Followers

Friday, April 1, 2016

Ang Aking Journal --- Abril, 2016

April 1, 2016 Balak ko sanang magpatanghali ng gising, kaya lang hindi na ako nakatulog pagkatapos kong magising bandang alas-singko y medya. Nasanay na ang mga mata ko sa ganoong oras na paggising. Kaya, bago mag-alas-siyete ay nasa school na ako. Doon na ako nagkape. Habang nagkakape, kinausap ako ni Tita Lolit. Magre-retire na raw siya. Sa August. Sa June na ang leave niya para asikasuhin niya ang mga papers. Hindi na raw kasi siya masaya. Nakakuha ako ng ideya. Naisip kong ini-April Fool's niya ako, kaya nang umuwi ako, nagpost ako sa FB ko. Ganito ang sabi ko: Sa PROPESYONG minahal ko nang husto... PAALAM. Hindi na ikaw ang gusto kong gawin... SALAMAT sa GES na nagbukas sa akin ng OPORTUNIDAD upang maranasan ko ang hirap at sarap ng pagiging GURO. Anyway, Congratulations, GRADUATES! Tawa ako nang tawa. Andami kasing naniwala. Kaya lang, na-realize kong pangatawanan ito dahil totoo namang dumating ako sa point n gusto kong iwanan ang Gotamco. Naalarma si Lorna, sina Mam Ana, Mam Rodel, Mamu, Mam Glo at Sir Erwin. Tumawag pa nga siya. Nakachat ko rin ang mga college classmates ko. Nag-confide na ako ng problema ko sa kanila. Nakakatuwa dahil nalamam kong binabasa pala nila ang akda ko. Huwag daw akong susuko. Alas-tres na ako pumunta sa school. Ang lungkot ko. Wala akong makausap. Sana, hindi na lang ako pumunta. Pumunta doon si Sir Erwin para kausapin ako, pero sabi ko April ngayon. Natawa lang siya. Pero nang makauwi na ako, pinagtapat ko na sa kanya. Sabi ko, hindi na ako masaya aa Gotamco. Pinipilit nga raw niyang makabalik sa school para may kasama ako. Sana... At dahil naramdaman ko na gusto akong matulungan ni Mam Lopez, nag-send ako ng mensahe sa kanya. Heto: Mam Glo, Magandang gabi po! Salamat po sa interes ninyo na makatulong sa mga pinagdadaanan ko. Isa po kayo sa mga guro sa GES na hinahangaan ko dahil sa pagkakaroon ng panahon sa paglingap at puso sa pakikinig sa mga kasamahan. Namimiss ko po kayo. Mapalad po ako dahil kahit paano ay nakasama ko kayo sa maikling panahon. Kaya nga, kung nasa Gotamco pa rin kayo, baka hindi ko po nararanasan ang mga bagabag na nararanasan ko sa ngayon. Alam niyo po, hindi na po masaya ang samahan sa ating paaralan. Nagpapataasan po kami. Ang karamihan ay naghahangad na umangat at angatan pa ang iba kahit sa maling paraan. May mga guro namang pinipigilan ang pag-angat ng iba. Nakakalungkot ang ganitong mga gawain at pangyayari. Biktima po ako ng crab mentality. Sa halip na suportahan ako, pilit pa nila akong winawasak. Ang journalism at pagsusulat po ang isa sa mga kakayahan ko, ngunit hindi nila iyon nakikita bilang mahalagang bagay para sa mag-aaral at guro, kundi isang balakid para sa kanilang paglago. Napagnilay-nilayan ko po na tanggapin ang paanyaya sa akin ng aking asawa na manirahan na lang sa Aklan upang doon ay magsama-sama kaming mag-anak. Naisip ko ang mga maaaring idulot nito sa kinabukasan ko at ng pamilya ko. Maaaring makabuti o makahadlang. Hindi na po ako masaya sa GES. Malala na po ang dayaan dito. Naglalamangan na ang isa't isa dahil lamang sa promotion. Nakakalungkot. Nakakawala ng respeto. Pasensiya na po sa abala. Naunawaan ko siya. Naunawaan niya ako. Gumaan ang pakiramdam ko. Hihintayin ko na lang ang pagbabalik ni Sir. April 2, 2016 Niyaya ako ni Ms. Trexie na pumunta sa school at mag-ayos ng mga kalat sa stage. Mga alas-otso ay nandoon na ako. Alas-9 na yata siya dumating, kaya nakapag-gardening pa ako sa taas. Hindi ko nga lang natapos. Naabutan kami doon ni Pres. Gigi. Ang April Fool's Day FB post ko ang una niyang approach. Gaya ng iba, huwag daw akong umayaw at umalis sa Gotamco. Nakakatuwa. Mas marami pa rin ang naniniwala sa kakayahan at kabutihan ko. Imagine na lang, ang pag-aasikaso ko ng kalat ng graduation. Supposedly, hindi ako ang dapat naroon. It's should be the Grade Six teachers. Tama si Trexie, dapat may committee sa housekeeping. Ang pagliligpit ang pinakamahirap na gawain sa isang programa. Inabutan din kami doon ni Mam Deliarte. Sana ma-realize niya ang pagiging maaasahan ko, hindi tulad ng mga paborito niya at sipsip sa kanya, na puro pasosyal lang ang alam. Pinakain niya naman kami ng cake at ice cream bago kami umuwi. Doon niya ako tinanong ng tungkol sa post ko kahapon. Natawa ako. Pati pala siya ay naintriga. Siguro ay may nakapagchika na sa kanya. Sayang, nagbibiro lang ako. Hindi pa rin ako titigil at aalis sa Gotamco. Sa ayaw at gusto nila, makakita at makakatrabaho nila ako. Past five, nagkita kami ni Epr sa Alimall para ibigay niya sa akin ang powerbank na ipinaorder ko sa kanya sa Lazada. Binayaran ko na rin. Dumiretso na ako sa Bautista. Naabutan ko si Shimi. Ang suwerte niya dahil may mga grocery akong binili. Para sana sa mga anak ni Jano iyon, kaya lang hindi na ako makakapunta. Abril 3, 2016 Umalis ako sa Bautista ng bandang alas-nuwebe ng umaga. Tinanghali na ako sa biyahe. Ramdam ko na naman ang matinding init ng panahon, kaya medyo tinamad akong umalis at magsimba. Hindi nga lang ako nagpatalo kay Satanas. Pagkatapos kong magdilig ng mga halaman sa school, pumunta na ako sa worship place. Doon ay niyaya pa ako ni Sir Jeff at ni Pastor sa kanilang outing-baptism sa Martes. Tamang-tama, outing din ng GES faculty, kung saan hindi ako sasama. Pagkatapos magsimba, hinintay ko si Trexie. Siguro, alas-8 na siya dumating, kaya alas-9:30 na kami natapos mag-decorate ng stage para sa opening program ng summer camp, bukas. April 4, 2016 Unang araw ng Summer Reading Camp. Gaya ng inaasahan ko, labo-labo na naman. Wala na namang direksiyon. Mabuti na lang, nagkaroon pa rin ng parada. Kaya lang, ilang kanto lang ang inikutan. Ang nangyari, kakaunti ang mga batang dumating. Gayunpaman, nairaos ng kick-off. At ang mahalaga, nakagawa kami ni Mam Dang ng kampo, kahit ni hi, ni hoy, wala ang nakakataas naming kagrupo. Parang tanga lang siya. Nakatingin lang sa amin. Naghihintay na lapitan. May mga tao talagang manhid at walang kusa. Dinaig pa ang tanga at bobo. Tindi! Grabeng kapal ng mukha. Sumali pa, hindi naman pala kikilos. Palibhasa, walang talent, kundi ang pumuna at manira. Tsk tsk. Poor soul. Nakakaawa lang. Alas-4 na ako nakauwi. Nag-issue pa kasi ako ng report cards at naghanda ng activity para sa Wednesday. Abril 5, 2016 Napaaga ako sa paggising at pagpunta sa Gomez. Alas-sais kasi ang text ni Sir Jeff. Kaya, wala pang alas-sais ay nandoon na ako. Naghintay ako. Okay lang dahil sulit naman. Napakasaya ko ngayong araw dahil na-witness ko kung paano kumilos ang Panginoon sa pamamagitan nina Pastor Ed at Sister Mary. Si Sis. Mary, dating Buddhist, ay ang may-ari ng building na gagawing worship place ng Elijah Christian Ministry. Nagpaluto siya ng dalawang kaldero ng lugaw upang ipakain sa mga nagugutom. Doon sa tenement na pag-aari niya, nag-feeding kami, habang may background na gospel songs. Ang saya! Kakaibang experience. Hindi ko iyon ipagpapalit sa outing ng mga kasamahan ko. Nagfeeding din kami sa ibang lugar. Na-realize at nakita ko na marami pala talaga ang natutuwa sa simpleng pagkain. Humanga ako kay Pastor. Siguro, matagal na niyang pinapakain ang mga pulubi sa lugar na iyon. Nagpakain din kami sa may Roxas Boulevard, kung saan naroon ang mga ka-churchmates namin. Sila pala ang benrfeciaries dati ni Pastor ng kanyang nilagang saging. Natutuwa ako sa sinabi ng isang nabigyan ng lugaw. Aniya, "Mabuti pa kayo nagpapakain ng lugaw. Sa Kidapawan, pinapatay ang humihingi ng bigas." Oo nga naman. May kumuha rin sa amin ng video. Isang babae na nakasakay sa FX. Alam ko, ipopost niya iyon sa social media. Pero, hindi iyon ang mahalaga sa amin. Ang pagkakaroon ng malasakit sa kapwa ang nais na ipabatid ng ministry. Masarap talagang tumulong. Hindi naman kailangang maging mayaman upang ang mga kapuspalad ay matulungan. Pagkatapos ng feeding. Bumiyahe na kami patungo sa Pansol, Laguna. Kasama namin ang mag-anak ni Sis. Mary, na nagdidiwang ng kaarawan ngayon. Magbabautismo rin si Pastor ng mga kapatid na tumanggap na kay Cristo. Pag-aari ni Sister Mary ang resort kaya natuwa ako. Solo namin ang lugar. Naramdaman ko kanina ang presensiya ng Holy Spirit. Tuwang-tuwa ako. Gusto kong maiyak sa galak. Thankful ako sa mga taong naging bahagi nito. Alas-9:30, nakauwi na ako sa boarding house. Antok at pagod man ako, hindi ako maaaring magreklamo sapagkat lubos akong naligayahan at napuspos ng espiritu. Abril 6, 2016 Maaga akong nakalabas sa boarding house para makapag-almusal ako. Tamang-tama, naabutan ko si Miss Kris sa carinderia. Sabay na kaming kumain. Second day ng summer camp, na supposedly ay third day. Naging masaya at matagumpay ito. Nakapagpagawa kami ni Mam Dang ng name tag sa mga campers, gamit ang surf boards na prinint ko sa bond paper. Nilagyan nila iyon ng sariling disenyo. Kakaibang activity. Ginaya nga kami ng ibang kampo. But, walang artistry. Iba pa rin ang pinag-isipan. At, gaya ng inaasahan ko, hindi lumapit ang empty, I mean, ang MT namin. Late na nga siya, tapos nag-stay lang siya sa office. Kaluoy. Walang friends. Kaya naman namin ni Mam Dang. Kahit naman dumating ang isa pa naming kasamahang "Most Punctual", hindi rin naman kami natulungan. Bukas, sana dumating na si Mam Anne para tatlo na kaming magtuturo sa campers. Nakauwi na ako ng bandang ala-una y medya, pinababalik pa ako ng principal dahil kakausapin daw kami tungkol sa K to 12 at sa Trip to Palawan namin na magkakasabay. Hindi nga ako bumalik. Parang wala namang bukas. Kapag kaharap ako, hindi naman ako mapersonal. Abril 7, 2016 Nasira ang araw ko nang sumali sa amin si Empty. Pero, sumabog siya bago mag-10. Nagwala. Nagtumba ng upuan habang nagsasalita ng kahungkagan. Tinanong ko kung sino ang kaaway niya, kahit alam kong sa akin nagagalit. Kaya pala, nagagalit dahil hindi ako pumayag na sabitan niya ng mga manila paper ang banderitas ko. Awkward naman kasi. Naglagay na ako ng sabitan ng mga outputs ng mga bata. Hindi dapat sa banderitas. Kung ano-ano pa ang sinabi. Lumapit pa ang manugang niyang palengkera rin, gaya niya. Umayos daw ako dahil matanda iyon. Wala naman akong ginawant masama. Nagtanong at nag-explain lang ako. Itinuturo ko pa nga ang lagayan, baka hindi niya nakita kasi dalawang araw siyang hindi nakisali. Ayos lang. At least nalaman niya na hindi ako basta-basta. Nakakahiya nga lang siya dahil unprofessional ang ginawa niya. Nasabihan ko pa siya ng ganun, twice. Nag-stay ako sa classroom ko hanggang 4 PM dahil gusto kong umidlip. Ang init kasi sa boarding house ko. Hindi naman yata ako nakatulog dahil hindi ako komportable sa higaan ko--- mga hinilerang upuan. Nagkuwento ako kay Sir Erwin, through PM, nang mabanggit ni Plus One ang tungkol sa nangyari. Lalong lumakas ang loob ko. Alam kong nariyan sila para bigyan ako ng payo. Abril 8, 2016 Hindi nag-stay si Mocking Bird sa Kampo Singko, kaya masaya ako. Naging epektibong facilitator na rin ako. Nakapagpalaro at nakapag-discuss nang maayos. After ng camp, nag-stay uli ako sa classroom ko para umidlip. Nainis lang ako dahil binuksan niya ang pintuan. Inilista ang room bilang kasama sa mga gagamitin ng mga participants ng Aliwan Festival. Ewan ko kung alam niyang nasa loob ako at nakahiga. Gabi. Nag-chat kami ni Sir Erwin. Ibinalita niya sa akin na naisumbit na niya ang letter of intent hiniling niya na ipanalangin ko ang pagkaka-approve niyon. Ang sagot ko'y 'Answered prayer na 'yan, Sir. It is really God's will.' Sabi naman niya, 'I claimed it.' Magiging masaya ang karamihan. Soon! Abril 9, 2016 Alas-kuwarto y medya pa lang ay gising na ako dahil ayokong maiwanan ng sasakyan na magdadala sa amin nina Pastor Ed, Sir Jeff at ako sa camp ng The Tent of Elijah sa Capas, Tarlac. Medyo napaaga nga ako dahil alas-siyete na yata dumating si Sir Jeff. Saka lang din ako nakapasok sa Gomez Mansions. Okay lang. Kalahating oras, saka naman dumating ang driver ng kotse na maghahatid sa amin. Sa biyahe, narinig ko ang mga plano ni Pastor at ilang pangyayari sa buhay niya na nagpatatag sa kanya bilang pastor. Isa sa mga plano niya ay ang magkaroon ng Christian school. Gusto niyang kami ni Sir Jeff ang magsimula niyon. Isasama rin niya ako sa patuturuan ng driving lesson, dahil kailangan daw sa ministry ang marunong magmaneho. Umoo na ako kahit ni sa hinagap ay hindi ko talaga iyon gusto. At ang nagustuhan ko sa lahat ay ang paggawa ng newsletter. Nais niyang maipagpatuloy namin ni Jeff ang nasimulan niya sapagkat hindi na raw niya iyon mahaharap. Hiningian niya ako ng takdang-panahon, kaya ang sabi ko, kaya naman hanggang sa ikatlong linggo ng Abril, basta mabigyan lang ako ni Sir Jeff ng mga detalye ng mga activities nila noong Enero hanggang Marso. Sa wakas, magagamit ko na rin ang kakayahan ko upang maglingkod sa Panginoon. Sa biyahe pa lang, excited na ako. Ito ang first time kong dumayo pa sa malayong lugar upang mag-missionary work. Na-traffic lang kami, kaya pasado alas-dose na kami dumating sa camp. Agad namang nag-preach si Pastor. Nakakatuwang isipin at tingnan na ang mga dating taong kalsada ay nagpupuri at nagsasamba na sa Panginoon. Hindi ko maipaliwanang ang kasiyahang aking naradama. Tunay ngang naging instrumento si Pastor Ed sa mga homeless people upang mabago ang kanilang mga pananaw at gawain. Biyaya rin ang hatid ng kanilang pagsasa-Diyos, dahil ang kakarampot na ulam ay sumapat sa aming 19 katao. Limang maliit na galunggong ang inilaga sa santol. Nabusog ang lahat. Sabaw pa lamang at lamang ng santol ay ulam na. Sagana pa naman sa masarap na kanin, na podukto mismo ng Capas, Tarlac. Pagkatapos ng tanghalian, nakipag-usap sa akin si Joshua. Nagkuwento siya. Siya raw ay apo ng datu sa Zamboanga. Malaki ang pasasalamat niya sa Diyos at kay Pastor Ed, sapagkat naging Kristiyano siya. Dati, isa siyang freedom fighter. Iniwan niya ang pagiging Muslim upang maglingkod sa Panginoon. Ipinagpalit niya ang mga luho at kapangyarihan sa simple at mapagpalang pamumuhay, na natagpuan niya sa lugar na kung saan ko siya nakausap. Ipinagpalit niya ang kanyang mamanahin sa kanyang ina at mga asawa, (isa na rito ang isang prinsesa ibang bansa) upang talikuran ang pagpatay. Nalulugod akong makilala siya. Marami akong nalaman sa relihiyong Islam. Nakakatakot, pero sa mga sandaling iyon, hindi ako kakitaan ng pangamba. Hindi na siya ang dating pumapatay ng Kristiyano. Hindi na siya naniniwala sa aral ng Q'ran. Siya na ngayon ang piniling pinuno ng TTOE at maging guro sa mga batang kapos pa sa kaalaman sa pananampalataya. Nakita ko naman ang kanyang sinseridad. Halos maluha ako sa kanyang mga confession. Tunay ngang nagmilagro ang Panginoon upang makita niya ang katotohanan. Naniniwala siyang dinala siya ng Diyos sa lugar na iyon upang gamitin sa pagpapahayag ng katotohanan. Natutuwa rin siya dahil sa kanyang pagiging Kristiyano, marami rin sa mga kapatiran niyang Muslim ang nag-asawa ng Kristiyano. Gusto ko pa siyang makilala nang lubos, ngunit hindi na kinaya ng oras. Gayunpaman, ang ilang minutong iyon ay isang napakalaking biyaya na ng Diyos para sa akin. Nadagdagan na nga ako ng bagong kaibigan, napuno pa ng kaalaman ang aing isipan. Ang katulad ni Omar Kiram o ni Joshua Austria Kiram ay isang patunay na ang Diyos ay napakamakapangyarihan. Nagpatawag ng meeting si Pastor Ed, habang nagkukuwentuhan naman kami ni Sis. Kathy, ina ng pitong bata at dalagita sa kampong iyon. Marami rin akong natutunan sa kanya at sa dalawa niyang dalagitang anak. Ayon sa kanila, nahuli sila ng DSWD at dinala sa RAC Center sa Marikina. Impiyerno raw ang lugar na iyon. Maraming kababalaghan ang naramdaman at nakita mismo ng kanilang mga mata. Pinatunayan ito ni Sis. Kathy. Nahuli rin daw siya. Gusto kong tanggihan ang kanilang kuwento, pero tila totoo ngang sa lugar na iyon ay maraming pinapatay, maraming kaluluwang nagugutom at nauuhaw sa katarungan. Ang mga tauhan mismo ng nasabing ahensiya ang kumikitil sa mga buhay ng mga nahuhuling street people. Naitanong ko nga sa kanila, bakit kasi hinuhuli pa nila kayo kung papatayin lang kayo? Nahihirapan daw kasi ang mga tauhan sa pagpapaamo sa kanila. Ang lahat ay nais bumalik sa kalsada. Kaya kapag nagpupumilit sila sa gusto nila, pinaparusahan sila, hanggang sila ay bawian ng buhay. Marami nga raw silang nakikitang bangkay sa mga cabinet. Dahil dito, nagpasya silang tumakas. Hindi raw nila kayang magtagal at mabuhay sa lugar na iyon. Mamamatay sila kapag hindi nila iyon ginawa. Kaya, inakyat nila ang mataas na pader ng center, kasama ng ilang mga kasamahan. Sabi ni Sis. Kathy, sa camp lamang sila nabuong magpapamilya. Sa ngayon, masaya at simple silang namumuhay doon. Nagpapasalamat siya kay Pastor. Natigil na rin ang paggamit nilang mag-asawa ng droga, gayundin ang paggamit ng rugby ng kanyang mga dalagita. Praise God! Napakabuti Mo. Sa meeting, pinaamin ni Pastor ang lahat tungkol sa nawawalang mga bibe at manok. Nagkaroon ng aminan. Nakakatuwa dahil nagawa ni Pastor na gawin iyon bilang paraan ng pagpapahayag ng mga salita ng Diyos. Disiplina at pagiging tapa tang nagtagumpay sa usapang iyon. Ang panghuli, naiyak ako sa mga inusal na dasal ng mga bata. Ang huhusay nilang manalangin. Sinsero, makabuluhan at siksik. Grabe! Pambihira talaga ang pagkilos ng Panginoon sa kampong iyon. Noon lamang ako nakakita ng mga dating taong-kalye na kay huhusay magdasal. Nag-aagawan pa nga sila. Kaya ang ginawa ni Pastor, lahat sila ay pinag-usal ng panalangin. At, lahat sila ay nakakamangha ang galing sa paghingi ng tawad, pagpuir, paghiling at pagpapasalamat. Pagkatapos niyon, halos ayaw ko nang umalis. Inaabangan ni Pastor na sabihin kong magababakasyon ako doon ng kahit isang linggo. Gusto ko naman, hindi nga lang ako handa. Gusto ko kasing makasalamuha at makilala ko pa sila nang lubos. Nais ko ring maranasan ang buhay sa kampo. Naging interesado ako sa sinsabi nilang devotion, araw-araw. Handa naman akong mawalan muna ng internet para lamang madama ang tunay na kahulugan ng kasimplehan ng buhay. Pag-iisipan ko pa. Sa Sitio Patling, kung saan naroon ang mga kapatid ni Pastor Ed, nagkarooon ng worship. Gaya ng dati, ni-recognize niya ako. Mahalaga para sa kanya ang aking pagdalo at presensiya. Natutuwa rin naman akong makasama sila sa gayong gawain. Ginabi na kami, kaya doon na kami naghapunan. Kay sarap pa naman ng ulam—ginisang bunga ng malunggay ay puting beans. Nakakamiss ang pagkaing probinsiya. Alas-10:30 na ako nakauwi sa boarding house. Pagod at antok man, pero masayang-masaya ako. Sa Sabado, sasama uli ako. Abril 10, 2016 Nagpagupit at nagpakulay ako ng buhok, kaya hindi ako nakadalo sa fellowship sa Gomez na pang-10:30. Sa halip, alas-4 na ako nagsimba. Hindi gaya ng dati, medyo nabawasan na ang pagkahiya ko at pagka-out-of-place. Unti-unti na rin akong nakikilala ng mga ECF members. Sanay na rin akong makisalo sa kanila sa hapunan, pagkatapos ng pagsimba. Hindi agad ako nakauwi, pagkatapos ng simba, dahil pinag-usapan pa namin nina Pastor at Jeff ang newsletter na gagawin namin. Nagkaroon din kami ng prayer meeting, matapos naming maplano ang mga gagawin sa pagli-layout. Naroon pa rin kasi sina Sis. Tina, Sis. Vangie at ang anak niya. Nag-share ako ng ilang bahagi ng buhay ko sa kanila. Ipinagpray nila ako. Abril 11, 2016 Masaya akong pumunta sa school. Naabutan ko doon ang mga taga-Maguindanao na nag-house sa mga classrooms para sa Aliwan Festival 2016, na taon-taon namang ginaganap. Makalat ang school. Andami kasi nilang props. Hindi naman nakakainis. Nagandahan nga ako, dahil makukulay ang mga ito. May mga antigong kagamitan pa sila, gaya ng gong, kulintang, mga jars, at kung ano-ano, na ipinakilala sa akin ng isa sa mga friendly na Maranao. Pagkatapos nun, nakita ko si Mam Rose at agad ko siyang nilapitan. Humingi ako ng tawad sa nagawa ko. Nagkapatawaran kami sa office. Nakakaluha pala ang ganung eksena. Gayunpaman, masayang-masaya ako dahil nabawasan ang bigat sa aking dibdib. Dalawang tao na lang ang kakausapin ko. Kumukuha lang ako ng tiyempo. Maganda ang resulta ng tagpong iyon. Nakapagtrabaho ako, kami ng maayos at masaya. Naging masaya rin ang mga campers nan Grade V. Ala-1, nasa KFC na kami ni Tita Lolit. Magla-lunch kami nina Sir Erwin doon. Na-late lang siya ng dating. Ikinuwento ko sa kanila ang pagbabati namin ni Mam Rose. Natuwa silang pareho, lalong-lalo na si Sir. Ikinuwento ko rin ang mga naging activities ko regarding sa aking new-found ministry. Naengganyo sila nasubukan ang mga iyon at marating ang camp. Abril 12, 2016 Naging maligaya ang umaga ko kanina dahil nagkapatawaran na kami ni Mareng Lorie. Matagal kaming nag-usap sa kusina ng office, habang nag-aalmusalng suman na pasalubong ni Karen at habang labas-masok naman ang mga co-teachers namin. Okay lang naman. At least, nalaman nila na nag-ayos na kami. Kinausap ko rin si Mareng Janelyn. Hindi ako nag-apology. Pero, ang pagtawag ko sa kanya bilang 'mare' ay patunay na ibinababa ko na ang aking bandila. Nag-usap naman kami tungkol sa bahay naming kinuha sa Cavite. Naikuwento ko sa kanya na magseseminar na ako sa Sabado. Binati niya pa nga ako ng 'Congrats'. Itu-turnover na raw kasi sa akin ang bahay. Natuwa akong lalo. Naging maayos ang summer camp namin kahit may dumating na supervisor. Iba talaga kapag masaya ang paligid at ang puso mo, habang nagtratrabaho. Bago mag-alas-dos, sumama sa akin si Mam Dang papunta sa Gomez para raw makita niya at makausap si Pastor Ed. Kaaalis lang niya kaya naghintay kami sa may bakery, habang nagkukuwentuhan. Nauna na si Jeff doon kaya, sumunod na kami. Nagkuwentuhan muna kaming tatlo. Hindi na nga lang naming nagawa ang newsletter. At bago naman kami pumunta sa ECF Center sa M. Dela Cruz, nagkausap muna sina Pastor at Mam Dang. Natutuwa ako dahl nailapit ko siya at mailalapit niya rin si Kuya Win, na dating pastor sa pag-serve sa Lord. Gusto kong makatulong din siya sa ministry ni Pastor. Naging matagumpay ang unang beses na worship service sa ECF Center. Naging maaliwalas na ang lugar, although marami pa ang dapat ayusin at idagdag. God is great talaga. Ginagamit niya si Sis. Mary para maipalaganap ang mga salita Niya. Abril 13, 2016 Nag-almusal uli kami ni Sis sa carinderia. Napagkuwentuhan namin ang tungkol sa pagbabati namin ng mga kumare ko. Natutuwa rin siya. Naging masaya na naman ang araw ko. Bukod sa nagawa naming maging makulay, masaya at enjoyable ang araw ng mga Grade Five campers, kinausap pa kami ni Mam Deliarte tungkol sa Palawan trip namin. Siya na mismo ang nagsabing ililipat niya kami sa Grade 6. Naghanap at nagkausap din niya ng mga kapalit namin. Natuwa kaming tatlo. Sa wakas, naging panatag na ang kalooban namin na hindi na masasayang ang aming pera. Kung alam lang nila, mas masaya ako dahil makakasama ko uli ang mga V-Mars. Posibleng-posible na ang 'Trip to Mars'. Nag-stay ako sa Gotamco hanggang bago mag-alas-singko. Wala naman kasi akong gagawin. Nasa Bulacan sina Pastor at Jeff. Hindi pa nga nasimulan ang newsletter, natigilan na agad. Pag-uwi ko, sinimulan ko nang i-layout ang narrative report ng summer camp. By grade level daw kasi. Okay lang naman. Mas mabuti nga dahil maipapakita ko ang husay ko at ang kulay ng aming kampo. Panay ang drama ni Emily, maghapon. Gusto niya talagang doon ako sa Aklan magturo. Hindi niya lang ako maunawaan. Andami kong misyon sa Pasay. Abril 14, 2016 Maaga kaming nagsimula sa summer camp, kaya nakapag-photo op pa kami, gamit ang uniform naming pink shirt. Naging masaya ang buong araw ko dahil sa mga tawanan at kulitan namin. Dumating si Sir Erwin, bandang alas-tres ng hapon. Hinintay niya kami ni Roselyn. Hinintay din kasi namin ang libreng haluhalo mula kay Mam Deliarte. Alas-4:30, pumunta kaming tatlo sa hideout. Nagkuwentuhan at nagkumustuhan kami, since matagal nag-stay si Roselyn sa La Union dahil sa pagbubuntis at panganganak. Pasado alas-6 ay umuwi na kami ni Sir. Antok na antok at pagod na pagod ako, pero hindi ako nagpahinga. Bagkus, ginawa ko ang narrative report ng summer camp. Nakakainis lang dahil napakabagal ng publisher. Gayunpaman, marami-rami akong natapos bago ako inantok. Bukas, last day na ng summer camp. May short program, kung saan ako ang mag-e-emcee. Abril 15, 2016 Maaga pa rin akong pumasok kahit alam kong hindi naman agad masisimulan ang summer camp graduation. Tama nga ako. Alas-diyes na yata nagsimula. Ako ang emcee, dahil ayaw nina Sir Ren at Mam Anne. Okay lang naman sa akin. Nag-eenjoy ako sa public speaking. Ginawa ko ngang nakakatawa ang pag-eemcee ko. Napapatawa ko sila. Pasado alas-dos, bumiyahe kami nina Sir Erwin, Mam Anne at Mam Dang papunta sa Salitran, Cavite. Inimbitahan kami ni Mamah. Wedding anniversary nilang mag-asawa bukas. Napaaga kami ng punta dahil may mga lakad kami bukas. Nauna pa kaming dumating sa bahay niya. May nilakad pa kasi sila ni Mam Glo. Ayos lang naman. Pagdating niya, hinainan niya agad kami ng makakain. Tapos, nagpahanda ng videoke. Sulit ang pasyal. Medyo bitin nga lang sa kantahan. Dumaan muna kami sa bahay ni Mam Basil bago kami umuwi. Alas-diyes na ako dumating sa boarding house. Abril 16, 2016 Nakarating ako sa Homemark, Inc ng alas-8 y medya ng umaga. Kalahating oras pa ako naghintay sa pagsisimula ng validation seminar para sa mga borrowers. Isang oras lang iyon tumagal. Naunawaan ko naman halos lahat ang sinabi ng speaker na mula sa Pag-Ibig. Umalis agad ako pagkatapos. Sa HP na ako nag-lunch. Sobrang init sa boarding house, pero hindi ako lumabas para manuod sa Aliwan Festival. Mas mainit sa labas. Nagtiyaga na lang ako sa pagbasa ng tuwalya at pagtalukbong nito. Kahit paano ay naibsan ang init. Hindi nga lang ako nakatulog. Abril 17, 2016 Sayang, hindi makakasimba sina Mam Dang at Kuya Win. Nakakalungkot dahil hindi nila mararamdaman ang saya dulot ng fellowship. Although, first time kong makakasalamuha ang members ng CAFE, gayundin sana sila, tumuloy pa rin ako sa Gomez. Nahuli lang ako ng dating para sa prayer fellowship. Na-enjoy ko naman ang worship service at ang food fellowship. Nakakailang, pero pinilit kong maging kalmado. At, napagtagumpayan ko naman ang pagka-out-of-place ko, na naranasan ko noon sa panghapong worship. Kinausap ako ni Sis. Mary. Gusto raw niyang pa-tutor-an sa Math ang apo niya. Kinuha niya ang number ko. Kahit hindi ako tumatanggap ng tutorial, dahil mas gugustuhin ko pang maglaan ng oras para sa pagsusulat, nagdesisyon akong tanggapin ang opportunity dahil iyon ang nararapat. Gusto kong magbahagi, and at the same time, makadagdag sa panghulog sa lupa at bahay ko sa Cavite. It is a blessing, indeed! Pagkatapos ng food fellowship, umuwi na ako sa Antipolo. Nag-LRT ako para mabilis at hindi ako mainitan masyado sa biyahe. Nagulat at natuwa si Mama sa pagdating ko. Ang akala raw niya ay bago mag-eleksiyon pa ako pupunta. Nagulat naman ako sa presensiya ni Flor, na nangungutang sa akin ng pera para pambayad sa lupang bibilhin nilang mag-asawa. Sabi ko, manalangin siya. Hindi raw siya pinakikinggan kahit dasal na siya nang dasal. Ipinasok ko na tuloy ang mga misyonerong gawain ko sa Pasay. Halos maiyak si Mama sa tuwa. Gustong-gusto niya ang ginagawa ko. Naengganyo nga siyang sumama sa pagsimba. Tapos, nagkuwento pa siya ng tungkol sa muntikan nang pagkalaglag sa akin, nang nasa sinapupunan pa ako. Nahulaan daw ng lola niya na magiging misyonero ako. Mayroon na naman tuloy akong isusulat. Abril 18, 2016 Hindi ako nakatulog nang maayos kagabi dahil sa mga lamok. Ang init pa, kaya hindi rin ako makapagkumot. Siguro, alas-kuwatro na ako nakatulog. Gayunpaman, thankful pa rin ako sa Panginoon dahil sa panibagong umaga. Alas-9 nang umalis ako sa Bautista. Kailangan kong makabalik agad sa Pasay para sa gagawin namin ni Jeff na newsletter. Dapat na namin itong masimulan. Bago mag-alas-dos, nasa Gomez na ako. Nauna pa ako kay Jeff. Dumating naman si Sir Erwin ng bandang alas-3. Nakipagkuwentuhan siya kay Pastor. Pinagpray siya. Nais kong mahikayat din siya at sumunod sa Panginoon. Alas-kuwatro, nagpaalam na kami ni Sir. Aalis kasi sila. Ayos lang kung hindi muna ako isinama nina Pastor. May ipinapagawa rin kasi siya sa akin. Abril 19, 2016 Alas-nuwebe pa lang ay nasa school na ako. Akal ko ay wala si Mam Deliarte lang. Nandoon pala. Makikipag-bonding sana ako kay Plus One. Mabuti na lang, nagbaon ako ng extra shirt para may pampalit ako pagkatapos kong maglinis sa classroom. Ibinigay ko kay Ate Cris ang mga papel at kalakal na maaari niya pang ibenta. Halos malimas na ang mga gamit ko sa kuwarto. Mabuti naman para maaliwalas na. Konting ayos pa niyon, ang gagawin ko, bago mag-eleksiyon. Sana sa Friday ay makabalik ako. Pasado alas-dos, nasa Gomez na ako. Nauna naman si Jeff doon. Naipakita na namin kay Pastor ang draft ng newsletter. Hindi pa nga lang niya maedit at mabasa lahat, kaya hindi pa rin ma-layout ni Jeff. Pero, so far, naging mabilis naman ang paggawa namin. Ilang araw pa ay makakapagprint na rin kami. Pasado alas-singko, pumunta naman kami sa ECF Center sa M. Dela Cruz para mag-worship. Doon ay damang-dama ko ang presensiya ng Panginoon. Andami ko na namang experience. Ang bait pa ni Sis. Mary. Namigay pa siya ng Daily Bread. Parang noong isang araw lang, nag-wish akong magkaroon uli nito. Answered prayer. God ia really good all the time. Abril 20, 2016 Nagtiis ako sa init maghapon dahil hindi ako umalis. Kinansel ni Pastor ang paggawa ng newsletter dahil ayon kay Jeff, may darating na Korean friend sa Gomez. Okay lang naman. At least, nakapagpahinga ako. Sinimulan ko ngayon araw ang pagbabasa ng Our Daily Bread. Although, kagabi pa binigay ni Sis. Mary, kaninang umaga lang ako nag-almusal ng Salita ng Diyos. I found it spiritually healthy. Dati naman akong nagbabasa nito. Ngayon na lang uli ako nagkaroon ng libro. I just hope na matapos at ma-sustain ko ito. Abril 21, 2016 Naglaro lang ako ng Candy Crush, halos maghapon, kasi wala na naman sa Gomez. Masama raw ang health ni Pastor. Kailangang magpalakas. Nag-edit na lang ako ng nobela kong 'Ang Pagsubok ni Lola Kalakal'. Gaya ng dati, naiyak na naman ako sa ending. Hindi ko na talaga mahintay na maipublish ko ito. Gabi, nag-aral akong maggitara. Chords ng G, E, C, at D ang pinag-aralan ko. Nanuod ako sa youtube. Sana ma-sustain ko ito. Araw-araw dapat ay may apat na chords akong matutunan. Gusto ko rin kasing makatugtog ng papuri sa Diyos. Abril 22, 2016 Nasayang lang ang panahon at pamasahe ko nang pumunta ako sa PNB para magdeposito sana sa Now Account ko. Offline daw sila. Gusto ko kasing magtipid at mag-save para sa bahay at lupa na kinuha ko sa Tanza. Kakainis. Pinadalhan ko naman si Emily, pagkatapos kong biruin na saka na ako magpapadala. Wrong timing pala ako. Isinugod kasi sa hospital ang tita niya. Lantang gulay na raw. Pinakalma ko siya. Sa HP, nag-stay ako ng halos isang oras sa pagbabasa ng BlurRED, nobela ko sa wattpad. Pagkatapos iyon na makabayad ako sa bill ng wifi ko. Then, pumunta ako sa GES. Sakto! Wala si Mam. Nakapag-lunch pa kami nina Plus One at Mam Milo doon. Hanggang alas-singko ako doon. Nakapag-ayos pa ako ng classroom ko. Ready na iyon sa election. Linisan at ayusin na lang nila. Itinago ko lang naman ang mga gamit ko. Naabutan pa ako ni Mam doon ng bandang 4:30. Ayos lang. Nagbabasa lang naman ako. Gabi, bago matulog, inayos at inihanda ko ang dadalhin ko sa Capas, Tarlac bukas. May mga notebooks, papel, lapis, ballpen, candies at damit akong ipamimigay doon. Tiyak kong matutuwa ang mga bata at kabataan sa camp. Abril 23, 2016 Sumakit ang ulo, bandang alas-7:30 ng gabi. Naisip ko na baka dahil ito sa sobrang init. Idagdag pa ang maghapon kong exposure sa radiation ng laptop at cellphone. Hindi naman kasi puwedeng hindi ako gumamit ng mga gadgets. Nag-eedit ako ng nobela ko sa wattpad. Tapos, wala namang magawa. Pero, nang kumain ako ng saging, nabawasan ang sakit. God heals me. Abril 24, 2016 Ang hirap ng walang kasalo sa pagkain. Lagi akong walang gana. Ang init pa naman. Kaya, naisipan kong kumain sa fast food chain kung saan naubos ko ang inorder ko. Naenjoy ko pa ang mga kuwentuhan ng mga nasa kabilang table ko. (Hokage move) Nag-stay ako sa mall ng mahigit dalawang oras bago umuwi, para naman sa pagsimba ko. Pagkatapos ng simba, nanuod ako ng presidential debate. Tinutukan ko. Abril 25, 2016 Pumunta ako sa school pagkatapos kong i-chat si Mam Jing. Siya ang nagyaya sa akin. Wala raw si Mam. Naalala ko, ngayon pala ang seminar ng K to 12, na supposedly ay isa ako sa mga attendees. Doon, naabutan ko sina Mam Lolit. Niyaya niya akong kumain sa labas, kasama sina Sir Erwin, Mam Glo at ang kanyang pamangkin. Alas-tres, nakompleto na kami sa Max's. Isang masaganang kainan at kuwentuhan ang naganap. Nakapagkuwentuhan kami nina Mam Glo at Papang tungkol sa mga nangyari at nangyayari sa Gotamco. Isa rin siya sa mga naniniwalang may irregularities sa school. Past five na ako nakauwi sa boarding house. Gusto ko sanang pumunta sa Baclaran, kaya lang masama ang pakiramdam ko. Sobrang sakit na naman ng ngipin ko. Gusto ko rin sanang marami akong maedit na nobela ko, kaya lang pineste talaga ako ng toothache ko. Gayunpaman, nakapagsend ako ng entry sa "The Cirilo F. Bautista Prize for the Novel". Isinali ko ang 'Ang Pagsubok ni Lola Kalakal". At dahil bawal ang published na entry, dinelete ko muna ang mga post ko sa KAMAFIL at Poresgraphy. Ginawa ko ring draft ang nasa wattpad at blogspot. Binura ko na rin muna ang nasa issuu.com. Sana lang hindi na nila makita ang post ng LSK, kung saan napili ang dalawang kabanata niyon para sa online magazine. Gusto kong makatikim ng panalo sa aking nobela, na nilagyan ko ng puso. Para ito sa mga estudyante ko na siyang nag-inspire sa akin na masulat ito. Abril 26, 2016 Pagkatapos kong magpadala kay classmate Mylene Arsenal ng P1000 para sa Jansport bags na inorder ko sa kanya, pumunta ako sa Baclaran para bumili ng balabal na pang-beach. Hindi ako nakahanap ng gusto ko, kaya medyo disappointed ako pag-uwi ko. Hindi bale. Tuloy pa rin naman ang palawan trip bukas. Hindi na muna ako nagsimba sa ECF Center. Nagpahinga ako sa kuwarto nang magsubside na ang init. Alas-singko diyes na ako bumangon. Sa baba o kusina kasi ako nag-stay maghapon, dahil sa sobrang init sa taas. Ilang araw ko na ring ginagawa iyon. Alas-siyete y medya na ako nag-empake ng mga dadalhin ko sa Palawan. Isang bag lang ang dala ko. Enough para sa '4 nights and 5 days escapade'. Ngayong gabi rin, nagkapag-send ako ng email sa Palihang Rogelio Sicat 9. Nagpadala ko ng limang dagli, as required. Sana mapili ako as isa sa mga workshop participants. Gusto kong mas matuto pa. Abril 27, 2016 Nagkita kami ni Mamah sa may Coastal Mall. Doon kami sumakay papunta sa Terminal 4. Nandoon na sina Sir Erwin nang dumating kami. Naghintay kami ng ilang minuto sa pagdating ng iba pa. Dream come true ang araw na ito. First time kong makasakay sa eroplano. Kakaiba pala talaga ang feeling. Tuwang-tuwa nga ako nang makita ko ang mga ulap, pati na rin ang mga kabahayan, kalupaan at kabundukan. Nakakahilo lang. Gayunpaman, nagpapasalamat ako sa Panginoon dahil ligtas kaming nakarating sa Puerto Princesa City. Pagkatapos naming mag-check in, matagal na paghihintay ang nangyari. Nadelay ang flight ng isang oras, kaya gutom na gutom na ako. Nang kumakain na kami, sumakit na naman ang ulo, kasabay ng ngipin ko. Sobrang sakit ang naramdaman ko. Naalarma nga sila. Sabi ko, madalas ko iyon maranasan ngayong tag-init. Nawala rin nang makalanghap ako ng hangin at malamigan ako. Ala-1:30, simula na ng tour namin. First stop is Palawan Baywalk. Sunod na ang plaza cartel at parish church. Namili kami pagkatapos ng mga souveneirs at pasalubong. Nakabili na rin ako sa wakas ng malong. Next stop is crocodile farm. It is followed by a trip to Rancho Mitra and Baker's Hill. Sa mga napuntahan namin ngayong araw, sa Baker's Hill ako nasiyahan. Napakaganda. Superb ang landscape at artisty ng lugar. Kakaiba ang concept. Pinaghalong nature, garden, human-sized figurines and artifacts ang mga design. May artistry talaga. Maeenjoy ng bata at matanda. Hindi lang ako ang nagsabing maganda doon. Lahat kami. Sana nga hindi na kami nagtagal sa crocodile farm, na wala namang sabor at walang bago. Bago kami bumalik sa Roma Pensions House, kumain muna kami sa sikat na sikat na restaurant na 'Kinabuchs'. Masasarap ang pagkain sa kanila. Affordable pa. Abril 28, 2016 Namahay ako kagabi. Ilang oras lang tuloy ang naitulog ko. Idagdag pa ang malakas na hilik ni Sir Hermie. Pero, ayos lang. Alas-siyete, umalis na kami sa hotel, para sa island hopping. Past 8 na kami nakarating sa Luli Island. Na-enjoy ko ang beach na ito. First time ko yatang mag-enjoy sa isang beach. Una, comfortable ako sa swimming gear ko. Next is maganda ang lugar at amenities. Doon pa ako unang nakaranas ng diving. Hindi naman ako naligo sa Starfish Island. Kumain lang at nagpicture. Samantalang sa Cowrie Island, naligo lang ako. May mga pictures din naman, pero hindi ganun kadami. Gayunpaman, sulit ang buong araw. Sobrang saya. Nag-dinner naman kami sa baywalk. Nag-boodle fight kami doon. Masarap ang mga pagkain. Affordable pa. Abril 29, 2016 Nag-enjoy ako sa Underground River tour namin, kahit matagal kaming bumiyahe at naghintay. Sulit naman sa aking mga nakita sa loob ng kuweba. Nakakamangha talaga ang mga stalactites. Dapat nga lang talaga siyang mapabilang sa New Wonders of the World. Naenjoy ko rin ang paghihintay namin doon sa Palawan Mangrove. Although, mas maganda ang sa Aklan, sulit naman dahil nakapag-adventure kami sa may beach doon. Andami naming pictures. Alas-4:45 na kami dumating sa Roma Pensions. Past 6 PM, niyaya naman ako nina Mamah at Mam Jing na umalis. Nagwithdraw sila. Pagkatapos, hinanap namin ang bahay ng kaibigan ni Mamah. Nahanap namin matapos ang mahaba-habang paglalakad at pagtatanong. Doon ay naabutan namin ang isang birthday party, kaya nalibre ang aming hapunan. Nabusog rin ang mga mata namin sa ganda at gara ng kanyang tahanan. Nainspire din ako sa kanyang yaman. Nakakabilib ang kanyang pagyaman.

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...