Followers

Friday, July 14, 2017

Puti at Pula

Noong ako ay bata pa,
siguro ako'y labindalawa.
Sa suwerte, laging umaasa,
kaya madalas tumataya--
gaya ng bingo at puti at pula.

Isang gabi, utos ng aking ina,
aking lubos na ikinatuwa,
sapagkat aking maitataya
ang pang-ulam ng pamilya,
baka sakaling dumami pa.

Sa pingpongan ako pumunta,
at lakas ng loob na tumaya,
tuwang-tuwa nang tumama.
Kaya lang, agad ding nawala,
suwerte ay pansamantala.

Noodles, hindi na nabili pa,
dahil sampung piso'y talo na.
Takot, noon ko lang nadama,
nang naisip ko ang aking ama.
Sigurado, palo aking mapapala.

Abot-abot ang aking kaba,
nang umuwing walang dala.
Walang nabigkas na kataga,
'di ko alam, paano magsisimula.
Pero, sila'y naging manghuhula.

Isang batok, maraming alimura,
ang napala ko mula kay Papa.
Pangaral at pagpapaunawa
ang narinig ko mula kay Mama,
kaya hiya ko'y nabawasan na.

Muli akong binigyan ng pera
para ulam nami’y mabili ko na.
Noon ko napagtanto aking nagawa—
suwerte ay hindi puti at pula

at ang sugal at talagang masama. 

No comments:

Post a Comment

Ang Pinakamasamang Kuya

  Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...