Followers

Thursday, September 19, 2024

Baka MPOX na ‘Yan

            May pantal ka ba o sugat? May kulani ka ba? Masakit ba ang iyong lalamunan? Sumasakit din ba ang katawan, likod, at ulo mo? At nanghihina ka? Naku, baka MPOX na ‘yan!


Ang MPOX o ang dating monkeypox ay madalas maihalintulad sa bulutong o smallpox. Nakahahawa ito! Maaari itong maipasa sa pamamagitan ng balat-sa-balat, bibig-sa-bibig, at balat-sa-bibig, gaya ng pakikipag-usap, paghawak, pagyakap, paghalik, at pakikipagtalik.


Kadalasang lumilitaw ang mga pantal na dulot ng MPOX sa mukha, na  kalaunan ay kumalat sa katawan. Kakalat na ang mga ito hanggang sa mga palad ng mga kamay at talampakan. Daraan sa iba’t ibang yugto ang mga pantal bago gumaling. 


May dalawang uri ang MPOX – ang Clade I at Clade II. Ang Clade I ay may mas malalang sintomas at maaaring magdulot ito ng kamatayan. Samantalang ang Clade II ay mutasyon lamang ng Clade I, kaya ito ay hindi gaanong mapaminsala. 


Kahit tiniyak ng Department of Health (DOH) na ang kumakalat na MPOX sa Pilipinas ay Clade II, pinapayuhan pa rin ang lahat na sundin ang mga health protocols. Sa Pasay City, inirerekomenda ang EMI Habit. (Ensure to always wash your hands. Mask is a must. Implement physical distancing and good airflow.)


Hahayaan ba nating maulit ang pandemya ng Covid? Kung ayaw, e, ‘di magpasuri na, baka MPOX na ‘yan. Mag-social distancing at magsuot na rin ng face mask. 








No comments:

Post a Comment

Ang Pinakamasamang Kuya

  Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...