Followers

Friday, November 30, 2018

Kay Sayang Maglakbay

Buwan-buwan kaming lumuluwas ng Metro Manila. Buwan-buwan kasing nakikipagpulong si Daddy sa mga kapwa niya doktor.

Noong Enero, dinala kami ni Daddy sa Villamor Air Base Golf Club. Sa Sofitel kami namamalagi sa loob ng dalawang araw at isang gabi. At siyempre, kasama na roon ang pamamasyal naming mag-anak.

"Ang saya-saya po palang maglaro ng golf, Daddy!" sabi ko.

"Siyempre, Andy, bukod sa maganda na ang kapaligiran, isa pa itong uri ng ehersisyo," sagot ni Daddy.

"Ang bait pa ng caddy natin," sabi naman ni Ate Kyla.

"Totoo iyan. Isa pa, na-enjoy ko rin ang mga pagkain nila sa restaurant na kinainan natin," wika ni Mommy.   

"Sige, babalik tayo rito," masayang balita ni Daddy.     

Nagpa-yehey kaming magkapatid.

Noong Pebrero, sa Resorts World Manila naman kami namalagi. Bago pa makalapag ang eroplano sa Ninoy Aquino International Airport, tanaw na tanaw na namin ang magagandang lugar sa palibot niyon. Excited kaming lahat na malibot ang tinaguriang 'Travel City' ng Pilipinas.

Marami ang aming naranasan. Nanood kami ng sine, naglaro sa arcade, naligo sa pool, at kumain sa mga restaurant. May Valentine concert pa roon ang ilang sikat na Pilipinong mang-aawit. Hindi lang namin na-experience ang kanilang casino. Ayaw ni Daddy.

"Ang ganda-ganda po rito sa Resorts World!" bulalas ko.

"Yes! Pang-world class," sang-ayon ni Daddy.

"Pambihira talaga ang one-stop entertainment and leisure resort na ito!" dagdag ni Mommy. "Ang sasarap pa ng pagkain."

"Korek po! babalik po ba tayo rito?" tanong ni Ate Kyla kay Daddy.

"Siyempre naman!"

Nag-apiran kami ni Ate Kyla.

Noong Marso, sa Marriot Hotel naman kami nanuluyan. Malapit kasi roon ang Star City. Isa itong amusement park.

Ang gaganda ng mga rides doon, gaya ng Star Frisbee, Surf Dance, Star Flyer, Jungle Splash, at Telecombat, Viking, Tornado, Grand Carousel, at Giant Star Wheel. Nakakabaligtad ng sikmura ang iba, pero hindi namin iyon pinagsisihan ni Ate Kyla.

Pumasok din kaming mag-anak sa Dungeon of Terror, Pirate Adventure, Gabi ng Lagim, Time Tunnel, Lazer Blaster, Snow World, at Star Dome. Manghang-mangha kami sa ganda ng mga atraksiyon. Ang iba naming napasukan, napasigaw at napakapit kami sa isa't isa. Nakakatakot kasi talaga.

Siyempre, sinubukan din namin ang Bumper Boat at Bump Car Smash.

Sobrang saya talaga ng bonding naming pamilya, lalo na nang pumasok kami sa Adventure Zone. Doon naming naranasan sa unang pagkakataon ang zipline, paint ball, wall climbing, at ropes courses.

Sayang lang dahil hindi namin napasok at nasakyan lahat. Okay lang, pambata na kasi ang iba, gaya ng Happy Swing, Annex Carousel, Dragon Express, Red Baron, Wacky Worm, Little Tykes, Ball Pool, Rodeo, Quack Quack, Mini Pirate Ship, Frosty Tram, Kiddie Bump Car, Kiddie Wheel, Bumper Car Rave, Tea Cup, Jumping Star, at marami pang iba.

"Next time po, Daddy, balikan natin ang Music Express. Mukhang maganda rin po doon," suhestiyon ko.

"Yes, sure!" sabi niya.

"Ang gusto kong balikan ang mga souvenir shops. Hindi tayo nakabili, e," malungkot na sabi ni Ate Kyla.

"Hayaan mo na, may susunod pa naman," pang-aalo ni Mommy.

"Gusto raw po kasi niyang bumili ng pink wig," biro ko.

Nagtawanan kami.

Noong Abril, isinama kami ni Daddy para raw mapanood namin ang Aliwan Fiesta. Ito ay taunang paligsahan ng iba't ibang cultural festivals sa Pilipinas, na pinangungunahan Manila Broadcasting Company (MBC), Cultural Center of the Philippines, at Manila City at Pasay City. Nagkakaroon ng dance parade, float parade, at beauty pageant. Kilala ang pagdiriwang na ito bilang "The Metro Manila of All Fiestas." Ito na nga raw ang pinakaenggradeng pista sa bansa.

"Nakakapagod, pero sobrang saya. Hindi ito pangkaraniwang fiesta," komento ni Ate Kyla, habang nasa Bayview Park Hotel na kami.

"Napakakulay at napakasaya!" dagdag ko pa.

"Balita ko nga, tatlong milyong piso ang kabuuang papremyo sa mga kalahok," sabi ni Mommy.

"Siguro... Kaya nga, laging sumasali rito ang probinsiya natin," sabi naman ni Daddy.

"Ang galing ng Tribung Ati-Atihan kanina. Sana manalo sila," sabi ko.

"Sayang hindi na natin nahintay ang awarding," sabi ni Daddy.

"Ayos lang iyan. Sulit naman ang food trip at bonding sa tiangge natin kanina," sabi ni Mommy.

Sumang-ayon kaming lahat.

Noong Mayo, sa Heritage Hotel naman kami nag-check in. Tanaw namin mula sa bintana roon ang Mall of Asia (MOA). Nadurungawan din namin extension ng Epifanio Delos Santos Avenue (Avenue). Pero, hindi lang iyon. Dalawang museum ang binista namin. Namasyal kaming pumunta sa Philippine Air Force Aerospace. Kami lang yata ni Daddy ang nag-enjoy. Pero nang nasa Upside Down Museum na kami, kitang-kita sa mukha naming lahat ang ligaya. Kagila-gilas ang pasyalang iyon. Bata o matanda, magugustuhan.

"Grabe! Ang gaganda ng kuha natin!" bulalas ko nang titiningnan namin ang mga larawan namin sa camera. Nakabaligtad kasi ang mga gamit doon museum, kaya aakalain mong nakatiwarik kami.

"Ang galing lang talaga ng photographer ninyo," sabi ni Mommy. Sumandal pa siya sa balikat ni Daddy.

Ngumiti lang si Daddy.

Hunyo noon nang marating ko Coconut Palace sa Pasay. Ito ay isang masining at makakalikasang guesthouse na ipinatayo ni Dating Unang Ginang Imelda Marcos para sa pagbisita ni Pope John Paul II.

"Ang suwerte ng Santo Papa," komento ko.

"Hindi siya tumuloy roon," sagot ni Daddy.

"Po? Bakit po?"

"Ang pagkakaalam ko, dahil daw sobra raw magarbo at mahal ang pagkagawa niyon. Nakalimutan na ang mahihirap sa Pilipinas."

"Magkano po ba ang nagastos sa pagpapatayo ng Coconut Palace?" tanong ng ate ko.

"Roughly thirty seven million pesos, anak," sagot ni Daddy. "Ginamit doon ang ilang bahagi ng coconut levy fund, na dapat sana ay para sa mga magsasaka."

"Pero, ayon naman kay First Lady, nakatulong raw siya sa mga coconut farmers dahil gumamit dito ng mga coco shells o bao."

"Gayunpaman, maganda pa rin ang kinalabasan ng estruktura dahil naging bahagi na ito ng kasaysayan ng bansa. Biruin mo, naging bisita rito ang mga dating pinuno ng Libya na sina Muammar al-Gaddafi, Brooke Shield, at George Hamilton."

"Wow, sikat!" bulalas ko.

"Napanood ko sa telebisyon ang Coconut Palace. Naging bahagi ito ng 'Amazing Race' at 'Tanging Yaman' ng ABS-CBN," sabi ni Ate Kyla.

"Oo, kahanga-hanga talaga ang lugar na ito," sabi ni Mommy. "Tingnan na lang ninyo ang chandelier at ang lamesa. Gawa lang ang mga iyan sa bao. At, magagandang klase ng tabla ang ginamit dito."

"Hindi lang iyan," singit ni Daddy. "Alam ba ninyong ang bubong nito ay parang malaking salakot?"

Napa-wow kami nina Mommy at Ate Kyla. Kaya nang bumalik kami sa Conrad Hotel, punong-puno ng ligaya ang mga puso namin.

Ang hotel pa lang na iyon ay isa nang atraksiyon. Ang disenyo kasi niyon ay hinango sa cruise ship sa Manila Bay. Napakaganda!

Doon, nasiyahan kaming mag-anak sa Dessert Museum. Picture-perfect ang bawat anggulo. Makulay. Ang saya!

Noong Hulyo naman, sa Midas Hotel naman kami nanuluyan.

Sa unang araw, narating namin ang Philippine International Convention Center (PICC).

"O, bakit kayo malungkot? Hindi ba ninyo nagustuhan ang lugar na ito?" tanong ni Daddy sa amin.

Ako ang sumagot. "Nagustuhan po. May tanong lang po ako."

"Ano iyon?"

"Para saan po ito?"

"Ito isa sa mga dinarayo rito sa CCP Complex. Ang PICC ay lugar kung saan ginaganap ang mga lokal at pandayuhang kumbensiyon, mga pagpupulong, mga eksibisyong-pamilihan, at mga kaganapang panlipunan," paliwanag ni Daddy.

"Anak, narito tayo para sa The Feast ni Bro. Bo Sanchez. Espirituwal muna bago tayo mamasyal,"sabi naman ni Daddy.

"Aaah!" magkasabay naming bulalas ni Ate Kyla. Naunawaan na naming pareho.

"Dito pala iyon ginaganap?" tanong ng kapatid ko. "Tara na po."

Gabi. Dinala kami ni Daddy sa Amazing Show. Ito ay ang dating Manila Film Center, na dinisenyo ng arkitektong si Froilan Hong para sa kauna-unahang Manila International Film Festival (MIFF) noong Enero 18–29, 1982.

"Ang gagaling ng mga performers!" komento ko.

"Parang nasa Las Vegas tayo," dagdag ni Ate Kyla.

"Alam ni'yo ba, kontrobesyal ang building na ito?" seryosong tanong ni Daddy.

"Bakit po?" tanong ko.

"May naganap na aksidente rito noong Nobyembre 17, 1981," sagot niya. "Dahilan para tawagin itong Tragic Theatre."

Napayakap ako kay Mommy.

Hindi na itinuloy ni Daddy ang pagkukuwento. Nagpokus na lang kami sa panunuod. Pero, pagdating sa hotel, ikinuwento niyang lahat ang tungkol sa haunted theatre.

Ayon sa iba, ang 360-degree na Manila Film Center ay pinasimulan ni Ginang Marcos noong 1981 para maging 'Cannes ng Asia.' Ang Cannes ay sentro ng international film festival. Binase pa sa Panthenon ang disenyo nito. Ang Panthenon ay simbahang ipinagawa para kay St. Genevieve. At dahil daw sa ambisyoso niyang hangad na matapos agad ito, kinailangang magtatlong shifts ang 4000 na trabahador sa loob ng 24 oras, sa loob ng tatlong buwan."

"Nakaya po nila iyon?" tanong ko.

"Yes... Pero, sa hindi inaasahang pangyayari, noong ika-17 ng Nobyembre, 1981. Alas-tres ng madaling araw. Ito ang oras na tinatawag nilang 'devil's hour,' bumagsak ang scaffolding mula sa pinakataas na palapag. Naging pinakamalaking sementeryo ang lugar na iyon."

"Po? Bakit po?" Hindi ko talaga maunawaan.

Nagpatuloy si Daddy. "Nabagsakan ng mga bakal ang mga manggagawa. Ang iba naman ay lumubog ang kalahati ng kanilang katawan sa quick-drying na semento."

"Kawawa naman sila," sabi ni Ate.

Ako naman, nakaramdaman din ng magkahalong takot at awa.

Ipinagpatuloy ni Daddy ang nakakatakot, pero interesanteng kuwento. "Sabi-sabi na naniwala si Ginang Marcos na kapag ni-rescue pa ang mga bangkay ay made-delay ang proyekto. Kaya ipinag-utos ang project supervisor na si Betty Benitez, na tabunan na lang iyon ng semento. Ayon pa sa sabi-sabi, umabot sa 168 na katao ang nalibing nang buhay roon. Iyon ay pagkatapos ng sampung oras matapos buksan ang lugar para sa mga rescuers at mediamen."

"Nasa ilalim noon ng Martial Law ang bansa, kaya walang rekord ng aksidente." Si Mommy naman ang nagkuwento. "Noong 1986 lang lumabas ang nilang footage. Mayroon ngang ipinakita sa balita na may isang bangkay na nababalutan pa ng semento ang kalahati ng katawan. Nakakaawa talaga."

"Natuloy pa rin po ba ang film festival?" tanong ni Ate Kyla.

Malungkot na tumango si Daddy. " Enero, 1982 naroon ang mga Hollywood glitterati, na sina Brooke Shields at George Hamilton. Wala silang kaalam-alam na sa ilalim ng red carpet ay isang mga labi ng mga trabahador. Sabi pa nga, ang mga laylayan ng long gown ng mga bisita ay may pintura."

"Parang may narinig nga akong mga panaghoy, iyak, sigaw, at iba pang boses kanina. Tumayo ang balahibo ko kanina sa takot," sabi ni Mommy.

"Ilang buwan ang lumipas, namatay sa karumal-dumal na aksidente ni Betty Benitez," sabi pa ni Daddy.

"Matulog na po tayo," sabi ko, sabay talukbong ng kumot.

Natawa na lang sa akin sina Mommy at Daddy. Hindi ko naman narinig si Ate Kyla.

Dumating ang Agosto, lumuwas uli kami. Sa The Henry Hotel kami nag-check in. Ang ganda roon! Perfect para sa wedding reception.

Maganda rin ang karanasan namin sa dalawang araw naming bakasyon. Sa unang araw, dinala kami ni Daddy sa World Trade Center. Ito raw ang sentro ng mga exhibit sa bansa. Minsan, may concert ding ginaganap doon. Sa araw na iyon, may World Food Expo.

Andami-dami pala talagang uri ng pagkain sa mundo, na kayang-kayang lutuin ng mga Pilipino. Ang iba nga, natikman pa namin. Ang sasarap!

Sa ikalawang araw, food trip uli kami. Dinala kami ni Daddy sa Dampa.

Pambihira palang mamili ng mga buhay na seafoods, gaya ng hipon, alimango, alimasag, lobster, isda, pusit, tahong, at iba pang uri ng sea shells. Siyempre may mga sariwang prutas at gulay rin. Masarap magluto ang napili naming restaurant.

Nag-videoke pa kami. Sabi ni Daddy, pampababa raw ng kinain. Tama siya. Kaya naman, halos maubos namin ang aming ipinaluto. Sobrang busog tuloy kami nang bumiyahe kami pauwi.

Noong Setyembre, sa Hotel 101 kami dinala ni Daddy. Namasyal kami sa Cultural Center of the Philippines (CCP).

"Alam ni'yo ba na ipinatayo rin ito ni Ginang Marcos?" bungad ni Daddy nang naroon na kami sa loob.

"Parang nabasa ko na po iyan sa libro," sabi ko.

"Tinatalakay iyan sa Araling Panlipunan," singit ni Ate Kyla. "Hugis-inidoro nga raw po ito, e, 'di ba, Daddy?"

"Yes, Kyla! Kahanga-hanga ang disenyo nito. Sa aerial view, makikita mo talaga na arang isang toilet bowl. Ang malaking pond at fountain sa labas, ang kunwaring bowl. Itong loob naman ang nagsisilbing tanke. Ang galing, 'di ba?!"

Tumango kami ni Ate Kyla.

"At alam rin ba ninyo na ipinatayo ito dahil para pagdausan ng mga pagtitipon, gawain, pagtatanghal na may kinalaman sa sining at kultura?" tanong ni Mommy.

"Ah, talaga po?" tanong ko. "Kaya po pala manonood tayo ng mga pelikula ng Cinemalaya."

"Pasok muna tayo sa mga gallery. May mga naka-exhibit doon," yaya ni Daddy.

"Uy, gusto ko po iyon!" bulalas ni Ate Kyla.

Napuno ng kasiyahan ang mga mata at puso namin. Pakiramdam ko, nakilala ko nang husto ang husay, galing, at yaman ng mga Pilipino pagdating sa sining.

Noong Oktubre, sa Microtel naman kami nag-stay. Dinala kami ni Daddy sa Aliw Theater sa may CCP Complex. Nanood kami ng ballet performances ng Ballet Manila na pinamumunuan ng sikat na ballerina, na si Liza Macuja-Elizalde.

Napahanga ako sa husay ng mga mananayaw. Hindi ko dati gusto ang ballet, pero nang napanood ko sila, nagbago ang pananaw ko. Hindi lang pala ito basta sayaw, ito ay sining. Kailangan nito ng talino at disiplina. Bravo!

Noong Nobyembre, nakakuha kami ng bakanteng kuwarto sa SMDC Breeze sa may Roxas Boulevard. Malapit kasi roon ang Harbor Square.

Totoo nga ang sabi ni Daddy, maganda talaga roon kapag gabi. Maraming restaurant and bar.

Siyempre, ng food bonding kainang pampamilya. Ang sasarap ng kanilang menu!

Nang mabusog kami, nag-picture-picture kami sa labas. Magaganda ang background kasi naroon ang mga yate at ang mga gusali sa siyudad ng Manila.

Nagkaroon din kami ng pagkakataong makipag-usapan sa mga banyagang bumisita rin doon.

May mga nagsu-zumba rin. Nakisayaw pa nga kami nang kaunting oras. Kaya nang mapagod kami, ice cream naman ang aming pinagdiskitahan.

Kinabukasan, bumalik kami roon. Maganda rin pala kahit umaga. Nanood pa nga kami ng mga namimingwit.

Noong Disyembre, nasa Kabayan Hotel kami. Sa Mall of Asia (MOA). Ito ay isa sa pinakamalaking mall sa Pilipinas. Kabilang rin ito sa isa sa mga pinakamalaking mall sa mundo.

Sobrang saya kong nakalibot ang loob niyon. Hindi man kayang malibot sa isang araw, napuno naman ng bagong karanasan ang buhay ko, lalo na nang sumubok kaming mag-ice skating. Nakatutuwa!

Dahil magpapasko na, kay gaganda ng mga dekorasyon sa Seaside. Naabutan namin ang parada, na animo'y nasa Disneyland kami. Pagkatapos niyon, fireworks naman ang nagpamangha sa amin. Andaming turista --lokal at banyaga. May mini-carnival doon. Sumakay nga kami sa Ferris wheel. Ang ganda pala ng tanawin kapag nasa taas ka.

Hindi ko rin makalilimutan ang mga mime artists na pinagkakaguluhan ng mga tao. Nakakatawa sila. Kaya naman, hindi namin ipinagdamot sa kanila ang biyaya. Kahit paano nakatulong kami nang kaunti

Siyempre, hindi namin pinalampas ang panonood ng sine sa IMAX.

Sulit talaga! Maagang pamasko ang dulot sa amin ng pamamasyal naming mag-anak.

Nasa Aklan na kami nang may sinabi si Daddy.

"Bakit po?" malungkot kong tanong. Hindi na raw kasi kami mamasyal sa Pasay.

Tiningnan lang ako ni Daddy. Nagtinginan din sila si Mommy.

"Wala nang budget. Ganoon lang 'yon kasimple, Neon," sabi ng ate ko sa akin.

Napangiwi ako. Gusto ko pa naman sanang balikan ang ibang mga lugar sa Pasay. "Magastos po talaga, pero may ipon po ako."

Natawa ang mga magulang ko. Humaba naman ang nguso ng kapatid ko.

"Kaya na bang makabili ng round trip ticket ang ipon mo?" natatawang tanong ni Ate Kyla.

Napaisip ako. "Magkano ba ang ticket?"

Lalong natawa ang tatlo.

"Kita mo na. Mahal nga kasi. Mag-ipon ka pa," biro ni Ate.

Nalungkot akong bigla. Hindi ko na makokompletong sakyan ang mga rides sa Star City. Gusto ko rin sanang matuto ng ice skating sa MOA.

Aalis na sana at tatalikod sa kanila nang tinawag ako ni Daddy. Pinaupo niya ako sa kaniyang hita.

"Neon, sa isang taon o sa buwan-buwan nating pamamasyal sa Pasay City, may natutuhan ka ba?" tanong ni Daddy.

"Opo. Marami po."

"Tulad ng ano?"

"Historical po ang Pasay. Magaganda ang pasyalan at hotel. Masasarap ang pagkain."

"Iyon lang?"

Napatingin ako kina Ate Kyla at Mommy. Naguguluhan ako. Kumabog ang dibdib ko.

Tumango na lang ako nang wala na akong maisip na sagot.

"Hindi na nga talaga tayo babalik doon," sabi ni Daddy.

Mali ang sagot ko, naisip ko. Yumuko na lang ako. Kusa na rin akong tumayo.

Nakalayo na ako nang magsalita uli si Daddy. "Pag-isipan mo, anak."

Hindi na ako lumingon. Tumango na lang ako.

Ilang linggo rin akong nag-isip ng tamang sagot. Marami akong natutuhan, pero sa tingin, nasabi ko nang lahat.

Sa kagustuhan kong makabalik sa Pasay, hindi ako tumigil sa pag-alala sa mga karanasan ko sa pamamasyal namin.

Naghintay akong itanong uli sa akin ni Daddy. Pero, nakalimutan na yata niya.

Isang gabi, habang naghahapunan kami, nagsalita ako.

"Maganda rin pala rito sa Aklan. Kung kasaysayan, kultura, at sining ang pag-uusapan, hindi naman papatalo ang mga Aklanon. Isa pa, mas masarap pong mamasyal kung saan libre ang sariwang hangin, berdeng kapaligiran, at malinis na katubigan. Okay lang po na hindi na tayo mamasyal uli sa Pasay."

"Great, son! Great!" sabi ni Daddy. Kitang-kita sa kaniyang mga mata ang paghanga sa sinabi ko. "Iyan ang sagot na nais kong marinig noon pa."

Nagulat ako.

"Dahil diyan, mag-iipon uli alo para maisama ko uli kayo sa iba pang lugar sa Pilipinas," deklara ni Daddy.

Napapahiyaw kami sa tuwa.

"Tama po kayo, Dad! Maraming-maraming magagandang lugar sa Pilipinas. Dapat nating ipagmalaki ang mga ito," sabi ko.

Simula noon, unti-unti naming dinidiskubre ang magagandang tanawin at lugar sa Pilipinas--isang beses sa isang buwan. Kay saya kasing maglakbay!

 

 

Thursday, November 29, 2018

Tuwing Sabado

Mabait sa akin si Lib kahit isang buwan pa lang ang bahay nila sa kaharap naming lote. 


Tuwing Sabado, niyayaya niya ako sa bahay nila para makipaglaro sa kaniya. Ang dami-dami niyang laruan. May mga tao-tauhan. May mga kotse-kotsehan. May mga baril-barilan. Mayroon din siyang scooter at bisikleta. Minsan, naglalaro kami ng Playstation. Pinahihiram niya rin ako ng iPad niya. Nanunuod din kami ng mga videos sa youtube. 


Ang saya-saya ko kapag nasa bahay nila ako. Ang sasarap pa ng pagkain nila. Kaya lang, paglabas ko sa bakuran nila, nalulungkot ako. 


Titingin pa muna ako sa harap ng magarang bahay nila. Pagkatapos, papasok na ako sa lumang bahay namin. 


“Ang suwerte ni Lib. Nasa kanya na ang lahat ng bagay na wala ako,” bulong ko bago ako pumasok sa bahay.


“O, Bok, bakit hindi yata maipinta ang mukha mo? Nag-away ba kayo ni Lib?” salubong sa akin ni Mama.


Umiling ako. “Kailan po ba maipapaayos ni Papa ang bisikleta ko? Gusto kasi ni Lib na magbisikleta naman kami.”


“Naku, anak, ang sabi ng Papa mo, hindi pa siya makahanap ng manibela. Wala pa raw kasing nagbebenta ng sirang bisikleta sa junk shop na pinagtratrabahuan niya,” paliwanag ni Mama.


Tumango lang ako. Lalo akong nalungkot. 


 “Siyangapala, nakalimutan kagabi ng Papa mo na iabot sa iyo ang mga libro at magasin mula sa junk shop. Nasa kuwarto mo,” pahabol na sigaw ni Mama.


Wala sana akong balak tingnan ang mga iyon, kundi lamang nakita ko ang larawan ng bisikleta sa magasin. Binuklat ko iyon, pero lalo pa akong nalungkot. 


Tiningnan ko lang ang mga cover ng bawat libro at magasin, saka ko ipinatong sa lamesa. 


“Ang dami-dami nang babasahin dito. Si Papa naman, dala pa nang dala. Binasura na nga ng iba, siya naman inuuwi pa rito. Kalat lang tuloy.”


Nang araw na iyon, lungkot na lungkot ako. 


Mula sa bintana, tanaw na tanaw ko ang magandang bahay ng kaibigan ko. Kinaiinggitan ko talaga siya. 


“Bok, Bok, pakibuksan naman ang pinto,” tawag sa akin ni Ate Karina.


Agad ko siyang pinagbuksan. 


“Patingin naman ako ng mga libro mo. Baka kasi nandiyan ang kailangan ko,” sabi niya.


“Sige na. Dalhin mo na lahat iyan sa kuwarto mo. Ang sikip na dito, e.”


“Ano ka ba? Punong-puno na rin ng aklat ang kuwarto ko. Maliban kasi sa bigay ni Papa, nireregaluhan pa ako ng mga kaklase ko ng aklat.” 


Namimili na siya. Ako naman, tahimik lang. Hiniling ko na sana, magustuhan niyang lahat ang mga babasahing nasa kuwarto ko.


“Uy, ang gaganda nito!” Hawak ni Ate Karina ang ibang magasing kabibigay pa lamang ni Papa. “Liwayway! Ito ang pinakasikat na lingguhang magasin noon hanggang ngayon. Ayaw mo ba?”


“Sabi ko nga sa ‘yo, kunin mo nang lahat iyan, e.”


“Ang tamad mong magbasa. Samantalang ako, nag-iipon pa mula sa baon ko para mabili ko ang mga magasin at librong gusto kong basahin.”


“Ikaw iyon.”


“Hay, naku, Bok! Huwag mong katamaran ang pagbabasa. Ang ibang bata, gustong-gustong magbasa, wala lang silang mabasa. Tayo, masuwerte dahil nahihingi lang ni Papa sa junk shop ang mga babasahin natin,” litanya ni Ate Karina. 


Nakatingin lang ako sa labas.


“Ang mga ito ang kayamanan natin,” patuloy ni Ate Karina.


“Tama ang ate mo, Bok,” bungad ni Mama. “Nakita mo naman ang mga medalya niya, hindi ba? Mula Kinder hanggang ngayon lagi siyang nangunguna sa klase.”


“Hindi naman po basehan ng katalinuhan ang medalya,” may respeto kong sagot, kahit naiinis na ako.


“Oo nga, pero iba pa rin ang may karangalan,” sabi ni Mama. "Huwag mo na kaming gayahin ng Papa mo, salat sa edukasyon at kaalaman."


“Ang pinupunto ni Mama, may magandang epekto ang pagbabasa. Pahalagahan mo naman ang mga aklat,” singit ni Ate Karina. Hawak na niya ang limang magasin at dalawang libro. “Pahiram ng mga ito. Babasahin ko lang ngayong araw.”


Tumango na lang ako para lumabas na siya.


“Si Lib ba may ganito karaming aklat?” tanong ni Mama nang wala na ang ate ko.


Natigilan at napaisip akong bigla. “W-wala po yata. Halos nalibot ko ang kabahayan nila. Meron doon, sa may sala. Dalawa o tatlo lang yata iyon. Naka-dsiplay.”


“Kita mo na? Mas mapalad ka kaysa kay Lib. Sinasabi ko sa ‘yo,” sabi niya bago niya ako iniwan.


Naguluhan ako. Paano akong magiging mas mapalad kaysa sa kaibigan ko kung kahit sirang laruan ay wala ako?


Dumami pa nang dumami ang mga babasahing inuuwi ni Papa mula sa junk shop. Ang iba nga, pinipilas ko ang mga pahina. Kapag may baha, ginagawa kong bangkang papel. Kapag tag-araw naman, ginagawa kong eroplanong papel. Minsan, robot at saranggola ang nagagawa ko. 


Isang araw, dumating sa bahay namin ang anim na taong gulang na si Niknik. Anak siya ng kapitbahay namin. Aliw na aliw sa kaniya si Ate Karina kasi bukod sa maganda na mahilig pang makipagkuwentuhan.


“Halika, Niknik, suklayan kita,” sabi ng ate ko.


“Huwag na po ate. Gusto ko po basahan mo ulit ako ng kuwento,” sabi ng bata.


“A, kaya pala may bitbit kang storybook. Akin na. Patingin.” Kinuha ng ate ko ang hawak ng bata. “Ang Libro ni Mario. Wow! Parang ang ganda nito. Sige, handa ka na bang makinig?”


“Opo!”


Hindi ko ipinahalata kay Ate Karina na interesado akong makinig sa kuwento. Nagkunwari akong naglalaro ng pogs sa sahig. 


Habang binabasa ni Ate ang libro, may itinatanong siya kay Niknik. Nasasagot naman nito. Kahit ako, alam ko ang sagot. Ang ganda kasi ng kuwento.


Napapalakpak si Niknik nang matapos ang pagbabasa. “Ate, ang ganda!”


“Oo! Kaya, ikaw, ipagpatuloy mo lang ang pagiging mahilig sa libro at pagbabasa,” payo ng ate ko. “Huwag mo nang gayahin ang iba.”


“Opo, Ate Karina!”


Nahiya ako sa sinabi ng ate ko. Hindi ako nakatingin sa kaniya. Hindi ko alam kung kanino ako maiinis— sa kapatid ko, kay Niknik, o sa sarili ko.


Sabado ng umaga, nag-aabang na ako sa harap ng magarang gate ng bahay ni Lib. 


“O, Bok, kanina ka pa?” bati sa akin ni Lib.


“Medyo.”


“Halika, pasok ka na. Mag-Mobile Legends tayo.”


“Ano iyon?”


Natawa si Lib. “Basta! Halika na.” Hinila niya ako.


“Teka lang!”


Binitawan niya ako. “Bakit?’


“Sa bahay na lang tayo maglaro,” nahihiya kong yaya.


Muling natawa si Lib. “Dati, ayaw na ayaw mo akong papuntahin sa bahay ninyo. Bakit, may mga bago kang laruan? May drone ka na ba?”


“Ano ‘yon?”


“A, wala! Sige, tara na sa bahay ninyo.”


Nang nasa bahay na kami, parang tinatambol ang dibdib ko. Hindi ko alam kong ikatutuwa ba ni Lib ang gagawin namin.


Pinaupo ko siya sa luma at sira-sira naming sofa. “Pasensiya ka na sa bahay namin. Sandali lang.”


“Okay lang.”


Kumatok ako sa kuwarto ni Ate Karina. Pinapasok niya ako. Hindi nagtagal, kasunod ko na siya. 


Binati niya si Lib. “Kumusta? Mabuti naman at naisama ka rito ni Bok.”


Ngumiti lang si Lib. Nginitian din kami ni Ate Karina.


Napalunok ako habang binubuklat niya ang aklat. “Ang Libro ni Mario. Handa na ba kayong makinig?”


Napatingin sa akin si Lib. 


“Opo, Ate. Opo, handa na kami. Hindi ba, Lib?” natataranta kong sabi.


Napilitang tumango ni Lib.


Habang binabasa ni Ate Karina ang libro, pasulyap-sulyap ako kay Lib. Hiniling ko na sana ay magustuhan niya. Gusto kong maging mahiligin na rin siya sa libro. 


“Simula noon, lagi nang nagbabasa si Mario ng libro,” ang pagtatapos ng ate ko sa kaniyang binabasa.


Wala sa loob na napapalakpak si Lib. “Ang ganda! Ang ganda!”


“Salamat, Ate Karina!” maluha-luha kong pasalamat sa kaniya, nang lumapit ako.


Ginulo niya ang buhok ko. “Sabi ko sa ‘yo, e. So, paano? Dito na kayo lagi tuwing Sabado, ha? Maraming libro sa kuwarto."


Nang mga sumunod na Sabado, tatlo na kaming binabasahan ni Ate Karina ng kuwento. Minsan nga, nakikinig din si Mama. 


Nagkaroon na rin si Lib ng munting library sa kaniyang kuwarto. Minsan, doon sila nagbabasa ni Bok.

Wednesday, November 7, 2018

Pagbasa

Bawat pahina ng aklat na ating babasahin,

Unawaing maigi at sa kukote ay papasukin.

Wakasan ang kamangmangan at kahinaan

Ang pagbabasa ang siyang pagkaabalahan

Nagtatagumpay ang taong may kaalaman.


Nagniningning, nangunguna ang may alam

Gagabayan tayo sa buhay at anumang daan


Pagbabasa ay kapaki-pakinabang na gawain

Ang bawat sulok ng mundo ay mararating

Galing sa wika, siyensiya, kahit matematika

Babaon sa kaibuturan ng puso at sa diwa

Anumang babasahin, lagi tayong may pag-asa

Sa pagbabasa, wala tayong katalo-talo

Ang ating isipan, patuloy pa ngang lalago.



Friday, November 2, 2018

Ang Aking Journal --Nobyembre, 2018

Nobyembre 1, 2018 Ako ang pinakahuling bumangon. Late na rin akong nakapag-almusal. Pero, pagkatapos naman, gumawa ako ng mga gawaing bahay. Ngayong araw, naging produktibo ako. Ako ang nagluto, kasi naglaba si Emily. Napaliguan ko si Angelo. Nakagawa ako ng zines. Natapos ko rin sa Excel ang grades ng VI-Love. Siyempre, na-enjoy ko ang tatlo kong frog pets. Since Undas ngayon, naalala ko si Papa. Matagal-tagal na rin akong hindi nakakauwi para dalawin ang puntod niya. Walang time. Hindi na kaya ng budget. Late na akong natulog ngayon. Ininom ko pa ang beer. Nahiya akong yayain si Epr para mag-inom, kaya nagsolo na lang ako. Nobyembre 2, 2018 Pagkatapos kong mag-almusal, gumawa ako sa garden. naglinis ako. Nanguha rin ako ng pagkain ng mga pet frogs. Hindi ko natapos, kasi sobrang pagod na ako. Pero, medyo umaliwalas na ang hardin namin. Itutuloy ko na lang bukas. Natuwa lang ako dahil nakakuha uli ako ng is pang chubby frog. Apat na ang pet frogs ko. Pinangalan ko siyang Tabby Nakagawa ako ng class records sa Excel ako ngayong araw. Nakagawa ng zine --'The Challenge' at 'Kokak!' Nagulat ang ako dahil Biyernes na pala. Ang bilis ng sembreak. Nobyembre 3, 2018 Agad kong itinuloy ang gawain ko sa garden. Natapos ko naman iyon bandang alas-diyes ng umaga. Nasiyahan ako sa resulta ng cacti and succulent garden ko. Nakakuha pa akong tatlong chubby frogs. Bale pito na ang alaga ko. After lunch, computer works naman. Nagawa ko naman ang grades ng VI-Faith sa Excel. Naituloy ko rin ang zines. Gabi. Naituloy ko ang 'The Challenge' series. Nakapag-sketch din ako ng kotse. Nalulungkot lang ako kasi hanggang bukas na lang ang sembreak. Back to reality na naman. Nobyembre 4, 2018 Hindi ko napigilan ang sarili ko, na mag-gardening ako. Mas lalo pa tuloy gumanda ang hardin namin. Kung dumating lang ang dump truck, natanggal sana ang mga pinagtabasan kong halaman. Mas maaliwalas sana ang harapan namin. Natapos ko ngayong araw ang grades ng VI-Hope. Hindi naman ako naghanda ng LMs at anumang reports. Nakakatamad! Nakatapos din ako ng tatlo ang 'The Challenge' zine series. Hindi nga lang ako nakapag-drawing. Nobyembre 5, 2018 Nasa taas na ang mga estudyante nang dumating ako sa school. Hindi pa naman ako late sa bundee clock. Nagturo agad ako ng 'Uri ng Pangungusap. Naging consistent ako sa lahat ng section. Medyo lutang ang ako kasi napuyat o halos wala akong tulog kagabi dahil may inuman sa kapitbahay at umiyak ang alaga naming aso, kay bumangon ako. Nahirapan na akong makatulog. Gayunpaman, alam kong naging effective ako kanina, kahit lutang pa rin ang mga estudyante. Past 3, umuwi na ako. Gumawa lang ako ng IMs. Kinailangan kong umuwi nang maaga para makapag-print ako ng zines at iba ang learning materials. Nobyembre 6, 2018 Puspusan uli ang pagtuturo ko kanina. Kahit paano, nagawa kong mapatuto ang majority. May tila hinahanap nga lang sila. Kuwento yata o groupwork. After class, nag-stay ako sa classroom para maghanda ng powerpoint presentation para bukas. Nanuod na lang ako ng videos sa youtube pagkatapos. Five na ako umuwi. Pagdating sa bahay printing ng zines na lang ang ginawa ko. Nobyembre 7, 2018 Ang sarap magturo kanina. Napatunayan kong kapag gusto mo ang ginagawa mo, maganda ang resulta. Nae-enjoy din ng mga estudyante. Nakaka-relate sila sa topic namin. Nagsalo-salo kaming Grade Six Teachers pagkatapos ng klase. Sobrang busog ko. Masarap talagang kumakain kapag may kasama. Past two, tinulungan ko si Ma'am Fatima sa paggawa ng bigbook slash costume, na gagamit ng kaniyang pamangkin. Gamit ang kuwento ni Ma'am Joann, nagawa namin ang almost 50% nito. Hanggang past five ako roon. Sobrang antok man, masaya naman ako dahil nakatulong ako. Nobyembre 8, 2018 Hindi ko narinig ang ring ng alarm ko, kaya 4:20 na ako bumangon. Grabe! First time kong hindi maligo para lang hindi ma-late at makapasok pa rin. Naghilamos lang ako. Then, bumiyahe na. Natraffic pa ako, kaya nas taas na ang mga estudyante ko nang dumating ako. Hindi pa naman ako late sa bundee clock, pero ayaw ko ang pakiramdam nang hinihintay. Nag-meeting kaming Grade Six teachers before matapos ang first period. Pinag-usapan namin ang grades, honors, grading sheets and systems, iba pang education ang teaching-related matters. Inabutan kami ng 9:00. Hindi na ako nakapagturo sa dalawang sections. Okay lang naman. After class, ginawa ko ang zine version ng kuwentong pambata ni Ma'am Joann. naibigay ko na rin sa kanila ang kulang ng ipapa-print para sa bigbook. Past 4, gumawa ako ng visual aids para bukas. Nakapagtsek at record na rin ako ng activity papers ng VI-Love. Past five na ako nakauwi. Pagdating sa bahay, agad akong kumain para maharap ko naman ang printing ng zines. May order pa kasi ng 'Kokak' ko. Then, nag-chat si Ma'am Teresa, ang kumuha sa akin, kasama ang Kinder at si Ma'am Joan, para i-workshop sila sa pagsulat ng kuwentong pambata. Kailangang ma-comply ko na ang mga hinihingi niya. Nobyembre 9, 2018 Nagpa-summative test lang ako. Akala ko nga, magagawa ko a ang iba ko pang task habang nagsasagot sila, hindi pala. Sobrang hina ng retention ng mga estudyante ngayon. One week lang ang coverage ng test pero parang bago lang sa kanilang paningin at pandinig. Kundi halos mag-discuss pa uli ako. Nakakapagod! Isa pa, paulit-ulit. May nagtanong na, itatanong pa ulit. Diyusme! Nakaka-high blood talaga. After class, ginawa ko ang final matrix ng invitational workshop facilitation namin sa Antipolo City sa November 26-29. Nakagawa rin ako ng explanation ng workshop flow para maunawaan ni Ma'am Teresa Padolina, ang kumuha sa akin bilang speaker. Na-edit ko pa ang kuwento ni Ma'am Fatima. Nakapag-encode rin ako ng mga tula ng VI-Love at nakapag-record ng scores. Past 7 na ako nakauwi. Pagod na pagod ako pero masaya ako sa mga nangyayari sa career ko. Nakakatulong na ako, lumalago pa. Salamat sa 'Ang Pamana Publishing!' Sana maging legal business ko na nga ito. Nobyembre 11, 2018 Nag-gardening ako agad after few minutes pagkatapos kong mag-almusal. Nakahuli uli ako ng chubby frog. Tamang-tama. Nakapangako ako sa mg pupils ko nabibigyan ko sila isa-isa. Uunahin ko lang ang bumili ng 'Kokak' zine. After kong paliguan ang dog, hinarap ko naman ang paggawa ng instructional material. Naisipan kong magturo ng pariralang pang-abay, gamit ang kuwento kong 'Ang Magkaibigang Langaw.' Naisip ko ring gumawa ng zine niyon. Maghapon kong ginawa iyon kasi kinailangan kong mag-illustrate. Napatunayan kong kaya ko pala. Kailangan ko lang ng scanner para mas malinaw kapag in-insert ko na sa publisher. Gayunpaman, satisfied naman ako sa output ko. Na-disappoint akong mapag-alamang hindi pa pala ko naka-36 units sa masteral. Hindi pa ako puwedeng makapag-compre. Matatagalan pa akong makapag-thesis nito. Nobyembre 12, 2018 Almost late na naman ako. Walang masakyang mini-bus. Turong-turo ako kanina, kaya lang kalahati lang ang attendance. Nasa Palaro ang mga estudyante. Gayunpaman, nagturo pa rin ako sa Love at Peace. The rest ng oras, nilaan ko sa pakikipagkuwentuhan at pakikipagpalitan sa mga estudyante. Nag-drawing din ako at nagpakain ng chubby frogs. After class, gumawa ako ng powerpoints. Almost done na. Need ko na lang i-edit at pagandahin. Past 7 na ako nakauwi. Past 8, habang nanunuod, nagsumbong sa akin si Emily tungkol kay Ion. Sinermonan ko siya. Hindi ko akalaing kabaligtaran ang behavior niya kapag nasa school. Haist! Kabaligtaran ko siya noong grade school ako. Nobyembre 13, 2018 Wala pa ring pormal ang klase dahil sa Division Palaro. Idagdag pa ang cathecism at Values Educ ng Bethany. Gayunpaman, nakapagturo ako sa dalawang section. Na-highblood lang ako sa VI-Faith males na nasa akin. Nag-CR nang sabay-sabay. Wala ang paalam. After class, nag-coop board meeting kami. Pagkatapos, umidlip ako sa classroom. Them, hinarap ko naman ang mga school works at powerpoint presentation editing. Hindi na ako nag-uwi ng gagawin. Iniwan ko na rin ang laptop ko. Nobyembre 14, 2018 Wala pa ring pormal na klase. Kahit napalitan kaming mga naiwang adviser-teacher, parang walang kaayusan ang klase. May kulang sa pakiramdam. Hindi sumeseryoso ang mga estudyante. Gayunpaman, nagpa-group work ako. Na-enjoy naman ng karamihan. After class, nag-stay ako sa silid ko. Naghanda ako ng learning material, nag-record ng scores, at iba pa. Nobyembre 15, 2018 Hindi ko na naman narinig ang ring ng alarm, kaya 4:20 am na ako bumangon. Sumatotal, hindi ako nakaligo. Nakalabas ako sa bahay ng bandang 4:30, pero bumalik pa ako dahil may naiwan akong napakahalagang bahay. Sobrang inis ko. Halos ma-strain ang paa ko sa kakalakad-takbo. Nine minutes late ako. Na-prorate na ang mga estudyante ko. Binawi ko na lang. Nagturo ako ng kaibahan ng 'nang' at 'ng.' Ito ay bilang pagtuligsa sa panukalang tanggalin ang Filipino sa college core. Nagpa-group activity rin ako. After class, naghintay kami hanggang ala-una para sa late lunch naming #10000. Blowout ni Ma'am Bel para sa kaniyang T3 promotion. Sobrang busog at saya namin doon. Bago kami umuwi, nagpalabunutan pa kami ng names para sa exchange gift namin sa aming Christmas party sa December 15, na gagaganapin sa bahay nina Ms. Kris at Kuya Allan. Past 3:30 na kami nakasakay. Past 5 na ako nakauwi. Nasundo na ni Epr si Ion, na iniwan ni Emily kina Cris. Ngayong araw, na-send sa akin ni Ma'am Teresa ang memo tungkol sa storybook workshop. Hindi ko man nakita roon ang mga names namin, natuwa naman ako kasi parang malaking event iyon sa mga piling guro ng Division of Pasay City. Need na nga talaga naming paghandaan iyon. Nobyembre 16, 2018 Maaga akong nakarating sa school. Palibhasa Biyernes. Hindi naman ako nagmamadali kasi scouts lang naman ang may pasok ngayon, dahil sa nakatakdang Investiture. Nanuod lang ako sandali ng opening program, bago ako nag-stay sa classroom ko. Hinintay ko ang pagdating ni Ley. Gusto niyang mamasyal sa Luneta kaya magpapasama siya sa akin. Hindi rin naman kami agad nakalabas kasi hanggang 12:30 pm pa kami. Pero, umalis din agad kami nang time na. Na-enjoy niya raw ang pamamasyal. Napagod ang ako at inantok. Kaya lang, pagdating sa bahay, halos wala na akong ganang kumain. Gusto ko na rin sanang matulog. Kaya lang kailangan kong tapusin ang paglalagay ng grades sa card. Nagkape nga ako para mawala. Mabuti natapos ko nang maayos. Nobyembre 17, 2018 Past 8 ng umaga, nasa CUP na ako. Isa pa lang ang nakita kong kaklase. Pero may nag-chat sa GC namin. Aniya, nag-attendance na siya. Puwede na rin daw umuwi at magpasa ng thesis proposal, kung meron. Agad ko namang ginawa, saka ako pumunta sa GES. Past 10, hindi pa nga ako tapos sa mga gusto kong gawin, nagsidatingan na ang mga parents. Hindi na kami nag-meeting. Isa-isa lang kasi silang dumating. Okay lang. Wala namang agenda, e. Past 12, bumiyahe na ako papuntang Antipolo. Nakarating ako sa Bautista ng bandang alas-tres. Nagulat si Mama. Siyempre, natuwa siya dahil may biyaya siyang natanggap. Nag-iwan din ako ng P4000 para kina Hanna at Zildjian. Halos dalawang oras lang ako roon. Kahit paano, marami kaming napagkuwentuhan ni Mama. Naawa ang ako sa kaniya dahil hirap na raw siya sa kalagayan niya. Sana dumating na ang pera ko from a publishing house. Gusto ko na rin siyang maoperahan. Past 8 na ako nakauwi. Pagod at antok, pero masaya ako. Nobyembre 18, 2018 Alas-otso ng umaga nang umalis kaming mag-anak para mamili sa Baclaran. Kay sarap mamili. Nakakatuwang pumili at makipagtawaran. Pero, pagkatapos naman, bukod sa pagod, butas ang bulsa. Sa katunayan, naubos ang P11k ko. Nakabili naman kami ng Christmas tree, mga panregalo, mga damit namin, at iba pa. May kulang pa, pero puwede na. Saka ko na bibilhan sina Hanna at Zj. Idagdag pa ang gifts para sa Christmas party at sa mga inaanak. Pagdating namin, agad naming sinet-up ang Christmas tree. Excited kaming mailawan ang bahay namin. Last year kasi frustated kaming magkaroon nito. Sa wakas, nagkaroon din. Sobrang saya ko ngayon. Hindi kayang mabili. Walang katumbas na halaga. Hapon, nailabas at naikulong ko na da dog cage si Angelo. Hindi pa siya komportable, pero naniniwala akong masasanay rin siya. Nobyembre 19, 2018 Maaga akong dumating sa school. Maaga ko ring nalamang kulang ang chubby frogs ko. Sobrang akong nalungkot. Halos hindi ko matanggap. At nang napagtanto kong posibleng ninakaw dahil nilagay ko malapit sa binata at imposibleng nakawala dahil ang dalawang pinakamalalaki pa ang nakatakas. Hindi sila kasya sa maliit na uwang. Hinanap ko pa sa mga paso. Baka kako naroon. Pero, wala sila. Wala na sina Tabby at Chubbie. May dala man akong dalawa, iba pa rin sila. Ipamimigay ko lang naman sila dahil nakapangako na ako. Apektado ng pangyayari ang pagtuturo ko. Nagturo pa naman ako ng Baybayin. Gayunpaman, na-enjoy ng mga estudyante ang activity. Something new iyon sa kanila. After class, nag-edit ako ng PPT saka ko binigay kay Ma'am Joann para mapag-aralan nila. Hinihintay ko rin ang invitation from DepEd Antipolo City para makapagpaalam kami sa principal. Nakapag-encode din ako ng mga akda ng mga bata at na-finalize ko ang zine na 'Basa Lang Nang Basa.' Nainis ako sa balita ni Emily tungkol sa sagutan nila ng adviser ni Ion. Nakakakulo ng dugo ang ugali. Kay taas na ng ihi. Kabago-bago sa sistema, akala mo kung sino nang magaling. Walang mother instincts. Hindi siya bagay maging guro. Ako ang nag-reply sa GC nila. Sinabi kong nakakaabala ang madalas niyang pagpapatawag ng meeting. Saka ko ni-leave si Emily. Nobyembre 20, 2018 Nagpa-spelling at nagpa-group activity ako. Consistent ang mood. Nagawa naman kasi nila ang lahat. Medyo maingay nga lang ang ibang section. Ang iba, walang nakikinig sa presentor. Ang mahalaga naman, natuto sila. Sila naman kasi ang nag-discover ng mga kaalaman at sagot sa mga tanong. After class, nag-record ako ng mga scores. Isinunod ko naman ang pag-finalize ng chapters 1 to 3 ng thesis ko. Nagawa ko naman bago mag-ala-singko. Pagdating ko sa bahay, naikuwento sa akin ni Emily ang nangyari sa meeting niya with Zillion's adviser, other parents, and the school principal. Natuwa ako sa mga banat niya. Napagmukhang-tanga niya ang mga magulang at guro. Nasupalpal niya ang bobitang guro ng anak namin. Nasa panig niya ang principal dahil alam nitong may alam siya o kami tungkol sa MOOE. Truth prevails. Nobyembre 21, 2018 Naihanda ko kahapon pa ang lesson ko para sa araw na ito, pero na-disappoint ako sa Grade VI-Love. Motivation pa lang, wala na sila. Ayaw magsalita o sumagot sa mga tanong ko. Nainis ako, kaya pinasagutan ko- na lang sa kanila ang activities nang hindi itinuro. Sa ibang sections naman, nagsermon muna ako. Grabe! Hindi talaga binibigyang-halaga ang Filipino. No wonder, ang hihina nila. Idagdag pa ang mga negative na ugali at gawain habang may discussion. Gayunpaman, naging produktibo ako sa araw na ito. Marami akong nagawa bago umuwi sa bahay. Natawagan ko pa nga ang LRMS-Antipolo City, regarding sa workshop. Grabe! Ginamit lang nila ang matrix ko. Wala roon ang names ng mga kasama ko. Ako lang pala talaga ang magto-talk. Nahiya tuloy ako sa kanila. Nobyembre 22, 2018 Masigla akong nagturo at nagpa-groupwork. Pero, may mga estudyanteng nagpasaway kaya nagalit na naman at at nanermon. Halos araw-araw na lang. Gayunpaman, feeling fulfilled ako. Hindi nalugi ang mga mag-aaral na nakinig at nakipagtalakayan. Nalugi ang mga pasaway. After class, tinapos ko ang thesis ko. Mabuti, naalala ko ang iba ang kailangan, gaya ng Table of Contents at cover. Nakapag-drawing din ako ng palaka, nakapagpakain ng chubby frogs, nakapaglinis ng kanilang tanke, at nakaidlip. Before 7:30, nasa bahay na ako. After dinner, naghanda ako ng mga isusuot ko bukas, sa scouting/camping, at sa masteral class. Nobyembre 23, 2018 Nagturo ako king paano magsulat sa Grade Six-Love. Shortened ang klase, kaya walang palitan. Na-consume ko ang tatlong oras sa kanila. Nakapagsulat naman sila ng spoken word poetry. Hindi ko nga lang nabasa kasi kailangan kong mag-print thesis proposal ko. Naipasa ko naman iyon bandang ala-una nang hapon. Sa wakas, nakaraos din. Sana magkaroon ako ng grade. Naging photographer ako sa tatlong scouting events. Sa kindergarten. Sa star scouts. At sa junior girl scouts. Gabi ang indoor camping ang junior girl scouts. Ang saya maging facilitator. First time ko. Nobyembre 24, 2018 Wala kaming tulog. Nakaidlip man ako, kaunting minuto lang. Iyon ay nang nasa baba lahat ang girl scouts para pumila sa paliguan. Gayunpaman, hyper pa rin ako pagbangon ko. Naisagawa ko pa rin ang task kong i-document ang activities. Past 8 na natapos. Nakauwi sila nang masaya at ligtas. Walang untoward incident na nangyari. Saka lang din kami nakapag-almusal. Past nine, naglatag ako sa gitna ng classroom para matulog. Hindi naman agad ako nakatulog dahil nagsidatingan na ang mga parents at estudyante para kunin ang financial assistance mula sa city hall. Nagtulog-tulugan ako. Sobrang ingay nila. Sobrang gulo at ingay sa school. Hindi ako agad nakatulog. Nang mawala, saka siguro ako nakapikit. Past eleven naman ako bumangon para maglinis, magligpit, at maghugas ng mga kutsarang ginamit. Hindi ako lumapit sa mga bata at magulang. Nakakainis kasi ang sistema. Ang gulo-gulo. Dapat sa adviser na ang ipinamigay para by classroom ang distribution. Haist! Kapag usapang-pera talaga! Before 12, nakalabas na kami ng school nina Ma'am Vi, Ma'am Madz, at Ma'am Basil. Ako, past 1, nasa bahay na. Agad akong natulog. Hindi na ako nakakain. Mag-aalas-sais nang bumangon ako. Nasagot sa mga oras na iyon ang sign na hinihingi ko. Ayaw ko na sanang dumalo sa workshop. Pero, may nag-text sa akin. Kaya naman, agad kong dinagdagan ang laman ng mga PPT presentations ko. Apat na oras kasi akong magto-talk. Kailangang maging produktibo ang mga participants. Nobyembre 25, 2018 Maaga akong nagising dahil maaga ring bumangon ang mag-ina ko. Umalis sila para sa film showing. Pag-alis nila, nagdilig naman ako at naglinis ng kulungan ng aso. Naharap ko rin kahit paano ang powerpoint ko para bukas. Past nine, unalis na ako. Ayaw kong ma-late sa speaking engagement ko, lalo na't sa Antipolo City pa iyon gaganapin. Kaya, kailangan kong mag-sleep over sa bahay ni Mama. Past 2, nasa Bautista na ako. Nagmeryenda lang kami, saka nagpahinga at umidlip ako. Gabi ko na tinapos ng PPT ko. Ready na ako. All set. I hope magawa kong mapasulat at ma-inspire ang mga participants. Nobyembre 26, 2018 Four-thirty, gising na ako para maghanda sa pagpunta sa venue ng speaking engagement ko. Gising na rin si Mama. Before six, nakasakay na ako. Napaaga ako. Okay lang. Nakapag-picture pa ako sa plaza. Then, nag-text na si Ma'am Teresa. Magkita na lang daw kami. Sabi ko, mauna na lang ako. Mabuti naman dahil nakalibot at nakapag-pictorial pa ako sa magandang farm resort, ang Loreland. Na-amaze ako sa ganda. Nature kasi at magaganda ang mga private pools. Gusto kong irekomenda iyon para sa team-building. Matagal pa bago nagsimula ang workshop. Halos nga nawala na ang kaba ko. Nakakuwentuhan ko na rin ang LRMS supervisor na si Mrs. Salo. Humanga ako sa husay niya. Naikumpara ko tuloy si Ma'am Mina. Nakapag-confide pa ako tungkol sa tampo ko sa DepEd Pasay. Nasabi niyang lumipat na ako sa division nila. Na-pressure din ako ng makita ko ang mga output nilang story books. Feeling ko, mahuhusay na writers na ang participants. Nang ipakilala ako ni Ma'am Teresa, halos wala na akong kaba. Vocal na rin akong ipadama sa kanila ang gratitude ko sa pagiging bahagi ng malaking event na iyon. Sa halip na half-day lang ako, ginawa ko nang whole day. Hindi kasi kakayanin. Kailangan nilang makasulat ng akda after that. Hindi naman ako gaanong nangamba. Tiwala ako sa kakayahan ko at sa mga PPT na naihanda ko. Hindi nga ako nagkamali. Marami-rami ang na-inspire sa mga sinabi ko at ipinakita ko. May pera kasi talaga sa pagsusulat. Dahil nakapag-draft sila, may binasa, in-edit, at krinitik ako. Alas-sais na nang matapos. Hindi pa nga ako pinauuwi. Gusto pa nila akong mag-talk bukas. Kaya lang, hindi ako pumayag. One day lang ang paalam ko sa grade leader ko. In short, eleven ng gabi ako nakauwi. Pinaghintay pa kasi ako ni Ma'am Salo para sa dinner namin. Worth it naman. Isa pa, masaya ako kasi P5000 ang PF ko. Sulit talaga! Inspired tuloy akong i-edit ko ang mga matatapos nilang akda, gaya ng naipangako ko. Nobyembre 27, 2018 Kahit kulang sa tulog, masigla at inspired akong bumangon para maghanda sa pagpasok. Kahit medyo late na akong nakalabas, hindi naman ako late. Pagdating sa school, hindi ako handa sa pagtuturo. Gayunpaman, may DLL ako. Kaya lang, naituro ko na. Paulit-ulit lang kasi ang lessons. Pabor naman sa mga bata. Nagpagawa na lang ako ng 'Chart ng Karanasan.' Habang gumagawa sila, tinulungan ko naman si Sir Joel K na mag-put up ng exhibit booth ng mini book fair. Pinatulong ko ang ilang mga estudyante ko. Agad naming nagawa iyon, palibhasa gusto ko ang ginagawa ko. Walang pormal ang klase. Nasa sports training ang 1/4 ng klase ko. May dalawang sets pa ng religion classes. Maraming estudyante ang natuwa, naengganyo sa book fair namin. Napag-perform ko pa sina Patricia Mae ang spoken word poetry, nang dumating siya, gayundin sina Mary-Joy at Dannah. Nakakatuwa! Nakatulong na ako, kumita pa ako sa mga zines ko. Nabili rin kanina ang isang copy ng 'I Love Red 0.1.' Pagkatapos kong maedit ang mga akda ng mga teachers sa Antipolo, naglinis ako at naglipat ng mga gamit sa classroom. Natapos ko naman bago mag-alas-5. Pero, gaya ng dati, nakatago lang ang mga abubot. Nobyembre 28, 2018 Katulad kahapon, wala na namang pormal ang klase, gawa ng sports training. Wala ang tatlo naming kasamahan sa grade level. Kani-kaniya na lang kami teaching innovation sa advisory class namin. Ako, nag-story reading muna, saka nagpa-group activity. Then, another set of group work. Ang pangalawa ng storytelling. Nagawa naman ng apat na grupo, maliban sa dalawa. Okay lang. Natapos ko namang gawin ang pag-letter cutting para sa Christmas decoration namin sa hallway. Ikalawang araw ng book fair. Marami-rami rin akong benta. Nakatutuwang isipin. After class, nag-stay ako sa classroom ko. Umidlip ako. Hindi nga lang ako mahimbing-himbing dahil binabantayan ko ang booth. Maaari kasing nakawin ang mga display. Past 7, nasa bahay na ako. Naghapunan ang ako, saka ako nagsulat ng kuwentong babasahin ko bukas sa mga magulang. Nagto-talk daw kasi ako, sabi ni Sir Joel K. Tungkol iyon s kahalagahan ng aklat at pagbabasa. Nobyembre 29, 2018 Binasa ko ang kuwentong isinulat ko kagabi para sa mga magulang ng nire-remedial reading. Nagustuhan nila iyon. Kaya naman, bilang lesson, pinasulat ko sila ng simula ng kuwento, na nabanggit sa binasa ko. Gumawa naman sila nang tahimik, kaya nakapag-almusal ako. Nang matapos, nagturo at nagpagawa naman ako ng corner bookmarks. Sinabayan ko sila sa oaggawa. Christmas tree naman ang pinagkaabalahan ko. Gawa iyon sa pinapatong-patong na mga babasahin. Maganda namsn ang kinalabasan, lalo na't isinabit ko ang mga output nila. Past one, humarap ako sa ilang mga magulang. Wala akong kabang nagbasa ng kuwento, bago ko sinabi ang mga naihanda kong speech. Tinalakay ko abg kahalagahan ng pagkakaroon ng mga aklat sa bahay, ang pagbabasa, at ang pagkukuwento. Alam kong na-inspire ko sila. Sana maging bahagi ng buhay nila ang kuwento ko. Then, umidlip ako sa classrom ko. naglinis din ako ng aquarium ng mga chubby frogs Past four, umuwi na ako. Nobyembre 30, 2018 Bumisita lang ako sa hardin, saka humarap ako sa laptop ko. Gusto ko sanang gumawa ng zine. Kaya lang, nag-chat naman si Sir Randy. Niyaya niya akong mag-tripping sa Lumina. Napabalikwas tuloy ako. Nataranta rin si Emily kasi kako baka dumaan sa bahay. Nag-commute ako papunta sa Lumina. Narating ko naman, kaya lang nauna pa sila. Hindi ko tuloy nakita ang model house. Gusto ko sanang makakuha ng idea. Gayunpaman, nahikayat ko siyang kumuha agad ng bahay at lupa habang bata pa siya. Past 12, nagyaya na silang umalis doon. Hindi pa sila interesado. Pag-iisipan pa. Nilibre kami ni Sir randy ng lunch sa Mang Inasal-Puregold Tanza. Pagkatapos niyon, umuwi na sila. Ako naman, namili. Nakabili ako ng Christmas throw pillow case, extension cord, light bulb, at hooks. Naubos ang P1k ko. Okay lang! Masaya naman sa pakiramdam. Then, hinarap ko na ang pagsusulat ng kuwento ko tungkol sa mga magaganda at historical na lugar, hotel, amusement park, at iba pa sa Pasay. Marami akong natutuhan habang sinusulat ko, lalo na ang tungkol sa Amazing Show. na dating Manila Film Center.

Tibok ng Puso (Dula)

  Tibok ng Puso     Mga Tauhan:     *Lydia     *Brad   Tagpuan:     * Sa isang pamantasan   Eksena 1: Labas. Sa mapunong...