Followers

Sunday, September 15, 2024

Mabuhay ka!

Tinuruan mo akong magbasa

Magbilang, magsulat, at iba pa

Itinama mo ang ugaling masama

Ipinasok sa puso’t isipan ang disiplina.

 

Misyon mo’y talagang pambihira

Ang hubugin ako ay sadyang mahalaga

Sa pangarap ko’y ikaw ay kasama

Inspirasyon ko ang bawat mong salita.

 

Mga aral na aking natamo’t nakuha

Ay aking isasabuhay sa tuwi-tuwina

Mga pangaral naman ‘di na mawawala

Aalalahanin ko hanggang sa pagtanda.

 

Mapagkalingang guro, mabuhay ka!

Magpatuloy ka sa pagsulong ng pag-asa

Karunungan mong hatid, lumaganap pa

Maraming kabataan iyong mahulma.

 

Mahal kong guro, isa kang biyaya

Sa ating bansa, ipinagmamalaki kita!

Sa dedikasyon, ikaw ay kahanga-hanga.

Isa kang bayaning marangal, dakila!

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...