Followers

Monday, November 13, 2017

Napapagod Din Kami

Kami'y ordinaryong tao lamang-- 
Napapagod, hinihingal, naiinitan, 
Inaantok, nagugutom, nauuhaw, 
Naiinis, nagagalit, nambubulyaw. 
Napapagod din kami sa kasasaway 
Sa mga batang magulo't maingay, 
Sa mga forms, reports, at iba pa 
Hinihingal din kami sa pagtatalakay,
Na para sa pagkatutuo ang pakay. 
Kahit na magtatasikan ang laway, 
Basta leksiyon at aralin ay maibigay. 
Kami'y katulad ninyo rin lamang, 
Na may buhay, sa labas ng paaralan. 
Pamilya'y umaasa, naghihintay, 
Ngunit, sa pag-uwi, tila kami'y luray. 
Nahahapo rin kami sa paghahanda
Ng learning materials at kung ano pa, 
Na dapat oras na ng pagpapahinga.
Minsan, sa tulog ay kinakapos pa. 
Napapagal din kami sa pag-asam, 
Na boses namin inyong pakinggan. 
Hinaing namin ay parang wala lang. 
Bungol kayo sa aming mga kahilingan. 
Kami'y nag-aral, nanumpa, nagturo... 
Misyon at bisyon, nasa aming puso. 
Kaisa kami ng ating departamento, 
Pero... sana kami'y maramdaman ninyo... 
Guro kaming maka-Diyos, makabansa, 
Makatao at makakalikasan pa. 
Huwag naman kaming pagkaitan 
Ng respeto at mga pangangailangan.

Si Lola Candelaria

SI LOLA CANDELARIA

Masayang namumuhay sa barong-barong sina Lola Candelaria at Virginia. Ang pagtitinda sa Quiapo ng mga kandila at herbal na gamot ang ikinabubuhay nila. Sa umaga, pumapasok ang apo sa paaralan. Sa hapon naman, tinulungan niya ang kanyang lola sa pagtitinda.
Isang umaga, bigla na lang nag-iba at naging makakalimutin si Lola Candelaria.
"Sino ka? Lumayas ka sa pamamahay ko!" sigaw ng lola kay Virginia.
"Lola, ako po ito, si Virginia. Apo ninyo ako," mangiyak-ngiyak niyang pakilala.
"Hindi kita kilala. Wala akong apo!"
Umiiyak na lumabas na lamang si Virginia.
Sa simbahan natagpuan ni Virginia ang kanyang sarili. Nanalangin siya doon sa Panginoon. Hiniling niya na sana'y bumalik na sa katinuan ang kanyang lola.
Nang bumalik siya, gulong-gulo na ang kanilang bahay. Nagkalat ang mga gamit at damit nila.
Hinanap niya si Lola Candelaria sa mga kapitbahay.
"Naku, ang lola mo, baliw na yata," sabi ng babaeng kapitbahay.
"Bakit po?" maang na tanong ni Virginia.
"Basta! Kung ano-ano kasi ang isinabit niya sa kanyang katawan."
"Virgie, halika." tawag ni Aling Maria, ang may-ari ng suki niyang karinderya.
Lumapit siya at kay Aling Maria.
"Nakita ko ang lola mo nang dumaan dito. Hindi niya rin ako nakilala. Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanya, pero alam kong may dahilan ang lahat," sabi ni Aling Maria.
"Dahil po ba sa kahirapan? O sa pagod?"
"Maaari. At, dumarating sa punto ng tao ang pagiging ulyanin. Basta tandaan mo, Virginia, ano man ang nangyari sa lola mo, mahalin mo siya. Wala nang ibang tatanggap sa kanyang kalagayan, kundi ikaw."
"Opo."
Ipinagbalot ni Aling Maria ng pagkain si Virginia. "Heto, baunin mo sa paghahanap sa lola mo."
"Maraming salamat po!" Noon din, sinimulan niyang hanapin ang lola.
Pagod na pagod si Virginia nang maisipan niyang magpahinga sa ilalim ng puno sa Luneta.
Mayamaya, natanaw niya ang mga kalapating nakikisalamuha sa mga tao. Naalala niya ang sinabi ng kanyang lola.
"Huwag kang mag-alala, Virginia. Hindi tayo pababayaan ng Diyos. Kung ang mga ibon nga ay patuloy na nabubuhay, kahit walang nag-aalaga, tayo pa kayang mga anak ng Diyos."
Muli siyang naglakad. Para siyang nabuhayan ng loob. Alam niyang hindi pababayaan ng Diyos ang kanyang lola.
Sa baywalk inabutan ng dilim si Virginia. Kumakalam na ang kanyang sikmura, pero hindi niya iyon ininda. Mas mahalagang makita niya si Lola Candelaria.
Binaybay niya ang kahabaan ng Manila Bay, hanggang sa mapagod siya. Gutom man at uhaw, mas pinili niyang matulog na lamang doon, gaya ng iba. Naghanap siya ng karton upang pansapin sa kanyang likod.
"Sana ibon na lang ako dahil sa oras na sila ay nilalamig, may mga bird house silang natatakbuhan. Ako, hindi ko alam kung makakabalik pa ako sa bahay." Tumulo ang luha niya at tuluyang lumabo ang kanyang paningin.
Namulat si Virginia sa kanilang barong-barong. Maayos na uli ang kanilang mga kagamitan.
"Kumusta ang pakiramdam mo, Virginia?" nakangiting tanong ni Lola Candelaria. Hawak niya ang mga kandila. Nasa baywang na rin niya ang belt bag.
"Ano po ang nangyari?" Pinilit niyang bumangon kahit masakit pa ang ulo niya.
"May nagsabi sa akin, naglayas ka raw. Natagpuan kita sa baywalk."
"Po?"
"Anak, ibig kong sabihin, apo, ipagpasalamat mo na, kung ano ang mayroon tayo. Huwag na huwag mo nang uulitin ang paglalayas, ha?" Kinapa ni Lola Candelaria ang ulo at leeg ni Virigina. "O, may sinat ka pa. Huwag ka na munang pumasok. Ako na lang din ang magtitinda. Dito ka lang. Magpahinga ka."
Hindi maintindihan ni Virginia ang nangyari at ikinilos ng lola. Nang maalala niya ang sinabi ni Aling Maria, saka lamang niya napagtanto. Kailangan niyang unawain ang lola.
"Opo," sagot niya.
Lumabas na si Lola Candelaria, bitbit ang lumang rebulto ni Baby Jesus, na nilagyan niya ng ulo ni Mickey Mouse.
Agad na nagbihis si Virginia at palihim na sinundan ang lola.
Sa simbahan ng Quiapo pa rin nagtungo ang lola niya. Doon ay nagtinda si Lola Candelaria ng kandila.
Sa tingin ni Virginia, normal naman ang kanyang lola. Kaya lang, ang ipinagtataka niya ay kung bakit may hawak siyang rebulto.
Lumapit pa si Virginia sa lola upang marinig niya ang sinasabi nito habang nang-aalok ng kandila.
"Ma'am, may mabisa akong gamot para malaglag ang dinadala mo."
Nagulantang si Virginia. Nagagap niya ang kanyang bibig.
"Kandila po, Miss, para sa lalaking kumuha ng pagkabirhen mo," sabi ng lola. "Tirikan mo siya nito para habambuhay rin siyang magdusa."
Napalunok si Virginia.
"Ate, Kuya, libre punas kay Baby Virginia. Siya ang sanggol na gaya ni Hesus. Mahiwaga ito"
Natakot si Virginia sa huling tinuran ng lola. Nagdesisyon siyang yayain na ito pauwi. Naniniwala na siyang nababaliw na ang kanyang lola.
Iyak nang iyak si Virginia nang hindi na naman siya nakilala ng lola.
"Layuan mo ako, bata ka. Hindi kita kilala." Tumakbo si Lola Candelaria palayo sa kanya.
Hindi kaagad sinundan ni Virginia ang kanyang lola.
Sa bahay na dumiretso si Lola Candelaria. Nagsasalita ito at parang hindi niya nakikita si Virginia.
"Ikaw, Virginia, ikaw ang bunga ng pambababoy sa akin ng paring iyon."
Naniniwala si Virginia na pinagsamantalahan si Lola Candelaria ng pari dahil naikuwento sa kanya dati na isa siyang madre.
"Pinalaki at minahal ako ng nanay na parang isang manika, pero, ngayon, daig ko pa ang basahan. Hindi sana ako katulad ng daga kung hindi ka dumating sa buhay ko." Umiiyak na si Lola Candelaria.
Umiiyak na rin si Virginia. Naunawaan na niya ang lahat.
"Sinubukan kitang ilaglag, pero makapit ka. Pinilit kitang itago at itakas sa mundo, pero heto ka pa rin... matatag."
"Lola, Mama," bantulot na tawag ni Virginia.
Matagal na tiningnan ni Lola Candelaria ang anak, bago bumalik ang katinuan niya. "Anak? Anak, patawad. Patawad kung inilihim ko sa 'yo ang katotohanan."
Puspos ng luha si Virginia nang niyapos niya ang ina. "Okay lang po, Mama."
Minsan, bumabalik pa rin ang pagkawala sa katinuan ni Candelaria. Pero, dahil inaalagaan at inuunawa ni Virginia ang kalagayan ng ina, patuloy silang namumuhay nang masaya sa kanilang barong-barong, gaya ng mga ibon.

Sunday, November 12, 2017

Hijo de Puta: Ciento bente-otso

Ciento bente-otso

Isang naka-wheel chair na foreigner ang ipinasok ni Howard sa kuwarto. Biglang gumulong sa dibdib ko ang takot, hindi dahil sa maaaring gawin niyon sa akin, kundi dahil tila may sakit ang lalaki. Tulala ito.

Napapitlag ako.

“Buenas tardis, William!” sarkastikong bati ni Val sa banyaga, na mukhang nasa late 50’s na. “Hector, meet William.” Tumayo siya at kinuha niya ang wheel chair mula kay Howard. “Thanks, darling. Please, prepare a sumptuous dinner for Hector.”

Agad na tumalikod si Howard, pero bago tuluyang lumabas sa kuwarto, tiningnan niya ako. Makahulugan. Alam kong isa rin siyang biktima ni Val. Itinulak ni Val ang wheel chair palapit sa akin. Mas klaro ko namang napagmasdan ang foreigner, na noon ay may namumuo nang luha sa kanyang mata. Tila may nais rin siyang bigkasin.

"Mi amigo, William, conocer a tu hijo… hijo de puta. El es Hector…”

Naunawaan ko ang tinuran ni Val. Noon pa ako nagsumikap matutong mag-Espanyol.

Sumikad-sikad ako, pero hindi ko siya magawang matamaan. “Sinverguenza, Val! No hagas daƱo a mi padre o bien te matare!"

Humalakhak si Val.

Tuluyan namang pumatak ang mga luha ng aking ama. Nagpumiglas siya, pero balewala dahil nakatali pala ang kanyang mga paa at kamay sa wheel chair.

“Pakawalan mo ang aking ama! Siraulo ka na talaga!”

Itinulak ni Val ang wheel chair palayo sa kama. "Comportarse. Disfruta el espectaculo.” Tinapik-tapik niya pa ang pisngi ng ama ko.

Nagmura ako nang nagmura at sumigaw nang sumigaw ng tulong, habang unti-unting nagtatanggal ng saplot si Val. Nilukob na ako ng galit. Ipinagdasal ko na makagawa ng paraan ang Daddy ko.

Pinatahimik ako ni Val nang nahubad na niyang lahat ang suot niya. “Relax, Hector. Maglalaro lang naman tayo. I’m sure, magugustuhan mo ang gagawin ko. Baka nga hanap-hanapin mo…”

Tumayo ang sawa sa kanyang harapan.

Napaiwas ako ng tingin. Naghanda ako sa pinaplano niya.

"Hector, kung pinagbigyan mo lang ako, hindi na sana umabot sa ganito,” bulong niya sa akin. Pagkatapos ay umibabaw na siya sa akin.

"Pakawalan mo ako, pagbibigyan kita…”

“Later, Hector… Later.” Agad niyang sinimulan ang pagpapaligaya sa sarili niya.

Hinayaan ko siyang himurin niya ang leeg ko at paglaruan ang mga utong ko ng kanyang dila, habang bahagya niyang ikinikiskis ang kanyang katigasan sa alaga ko.

Isang pambihirang sensasyon ang naramdaman ko. Tinatalo nito ang kagustuhan kong mapataob ko siya. Sinilayan ko ang aking ama.

Patuloy siya sa pagpupumiglas.

Mayamaya, naisubo na ni Val ang pagkalalaki ko. Hindi ko iyon mapahindian, hanggang tuluyan na akong lamunin ng aking libog.

Walang ano-ano, dinidilaan na ni Val ang ilalim ng aking mga balls. Pinaigtad ako niyon. Nakalimutan kong nanunuod pala ang aking ama.

Buong lakas kong tinabig siya.

Nag-iba naman ang mukha niya. Para na siyang demonyo. “Mapapasaakin ka!” Hinablot niya ang burat ko at sinakal niya.

Napasigaw ako at napasikad, pero pakiramdam ko, dumugo lang ang paa ko dahil sa posas. “Hayop ka, Val! Mas hayok ka pa sa hayop na gutom!”

“Oo, Hector! Oo… Gutom na gutom ako sa katulad mo.” Sinumulan muli niyang himasin ang titi ko, na halos ayaw nang gumana.

"Kapag makawala ako rito, papatayin kita!” Pumikit na lang ako habang dinadama ko ang dila nila sa may butas ng puwet ko.

“I’ll be gentle, Hector… I promise,” nakangising sabi ni Val, habang sinasalsal ang kanyang tarugo.

Nang dumilat ako, nakita kong tigas na tigas at tayong-tayo na ang burat ni Val. Nilagyan niya pa ito ng kanyang laway. “Daddy William, enjoy the show,” ani Val. Lumingon pa siya sa foreigner, na puspos na ng luha.

Ramdam ko ang pagbangga ng ulo ng burat ni Val sa puwerta ko. Napakislot pa ako nang bahagya na itong tumusok paloob. Umurong ako upang lumuwa ang titi niya. “Huwag, Val. Huwag!”

Buong lakas na hinawakan ni Val ang mga braso ko, saka niya muling kinadyot ang puwet ko.

Napasigaw ako. Kasabay niyon ang pagbagsak ni Val sa dibdib ko.

Nakita ko si Howard. Hawak niya ang baseball bat.

Sunday, November 5, 2017

Sino ang Tunay na Duwag?

Mahilig sa mga insekto ang ama ni Sixto. Sa kanilang hardin, madalas siyang nanghuhuli ng tutubi, tipaklong, gagamba, kulisap, paruparo, salaginto, salagubang, langgam, alitaptap, at kung ano-ano pa. Bukod na natutuwa siya sa katangian ng mga ito, nakatutulong pa sa pagbabalanse ng ecosystem. Sila ang madalas na pagkain ng ibang hayop sa paligid.
Ayaw na ayaw naman niya ang mga lamok, langaw, at ipis sa kanilang bahay. Madalas, ini-spray-han niya ang buong bahay ng insecticide. At, pinapanatili niya ang kalinisan sa kanilang tahanan at bakuran upang ang mga pesteng insekto at hindi manirahan. Ayaw niyang magdulot ang mga ito ng mga sakit gaya ng dengue, diarrhea, cholera, at iba pa.
Pero, natutuwa siya sa tunog ng mga bubuyog, kahit minsan na siyang nakagat nito. Ang mga ito kasi ang nagpaparami ng mga bulaklak sa kanilang hardin sa pamamagitan ng pollination. Ang mga bubuyog rin ang gumagawa ng honey.
Tuwing may nahuhuli ang ama ni Sixto, agad niya itong ipapakita sa anak.
"Sixto, may insekto akong nahuli. Tingnan mo," sabi ni Daddy Calixto. Hawak-hawak niya sa pakpak ang tutubing karayom.
Napaurong si Sixto nang makita ang insekto.
"Hawakan mo."
"Ayaw ko po." Napangiwi si Sixto.
"Bakit natatakot ka? Mas malaki ka pa kaysa sa kanya."
"Nakakatakot po, e."
Pinakawalan ng ama ang hawak na insekto.
Minsan naman, may ipinakita salagubang ang ama ni Sixto. Akala niya, magugustuhan iyon ng anak dahil kulay-ginto ito. Subalit, napangiwi at napaurong na naman siya nang makita ang insekto.
"Mas malaki ka sa kanya. Mukha lang siyang nakakatakot," sabi pa ng ama.
"Nakakatakot po ang mga paa niya," sabi ni Sixto, habang siya ay papalayo.
Isang umaga, nakakita ng puting gagamba ang ama niya.
"Sixto, Sixto, may ibibigay ako sa 'yo!" masayang balita ng ama. Inilahad niya ang isang sanga. Naroon nakadapo ang puting gagamba.
Napaurong si Sixto. Siya ay napangiwi.
"Hawakan mo ang sanga,"utos ng ama. Huwag mo lang hahawakan ang gagamba."
"Ayaw ko po."
"Ang duwag mo naman. Mas malaki ka pa kaysa sa kanya," sabi ng naiinis na ama. Nais niya kasing maging matapang ang anak.
"Natatakot po ako, e."
"Bakla ka yata, e."
Nahulog mula sa sanga ang gagamba.
"Damputin mo kung lalaki kang talaga," utos ng ama. Iniabot kay Sixto ang sanga, saka siya bumalik sa hardin nila.
Kahit takot na takot, pinilit hulihin ni Sixto ang puting gagamba. Gusto niyang patunayan sa ama na tunay na lalaki siya at hindi siya duwag.
Samantala, sa hardin, may nakitang bahay ng bubuyog ang ama ni Sixto.
"Sixto, Sixto, halika rito. Dali, dali!" tawag ng ama.
Manghang-mangha ang ama sa bahay ng bubuyog. Noon lamang siya nakakita ng ganoon. Hinawakan niya iyon at sumilip sa butas.
Isang malakas na sigaw ang narinig, matapos maglabasan ang mga bubuyog mula sa butas. Napaurong ang ama ni Sixto. Muntik nang makagat ang kanyang mga mata. Pagkatapos, nagliparan ang iba't ibang insekto sa paligid ng hardin, nang matumba siya sa mga halaman. Napapikit pa siya nang nagsaboy ng ginintuang alikabok ang mga paruparo.
"Mommy, tulungan mo ako!" sigaw ng ama. Kinusot-kusot niya ang mga mata.
"Ano ba ang nangyayari sa 'yo, Calixto? Mga insekto lang, kinatatakutan mo pa," pagalit ng asawa. "Bumangon ka na riyan." Iniwan niya ang asawa habang natatawa.
"Sixto, tulungan mo ako," sigaw uli ni Calixto. Hindi siya makatayo dahil tila galit na galit sa kanya ang mga nakapaligid na insekto. "Sixto! Sixto!"
"Daddy, ano po ang nangyari sa inyo?" tanong ng dambuhalang puting gagamba.
Napasigaw muli ang ama sa kanyang nakita. Kahit masakit ang likod niya, napilitan siyang tumayo at tumakbo palayo.
Sa likod ng bahay dumaan si Calixto. Pagpasok niya, nakita niya si Sixto. Hawak ng anak ang sanga, kung saan nakakapit ang puting gagamba.
"S-Sixto?" humagangos na tanong ang ama.
"Daddy," napalingon at napangiti ang anak niya. "Ang bait po ng gagamba. Hindi po pala ito dapat katakutan."
"Anak, itapon mo na 'yan. Bilis!"
"Bakit po? Natatakot po kayo? Lalaki po ako. At, mas malaki po ako." Inilagay niya sa palad ang gagamba. " See, Dad?"
Napaurong at napangiwi ang ama, nang tila nakita niyang muli ang dambuhalang gagamba sa katauhan ng anak.
"Ayaw ko na!" hiyaw ng ama. Pagkatapos, mabilis siyang pumanhik.

Naiwan si Sixto. Tawa ito nang tawa.

May Third Eye si Thirdy

"Tumigil ka nga, Thirdy!" singhal ng ama sa anak, na nagsusumiksik sa pagitan nilang asawa, habang sila ay nanunuod ng pelikula. "Palabas lang 'yan."
"Natatakot po ako, e," natatawang sagot ni Thirdy. "Sabi ng multo sa bahay ni Lola Lima, huwag daw palaging manuod ng nakakatakot na palabas, kasi magkakatotoo raw."
"Ano ba 'yang pinagsasabi mo, anak? Nakakatakot naman. Paano naman sa 'yo sasabihin ng multo iyon, multo nga sila, e. May third eye ka ba?" Hinipo ng ama ang noo ng anak. "Wala naman, a. Kaya, tumigil ka. Matulog ka lang kaya sa taas."
Tuwing nanunuod sila ng horror, ganoon lagi ang sinasabi ni Thirdy sa kanyang ina at ama. Ayaw naman siyang paniwalaan ng kanyang mga magulang.
"Hay, naku, Thirdy! Gusto mo lang kasing manuod ng cartoons. Magbasa ka na lang kaya ng libro," sabi ng ina niya.
"Sabi ng reyna ng mga multo, kapag napagod daw silang magbantay sa atin, aalis sila. Hindi na nila tayo babantayan."
Kinurot ng ina si Thirdy.
"Aray ko po. Totoo po ang sinasabi ko."
"Paano nila tayo babantayan kung nasa probinsiya sila? Andami mong alam," palahaw ng ama.
Nakita ni Thirdy ang nakakatakot na mukha sa telebisyon. Napaurong siya sa kinauupuan at nagtago sa unan. "Ganyan... ganyan ang hitsura ng nakita ko."
"Nakita mo na pala sa personal, e bakit ka pa natatakot?" tanong ng ama.
"E, nakakatakot po, e."
Tatawa-tawa ang mag-asawa sa pagiging matatakutin ng anak.
Nang tulog na si Thirdy, nagkuwentuhan sa sala ang mag-asawa.
"Sa palagay mo, Liam, nagbibiro o gumagawa lang si Thirdy ng kuwento?" tanong ni Miley sa asawa.
"Oo. Ganyan daw ang mga bata-- masyasong imaginative. Nakita mo naman kung paano siya naglalaro, 'di ba?"
Tumango si Miley. "Gumagawa siya ng sarili niyang kuwento, na kunwari nag-uusap ang mga laruan."
"Tama ka. Isa pa, ganyan daw ang mga batang may imaginary friend."
Saglit na nag-isip si Miley. "Ang imaginary friend niya... multo? Weird ng anak natin." Kinilabutan siya.
"Oo nga."
"Baka totoong may third eye siya."
"Isa ka pa. Mana talaga sa 'yo ang anak mo."
"E, bakit nakatayo ang mga balahibo mo sa kamay? Takot ka rin, e."
"Hindi ako takot."
"Duwag!" tukso ng asawa.
Hindi ako duwag. Baka ikaw."
"Hindi ako duwag." Kumapit siya sa asawa.
"Ano 'yang nasa likod mo?"
Sumigaw si Miley ay kinurot-kurot ang asawa. "Kasi naman, e."
Nagtawanan ang mag-asawa, ngunit kinalaunan natata-takot sila sa sinasabi ng kanilang anak. Maaaring totoong may third eye siya. Maaari ring may imaginary friend. O maaari rin namang gawa-gawa lang niya.
Isang gabi, bago matulog ang mag-anak, pinagkuwento ng ina si Thirdy.
"Daddy, pakinggan mo ang kuwento ni Thirdy. Totoo nga palang may multo sa bahay ni Mama sa probinsiya. Ang nakita mong paa noon sa may hagdanan, totoo iyon," sabi ng ina.
Lihim na natakot ang ama. Kabaligtaran naman ng reaksiyon ni Thirdy. Hindi siya nagsumiksik sa kanila.
"Ganito po 'yon," pagsisimula ni Thirdy.
Matamang nakinig ang ama.
"Kaibigan ni Lola Cleofe ang multo. Kaya siya nandoon kasi dumadalaw siya..."
"Oo, Dad, kaya pala nagsasalita si Tita Cleofe noong nakaratay siya," singit ng ina.
"Nag-uusap siya bago mamatay si Lola Cleofe. Ay, nasabi ko." Tumayo si Thirdy at kumatok siya sa kahoy na mesa.
Natawa ang mag-asawa.
"Sabi raw, kumatok daw sa kahoy kapag nasabi mo ang patay o kamatayan para hindi magkatotoo."
Kinilabutan lalo si Liam sa tatas ng  pananalita ni Thirdy, kaya mas ginusto niyang mapakinggang lahat ang kuwento ng anak.
Nakita niyang seryoso ang anak at walang bahid ng takot. "Anong hitsura niya?"
"Matanda na siya. Sabi niya sa akin, huwag daw akong matakot sa kanya. Dati raw siyang asuwang, inaasuwang niya raw ang mga nang-aaway sa kanya. Ngayon, mabait na siya. Prinoprotektahan niya lahat ng pamilya at kamag-anak ni Lola Cleofe," kuwento ni Thirdy.
"Tama! Love na love siya ni Tita Cleofe, kaya love rin siya ng multo," sabi ng ina sa asawa.
"Mabait daw po kasi ako, sabi ng multo."
"Kaya pala kapag nagpapasaway ka, nagkakasakit ka doon. Binibigyan ka niya ng sakit," wika ng ina.
"Hindi," tanggi ni Thirdy.
Natahimik ang ama. Gusto na niyang maniwala kay Thirdy. Namangha siya kung paano niya ikinuwento ang mga bagay na iyon. Sa edad na pito, alam niyang hindi niya pa kayang gumawa-gawa ng kababalaghang kuwento.
"Ano pa ang mga nakita mo roon? Ikuwento mo pa kay Daddy," utos ng ina.
"May lalaki pa. Nakasuot siya ng parang pangkasal."
Tiningnan ni Mommy Miley si Daddy Liam. "Barong."
Tumango ang ama.
"Anong hitsura niya?" tanong ng mommy.
"Matanda na siya. Parang hindi nagpapagupit ng buhok. May dugo siya mukha. Tapos ganito siya maglakad." Iniakto pa niya ang paglakad ng multo.
Hindi natawa ang ama. Para kasing nagaya ng anak ang tunay na lakad ng multo, na napapanuod niya sa telebisyon o pelikula.
"Hindi ka natakot?" kinikilabutang tanong ng ama.
"Noong unang nilapitan niya ako, natakot ako, pero, nang sinabihan niya akong huwag matakot, hindi na ako natakot. Mabait din siya."
Medyo nakukumbinsi na ni Thirdy ang ama.
"Nakakita pa raw siya ng kapre," sabi ng ina.
"Anong hitsura niya?" tanong ni Daddy Liam. Nagtataka siya kung bakit sa murang edad ng anak ay alam na niya ang kapre.
Nang ikuwento ng anak, mas lalo siyang bumilib sa husay nitong maglarawan.
"Nakita ko siya sa may bintana. Hindi ba may puno doon? Sumilip siya."
"Ano'ng sabi sa 'yo?" interesadong tanong ng ama.
"Wala. Nagpakita lang."
"Natakot ka?"
"Natakot. Mabait naman po siya."
"Ano'ng hitsura niya?" tanong ng ama.
"Green ang mukha. May ugat-ugat sa leeg. May mga stick sa ulo. Pito yata 'yon. Mukha lang ang nakita ko kasi nasa ilalim ng lupa ang katawan niya. Dalawa ang nakita ko, pero wala siyang stick."
"Daddy, meron pa," singit ng ina. "Ikuwento mo, anak."
"Ang manika na gaya ng kay Lola Salvacion, ganoon po. Naglalakad po siya. Ganito." Iniakto ni Thirdy ang lakad ng manika. "Parang robot."
Hindi na nakapagsalita si Daddy Liam. Naniniwala na siyang may third eye nga si Thirdy. 
"Dito sa bahay, may nakikita ka?" usisa ng ama. Natatakot siya.
"Wala po."
Nakahinga nang maluwag si Daddy Liam. Bumalik na sa dati ang mga balahibo niya.

Simula noon, hindi na sila nanunuod ng horror film.

Ang Lihim nina Janna at Janjan

Dumalaw sina Janna at Janjan sa kanilang lola.

Nagmano ang mga apo kay Lola Caren. Masuyong niyakap ng lola ang mga apo. Pagkatapos, kinapa-kapa nito ang buhok at ang mga braso ni Janna. Kinapa-kapa rin nito ang mga braso at pisngi ni Janjan. "Mataba ka na ngayon, Janjan. Ikaw, Ate Janna, kumain ka nang marami para tumaba ka."

Tumingin lang si Janna sa lola. Pagkatapos, nagtinginan ang magkapatid.

"Sandali lang... Ipaghahanda ko kayo ng pagkain." Maingat na tinungo ni Lola Caren ang refrigerator. Naglabas ito ng mga pagkain.

Lihim na napangiti ang magkapatid.

"Sige na, mga apo, kumain na kayo. Huwag kayong mahiya. Maya-maya lang, darating na ang Papa ninyo," sabi ng lola, habang painot-inot ito sa paglakad pabalik sa upuan.

Tahimik na kumain ang magkapatid. Patingin-tingin sila sa may pintuan.

Lumipas ang ilang sandali, tumambad ang kanilang ama.

"Hello!" masayang bati ng ama. Agad nitong nilapitan ang mga anak at isa-isang hinalikan ang noo. "Kumusta na kayo?

Nakatingin lang sina Janna at Janjan sa ama, habang nilalabas nito ang mga pasalubong.

"Bakit ang tatahimik ninyo? tanong ng ama.

Hindi sumagot ang magkapatid.

Nagtataka si Lander sa reaksiyon ng dalawa. Gayunpaman, pinilit nitong pasayahin ang mga anak. "Pambaon niyo ang mga ito, ha?" Tinutukoy ng ama ang paper bag na hind nito binuksan.

Nakatitig si Janjan sa ama. May nais siyang sabihin.

"Kumusta, Janjan." Ginulo pa ng ama ang buhok ng anak. Hindi nito narinig na sumagot si Janjan.

Nakayuko lang si Janna, habang tinatapos ang pagkain.

"Lander, ipagluto mo ng masarap na pagkain ang mga anak mo. Si Janna, ang payat. Si Janjan lang ang medyo tumaba. Parang hindi yata napapakain nang husto ng ina nila, sabi ni Lola Caren.

Tahimik na tahimik ang kusina. Nagtitinginan at nagpapakiramdaman lang ang mag-aama. Tanging si Lola Caren lamang ang panay ang kuwento tungkol sa mga apo.

"Noong nakaraang Sabado, nandito sila. Hindi ka dumating. Mabuti at nakarating ka ngayon," ani Lola Caren.

"Opo. Andami po kasing trabaho."

Nais bumuka ng bibig ni Janna, pero hindi niya nabigkas. Si Janjan naman, nakuntento na lang sa pagsulyap sa ama.

"Naku, bigyan mo naman ng panahon ang mga anak mo," payo ng ina ni Lander.

"Opo, `Ma. Kapag nabakante ako, ipapasyal ko sila." Isa-isa nitong tiningnan ang mga anak.

Yumuko si Janna. Tumingin sa iba si Janjan.

Ramdam ni Lander ang pagkailang ng mga anak. Gayunpaman, kahit alam ng ama na marami itong pagkukulang, naniniwala itong nasa mabuti silang kalagayan. Naaalagaan sila ng ina at nasusuportahan ng padrasto ang kanilang mga pangangailangan.

"Sa ngayon, hindi ko pa magagawa iyon. Aalis rin ako agad."

Bahagyang kumunot ang noo nina Janna at Janjan sa pahayag ng kanilang ama.

"Janna, magkuwento na kayo ni Janjan sa Papa ninyo," utos ng lola.

"Ano iyon, anak? May problema ba sa eskuwela?" Hinarap ni Lander ang mga anak. Naghintay ito sa sasabihin ng dalawa, ngunit nakayuko lang si Janna. Nakatingin lang sa malayo si Janjan

"Kapag wala ka, ang dadaldal ng mga iyan. Nalaman ko nga na ang Papa Gino nila ay may trabaho na. Sinabi rin sa akin ni Janna, na ang mga ibinibigay mong pera, gamit, at pagkain ay hindi nila ipinapaalam sa kanilang stepfather," kuwento ng lola.

"Basta lagi kayong magpapakabait sa Mama at Papa Gino ninyo. Magmahalan kayong magkapatid. Lagi kayong tutulong sa mga gawaing-bahay. At higit sa lahat, mag-aral kayong mabuti," payo ng ama.

Nakatingin lang sina Janna at Janjan sa ama.

"May gusto ba kayong sabihin sa akin, Janna... Janjan?" Isa-isa nitong tiningnan ang mga anak. "May gusto ba kayong ipabili? Kainin? O pasalubong?"

Nagtaas lang ng tingin si Janna. Sumulyap naman si Janjan sa ama, pero parehong hindi bumuka ang mga bibig nila.

Nahiwagaan si Lander sa dalawa niyang anak. Ibang-iba sila kung ikukumpara sa mga nakaraan nilang pagkikita. Hindi na sila nagsasalita ngayon. "Ayos lang ba kayo sa bahay ninyo?"

Hindi agad tumango si Janna.

"Hindi ba kayo nagugutom doon?"

Tumingin lang si Janna kay Lander. "Kung alam mo lang po, Papa. Isang pandesal at kape lang ang madalas naming almusal. Si Janjan, minumura at sinasabihan ni Papa Gino ng matakaw dahil kulang sa kaniya ang isa." Nasa isip lang niya iyon.

"Mabait ba sa inyo si Papa Gino ninyo?" Tiningnan nito si Janjan.

Yumuko lamang ang anak. "Mabait po siya, Papa... pero demonyo po siya kapag lasing," naisaloob ni Janjan. "Ang mga pasa ko sa braso ay gawa ni Gino. Binugbog niya ako dahil gusto ko pang kumain." Lihim niyang kinapa ang kaniyang pasa.

"Magkano ang ibinibigay na baon sa inyo?"

"Five po," mabilis na sagot ni Janna. Gusto niyang sabihing, "Kaya huwag na po kayong magtaka kung bakit ang payat ko," ngunit hindi niya nasabi.

"Five lang? Ang kapatid ninyo, twenty. Kinder pa lang siya. Kayo, five?" Napailing-iling ang ama. Naawa siya sa mga anak.

"Hindi po namin kailangan ang malaking baon. Ikaw po ang kailangan namin," naisaloob ni Janna.

"Lander, may ibang pangangailangan ang mga anak mo. Iyon ang ibigay mo sa kanila."

Hindi sumagot si Lander. Awang-awa siya sa mga anak. Naisip niyang ito ang bunga ng broken family.

Tahimik na tinapos ni Lander ang pagluluto. Aalis siya nang maaga upang hindi na makita ang kalungkutang nadarama ng mga anak. Gustuhin man nitong kunin ang mga anak at itira sa tahanan nito, hindi maaari.

"Papa, kunin mo na kami kay Mama. Hirap na hirap na kami sa kamay ni Papa Gino." Iyan ang gustong sabihin ni Janna sa ama, ngunit mas pinili niyang ilihim.

"Papa, ayaw ko na po sa bahay namin. Sinasaktan kami ni Papa Gino, pati si Mama," sumbong ni Janjan sa ama. Subalit nakatikom lang ang bibig niya.

"Hindi po kami makapagsumbong sa 'yo dahil iyon ang gusto ni Mama," sabi ni Janna sa kaniyang sarili. "Natatakot siyang kunin mo kami sa kaniya."

Nang matapos magluto ang ama, hinainan nito ng pagkain ang mga anak at ina.

Tahimik na kumain ang maglolola, habang nakamasid lang si Lander. Masaya na itong makitang nabubusog ang pamilya. Hiniling nito na sana patuloy itong may magandang trabaho upang patuloy nitong masuportahan ang mga anak, gayundin ang ina.

Malungkot na nagpaalam si Lander sa mga anak at ina. Isa-isa nitong hinagkan sa pisngi sina Janna at Janjan. Nagmano rin ito sa ina. "Gusto ko, pagbalik ko, maramdaman ko na ang dating sigla ninyo. Gusto kong makita ang mga ngiti sa mga labi ninyo."

Sumulyap lang sa ama sina Janna at Janjan.

"Lander, mabuti pa ako, kahit bulag ako, nararamdaman at nakikita ko kung ano ang kailangan nila. Sana ikaw rin," sabi ni Lola Caren.

Napamaang si Lander. Tiningnan niyang muli ang mga anak. Awang-awa siya sa dalawa.

"Tama si Lola," sabi ni Janna sa sarili. "Kailan niyo po mararamdaman ang paghihirap namin sa asawa ng aming ina?"

"Mabuti pa si Lola, nakikita niyang malungkot kami at may problema. Paano mo kaya makikita ang mga lihim namin ni Ate?" naisip ni Janjan.

Lumapit si Lander sa mga anak. "Pagbalik ko, mga anak, kukunin ko na kayo sa inyong ina. Paalam. Mag-iingat kayo." Tumalikod upang itinago ang mga luha, saka ito lumabas.

Nang makalayo ang ama, tahimik na umiyak sina Janna at Janjan.

"Salamat po, Diyos, naramdaman na ni Papa ang lihim namin ni Janjan," bulong ni Janna. Niyakap niya ang kapatid.


Wednesday, November 1, 2017

Ang Aking Journal -- Nobyembre 2017

Nobyembre 1, 2017 Dahil malamig ang panahon, nasa loob lang kami ng bahay maghapon. Gumawa ako ng narrative report. Ang nakakainis lang dahil maghapon ding walang internet. Gayunpaman, inabala ko ang sarili ko sa pagtapos ng narrative. Kahit paano, umusad na ako. Hindi ko nga lang nagawa ang pinagagawa sa akin ni Ma'am L dahil hindi ko nadownload ang files. Kinontak naman ako ng GMA-Brigada. Tuloy na tuloy na bukas ang shoot/interview ni Chealsey. Sana may pasok nga talaga para maisabay na rin ang shoot sa classroom. Kailangan kasing makuhaan ang mga kaklase niya. Nobyembre 2, 2017 Pumasok ako, kahit nag-alinlangan akong pumasok dahil sa fake news na kumalat---wala raw pasok. Late nga lang ako. Pero, tatlong bata lang ang pumasok sa klase ko. Ayos lang din dahil may shoot pala si Chealsey sa bahay nila. Past seven, andoon na kami sa kanila. Humabol naman sina Rashid at Lucion. So, apat na sila. Kasama si Charles. Mga past 8, nagsimula ang shoot. Tuwang-tuwa ako sa interview kay Chealsey. Witty talaga siya. Matagal nga lang ang settlers shot. Kinuhaan pa silang maglola, sa loob at labas ng bahay. Pati ang mga kaklase, habang sila ay papasok sa school. Kaya, alas-onse na kami nakapunta sa school. Doon, nanghiram ako ng Grades 3 and 5 na mga estudyante para maisama sa shoot. Nabigla ako nang pinagturo ako habang kinukuhaan. Nanginginig ako. First time kung humarap sa camera for national television. Mas matindi pa sa observation ng principal o supervisor ang naramdaman ko. Gayunpaman, sinikap kong mapakalma ang sarili ko. I hope okay ang rehistro ko sa video. After nilang kumain, ako naman after ma-accomplish ang utos ng principal, bumiyahe na kami patungo sa GMA para sa isa pang shoot. Past 3 andoon na kami. In-interview ang writer, na si Rhandee Garlitos. Humanga ako sa husay niya. Sobrang kapupulutan ng aral at inspirasyon. Ang suwerte ni Chealsey dahil nakatambal niya sa interview portion. Nagkaroon ako ng chance na makapagpa-picture sa kanya. Nakapagkuwentuhan din kami tungkol sa writing, journalism, at iba pa. Na-realize ko na iisang mundo lang ang ginagalawan namin. Makuwento siya. Walang dull moments. Malaman ang kanyang sinasabi. Thumbs up ako. Kaya lang, kailangan nang magmadali para makauwi nang maaga. Inihatid ko muna si Chealsey sa bahay nila, although ipinahatid kami ng segment producer sa van ng GMA. Past 11 na ako nakauwi. Pagod na pagod ako, pero fulfilled. Grabe ang experience! Nakaka-excite panuorin. Nobyembre 3, 2017 May pumasok sa klase ko --anim na estudyante, kahit nag-PM si Chealsey sa GC namin, na baka hindi ako makapasok. Sa kabila kasi ng kakulangan ko sa tulog, napagdesisyon kong pumasok pa rin. Okay lang naman. Pinaglaro ko na lang sila, habang tinatapos ko naman ang narrative report ng INSET. Almost done na. Nainis lang ako sa unang file ko kasi nagha-hang. Hindi ko tuloy matapos-tapos. Past two, nagpanotaryo kami ni Ma'am Joann ng mga akda naming panlaban sa Lampara Children's Story Writing Contest. Pagkatapos niyon, agad naming tinungo ang opisina ng Precious Pages para ipasa iyon. Alas-kuwatro na namin naipa-receive iyon. Tuwang-tuwa kami sa aming accomplishment. Inspired na inspired rin kaming magsulat dahil sa mga books na nakita namin sa mini-book store nila. Sabi namin, one of these days, makikita namin ang books namin doon. At, babalik kami for signing of contract. Writing goals! Past 8 na ako nakauwi sa bahay. Masaya akong sinalubong ni Zillion. Mas masaya ako dahil natuwa siya sa books na binili ko para sa kanya. Pangarap kong matulad siya sa akin. Past 11:30 na kami natulog dahil nagkuwentuhan pa kami. Naniniwala akong may third eye si Zillion. Ang mga kinuwento niya tungkol sa mga multong nakikita at nakakausap niya sa Aklan ay talagang naihayag niya nang parang matured na siya. Seryoso at malaman. Nakakahanga ang tapang niyang kausapin at kaharapin ang mga multo at kapre. Parang na-inspired akong isulat iyon. Ang pamagat ay "Ang Third Eye ni Thirdy." Nobyembre 4, 2017 Nag-try akong tapusin ang narrative report ng INSET, kaya lang ganoon pa rin ang format. Nagha-hang. Bigla na lang nawawala ang picture kapag ino-open ko. Nag-try rin akong mag-post sa digitalworld.ph, agad ding nahinto dahil nawala na ang signal. Haist. Wala akong nagawa. Mabuti na lang may naisip akong writing idea. Naisulat ko maghapon. Naisulat ko rin ang tungkol sa third eye ni Ion. Hindi na lugi ang Sabado ko. Nobyembre 5, 2017 Maaga akong nagising, pero hindi agad ako bumangon. Ang sarap kasing mag-in-in sa higaan. Malamig ang panahon. Maghapon, nagbasa ako ng "Moymoy Lulumboy," na binili ko para kay Ion. Nakaka-inspire magsulat. Kaya naman, nang matapos akong mag-gardening, nakapagsulat ako ng isang kuwento. Maaari ko iyong ilaban sa Lampara. Sulit ang Linggo ko. Hindi man ako nakaidlip, produktibo pa rin. Na-enjoy ko rin ang panunuod ng telebisyon. Nobyembre 6, 2017 Maaga akong nakarating sa school, kaya nagkapag-post pa ako sa digitalworld.ph. Kailangan kong ibalik ang dati kong rank. Bumaba ang rank ko dahil sa ilang araw kong hindi nakapag-post nang marami. Nagturo ako nang husto sa lahat ng AP 6 classes ko. Kahit ang time ng Fil 6 ay kinain ko na para ma-cover ko ang mga backlogs ko. Nagawa ko namang ipaunawa sa lahat ng klase ang mahahalagang pangyayari sa panahon ng Hapones. Haist! Nahihirapan talaga ako sa Araling Panlipunan, although natututo ako. Ang hirap dumaldal nang dumaldal. After class, nagkaroon ng awarding of certificates para sa ERP ng principal. Hindi agad ako nakapunta sa CUP para mag-enrol. Okay lang naman dahil hindi pa open. Kung alam ko lang, hindi na sana ako nagmadali. Nagpaskil pa sila ng na Nov. 6-11 ang enrolment, hindi naman pala susundin. Sayang ang pamasahe at oras ko. Buwisit talaga ang CUP na 'yan! Kung hindi lang masasayang ang units ko sa kanila... Past 3, nasa bahay na ako. Kahit paano ay nakapagpahinga ako. Nakatulong din ang kaunting minutong idlip sa bus. Kaya naman, nagyaya akong mag-tutor. Matagal-tagal din bago uli ako nakapag-tutor kay Bubot. Halos wala pa silang lesson. Nainis ako nang malaman kong may shoot na naman bukas. Hindi na nila tinapos noong Huwebes, e. Paulit-ulit. Nobyembre 7, 2017 Napuyat ako kagabi. Hindi ko alam kung dahil sa excitement para sa shoot at airing. Muntik na akong ma-late dahil 15 minutes na palang nag-ring ang alarm ko. Past 8 na dumating ang team ng GMA. Hindi ko muna pinag-recess ang mga bata. Inabutan sila ng past 9, bago nakakain. Okay lang naman dahil may exposure sila. Kinuhaan nga rin uli ako. Nag-diarrhea ako. Sanhi ba ito ng excitement o talagang may nakain akong nakasama? Haist! Umuwi ako nang maaga. Past 2:30, nasa bahay na ako. Hindi naman ako nakaidlip. Hinintay ko talaga ang documentary. Eight-thirty na iyon nagsimula. Pero, worth it naman ang video. Natuwa ako sa mga sagot ni Chealsey. Ang ganda ng concept ng docu. Natuwa rin ako dahil mabilis lang ang exposure ko. Hindi nila ako halos makilala. Binati ko siya pagkatapos. Nagpalitan kami ng chat. May mga kasamahan din akong bumati at nagpahayag ng kanilang pagkatuwa at paghanga. Napatunayan ko kasing may future sa pagsusulat. Sana maniwala na ang lahat. Nobyembre 8, 2017 Ikalawang araw ng periodic test. Marami akong nai-post sa DW. Pang-apat na ako sa ranking. Mahirap i-beat ang 3rd kasi malayo ang agwat namin, lalo na't nag-eedit pa ako ng akda ko. Nagbayad na kami nina Ma'am Joann at Ma'am Joan V sa big book making workshop sa Lampara. Pinahiram ko sila ng tig-P2000. After class, umidlip ako sa classroom ko. Nag-post din ako uli sa DW, bago ko naisipang umuwi. Nang malaman kong may salary differential na, dumaan ako sa Pasay City Hall para mag-withdraw. Naisipan ko ring magpa-enrol. Alas-kuwatro na iyon, kaya naabutan ako ng cut-off. Hindi na-assess ang enrolment form ko. Kaya, babalik pa ako bukas para sa assessment at payment. Okay lang. At least, may sign akong natanggap, na kailangan kong mag-masteral uli. Tinatamad kasi ako kanina. Muntik ko nang pagdesisyunang huminto. Six na ako nakauwi sa bahay. Nakapag-tutor pa ako kay Bobot bago matulog. Nobyembre 9, 2017 Huling araw ng test. Natapos na nila. Ang bubble sheets na lang ang hindi pa. Hindi pa kasi natsekan ang papel sa English at Science. Pasaway pa rin ang mga estudyante. Maiingay sila kahit may exam. Nakakainis! Sinabihan ko tuloy sila ng "maliit ang utak." Mauuso na naman iyan sa Topaz. Last year, tinawag ko silang "bungkol." Hindi kasi mapagsabihan nang isang beses. Gusto paulit-ulit. May ginagawa rin ako, e, like recording ng test scores, etc. After class, nagpa-enroll ako sa CUP. Mabilis lang. Nagbayad na ako ng full --P2100 para sa dalawang subjects. Natatawa lang ako sa schedule ko. Magkalayo. Dulo-dulo. Ang simula ay 7:30 to 10:30. Tapos, babalik ng 5:00. Ano kaya ang gagawin ko in-between 10:30 and 5:00? Haist! Bahala na. Sa November 25 na ang start ng klase. Nakauwi ako sa bahay ng bandang alas-3. Nakapagpahinga pa ako sa taas hanggang 5. Iyon ay pagkatapos kong magmeryenda. Signal number 1 sa NCR. Wala pa ring suspension. Matutulog pa rin ako nang maaga. Kailangang malaman ko bago ako maligo bukas. Nobyembre 10, 2017 Walang pasok. Ang lakas kasi ng ulan at hangin magdamag. Kahit pa hindi suspended ang klase, hindi talaga ako papasok. Kaya lang, naisip ko ang laptop ko. Iniwan ko pala kahapon. Hindi ko puwedeng hindi makuha dahil marami akong gagawin. Kaya, after lunch bumiyahe ako pa-Pasay. Hindi naman ako agad na umuwi. Nag-post muna ako sa DW. Past 4 na ako narating sa bahay. After dinner, nanuod kami ng '100 Tula Para Kay Stella.' Ang ganda ng concept ng pelikula. Naalala ko ang "Maybe This Time" ko. Hindi man magkatulad ang story, pero parang ganoon din ang pinagdaanan ng mga bida sa kuwento. Nobyembre 11, 2017 Late na kami natulog kagabi, pero maaga pa ring gumising. Parang mga adik lang. Kulang sa tulog. Gayunpaman, hindi naman apektado ang layunin ko sa araw na ito. Nagawa ko pa rin ang editing and posting task. Good thing na-open ko ang DW ko, kahit wala akong FB. Naisingit ko rin ang pagbabasa at pagsusulat. May entry na ako sa Romeo Forbes. Nobyembre 12, 2017 Feeling fulfilled ako ngayong araw. Nag-gardening ako sa umaga. Nagluto. Nag-edit. Nagsulat. Nagbasa. Nag-tv marathon. Naki-bonding sa aking mag-ina. Ang sarap talaga kapag walang pasok! Sa gabi, nanuod kami ng pelikula sa GMA NewsTV-- ang "Thy Womb." Maganda. Realistic. Marami kaming natutuhan. Nobyembre 13, 2016 Napuyat ako kagabi dahil sa dalawang nagbabangayang pusa. Maiingay ang mga iyon. Parang mga batang umiiyak. Akala ko nga, nagliligawan. Nag-aaway pala. Binuhusan ko na ng tubig lahat-lahat, mas lalo silang tumapang. Haist! Puyat tuloy ako. Maaga rin akong nagising. Gayupaman, naging productive pa rin ako. Nakapag-edit, nakapag-post, at nakapagluto. Past 4 na ako nakaidlip, pagkatapos kong ayusin ang mga pinamalengke ni Emily. Unang araw pa lang ng long weekend. Naiinip na ako. Mas gusto ko pa rin talaga ang nasa school. Nobyembre 14, 2017 Napuyat ako kagabi dahil sa tatlong nag-iinumang kapitbahay. Maiingay silang magkuwentuhan. Inabot ng alas-4 ng umaga sa kakadaldalan. Haist! Mabuti na lang wala pa ring pasok. Nakapagtimpi pa ako. Kahit siguro, may pasok... ako pa rin ang magko-consider sa kanila. After lunch, napagdesisyunan kong lumawas sa Maynila para mag-withdraw ng pampagawa ng banyo at ipa-deactivate na rin ang internet postpaid ko. Kaya lang, nasayang lang ang oras at pamasahe ko dahil sarado ang bangko. Ang mga government-owned banks pala ay sarado rin. Gabi, naki-connect na lang kami sa wifi ng kapitbahay. P500 ang monthly namin. Pumayag na ako kahit mahina at halos hindi abot sa amin. Makakatipid kami at makakapag-post ako ng mga akda ko sa mga writing sites. Mas okay na iyon sa akin kumpara sa wala talagang net. Nobyembre 15, 2017 Parang pagod na pagod ako kagabi dahil sa dami ng panaginip ko. Panay takbuhan at habulan. Nakita ko sa mga panaginip ko ang mga kapatid, pinsan, at Mama ko. Sigurado, hinahanap na nila ako. Hindi na ako nakakauwi sa Antipolo. Haist! Sinipag akong mag-ayos sa kusina at sa kuwarto ko. Inikot-ikot ko naman ang mga gamit. Maghapon rin akong nag-post sa DW. Umidlip lang ako nang kaunting minuto. Sa hapon, gumawa ako ng dish garden ng cactus and succulents. Sa gabi, tutorial uli kay Bubot. Kahit paano ay may improvement na siya sa multiplication. Nobyembre 16, 2017 Napuyat ako kagabi. Tuwing nakiki-sleep over kasi ang mag-ina sa kuwarto ko, apektado ang paghimbing ko. Sanay kasi akong mag-isa at walang katabi. Isa pa, bukas ang ilaw dahil hindi kami nagkulambo. Gayunpaman, naging productive ako maghapon. Marami akong nai-post sa DW. Nakapag-edit rin uli, habang nagpo-post. Na-invite ko ring sumali sa writing contests ang isang kasamahan ko sa workshop ng big book. Hinikayat ko siyang mag-try, gaya nang ginawa ko kay Ma'am Joann. Nobyembre 17, 2017 Wala akong balak umalis dahil busy ako sa pagpo-post at pag-e-edit ng 'BlurRed.' Kundi lang kami nagkasagutan ni Emily dahil kay Ion hindi ko naisipang pumunta sa Robinson's Manila para ipa-terminate ang postpaid internet ko. Okay lang naman dahil ayaw ko nang madgadagan pa ang bayarin ko. Bumili ba rin ako ng printer sa Silicon Valley (for P4995) as remembrance para sa year-end bonus ko. Past 7:30 na ako nakauwi. Agad kong in-install ang printer. Ayos naman. Later, binati na ako ni Wifey. Binangga-bangga niya ako kunwari. Kung hindi niya ginawa iyon, hindi ko siya bibigyan ng pang-review niya sa LET. (Smirks) Nobyembre 18, 2017 Sa umaga, bago ako nag-internet, nag-gardening muna ako. Family bonding iyon. Nakakatuwang pagmasdan ang mga halaman namin, lalo na't marami ang naaaliw. Pagkatapos niyon, nasorpresa si Emily dahil binigyan ko siya ng P7000 para sa LET Review niya za Carl E. Balita Review Center. Tuwang-tuwa siya. Natuwa rin ako. Gusto ko kasi siyang suportahan sa anumang papasukin niya, lalo na kapag nakakabuti naman sa amin. Sana maging makabuluhan ang bahagi ng bonus ko. Mabilis lang maubos ang pera, pero kapag nagamit sa tama, magiging panghabambuhay. Nobyembre 19, 2017 Before10, umalis kaming tatlo para mamili. Family bonding ito at treat ko sa aking mag-ina. Past 2 na kami natapos mamili. Nakapananghalian na rin kami. Nagastos man ang kulang-kulang P9000, naligayahan naman kaming tatlo. Nakapag-grocery kami, nakabili ng mga tiles, kurtina, curtain rods, pillow cases, at iba pang kitchen utensils. Thankful talaga ako't may YEB. Nobyembre 20, 2017 Kahit wala pa yatang dalawa oras ang tulog ko, napakaaga ko pa ring nakarating sa school. Napuyat ako kagabi. Para akong inaasuwang. Ang init ng pakiramdam ko. Although, ang sanhi talaga ay ang pagkakaroon ng lagnat ni Ion, parang kakaiba talaga. Para akong adik. Paranoid. Ayaw ko namang buksan ang mga bintana dahil sa bali-balitang may asuwang sa villa namin. Haist! Sa classroom, ipinatapos ko na ang bubble sheets. Nakakatamad pa magturo, kaya nagpasagot na lang ako ng tungkol sa ASEAN. Isa pa, wala naman talagang palitan dahil nasa meeting ang dalawa. Nainis lang ako sa admin dahil biglang naghanap ng lesson plan. Wala pa naman akong printout. Sabagay, wala naman siyang nagawa kung hindi ako nagpasa. Umuwi ako nang maaga para mag-print at maghanda ng lesson plan at visual aids. Nagawa ko ang mga dapat gawin kahit pa nag-tutor ako kay Bubot. Nobyembre 21, 2017 Nakabawi-bawi ako ng puyat kagabi. Kaya lang, padilat-dilat pa rin ako at patingin-tingin sa bukas na mga bintana. Ramdam ko namang nakatulog ako ng at least 5 hours dahil may mga panaginip ako. Kaya naman, alerto ako pagdating sa klase. Naging aktibo ako sa pagtuturo. Pagdating naman sa bus, nang pauwi na ako, nakaidlip ako. Hindi ko na nga lang nagawa pagdating sa bahay dahil kailangan ko pang maghanda ng mga lesson plan at learning materials. Sa gabi, may tutorial ako kay Bubot. Malas lang dahil walang internet. Hindi ako nakapag-post sa DW. Naputulan yata si Anne. Nobyembre 22, 2017 Turong-turo sana ako kanina, kaya lang andaming hadlang para hindi ko maturuan ang isa pang section. Ipinatawag ako para sa meeting ng CIP. Isinali nila ako para sa isang project. Antagal matapos ang planning. Hindi na rin tuloy ako nakapagturo ng Filipino sa advisory class ko. Pagkatapos ng meeting, dismissal time na. Mahirap na position ang ibinigay sa akin. Sa team, ako ang Communication. Ibig sabihin, ako ang magpre-present sa panel ng tungkol sa study. Kahit mahina ako sa oral, kakayanin ko. Tiwala sila sa akin, e. Kailangang kong patunayan. Besides, preparation na rin iyon para sa thesis ko. Past three na ako nakauwi dahil nag-meeting ding kaming Coop board. Okay lang dahil may compensation naman. Past five na ako nakauwi. Nakapaghanda ako ng LM sa AP, bago ako nag-tutor kay Bubot. Nakakapagod, pero masaya dahil natuwa raw ang Mama niya dahil nag-increase ang grade niya ng two percent. Nobyembre 23, 2017 Walang palitan ng klase dahil halos mangalahati ang attendance. Opening na ng Division Palaro. Isinama lahat ng athletes. Gayunpaman, nagturo ako sa advisory class ko. Dalawang beses pa akong nagpa-groupwork. Nakakainis lang dahil wala akong internet connection. Hindi ako maka-connect sa wifi sa office. Almost 24 hours na akong walang net, kasi wala ring connection sa kinabitan ko sa kapitbahay. Nag-meeting uli kaming CIP team after lunch. Nakapag-brainstorm kami. Nakapagpaalam na rin ako sa principal tungkol sa workshop namin bukas sa Lampara Books. Pumayag naman siya. Pinagawa niya pa nga ako ng solicitation. Manghihingi kami ng books. After meeting, nagpanotaryo ako ng mga akda namin ni Ma'am Joann. Ipapasa namin bukas sa PHR. Past 5, nasa bahay na ako. Pagod, pero masaya. Feeling disappointed lang dahil wala pa ring net. Nobyembre 24, 2017 Pumunta muna ako sa school para buksan ang classroom ko. Pinapasok ko pa rin kasi ang mga estudyante ko. Then, bumalik ako sa Baclaran para maghintay sa mga kasama ko. Nauna na roon si Ms. Kris, kaya nagkasabay pa kaming mag-almusal. Nakapagkuwentuhan pa kami habang hinihintay si Ma'am Joann. Past six-thirty na kami nakaalis. Kami naman ang pinakaunang dumating sa venue. Bago nakapagsimula, naipasa naman namin ang enties namin sa "The 7th Lampara Annual Children's Story Writing Contest." Iyon na ang ikatlo kong entries. Nakita ko na rin nang personal si Sir Genaro. Nakaka-inspire talaga siya. Lahat ng sinabi niya ay bago sa aking pandinig. Andami kong natutuhan. Sulit na sulit ang binayad ko. May mga freebies at libreng lunch at snacks pa. Hindi na lugi. Sana lang makuha ang output namin bukas. Sana rin maganda ang critic sa ipinasa ko. Maaga kaming pinauwi, pero past seven na ako nakarating sa bahay. Pagod napagod at gutom na gutom ako. Nobyembre 25, 2017 Nagka-insomia na naman ako kagabi. Ilang oras na lang ang tulog ko. Tapos, napakaaga ko pa sa venue. Past 8, nandoon na ako. Matagal lang akong naghintay. Late ang dalawa. Ang masama pa, nahilo ako. Kakaiba ang naramdaman ko. First time kong maranasan ang para akong matutumba. Nawala ako sa wisyo, kaya medyo disappointed ako sa output ko. Iyon pa naman ang maaaring madiskubre sa akin. Mas maganda pa ang pangalawa kong gawa. Palibhasa, nakakain na ako. Gutom lang pala ang dahilan ng hilo ko. Marami na naman akong natutuhan. Nakaka-inspire! Past 4:30 na kami nakalabas. Pagod kami, pero fulfilled. Nine na ako nakauwi. After dinner, nagawa ko naman nang maayos ang assignment, pero nakakahiya. Hilaw pa nga ako as writer, pinag-critique pa kami. Haist! Bahala na. Nobyembre 26, 2017 Past 8, nasa PHR na ako. Ako na naman ang nauna sa aming tatlo. Nakapag-almusal na ako. Critiquing lang ang nangyari maghapon. Magaganda ang feedbacks sa aming tatlo. Sa akda ko, kaunti lang ang revision na gagawin ko. Nagustuhan niya ang title at ang pagiging maaksiyon ng main character. Kumikilos daw talaga. Grabe! Overwhelming talaga! Pagkatapos ng graduation, nagkintal marahil ako sa facilitator at sa awtor at may-ari ng Lampara Books. Sana maging part ako ng cycle nila. Past 8 na ako nakauwi. Pagod ako, pero fulfilled. Nobyembre 27, 2017 Absent ang tatlo kong kasamahan sa Grade 6, kaya wala na namang halos palitan. Nagturo lang ako sa Amethyst, then bumalik na ako sa advisory class ko. Sa kanila ako nagturo nang nagturo. Nag-storytelling pa ako. Naging emotional ako habang binabasa ko sa kanila akda kong 'Ang Lihim nina Janna at Janjan.' Hango kasi sa tunay na buhay. After class, itinuloy namin ang CIP. Medyo umusad na ang project namin. Magiging busy na rin ako sa mga susunod na araw kasi may memo na ang annual accomplishment report. Nakatoka sa akin. Sana noon pa ibinigay ni Ma'am ang soft copy. Nasimulan ko na sana. Past 6 na ako nakauwi. Trabaho pa rin ang inatupag ko. Tutorial. LM preparation. Etc. Nobyembre 28, 2017 Hindi na naman ako makapagturo dahil may parade. National Reading Month ngayon, kaya may mga pakulo. Naging scorer pa ako sa quiz bee. Halos natapos na ang klase, hindi ako nagpagturo ng kahit ano. Nakakawala talaga ng wisyo. After class, may CIP ulit kami. Unti-unti na naming nabubuo ang proyekto. Kaya lang, pasado alas-4 na kami nakalabas sa school. Gabi na naman ako nakauwi. Nobyembre 29, 2017 Hindi na naman kami nagpalitan ng klase dahil may culminating program ng National Reading Month. Gayunpaman, nagturo ako sa AP, Filipino, at ESP. May mga groupwork pa sila. Sulit naman ang pasok nila. Nainis ako nang malaman ko ang act ng principal. Ipinakita niya kay Ma'am Dang, team leader ng CIP, ang pictures ng mga tasang iniwan daw namin sa table kahapon, nang magkape kami. Although, mali nga ng ang table manner na iyon, hindi pa rin niya dapat ginawang big deal, to think na nagmamadali nga kaming matapos ang proyekto niya, na dapat siya ang gumagawa. Isa pa, nalaman naming inayaos namin ang mga ginamit namin sa pagmemeryenda bago kami bumalik sa trabaho. Iba ang may gawa niyon. The painful point is trinatrato niya kami as alila at hindi niya kami kayang pagsilbihan at irespeto. Maliit na bagay, ginawa niyang isyu. Dahil na-offend ako, hindi ko sinipot ang team sa huling araw ng paggawa. Umuwi agad ako. Hindi ako siyempre nagpaalam sa kanila. I'm sure, hindi sila papayag kapag ginawa ko. Sa December 4 na ang presentation niyon. At, ako ang magpre-present. I decided right away, na aabsent ako. Hahayaan kong sila ang gumawa ng toka ko. Besides, may contribution na ako sa project. Kapag nainis ako nang husto, pati ang annual report niya ay hindi ko gagawin. Ginagamit niya lang kami, kaya dapat i-please niya kami. Dahil sa nangyari, nakatulog ako pagdating ko. Past 5 na ako bumangon. Ang sarap sa pakiramdam. Nabawi ko na ang puyat ko. Tamang-tama ito sa pagbiyahe naming 1000+ group patungong Baguio. Nobyembre 30, 2017 Napuyat ako kagabi dahil sa kahihintay kay Emily. Nak Past ipag-inuman siya kina Anne at Tina. 12 na siya dumating. Hindi naman ako excited sa trip to Baguio, pero nagising ako nang maaga. Pagkatapos ng almusal, naglinis ako at nag-empake. Nakapag-gardening din ako. Na-miss ko ang garden ko. Before 6, bumiyahe na ako papunta kina Miss Kris. Nauna na sa akin sina Papang at Emeritus. Doon kami nag-dinner. Nagkape rin kami habang naghihintay ng alas-onse. Isang masayang kuwentuhan ang naganap bago kami nag-taxi papuntang Victory Liner. Past 11:30 nang umalis ang bus.

Tibok ng Puso (Dula)

  Tibok ng Puso     Mga Tauhan:     *Lydia     *Brad   Tagpuan:     * Sa isang pamantasan   Eksena 1: Labas. Sa mapunong...