Kapag sikat o mayaman na siya,
malamang 'di ka na niya maaalala
hindi dahil sobra na siyang abala,
kundi dahil para sa kanya...
wala ka naman talagang halaga.
Anuman ang iyong nagawa
sa kanya nang siya'y wala pa
ay katulad niya... wala ring kuwenta.
Kaya, h'wag ka nang umasa pa
sa taong walang nang alaala.
Ang isang kagaya niya--
ay bangaw sa likod ng baka.
Akala niya matagumpay na siya.
Ang totoo, mabaho at putikang lupa
ang pedestal, na kanyang natatamasa.
Ayaw niyang tumingin sa ibaba,
kung saan siya talagang nagmula,
sapagkat nababatid niya,
doon siya pupulutin ng tadhana.
Followers
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Ang Pinakamasamang Kuya
Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...
-
Sorsogon, Isang Destinasyon Ang Sorsogon ay hindi magpapahuli sa kagandahan ng tanawin, at kalinisan na mga dalampasigan, bundok at kapaligi...
-
MGA BAGONG SALAWIKAIN TUNGKOL SA PERA Ang pera, ginagamit para makapagpaligaya, pero ang ligaya, 'di ginagamit para magkapera. An...
No comments:
Post a Comment