Pedro: Napanuod mo na ba ang ‘Goyo: Ang Batang Heneral?”
Juan: Hindi pa. Ikaw?
Pedro: Hindi pa rin. Ang ganda raw, sabi ng kuya ko!
Juan: Talaga? Sana mapanuod ko.
Pedro:Oo nga. Sana mapanuod ko rin para mas makilala ko nang husto si Heneral Gregorio Del Pilar.
Juan: Nakasama kaya roon ang love story niya?
Pedro: Love story?
Juan: May nabasa kasi ako. Sabi raw, noong December 2, 1899, matapos mapatay sa Labanan sa Pasong Tirad si Gregorio del Pilar, ang pinakabatang heneral, natagpuan sa kaniyang kasuotan ang isang gintong locket na may ilang buhok at isang sedang panyo na may nakaburdang pangalan: "Dolores Jose."
Pedro: Dolores Jose? Sino siya?
Juan: Basta. Mahabang istorya.
Pedro: Nakakabitin ka naman, Juan, e!
Juan: (Tatawa) Nananatiling misteryo kasi. Maging sa mga historyador ang katauhan ng huling pag-ibig ni Gregorio del Pilar. Hindi man lamang nababanggit sa mga istandard na talambuhay niya. Kaya ayaw kong mauna. Magbasa ka na lang din at mag-research kung interasado ka.
Pedro: Mabuti pa nga.
Juan: Basta ako, na-realize kong ang mga bayani natin ay mga ordinaryong tao rin, tulad rnatin. Sila ay umibig, nasaktan, nagging bayani.
Pedro: Hugot!
No comments:
Post a Comment