Agosto 1, 2024
Putol-putol ang tulog ko dahil sa pag-ihi. Isinisi ko iyon
sa instant 3-n-2 coffee na ininom ko sa school kahapon. Hindi na siguro ako
iinom niyon lalo na't malapit nang maging pang-umaga ang pasok ko.
Past 6, bumangon na ako upang gawin ang kakaibang morning
ritual. Ilang araw ko na ring ginagawa ito, at ramdam kong nakaka-boost ng
confidence. Gayunpaman, ihihinto ko next week dahil mas maraming bagay na akong
dapat i-prioritize.
Nainis ako kay Jano. Sagot ko na ang private resort, na
worth P15,000 for 22 hours, sa akin pa itinotoka ang cake, disposables, at
drinks. Sinagot ko. Hindi raw kasama sa budget ang venue. Ginulat ko raw sila.
Ayaw ko sa lahat ang nai-invalidate ako. Pinababawi ko ang reservation. Si
Taiwan ang nagsabi na "Okay na 'yan." Kako, ang layo pa namin. Hayun,
ia-adjust nila ang mga putahe.
Before 8:30, umalis na ako sa bahay. Maaga ako kasi gusto
kong ma-withdraw ang YT salary ko. Kaso, wala pa rin. Ang tagal pumasok sa
account ko. Noony July 21 pa iyon ni-release ng Google Adsense. Haist!
Pagdating ko sa school, agad kong hinanap si Ma'am Vi.
Saglit kaming nagkausap tungkol sa paglipat ko. Sabi ko, gusto ko sanang
makalipat na sa Lunes, kaso maliwanag naman ang sinabi ng principal na lilipat
lang ako kapag dumating na ang bagong guro. Nanghihinayang lang kasi ako sa
pag-stay ko sa Grade 4, samantalang puwede naman sanang lumipat na ako para
makapagsimula na.
Ngayong araw sa classroom ng Grade 4-Buko, kalmado lang ako.
Hindi sila mahirap pasunurin. Pero hindi talaga mawawala ang mahihinang umuwa
ng mga panuto. Sa paulit-ulit na tanong nila ako naiinis. Gayunpaman, maayos
sila at tolerable ang kulit nila. May nangilan-ngilang pasaway, pero masasabi
kong kayang-kayang i-handle ng parating na guro.
Sumabay uli ako kay Ma'am Joan. Asawa niya ang nagmaneho. Sa
Gahak nila ako ibinaba kay mas mabilis akong nakauwi.
Pagkatapos kong manood ng mga inaabangan kong teelserye,
natulog na ako. Sobrang kulang na ako sa tulog.
Agosto 2, 2024
Past 6, nagising ako. Nauna na naman ako sa alarm ko. Okey
lang naman kasi kailangan kong makarating sa school ng 10:30 para sa faculty
meeting.
Wala pang 8:30, nakasakay na ako sa bus. Sinubukan kong
magsulat ng nobela. Kahit paano ay nadugtungan ang sinulat ko kahapon.
Sa school, hindi pa agad nagsimula ang faculty meeting.
Bukod sa napaaga ako ng 20 minutes, hindi pa dumating ang iba.
Past 12 na natapos ang meeting. Nasa classroom na ang mga
estudyante. Binantayan sila ni Sir Hermie.
Natuwa ako kay Kapitana Tubo kasi binigyan niya ako ng
limang kilo ng bigas. Tinawag niya talaga ako nang makita para lang sabihing
magbibjgay siya ng bigas, at huwag ko ang ipaalam sa ibang guro.
Ngayong araw, natapos kong ma-identify ang reading level ng
Buko. Natutuwa ako dahil iilan na lang ang hindi makabasa. Isa na lang yata
iyon. Ang iba naman ay mabagal lang. Karamihan sa kanila ay good readers.
Sa limang araw na pagharap ko sa Buko, masasabi kong
mababait sila. At upang malaman nila ang nararamdaman ko, sinabi ko iyon sa
kanila. Hiniling ko rin na sana magtuloy-tuloy iyon kahit nakalipat na ako sa
Grade 6. At kung hindi man, sila ang magiging dahilan para umurong ako. Ramdam
ko ang kasiyahan nila nang sabihin kong "Baka hindi na ako lumipat."
Hindi talaga ako na-stress sa Buko. Thank God, natapos ang
isang linggo nang payapa, masaya, at produktibo.
Pagdating ko sa bahay, tumawag si Ma'am Vi. Masabi ko ang
mga pinag-usapan naming Grade 4 teachers. Nasabi ko rin ang kagustihan kong
magsimula na sa Lunes sa Grade 6 kasi kapag natagalan pa ako sa Grade 4, baka
hindi na ako lumipat dahil na-attached na ako. Alam ko, gagawa siya ng paraan
para mangyari iyon since payag naman na sina Ma'am Joan at Marekoy na mag-adjust sila habang hinihintay ang
kapalit ko.
After niyang tumawag, saka lang ako nakapaglaba. Naglaba na
ako kasi Sunday night na kami makakauwi mula sa party.
Almost 12 na ako nakatulog.
Agosto 3, 2024
Wala pang 6 nang magising ako, pero past 6 na ako bumangon
para maghanda ng almusal. At dahil late na bumangon si Ion, 8:30 na kami
nakaalis sa bahay.
Past 12 na kami nakarating sa Robinson's Antipolo. Kumain na
agad kami sa food court doon. Pagkakain, hinanap ko agad ang venue ng suiseki
show. Mabilis naming nahanap iyon, kaya agad akong nag-video para sa YT.
Pagkatapos, nakinig naman ako sa talk tungkol sa suiseki. Marami rin naman
akong natutuhan.
Past 3 na kami umalis, kaya lang naabutan kami ng malakas na
buhos ng ulan. Hindi tuloy namin naabutan si Taiwan. Mabuti na lang, naisip
niyang sunduin kami sa Bagumbayan.
Past 5:30, nasa resort na kami. Nadatnan ko siya Romeo at
Tintin, Chriz at Bajoyce, at si Ryan at kaniyang mga anak at asawa. Siyempre
naroon na rin ang pamilya ni Taiwan.
Maganda ang private resort. Worth it ang P15k. May tatlong
cabin kaming tutulugan.
Dumating din ang mag-amang Roy at Kia, gayundin ang mag-anak
ni Ryan. May mga kasama pang kaibigan si France, kaya andami namin. Late na nga
lang nasundo nina Flor ang mga anak ko. Past 8 na yata iyon. Tuwang-tuwa ako
nang makita sila. Nagkasama-sama uli kami.
Nakipag-inuman ako sa mga kapatid at pinsan ko hanggang
2:30. Nag-inuman din ang mga bagets, kasama si Zj. Nakita ko siyang
sumuray-suray at sumalampak sa sofa. At nang makatulog, niyaya at hinatid ko
siya sa maayos na higaan.
Agosto 4, 2024
Maaga akong nagising kasi si Mama, maaga ring nagising.
Naghahanap siya ng pagkain. Binigyan ko muna ng maja blanca. Ayaw naman na niya
ng pansit.
Mga past nine, naligo ako sa pool. May mga naliligo na ring
mga bata. Naengganyo ko ring maligo si Zj. Pero, bago mag-11:30, umahon na ako
at nagbanlaw.
Natutuwa ako sa event na ito. Marami akong napasaya dahil sa
pag-rent namin ng resort na iyon. Malaki man ang nabawas na pera sa bulsa ko,
malaki naman ang kasiyahang naidulot niyon sa lahat, lalo na sa mga bata. Sila
talaga ang nag-enjoy nang husto sa paliligo. At sigurado akong puspos din ng
kaligayahan si Mama.
Alas-4 na kami nakapag-check out sa resort. Hinatid kami ng
van ni Taiwan sa kanto ng Boso-Boso. Ang lakas ng ulan sa mga oras na iyon.
Past 8:30 na kami nakauwi sa bahay—safe and sound. Mabuti,
wala nang ulan nang dumating kami sa PITX hanggang sa makarating sa bahay.
Dahil sa pagod at puyat, natulog ako nang maaga. Siguro mga
10:30 pa lang iyon. Desidido na ako sa oras na iyon na um-absent knabukasan
bilang silent protest sa mabagal na desisyon ng paglipat ko sa Grade 6.
Agosto 5, 2024
Past 7 na ako nagising. Kahit paano ay nakabawi na ako ng
tulog. Pagkatapos kong mag-almusal, humarap na ako sa laptop para gumawa ng
video ng The National Stonefest 2024. Habang ginagawa ko iyon, dalawang balita
ang natanggap ko sa chat.
Ang unang balita ay mula sa nanay ni Bernard. Patay na siya.
Nabigla ako sa balitang iyon. Ni hindi na kami nagkita pagkatapos niyang
pumunta sa bahay. Grabe talaga ang sakit sa puso. Nambibigla.
Ang ikalawang balita ay chat ni Mareng Janelyn. Tinanong
niya ako kung nakalipat na ako sa Grade 6. Sabi ko, sa bahay ako, at baka hindi
ako makakapasok dahil masakit ang ulo ko. Hayun, sinabi niyang kakausapin ko
niya ang principal para tuluyan na akong makalipat sa Grade 6. Kaya baka
makapasok na ako bukas. Gabi na nang chinat niya ako. Tuwang-tuwa talaga ako.
Chinat ko rin agad si Ma’am Vi para ma-notify siya tungkol sa pagpasok ko
bukas. Mga past 8:30 niya ako na-reply-an, pero worth it naman kasi matutuloy
na rin ako sa wakas.
Ngayong araw, nakagawa ako ng vlog, gamit ang mga videos sa
‘The national Stonefest 2024.’ Nkaasulat din ako ng isang chapter ng nobela. At
siyempre, nakaidlip ako habang nanonood ng Showtime’s Exspecially for You.
Past 9:30, pagkatapos manood ng ‘Pamilya Sagrado,’ nag-off
na ako ng laptop, ilaw, at wifi. Alas-tres na ako magigising every weekday,
kasama na rin ang Sabado para sa Project NUMERO.
Agosto 6, 2024
Wala pang 3, gising na ako. Hindi na ako nakatulog uli. Okey
lang naman. Naninibago pa ang katawan ko. Makukuha ko rin ang tamang timpla.
Paat 4, nakasakay na ako sa bus patungong PITX. Past
5:30, nasa school na ako. Mabuti, nasa
school na rin si Ma'am Vi, kaya napagkuwentuhan pa kami.
Nagpatawag ng meeting si Sir Jess. Ang totoo, itutuloy lang
nila ang parent's orientation na naudlot noong Sabado dahil walang quorum.
Ipinakilala niya ako bilang bagong adviser ng VI-Love. At ako na ang
nag-takeover ng meeting. Nag-orient ako
at nagpa-elect ng officers.
Pagkatapos niyon, ni-meet ko na ang ibang sections. Faith,
Peace, at Love lang ang napasukan ko. Maiingay lang ang Love, pero mababait
naman sila. Kailangan ko lang talagang ma-implement nang maayos ang mga rules
and regulations.
Mabilis natapos ang klase, pero hindi pa ako umuwi. Hinintay
ko ang mga ex-coteachers ko para i-treat sila ng hapunan. Habang naghihintay,
gumawa ako ng class records at PPT sa EPP para sa mga klase ko bukas.
Past 6, bumiyahe kaming apat (ako, Marekoy, Ma'am Joan, at
Ma'am Ivy) patungong MOA. Nag-dinner kami sa Giligan's.
Sa huling pagkakataon, nakipagkuwentuhan ako sa kanila
habang kumakain. Inabutan kami roon ng almost 8:30. Natutuwa ako't napagbigyan ko sila, at
nakasama bago ako tuluyang magpokus sa Grade 6. Natutuwa rin ako kasi wala pang
P1000 ang gastos ko.
Past 10 na ako nakauwi sa bahay. Past 11 na ako natulog.
Siguradong kulang na naman ang tulog ko kahit makatulog ako nang straight
hanggang 3 am.
Agosto 7, 2024
Ikalawang araw na paggising nang alas-3. Medyo mabigat sa
katawan, pero nakasisiguro akong masasanay ako. Kailangan ko lang matulog nang
maaga para hindi ako magkasakit.
Mabuti na lang, bumangon din si Emily ilang minuto ang
lumipas pagbangon ko. Siya ang naghanda ng almusal. Kaya bago mag-4 am,
nakaalis na ako sa bahay.
Muntik na akong ma-late sa klase ko. Nakaupo na ang mga
estudyante ko nang dumating ako. Mabuti na lang talaga ay makahabol pa ako sa
bundee clock.
Nagpalitan kami ng klase, pero pagdating sa VI-Charity,
hindi na ako nakalipat kasi isinagawa ang picture-taking para sa school ID.
Maayos naman ang ibang klase. Sadyang maiingay lang talaga
ang Love. Kaunting ayos pa ng disiplina nila, magiging magaan din ang
pag-handle ko sa kanila. Matatalino naman sila
madadaldal lang.
Naiinis lang ako kasi ang sikip ng classroom ni Sir Rey.
Hindi pa ako nakakalipat. Wala nang mapaglagyan ng mga gamit ko.
Pagkatapos ng klase, nag-train naman ako ng estudyante para
sa national writing contest. Siya lang naman ang interesado at higit na
potensyal, kaya siya ang sinisikap kong mailaban.
Alas-tres na kami natapos sa training. Pagkatapos niyon,
dumating naman ang dati kong estudyante, na pinagtanungan ko kung saan siya
nagdyi-gym.
Willing siyang i-share ang kaniyang alam kaya pinuntahan na
lang niya ako. Grabe! Nakaka-inspire ang transition ng katawan niya. Ang galing
din niyang magturo. Andami kong natutuhan. At sa halip na mag-gym, ipinanukala
niya ang calesthenics. Aniya pa, dagdagan ko ang dami ng kinakain ko para
mag-gain ako ng weight.
Interesado siyang matulungan ako. Nag-send siya ng workout
plan. May mga additional info, na talaga namang kapaki-pakinabang. Bukod sa mga
ito, hinanapan pa niya ako sa online shopping site ng dumbbell para magamit ko
sa workout. Kaya naman nag-order agad ako.
Pagkatapos manood ng mga sinusubaybayan kong teleserye,
natulog na ako. Ang inaasahan kong tulog ay 5 hours.
Agosto 8, 2024
Thank God, nakatulog ako nang maayos. Limang oras din ang
nabuo ko. Higit na mas marami kaysa kahapon.
Four-five, nakasakay na ako sa bus. Sa minibus ako
nakasakay, kaya mabilis akong nakarating sa school, saka mabilis ding napuno
ang dyip sa PITX. Five-thirty pa lang, nakarating na ako. A lang talaga ang
gising kong 3 am.
Ang sigla kong nagturo sa lahat ng section. Na-miss nila ang
story reading ko. At nakatutuwa dahil gustong-gusto pa rin nila iyon. Buhay na
buhay sila sa participation. Sana ma-maintain ko ang ganoong energy.
Maayos naman ang palitan namin ng klase kahit wala si Sir
Jess. Ginamit ko ang time niya saka ang vacant ko sa pag-handle ng Love.
Past 1:20 na nakarating si Benjo sa training namin. Kahit
busy siya, naisingit niya pa rin ang pagpunta sa akin. Nakatapos naman siya ng
isang kuwento habang itinuloy ko ang pag-record ng mga quizzes.
Past 3, umuwi na kami. Kailangan ko ring makauwi nang maaga
nang makaidlip pa ako. Past 4, nakauwi na ako.
Binasa ko ang kuwentong sinulat ni Benjo. Okey naman, pero
hindi pang-national contest. Kailangan ko pa siyang turuan. Kaya naman,
inihanda ko ang mga storybooks mula sa bookshelf ko. Dadalhin ko bukas para sa
Catch-Up Friday, at para mabasa niya sa writeshop namin upang ma-inspire siyang
mag-isip ng great story idea.
Agosto 9, 2024
Ang bilis ng oras at araw! Katutulog ko lang, tumunog na ang
alarm. At parang kailan lang. Panghapon pa ang klase ko, ngayon ay kailangan ko
nang gumising nang maaga. Hindi pa ako nakakabawi ng puyat. Sana hindi ito
magdulot ng masamang epekto sa aking kalusugan. Sana makabawi ako sa mga
susunod na araw.
At dahil mabilis ang oras, binilisan ko rin ang kilos ko
para makalabas ako sa bahay bago mag-4 am. Nagawa ko naman. Past 4 nasa bus na
ako.
Aysus! Muntik na naman akong ma-late. Ang haba kasi dyip na
sinakyan ko. Dosehan ang upuan. Ang tagal mapuno.
Naging maayos naman ang mga klase ko ngayong Catch-Up
Friday. Binasahan ko sila ng kuwentong pambata, at pinasulat ko sila ng
sariling wakas. Inspired ang halos lahat na sumulat.
After class, nakipagkuwentuhan ako kay Ms. Krizzy. Sabay na
rin kaming nag-lunch. At bandang 1:30, dumating si Benjo. Sinabi ko sa kaniya
na kailangan niyang sumulat ng bagong kuwento na pang-contest.ay naisip naman
agad siyang ideya, kaya binigyan ko siya ng mga pagkakasunod-sunod na
pangyayari. Sana maisulat niya nang maayos ang mga ideya niya, gayundin ang mga
sinabi ko.
Past 2, umalis na ako sa school. Bumiyahe ako patungong
PITX. Tumambay muna ako roon at nagmeryenda. Nag-search na rin ako kung paano
pumunta sa Samson Funeral Homes.
Bago mag-4:30, nakasakay na ako sa bus na patungong SM
Molino. Pagdating doon, nalaman kong mali pala ako ng napuntahang chapel.
Mabuti, alam ng mga tauhan ang isang branch na dapat kong puntahan. Itinuro
nila ang mga sakayan ko.
Past 6:30 na ako nakarating sa Samson Funeral, Dulong Bayan.
Agad akong in-entertain ng nanay ni Bernard. Nagkuwentuhan kami sa harap ng
ataul. Ipinakilala rin niya ako sa mga kamag-anak niya.
Andaming pagkain, pero nahiya akong kumain. Nagkape lang
ako, kaya bandang 8, gutom na gutom na ako. Nahiya pa akong magpaalam, kaya
inabot pa ako ng 8:30 roon. Nagbigay ako ng P2000, bilang limos. Sana maunawaan
niya ang aking kalagayan.
Nagpagpag ako sa gotohan. Kumain ako roon bago umuwi. Past
9:30 na ako nakarating sa bahay.
Past 10:30, nag-off na ako ng wifi. Maaga na naman bukas.
Agosto 10, 2024
Dapat 4:30 pa ako babangon, pagtunog ng alarm ko, pero
namulat na ako nang anim na minuto pa bago mag-4 am. Okey lang naman kasi 7 am
dapat at nakapag-time in na ako para ala-una ay makauwi na ako. At pagkalipas
ng isang oras ng paghahanda, nasa highway na ako-- nag-aabang ng bus.
Wala pang 7, nasa school na ako. Halos magkasunuran kami ni
Ma'am Mel, kaya sabay na kaming nag-almusal.
At bago mag-8, nag-decide kaming sa baba na idaos ang
parents-pupils orientation, sa halip na sa bawat klase. Hindi iyon sang-ayon sa
aming focal person, pero sinikap naming maidaos sa baba. Walang nagawa si
Mareng Janelyn. At mas okey nga ang kinalabasan. Nag-welcome address pa sina
Ma'am Lea at Sir Jess. At dahi masyadong maeksena ang programa, nagpa-game ako.
Pinag-recite ko ng multiplication ang mga bata. Nagbigay pa ako ng premyo. Nasa
mood akong mangulit kanina.
Past 9, umakyat na kami sa kani-kaniya namin klase. Sinikap
kong mag-enjoy ang mga pupils ko habang natututo. Nagpalaro ako.
Nagsalo-salo kami nina Ma'am Mel at Ma'am Ivory.
Nagkuwentuhan na rin kami bago umuwi.
Past 3 na ako nakarating sa bahay. Agad akong umidlip kahit
napakainit. Past 5 na ako bumangon para magmeryenda.
Pagtapos magmeryenda, nag-unbox ako ng order kong dumbbell
and barbell set. Then past six, sinimulan ko ang workout. Sobrang hirap, pero
na-enjoy ko. Ramdam ko ang pagbanago sa katawan ko. Unti-unti tuloy akong
na-inspire, lalo't worth it ang order ko. Sa halagang P745, may equipment na
ako, na maaaring makatulong sa development ng body mass ko. Nagpapasalamat
talaga ako sa estudyante ko dati na si John. Kapag nag-chachat ako para
magtanong, ready siya para sumagot.
Past 11 na ako natulog.
Agosto 11, 2024
Grabe, ang sakit ng leeg ko. Noong isang ko pa ito
naramdaman. Mas masakit ito magdamag, kaya wala akong maayos na tulog. Hindi ko
iniisip na dahil ito sa pag-workout ko.
At dahil walang ibang gagawa, naglaba ako sa kabila ng
stiffed neck ko. Natapos ko naman ang maayos, tahimik, at maaga. Bago mag-9:45,
nasa kuwarto ako, hindi upang magpahinga, kundi gumawa ng DLL at learning
materials. Nag-record din ako ng mga checked papers.
Bandang 2 pm, umidlip ako. Past 4 na ako bumangon para
magmeryenda.
Past 5:30, nagsimula akong mag-workout. Ito amg second day
ko. Ramdam ko ang pagod, kaya alam kong may pagbabagong magaganap sa katawan
ko. Sana lang ay tama ang posture at posisyon ng mga katawan ko.
Akala ko makakatulog agad ako dahil sa pagod, hindi pala.
Nahirapan akong makatulog. Siguro ay inabot rin ako ng mahigit isang oras bago
nakatulog. Ang init pa. Haist!
Agosto 12, 2024
Muntikan ko nang hindi madala ang salamin ko. Mabuti,
narinig nagising si Emily.
Four-thirteen, nasa bus na ako. Maaga akong makarating sa
school, pero hindi ko na-enjoy ang nalalabing minuto bago mag-6 am kasi may
flag ceremony pala. Iyon ang unang beses ko.
Maayos naman ang pagtuturo ko sa lahat ng section, pero
pagbalik ko sa advisory class ko para magpalinis, napakaiingay nila. Hindi ko
na napigilan ang sarili ko. Sinigawan, pinagalitan, at tinakot ko silang
isusumbong at ipapatawag ko ang mga magulang nila. Hayun nagsitahimik.
Kailangan ko pang ma-stress at ma-highblood bago sila mag-behave.
Past 1:30 na dumating si Benjo. Nakapag-record na nga ako ng
mga quizzes. At nakaidlip na ako, saka siya dumating. Mabuti na lang dahil
hindi nasayang ang paghihintay ko. Pinauslat ko siya ng buod ng kaniyang
kuwento. At nag-decide kami kung anong pamagat ng kaniyang akda. "Si
Custos" ang napili niya. Ni-research ko iyon. Mabuti, nagustuhan niya.
Almost 2:30, lumabas na ako sa school. Kailangang makauwi
ako kaagad. Mabuti na lang, mahigit isang oras lang ang biyahe. Grabe
nakakapagtaka. Quarter to 4, nasa bahay ako. Agad kong ni-register sa Category
6 si Benjo. Ibinalita ko iyon sa kaniya, kay Ma'am Joann at kay Ma'am Mina.
Hinikayat ko rin si Ma'am Joann na magpasa kami sa Category 3. Kaya after kong
mag-workout, naghanda na ako ng objectives na gagawa ko ng stories. Bukas,
magsusulat na ako ng buod nang makapag-register na rin.
Past 10 na yata ako nakatulog kahit quarter to ten pa ako
nahiga. Dalawang beses pa akong kinatok ni Emily. Haist! Kulang na naman sa
tulog.
Agosto 13, 2024
Ang bilis ng oras. Four-fifteen na ako nakasakay sa bus.
Kaya wala dapat akong aaksayahing minuto. Mabilisang kilos dapat.
Maaga sana akong dumating sa PITX, antagal namang mapuno
dyip doon. Dosehan ba naman. Nakalarga
kami after 25 years. Haist! Mabuti na lang, mabilis iyon at walang traffic.
Quarter to six ako nakarating sa school.
Grabe ang sakit ng braso at binti ko. Halos hindi ko maiunat
ang kamay ko, at hindi ako makalakad anng mabilis. Mabuti na lang, maayos pa
rin ang mood ko. Nakapagturo ako nang masigla. Ramdam ko tuloy ang kasiyahan at
interes ng mga estudyante. Natutuwa ako sa Love kasi behave sila ngayong araw.
After class, nag-record ako ng quizzes sa Guidance Office
habang nagla-lunch at nagkukuwentuhan kami ni Ma'am Vi. Birthday ngayon ni
Ma'am Wylene, kaya nagpakain siya.
Past 2, isinabay na niya kami ni Ma'am Vi pauwi. Sa
Robinson's Tejero na niya ako ibinaba. Nilakad ko na lang pa-Umboy. Past 3:30
na ako nakauwi. Sobrang init, kaya sa sala ako nag-stay.
Hindi muna ako nag-workout ngayon. Kailangan munang mawala
ang sakit. Sa halip, nagsulat ako ng buod ng kuwentong isasali ko sa GTA. Hindi
rin nagtagal, inantok ako, at umidlip. Pagbangon ko, nakapag-register na ako.
Isinunod ko naman ang pag-encode ng isinulat na kuwento ng estudyante ko.
Ipinost ko iyon sa Babasahin at shinare ko sa GC ng mga parents upang maging
proud sila.
Past 9:30, nag-off na ako ng wifi. Sinikap kong makatulog
bago mag-10. Kulang pa rin naman ang magiging tulog ko kahit magkaganoon.
Agosto 14, 2024
Masakit pa rin ng leeg, lower back, at braso ko.
Pabaling-baling ako sa pagtulog, kaya sigurado ako, wala pang limang oras ang
naging tulog ko.
Maaga akong nakarating sa school kasi nag-iba ako nang ruta.
Sa halip na PITX-Divisoria, nag-PITX-Baclaran muna ako. Kaaalis lang kasi ng
dyip. Matagal pa magpuno uli. Ganoon uli ang gagawin ko bukas.
Mabilis lumipas ang oras kapag nagpapalitan ng klase lalo
na't 40 minutes lang ang nakalaan para sa bawat subject. Ayos naman iyon para
hindi magamit sa pagsasaway at paghihintay. Kaya naman ang mabilisang
pagtuturo. May natutuhan naman ang mga estudyante.
Pagkatapos ng klase, hinintay ko si Ma'm Joann. Umidlip muna
ako sa sports room kahit sobrang init doon. Past 2 na siya naging bakante.
Naturuan ko siyang mag-register sa Gawad Teodora Alonzo 2024. Past 4 naman kami
nakabiyahe patungong SM Prestige Lounge upang i-meet si Ma'am Fatima. Sasali
rin siya sa Category 3.
Doon, agad kaming nag-brainstorming. Tinulungan ko silang
makabuo ng synopsis ng kuwento. Nagkuwetuhan din kami.
Past 8, nag-dinner kami sa Kenny's. Doon na rin nila
nai-register ang kanilang kuwento.
Past 9:30 kami natapos doon. At almost 11 na ako makauwi.
Past 11:30 na ako nagpatay ng ilaw para matulog. Estimated ko na ang haba ng
tulog --3 hours na lang. Aguy! Sana gabayan at ingatan ako Diyos. Bigyan niya
ako ng lakas at kalusugan.
Agosto 15, 2024
Past 4, nakasakay na ako sa bus. Kulang ang isang oras na
paghahanda kaya palagi akong nagmamadali.
Past four-thirty, sa PITX na ako. Matagal din akong
naghintay sa paglarga ng dyip. Nagkamali na naman ako ng desisyon. Dapat pala
ang ruta kahapon ang sinunod ko. Mas maaga sana akong nakarating sa school.
Dahil tatlong oras lang ang tulog ko, mainit ang ulo ko.
Napagalitan ko ang VI-Faith. Nasermunan ko ang VI-Charity, at namura-mura ko
VI-Love. Iritable ako sa kanila. Grabe kasi ang mga bunganga--walang tigil,
walang pakundangan, at walang konsiderasyon. Kahit sa VI-Hope, nainis ako.
Ibinalik ko ang mga papel nila. Ipinakita kong zero sila sa class records ko.
At umalis ako nang hindi nagpaalam pagkatapos ng period ko.
After class, kumain lang muna ako sa classroom ni Ms. Krizzy
at nakipagkuwentuhan saglit, bago ako umidlip sa sports room. Nang magising
ako, sinimulan kong i-edit ang synopsis na sinulat ko kaninang umaga. At bago
mag-2, nakapag-register ako sa Category 3, Grade 2. Math integration iyon.
Past 3:30 ako dumating sa bahay. Kahit mainit sa kuwarto,
humiga ako at nagpaantok. Naglatag lang ako carpet sa sahig. Kahit paano ay
nakaidlip ako bago ako bumangon para magkape.
Past 5:30, nag-workout nw ako. Mabuti, gumaling na ang DOMS
ko. Natapos ko ang routine bandang 7:30, kaya nakapagsulat pa ako ng synopsis.
Bago ako naligo, nakapag-register na ako sa GTA. Iyon na ang ikatlo kong entry.
Past 9:30, nagpatay na ako ng ilaw at wifi.
Agosto 16, 2024
Eksakto 4 am, umalis na ako sa bahay. Dala ko ang energy na
kailangan ko para sa mga estudyante. Sana maging maayos ang pagtuturo ko sa
kanila. At sana maging disiplinado na ang VI-Love.
Hindi ako nagsalita sa VI-Love. Nakuha ko sila sa pananahimik. Kahit paano ay nanahimik din
sila. Sa ibang section naman, hindi ako
makulit. Mabilis akong mainis sa mga paulit-ulit na tanong.
After class, may training ako sa writing. At past 1, may LAC
session kami with MT Erwin C. Mabilis lang iyon. Narinig nila ang sentimennts
ko tungkol sa maling paraan sa pagpapamudmod ng mga printer at TV. Idadaan sa
contests ng reading corner at Math Corner. Samantalang, puwede namang bigyan na
lang ang mga walang TV. At ang printer ay per grade level.
Na-hack ang FB account ni Emily ngayon. Nag-chat sa akin ang
hacker. Minura ko nga ng PI, at sinabihan ko na mamamatay rin siya. Capslock
iyon. Bago pa siya makapag-reply, na-block ko na siya.
Past 5 na ako nakauwi. Nag-home workout uli ako. Past 7,
tapos na ako sa mga routine.
At sa sobrang pagod at antok, nagawa kong mahiga nang maaga
para matulog. Mga past 9:30 pa lamang iyon, kaya more or less 6 hours ang
magiging tulog ko.
Agosto 17, 2024
Four-thirty nang tumunog ang alarm ko. Wala akong inaksayang
sandali, kaya alas-singko ay nakaalis na ako sa bahay. Antok pa rin ako, pero
okey pa. Sinubukan kong umidlip sa bus.
Six-thirty, nasa school na ako. Nagsalo kami ni Sir Rey sa
almusal. Doon uli siya natulog sa school. Naabutan kami ni Ma'am Mel, kaya
nagkuwentuhan kaming tatlo.
Nagsimula ang pre-test ko nang bandang past 8:00 kasi late
na dumating si Focal Person. Naiinis na ako sa kanya talaga last Saturday pa.
At lalo akong nainis sa kaniya nang bigla niyang kinampihan ang principal
namin. Kinuyog nga namin sa GC tungkol sa iresponsable at pagsasawalambahala sa
mga hinaing ng mga guro ukol sa printers at TV sets, siya naman ay tila umayon
sa kagustuhan nito. Gusto niyang ituloy ang contest sa pagandahan ng reading at
Math corner, samantalang ang majority ay ayaw. Sabi pa niya, sumunod na lang
daw kami sa kagustuhan ni Ma'am. Natigalgal kaming lahat. Panalo na siya.
Winner ang kasipsipan.
Si Ma'am Gigi ang tumapos ng lahat. Finorward niya ang
message ng division ICT coordinator tungkol sa mga TV. Dapat ipamahagi sa mga
gurong nangangailangan, hindi gawing prizes sa cheap na contests.
Kawawa siya. Lalo siyang lilibakin ng mga kaguro. At lalo
siyang mawawalan ng kaibigan. Sigurado rin ako na magsisisi siya sa
pagsisipsip. Hindi niya magagamit sa promotion iyon.
Past 3 nang makauwi ako sa bahay. Kahit sobrang init,
sinikap kong makatulog. Kahit paano naman ay nakaidlip ako bago ako bumaba para
magmeryenda.
Hindi ako nag-home workout ngayon kasi may DOMS uli ako.
Nag-cell phone lang ako. Gabi, after dinner at bago matulog, nag-record ako ng
mga quizzes. Andami kong dapat gawin bukas kaya binawasan ko na.
Agosto 18, 2024
Maaga na ako nagising, pero at least mahaba-haba ang naging
tulog ko. Naghanda ako ng almusal ko, saka umakyat uli kasi may tatapusin lang
labahan si Emily. Mahilig talaga siyang mag-iwan ng labahan o damit sa laundry
area. Hindi niya natatapos ang paglaba sa isang araw. Alam niyang every Sunday
ako naglalaba, nakikisabay pa.
Hayun, gumawa muna ako ng mga schoolwork, bago naglaba. Mga
quarter to 11 na ako nakapagsimula at past 12 na natapos. Habang nagpapahinga,
humarap na ako sa laptop.
Past 12, pagkatapos maligo, lumabas ako para magpagupit sa
suking parlor. May mga naunang kliyente kaya hindi agad ako naisalang. Alas-3
na ako nakauwi.
Umidlip muna ako bago nag-workout. Mula 4:45 to 6:45 pm. Two
hours din. Hindi ko na tuloy naituloy ang pagsusulat ng nobela. Sobrang init pa
naman.
Maaga sana akong inantok at nahiga, pero dahil sa sobrang
init hindi rin naman agad ako nakatulog.
Ang sarap sumigaw lalo na't wala ring respeto ang isang kabahayan nang hanggang
past 10 sila nag-karaoke. Haist! Ang sarap magwala.
Agosto 19, 2024
Parang ang light ng tulog ko. Nananaginip ako pero alam kong
gising ako-- naiinitan, kaya pabaling-baling ng higa. At namalayan ko na lang,
3 am na dahil sa alarm. Alam kong kapos na naman ang tulog ko.
Five-thirty, nasa school na ako. Wala ngayon si Ma'am Vi
kasi namatay ang kaniyang ina. Nagpalitan pa rin kami ng klase kahit absent
siya. Maayos naman naming nairaos ang mga kani-kaniya naming klase. Kaya lang,
biglang nag-declare ng suspension of classes ang city mayor dahil sa smog ng
Taal. Mga past 11, nagkaingay na ang mga klase. Bad trip ako sa Love. Pinamura
at pinasigaw na naman nila ako.
Maaga akong umuwi dahil sa suspension. Postponed din ang
training ko sa writing. Past 3 nasa bahay na ako. Gusto ko sanang matulog, pero
hindi naman ako inantok. Sa halip, nag-record ako ng quizzes. Saka
ipina-register ko si Jhaylo kay Ma'am Mel sa GTA. Siya ang trainer nito. Nagawa
naman niyang i-register ito. At pinahikayat ko sa kaniya si Sir Ren na
i-register naman si Marian.
Natanggap ko na ang codes sa Grade 1 and 2 entries ko. Ang
kulang na lang ang sa Grade 3 , gayundin ang sa Category 6. Sana makapasok
iyon.
Past 5, nag-workout ako. Medyo nasasanay na ang katawan ko.
Naaadik na rin ako. Sana magtuloy-tuloy na ito.
Before 9:30, hindi pa tapos ang pinanonood kong teleserye,
natulog na ako..Sobrang antok ko na. Mabuti, tahimik na ang paligid, pati ang
mag-ina ko.
Agosto 20, 2024
Past 4 na ako nakalabas sa bahay dahil sa kahihintay sa
announcement ng suspension of classes. Nakakabuwisit. Baka kung kailan
nakapasok na ako, saka na naman mag-aanunsiyo. Pati mga magulang, nababaliw na
sa anunsiyo.
Hindi talaga na-suspend ang mga klase, pero 16 lang ang
pumasok sa VI-Love. Okey lang naman para hindi masyadong marami ang sasawayin
ko.
Sa buong Grade Six, ang advisory ko ang may pinakakaunting
attendance. Gayunpaman, tuloy ang palitan ng klase. Hindi ako masyadong
na-stress ngayong araw.
After class, nagpakita sa akin si Marian para magsulat ng
kuwento. Ipinakita ko ang proof na registered na ang title at buod ng kuwento
niya. Hanggang alas-tres kami sa classroom ni Ms. Krizzy. Pagkatapos kong
umidlip, simabayan ko siyang magsulat. Sinimulan kong isulat ang entry ko sa
Grade 3.
Dahil dumating na ang PBB, namili ako ng mga prutas sa PITX
bago umuwi. Bumili rin ako ng fruit shake doon.
Nag-workout na agad ako ilang minuto ang lumipas pagdating
ko sa bahay. Wala pa noon si Emily. Past 7:30 na ako natapos. Gutom na gutom
ako, pero hindi pa naka-ready ang ulam. Iinitin na lang naman niya ang sabaw.
Past 9, hindi ko na naman natapos ang 'Pamilya Sagrado,' natulog
na ako. Sobrang antok ko na sa mga sandaling iyon. Pero maingay pa ang mag-ina.
Inuubo si Ion. Kaka-cell phone daw nito, anang asawa ko. Pinababangon niya para
magtimpla ng First Vita Plus.
Agosto 21, 2024
Tuloy-tuloy naman ang tulog ko. Hindi nga ako nagising para
umihi, pero nang tumunog ang alarm, parang ang bigat ng katawan ko. Gayunpaman,
kailangan kong bumangon at maghanda sa pagpasok. Hayun nga, alas-4 ay nakaalis
na ako sa bahay.
Nakaidlip pa ako sa classroom ko bago nagklase. Ang iingay
lang ng Love, kaya ang babaw lang ng tulog ko.
Maayos kong naituro ang aralin ko sa Filipino. Masaya ako
kasi natuto ang karamihan. Kaya lang nang malapit na ang uwian, bad trip na ako
mga cleaners. Hindi maayos ang kanilang paglilinis. Naabutan pa kami ng Grade
5. At mas lalo akong nanggigil nang ikuwento ni Sir Rey ang pagpapatawag at
pagkausap sa kaniya ng principal. Anito, magka-roommate pala kami. Maglinis at
mag-decorate daw kami, hindi panay hingi.
Gaga, ampota! Squammy magsalita. Hindi nga ako agree sa
contests niya, at sa classroom decos. Ang hinihingi ko ay TV para sa
teaching-learning process, para sa mga estudyante, at printer para sa lahat.
Obligasyon niyang i-provide, pero hindi ko tungkuling sumali sa contest. Hindi
mahirap gawin iyon dahil maraming unit. Kulang lang talaga siya sa tamang
kaisipan. Mahina ang disposiyon at may poor leadership.
Kahit gusto kong sumugod sa principal's office, nagawa ko
pang mag-train ng bata para sa national writing contest. Nagpokus ako sa
training hanggang 3 pm.
Wala pang 5 pm, nasa bahay na ako. Wala rin si Emily, kahit
may sakit si Ion.
Nagmeryenda muna ako bago nag-workout. Past 7, tapos na ako.
Wala ka akong nagawang school work maliban hanggang sa matulogh ako bandang
past 9.
Agosto 22, 2024
Past 2, gising na ako. Sinubukan kong matulog uli, pero
hindi ko na nagawa. Sa halip, bumangon
na ako. Bago ako bumaba, nag-reply muna ako sa GC ng VI-Love. May parent
na magpapakain sa mga bata dahil birthday ng anak. Nais din niyang i-treat ang
teachers sa kanilang Samgyup resto.
Nag-reply din ako kay Ma'am Vi, na nangungumusta kung
nabigyan na kami ni Sir Rey ng tv. Kaya ikinuwento ko sa kaniya ang sinabi ni
Sir Rey sa akin kahapon. Naunawaan niya ako at ang maruming classroom.
Nag-Hi din ako kay Janelyn. May two deleted messages siya sa
akin kagabi. Naisip kong baka may issue siya sa akin. O kaya baka pinalalayas
na ako o ang mga gamit ko sa dati kong classroom.
Maaga akong nakarating sa school. Nagawa ko pang sabihan ang
mga estudyante na magsuot ng foot rag o magtanggal ng sapatos bago pumasok.
Na-reorganize ko rin ang mga upuan.
Maayos naman ang pagtuturo ko sa lahat ng section. Naisingit
ko pa ang pag-announce ng Buwan ng Wika culminating program at mga contests.
Tinawagan ako ni Ma'am Vi na dapat isagawa namin ito. Sa una, parang hindi ko
kayang gawin, pero tinanggap ko na at nagustuhan, lalo na't interesado naman
ang karamihan ng Grade 6.
Bandang 9, may nag-celebrate ng birthday sa amin. Nagpakain
sa mga kaklase. Inalok din kaming mag-Samgyup ng mga magulang nito sa kanilang
restaurant. At dahil pupunta kami sa burol ng nanay ni Ma'am Vi, kumain muna
kami roon. Grabe, busog na busog ako kahit parang kaunti lang ang nakain ko.
Bumalik kami sa school para maghintay ng oras. Six pm pa
kasi mailalagak ang mga labi ng nanay ni Ma'am Vi sa.St. Peter Chapel sa Imus.
Wala kaming mapagtatatambayan doon.
Past 4:30 na kami bumiyahe. Kasama namin sina Ma'am Anne at
Ate Ging. Past 6 na namin nahanap ang chapel.
Nilibre kami ni Ma'am Vi ng dinner sa kainan sa tapat ng chapel. Hinintay namin
na dumating si Sir Jess. Ang saya-saya ng kainan, kuwentuhan, at kulitan namin.
Then, bumalik kami sa chapel. Nandoon si Ma'am Loida at anak niya. Nagkuwentuhan uli kami.
Nauna siyang umuwi. Kami, mga 11 na. Before 12, nasa bahay na ako. Past 12:30
na ako natulog.
Agosto 23, 2024
Kahit paano ay mas mahaba-haba ang tulog ko ngayong araw.
Past 7 na iyon nang magising ako. Past 8 na ako bumangon para mag-almusal.
Paalis na rin si Emily.
Bago ako nag-record ng mga quizzes ng mga estudyante,
naglagay muna ako ng kasoy cream sa mga skin tag at nunal ko sa mukha at leeg.
Ang hapdi! Ang tagal matapos. At nang makita ko sa salamin ang mukha ko, grabe
ang pagkasunog. Ang lalaki ng sugat. Natakot ako at nagsisi. May lakad pa naman
ako bukas. Makikita ako ng mga ka-Tupa ko na parang may MPox.
Hapon, natulog ako hanggang past 4. Ang sarap sa pakiramdam.
Unti-unti ko na ring natanggap ang nangyari sa mukha ko. Tiis-pogi kumbaga. Alam kong matutuyo at magiging
maayos na ang mukha ko.
Hapon, inayos ko ang mga entry sa GTA 2024 ng mga estudyante
ko. Si Ma'am Madz ang nakapag-register agad kay Rhian. Sina Sir Joel K at Ma'am
Wylene na lang.
Nakapag-post din ako sa Babasahin ng akdang diyalogo ng
isang estudyante ng VI-Love.
Past 6, nag-workout ako. Gumugol ako ng dalawang oras.
Nanonood din ako ng balita. At habang nagpapahinga, nanood ako ng mga
sinusubaybayang kong teleserye.
Bago ako natulog, gumawa muna ako ng lesson plan sa Numero,
gayundin ng worksheet na isi-send ko bukas dahil asynchronous ang klase namin.
Agosto 24, 2024
Napakaaga kong nagising. Quarter to six pa lang yata iyon.
Hindi na ako nakatulog uli. Past 7, bumangon ako para mag-send sa mga GC ng
Numero worksheet.
Problema ko pa rin ang mga sugat ko sa mukha. Nabakbak ang
ibang langib, pero halatang-halata pa rin.
Past 9, umalis na ako sa bahay. Past 11 na ako nakarating sa
Food Club. Nakasabay ko si Ma’am Mel sa paghanap sa venue. Naroon na sina Ma’am
Edith, Sir Erwin, Ma’am Joan, at Kuya Allan. Nahuling dumating sina Putz at
mag-ina niya.
Nalula ako sa dami ng pagkain. Andami ring tao. Ang tagal
naming nakapila. At siyempre, hindi ko na naman nasulit ang P988. Sa dami ng
pagpipilian, hindi ko naman nakain lahat. Bukod pa roon, masakit ang ngipin ko.
Hindi ako makanguya nang maayos.
Pagkatapos naming magsawa sa mga pagkain, pumunta kami sa
burol ng nanay ni Ma’am Vi. Sa hindi inaasahang pagkakataon, wala siya roon,
kaya kami-kami na lang ang nagkuwentuhan bago kami umuwi. Ibinaba nila ako sa
SM Bacoor. Tamang-tama iyon dahil bibilhan ko ng payong si Ion at sinturon si
Emily. Past 5 na ako nakarating sa bahay. Nag-workout ako pagkatapos kong
magpasa ng IDLAR sa Numero.
Grabe! Nanalo si Sir Randy sa Instabright Creative Writing
contest. Third place siya. Ang suwerte niya. Ginamit niya ang kuwentong
ipina-edit niya sa akin. Pangako niyang babayaran niya ako kapag nakatanggap
siya ng differential. Sana nga.
Ten-thirty, nag-off na ako ng wifi. Nakapagdugtong pa ako sa
isang kabanata ng nobela ko. May nakita rin akong patimpalak ng pagsulat ng
tula sa LIRA. Naging interesado akong sumali. Sana makasali ako.
Agosto 25, 2024
Past 6:30 ako nagising, pero past 7 na ako bumangon para
magsimulang maglaba. Mabuti, bumangon naman si Emily para maghanda ng almusal.
Hayun, before quarter to 9, tapos na akong maglaba. Humarap na agad ako sa
laptop para sa mga susulatin ko.
Past 10, nakapag-post ako ng isang chapter ng nobela sa
Inkitt. Saka ako naligo. Pagkatapos niyon, ipinagpatuloy ko naman ang kuwentong
pambata na isasali ko sa GTA 2024. Natapos kong isulat ang draft bandang 12 ng
tanghali. Babasahin ko ulit iyon pagkalipas ng ilang araw, saka isasagawa ang
editing.
Pagkatapos kong umidlip, nagsulat na ako ng kuwentong
pambata para sa GTA. At bandang 5:20, naisulat ko na ang draft ng ‘Ngumingiti
na si Sittie.’
Pagkatapos magmeryenda bandang alas-singko y media, nag-home
workout na ako. Natapos ako after two hours.
Pagkakain, humarap na uli ako sa laptop para magsulat ng nobela.
Sasamantalahin ko na ang long weekend.
Quarter 10 ten, huminto na ako sa pagsusulat. Almost done na
ang isang chapter. Bukas ko na lang itutuloy at ipo-post. Antok na antok na
ako, e.
Agosto 26, 2024
Past 7 ako nagising, pero hindi agada ko bumangon. Sa
kahihintay kay Emily upang siya ang unang bumangon, inabot kami ng almost 9 am
bago nakapag-almusal. Masakit na ang tiyan ko habang kumakain. Haist!
Past 9:30, nai-post ko na sa Inkitt ang ika-93 na chapter ng
nobela ko. Isusunod ko namang isulat ang entry ko sa GTA. Siyempre, naghanda
muna ako ng DLL bago nagsimula. At nang sinimulan ko, tinuloy-tuloy ko ang
pagsusulat nang walang distractions, kaya bandang 11:50, tapos ko na ang draft
ng ‘Ang Bodegang Bayan ng Barangay Mabunga.’
Hapon, natulog ako. Ang sarap magpahinga. Kahit paano ay
nakaidlip ako, sa kabila ng init. Nakapag-recharge ako.
Past 5 hanggang past 6, nagho-home workout ako. Isang oras
na lang. Dati umaabot ako ng two hours.
Wala na akong ginawa after workout. Nanood na lang ako ng
balita at teleserye hanggang sa antukin ako. Ready na ako sa
pagbabalik-eskuwela after 4-day long weekend. Pero nang nahiga ako bandang
9:30, nahirapan akong matulog. Siguro 11 pm na ako nahimbing. Haist! Kulang na
naman ako sa tulog.
Agosto 27, 2024
Eksakto 4 am, lumabas na ako sa bahay. Sinikap kong
makasakay agad para makaidlip ako. Sus! Hindi yata ako nakatulog kahit isang
minuto. Nakapikit lang ako. Ang bilis ng biyahe. Sa classroom na ako umildip,
pero hindi na naman yata ako nakatulog kasi ang iingay ng VI-Love.
Naging maayos naman ang pagtuturo ko. Nagbasa ako ng
kuwentong pambata bago nagturo at nagpagawa ng activity. Ang bilis din ng oras
kaya kailangang mabilisan ang salita at kilos.
Pumasok sa classroom na tinuturuan ko ang PSDS na
kinaiinisan ko para i-judge ang reading at Math corner doon. Hindi naman
pumasok ang principal. Mabilis lang siya roon. Hindi ko siya inintindi.
Nagpatuloy ako sa pagtuturo.
Nag-train ako ng estudyante sa pagsulat ng kuwentong
pambata. Alas-dos na siya dumating kaya after one hour lang ay umuwi na kami.
Maiksi lang ang naisulat niya.
Past 5 na ako nakarating sa bahay kasi tumingin-tingin ako
sa ukay-ukay sa may Umboy. Wala akong napili. Puro jacket na may lumang style,
maiinit, at makakapal na telang naroon. Naghahanap sana ako ng checkered polo.
Wala naman.
Pagdating sa bahay, nagtsek at nagrekord ako ng mga papel ng
mga estudyante. Hindi rin naman akp nakapag-workout agad kasi nakipag-chat ako
kina Mareng Lorie, Ma'am Bel, at Ms. Krizzy.
Past 9:30, pagkatapos ng Pamilya Sagrado, natulog na ako.
Good thing, nakatulog agad ako kahit malakas ang ulan.
Inulan na naman ang bisperas ng fiesta ni Tata Usteng!
Agosto 28, 2024
Ang himbing ng tulog ko. Tuloy-tuloy. Nagising na lang ako
sa alarm. Thank God!
Nasa dyip na ako sa Baclaran, kasasakay lang, nang marinig
ko sa isang teacher, na kasakay ko na sinabi niya sa mga estudyante na
suspended na ang klase. Kaya pala kagabi, gusto kong um-absent ngayong araw.
Sana pala sinunod ko ang instinct ko. Gayunpaman, pumunta ako sa school. Alam
kong may mga kaguro akong nakapasok na rin. Hindi nga ako nagkamali. Naabutan
ko sina Ma’am Vi at Ma’am Madz na nagkukuwentuhan.
Natuwa ako nang sabihin sa akin ni Ma’am Vi na ang
napanalunan niyang TV ay ipakakabit niya sa classroom ko. Siyempre, hindi ako
makapaniwala sa una. Sinabi ko pang kahit ang maliit na lang ang sa akin. Pero
in-insist nila na para daw sa akin iyon. Nais ni Ma’am Vi na ipakita sa
principal na hindi ito nagwagi sa maling desisyon nito.
Dumating na rin si Ma’am Wylene, kaya bago kami umuwi,
pinuntahan muna namin si Sir Jess. Since siya ang OIC, ibinigay na kay Ma’am Vi
ang 58 inches na Xitrix TV, at ipinabuhat naman ng AO sa mga janitors patungo
sa room ko. Nagtatawanan kami kasi “Ako pa rin ang nagwagi!”
Isinabay na kami ni Ma’am Wylene sa kotse niya. Nakauwi ako
bandang nine. Kagigising lang din ng mag-ina ko. Ako naman, natulog agad.
Pagbangon ko, nakaalis na sila. Narinig kong umalis sila, pero hindi ko alam
kung saan pumunta. Past 12 na ako nakapag-lunch. Mabuti, nagluto muna siya. Pagkakain
ko, saka lamang ako nakapag-send ng gawain sa Filipino.
Bago mag-4, nakapag-upload ako sa YT ng video ng kuwentong
pambata. Si Emily ang nag-VO niyon. Mabuti, dumating sila bago mag-3 pm. Wala
kasi sa mood ang boses ko. Pagkatapos nito, nagsulat ako ng nobela, at gumawa
ako ng PPT sa Filipino 6 para bukas. Sana may pasok na. Excited na akong
magamit ang TV sa classroom ng VI-Love.
Hindi muna ako nag-home workout ngayon kasi masakit ang
right lower back ko. Sana mawala na ito bukas.
Agosto 29, 2024
Nagulat ako pagpasok ko sa classroom kasi nakakabit ang 32
inches na Tv, sa halip na ang 58 inches na ibinigay ni Ma’am Vi. Tinawag ko
agad siya upang sabihin iyon sa kaniya. Naisip na lang namin na naikabit na
iyon noong Martes pa ng hapon. Natuwa na lang ako kasi nagbunga ang pagra-rant
ko sa GC. Ayaw ko naman kasi talagang mapunta sa akin ang 58, since hindi ko
naman iyon napanalunan. Wala naman akong effort kundi ang pagiging negative ko
sa admin.
Nagamit ko rin ang TV sa pagtuturo after akong mahirapang
magkabit ng HDMI. Pinahiram sa akin ni Ma’am Vi ang HDMI ng new TV niya. Mas
madaling magturo kaysa ang walang TV.
Naiinis ako sa pagbabago ng Buwan ng Wika program. Hindi na
raw puwedeng gamitin ang stage kasi may Holy Spirit Mass bukas. May mga
magpi-perform pa namang mga estudyante. Sigurado rin akong marami ang magsusuot
ng costume. Nakakainis! Nagbago rin ang prizes. Mas mababa na. Ako ang
mapapahiya sa mga estudyante, e.
After class, agad akong kumain para ihanda ang sarili ko sa
pagpunta ni Benjo para sa aming last time na pag-edit ng kuwento niya. Mabuti,
dumating siya bandang ala-una. Natapos namin iyon bandang alas-tres. Umuwi agad
ako.
Past 5 na ako nakauwi sa bahay kasi nagtingin-tingin pa ako
ng bibilhin sa mga tiangge ng Tanza Town Fiesta. Nakabili ako ng mga kakanin,
worth P150, at ethnic necklace at black beads na pulseras—worth P150 ang
dalawa.
Pagkatapos kong magmeryenda, nag-record ako ng mga quizzes.
Then, nag-home workout. Past 7 na ako natapos. Nakagawa pa ako ng slides para
sa Buwan ng Wika Closing Program at Patimpalak sa Pagsulat ng Kuwentong
Pambata.
Maaga akong nag-off ng wifi ko, pero gising pa ang mag-ina
ko. Naistorbo ako kaya, binunot ko ang saksak ng router. Mga past 10 na rin
siguro ako nakatulog.
Agosto 30, 2024
Medyo tinanghali ako ng dating sa school. Nasa classroom na
ang ilang estudyante ko nang dumating ako. Nagkakagulo at nagkakaingay na sila.
Natuwa naman ako dahil may ilang nakasuot ng kasuotang Pinoy kahit hindi naman
magpi-perform.
Ang gulo pa rin ang plano ng culminating activity. Uunahin
ang Holy Spirit Mass, kaya sa classroom pa rin kami. Pero mabuti na lang, sa
baba pa rin ang bagsak. Bababa ang mga Grade 6 para sa misa, kaya pagkatapos
niyon, isusunod na naming ang program.
Nakakatuwa ang mga performers dahil kahit sila-sila lang ang
nagpraktis, okey naman ang performance nila, maliban sa dalawa kong pupils na
hindi nakuha ang tamang paraan ng storytelling. Nahiya tuloy ako. Pinatigil ko
ang isa, at sinabi kong ituloy na lang niya per classroom sa pagkakaklase ko.
Ang totoo, wala namang nakikinig sa kaniya. Parehong mahinang magbasa. Mahina
ang boses, at walang damdamin. Haist! Lesson learned. Kailangan kong praktisin
bago iharap sa audience.
Nagbigay ng pagkain si Ma’am Leah G, kaya bago kami
nagpababa ng mga bata ay busog na kami. At pagbaba ko, may kainan sa Grade 1.
Nagpakain si Ate Bel. Nakikain ulit ako. Andami ko pang na-Sharon. Siya naman
ang nagbigay sa akin.
Past 4 na ako nakauwi sa bahay. Hindi na ako nakatulog. Agad
akong nagbasa ng mga ipinasang kuwento ng mga sumali sa patimpalak. Siyempre,
bigo akong makahanap ng winning entries, pero may mga napili akong magagandang
ideya, kaya bibigyan ko sila ng incentives.
Bago ako nag-workout, gumawa muna ako ng Learning Log sa
Numero para bukas. Maaga akong natulog. Nag-alarm ako ng 4 am.
Agosto 31, 2024
Mabigat ang katawan ko nang bumangon ako, pero pinilit ko
ang sarili. Hindi ako puwedeng um-absent. Wala ring chance na mag-declare ng
suspension kasi hindi naman umuulan. At hayun nga, nagawa ako namang maghanda
sa pag-alis. Past 5, naglalakad na ako patungo sa tricycle terminal.
Nag-almusal ako sa PITX, kaya pagdating ko sa school, bago
mag-seven, nakagawa pa ako ng PPT ng lesson ko. May nagawa rin akong drill.
Thirteen lang ang pumasok sa klase ko. At dahil may
bisita—si JT raw, binigyan ako ng Grade 4 ng dalawang estudyante nila para
mabuo ang 15. Mabuti, pumayag naman ang 2 batang iyon. Nag-enjoy naman sila sa
games ko.
Nakaraos din sa 3 oras na klase. Agad kaming nananghalian.
For the first time, nagkasalo-salo kaming apat na implementers.
Pagkatapos kumain, itinuloy ko ang paglipat ng mga gamit ko,
mula sa 4th floor hanggang 5th. Naipuwesto ko naman nang
maayos ang mga abubot ko. Masikip na ang classroom namin ni Sir Rey, pero kasya
pa naman ang 44 na estudyante ko. Bahala na.
Past 2, tapos na akong maglinis sa silid ko. Umuwi na ako.
Umidlip pa ako sa PITX. Peste kang ang langaw roon kasi
kinakagat ako. Nagigising ako, kaya umuwi na lang ako. Sa bus naman ako
nakaidlip. Muntikan na akong lumampas. Mabuti, ginising ako ng katabi ko.
Bago mag-six, nakapagpasa ako ng pre-test result na
hinihingi ng focal person namin sa Numero. Isinunod ko na ang home workout.
Kahit Linggo bukas, hindi na ako nagpuyat. Past 10, antok na
ako, kaya pinagbigyan ko ang sarili ko. Kailangang mabawi ako sa anim na araw
na puyat.