Followers

Friday, March 30, 2018

Spoken Word Poetry for Class Topaz


SPOKEN WORD POETRY FOR TOPAZ


Bago ako maging ulyanin, hayaan ninyo akong isa-isa ko kayong kilalanin, isa-isa kong alalahanin ang mga bagay na tumatak sa aking isipan at damdamin. Hayaan ninyo akong pangalan kayo isa-isa, kung paano ko kayo tinatawag tuwing nagro-roll call ako o noong tinawag ko kayo para tanggapin ang diploma ninyo. Hayaan ninyo akong maalala ko kayo sa abot ng aking memorya. Paalala ko lang, baka ako ay matawa o maluha. Pagpasensiyahan ni'yo na, pogi lang talaga.

Mga lalaki...

Carl Cedric Esquivel Agad, ikaw ang numero uno. Ikaw rin ang inilipat ko-- mula Topaz, sa Emerald ang tungo. Hindi ko makakalimutan kong paano ka lumuha, kung paanong yumugyog ang iyong mga balikat dahil labag sa loob mong lumipat. Akala mo, iyon ang parusa mo. Pero, nakita mo. Ang laki ng naitulong sa 'yo. Ang laki ng iyong pagbabago. Ngayon, hindi ka lang pogi, isa pang matalino at maginoo. Keep it up, Ced!

Clarence Ezra Bombay Anareta, isa ka sa pinaka-behave sa klase. Alam mo 'yan. Alam nila 'yan. Gayunpaman, natutuwa ako dahil napaka-cool ng lola mo. Normal lang naman ang mga ikinikilos mo. Pero, sana... sana huwag masyado. Sobrang bata mo pa para mag-explore o mag-exhibition sa mga bagay-bagay na hindi dapat ginagawa ng kabataang katulad mo. Study first din, iho. Mas marami pang kasiyahan ang mararanasan mo kapag tumuntong ka sa kolehiyo, lalo na kapag natapos mo ang edukasyon mo.

Mark Gabriel Fernando Araza, alam kong na-enjoy mo ang pitong taon mo sa Gotamco. Takbo rito, takbo roon. Parang easy lang sa 'yo ang lesson ni Sir at Ma'am. Parang gusto mo lang pumasok para magsaya at magkulit. Well, it's okay! Here you are, naka-graduate din. Alam kong very proud sa iyo ang iyong kapatid, ina, at ama. Alam mo bang, very proud din ako dahil kahit paano nagbago ka. Nakukuha ka sa tingin at pangaral. Nakikinig ka. Hindi ka sumasagot-sagot. Alam mong hindi ka sinasaway o pinagagalitan dahil kinaiinisan ka, kundi dahil gusto naming magbago ka at magseryoso ka. Salamat dahil kahit sa huling araw ng mga talakayan ay nagiging aktibo ka. Hindi ka man gano'n kasipag sa mga sulatin, pero ramdam ko ang pagnanais mong maging bahagi ng klase. Salamat dahil naging bahagi ako ng iyong elementary days. Stay cool, Gab!

Elijha Clark Dela Cruz Casanova, anak na anak nga kita, lalo na sa katawan, manang-mana. Kailan kaya tayo tataba? Anyways, ikaw ay sweet na bata. Talentado pa. Nagustuhan ko ang arte mo noon sa isang dula. Umakting ka bilang bakla. Wow, napahanga mo ako roon nang sobra. Pero, sana ay hanggang acting lang iyon, ha? Kasi alam mo ba ang meaning ng apelyido mong Casanova? Naku, ito ay lalaking chicks magnet. Lahat sa kanya at naaakit. Pero, sana kapag binata ka na, huwag na huwag kang maglalaro ng mga babae. Mahalin mo sila, ha?

Shamir Jacob Paras Erin, noong una, nalilito ako kung ikaw ba si Shem o si Shamir, pero napagtanto ko, hindi pala kayo magkamukha. Hindi rin kayo magkaugali. Gayunpaman, naaaliw ako sa mga kambal. First time kong magkaroon ng kambal na estudyante. Ang hindi ko makakalimutan sa 'yo ay nang siniko mo si Shem habang nasa graduation practice tayo. Kitang-kita ko kung paano kayo mag-away at kung paanong hindi nakaganti ang kapatid mo dahil tinitigan ko kaagad kayo. Ang kyut ninyo! Naaala ko tuloy ang kakambal ko. Nasaan siya? Hayan siya, o, sa tabi mo.

Shem Jacob Paras Erin, ikaw yata ang isa sa mga dwarfs ni Snow White. Sino nga iyon? Ang antuking duwende? A, oo. Siya nga. Kaya naman, inaantok rin ako, kami, nang nagbigay kami ng grades mo. Mabuti na nga lang, hindi binangungot ang ballpen ko, kaya kahit paano positive pa rin ang average mo. Anyways, nagbigay ka naman ng aliw sa Topaz. Kahit hindi ka madalas mag-perform, makita ka lang ng mga kaklase mo, buo na ang araw nila. Uy, uy, aminin ninyo! Alam mo ba, may narinig ako noong unang araw ng pasok ninyo. Sabi ng isang babae, "Pag-isahan natin." ano, Shem, nagparamdam na ba sa 'yo?

Jovic Custodio Española, humanga ako agad sa 'yo noong una kang nag-perform sa klase ko. Ibang klase ang talent at confidence mo. Pero, tandaan mo, may iba pang bahagdan ang pagbibigay ng grade. I'm sorry hindi ka umabot sa nubenta porsiyento. Gayunpaman, mahusay ka sa batch na ito. Hindi ko maaaring itanggi na napabilib mo ako. Bravo! Naaalala mo pa ba noong isinulat ko sa top 15 ang pangalan mo? Nakakatuwa ang reaksiyon mo. Akala mo talaga ay kasama ka sa mga listahan ko. Epic fail talaga ang moment mo. Kaya, niyakap kita at nasabi ko, "Ganyan ka magiging masaya kapag napasama ka sa kanila, kaya galingan mo." Sorry dahil nasayang ang talon mo, pero salamat dahil ikaw ay naging aktibo.

Joselito Gahol Coronel Jr., ang broadcaster ng Topaz. Chocolate ka raw, kaya malamang ikaw ay sweet. Huwag kang magagalit kapag ikaw ay kinukulit. Hayaan mo silang asarin ka nila basta alam mong hindi ka pangit. Alam mo ba, hindi ka nag-iisa. Relate ako sa 'yo noong bata ako. Kakulay mo ako. Hindi rin nila ako makita. Norman Black ang bansag nila sa akin. Pero, dahil pogi tayo, kaya in pa rin. Isa pa, uso na ngayon ang Gluta. Kaya, may chance ka pa. Seriously, Joselito, may potential ka. Keep it up! Soar higher! Just be humble. Laging itatapak sa lupa ang mga paa. Matutong magpakababa kahit dapat kang tinitingala.

Rommel Mikel Caparas Hernandez, sa akin ikaw ay yes na yes-- kuwela, game na game sa performances at sa klase ay present always. Anumang role ay kaya mong gampaman. Ang hindi mo lang nagawa ay ang ibaba ang iyong pantalong naka-high waist. Bilib ako sa 'yo, Mikel. Ilang beses mo akong napatawa sa mga performances mo. I'm sure, hindi lang ako pati ang mga kaklase mo. Puwede ka na sigurong maging artista, kapalit ni Dolphy o kaya ni Aga. Salamat mga pala, hindi lang kuwela ang iyong dinala, kundi inspirasyon sa iba. Tandaan mo lang ang salitang disiplina para hindi ka sumobra sa pagpapakuwela. Magkaiba ang nakakainis sa nakakatawa.

Rashid Samarista Lucion, lagi kang mabango. Oo, both literal at idyomatiko. Idyomatiko dahil kahit madalas absent ka noong simula, pero nang tumagal ikaw ay naging henyo. Ikaw ay umaktibo kaya sa journalismo ay natuto. Hanga ako sa abilidad ko. Kaybilis mo ngang matuto. Proud ako sa 'yo, kaya sana ipagpatuloy mo ang pagsusulat mo. Gamitin mo sa junior high school ang mga natamo mo mula sa iyong mga guro. Ang payo ko, para makasama ka sa honors, magpakitang-gilas ka sa unang talakayan para makilala ka ng mga guro. Sayanh kasi ang potensiyal mo kung iyo lang ikakahiya o itatago. Huwag kang magtago. Go out! Believe in yourself.

Sebastian Exequiel Capinig Osit, hindi ka naman pusit kaya hindi ako nabuwisit sa 'yo. Nakulangan lang ako dahil hindi kita noon maramdaman. Iyan ang totoo. Kaya nga, nitong huling mga buwan, nang nagpakitang-gilas ka na sa mga gawain at talakayan, wala na, huli na ang lahat. Ang grades mo ay hindi ko na mababanat. Kaya, ang magic ko ay hindi gumana. Kahit mais kung sa honor roll ay makasama ka, pero powers ko ay hindi kinaya. Pero, tandaan mo, may susunod pa. Bumawi ka. Ipakita mong may husay at galing  ka dahil galing ka sa section ng Topaz, na hindi umaatras. Dream big, Baste!

Alnajie Dale Simone Ramos Paluhod, noong una kilala kita bilang pikon at short-tempered, pero nagawa mong kontrolin ang emosyon mo. Thanks for that, Najie! Remember, kapag gumanti ka at nasaktan mo ang iyong kapwa, kahit may masamang nagawa siya sa 'yo, may kasalanan at pananagutan ka na rin. Payo ko lang sa 'yo, huwag masyadong seryoso. Masarap ang may kalaro at kaibigan. Makipagkulitan ka at makipagbiruan. Smile lang para lalo kang pumogi. See? That's great, Najs!

Zyron Panayangan, maaalala ko lagi ang performance mong 'It's Zytime!' Magaling ka roon, kahit first time! Maliban doon, maaalala rin kita dahil napabilang ka sa hubaran issue. Nagulat ako roon dahil kaya mo palang gawin ang bagay na iyon. Gayunpaman, huwag ka na ulit masasangkot sa ganoon. Isipin mo na lang baka sa 'yo gawin iyon. Ang classroom ay hindi entablado ng 'It's Showtime,' ha?

Jonathan Madahan Panlilio, ikaw ng singer ng Topaz. Tinitilian ka ng mga chikas. Ang self-confidence mo lang ay hindi man gaano kalakas, pero alam kong nahasa ka at ang mga talento mo ay iyong nailabas. Huwag mong ikahihiya at itatago ang ganyang talent. Alam mo bang pangarap kong makakanta sa harapan ng madla, pero ikaw iyon nang nagawa. Kaya, sana hasain mo pa. Practice more. Birit more. Para chicks ay many more. Kidding aside, hanga ako sa 'yo. God bless sa next round. Yes ako sa 'yo!

Mark Ferdinand Leonardo Pascual, ikaw bata ka, kung ang husay at galing mo ay inilabas mo noong Hunyo pa, sana kasama ka sa mga kaklase mong nabigyan ng medalya. Kung sana noon ka pa nagpakitang-gilas, sana kabilang ka sa rarampa sa entablado para tanggapin ang iyong karangalan. Hindi bale, alam mo naman sa iyong sarili na hindi ka nagpahuli. Alam mo naman sa iyong sarili ang kakayahan mo. Alam mong nakatulong ang Topaz sa iyong paglago. Gamitin mo ito sa susunod mong pag-aaral. Next time, gusto kong makasama ka na sa top. Goodluck!

Alvin John Prado, mula sa malayo, napadpad ka sa classroom ko. Dati, ang akala ko, mahiyain ka, pero nang tumagal, aba, umaakting ka pa! Akalain mo iyon?! Ang batang galing sa Bisaya, nagpakita ng kakaiba at pambihira. Sana nakatulong ang Topaz sa iyo at sa pagbabalik mo sa inyong probinsiya, sana magamit mo ang mga ito. Sana maaalala mo ang mga kaklase mo, lalo na ang mga naging mabuti sa 'yo. Sana kapag luluwas ka sa Maynila, may pamilya kang babalikan. Sana kapag sila naman ang dadayo sa inyong lugar, makilala mo sila. Lagi kang mag-iingat! Mahal ka ng Topaz.

Zyrell San Jose Ramos, ikaw ang estudyanteng lutang, pero mabuti na lang, chill ka lang. Good thing, madalas ka mang walang ma-say sa discussion, pero alam kung ikaw ay may natutuhan. Ang mahalaga naman, magamit mo ang mga learnings na iyon sa pagtahak mo pa sa iba pang landasin. Lagi mo lamg iisipin ang mga aral na napulot mo sa akin o sa amin. Kahit isa man lang doon ay maalala mo at magamit mo. Sa Topaz, isa kang mahalagang miyembro. Huwag mong iisiping hindi ka kabilang dito. We love you!

Raymarc Espinoza Samarista, napakabait mong bata. Hanga ako sa pagpapalaki sa 'yo ng iyong ama at ina. Sana lahat ng estudyante ay katulad mo. Pero, sana bawasan mo ang sobrang pagkamahiyain mo. Ang K12 ay written, performances, at test. Mapag-iiwan ka kapag mahiyain kang masyado.    Natawa nga ako sa 'yo noong umiyak ka dahil tinawag kita para mag-recite. Mabuti na lang, na-overvome mo iyon. Nakita ko naman kung paano ka bumangon. Sa totoo lang, mahusay ka. Inaabangan ko ang mga performances mo. More! More to come!

Charles Pajulas Tagud, small but terrible. Sa una pa lang, nakita mo na ang iyong potensiyal. Ganyan nga! Dapat sa una pa lang, ipakita mo na ang iyong kagalingan para sa huli, ano't ano man ang mangyari, ikaw pa rin, itatangi ka ng iyong Ma'am o Sir. Wala akong maaalala sa 'yong nakakatawa, dahil sa bawat activity ay seryoso ka. Great job, Charles!

Zheus Paulo Borro Tomines, ang tahimik, pero kayang isulat ang nasa puso at isip. More confidence lang. Alam kong may ilalabas ka pa. Huwag ka lang mahihiya. Maging totoo sa sarili at huwag magpapahuli. Be on top. Be ahead. Natutuwa ako sa iyong pag-evolve. Kaya nga, proud ako at hindi ko pinagsisihang isinama kita sa mga pinarangalan. So, dapat lalo mo pang pag-igihan. Sa journalism at creative writing, alam ko, ikaw ay may laban. Fight, fight lang!

Adrian Ian S. Umayam, madalas man ang mga kaklase mo, sa 'yo ay nauuyam, pero ako, natutuwa sa 'yo. May potensiyal kang maging pinuno. Kailangan mo lang maging matigas at maging matikas. Pagdating mo sa junior high, ipakita mo ang iyong husay. Alam kong may ilalabas ka pa. Makisama ka. Hayaan mo silang hindi nagtitiwala, basta ang mahalaga, gumagawa ka ng naaayon at tama. Salamat sa pagiging masipag at masunurin!

Juaquin Gabriille Dejeto Vibar, baby-ng baby ka pa sa paningin ko, pero mamang-mama na ang husay at galing mo. Amazing! Pursue being what and who are. Alam kong malayo ang mararating mo. Pero, sana kapag nasa malayo ka na, marunong ka pa ring lumingon kung saan ka nagmula. Stay cute and sweet!

Nathan Andrei P. Villamor, hindi ko makakalimutan ang mga styles ng drawing mo. Makita ko pa lang ang braso ng tao na iginuhit mo, alam ko, ikaw ang may gumuhit nito. I hope someday, makita ko ang mga drawings mo sa magazines o kaya  sa comics. Lagi mong tatandaan, ang talent ay hinahaluan ng disiplina. Hindi ko naman sinasabing wala kang disiplina. Hindi ka naman pasaway, kuwela ka nga at kaibigan ng lahat. Nakikipagsabayan ka nga sa inglesan ng kambal. I like that!

Mga babae...

Alaiza Jane Torlao Alfabete, beauty queen-like ng buong klase. Laking may salpak na earphone ang tainga, kaya madalas bungol ka na. Okay lang naman as long as nagpa-partcipate ka at nagpe-perform ka. Basta sa junior high, sikapin mong bawasan ang kaadikan mo sa gadget. Alam mong hindi na puwede roon ang style mo sa elementary. Kapag nagpakahina ka, matatabunan ka. Just focus sa studies. Huwag munang umibig at makipag-date.

Patricia Mae Armohila Antonio, small but terrible ka rin. Hindi ko makakalimutan sa 'yo ang pagpapaambag mo ng tarpaulin at cake para sa birthday ko. Salamat sa effort, kahit sumuway ka sa aking gusto. Nag-goosebumps din ako sa spoken word poetry noong Teachers' Day. Galing! Kung na-appreciate nga lang ng marami at kung mas maganda lang sana ang tunog ng mikropono, mas marami sana ang tumaas ang balahibo. Anyways, deserve mo ang aming palakpak. Kaya, sana ipagpatuloy mo ang spoken dahil masarap at maganda itong gawain. Dahil sa 'yo, nahilig na rin tuloy ako rito. Mas mahisay ka mga lang dahil kaya mo pang magmemorya. God bless, Pat!

Lyreignem Xian Grau Aquino, ang hirap bigkasin ng pangalan mo. Mabuti na lang hindi ka mahirap matuto. Iyan ang katangi-tangi sa 'yo. Isa pa, mahusay ka sa aktingan, lalo na kapag ikaw ang kontrabida. Puwede ka na sa Star Magic. Natuwa ako noong nag-Ms. Q&A kayo. Sabi mo, "Mataba man ako sa inyong paningin, ang totoo, kaunti lamg ako kapag kumain." Andami kong tawa roon. Nawala ang stress ko. Thumbs up!

Allaine Guia Arroyo, nakita kita noong Grade Five ka, na nakikipagsabunutan sa kaeskuwela. Alam mo bang ang tingin ko sa 'yo ay bumaba? Pero, nang nasa Topaz ka na, nagbago rin naman nang kusa, lalo na nang isang school year kang nagbenta. Ang hirap kaya ang iyong ginagawa. Sigaw rito, sigaw roon. Saway rito, saway roon. Sukli rito, benta roon. Magko-compute pa at magsasauli ng tira-tirang food sa tray ninyo. Salamat sa pagiging tindera, este, sa pagiging ate. Takot talaga sa 'yo ang iyong mga kaklase. Anak ka ba ni Duterte? Anyway, keep up the good work.

Althea Jainal Arroyo, isa ka sa mga naaasahan ko sa klase. Noong wala ako, naiiwanan ko sa 'yo ang iyong mga kaklase. Napansin ko nga, mas tahimik pa nga yata sila kapag wala ako. Galing! Galing mong maging leader. Anak ka rin ba ni Marcos? Pero, ingat ka lagi kapag ikaw ang pinuno. Mahirap din ang nakakapanakit ka. Just have a self-control. Hindi ko makakalimutan amg mga akda mo, lalo na kapag sa ama patungkol. Alam ko kung gaano mo kamahal ang iyong ina at ama. Hanga ako sa iyo dahil nauunawaan mo ang inyong sitwasyon. Hanga ako sa iyo dahil hindi ka nagtanim ng gamit sa iyong ama. Huwag kang mag-alala, hindi ka nag-iisa. Kahit ang mga anak ko una, katulad mo rin sila. Ang masakit lang para sa aming mga amang nagkasala ay kapag itinakwil na kami ng aming mga anak. Basta tandaan ninyo, bibihira ang ama na nagpapabaya sa kanilang mga anak. Pagkakataon at panahon lamang ang magtatakda. At tanging Diyos ang nakakabasa ng aming isipan at puso. Sana magkita kayong muli ng iyong ama soon.

Nicole Ann Llorca Bangayan, aktibo ka rin naman. Hindi ka nagpapahuli sa mga gawain at talakayan, kaya lang mas kailangan mo pang galingan para umabot sa hangganan. Anyways, may next time pa naman. At saka, naging bahagi ka naman ng documentary sa GMA-NewsTv- Brigada. Kakaibang experience iyon, 'di ba? Hindi ko nga lang makalimutan ang phone call ng iyong lola. Ako pa tuloy ang pinagalitan niya. Okay lang naman, basta alam ko, masaya ka. May uwi pa nga tayong rehalo mula kay Ate Shilla.

Diane Isabel Dingcong Capulong, noong unang discussion, napansin ko kaagad ang iyong dunong. Pambihira ang iyong pagsagot sa bawat tanong. Sa mini-beauty contest sa classroom, game na game ka rin. Kaya pati sa Division Palaro, pumayag kang maging.mise ng Gotamco. Salamat sa pagpapaunlak! Siguro nga one of these days, makikita kitang rumarampa sa entablado ng mga pageant gaya ng Binibining Pilipinas o Miss Universe. Wow! Proud teacher here.

Jimbeth Dela Cruz Cerna, tatahi-tahimik ka lang, at may pagka-absenera, pero alam ko, may ibubuga ka. Kaya nga, muntik ka nang umabot sa 90. Hindi bale, maganda ka naman at matangkad pa. Bawi ka na lang sa Grade 7, ha? Doon iwas absent na. More performances din. Huwag kalimutan ang pagsulat ng tula, kuwento, balita, o sanaysay, ha? Very good!

Lorysen Kate Turing Colico, nanghihinayang ako sa 'yo, kasi puwede ka sanang makakuha ng nubenta porsyento. Ano ba ang nangyari? Sa klase ko, umaktibo ka naman at nag-participate sa mga pinagagawa ko. Sa written, mahusay ka naman at sa panlasa ko ay pasado. Siguro sa mga test ka lang bumaba nang husto. Hayaan mo, ang talino naman ay hindi nasusukat sa grado, kundi kung paano gagamitin ang mga natutuhan sa klase ko. Goodluck! Saludo ako sa 'yo.

Dianzen Bugtae De Los Santos, sa akin ayos na ayos ka. Okay ang iyong written prowess. Okay ang iyong mga performances. Sa test, matataas naman, kaya hayan, tumanggap ka ng karangalan. Kung hindi ka lang sana madalas lumiban, baka mas mataas pa ang iyong grado sa bawat markahan. Okay lang iyan! Ang mapabilang sa mga pararangalan ay isa nang magandang karanasan. Ipagpatuloy mo lang ang kasipagan. Bawasan ang mga bagay at gawaing hindi naman pakikinabangan. Agree? Okay!

Tricia Camille Moreno De Vera, sobra mong tahimik. Sobra! Halos hindi nga kita marinig. Pero, hindi ka naman nagpapahuli sa bawat activity. At sa written works, hanep ka! Wala akong masabi. Hugot kung hugot! Ang ambag mo sa Topaz at GES ay hindi ko malilimot. Pinahanga mo rin ako nang sa nag-first place ka sa photojourn. Parang wala kang effort, pero alam kong deserve mo. Great job! Sa akin, ikaw ay click na click.

Chealsey Louise Ebio Laxamana, wala akong masabi sa 'yo, I mean, andami. I just to thank you for the great experiences and efforts you shared sa Topaz at sa Gotamco. Hindi na kita pupurihin masyado. Alam mo naman iyon, right? Basta, lagi mong tatandaan ang mga aral at good words na natutuhan mo. Ikaw ang inaasahan ko sa batch na ito para mag-look back. First time konh mag-handle ng section one and it makes me proud na naging bahagi ka ng isang pambihirang karanasang ito. Goodluck sa mga academic endeavors mo. Alam kong, katulad nila malayo ang mararating mo. Pero, huwag makalimot sa pagsulat. Iyan lang ang alam kong naipamana ko sa 'yo, sa inyo. Remember, sa pagsusulat, malayo ang mararating. Thank you!

Erica Mae Logro Marbella, ikaw raw si Moira at Morisette, pero.hindi pa.kita narinig bumirit. Puwede bang sa amin ay iyong iparinig ang iyong tinig? Joke lang. Alam kung may talent kang nakatago. Nakita ko iyon nang nag-fliptop ka at nag-spoken word. Continue mo lang. Sa pagsusulat, astig ka rin. Never mind ang sulat-kamay. Bata ka pa, doktor na. Kung may time ka, i-develop mo ang penmanship mo. Sabagay, sabi nila, ang matatalino raw ay pangit ang sulat-kamay. Naniniwala ako kasi ang sulat ko ay parang kinahig ng manok, minsan. Sige na, hanggang dito na lang. Enjoy life na lang. Kung may kulang man, punuan mo ng masasayang alaala. God bless!

Jana Patricia Tabay Martillan, sa energy, ikaw yata ang number one. Often than not, lagi kang active. Pero, one time, pinataranta mo ang Topaz, pati ang ibang mga guro at ang principal. Ako noon, hindi alam ang gagawin. Para akong hangin, lumulutang-lutang lang. Ang mga kaklase mo naging iyakin. Walang hiya kasing Dengvaxia na 'yan, nagpaalarma sa atin. Gayunpaman, naging okay ka na rin. Nalaman naming madalas ka lang mapuyat at mag-skip sa pagkain. Payo ni Dok, love your health.

Mikee Pauline Rogero Mendoza, ikaw yata ang female counterpart ko pagdating sa Wattpad. I like that! Hilig ko rin dati ang magbasa kaya ako ay nakapagsulat. Tuloy lang! Aasahan ko na someday makilala ka sa wattpad world. Iwas lang sa food trip para hindi mag-alburuto ang sikmura mo. Kasi, madalas, absent ka. Nakakaapekto kaya sa iyong class standing. Isa pa, lakasan mo ang boses mo kapag nag-peperform o nag-rerecite ka para mas mataas ang markang makukuha. Another, keep on writing!

Shaina Ileto Pahayahay, ikaw naman ay masipag talagang tunay. Nakita ko kong paano ka nagsikhay. Kahit hindi kita nakikita, alam kung nag-aaral ka sa bahay. Kapag sa klase naman, attentive ka. No wonder, nag-reflect naman sa 'yo talaga. Keep it up, Shaina! Sa junior high school ay mas galingan mo pa. Doon ang competition ay matindi talaga, kapag nagpakahina ka, matatabunan ka. Gaya ng sinabi ko, sa unang araw pa lang magpakilala ka na sa guro at sa mga kaeskuwela. Paano? Recite lang nang recite hanggang isipin nila, na deserve mo talaga ang grades mo sa bawat asignatura. Huwag kang mahihiya. Sa panahon ngayon, nagugutom ang mahiyain. Okay?

Cristal Joy Davidson Segunla, ang cute mo talaga! Isa pa, bumilib ako sa taglay mong sipag at tiyaga. Pagdating sa gawain at sulatin, hindi ka pumapalya. Sa disiplina, wala akong mapupuna. Numero uno ka! Kaya naman, ikaw ang batang may natatanging pag-uugali sa klase. Ikaw ay namumukod-tangi. Ituloy mo lang ang ganyang ugali. Alam mong daig ng disiplinadoang matalino. Congrats sa iyo at sa mga magulang mo!

Andrea Resurrecion Tamayo, ikaw si Ms. Fall. Madalas kang ma-fall, este matumba. One time, pinalapit kita. Nakakatawa dahil natumba ka pa. Hindi ka naman niyan lampa o baka iyo lang sinasadya? Anyways, huwag munang ma-fall sa lalaki, ha? Aral muna. Bata ka pa. Maganda. Bright future is waiting there for you. Make your family, relatives, and friends proud of you.

Xyra Bree Ercilla Tua, isa sa mga Topaz na parang dalaga na. Nagli-lipstick na nga at sa poging lalaki ay naaakit. Payong tatay lang, Xyra, lessen mo ang pag-ibig. More studies muna. Focus sa edukasyon, huwag sa relasyon. Kaya mas mataas ang utak kaysa puso dahil kailangan nating matuto bago ang magkaroon ng kalaguyo. Hindi masama ang magmahal o magka-crush, basta gawin nang tama. Gayunpaman, nakita kong magaling ka. Sa mga performances, nakikipagsabayan ka. Keep it up! Sa junior high, magagamit mo 'yan. Study hard lang.

Lady Haiko Adolfo Villarente, andami mong kinasangkutang gulo, pero hindi ako nainis sa 'yo dahil alam ko, gusto kong magbago. Tandaan mo lang, kapag nasa school ka, pag-aaral dapat ang una. Hindi bale kung ang mga labi mo ay iyong pinapupula, basta sana ang card mo ay walang pula. Well, sa Topaz, nag-shine ka naman kahit paano. Hindi ka man star gaya ng iba, but I know, kaya mong kuminang. Next time, be a star. Ikaw naman ang mag-shine. Alam ko, kaya mo. Aja!

Ngayon, ako'y magpapaalam na. Humayo kayo't maging matagumpay, ha? Gamitin ninyo lahat ang mga naibahagi ko. Munti man ang mga iyon, pero mahalaga.

Again, congratulations sa inyong lahat! Salamat! Salamat sa pagiging bahagi ng inyong isang makabuluhang santaon!

No comments:

Post a Comment

Ang Pinakamasamang Kuya

  Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...