Followers

Wednesday, March 21, 2018

Luntiang Pilipinas

LUNTIANG PILIPINAS


Halina’t silipin ang araw sa kanyang    bukang-liwayway,
Na sa bawat nilalang, ngumingiti’t tumatanglaw;
At ang mga fauna at flora sa mga kagubatan,
Na siyang nagbibigay ng kulay sa sanlibutan.

Halina’t pakinggan ang lagaslas ng alon sa mga dalampasigan,
Na nagsasabing may buhay sa ilalim ng karagatan;
At ang sariwang hanging nagbubunyi at umaalingawngaw,
Na sa mga tao, puno, halaman, at hayop ay nagbibigay-buhay.

Halina’t kilalanin ang mga anyong-lupa at anyong-tubig,
Na may ambag sa pamumuhay ng sandaigdig;
At ang mga magagandang tanawin sa Pilipinas,
Na sa buong mundo at maipagmamalaki at maipamamalas.

Halina’t pangalagaan natin ang ating kapaligiran
Upang ang global warming ay tuluyang matuldukan;
At ang pagmamahal sa ating Inang Bayan
Ang dapat manguna sa ating mga kaibuturan.

Halina’t mamuhay sa luntiang mundo at mayamang kalikasan,
Tikman ang tamis ng mga bunga ng kaginhawaan,
Maligo sa lawa at ilog na sariwa at may buhay
At akyatin ang mga bundok nang hindi napapagal.

Halina’t tuklasin ang gamot sa mga polusyon,
Isulong ang 3Rs, Clean and Green, at Green Revolution,
Itigil ang illegal logging at ang mining na mapaminsala,
At sumunod sa mga nakabubuting batas na itinakda.

Halina’t kulayang muli ang umitim na mundo,
Sa ating mga kapabayaan, tayo’y matuto,
At mga maling gawain, iwaksi na at tigilan

Sapagkat ang kinabukasan nati’y nasa kalikasan.

No comments:

Post a Comment

Ang Pinakamasamang Kuya

  Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...