Napakahalaga
ng kalikasan, subalit maraming tao ang hindi nagpapahalaga nito. Sa halip na
alagaan at protektahan, ay sinisira ito.
Ang kalikasan
ang nagbibigay sa atin ng mga pagkain at hilaw na materyal sa pagbuo ng mga
produkto. Ito ang proteksiyon natin sa mga mapaminsalang kalamidad gaya ng
bagyo, baha, pagguho ng lupa, at iba pa. Dito rin nakatira ang mga hayop na
nagbibigay sa atin ng mga pagkain, at tumutulong sa pagbalanse ng ekosistema.
Noon, ang
ating mga ninuno ay nakakapamuhay nang sagana dahil lamang sa ating mga
kalikasan. Hanggang ngayon patuloy tayong umaasa sa ating mga kagubatan at iba
pang anyong tubig at anyong lupa.
Subalit,
tingnan ninyo ang epekto ng hindi pagpapahalaga sa ating kalikasan. Matinding
baha kapag may bagyo o kapag umuulan. Gumuguho ang mga lupa dahil sa walang
habas na pagpatag ng kabundukan at pagputol ng mga puno. At kapag tag-init
naman ay sobrang init talaga! Sa mga panahong ito natin naiisip ang kahalagahan
ng pagtatanim ng mga puno.
Kaya kung
hindi natin pahahalagahan ang kalikasan ay para na rin nating kinikitil ang
sarili nating buhay.
No comments:
Post a Comment