Followers

Friday, June 27, 2025

Sandata Laban sa Kamangmangan.

Dalawampu’t tatlong mga lalaki.

At labingwalong mga babae.

 

Iyan ang mga bilang ng mga bago kong anak-anakan,

Na aking tuturuan, aalagaan, mamahalin, at gagabayan.

 

Magkakaiba sila ng pinanggalingan, katangian, at kakayahan

At may kani-kaniya pang kahinaan at kalakasan.

 

Unti-unti ko silang nakikilala, pagkatapos ng dalawang linggo,

Ang lahat ay may baon--mahahalagang karanasan at kuwento.

 

Karamihan man sa kanila ay may sukbit na bag ng kalungkutan,

Bawat isa naman ay may panulat—  sandata laban sa kamangmangan.

 

Kung sa mga pagsubok, sila’y handang humarap

Walang hindi aangat at susulong tungo sa pangarap.

 

Siguradong makakamit nila ang inaasahang tagumpay,

Gaano man kahirap ang edukasyon at ang buhay.

 

At ako, bilang kanilang guro at magulang na pangalawa

Ay magtitiyaga at magbubuhos ng malawak na pang-unawa.

 

At sa suporta ng komunidad, paaralan, at kanilang pamilya,

Ang misyong ito ay hindi basta pangarap, kundi pag-asa.

No comments:

Post a Comment

Ang Gasera ni Vito

  Mahilig maglibot-libot si Hippo sa mga hardin sa ilalim ng karagatan. Tuwang-tuwa siyang sumisilip-silip sa mga damong-dagat habang hinaha...