ng mga cooking videos sa FB. Nag-dinner
din ako. Siguro, ito na muna ngayong araw ang accomplishments ko. At least,
nakatatlong chapters ako.
Hunyo 24,
2024
Hindi
maayos ang tulog ko. Bukod sa ang iingay ng mga aso ng mga
kapitbahay—nagtatahulan na parang nagkukuwentuhan, mainit pa sa kuwarto. Kahit
madaling araw na, gising pa rin ako. Grabe ang pag-aaalala ko sa isang kaibigan
kong humihingi ng pinansiyal na tulong. Inilapit ko siya sa Diyos na bigyan
siya ng trabaho.
Past 7:30,
bumangon na ako at lumabas para bumili ng almusal. Before nine naman, nasa
harap na ako ng laptop. Gawa uli! Sana makarami ako ngayon.
Past 11,
nakapag-post na ako ng isang chapter ng nobela ko. Hanggang 11:30, nag-karaoke
ako, gamit ang Bluetooth microphone na nabili ko noon pa sa online shop.
Sinubukan ko lang kasi akala ko sira na, hindi pa pala.
Bago ako
nagluto, nagsulat uli ako ng ika-52 na chapter.
Umidlip ako
pagkatapos kong manood ng ‘Especially For You.’ Ipinagpatuloy ko ang pagsusulat
pagkatapos magmeryenda.
Bago ako
namalengke bandang 6:30, nag-karaoke muna ako. Feel na feel ko sana ang
pagkanta. Nakakabuwisit langa ng internet. Loading.
Hindi na
ako nagsulat pagkatapos kumain ng hapunan. Nanood na lang ako ng BQ at PS.
Past 10,
nasa kuwarto na ako. Dumating na kasi si Emily. Quarter to 12 na ako natulog.
Hunyo 25,
2024
Past 8 na
ako nagising. Ang sarap pa sanang matulog, kundi lang ako maglalaba.
Past 9,
nakasalang na ang mga labahan ko. Nag-aalmusal na rin ako kasi si Emily ang
naghanda. After one hour, tapos na ako. Nasa harap na ako ng laptop para sa
aking mga usual na gawain.
Simula nang
humarap ako sa laptop hanggang six o’ clock ng gabi, nakadalawang chapters ako
ng nobela. Nakapanood din ako ng isang segment ng noon-time show,
nakapag-karaoke, at nakaidlip.
Dumating
ngayon si Kuya Emer, kaya ang ingay naman ng bibig ni Emily. Hindi ko halos
maintindihan ang pinanonood ko. Mabuti na lang, umakyat sila nang matutulog na
ako.
Four,
umalis na si Kuya Emer.
Before 7,
umalis ako para withdraw ang sahod ko. Naglakad ako patungong Umboy. Nainis
lang ako sa ATM sa 24-hour convenience store doon. Walang laman! Mabuti may
dala akong pera para makabili ako ng ulam. Almost 8 na ako nakauwi.
Bago
mag-10, nasa kuwarto na ako, pero hindi pa naman ako natulog agad.
Hunyo 26,
2024
Past 7,
gising na ako. After magbasa, bumaba na ako para maglaba ng mga carpet, sofa
cover, bed sheets, at mga punda, na naiiwanan nina Emily.
Wala pang
9:30, tapos na akong maglaba at magsampay. Nakapag-gardening pa nga ako nang
kaunti.
Bago ako
nakapagsulat at nakapag-post ng isang chapter sa Inkitt bandang 2:40 PM,
inasikaso ko muna ang lunch namin, nanonood ako ng Showtime, naligo, at
naghugas ng mga pinagkainan.
Before 1
umalis sina Emily at Ion. Masaya sila kasi binigyan ko sila ng P2k na pocket
money. Siguradong makakarating sila sa Altavas, Aklan.
Bago
mag-5:30, nakapagsulat pa ako ng isang chapter. Naisingit ko ang pag-aayos sa
sala at pagmemeryenda. Nag-karaoke naman ako kasi inaantok ako.
Bago mag-7,
kahit umaambon, lumabas ako para mag-withdraw. Umaasa akong may laman na ang
ATM sa Umboy, lalo na’t may nadagdag sa pera ko—ang galing sa Numero.
Suwerte!
May laman kaya masaya akong umuwi. At bago umuwi, namili muna ako ng ulam at
iba pang makakain.
Mga past
11, tumawag si Emily. Nakarating na raw sila sa bahay ng pinsan niya. Nandoon
din sina Ma’am Madz. Doon pa talaga sila nagkita-kita. Sana all magbo-Boracay.
Hunyo 27,
2024
Past 8,
nagising na ako. After ilang minuto, bumaba na ako. Tinamad na akong magluto ng
hard breakfast. Hindi na muna ako ngayon mag-breakfast like a king. Like a
pauper na muna.
Gusto kong
gumala, pero dahil may parcel akong hinihintay, hindi ako puwedeng lumayo.
Magsusulat na lang ako.
Bandang 12,
nakapag-post ako ng isang chapter ng nobela.
Nag-chat si
Jano sa Gc namin tungkol sa 75th birthday ni Mama. Gusto niyang
imbitahan sina Tito Boy at Auntie Lida. Nabanggit niya pa ang lechon. Sabi ko
nga, mula s akita ko sa YT ang iaambag ko. Nakita naman nila ang screenshot ng
Adsense ko. Eighty-two dollars pa lang, as of May 2024. Hopefully by August,
makubra ko na ang 100 plus dollars. Eighteen dollars pa this June.
Sa halip na
matulog pagkatapos maligo, sinimulan kong manood ng videos sa YT, pero parang
hindi ako makapakali. May gusto akong gawin. Nagsimula akong magsulat, pero
parang may iba akong gustong gawin. At hayun nga, nag-handicraft ako, gamit ang
mini-drill ko. Binutasan ko ang mga driftwood at snail shells, saka ko tinuhog
upang maging wind chimes. Presto! May garden decors na ako.
Bandang 7
ng gabi, nakapag-post pa ako sa Inkitt ng isa pang chapter ng nobela.
Nag-karaoke rin ako bago ako nag-dinner.
Quarter to
nine, pumunta ako sa peryahan. Manonood lang sana ako kaso may promo ang
bingohan. Libre ang taya sa unang game, pero may premyo kapag nakabingo, saka
umupo ako. Kaso, talo naman ako. Kaya tumaya ako sa pangalawang game. Sampung
piso din ang bayad sa anim na cards. Hayun, talo uli. Tumayo na ako bago pa ako
maadik.
Past 10,
naglakad na ako pauwi.
Hunyo 28,
2024
Before 8,
nagising na ako. Ang sarap pa sanang matulog, kaya lang marami pa pala akong
gagawin. Pagkatapos mag-almusal, nanood muna ako ng Pamilya Sagrado kasi hindi
ko napanood kagabi. Grabe, pinaluha ako ni Moi! Na-inspire tuloy akong magsulat
o dugtungan ang nobelang isunusulat ko.
Eleven-thirty,
bago ako naghanda ng lunch, nakapagsulat ako ng isang chapter ng nobela. Posted
na rin iyon.
Past 3:30,
natulog ako sa kuwarto dahil medyo malamig na. Umulan kasi. Bumaba ako bago
mag-5 para magmeryenda.
Gabi,
bandang 7, lumabas ako para bumili ng pagkain. Nag-cash in din ako para
makapagbayad ng Pagibig.
Before 9
PM, nakapag-post ako sa Inkitt ng isang chapter ng nobela. Nagsulat ulit ako
habang nanonood ng BQ at PS. Hindi ko natapos kasi sobrang antok ko na.
Hunyo 29,
2024
Grabe!
Almost 9 na ako nagising! Ang sarap matulog, palibhasa dinoblehan ko ng kurtina
ang mga bintana, kaya parang laging gabi ang kuwarto. Nagkape na lang ako at
naghanda ng egg sandwich para sa almusal.
Quarter to
10, nagsusulat na ako. At bandang 10:35, posted na ang 61st chapter.
Past 2:30 ko na natapos ang isang chapter kasi naghanda pa ako ng lunch,
kumain, nanood ng Showtime, at naligo. Isinunod ko na ang pag-idlip.
Past 4,
nagsulat ulit ako ng nobela. At 5:40, tapos na ako sa isang chapter.
Nag-soundtrip naman ako ng RockSteddy songs kasi pupunta ako sa Vista Mall sa
kanilang free concert ngayong gabi.
Alas-siyete,
umalis na ako sa bahay. Alas-otso naman ako nakapasok sa concert venue. Doon na
rin ako ng dinner. Mabuti, mura lang ang mga pagkain at inumin doon. Pagkatapos
kumain, naghintay na ako sa performance ng Mayonaise. Nakakaaliw din ang mga
segment, saka ang dalawang baklang hosts.
Kaunti lang
ang tao, at nang matapos ang performance ng Mayonaise, lalo ang Jopay,
nagsiuwian na ang iba. Pero ako, nandoon pa. Gusto ko kasing mapanood ang
performances ng Rocksteddy. Pero ang tagal nilang dumating. Past 12 na, wala pa
rin. May ibang banda namang nag-perform, pero dahil humihilab na ang tiyan ko,
umuwi na ako. Past 1, nasa bahay na ako. Mabuti na lang na nakauwi ako kundi sa
portalet sa concert venue ako dumumi. Wala pa naman akong dalang wipes o
tissue.
Hunyo 30,
2024
Past 2:30
na ako nakatulog, at past 8 na ako gumising. Gusto ko mang matulog uli, pero
mas ginusto kong bumangon na. Hindi raw healthy ang pag-almusal ng 9 onwards.
So, nakapag-almusal ako bago mag-9. Pagkatapos, nagsulat na ako. Eleven-fifteen,
posted na ang 65th chapter ng nobela ko.
Bago ako
lumabas para bumili ng ulam, nag-chat si Emily. Kinumusta niya ako, saka
nagbalita siya tungkol sa swimming nila noong 27. Kasama raw nila sina Ma’am
Madz at ang mga kaibigan nito. Blowout daw iyon ni Inday Divo para sa mga
pamangking grumadweyt. At ang saya-saya raw nila. Napasana all na lang ako.
Past 2:30,
nagsulat na naman ako. Naidlip na ako niyon habang nanonood ng movie. Dalawang
beses akong umidlip kasi umulan. Five na ako bumangon para magmeryenda. At
after almost an hour, natapos ko na ang isang chapter.
Mga
nine-thirty, nasa kuwarto na ako – ready to sleep. Pero, nag-laptop at
nag-cellphone pa ako habang nagpapaantok.