Followers

Sunday, April 15, 2018

Kung Mahina Lang Ako

Kung Mahina Lang Ako

Kung mahina lang ako, matagal na akong sumuko,
matagal na sana akong naglaho dito sa malupit na mundo.
Sa kamay ng hayok na barako,
nasira, nawasak ang aking pagkatao.
Daig pa ang napakalakas na bagyo,
kung paanong kamusmusan ko ay binayo.
Wala ngang naging sugat, walang tumulong dugo, pero hindi pa naghihilom ang poot ko.

Kung mahina lang ako, matagal na akong nagpalit ng anyo--
mula sa inosenteng tupa hanggang sa mabangis na toro, na nanunuwag, nanunungkal ng kapwa-tao.
Matagal na sana akong nagbalatkayo upang bawat isa, sa akin ay hihipo, na parang santa o santo at pag-aagawan ang laman ko.


Kung mahina lang ako, matagal nang iba ang pangalan ko-- iba sa umaga, iba sa gabi, habang nag-iiba ang kulay ng mga labi ko.
Ngunit dahil namuo ang pusong mapaghiganti, isa pa rin akong lalaki.
Nawalan man minsan ng dangal, ngunit patuloy na nagmamahal,
patuloy na tumatayo,
nagtatago,
nagpapakasarap,
nagpapanggap,
tumatakas,
umiiwas,
lumalaban,
nasasarapan...
sa mundo ng kapusukan.

No comments:

Post a Comment

Ang Pinakamasamang Kuya

  Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...