Followers

Monday, November 13, 2017

Napapagod Din Kami

Kami'y ordinaryong tao lamang-- 
Napapagod, hinihingal, naiinitan, 
Inaantok, nagugutom, nauuhaw, 
Naiinis, nagagalit, nambubulyaw. 
Napapagod din kami sa kasasaway 
Sa mga batang magulo't maingay, 
Sa mga forms, reports, at iba pa 
Hinihingal din kami sa pagtatalakay,
Na para sa pagkatutuo ang pakay. 
Kahit na magtatasikan ang laway, 
Basta leksiyon at aralin ay maibigay. 
Kami'y katulad ninyo rin lamang, 
Na may buhay, sa labas ng paaralan. 
Pamilya'y umaasa, naghihintay, 
Ngunit, sa pag-uwi, tila kami'y luray. 
Nahahapo rin kami sa paghahanda
Ng learning materials at kung ano pa, 
Na dapat oras na ng pagpapahinga.
Minsan, sa tulog ay kinakapos pa. 
Napapagal din kami sa pag-asam, 
Na boses namin inyong pakinggan. 
Hinaing namin ay parang wala lang. 
Bungol kayo sa aming mga kahilingan. 
Kami'y nag-aral, nanumpa, nagturo... 
Misyon at bisyon, nasa aming puso. 
Kaisa kami ng ating departamento, 
Pero... sana kami'y maramdaman ninyo... 
Guro kaming maka-Diyos, makabansa, 
Makatao at makakalikasan pa. 
Huwag naman kaming pagkaitan 
Ng respeto at mga pangangailangan.

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...