Followers

Monday, November 21, 2016

Hijo de Puta: Ciento bente-sais

Hindi na namin narinig ang boses ni Val. Ang hula ko ay pumasok na siya sa kanyang kotse upang umalis na.
                                          
“Kung masusundan lang sana natin siya,” bulong ko kay Lianne. “…kaso… paano?”

“Huwag na, please, Hector. Hayaan na muna natin siya. Uwi muna tayo sa probinsiya niyo… hayaan na natin ang pulisya ang maglutas nito.”

“No, Lianne. May kutob ako. May itinatago siya sa bahay nila.” Napasandal ako sa may unahang gulong ng sasakyang pinatataguan naming. Yakap ko pa rin si Lianne.

Ilang minuto na kaming naghihintay na marinig ang pag-andar ng sasakyan ni Val. Hindi kami agad doon makakatayo at makakaalis dahil tiyak ay makikita niya kami.

Walang ano-ano, tumarak sa braso ko ang syringe, na hawak niya kanina.

Napasigaw na lamang si Lianne. Ako naman ay napatingin na lamang kay Val, habang dinaramdam ang sakit ng biglaang pagtarak niyon sa braso ko.

Hindi na rin nakakilos si Lianne dahil mabilis na naitutok sa amin ang calibre .45, habang unti-unti nang dumidilim ang paningin ko. Bago ako tuluyang nawalan ng malay, naririnig ko ang iyak niya at ang mala-demonyong tawa ni Val.

“Hayaan mo na si Lianne, Val…” pagmamakaawa ko. “Wala siyang kasalanan sa’yo…”

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...