Followers
Tuesday, April 3, 2018
Ang Aking Journal -- Abril 2018
Abril 1, 2018
Marami na naman akong napaniwala nang nag-post akong nasa Cebu ako. Hindi talaga ako nabibigo kapag April Fool's Day. Isa na sa mga napaniwala ko ay ang 1000 group, si Roy, at ang mga pupils ko. Ayaw nilang wala ako sa graduation nila.
Naalala ko, last year, nag-April Fool's Day post din ako. Akala ng pupils ko ay nasa Davao talaga ako. Nagkatotoo naman this year. Kamakailan lang, nasa Davao nga ako. So it means, baka next year ay makarating na ako sa Cebu. Hopefully.
Past 8, nasa school na ako. Nauna pa ako kay Ma'amm Laarni at sa mga kasamahan ko. Kaya naman, nakapagsimula kami bandang alas-diyes na. Okay lang naman dahil may paalmusal si Ma'am.
Masaya naman ang stage decoration namin. Marami naman kaming nagtulong-tulong. Past 5, tapos na kami. Kaunting linis at pulido na lang bukas ang gagawin namin.Masakit ang likod ko bago pa kami natapos. Sana mawala na ito bukas.Nakaalis na rin pala sina Epr at Judy. Ayon kay Bro, may lalakarin lang daw siya. Pinayagan ko na. Sana work na ang nilalakad niya. Gusto kong magkaroon uli siya ng trabaho. Manganganak ang misis niya sa June.
April 2, 2018
Past 10 pa lang, nasa school na ako. Inayos ko pa kasi ang mga medals at diploma. Hindi naman ako gaano ka-excited. Kailangan lang talaga. Gayunpaman, naging maayos ang daloy ng graduation ceremony. Nagsimula nang late, pero hindi ganoon katagal. Minuterls late lang. Ang problema lang ay sobrang init, lalo na't naka-amerikana ako. Hulas na nga ko pagkatapos. Ang pangit tuloy ng mga pictures ko with my pupils. Okay lang naman. At least, masaya ang mga pupils at parents. Thankful sila sa akin. Sa speech ng may mataas na karangalan, hindi ako maiyak. Kung ang unang gawa niya sana ang binigkas niya, baka naluha ako. Ipinabago kasi ng principal. Maganda naman ang mensahe. Hindi ko nga lang dama. Mas nadama ko siya nang nilapitan niya ako at ng mommy niya habang umiiyak. Alam kong malaki ang nagawa ko sa isang bahagi ng buhay niya. Thankful ako roon.
Past 10 na ako nakauwi. Masakit ang ulo ko. Hindi nga ako kaagad nakatulog.
Abril 3, 2018
Nahirapan akong sumakay nagkawalan ang mga colorum na bus. Kaya naman mas nauna pang dumating ang mga estudyante ko. Binuksan na nila ang classroom. Okay lang naman. Excited sila sa classroom closing program.
Past 9, sinimulan ko ang paggawad ng ribbons, certificates, at medals. Tuwang-tuwa ang mga nakatanggap ng awards.Prinesent ko rin sa kanila ang spoken word poetry ko. Naiyak ako sa part na may kinalaman sa ama. Nag-iyakan din ang iba, lalo na si Althea at Chealsey, na parehong broken ang pamilya.
Pagkatapos niyon, selfiehan at kainan. Natuloy ang blowout ni Chealsey para sa mga kaklase at guro. Napakain niya halos lahat nang mga pumasok na guro.
Natuwa ako sa mga parents na talagang nag-support sa closing program. May mga take home pa akong ulam at regalo. Kaya naman, tuwang-tuwa ang aking mag-ina sa mga pasalubong ko. Pero, mas natuwa ako sa mga iyakan, paalaman, at yakapan na nangyari kanjna. I'm sure titimo iyon sa puso ng bawat isa. I know naging at mananatili akong part ng buhay nila.
Abril 4, 2018
Gustuhin ko mang matulog hanggang 8 am, hindi ko magawa. Kusang dumidilat ang mga mata ko. Nasanay ako sa paggising sa madaling araw. Kaya naman kahit 10 am pa dapat ako makakarating sa school past 8 ay naroon na ako. Okay lang naman kasi may mga dapat pang ayusin.
Na-miss ko namang bigla ang VI-Topaz nang pumasok ako sa classroom namin. Nanibago ako. Hinanap ko ang mga ingay nila. Haist!
Isang makabuluhang araw ito para sa akin. Nakapagpahinga ako at naka-bonding ko pa ang 1000+ group. Nagkainan kami sa Chowking-HP bandang alas-3:30 ng hapon. Six-thirty na yata iyon nang matapos kami. Eight na ako nakauwi.
Abril 5, 2018
Naipasok ko na sa envelope ang kanya-kanyang cards, pictures, at good moral ng estudyante ko pagkatapos ng GES Faculty Meeting at GES Coop General Assembly.
Past 3, nagkayayaan naman ang 2000 group na mag-late lunch dahil hotdog at kanin lang ang almusal naming faculty members kanina. Sa Mang Inasal kami pumunta.
Nagulat ako sa kakayahan kong kumain. Napakagana ko. Nakatatlong kanin ako. Sa sobra ko ngang busog, inantok ako habang nagkukuwentuhan. Hindi na rin ako halos makakain pag-uwi ko. Tinikman ko lang ang gulay na niluto ni Emily. Sana araw-araw ganoon.
Abril 6, 2018
After ng faculty meeting, naghintay kami ng bigayan ng dividend. Nakatanggap ako P4236.88. Nagkayayaan ang 1000+ sa Mang Inasal dahil bitin na naman ang lunch namin. After ng masayang kainan, namili kami sa El Bonita Ukay-Ukay Store. Natuwa ang aking mag-ina sa nabili ko para sa kanila. Natuwa rin ako dahil napangiti ko sila.
Abril 7, 2018
Pasado 5:30 ng umaga, nasa schol na ako. Tumulong ako sa paglabas sa mga kasangkapan, props, at pagkaing dadalhin sa 'The Farm Green and Saddle Resort.' Hindi naman agad kami nakaalis dalhin nagkaproblema sa naunang nakontak na van. Mabuti na lang may kilala si Ms. Kris. Okay lang naman dahil kasama ko sa van papunta roon ang 1000+ group. Nakapag-almusal pa kami. Past 9 na kami nakarating sa venue. Halos nandoon na lahat.
Na-enjoy naman naming lahat ang mga activities, although ang ilan ay naka-encounter ko na sa isang seminar. Ang mensahe at effect kasi niyon ay mabuti para sa team. Kahit paano ay nakilala namin ang isa't isa.
Nabusog ako nang husto sa mga pagkain. Matagal bago ako nakalusong sa pool.Nag-enjoy din ako sa tubig at sa mga mini-games namin doon.
All in all, isang masayang team building slash outing ang naganap.
Abril 8, 2018
Kahit paano mahaba-haba ang naging tulog ko. May araw na nang bumangon ako. Ang sarap sa pakiramdam ng hindi nagmamadali at hindi kailangang bumiyahe nang maaga.
Nag-gardening ako after breakfast. Na-miss ko 'to! Nakapagsulat din ako ng update sa nobela ko.
After lunch, umidlip ako sa kuwarto. Kahit mainit, nakatulog ako. Iba talaga kapag nagpupuno ng mga kakulangan sa tulog.
Abril 9, 2018
Naging mainitin ang ulo ni Emily dahil naglalaba siya. Ang sarap niyang awayin dahil dito. Gusto kong sabihin sa kanya na "Gumawa ka nang masaya upang pagod ay hindi niya madama," at "Huwag mo kasing ipunin ang mga labahan nang hindi ka matambakan."
Nakakainis kasi. Akala mo siya lang ang napapagod. Binilhan na nga ng washing machine, may problema pa rin.
Mabuti na lang talaga, marunong pa akong magtimpi. Idinaan ko na lang sa pagsusulat at pagbabasa ang lahat.
Abril 10, 2018
Eight-thirty na ako nakarating sa school. Before nine, nag-issue na ako ng cards. Halos nagpunta lahat ang mga parents/guardians ng pupils ko. May mga ilang estudyanteng sumama. Before 11, wala nang kumukuha.
Nakapagbayad ako ng P2600 mula sa nakolekta kong bayad sa mga pictures. Ang problema, wala pa ang class pictures at ang mga diploma pahabol. Kaya, babalik pa sila para i-claim.
Past 4:30 na ako umalis sa school, kasama sina Papang at Mj dahil saka lang kumulimlim ang langit.
Past 6, nasa bahay na ako. Nag-iba ang mood ko nang makumporma kong wala ang mag-ina ko. Sobra ang inis ko dahil hindi na nga nag-text o nag-chat, hindi pa nag-iwan ng note kung saan sila pupunta.
Alam ko namang nasa Taguig lang siya, pero karapatan kong malaman. Hindi porke't sinabi kong ayaw kong tinitext niya ako, hindi nangangahulugang hindi na siya magpapaalam. Kawalang respeto iyon. Ipinakikita niya lang na hindi ko rin siya dapat irespeto at pahalagahan.
Lalo pa akong naiinis kapag naiisip ko na hawak niya ang P35,000, na para sa pagpapagawa ng dirty kitchen at laundry area namin. Huwag na huwag siyang magkakamali. Maliit na halaga lang iyon.
Abril 11, 2018
Nakatulog ako nang mahaba-haba kahit mag-isa lang ako at kahit iniisip ko ang mag-ina ko.
Hindi ako pumasok kasi alam kong hindi pa sila makakauwi. Kawawa ang alaga naming aso. Walang magpapakain.
Mabuti na lang din dahil dumating ang kinontak kong ahente ng PLDT Home Ultera, na si Ms. Daisy Oncepido, para sa filling out of application form. Kumuha ako ng Plan 1299. Fifty GB na iyon at 10 mbps. Mahal pero mabilis ang net.
Past 1, humingi ako ng clearance para makabitan ako ng internet.
Past 6 na dumating ang mag-ina ko. Hindi ko nagawang talakan at pagalitan ang asawa ko. May dahilan naman kasi ang pagbisita niya sa kanyang pinsan. Ang mali lang niya ay hindi siya nag-iwan ng note.
Next time, magagalit na ako sa kanya.
Abril 12, 2018
Past 10:45, nagpa-medical kami ni Ma'am Bel sa Japedia. Nauna na sa amin sina Papang at Mj. Mas nauna lang si Mj kay Papang. Hinintay naman kami ni Papang doon, kaya sabay-sabay kaming lumabas.
Nang nasa Japedia ako, nagwo-worry ako sa Pag-ibig Fund monthly premium ko. May tumawag sa akin. Hindi pa raw nakarehistro sa sistema nila. Kaya, kinontak ko si Emily na puntahan niya ang nagbigay sa kanya ng reference number para bayaran ang amortization namin. Mabuti na lang, may load at signal pa ang wifi. Na-confirm ko sa online ng Pag-ibig na nakapasok na ang binayad namin. Litse! Scammer ang hayop na tumawag. Lolokohin pa ako. Tumawag pa siya, mumurahin ko talaga.
Agad ko namang tinext si Emily para hindi na siya pumunta sa Pag-Ibig branch sa Robinson's Mall Tejero.
Nag-try akong gumawa ng MOVs para sa IPCRF, pero dahil mahina ang net hindi ko mai-download ang mga pictures, na nasa FB ko. Inantok lang ako.
Nakaidlip ako sa SBM room, kahit paano. Paggising ko, nagyaya na si Papang na maghalo-halo kami, kasama si Makki at Mj.
Hapon, pauwi na ako, may nag-text uli. Sinasabi niyang overdue na ako sa Pag-Ibig. Gago! Akala niya sa akin, bobo?! Ang gamit niyang number ay , which is hindi dapat ganyan. Dapat 4-digit number lang at saka pangalan lang ang mag-a-appear. Itext ko nga ng "SCAMMERS, GET LOST!" Hindi siya nag-reply.
Andaming manloloko ngayon. Bakit kaya hindi sila magtrabaho nang patas at legal?
Abril 13, 2018
Friday the 13th ngayon. Naging masaya ang araw ko. Naka-bonding ko kasi ang 1000+ group sa pananghalian. Nagluto si Ma'am Bel ng chicken feet. Sobrang sarap ng kain namin.
Past 5:30 na kami nakapag-out. Pagod man akong nakauwi sa bahay, masaya pa rin. Nalungkot lang ako nang kumustahin ako ni Emily kung ano ang result ng medical ko. Sabi ko, "May PTB ako." Ramdam ko nga anh paninikip ng kanang dibdib ko. Kailangan kong maging healthy uli ngayong summer.
Abril 14, 2018
Hindi na nagbigay si Dr. Felipa Pagulayan ng final exam sa amin. Tinanong niya lang kami kung satisfied na kami sa grade na ibinigay niya. Nagulat pa nga ako nang memorize niya ang mga hindi pa nabigyan. Absent kasi ako last Saturday, gawa ng teambuilding. Pero, mas nagulat ako sa 1.25 na grade ko sa kanya. Very satisfied ako.
Nag-pictorial lang kami at nagmeryenda. Nagdala ng lasagna ang kaklase ko. After that, uwian na.
Past 10, bumiyahe na ako pauwi.
April 15, 2018
Marami akong nagawa ngayong araw. Nagdilig. Nag-gardening. Naglinis sa kuwarto. Nagluto. Nagbasa. Nagsulat. Atbp. Siyempre, hindi mawawala ang panunuod ng telebisyon at siesta. Sabay-sabay kaming natulog at nagising.
Abril 16, 2018
Past 9, nasa GES na ako. Si Ma'am Edith lang ang dumating sa mga 1000+ group ko. Nalungkot akong bigla. Isa pa, wala akong nagawa para sa IPCRF. Sarado ang room ni Ms. Kris kung saan naroon ang printer. Gayunpaman, naging produktibo ang araw ko dahil nakasulat ako ng isang spoken word poetry. Natulungan ko rin si Mj, sa pag-sign up sa PRC Online at sa pagkuha ng schedule sa license renewal.
Past 5, umuwi na kami.
Uminit ang ulo ko pagdating dahil hindi na naman nasagot ni Emily ang tawag mula sa PLDT na magkakabit ng internet. Grabe! Iyon lang, hindi pa magawa.
Chinat ko ang ahente na si Mrs. Daisy Oncepido. Sana maipaabot niya ang mga sinabi. Natatakot akong ma-scam. Baka dumating na point na sisingilin nila ako ng comsumption ko dahil nakapirma na ako. Anyways, application form ang pinirmahan ko. At hindi ako magbabayad kapag may bill agad.
Abril 17, 2018
Pagdating ko sa school kaninang mga pasado alas-10, naroon na sina Ms. Kris at Mj. Nag-FB lang kami saglit sa office, saka kami sumabak sa paghanda ng IPCRF.Then, isang masagana at masayang lunch ang nangyari. Nahuli ng dating sina Papang at Makki, pero may natira pang mga ulam para sa kanila.
Naipasa ko na ang IPCRF ko bago mag-alas-4. At, may good news na dumating mula kay Ma'am Nhanie. Magkakaroon na kami ng contract signing sa publishing house ng kuwentong pambata. Natuwa ako nang husto nang makita ko ang published book ng "Ang Mahiwagang Refrigerator." Napakaganda! Nakakatuwa rin dahil mababayaran na ako ng P10k sa Biyernes at mabibigyan ng 5 complimentary copies. Walang mapagsidlan ang ligaya ko. Paid off ang pagsusumikap kong makapagsulat ng mga akda.
Hindi agad kami (1000+ group). Nagmeryenda muna kami sa Carwash and Restaurant. Inabutan kami roon ng past 7:30 ng gabi dahil sa masarap na kainan, kuwentuhan, at tawanan.
Abril 18, 2018
Wala sana akong balak pumasok kanina, kaya lang kinailangan kong tingnan ang mga credentials ko para sa curriculum vitae na niri-require sa akin ng publishing. So, past 10 na ako nakarating sa school.Nagkaproblema pa ako sa laptop pagdating doon. Ayaw mag-charge. Mabuti na lang, nagawa ko namang i-send ang CV ko bago magsara ang office.
Natuwa ako nang malaman kong nakabitan na kami ng internet.
Gabi, nang dumating ako, ni-reveal ko sa GC ng 1000+ na ililibre ko sa ng P699 tour package sa Tagaytay+Batangas Tour. Blowout ko iyon para sa aking matatanggap na working money.
Excited na kaming lahat. Hindi ko pa nasabi sa mag-ina ko. Surprise ko na lang.
Abril 19, 2018
Hindi ako umalis ng bahay. Supposedly, dapat nasa Pasay ako para dumalo sa event sa CCP, in connection sa speaking engagement ko bukas doon. Pero, mas pinili ko ang mag-stay para mag-relax, magpahinga, at makasama ang mag-ina ko.Worth it naman ang stay ko. Lalo na nang nai-reveal ko sa kanilang dalawa ang plano ng 1000+ group na mag-Tagaytay. Excited na sila.
Naibalita ko rin kay Emily ang tungkol sa book signing at sa expected working money at royalty fees ko.
Past 3, umidlip kami. Naistorbo lang ang tulog naman dahil sa pagdating ni Marekoy. Nag-iwan siya ng susi. Okay lang naman. Past 4:30 na rin naman, e.
Abril 20, 2018
Maaga pa lang ay nasa Gotamco na ako para pirmahan ang application/enrollment form ng estudyante ko. Pagkatapos niyon, isang malaking pasasalamat ang ibinigay sa akin ng magulang. Nakakatuwa!
Mayamaya, bago ako pumunta sa CCP para sa AUTHORities: The 9th Philippine Literary Festival ng National Book Deveoplement Board, nakasalo ko ang prinicpal, ang kanyang asawa, ang office clerk, at si Ma'am Julie. Doon, nalaman nila ang tungkol sa contract signing.
Napakasaya ko sa araw na ito. Hindi ko ito makalilimutan. Dalawang rason kung bakit.Una, naging speaker ako sa isang nasyonal na event ng NBDB. Cultural Center of the Philippines iyon! Hindi ko lubos maisip kung paano ako napasabak sa gayong engagement. Salamat sa SULAT Pilipinas at Project BASYANG.
Halos manginig ako sa kaba nang nasa harap na ako. Hindi ko rin halos nasabi ang mga gusto kong sabihin, pero naipakilala ko ang antohology books ng VI-Topaz, ang Walang Pamagat at Ang Twenty Seventeen Twenty Eighteen.
Grabe! Nakaka-proud sa mga estudyante ko kapag naroon sila.
Pagkatapos ng forum, may lumapit na kabaro kong guro. Nais niyang magpatulong kung paano mag-publish ng anthology book. Advocacy rin daw niyang mapasulat ang mga estudyante niya.Nakakatuwa pa dahil bago nagsimula ang session, na "From Mema to Memories: Storytelling in Action," dumating sina Papang at Mj para suportahan ako. Great friends!
Hindi naman ako naka-bonding sa SP fam ko dahil kinailangan ko namang habulin ang signing of contract sa St. Bernadette Publishing na nasa QC. Hinihintay na ako sa MRT ng apat kong ka-team. Kaya, kahit wala pang kain, sige ako.
Walang mapagsidlan ang excitement namin habang nasa train kami. At, lalong walang mapagsidlan ang saya namin nang naroon na kami, nang makita namin ang mga printed books, nang makadaupang palad namin ang mga tao sa likod ng books such as circulation manager, owner, advocates, at illustrators, nang makasama sila sa pictures, nang tanggapin namin ang working money na P10k each book, at nang mag-sign na kami ng kontrata.Sobrang saya! Hindi ko akalaing makatatanggap ako ng ganoon kalaking halaga dahil sa pagsusulat. Dati-rati, ako pa ang gumagastos para sa books ko at bumibili pa ako ng anthology books mula sa self-publishers. Ngayon, ako na ang binayaran, may royalty pa. Ang masarap pa sa tainga, may National Library pa at may planong ilabas sa bansa. Wow! Royalty is real!
Dahil sa biyaya, nagkayayaang kaming kumain sa labas. Dinala kami ni Ma'am Nhanie, ang dahilan kung bakit ako nakasama sa team ng "Ang Mga Kuwento ni 21st Century," sa Tong Yang sa Centris.Nainis lang kaming lahat dahil sa napakatagal na paghihintay. Pero, worth it naman dahil nakapagkuwentuhan pa kami at nakapagplano. Nakilala kong ang mga kasamahan ko. Nag-decide kaming magkaroon ng outreach programs tuwing makakatanggap kami ng royalty. Nasabi ko ang proposal kong tie-up with SP. Pumayag naman agad si Ma'am Nhabie.Sobrang busog ako sa shabu-shabu restaurant na iyon. Sulit!All in all, this day is blessed day!
Nakauwi ako at 12:30 am. Antok na antok, pero nagawa ko pang magpasalamat kay sa mga kasama ko, kay Ma'am Nhanie, at sa Panginoon.
Abril 21, 2018
Naipaliwanag ko kay Emily ang tungkol sa natanggap kong pera. Nakikinig si Zillion. In-inspire ko siyang magsulat at magbasa para siya ang magmana sa aking nasimulan. Pinangukuan ko rin silang dalawa ng trip to Baguio this summer. In fact, ihinigay ko na sa kanya ang budget. Excited silang pareho.Past 8, nasa biyahe na ako papuntang Pasay. Kailangan daw kasing iwanan ang susi ng classroom.Pagdating ko sa school, nagligpit ako nang kaunti. Ayaw ko kasing may mawala sa mga belongings ko.Then, pumunta na ako sa HP para bumili ng cellphone, laptop battery, ink, at SD card. Nagawa ko naman bago mag-12.Nagbigay si Ma'am Milo ng interest sa utang niya. Kaya lang P1700 lang. Delayed siya ng dalawang buwan. Tapos, kulang pa ng P100. Okay lang. At least, nakaalala.Nakipag-brainstorm ako sa SP para sa proposal kong project sa publishing. Interesado na rin silang kumita.
Abril 22, 2018
Hindi naman ko masyadong excited, pero alas-dos pa lang ng umaga ay gising na ako. Marahil, dahil iyon sa sobrang init.Bandang alas tres y medya bumangon na ako. Ginising ko naman ang mag-ina bandang alas-3:45 para maghanda na sa pag-alis.Maaga kaming nakaalis, kaya lang naging buwakaw ang driver ng bus. Punong-puno na, nagpasakay pa nang nagpasakay. Kaya naman, hindi na namin nagawang kumain. Nag-take out na lang kami.Hindi naman kami ang late. Nauna si Ms. Kris at sina Papang.Nakarating kami sa Fantasy World ng bandang alas-10. Worth it naman ng layo at entrance fee dahil instagramable ang ganda ng lugar. Para kaming nasa ibang lugar at nasa dating panahon. Ang saya ni Zillion. Na-enjoy ko rin ang moment na kasama silang mag-ina at ang mga kaibigan ko.Next, sa Caleruega Church kami pumunta. Akala ko simbahan lang iyon, hindi pala. Nature din, kaya na-enjoy ko. Sabi nga ng motto ng simbahan, "Closer to God, closer to nature." Tama!Nahiya lang ako dhil kaming tatlo ang pinakahuling dumating sa van. matagal pa silang naghintay sa amin.Sunod, sa Ginger Bread House kami pumunta. Nagustuhan ko ang lugar. Andming puwedeng pagpiktyuran, kaya lang, nagmamadali na ang lahat para sa lunch. Gayunpaman, nag-enjoy ang anak ko.Nag-lunch kami sa Bulalo Point. Sumakit man ang ulo ko bago nakakain, nabusog naman ako nang todo.Sa biyahe na kami nagpababa ng kijain. Nakatulog nga kami bago dumaan sa Digman Halo-Halo, isang historic na kainan.Past 5, naghiwa-hiwalay na kami. We are hoping na sana matuloy ng ipinangako kong Cebu Esacapades kapag nakakuha ako ng malaki-laking royalty. Thankful din sila sa king treat. Siyempre, nagpasalamat din ako kay Papang, na siyang nag-sponsor ng aming lunch.
Abril 23, 2018
Past 8, bumiyahe ako patungo kahit masakit ang kanang dibdib ko, na apektado ang likod ko. Kailangan ko kasing bumili ng tent para sa mountain hiking sa isang bundok sa Atimonan, Quezon.Matagal ko nang gustong bumili ng tent at makapag-mountain climbing. Matutupad na. Thanks, God, sa biyaya!Past ten, nasa SM na ako. Sa Ace ako nakabili ng 4-persons tent ng Coleman. Mahal, pero okay lang. Gusto ko ang magandang quality.Then, tumambay ako sa school. Si Ms. Kris lang ang hindi nakapasok dahil may LBM. Sabay-sabay kming nag-lunch sa isang malapit na karinderya.Sobrang init, kaya hindi ko naglinis ng classroom ko. Nag-stay lang ako sa may office hanggang sa magkayayaang umuwi, bandang alas-4.Dapat pupunta ako sa Book Fiesta dahil naroon ang mga SP members. Kaya lang, naisip ko, nanghihingi na naman ng financial aid ang isa. Hindi ako maramot, ayaw ko lang masanay siya sa pamamalimos. Pupunta sa event nang walang pera, it is a no no!Kaya, nagsinungaling na lang ako. Kesyo, inutusan ako ng principal. Ganyan, ganito. Lusot. Hindi ko siya nakonsente.Ginabi ako ng uwi kasi nagpakulay ko ng buhok ko. Ang tagal kong naghintay dahil sa dami ng customers. Okay lang. Worth it naman.
Abril 24, 2018
Naglinis ako ng sala, kusina, at kuwarto ko pagkatapos mag-almusal. Kinalaunan, hinarap ko naman ang paggawa ng floor plan para makakuha kami ng major construction permit.
Habang wala si Emily, naghanda naman ako ng entries para sa Carlos Palanca Memorial Awards for Literature. Pinasulat ko rin si Zillion sa kanyang diary. Ikatlong araw na niya sa pagsusulat. Natutuwa akong mabasa ang gawa niya. Kahit paano, magsisimula na ang kagustuhan at kakayahan niyang magsulat ng sariling kuwento.
Abril 25, 2018
Past 8, nasa biyahe na kami papuntang Baclaran. Namili kami roon ng mga family shirts. Nahirapan lang kami dhil bihira iyon. Kadalasan, couple shirts ang naroon. Gayunpaman, bago kami nananghalian, nakabili na kami ng tatlong sets. Tuwang-tuwa ang mag-ina ko sa aming napamili. Si Zillion, excited na sa pagbakasyon namin sa Baguio. Dalawang araw na lang daw.
Abril 26, 2018
Hindi ako nakatulog nang maayos sa sofa. Nagsisi nga ako kung bakit hindi ako natulog sa kutson. Gayunpaman, bumangon ako nang maaga.
Past 9:30, dumating si Kuya Boy. Sinukat-sukat niya ang dirty kitchen na gagawin niya at naglista ng mga bibilhing materyales. Gagawa na siya bukas.
After lunch, umalis si Emily para bumili. Past 3, na aiya dumating. Gumastos agad kami ng mahigit P16,000 sa materyales sa paglagay ng bubong at pader. Wala pa rito ang mga kakailanganin sa interior. Okay ang naman. Gusto ko namang mayari na ang dirty kitchen at laundry area namin, bago matapos ng tag-init. Ang hirap kasi.
Abril 27, 2018
Naideliver na ang mga materyales ng dirty kitchen at laundry area, ilang minuto pagdating ng mga karpintero. Sinimulan din agad nila ang paggawa.
Pasado alas-kuwatro ng hapon, dumating naman ang mag-asawang Epr at Judy. Halos paalis na ang mga karpintero. Pero, alam na ni Kuya Boy na sila ang maiiwanan sa bahay.
Past 8 ng gabi, bumiyahe n kami patungong Victory Liner. Past 10:30 na kami nakalarga.
Abril 28, 2018
Quarter to five nang dumating kami sa terminal ng Victory Liner. Hindi ko na natawagan si Ate Mackie, owner ng transient house na tutuluyan namin, dahil walang mabilhan ng load. Hindi na niya kami nasundo. Okay lang naman. At least, nagising siya sa aming pag-door bell.
Pagkatapos niyang ihanda ang aming kuwarto, natulog kaming mag-anak. Tatlong oras din kaming nakatulog. Ang sarap sa pakiramdam.
Agad naman kaming umalis para simulan ang aming pamamasyal. Sa Botanical Garden na kami ng-almusal. Halos doon na rin kmi inabutan ng tanghali. Pero, sa Wright Park kami nananghalian.
Bago iyon, nilakad namin ang kinaroroonan ng Camp John Hay, pero hindi namin natunton. Okay lang naman dahil nakapag-brisk walk kami. Malamig naman kaya hindi namin ramdam ang pagod.
Pagkatapos namin sa Wright Park, sa Burnham Park kami tumambay. Sumakay kami sa swan ride. Nagbisikleta rin kami. Siyempre, nag-food trip. Masaya kaming tatlo. Nakakapagod nga lang. Inantok kami, kaya bumili kami ng panlatag at nahiga-higa kami sa damuhan.
Four-thirty, bumalik na kami sa transient house. Umidlip kami pagkatapos ng meryenda. Ang mag-ina ko, natulog na diretso sa sobrang pagod. Nakinuod nman ako ng telebisyon.
April 29, 2018
Ang sarap ng tulog namin. Palibhasa pagod kami kahapon.
Sa 456 Restaurant na kami nag-almusal. Pagkatapos, umakyat kami sa Baguio Cathedral. Nag-alay lang ng bulaklak doon si Inday. Sa Strawberry Farm kami sumunod na pumunta. Hindi kami nakapag-picking kasi ang mahal. Nag-picture-taking na lang kami roon. Namili na rin kami roon ng mga gulay at iba pang pasalubong.
Next destination, namin ay sa Baguio Market. Nag-lunch lang kami roon at nag-ukay-ukay.
Bumuhos ng ulan bandang alas-2. Mabuti na lang nagyaya nang umuwi ang mag-ina ko.
Natulog ako pagdating. At, alas-sais ng hapon, umalis na naman kami. Gusto ko kasing ma-experience ng mag-ina ko ang night market at para mabilhan din sila ng mga damit.
Habang hinihintay ng alas-9, tumambay muna kami sa Burnham Park. Sa mga ihawan. Malapit doon, doon kami nag-dinner. Inihaw na hito at talong ang ulam namin. Ang sarap ng kainan namin.
Napasaya ko ang dalawa sa kanilang first time experience. Kaya kahit pagod at antok at magastos, umuwi kaming tatlo, na masaya.
April 30, 2018
Nagmadali kaming makapunta sa Good Shepherd Convent para makauwi agad. Bumili lang kami roon ng ube jam. Pagkatapos, nag-breakfast kami sa may Mines View Park. Nag-picture-picture lang kami roon. Mabilis lang. Nagyaya na kasi agad si Inday. Masakit ang kanyang tiyan. Ayos lang naman dahil kailangan naming makausap si Ate Mackie tungkol sa puppy na ibibigay niya sa amin.
Past 11, nagpaalam na kami sa kanya. bitbit namin ang puppy, mga napamili, at mga bagong karanasan. Sobrang saya! Ang sarap sa pakiramdam na nagawa kong ipasyal ang mag-ina ko.
Sa terminal, nagkaproblema kami kay Kayla, ang puppy. Bawal daw, sabi ng mga guards. Pero, naniniwala akong maitatago namin ang tuta.
Matagal kaming naghintay. Napakaraming pasahero pauwi. Past 4pm na kami nakaalis sa Baguio. At, sa sobrang tagal ng biyahe, nalipasan kami ng gutom. Pasaway pa ang puppy. Tumae. Umihi. Haist! Nakakapagod!
Ala-1:30 am na kami nakauwi
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Paano Sumulat ng Lathalain? #2
Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam. Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...
-
Ayaw na ayaw ni Tommy ang Sabado kasi ito ang araw ng paglilinis. Biglang bunso, gusto lamang niya ang kumain, matulog, manuod ng t...
-
Sa kabila ng hamon sa pagbubukas ng panuruang taon 2020-2021, natuloy pa rin ito noong Oktubre 1. Gayunpaman, mayroon pa ring mga kinahahar...
No comments:
Post a Comment