Followers

Sunday, December 29, 2019

Si Sinong

Madalas kainggitan ni Sinong si Tinong

"Aalis na naman kayo? Maiiwan na naman akong mag-isa."

"Paalam, Sinong! Marami na naman akong magiging karanasan sa labas!"

Napangiwi na lamang si Sinong dahil sa inggit.

Lumipas ang ilang minuto, lumabas si Sinong.

Sa kapitbahay, humalo siya sa kapwa niya tsinelas.

Doon, walang gustong magsuot sa kanya. Naiwan na naman siyang mag-isa.

"Kanino tsinelas ito? tanong ng may-ari ng bahay. Itinapon siya sa basurahan, na nasa labas.

Isang kuting ang kumagat kay Sinong. Dinala siya nito sa tabi ng bakod. Tuwang-tuwa niyang pinaglaruan ng tsinelas.

Maya-maya, tatlong bata ang dumating. Umalis na ang kuting at naiwan si Sinong. Ipinambato siya sa kumpol ng mangga.

Tuwang-tuwa ang mga bata. Lungkot na lungkot naman si Sinong.

Napulot siya ng batang babae. "Ang ganda nito sa tumbang preso!"

 Whooosh! Whooosh!

Nalula si Sinong pagkatapos ng laro.

Umuwi na ang batang babae. Dinala niya si Sinong.

"Aaawrk! Aawrk!" Sinalubong ito ng galit na galit na aso.

"Hayo, hayo!" bugaw nito sa aso. Nang ayaw umalis, binato niya ito ng tsinelas.

Kinagat ng aso ang tsinelas at tinangay palayo.

Dinala ng aso si Sinong sa karinderya.

"Doggie, pahiram nga niyan," sabi ng tindera. Ipinampatay niya ang tsinelas sa ipis. Pagkatapos, inihagis niya sa kalsada.

Gusto nang maiyak ni Sinong.

 "Huwaah! Huwaah!" iyak ng batang lalaki.

"Tumigil ka!" sawata ng ina. Dinampot niya si Sinong. "Kapag hindi ka tumigil, tsitsinelasin kita.

Tumigil ang bata sa pag-iyak.

Gumabi na. Napadpad si Sinong sa tabi ng kalye. Nagsisi na siya sa pagkalayas. Gusto na niyang umuwi.

Umulan nang malakas nang gabing iyon. Inanod si Sinong ng baha.

Takot na takot siya. "Tulong! Tulungan ninyo ako!"

Nawalan ng malay si Sinong. Nagpalutang-lutang siya kasabay ng mga basura.

"Bagong-bagong tsinelas! Ang suwerte ko naman!" sabi ng batang lalaki.

Natakot si Sinong, pero bigla siyang natuwa.

Agad itong isinuot ng pilantod na bata.

 


Friday, December 27, 2019

Classroom Dialogue: Pangarap

Nakita ng guro na nangungulit sa kaklase si Darren, habang nagsusulat ito.
Sir: Darren, huwag mo silang istorbohin. May mga pangarap sila.
Darren: May pangarap din naman po ako, Sir, e.
Sir: Oo, lahat tayo, kaya nga irespeto mo ang pagtupad nila sa mga pangarap nila. Tuparin mo rin ang pangarap mo. Kung ano man ang paraan mo ng pagtupad ng pangarap mo, irerespeto ka rin nila. 

Saturday, December 14, 2019

Ang Aking Journal -- Disyembre

Disyembre 1, 2019 Nag-gardening ako nang saglit bago ko hinarap ang paggawa ng vlog. Nainis lang ako sa laptop ko kasi kusang namamatay kapag nagsisave ako ng video. Nakailang try ako, bago ko nagawa. Ang pinakamagandng nangyari ay ang paggawa ko ng reading aloud vlogs. Naipost ko na youtube ang iba.Gabi, nakagawa rin ako ng videos dhil may mga palakang pumasok sa bahay. Salamat sa Diyos dahil napag-isa ako sa bahay nang halos maghapon. Nakibertdey at nagsimba ang mag-ina ako. Disyembre 2, 2019 Past 8 na ako nakarating sa school dahil natraffic ako. Naroon na sina Ma'am Madz, Ma'am Vi at ang kanyang pamangking guro. Agad akong kumilos. Ang simbahan ang ginawa ko. Naging maganda naman ang gawa ko. Nakakatuwa nga, e. Naging masaya ang pagdecorate namin sa entablado. Naroon sina Ma'am Joaan at Ma'am Edith. Dumating din si Sir Joel K. Hapon, bago kami umuwi, nagpameryenda si Ma'am Amy dahi naawitan siya. Past 3 na kami lumabas sa school. Antok na antok ako sa bus patungong PITX. Nang naroon na ako, nawalang bigla ang antok ko. Nagwork out na lang ako. Legs at shoulders ang dinale ko. Disyembre 3, 2019 Dahil may bagyo at suspended ang mga klase, hindi ako nakapunta sa CUP para ipakita ang revised thesis ko. Okay lang dahil mas marami akong nagawa ngayong araw. Nag-vlog ako. Gumawa ako ng ASMR video habang umuulan at humahangin. Naglagay na rin ako ng grades sa card. Sa Lunes, makakapag-issue na ako. Then, gumawa ako ng reading aloud videos. Ang hirap lang magrekord dahil maingay. Idagdag pa ang pagiging bulol ko sa English language. Gayunpaman, nagawa ko naman kahit paano. Kailangan ko lang iimprove ang speaking voice ko. Sabi nga ni Ion, paos daw ako. Naniniwala akong habang nagba-vlog ako, may mga nai-enhance na skills. Bukas, itutuloy ko naman ng paggawa ng zine ng mga estudyante ko, since wala pa ring pasok. Hindi pa rin ako makakapunta sa CUP. Disyembre 4, 2019 Dahil umaraw na, nag-gardening ako. Kakaunti lang ang nasirang halaman dahil sa bagyo. Ang cosmos lang ang natumba. Pinutol ko na lang. Pagkatapos kong maglinis sa garden, nag-encode naman ako ng mga akda ng pupils ko para gawing zine. Naisingit ko rin ang pagpopost sa youtube ng vlogs na ginawa ko kahapon.Hapon, natulog ako. Ang sarap! Ang haba ang tulog ko. Kaya naman, hindi agad ako inantok. Past 10, gising pa ako. Nag-Tiktok na lang ako at nag-update ng WP story. Disyembre 5, 2019 Past 10, nasa biyahe na ako papunta sa CUP upang papirmahan ang thesis ko kina Dr. Bal-Oro at Dr. Ramos. Namili muna ako ng pampameryenda, gaya ng dati. Pampadulas, 'ikaw nga. Mabilis lang ako sa CUP. Pumunta muna ako kay Dr. Ramos, then kay Dr. Bal'Oro. Bumalik ako sa chairman nang pumirma na ang huli. Ipinaiwan lang sa akin ang mga iyon. Balikan ko raw sa Sabado. Pumunta ako sa Baclaran. May nais akong bilhin, kaya naglibot-libot ako. Ang dami kong gustong bilhin, pero nagpigil ako. Dahil alas-dose na pala, kumain muna ako. Itinuloy ko ang paglilibot after lunch. Hindi ako nakabili o nakahanap ng gusto ko. Sa halip, Christmas decos ang binili ko. Worth P290. May wreath material, balls, at star na. Umidlip muna ako sa PITX bago ako bumiyahe pauwi. Five-thirty, nasa bahay na ako. Naikabit ko na ang mga Christmas decos, bago dumating si Emily mula sa choir rehearsal. Disyembre 6, 2019 Nagsulat muna ako bago ako bumangon. Hindi ko man natapos ang isang kabanata, at least nadugtungan ko.Pagkatapos kong mag-almusal, naggardening ako nang ilang sandali. Natulungan ko rin si Emily na magsampay. Then, naghanda na ako para sa pagbiyahe ko patungong Antipolo. Past 12 ako umalis. Dumating ako sa Bautista ng past 7. Sobrang traffic kasi. Isa pa, nag-upload pa kasi ako sa PITX ng vlog ko.Natuwa si Mama nang dumating ako. Nalungkot lang ako dahil gusto na talaga niyang maoperahan. Nahihirapan na raw siya. Kahit ako, gusto ko. Kaya lang, walang time. Magagawan ng paraan ang pera. Nag-iwan ako ng P4000 para kina Hanna at Zildjian. Binigyan ko rin siya ng P4000. Plus, may grocery pa ako. Almost P9k ang lumabas na pera sa akin. Okay lang. Kikitain ko naman iyon sa mga susunod na buwan. God will provide. Disyembre 7, 2019 Past 8 na ako nakalabas ng bahay dahil nasarapan ako sa pagnamnam ng lamig. Parang may aircon, nakakatamad tuloy bumangon. Hindi rin naman ako nakauwi agad. Una, nagsight-seeing pa ako sa Bautista. May overlooking doon, kaya nagvideo pa ako. May mga dumaan ding cyclists, kaya nakuhaan ko rin. Ang ganda kasing pagmasdan! Then sa Gate 2, nag-ukay-ukay ako kasi wala pala akong barya. Magagalit ang driver kapag P500 ang ibabayad ko. Nakabili tuloy ako ng sweat shirts nang hindi oras. Sa LRT-Santolan, nakababa pa ako. Wala naman palang tren. Mabuti, nakasakay agad ako sa Cubao. Past 3, nasa bahay na ako. Pagod man, hindi naman uminit ang ulo ko. Masaya ako dahil nakita ko si Mama. Alam kong okay siya, kahit gusto na niyang maoperahan. Maganda naman ang pangangatawan niya. Disyembre 8, 2019 Naiinis ako maghapon kay Emily. May sakit na naman. Ako na naman tuloy ang gumawa ng mga gawain niya. Hindi ko tuloy nagawang magsulat o mag-encode. Mabuti na lang, nakagawa ako ng tatlong vlogs. Ewan ko ba sa health niya! Sa kaunting trabaho, nagkakasakit. Ewan ko rin sa sarili ko kung bakit naiinis ako kapag may sakit siya. Hindi ko maintindihan. Siguro bahagi ito ng karanasan ko sa Polot noon. Nagkasakit ako noon. Halos mamatay na ako. Wala man lang nag-alaga sa akin. Sinikap kong gumaling nang walang pagkain, walang gamit, at walang pag-aalaga. Gabi, kahit paano naibsan ang inis ko. Nakabenta kami ng halaman. Wortg P320. Disyembre 9, 2019Maaga akong nakarating sa school, pero hindi ko naman agad nabuksan ang classroom ko kasi nakay Ma'am Vi ang susi. Nang dumating siya, agad kong inayos ang pera sa field trip para iturn over sa kanya. Hindi ko na naenjoy ang kape ko dahil sa pagmamadaling makarating sa SDO para sa unang araw ng 3-day seminar-workshop tungkol sa grievances, administrative, and mediatable cases. Sa SDO, nakasalamuha ko ang mga principals at supervisors. First time ko iyon, kaya naman sobrang awkward ng feeling ko. Gayunpaman, naging chillax ako nang magsimula na ang talk. Nagustuhan ko ang topic, kaya nagdesisyon akong hindi n sumama bukas sa field trip. Kaya nang tinanong ako ni Ma'am Laarni. agad kong sinagot na hindi ako sasama. Alam ko, iyon naman talaga ang hinihintay niya. Before 5, tapos na ang seminar. Nag-stay muna ako sa PITX ng ilang minuto. Nag-upload ng mga vlogs ko, bago ako umuwi. Ngayong araw, nabalitaan ko mula kay Emily na binaril sa dibdib si Bukbok. Natuwa ako dahil nagkatotoo ang pronouncement ko. Ilang araw pa lang ang lumipas, inis na inis ko sa kanya dhil pinaringgan niya ako. Mahilig mambully. Hayan, siya ngayon ang nakaranas ng matinding ganti. Nakahanap din ng katapat. Wala kasing preno ang bibig. Hindi ko malaman kung lalaki siya o bakla. Insecure ba o ano. Sana lesson learned na sa kanya iyan. Hindi ko na tuloy kailangang gumanti sa kanya. Saved by the bullet, I mean, bell. Disyembre 10, 2019 Naabutan kong nakapila na ang mga estudyante at parents na sasama sa field trip. Kahit paano nakatulong ako. Wala akong inggit na naramdaman kung bakit hindi ako makakasama. Mas mahalaga para sa akin ang know-how na makukuha ko sa seminar. In fact, nagkaroon ng simulation ng proceedings o pre-hearing ng administrative case. Andami kong natutuhan kahit wala naman akong dialogue at kahit nanuod lang ako ng ibang role playing. Worth it!Past 5:30, nagtriceps workout ako. Past nine na ako nakauwi dahil past seven na ako bumiyahe. Nag-upload pa kasi ako ng vlog sa youtube. Disyembre 11, 2019 Nagkaroon pa ako ng time para makipagkuwentuhan kina Ma'am Vi, Ma'am Leah, at Ma'am Joann. Naroon din si Ma'am Madz. Later, binigyan ako ni Ma'am Vi ng old coins, both local ang foreign. May maidaragdag na naman ako sa collection ko.Third day ng seminar. Marami na naman akong natutuhan. Substantial. Masasabi kong kaya ko nang maging bahagi Formal Investigation Committee kung sakaling mapili ako. Maaari na rin akong magtalk sa INSET o maging mediator sa dispute sa school. Past 3, tapos na ang seminar. Wala nang speaker sa hapon. ClosiIng program na lang. Kaya naman, natapos ko na ang update sa wattpad novel ko. Naipost ko na rin. Sana mabasa na agad ng reader na nagtanong para humingi pa ng kasunod at mapush akong magsulat.Past 7:30, nasa bahay na ako. Pagod, pero masaya, lalo na't may wifi na. Naideliver na rin ang order kong unan, na pang-exchange gift. Disyembre 12, 2019 Naging abala ako buong maghapon dahil bukas na ang Christmas party ng mga bata at mga guro. Sa umaga ang mga estudyante.Hindi ko talaga planong magpaparty sa section ko. Matagal ko nang sinabi iyon sa kanila at sa kanilang mga magulang dahil sa kakulangan ng disiplina. Kaya lang, kanina nakitaan ko ng kalungkutan ang doseng estudyanteng pumasok at si Sir Ram.Tinanong ko si Sir Ram. Nagparamdam siya ng willingness para magdecorate kaya hinayaan ko na siya at ang mga bata, habang inaayos ko ang mga bagay-bagay tungkol sa faculty party. Nang matapos, nakipagkulitan ako sa mga estudyante ko. Nanuod at nag-Tiktok kami.After class, nagsalo-salo kaming advisers. Parang namiss namin ang isa't isa. Matagal-tagal na rin nang huli kaming nagsalo-salo. Kaya lang, pinatawag si Ma'am Madz. Pinatawag din kami ni Sir Joel. Nakakainis! Past 2 na ako nakauwi dahil nakipag-usap pa kami ni Sir Erwin sa mga mamamalengke at magluluto ng mga pagkain namin bukas.Then sa Bench-PITX, namili ako ng belt bags naming tatlo. Gift ko na sa mag-ina ko. Bumili rin ako ng pang-giveaway sa mga pupils ko. Mabuti na lang, mayroon doon. Past five, nasa house na ako. Disyembre 13, 2019 Kakaunti lang ang dumating na VI-Love. Sila ang siguro ang nakatunog, nasabihan ng mga kaklase o ang may gustong magparty. Gayunpaman, masaya pa rin sila. Masaya rin ako dahil nakita ko silang nag-enjoy at nabusog. Sobra-sobra ang mga pagkain at inuming dinala nila. May mga nagbigay rin ng regalo. After ng party ng mga bata, hindi na ako nakapagpahinga. Tuloy-tuloy na ang trabaho. Ako ang punong-abala sa program. Ilang araw na akong naiinis dahil wala man lang Faculty officers na nagtanong sa akin kung ano ang gagawin. Kaya naman nang nakakuha ako ng chance, nagsalita ako sa harap ng faculty at principal. Partikular ang mga GLs na kameeting ko, hindi nila nirelay ang pinag-usapan namin. Kako, "Hindi ba nagmiting tayo. Tapos, sasabihin ng iba, bida-bida ako... Next time, irelay naman ninyo. Alangan namang isa-isahin ko pa kayo." Nakita kong natamaan silang lahat at namove ko. Sana hindi na maulit iyon. Nag-enjoy pa rin ako kahit nasira ang mood ko, lalo na ng nagpaagaw na ng mga coins. After ng party, nakikanta at nakiinuman ako. Andami ko kasing dala. Alam kong matraffic kaya nagpagabi na lang ako. First time kong makasalamuha ang asawa ng principal. Okay naman siya. Makuwento rin pala. Lasing na ako nang nagdesisyon na akong umuwi. Sinabay ko na sina Ma'am Anne, Sir Hermie, at Sir Archie sa kinuha kong Grab patungo sa PITX. Past 12 na ako nakarating sa bahay. Disyembre 14, 2019 May hangover ako paggising ko. Sakit sa ulo ng pulang kabayo. Past nine na nawala ang sakit ko. Hindi nga ako nakatulog ng mahaba-haba. Gayunpaman, umayos din ang pakiramdam ko. Kaya, nasundo ko pa si Zillion sa school nila. Christmas party nila. Past 4:30 ng hapon, nag-gardening ako. Gabi, nakipagchat ako sa mga kaguro ko dahil mamamasyal kami bukas. Naghanap ako sa internet ng lugar na pupuntahan namin. Disyembre 15, 2019 Masyado akong napaaga ng gising. Alas-dos pa lang kasi bumangon na ako para magbanyo. Hindi na ako nakatulog. Mabuti na lang, may internet. Nalibang ako habang naghihintay ng oras. Mabilis din akong nakarating sa tagpuan, kaya matagal-tagal kong naghintay. Pero, okay lang. At least hindi ako ng hinintay. Past 7 na dumating sina Sir Joel at Ma'am Madz. Okay lang naman kasi nakapagkuwentuhan kami nina Ma'am Vi, Ma'am Anne, at Sir Hermie. Naglabas ako ng hinaing sa mga kaguro naming hindi nakiisa sa paghahanda sa party. Nilibre kami ni Ma'am Vi ng lomi at lugaw sa Silang. Ang saya rin ng kainan namin. Andaming kulitan. Past nine, nasa Paradizoo kami. Ang ganda ng lugar. Perfect para sa araw na iyon. Andami naming pictures. Past 12, nilibre uli kami ni Ma'am Vi ng lunch. Ang sasarap ng pagkaing inorder niya. Busog na busog kami. Inanatok nga kaming lahat, kaya nagkayayaan nang umuwi pagkakain. Maaga pa sana akong nakauwi kung hindi ako natraffic sa Imus at Bacoor. Past six na ako nakarating sa SPV. Tapos, pinuntahan ko pa sina Emily sa simbahan dahil nasa kanila ang susi. Sa sobra kong antok, hindi ko na nahintay ang pagdating ng aking mag-ina. Plakda talaga ako. Disyembre 16, 2019 Past 6:30, bumiyahe na akong papunta sa PITX para magleg workout. Pagkatapos niyon, namili ako ng panregalo. Nag-internet din ako habang hinihintay ang go signal ng mga kasamahan kong magbubuffet. Past 11, nasa Four Seasons Buffet and Hotpot na ako. Nauna roon sina Miss Krizzy at Kuya Allan. Sumunod na sina Mj at Papang. As usual, nahuli si Belinda. Sobrang busog ko. Hindi ko man natikman lahat, at least may iba naman sa panlasa ko. Past 2 na kami nakaalis roon. Antok na antok ako. Gusto ko nga sanang magcheck in sa Sogo para matulog lang. Kaso, nahiya ako. Isa pa, dagdag-gastos. Sumama na lang ako sa GES para makaidlip. Kahit paano, nawala ang antok ko pagkatapos kong mahiga. Mahabang paghihintay ang nangyari. Mabuti na lang, may internet. Dumating din si Sir Ram, kaya may kakuwentuhan ako. Hindi niya na nahintay si Sir Joel, kaya umalis na siya. Bukas na lang daw kukunin ang questionnaire. Kumain muna ako sa KFC, saka bumalik sa Gotamco para maghintay kina Ma'am Vi. Disyembre 17, 2019 Ala-una na ng umaga sila dumating para sunduin kami ni Sir Joel. Okay lang naman. Kahit paano, nakaidlip ako sa table ng guard. Masaya kaming bumiyahe kahit aandap-andap ang aming mga mata. Before 5, nasa bahay na kami ng tiya ni Ma'am Madz sa Bayambang. Nagrekord ako ng videos para sa aking vlog, habang inihahanda ang aming almusal. Seven, bumiyahe na kami patungo sa tiya ni Ma'am Vi. Naenjoy ko ang lugar at ang accommodation sa amin ng mga tao roon, kahit biglaan ang pagdating namin. Naenjoy ko ang pagvlog dahil may maisan, manggahan, sagingan, at iba pa. Namulot pa ako ng mga bata. Nakahingi rin ako ng mga halaman. Sulit talaga! After more or less one hour, pumunta naman kami sa kamag-anak ng pamangkin ni Ma'am Vi. Kahit paano ay nafeel ko uli ang buhay-probinsiya. Ang saya-saya namin. Pinagharvest pa kami ng matamis na suha. Then, bumiyahe kami patungo sa Manaog Church. Ikalawang beses ko na roon. Hindi man ako religious person, naenjoy ko picture-taking. Bumili rin ako ng yakun at reg magnet, na pandagdag sa collection ko. Sa San Fabian ang sumunod naming ruta. Nagkayayaang magswimming. Doon na rin daw kami maglalunch. Iyon nga ang nangyari. Sa San Fabian PTA Beach Resort kami napadpad. Maganda naman ang lugar kahit malayo ang beach sa mga cottages. Maalon lang ang dagat, kaya hindi namin naenjoy ang pagtatampisaw. Mabuhangin ang alon. Kaya, naghanap na lang ako ng batong idadagdag ko sa suiseki collection ko. Abdaming magagandang bato, kaya lang hindi ko na dinala dahil masyadong malalaki at mabibigat. Wala akong nakitang maliit. Okay lang. Naligo na lang kami sa swimming pool doon. Kahit paano nabawi namin ang kakulangan ng beach. Five na kami umuwi. Siyempre naggroupie muna kami. Magaganda namin kasi ang mga anggulo roon. Nature talaga. Plakda kaming lahat. Ang hirap lang matulog dahil sa upuan. L300 kasi. Hindi ko malaman kung paano ko isasandal ang aking likod at kung paano ko ihihilig ang ulo ko. Gayunpaman, safe kaming nakarating sa Maynila. Twelve na iyon. Disyembre 18, 2019 Kahit hindi pa ako masyadong nakabawi ng ilang araw na puyat, bumangon na ako bandang quarter to nine para magluto ng almusal. Binalak kong maglaba habang ginagawa iyon dahil napansin kong hindi na naman maayos ang kondisyon ni Emily. Ayaw kong mainis sa kanya at sa madalawls niyang pagkakasakit. Mas lalong ayaw kong isisi sa kanya ang pagod niya sa pagseserve sa simbahan. Since, wala na namang signal ang wifi, mas minabuti kong ilaan ang oras ko sa paglalaba. Nakapag-gardening din ako habang naglalaba. Past 2 na ako natapos at nakaidlip. Kahit paano ay nahimbing ako. Past 4 na ako bumangon para magmeryenda at magdilig. Gabi, wala pa ring internet. Hindi ko tuloy maipost ang mga pictures namin. Inis na inis na naman ako sa PLDT. Nananadya yata. Nagbabayad naman kami on time. Gayunpaman, sinimulan ko ng paggawa ng vlog, gamit ang mga pictures at videos sa gala namin kahapon. Disyembre 19, 2019 Bad trip ko maghapon dahil walang internet. Hindi ko pa naipost ang mga pictures namin sa Pangasinan. Naiinis din tuloy ako kay Emily kasi hindi niya ginawan ng paraan. Past 1, umalis ako. Gusto kong mawala ang inis ko. Nagworkout ako sa AF. Bago iyon, nag-wifi ako. Kahit paano nawala ang inis ko, lalo na nang maiupload ko nang lahat. Natapos ko rin doon ang pag-edit ng vlog. Pagkatapos ng workout, kumain ako at bumili ng denim jacket sa ukay-ukay. Lalong nawala ang inis ko. Totoo ngang nakakawala ng stress o anumang negative vibes ang pamimili. Past 9 ako nakauwi. Ten o'clock clock, nadiskubre kong may internet na. Naiupload ko na tuloy ang vlog ko. Disyembre 20, 2019 Paggising ko, kinarenyo agad ako ni Emily para payagan ko siyang umalis patungo s Caloocan dahil darating ang kaklase niyang galing London. Pumayag naman ako, kaya agad siyang gumayak. Kaya lang, bigla siyang nalungkot dahil P100 lang ang binigay kong pera. Umalis pa rin sila ni Ion. After 5 minutes, bumalik sila. Nakapaghugas na ako niyon. Dahil plano kong isama aila sa Torres Farm and Resort, nagdilig agad ako. Pagpasok ko, sinabi ko na sa kanila. Natuwa naman ang mag-ina ko kaya agad kaming gumayak. Before 12, nasa Naic na kami. Kumain muna kami bago nagpahatid sa resort. Past 12, enjoy na enjoy na kami sa picture-taking. Ang ganda ng lugar! Ang lawak. Andaming amenities at instagramable spots. Nagswimming agad si Zillion. Hindi nagtagal, nagswimming din ako. Nagpalipat-lipat kami ng swimming pool, para mapicturan naming lahat ang mga spots. Sa may Taj Mahal kami nagtagal at huling naligo. Enjoy na enjoy si Zillion kahit mainit at mahangin. Four na kami umahon. Pagkabihis, nagpicture-taking uli kami. Sulit ang entrance fee na P200/pax. May iba-vlog na naman ako. Past 6, nakauwi na kami. Past seven, napaalam si Emily na aalis. Pinayagan ko na. Pinahiram ko pa ng P500. Disyembre 21, 2019 Past 8 na ako bumangon. Kulang ako sa tulog dahil sa likot ni Zillion. Binaba ko kasi ang foam sa sala. Tabi kaming matulog. Gayunpaman, sinimulan ko ang araw nang masaya. Naggardening ako. Gumawa sa kusina. Hinintay kong ideliver ng supplier ng Vita Plus na order ko upang maibigay ko rin kina Sir Hermie, Papang, at Miss Krizzy. Late na dumating, kaya nang nagchat si Sir Hermie na nasa Robinson's na siya, naputol ng sales talk sa akin ng upline. Nakipagkita agad ako. Past 11:30 na nang makabalik ako. Hindi ko naman naiwanan si Zillion para maideilver pa ang dalawang box. Wala pa si Emily. After lunch, with Vita Plus, umidlip ako. Kahit paano, nagka-energy ako. Nakagawa tuloy ako ng dalawang vlogs-- ang sand-rock dish garden at rock balancing. Past nine na dumating si Emily. Wala siyang narinig sa akin. Sana lang hindi siya mag-inarte dahil napagod siya sa biyahe. Ginusto niya iyon, e. Disyembre 22, 2019 Past 9:30, nasa biyahe na ako para ihatid ng Vita Plus na order nina Miss Krizzy at Sir Erwin. Inuna ko munang ihatid ang kay Sir dahil aalis silang mag-anak. Hindi na ako tumuloy sa condo unit nila. Eleven-thirty, nakapag-lunch na ako. Naabutan ko namang naglalunch sina Miss Krizzy at mga auntie at uncle niya. Nahiya ako, pero napilit pa rin kong kumain. Sumubo lang ako nang kaunti at nagdessert. Sa PITX, nag-stay muna ako sandali bago nagworkout. Nakabili na rin ako noon ng panregalo kina Edward. Ibinili ko rin si Zillion ng building blocks, galing sa aguinaldo sa kanya ni Miss Krizzy. Dinagdagan ko na lang ng P100. Pag-uwi ko, gumawa kami ng vlog. Natuwa ako kasi game na si Zillion na humarap at magsalita sa harap ng camera. Bago kami natulog, uploaded na sa youtube ang unboxing video. Disyembre 23, 2019 Nainis ako sa ubo ni Emily. Ayaw ko talagang may sakit siya. Sabi ko, kaya siya inuubo dahil malikabok sa kuwarto nila. Maglinis ka naman, kako. Pagkatapos, sinimulan kong maglinis s kuwarto ko. Sumagot-sagot pa siya, pero naglinis na rin siya at si Zillion. Naggeneral cleaning kami, since darating sina Epr ngayong Pasko. Past 12, tapos na kami. Nakapagluto na rin ako. After kung maligo, umidlip ako. Hindi man kagaano kahimbing at kahaba, at least napagbigyan ko ang antok ko. Kaya naman, nakapag-vlog ako pagkagising at pagkatapos kong magmeryenda. Nakadalawang vlogs ako ngayong araw. Nakagawa pa ako habang nagluluto at nanonood ng TV. Naipost po iyon bago matulog. Disyembre 24, 2019 Nakapaggardening agad ako pagkatapos mag-almusal dahil bumili ng mga halaman ang kapitbahay namin. Kahit paano pala ay may nakakaappreciate ng mga tanim ko. Bisperas na ng pasko. Parang wala ako sa mood maghanda. Okay na akong magkakasama kami. Ten, nahiga na ako. Hinayaan ko na si Emily na maghanda ng Noche Buena. Disyembre 25, 2019 Hindi kami nag-Noche Buena. Inantok kasi kaming tatlo, kaya maaga kaming natulog. Ang ganda ng epekto ng Vita Plus. Sana magtuloy-tuloy na. Kumain lang kami nang kumain maghapon. Wala naman kaming bisita, kaya andami pa ring tira. Hindi pa naman natuloy sina Epr. Ang sumatotal, merry ang Christmas namin. Disyembre 26, 2019 Gusto ko sanang magworkout, pero mas pinili kong mag-stay. Hindi pa rin kasi okay si Emily. Isa pa, aalis ako sa 28. Invited ako ni Ma'am Edith sa blessings ng bahay ng kapatid niya sa Imus. Sa halip na umalis, gumawa na lang ako ng vlogs. Nakatatlong vlogs akong ngayong araw. Nakapagsulat din ko ng update sa nobela ko sa wattpad. Ay siyempre, ako ang gumawa sa kusina. Nagluto. Naghugas. Nakapaggardening din ako nang kaunti. Kulang nga lang sa tulog. But, it's okay. Disyembre 27, 2019 Mukhang hindi matutuloy ang pagdalo namin sa house blessings ng kapatid ni Ma'am Edith kasi si Ma'am Bel, hindi makakasama. Si Papang, sinugod daw sa hospital dahil highblood. Si Miss Krizzy, hindi pa naseen ang chat. Haist! Game pa naman ako. Ngayong araw, napakaproduktibo ng araw ko. Nangusina ako. Naggardening. Naglinis ng kulungan ng aso. Nagpaligo sa aso. Nagbanlaw ng winashing ni Emily. Nag-vlog. Nakadalawang vlogs ako ngayon. Sana mapansin man lang ng mga youtubers. Gabi, late akong natulog dahil nagsulat pa ako. Updated na uli ang trending kong wattad story. Nakapanood din ako ng pelikula, kahit hindi ko na nasimulan. Disyembre 28, 2019 Hindi na ako tumuloy sa house blessing. Sayang! Gustong-gusto pa naman ni Ma'am Edith na maging bahagi kami ng event na iyon. May sakit din si Miss Krizzy. Si Papang, hindi pa okay. Bed rest ang payo sa kanya ang doktor. Kung tutuloy ako, nakakahiya naman. Mao-OP lang ako. Okay lang, naghanda na lang ako para sa pagwork out ko. Gumawa muna ako ng mga gawaing-bahay. Nag-vlog din. Past 1:30 ng hapon, bumiyahe na ako. Plano kong bumili ng panregalo ko na Epr. Past three-thirty na ako nakarating sa Baclaran. Nahirapan at natagalan ako sa kakalibot. Past five na ako nakakompleto. Nagsasarado na nga ang ibang tindahan. Six, nasa AF na ako. Nag-chest at shoulder workout ako. Before nine, nakauwi na ako. Tuwang-tuwang si Emily sa pinamili ko. Sila na ni Ion ang nagbalot niyon habang nagkakape ako. Disyembre 29, 2019 Late na ako bumangon. Ang sarap kasing mahiga hangga't malamig pa. Kaya lang, masakit ang likod ng kaliwang balikat ko. Damay ang leeg ko. Para tuloy akong may stiffed neck at stiffed back. Iritable ako nang bumangon ako. Natarayan ko pa si Emily. Anyways, okay naman. Nagsimba silang mag-ina kay napag-isa ako ng mahigit dalawang oras. Nakapagsulat ako at nakagawa ng vlog. Ngayong araw, nakapag-upload ako ng tatlong vlogs. I know, darating ang araw na pakikinabangan ko ang mga ito. Patience is a virtue. Sabi nga ni Alex, kumikitang vlogger. "Just enjoy what you love doing." Disyembre 30, 2019 Nine-thirty na ako bumangon. Nabasa ko kasi ng forwarded message sa akin ni Emily mula kay Eduard. Hindi raw sila matutuloy sa pagpunta sa amin. Natuwa ako kasi hindi na namin kailangang maghanda para sa kanila. Minus-gastos na, hindi pa mababawasan ang time ko. After breakfast, naggardening ako. Kulang lang sa lupa, kaya hindi ko makapagtanim nang husto. Gayunpaman, nakakaenjoy talaga ng gardening. Then, gumawa ako ng vlogs. Nakaapat yata akong vlogs ngayon buong araw. May isa akong vlogs n videos ng preying mantis at bangaw. Sayang ng isang scenario, hindi ko nakuhaan. Ang pagkain ng preying mantis sa bangaw. Kahapon pala, kinuha na ni Jano si Mama sa Bautista. Panatag na ang loob ko. May kasama na siya. May mag-aasikaso na sa kanya. Dalangin ko na sana ipacheck-up niya si Mama, since may kotse na siya. Disyembre 31, 2019 Naging busy ako dahil dito nagcelebrate ng Bagong Taon sina Epr at ang mag-ina niya. Kasama pa ang kanyang biyenang babae. Unang beses kong makikita ang anak nila, na inaaanak ko. Unang beses din nilang makikipagcelebrate na buong pamilya na sila. Feeling blessed naman kami sa pagbisita nila. Masaya kami dahil nakasama namin sila, lalo na si Ion. Aliw na aliw siya kay Heart. Ako ang nagluto ng pang-Media Noche namin. Hindi naman ako nahirapan masyado. Mas nahirapan pa akong protektahan ang alaga naming aso sa stressful na ingay at pailaw. Ipinasok ko siya sa banyo habang nanginginig sa takot. After kainan, nagsitulog na sila. Ako naman, nagligpit pa at nanood pa ng MYX.

Monday, November 4, 2019

Ang Aking Journal -- Nobyembre 2019

Nobyembre 1, 2019 Hindi muna ako nag-gardening ngayong araw dahil masama ang panahon. Umulan kagabi. Umulan din ngayon. Humarap na lang ako sa laptop at printer. Nagprint ako ng thesis ko, na dapat ko nang ipasa sa Lunes. Naubos nga lang ang bond paper kaya mahigit isang set lang ang naprint ko. Mahigit tatlong sets ang dapat kong maiprint.Nang matapos ako sa printing, ang aquarium naman ang hinarap ko. Gusto ko ring gumawa ng vlog para sa pagset up ng tank, ng kaso, wala pa akong isda. Isa pa, maliit lang ang tanke ko. Ang lalaki pa naman ng batong nais kong ipandekorasyon. Gayunpaman nagawa ko iyon bago ako umidlip. Excited na akong magkaroon ng pet fish. Gabi, nakagawa ako ng vlog, gamit ang akda ko. Audio lang at isang gif ang ginamit ko. Nobyembre 2, 2019 Pagkatapos kong mag-gardening, naglaba naman ako. Tulong ko na ang iyon kay Emily kasi nagkakasakit siya kapag naglalaba, lalo na kapag sunod-sunod. Akin lang naman ang lalabhan ko. May ilan din silang damit, pero mas marami ang sa akin.Tapos na akong maglaba nang dumating ang mag-ina ko, galing sa grocery. Nakapagsaing na rin ako. Pagkatapos kong gumawa ng vlog, nag-print naman ako. Nagpabili na ako ng bond paper. Isang set uli ang natapos ko bago ko ipinahinga ang printer. Hapon na uli ako nagprint ng ikatlong set. Dalawa pa. Kayang-kaya na iyon bukas.Gabi, nag-layout naman ako ng NAT reviewer. Plano kong gawing booklet ang 100-item reviewer ko sa Filipino 6. Isinalin ko sa publisher. Lalagyan ko ng makapal na cover. Sumakit na ang mata ko, kaya huminto na muna ako. Nanuod ako, kasama ng mag-ina ko, ng 'Maalaala Mo Kaya.'Bago ako natulog, nagrekord ko ng boses ko, habang binabasa ang isa kong sanaysay tungkol sa epekto ng cellphone sa mga estudyante. Kung magagawa ko pang vlog iyon bukas, sisikapin ko. Nobyembre 3, 2019 Hindi pa ako nag-aalmusal, agad ko nang sinimulan ang pagpiprint ng thesis ko. Mabilis ko lang namang natapos ng dalawang sets, kaya after breakfast, ang pag-finalize naman ng NAT reviewer ang hinarap ko. Maghapon kong ginawa iyon. Nakadalawang print ako ng draft bago ko na-perfect. Past seven na iyon, kasi nag-gardening pa ako bandang alas-singko ng hapon. Maaga pa kanina, nakapaghanda na rin ako ng DLL. Nasimulan ko rin ngayon ang paggawa ng vlog. Bukas, sisikapin kong matapos iyon bago matapos ang klase. Bukas, magpaasa ako ng 5 copies ng chapters 1-3 ng thesis ko. Then, legs workout. Next day na ako bibili ng isda para sa aquarium ko. Baka gahulin na ako sa oras, since bibili pa ako ng folder bukas para sa thesis. Nobyembre 1, 2019Hindi muna ako nag-gardening ngayong araw dahil masama ang panahon. Umulan kagabi. Umulan din ngayon. Humarap na lang ako sa laptop at printer. Nagprint ako ng thesis ko, na dapat ko nang ipasa sa Lunes. Naubos nga lang ang bond paper kaya mahigit isang set lang ang naprint ko. Mahigit tatlong sets ang dapat kong maiprint. Nang matapos ako sa printing, ang aquarium naman ang hinarap ko. Gusto ko ring gumawa ng vlog para sa pagset up ng tank, ng kaso, wala pa akong isda. Isa pa, maliit lang ang tanke ko. Ang lalaki pa naman ng batong nais kong ipandekorasyon. Gayunpaman nagawa ko iyon bago ako umidlip. Excited na akong magkaroon ng pet fish. Gabi, nakagawa ako ng vlog, gamit ang akda ko. Audio lang at isang gif ang ginamit ko. Nobyembre 4, 2019 Kahit kulang ako sa tulog, pinilit ko pa ring pumasok nang maaga. Nagawa ko namang makarating sa school bago ako maipit sa traffic. Wala si Ma'am Madz kaya irregular ang palitan namin ng klase. Gayunpaman, napasukan kong lahat ang apat na sections. Ang isang section ay prorated. Sumakit ang sikmura ko kanina. Matagal akong nag-suffer. Siguro, pagkatapos kong bumili ng folder at clamp, saka lang nawala. Past 3:30, naipasa ko na sa CUP ang 5 copies ng chapters 1-3 ng thesis ko. Pinababalik ako sa Sabado para sa update. Past 4, nag-legs at biceps workout ako. After dinner, hinarap ko ang final editing ng reviewer. Nag-print na rin ako ng dalawang kopya. Grabe! Ilang beses ko nang inedit, marami pa ring errors. Anyways, okay lang naman. Napansin ko nang maaga bago pa nabasa ng iba. Nobyembre 13, 2019 Dahil hindi ako pumasok, nakatulog ako nang mahaba-haba. Past 7:30 na ako nagising. Ang sarap sa pakiramdam. Ngayong araw, feeling accomplished ako. Nagawa ko na ang powerpoint slides para sa oral defense ko sa Sabado. Naihanda ko na rin ang susuotin ko. Then, tinapos ko na ang zine at nagprint na ako. Nakagawa rin ako ng dalawang vlogs. Okay lang kahit hindi ako nakapag-gardening. Naihanda ko naman ng DLL para bukas. Nobyembre 14, 2019 May ibinigay na field student/practice teacher sa akin, si Sir Ramel, bandang alas-7 ng umaga. Palipat na ako nang klase no'n. Then, dahil wala ang VI-Charity, may time akong mainterview at maorient siya. Binigyan ko siya ng clue tungkol sa mga reyalidad sa DepEd at sa school. Sana maging komportable siya sa klase ko. Nine, nagkaroon ng simultaneous earthquake drill. Pagkatapos niyon, naging busy na ako. Ginawa ko ang research proposal ni Papang, against my will or after naglabas ako ng sama ng loob at nakapagbitiw ako ng mga salita. Gayunpaman, ginawa ko pa rin iyon. Natapos ko bago kami bumiyahe ni Ma'am Joann patungo sa St. Matthew's Publishing para sa seminar. Nahuli kami ng 18 minutes dahil sa traffic. Nailigaw pa kami ng taxi driver. Mabuti na lang, kasisimula pa lang. Nainspired ako sa mga topic. Sa tingin ko, magagawa ko nang magsimulang bumuo ng ebook. Ang galing ng seminar na iyon. Advocacy and at the same time, capacity building. Past 5 na natapos ang seminar, kaya past 10 na ako nakauwi. Ayos lang. Fulfilled naman. Nobyembre 15, 2019 Dahil Biyernes, NAT review day kami. Naging masigla akong nagturo at nagreview sa Love. Alam kong natutuwa sila sa mga patawa ko, kahit pasingit-singit ang sermon. Pumasok din ako sa Charity. May nakahalong Faith doon kaya masigla rin ako. Pagkatapos ng recess, nagreview uli ako sa Love. Naenjoy nilang lalo ang mga sandali nang nag-Tiktok ako habang may ginagawa sia. Kasama sila sa video. After class, punta ako sa CUP para magbayad ng colloquim fee at magbigay ng P2000 para sa pagkain. Mabilis lang ako roon, kaya nakapag-workout ako bandang 2:30. Nakauwi ako pasado alas-singko. Umuwi talaga ako nang maaga dahil umalis si Emily. Darating si Zillion mula sa school. Isa pa, maghahanda pa ako para sa oral defense. Nobyembre 16, 2019 Muntik na akong ma-late sa colloquim dahil sa Umboy pa lang, natrapik na ako. Mabagal pang magpatakbo ang bus driver at pick up nang pick up nang pasahero. Ang nakakainis pa, namali pa ako ng sakay sa dyip, kaya nagtaksi na lang ako. Gayunpaman, nakarating ako bago mag-alas-7:30. Naihanda ko pa ang sarili ko at ilang mga bagay. Nakakaba, pero sinikap kong kumalma. Natatakot akong humarap sa mga doktor ng edukasyon dahil hindi naman ako bihasa sa second language. Naipaliwanag ko naman nang maayos kahit nauutal ako. Nakakatuwa lang dahil positive ang study ko para sa chairman. Hangang-hanga siya sa tapang kong sabihin na may mali sa Phil-IRI. Nagustuhan din nila ang opening prayer ko. May mga babaguhin, idadagdag, at eenhance lang ako. Sumatotal, gumastos ako kanina ng mahigit walong libong piso. Umabot na ng sampung libong piso ang gastos ko, simula nang nag-thesis writing ako. Maliban pa ang pama-pamasahe at sa pagkain ko. Anyways, sulit naman dahil naconquer ko ang takot kong magdefense. Binati nila ako pagkatapos ng defense ko. Alam kong nagustuhan nila ang kabuuan niyon. Past 10:30, bumiyahe na ako patungong PITX. Pagkatapos akong kausapin ni Dr. Rivas, ang aking adviser. Sa PITX, umidlip ako, bago kumain at habang naghihintay ng reply ni Emily. Hindi ko nadala ang susi. Baka wala sila sa bahay, hindi ko maabutan. Ayaw ko namang maghintay sa labas. Nainis ko kasi malapit na ako sa bahay, saka lamang siya nag-reply. Alas-4 na ako nakauwi. Pagod na pagod na ako at antok na antok. Hindi ko nga siya pinansin nang dumating ako. Sabi ko, huwag niya akong kausapin. Hapon, nagchat ang kaklase ko sa masteral. Nag-defense din siya kanina, pero ayon sa kanya, negatibo ang feedback. Marami siyang aayusin. Sabi nga ng isang panel member, complete overhaul. Grabe! May nakakatanggap pa rin pala ng ganoong feedback. Pasalamat na lang ako, hindi ko naranasan iyon. Pinayuhan ko siya at pinalakas ang loob. Kailangang matapos din niya ng thesis. Nobyembre 17, 2019 Tahimik ako maghapon. Maaga pa lang, aloof na ako. Gumawa at nagprint ako ng DLL, grading sheet, at bulletin board display. Then, tinulungan ko si Emily sa pagsasampay. Nang nasa labas na ako, naggardening na ako at nagpaligo sa aso. Gumawa ako ng apat na vlogs ngayong araw. Ang dalawa roon ay aralin sa Filipino subject. Ang isa ay prayer. Iyon ang sinulat at ginamit sa oral defense, na nagustuhan ng panel. At ang isa ay moss terrarium. First time kong gumawa niyon. Nakakatuwa! Siguradong maaadik ako sa terrarium. Nagbasa rin ako ng mga corrections sa thesis ko, pero hindi muna ako nag-edit. Siguro sa Friday na. Nobyembre 18, 2019 Dahil kulang ako sa tulog, wala ako sa mood magpatawa sa klase ko. Kaya nga nang nagpasaway ng Charity, tumigil ako sa pagtuturo at binigyan ko agad sila ng activity. After class, gumawa ako ng moss terrarium sa silid ko. Nakakuha ako ng mga lumot sa likod ng office. Siyempre, ginawan ko iyon ng vlog. Pagkatapos, umidlip muna ako, habang naghihintay kong ma-upload ang video. Pag-alis ko, bandang quarter to four, hindi pa rin uploaded. Ipinagpatuloy ko na lang iyon sa PITX. Five o' clock na ako nakapag-bicep workout. Sa bahay, pagkatapos kumain, sinimulan ko ang bagong vlog. Adik na adik na ako. Gusto ko nang mag-Christmas break para mas marami akong magawa. Nobyembre 19, 2019 Nagturo ako nang masigla sa mga estudyante. Napag-groupwork ko rin sila. Unfortunately, hindi ko naturuan ang ibang klase dahil may Values Education from Bethany at may dental check-up. Nagalit lang ako sa Love after recess kasi ang baho ng silid. Nag-inarte na naman sa pagkain ng itlog. Nagsuka na naman ng iba. Tapos, andami na namang asin para sa dalandan. Nagpuputik na ang classroom dahil nagbabatuhan sila ng asin. Itinatago pa ang kalat sa ilalim ng upuan. Sinong guro ang hindi mahahighblood?! After class, nag-edit ako ng thesis ko. Kaunti lang naman ang corrections. Ang isang member ng panel, wala halos nakitang correction. Ang adviser ko, hindi ko naman maintindihan ang sulat. Hindi bale, magigets ko rin iyon sa susunod na araw. Past four na ako umalis sa school. Then, nag-stay ako sa PITX para mag-internet at manuod ng youtube videos. Nakakainspire ang mga vlogs na napanuod ko. Nakakawala ng pagod ang moss terrarium ko. Buhay na buhay na iyon. In fact, malapit nang mag-bloom ang bulaklak ng clover sa loob niyon. Nobyembre 20, 2019 Nagpa-summative test lang ako kanina, since nadiscuss ko na ang nasa DLL ko. May bisita pa naman. Nahighblood lang ako sa kahinaan sa pakikinig ng VI-Peace. Nagalit ako kasi katatapos ko ang mag-explain, nagtanong pa kung ano ang gagawin. Nakakapagod! Nakapagmura rin ako sa Love dahil ang iingay nila. Kasasabi lang na may darating na bisita, sila naman panay ng daldal at pasaway. Nakakawalang gana talaga silang mahalin. After class, nakapagpahinga ako. Umidlip ako sandali at naghanap ng mga materyales para sa terrarium. Nakagawa ako ng isa pa. Nagawa ko ang vlog sa PITX. Naipost ko iyon sa bahay. Nobyembre 21, 2019 Nagturo ako ng pagsulat ng tula. Interesado lang ang iilan, kaya nagalit na naman ako. Okay lang sana kung ayaw nilang matuto, ang kaso nadidisturb ako at ang iba. Higit lalo kong napagalitan ang Charity. Nasermunan ko rin uli ang Love. Ang Faith naman, ganoon pa rin. Sila pa rin ang nakapagpapasaya sa akin. Pagkatapos ng klase, hinarap ko thesis. Medyo nabawasan lang ako ng oras sa pagagawa dahil nakipagkuwentuhan pa ako kay Ms. Krizzy at nakipag-usap ako kay Mareng Lorie. At least, okay na kami. Gayunpaman, kahit paano, umusad ang nirirevise kong thesis. Before four, nakasabay ko sina Mareng Lorie at Yohan. Close na close sa akin ang bata. Tuwang-tuwa siya dahil magkakasabay kaming bumiyahe patungo sa PITX. Before 7, nasa bahay na ako. Nakagawa ako ng vlog, pero hindi pa nai-upload sa youtube. Nobyembre 22, 2019 Nag-review kami sa NAT. Walang pirmal na klase. Andami kasing obstruction, such as report, meetings, class discipline, at iba pa. Maghapon akong naapektuhan ng issue ng guro na na-TV at nademoralize dahil kay Tulfo. Sobrang nakakababa ng pagkatao. Kaya naman lahat halos ng guro ay nagliyab sa galit. Nang nabalitaan naming nagkabati na, parang lalo kaming nagpuyos sa galit. Gusto naming mabigyan ng sanction si Tulfo at ang programa niya. Nakita ko ang potensiyal ng pagkakaisa ng mga guro. May boses sana kami, wala lang kaming leaders na matino Kahit nang nag-leg workout ako, wala pa rin ako sa mood dahil sa nangyari. Grabe ang epekto niyon sa kaguruan. Parang wala na nga kaming karapatang magdisiplina sa ng estudyante. Past 8 ako nakauwi dahil walang minibus sa PITX. Kinailangan kong pumila sa aircon bus. Nobyembre 23, 2019 Bago ako bumangon para magkape, nagbasa muna ako ng mga tula ng mga estudyante ko. Pinili ko ang mga magaganda at pasadong akda. Past nine na ako nakapag-almusal kasi late na nagising si Emily. Nakapagdilig na nga ako ng halaman at nakapaglinis ng doghouse. Ten, umalis ang mag-ina ko para mamili. Nagpabili ako ng induction cooker. Ako naman, gumawa at ng vlog ng terrarium. Nagamit ko na ang bago kong tripod. Hapon, tinapos ko na ang revision ng thesis ko. Ready-to-print na ito. Gabi, nakapagpost ako ng tula ng mga bata. Nakagawa pa ako ng ASMR vlog. Ginamit ko ng buhangin at bato para makagawa ng tingles. Ang tagal lang mag-upload. Inabot ako ng lampas hatinggabi. Nobyembre 24, 2019 Past 8, gising na ako, pero hindi ako agad bumangon, nakakatamad kasi. Nang bumangon naman ako at makapag-almusal, tuloy-tuloy na ang trabaho. Walang pahinga at walang idlip. Ngayong araw, marami akong nagawa sa garden. Nalinis ko rin ang kulungan ng aso. Natulungan ko si Emily sa pagsasampay. Nakapagprint ako ng DLL at IMs. Nakapag-edit ako ng thesis. Naiprint ko na rin. At ang pinakamahalaga, nakagawa ako ng vlog. Nagamit ko ang bago kong tripod para sa reading aloud. Binasa ko ang 'Ang Mahiwagang Refrigerator.' Naiinis lang ako dahil wala nang internet. Napakaaga nitong maubos. Gusto ko na talagang kumita sa vlogging para makapag-avail ako ng mas mabilis at unlimited na internet. Gabi, nag-encode ako ng mga akda ng pupils. Andami pa sanang ieencode, kaya lang masakit na ang mga mata ko. Ayaw ko namang lumabo ito. Nararamdaman ko na nga ang panlalabo. Minsan, hindi ko na mabasa nang malayuan ang mga numbers o letters. Kailangan ko ang lapitan at titigan. Nobyembre 25, 2019 Nagturo ako ng 'Pagbibigay ng solusyon sa suliranin sa paligid.' Gaya ng mga nakaraang araw, nagsermon ako, pero mas may hugot ngayon dahil binanggit ko ang kalapastangan ni Tulfo sa mga guro. Nais ko lang kasing malaman nila na mali ang gagawin nila kung sakaling lumapit din sila sa maling tao. Past 11, nagpaobserve ako kay Ma'am Rose. Sa VI-Faith ako. Mabuti't cooperative ang klaseng iyon kaya hindi ako kinabahan. Wala lang... Parang normal class lang. After class, umidlip ako. Naistorbo lang dahil sa tawag ni Sir Erwin. Nag-coop board meeting kami. After meeting, pumunta ako sa CUP para ipasa kay Dr. Rivas ng revision ng thesis ko. Kaya lang, mali pala na kay Dr. Rivas ko ipasa. Ayon ito sa clerk. Dapat panel daw kasi pipirma sila kung talagang binago ko ang corrections nila. Nagdesiyong akong bumalik bukas dahil naiwan ko ang copies na may corrections nila. Ang kay Dr. Rivas lang kasi ang dinala ko. Okay lang. Hanggang Wednesday pa naman ang palugit ko. Kaya lang, may meeting ako bukas. Sana may oras pa bukas. Past 4, nag-bicep at chest workout ako. Past seven, nakauwi na ako. Nobyembre 26, 2019 Maaga pa rin akong nakarating sa school kahit 4:00 na ako bumangon. Six-thirty pa naman ang start ng klase namin dahil sa DST. Good thing naman kasi nakipagkuwentuhan pa ako sa canteen helpers at kay Sir Hermie habang nagkakape roon. Dahil may meeting ako, nag-iwan muna ako ng group activity sa mga bata pagkatapos kong magturo. Mabuti dumating agad ang FS ko kaya nahabilinan ko siya. Iproprorate sana ang VI-Love. Sa seminar ng Faculty Federation officers, natuto ako ng mga leadership skills. Tungkol sa motivation ang tema. Agad din akong nabigyan ng task ng isang officer. Ako ang part ng Commitment. Ikalawang beses ko na iyon gagawin, kaya pumayag ako. Iniba ko lang ang ibang linya. Namangha ang mga co-leaders ko nang binigkas ko na iyon nang malinaw. Sabi ni Sir Ren, grabe raw ang mga words ko. Past five, bumiyahe na ako pauwi. Nabadtrip lang ako sa chat ni Emily. Nagpatuob daw siya kasi napasma raw. Nagutuman at nagplantsa. Diyos ko! Hindi ko talaga napigilan ang sarili ko. Andaming good news na sasabihin, iyon. Ayaw na ayaw ko pa naman ng chat tapos bad news lang. Hindi na lang ako hintaying makauwi. Sana matuto na siya. Nakakawala ng ganang umuwi kapag problema ang isasalubong sa akin. Nobyembre 27, 2019 Nainis ako pagpasok ko kasi may mga magulang na pumunta para kumuha ng card. Nag-announce ako kahapon na hindi ako mag-iissue dahil may seminar ako. Hindi ko magagawa sa araw na iyon. Hayun, nasermunan ko pa tuloy ang mga magulang. Later, naging kalmado na ako. Nakapag-almusal na kasi. At eight, nagkaroon ng Recognition Day ng mga AM classes. May dalawa akong honors. Alam kong nalungkot ang isang nalaglag, pero sana maging challenge iyon sa kanya. Nakita ko naman ang kaligayahan ni Andrea nang matanggap niya ang sertipiko. After class, naghintay ako ng Recognition Day ng PM classes. Kinuha rin kasi nila ako para mag-closing remarks. Sa mga talk ko, nasabi ko ang disiplina at respeto. Sa pang-umaga, inaddess ko iyon sa mga magulang. Kako, "Walang pinagbago ang noon at ngayon, ang nag-iba lang ay ang kurikulum at sistema. Huwag sanang magbago at mawla ang inyong respeto sa mga guro at pamunuan ng paaralan." Iyan ang pinakanatatandaan ko. Sa mga panghapon, sabi ko, "Alam naman po siguro ninyo, mga magulang ang issue about Tulfo... Hindi po nagbago ang edukasyon. Supportive pa rin kayo. Kami naman ay dedicated. Sana lang hindi mawala ang respeto at disiplina. Mga bata, may disiplina pa ba kayo? (Opo!) Parang wala na... Nasa inyo pa rin ba ang disiplina? (Opo!) Tandaan, hindi lahat ng matalino at disiplinado, pero lahat ng disiplinado ay matalino." Alam kung matatandaan iyon ng mga nakinig. Umalis agad ako sa school pagkatapos niyon para ipasa at papirmahan ang form na katibayan na nirevise ko ang thesis ko ayon saga kagustuhan ng panel. Bumili muna ako ng macaroons sa Goldilocks para ipamigay sa kanila. At bumili rin ako ng tubig sa schoool canteen. Hinanap ko na panel ko. Nakadalawa akong akyat baba. Sa ikatlong akyat ko, nakita ko na si Dr. Llamas. Agad niya akong inentertain. May mga nakita pa siyang errors at ilang hindi ko nabago. Yet, satisfied siya sa gawa ko. Si Dr. Bal'Oro naman ang nakita ko. Nagtsek siya ng mga changes, pero hindi pa siya pumirma. Sabay na lang daw sila ni Dr. Ramos sa December 3. Nasa Baguio pa kasi. Babalik na naman ako. Dagdag-gastos na naman. Haist! Okay lang, pero sana aprubahan na nila. Sa PITX, umidlip ako after kong magmeryenda. Then, nag-internet ako bago nag-forearm at tricep workout. Past 7:30 na ako nakauwi. Pagod ako, pero fulfilled kahit paano. Nobyembre 28, 2019 Hindi na ako nagturo sa klase ko kasi 7:00 am, nagsimula na ang 'Pagtatalaga sa mga Batang Iskawts, kung saan ako ang mananalangin. Hindi na nga ako nakapag-almusal nang maayos. Past 10 na natapos. Iyon lang din ang time na nakapag-almusal ako. Nag-announce muna ako ng tungkol sa claim ng financial assistance at kuhaan ng card. After ng investiture, hinarap ko ang klase ko para bawiin ang announcement ko. Hindi ako makakapag-issue ng card sa Sabado kasi may seminar ako sa Lampara. Okay naman sa kanila na sila na lang ang kukuha sa December 3. Ang kaso, walang pasok mula December 2 hanggang 6. Natuwa kami sa one week na bakasyon. Past 1, nagmeeting kami sa SBM tungkol sa SMEA at SBM. Nagulat ako kasi isinali ako roon nang hindi ko nalalaman. Gayunpaman, dumalo ako. Nagpahayag lang ako ng saloobin ko. Isa roon ang pagpasa ko ng action research proposal, na hindi pa pinipirmahan. Kako, "Kapag kailangan ng tulong, tumutulong ako. Pero kapag pirma nila ang kailangan ko, ipagkakait pa. Huwag gano'n. Nakakatamad tuloy gumawa at tumulong kapag ganyan." Past 4 na kami natapos sa meeting. Sa PITX, sinubukan kong umidlip bago ako umuwi, pero nabigo ako. Umuwi na lang ako bandang alas-sais. Nobyembre 29, 2019 Pagkatapos mag-almusal, pinagsama-sama namin ang iilang Grade Six na pumasok para magawa namin ang mga gawain namin. Nagpagawa kami ng crafts para sa pinaplano naming stage decoration. Hindi na nga ako nakatulong sa day camp. Past 1, nagmiting kami tungkol sa DepEd memo na walang pasok ang GES mula December 2 hanggang 6 dahil sa SEA Games. Muntikan pang bawiin ni Dr. Torrecampo. Naasar lang kami sa kanya. But then, hindi naman nangyari. Nagpamiting din ako tungkol sa Christmas party. Naisingit din nila ang tungkol sa birthday ni Ma'am Laarni. Bibigyan na lang namin siya ng cake at bouquet sa December 13-- Christmas party ng faculty members. Okay na iyon. Nasimulan na namin ang pagdecorate. Tinulungan kami ni Sir Joel G na gumawa ng belen. Nagpabili naman kami ng black paint kay Mang Bernie. Si Kuya Teng naman ang nagpintura. Hindi ko lang nasimulan ng ibang design kasi late na nabili ang materials. Nagdatingan na ang mga scouts na dadalo sa overnight camping. Photographer at videographer ang role ko sa camping. Double purpose. Gagawin kong vlog. Enjoy naman ang camping, kahit maiingay ang mga scouts. Hindi ako nakatulog agad, kaya sumali na lang ako sa inuman nina Sir Joel G, Sir Ren, at Kuya Teng.l, bago ako nahiga sa Kinder room. Mga 2 am na siguro iyon. Nobyembre 30, 2019 Before 5, gising na ako dahil maiingay na ang mga scouts. Kahit paano, may mahigit dalawang oras akong tulog. Past six, nagsimula na ang closing ng camping. Nakapag-almusal na ako sa mga oras na iyon, kaya nagawa ko pang makipagzumba sa mga scouts at scouters. Past seven, bumiyahe kami ni Ma'am Joann patungo sa Precious Pages para sa seminar-- Kuwentuhan. Hindi kami natraffic, kay may kaunting oras pa kami para sa kuwentuhan. Natutuwa kami dahil naging bahagi kami ng isa na namang writing seminar-workshop. Paggawa ng kahanga-hangang tauhan ang topic nito. Bago sa akin, kaya nakakaexcite. Si Al Santos ang speaker. Mahusay siya. Down-to-earth, kahit mataas ng profile niya as writer. Andami kong natutuhan sa kanya. Bagong-bago na naman ang topic. Ibamg-iba sa dati kong kaalaman. Kaya naman, naibida ko ang kuwento ng tsinelas. Past 5, umuwi na kami ni Ma'am Joann. Pagod na pagod at antok na antok ako. Mabuti, nakasakay ako agad. Past 8 na ako nakauwi. Umakyat agad ako at nahiga. Plano ko lang umidlip bago kumain, pero mas pinili kong ituloy ang pagtulog.

Friday, October 11, 2019

Ang Aking Journal -- Oktubre 2019

Oktubre 1, 2019 Maaga akong nakarating sa school, kaya nakapag-almusal ako bago nag-akyatan ang mga estudyante ko. Nagpa-written work ako sa VI-Love habang nagdyi-general rehearsal. Then, gumawa kami ng pandekorasyon sa entablado. Hindi kasi kumilos ng mga committee sa stage decoration. Baga mag-uwian ang nga estudyante, nasa entablado na ako--nagkakabit ng mga tela. Past two na namin natapos ang decoration.Nakapag-lunch naman kami ni Ma'am Vi. Enjoy naman ako kahit kami-kami lang. Napakaganda naman kasi ng output.Dahil pinaghintay ako ng principal-- may meeting daw, umidlip ako sa classroom. Hindi nagtagal, bumangon na ako para umuwi. Dumating si Ma'am nang nakababa na ako, pero hindi na raw tuloy ang meeting tungkol sa SBM. Late na tuloy akong nakapag-workout. Biceps ngayon ang tinira ko. May ilang legs din. Hindi nga umabot ng isang oras. Pagod na ako.Eight na yata ako nakauwi. Hindi na ako nakapag-thesis writing. Okay lang naman. Babawi ako sa mga susunod na araw. Oktubre 2, 2019 Naging successful ang pagdiriwang ng Teachers' Day namin sa school. Alam kong naligayahan lahat ang mga guro lalo na sa harana part. Nakatanggap sila ng personalized gift, na may hugot.At sana na-touch ko ang mga puso nila sa aking closing remarks, na patula.Bitin man ang kasiyahan, itinuloy namin iyon sa Cuneta Astrodome para sa Division Teachers' Day. Nag-enjoy naman kami sa mga performances. Pero, hindi na naman kami halos nanalo sa mga pa-raffles. Minor prizes lang ang natanggap ng tatlo naming kasamahan. Inabot kami roon ng alas-7 sa kahihintay na mabunot ang pangalan. Wala talaga akong suwerte sa mga ganyan.Past nine na ako nakauwi sa bahay. Pagod at antok na ako. Wala na akong ganang kumain, kaya uminom na lang ako ng fresh milk. Oktubre 3, 2019 Wala kaming palitan ng klase, wala kasi si Ma'am Madz. Okay lang naman. Kaya lang, hindi ako komportable na may nakahalong ibang section sa klase ko. Hindi ako makabuwelo. Mas nadoble pa yata ang pagpasasaway ng advisory class ko. Kahit tinambakan ko sila ng gawain, ayaw pa ring magsitigil sa kadadaldal. Kaya naman, halos kalahati ng klase ang hindi agad nakauwi. Ang iba, wala talagang ginawa. Ang iba, hindi tapos. Nakita ko talaga kung sino-sino ang matiyaga at sino-sino ang tamad. Kung hindi nga lang ako nagmamadaling umuwi dahil sa thesis, pinagbigyan ko sila hanggang maghapon.Past 3:45 na ako nakapag-gym, umidlip pa kasi ako sa waiting area sa PITX. Triceps at legs ang binanatan ko. Past 6:30 na ako nakauwi. Sobrang traffic talaga. Nakakainis! Kailan kaya natatapos ng paggawa sa tulay sa Tejero? Nakakaabala kasi. Andaming napeperwisyo. Pagdating ko, agad akong nagbukas ng laptop. Gumawa agad ako. Kahit paano nadagdagan ang thesis ko. Oktubre 4, 2019 Hindi kami nagpalitan ng klase dahil tigkakaunti lang ang estudyante namin. Siguro dahil nabalitaan nilang walang pasok ang ibang schools at ibang dibisyon. Okay lang naman sa akin. Tinatamad pa rin naman akong magturo. Ang hindi lang okay ay ang disiplina ang advisory class ko. Kahit kaunti lang sila, doble pa rin ang ingay. Nagsipasok ang mababait.Nagpasulat lang ako ng liham pangangalakal pagkatapos kong isulat sa pisara ang lecture. Alam kong alam na nila iyon.Nag-almusal kaming advisers bilang celebration ng Teachers' Day. Nakapagkuwentuhan din kami kahit paano.Binisita ko nina Mary-Joy at Summer bago ang uwian. Nakatulong pa sila sa pag-cut out ng ididikit sa stage. May mga bisita sa Lunes. Umidlip ako pagkatapos pero hindi nagtagal, naistorbo iyon dahil sa tawag ni Ma'am Milo. Ibinalita niya ang pagkapanalo ko sa pahabol na raffle sa Division Teachers' Day. Hindi na ako na-excite kasi si Ma'am Laarni mismo ang nag-forward sa akin ng notice. Sa Monday pa maki-claim ang P500.Past two, umalis na ako sa school. Natagalan ako sa paghihintay ng bus patungong PITX, kaya 3:35 na ako nakapag-workout. Six-thirty na ako nakauwi. Past 7, nanuod kami ng 'The Croods.' Ang ganda ng movie na iyon. Tawa kami nang tawa. May moral lesson din. Oktubre 5, 2019 Ako na naman ang pinakamaagang dumating sa klase. Nang dumating ang isa kong kaklase, napilitan akong samahan siya sa faculty office para makausap ang prof namin, mukha kasing hindi na siya aakyat doon.Nakausap namin siya. Maayos naman aiyang kausap. Naibigay ko na sa kanya ng questionnaire na pina-fill up kay Ma'am Edith. Then, naitanong ko kung approve na ang request kong maging adviser siya. Hindi pa raw, kaya pumunta na ako sa school para maglinis.Sa school, nagpintura muna ako. Then, naglinis at nag-organize ng mga gamit. Past ten, natigil ang paggawa ko dahil sa pagdating ni Ma'am Vi. Marami siyang pinamiling halaman, kaya nag-gardening kami. May libreng lunch para sa mga gurong pumasok. Isang masarap at nakabubusog na tanghalian ang hinanda para sa amin. Kakau ti man kami, alam kong natuwa si Ma'am sa suporta namin sa kanya. Ipinagpatuloy ko ang paglilinis sa kuwarto. Hindi ko na naharap ang thesis at ang narrative report. Okay lang. At least, mas maganda na ngayon ang classroom ko.Before 5, umuwi na ko. Napagdesiyunan kong hindi na muna mag-workout. Pagod na kasi ako. Past 7:30 na ako nakauwi dahil na traffic. Before and after dinner, ginawa ko ng narrative report. Hindi ko man natapos, at least, nadagdagan ko. Gusto ko pa sanang manuod ng movie after ng MMK, kaya lang sobrang antok ko na. Hindi ko na kaya. Oktubre 6, 2019 Kahit paano, nakabawi ako ng ilang araw na puyat. Before 7, gising na ako. Masigla ang katawan ko. Kumbaga, nasa kondisyon akong magtrabaho. Kaya naman, after kong mag-almusal, naglaba ako. Nagawa ko iyon sa loob ng dalawang oras. Naisingit ko pa ang pagga-garden at paglilinis ng doghouse.Then, nag-thesis naman ako at naghanda ng DLL at pang-bulletin board display. Naipagpatuloy ko rin ang paggawa ng WTD narrative report. Sa buong maghapon, halos matapos ko na ng thesis at narrative report ng Teachers' Day. Kapag hinanap na sa akin ni Ma'am, may ipapakita naman ako kahit paano. Matagal lang gawin kasi ginagandahan ko talaga. Oktubre 7, 2019 Dahil nag-diarrhea ako bago ako naligo, nagdalawang-isip ako kung papasok ako o hindi. Nanghihinayang ako, pero ayaw ko namang maabutan sa sasakyan. Kaya, tinantiya ko ang sarili. Nagdesisyon akong sumakay sa minibus para sa PITX ako bumaba. Ang kaso, hindi agad ako nakasakay. Ang sumatotal, nahuli ako dahil naabutan na ako ng traffic. May banggaan pa sa Zeus.Past 6 nasa PITX pa lang ako. Nag-decide akong mag-research na lang sa National Library. Siyempre, nag-almusal muna ako sa faatfood chain. Wala na akong naramdamang pag-aalburuto sa sikmura ko. Kaya naman, nang nakapasok na ako na Pambansang Aklatan, okay naman. First time ko roon. Online na ang paghahanap ng references. Nagmali-mali man ako, pero kaagad kong nagamay. Marami akong nakalap na data sa loob ng apat na oras. Past 1, na-claim ko na ang winnings ko sa raffle noong Division Teachers' Day. P500 din iyon. Nabawi ko ang gastos ko sa pagkain at pamasahe. Before 5 nakauwi na ako. Ginusto kong umidlip pero hindi ko nagawa. Sa halip, ginawa ko ang thesis. Nang matapos, ang narrative report naman ang hinarap ko. Almost done na pareho iyon. Sooner or later maipapasa ko na ang mga iyon. Oktubre 8, 2019 Tatlo lang kaming advisers kanina kasi absent ang isa, ang isa ay nasa journalism... Sumatotal, walang palitan ng klase. Pero, gumawa kami ni Ma'am Vi sa bulletin board.Nagalit na naman ako sa VI-Love kasi nagtapon soup ang babaeng estudyante ko kasi inasar daw siya ng naki-sit in na estudyante. Pinagalitan ko nga at pinaglinis. After class, umidlip ako pero naistorbo dahil s tawag ngbguard. Alam kong si Ma'am ang nagpapatwag, pero hindi ako sumagot. Naputol ang tulog ko, kaya gumawa na lang ako ng youtube video at nagpost. Then. nag-research ako ng mga kailangan ko sa thesis. Marami akong nakalap.Before 4:30, nakausap ko si Ma'am about sa field trip. Ako ang ginawa niyang overall coordinator. Hindi na ang mga MTs. My pleasure naman, kaya tinanggap ko. Need daw kasing magpasa ng narrative report after ng tour. Saka gusto niyang ma-avail ang libre bus ride from the marketer. Before 7, nas bahay na ako. Hindi ako masyadong na-traffic. Natapos ko tuloy ang NTD narrative report. Nakapagdugtong pa ako sa thesis. San makatulog na ako nang mahimbing ngayong gabi. Two nights na akong halos walang tulog, e. Hindi ko na kakayanin kapag hindi pa rin ako makatulog ngayong gabi. Hindi man masakit ang ulo ko, pero mainit naman ang ulo ko at naging mas bugnutin ako. Oktubre 9, 2019N agpalitan na kami ng klase. Kompleto na kasi kami. Kaya lang, ayaw pa yatang matuto ang ibang section, especially Charity. Nagalit pa ako sa kanila at hindi na iyinuloy ang discussion. Pinag-group activity ko na lang sila. At gaya ng expected ko, hindi nila nagawa nang maayos. Mabuti na lang, nabawi ng Faith ang disappoinment ko, sila lang ang madalas magpangiti sa akin. After class, sinubukan kong umidlip, pero hindi nagtagal, bumangon na ako para umuwi. Pero pagbaba ko, hinintay ko pa ang mga katupa ko. Nagmiting sila. Past 3:00 na kami nakalabas sa school. Bandang 3:45, nasa AF na ako. Biceps at legs ng winork-out ko ngayon. Pagdating ko, hinanda ko ang mga succulents na ibibigay ko kay Papang. Then, humarap na ako sa laptop. Natapos ko nang i-edit ang narrative report, base sa tsinek ni Ma'am. At, nadugtungan ko uli ang thesis ko. Malapit nang mabuo ang Chapters 1-3. Soon, ang questionnaire naman ang gagawin ko. October 10, 2019 Sa tatlong section lang ako nakapaturo dahil sila lang ang nabola ko. Ang Love, hindi ko pa rin nakikitaan ng pagbabago, kaya patuloy ko silang pinarurusahan. Ang Charity, pinakitaan ko ng pananahimik. Pinaskil ko lang ang IM ko, pinakopya ko, at pina-written work sila. Palabas na ako nang nagsalita ako. I hope matuto na silang rumespeto sa nagsasalita sa harapan. Matuto na sana silang makinig at magpahalaga sa edukasyon.Sa Faith, na-enjoy ko ang araw ko. Sila lang talaga ang nakakapagpangiti sa akin. Natutuwa rin naman sila kapag ako ang guro nila. After class, umidlip ako. Pagkatapos, thesis at periodic test construction naman ang inasikaso ko. Past 4 na ako lumabas sa school. Natagalan naman ako sa Buendia. Walang masakyang bus. Oktubre 11, 2019 Hindi ko na pinapasok sa classroom ang VI-Love dahil bukod sa 21 lang sila, mas marami ang Peace, na siya pang maiiwanan ng adviser, gawa ng Science contest, sila pa ang pinakamarami, ay nadiskubre kong hindi pala sila nagda-diary. Hindi rin halos nila pinabasa ang libro sa FORTY Reading Program ko. Nakakainis! Pati ang naturingang with honors na estudyante, ganoon din. Binantayan ko sila sa labas hanggang sa umalis na ang Science teacher. Prinorate ko ang VI-Love. At ako ang nagbantay sa Peace. Nagpalitan din kami ng klase. Nagturo muna ako sa Faith kung saan naroon ang mga boys. Hiniwalay ko sila ng upuan para maramdaman nilang hindi sila belong sa story reading ko. Gusto kong ma-realize nilang nagkamali sila at masakit pala ang binabalewala. Na-enjoy ko naman ang Peace. Nang ginusto nilang maglaro after recess, pinagbigyan ko. Mgab30 minutes din silang nagkanya-kanya ng laro. May nag-Chinese garter. May nagsipa. May nag-jackstone. Then, nagturo ako. Pina-spelling ko sila ng mga salitang maririnig sa babasahing kuwento. Then, binasahan ko muna sila ng reverse poetry ko, na para sana sa Love. Pagkatapos niyon, ang kuwento na ng kambal. Nakapagpasa naman sila ng written work, kaya nag-film showing na kami hanggang uwian. Hindi man natapos ang pelikula, naligayahan naman kami. Natuto ang lahat. After class, umidlip ako. Then, gumawa ng thesis. Past 4 na ako lumabas sa classroom ko. Nakasabay ko pa ang ilang Grade 1 teachers sa paglabas sa school. Sa AF, nag-legs at back workout ako. Napagod agad ako wala pang isang oras, kaya umuwi na ako. Past 8, nasa bahay na ako-- pagod at gutom, yet fulfilled. After dinner, nanuod kami ng Coco. Ang ganda ng concept ng movie. Naiyak ako sa dulo. Sayang hindi natapos ng mag-ina ko dahil umakyat na sila para matulog. Oktubre 12, 2019 Gustuhin ko mang matulog hanggang eight, hindi ko kinaya. Maingay na ang paligid, alas-sais pa lang ng umaga. Kaya, napilitan akong bumangon. Nauna pa akong lumabas kina Emily at Zillion, na aalis para sa school affair (film showing) sa Robinson's. Nagga-gardening na ako bago sila umalis. Past nine na ako pumasok. Nagpahinga lang ako nang kaunti, ang thesis naman ang hinarap ko. Nagprint na ako ng thesis ko for editing. Mas maganda kasing i-edit ang hard copy kaysa sa soft copy. Aksayado nga ang sa ink at bond paper. Pero, hindi na bale. Gusto kong masigurong tama ang ginagawa ko at may quality. Past 3, umidlip ako. Mag-aalas-singko na ako bumangon. Past 7, nanuod kaming mag-anak ng movie. 'Charlotte's Web' ang pinanuod namin. Pero bago iyon, pinanuod muna namin ang tatlong spoken word poetry. Nag-umigting na naman tuloy ang desire kong mag-spoken. Haist! Oktubre 13, 2019 Nag-gardening muna ako bago kami nag-put up ng Christmas tree. Hindi lang basta kami nagkabit, nag-video ako. Kinuhaan ko ng mga video si Ion para sa vlog ko. Game naman siya. Medyo awkward pa siya magsalita, pero alam kong nagustuhan niya ang kanyang ginawa. Then, nang gagawa ako ng blue ternatea cucumber juice, naisipan kong mag-vlog uli. Si Emily naman ang nagpakuha ng videos. Natuwa ako dahil unti-unti ko nang nagagawa ang pagba-vlog. Katuwang ko ang mag-ina ko, kaya naniniwala akong magiging successful ito. Nawa. Hindi ko nga lang nabuo ang video kasi ayaw tanggapin ng Kine Master ang format ng videos ko. Magda-download pa ako ng bagong video editor. Oktubre 14, 2019 Absent si Ma'am Vi, pero nagpalitan kami ng klase. Nag-overtime lang ako sa Love kasi wala pa rin silang diary. Ang iba, June pa lang. Napakairesponsable nila talaga. King hindi lang darating ang NCR evaluators ng Brigada Eskuwela, hindi ko sila pinapasok. Ginamit ko ang maikling kuwento kong 'Ang Kambal' para maituro ko ang layunin kong 'Nabibigyang-kahulugan ang usapan sa kuwentong napakinggang.' I know, nagustuha. nila ang kuwento. Napa-group activity ko rin sila. Nainis nga lang ako sa literal, walang latoy, at mahinang boses nilang presentasyon. After class, umidlip ako. Past two na ako bumangon para harapin ang thesis ko. Past 4 na ako lumabas sa school. Past 5, nasa AF na ako. Nag-triceps at shoulders workout ako. On the way, na-edit ko ang vlog ni Ion na ia-upload ko sa youtube. Natuwa nga ang mag-ina ko nang mapanuod nila. Pangarap na nga naming tatlo na maging vloggers. Sana magtuloy-tuloy na ang paggawa namin ng video. Excited na ako. Oktubre 15, 2019 Pinapasok ko na agad ang mga estudyante ko. Nakaplano na ang aking sermon. Kaya lang, kakaunti ang pumasok. Takot na silang pumasok dahil hinahanapan ko diary at libro. Tahimik silang nakinig sa sermon ko. Binanatan ko sila nang husto. Alam kung nanliit sila. Sana lang mag-penetrate sa puso nila. Naubos ang buong period sa pagalit kong mahinahon. "Wala na akong pakialam sa inyo!" Iyan ang isa sa mga binitawan kong pahayag. Dahil dito, pati sa Charity, nagsermon ako. Hindi ako nagpa-group activity lasi nainis ako sa kabagalan nila. Halos ayaw sumagot sa mga taning ko, samantalang madadaldal sila. Pagbibigay lang ng opinyon ang aralin namin, hindi pa makapagsalita. Hayun. pinasulat ko na lang. Kailangang magpasa lahat para tanggapin ko. Nagawa naman nila. Sa Peace, masaya na akong nagturo, gayundin aa Faith, na talagang inabangan ang pagtuturo ko. Kahit mag-overtime ako sa kanila, gustong-gusto nila. I hope palagi nila akong napapasaya. Oktubre 16, 2019 Parang nakalimot na naman ang VI-Love. Maiingay at magugulo na naman sila kanina. Pero, wala silang narinig na salita sa akin. Tinitingnan ko lang nang matalim ang mga nagpapasaway. Tumitigil naman sila. Nagturo ako sa lahat ng section, maliban sa kanila. Alam na naman kasi nila ang gagawin. Paggamit ng wastong pandiwa lang naman ang aralin. Pinasulat ko sila ng diyalogo. After class, nag-research ako sa google para sa thesis ko. Kaya lang, nabalitaan ko mula sa janitress na darating ang bagong SDS, kaya lumabas na ako kaagad sa school baka mautusan pa ako ng principal dahil nangangarag na ng mga Front Runners. At ang masaklap, baka maabutan pa ako ng SDS. Nag-arms and back workout ako sa AF. Isang oras lang, pagod at ngawit na ako. Okay lang naman ang ganoon, kailangan ko na kasing makauwi agad para makapaghanda ng learning materials para bukas. Magpapalaro ako bukas habang natututo sila ng lesson ko. Gusto ko namang masaya ang mga estudyante. Lagi na lang akong nagagalit sa kanila. Lately, nagiging bugnutin ako. Kaunting kilos at kamalian, nagagalit na ako. Ayaw ko na nang hindi sila nagre-recite. Nakapag-edit at nakapagdagdag pa ako sa thesis ko, pagkatapos kong maghanda ng IMs. Thanks, God! Oktubre 17, 2019 Inspired sana akong nagturo kasi may maganda akong instructional materials, ang kaso lang, binigyan ako ng trabaho ng principal. Ipinamigay ko ang permit ng field trip sa bawat grade. Pati sa hapon, ginawa ko iyon. Okay lang naman. Napagawa ko naman ang karamihan ng mga estudyante habang busy ako. After class, umidlip muna ako. Past two na ako gumawa ng thesis. Almost done na iyon. Naisip kong mag-print uli pagdating ko sa bahay. Isa pang editing ang gagawin ko, then ipapasa ko na. Sa biyahe, chinat ako ni Mrs. Vilbar. Nagpapatulong na naman siya sa kanyang demo/report. Inako ko naman kasi nasanay na akong tulungan siya at nasanay na siyang humingi ng tulong. It's my pleasure naman kasi ako ang napili niyang hingian ng tulong. Before nine, nakapagprint na ako ng thesis (1-3) at zines na gagamitin ko sa lesson at ibebenta bukas. Sana mag-enjoy ang mga klase ko bukas. Oktubre 18, 2019 Nagulantang ako sa balitang namatay na ang pamangkin ni Ma'am Vi. Noong Monday lang, isinugod ito sa hospital, kaya absent siya. Grabe pala ang pneumonia! Silent killer. Apektado ang palitan namin ng klase. Pero, nagturo ako sa dalawang section. Nakausap ko rin sina Ma'am Joan at lady guard tungkol sa reklamo ng magulang dahil sa hindi pagapapasok sa kanya at pagtatanong kung bakit hindi nakauniporme ang anak. Nakapangulekta pa ako ng boluntaryong abuloy para sa mga naulila. Problema ko pa kung paano iaabot kay Ma'am Vi. Sana samahan ako ng mga kasamahan ko. Past 10, may meeting ang mga grade leaders at MTs, kasama ako. Tungkol iyon sa INSET sa Lunes. Kaming Grade Six at Kinder ang in-charge sa unang araw. Kami ang sa decoration, program, at attendance. Kaya, after class, nagmiting kami. Then, agad din naming sinimulan ang pag-decorate. Inabot kami ng alas-otso ng gabi bago natapos. Alas-onse na ako nakauwi sa bahay. Sa sobrang antok, nakalampas pa ako sa Umboy. Oktubre 19, 2019 Gusto ko sanang matulog nang mahaba-haba, kaya lang past 6 mulat na ang mga mata ko. Hindi talaga ako sanay matulog nang mahimbing at mahaba. Anyways, naging productive naman ako maghapon dahil nabisita ko ang garden ko, bago ako nag-thesis. For printing na lang ito. Kailangan kong bumili ng short bond paper. Then, nag-vlog kami ni Zillion. Kinuhaan ko siya ng mga videos habang nagsasalita at nagpapakita ng mga koleksiyon niyang laruan. Game na game naman ang bata. Kaya lang kailangan pa ng improvement sa modulation, sa expression, at sa lahat ng anggulo ng pagiging vlogger. Anyways, ikalawang vlog pa lang naman niya iyon. Nakapag-edit din ako ng mga videos. Gusto ko na ngang maipost sa youtube ang iba. Nakalimutan ko nga lang ang mga pinagagawa sa akin ni Mrs. Vibar. Bukas, gagawin ko ang isa. Past five, umalis ako para iabot kay Ma'am Vi o sa mga naulila ng kanyang pamangkin ang voluntary contributions ng GES Faculty. Gusto ko nga sanang sa Lunes na para makasama ang mga kaguro ko sa Grade Six, kaya lang baka hindi na naman sila makasama. Natagalan ako sa SM Bacoor sa kahihintay ng bus, o kaya sa kaka-google map ng St. Peter, Salawag, at sa kakapila sa dyip.Then, sa SM Molina, natagalan din ako kasi nag-dinner pa ako at nagmasid kung paano mararating ang chapel. Lumampas ako nang dalawang beses--papunta at pabalik, kasi wala palang karatula ang St. Peter. Nakalimutan din ng mga drivers. Past 10 na ako dumating doon. Nagkuwentuhan kami ni Ma'am Vi sa loob ng mahigit isang oras. Past 11 na ako nakapagpaalam. Ala-una naman ako nakauwi. Naistorbo ko pa ang tulog ni Emily, naiwan ko kasi ang susi. Oktubre 20, 2019 Nag-gardening muna at nagpaligo ako ng aso bago ako humarap sa laptop upang gumawa ng youtube content. Hindi na ako mapakali. Gusto ko talagang maging full-pledged vlogger. Tamang-tama naman, nakapanuod kaming mag-anak ng palabas sa GMA tungkol sa vlog -- ang 'Pinaka.' Tinalakay rito ang mga pinaka-trending na vlog content. Nagkaroon tuloy ako ng idea. Na-inspire din ang mag-ina ko. Gabi, nag-bonding kami sa panunuod ng TV. Hindi na bale kung may training pa bukas, basta masaya. Oktubre 21, 2019 Naging matagumpay naman ang unang araw ng INSET. Alam kong maganda ang feedback mula sa mga kaguro at principal namin. Natuwa sila sa photo booth na ginawa namin. Hindi nga lang ako interesado masyado sa topic-- ang paggamit ng Adobe Animate. Siguro dahil hindi ako na-install-an ng app ang laptop ko. Gayunpaman, nakagawa ako ng youtube vlog. Nagamit ko ang lyrics ng Teachers Blues, gamit ang tono ng Estudyante Blues. Natapos ko iyon habang may discussion at workshop. Past 4 na kami umuwi. Antok na antok na ako. Tapos, ang tagal ko pa nakasakay. Past 5 na tuloy akong nakapag-leg workout. Pag-uwi ko, good news mula kay Emily ang natanggap ko. Napalitan na ng bagong antenna ang internet namin. Kaya pala tumigil na. Mabuti na lang naaksyunan nila. Makakapagbisnes na uli siya. Saka ang vlog namin, mas mabilis magagawa at mapopost. Oktubre 22, 2019 Muntik na akong ma-late kanina kasi hindi ko narinig ang alarm. Past five na ako nagising. Mabuti na lang 7:40, nasa school na ako. Second day ng INSET. Mental Awareness ang topic. Medyo boring. Inantok ako. Hindi rin ako nakagawa ng vlog. Ako pa naman ang photographer. Past 4:30 na kami nakalabas sa school. May ginawa pa kasi si Papang. Maaga-aga pa ako nakauwi kaya nakapagprint pa ako ng chapters 1-3 para maipasa ko na bukas. May dumating namang Vita-Plus dealer, na kinontak ni Emily, kaya nag-stay ako sa taas. Nakapaglinis tuloy ako nang hindi oras. Ayos lang naman dahil parang lumuwag ang kuwarto ko. Maiaakyat ko pa ang study table ko. Past ten na ako nakahiga. Nawala na ang antok ko. Oktubre 23, 2019 Past nine, tumakas ako sa INSET para makakuha ako ng baptismal certificate ni Ion, na kailangan niya sa first communion. Pagdating ko sa Our Lady of Sorrows Parish Church, kailangan pala ng ID. Nabuwisit ako. Daming arte. Kinailangan ko pa tuloy bumalik sa school. Doble pa ang pamasahe ko. Nakuha ko naman sa ikalawang balik ko. Mabilis-bilis din naman natapos. Nakabalik ako sa GES nang walang nakapansin sa aking pag-alis, maliban sa mga guard. Nakipaglaro ako kay Yohan, anak ni Mareng Lorie. Bahagi iyon ng pagre-reach out ko sa kanila. Gustong-gusto naman akong kalaro ni Yohan. Panay ang tawa. Ang maganda sa kanya, nakikinig siya sa mga payo at mga sinasabi ko. Naaliw ako sa kanya. Past 12:00 pumunta ako sa CUP para ipasa ang chapters 1-3. Naghintay ako ng mga bente minutos kay Dr. Ramos. Kausap niya pala ang kaklase ko. Third edition na ang chapters 1-3 niya. Hindi ako natakot. Confident ako sa gawa ko. I know, hindi masyadong ookrayin ang gawa ko. Nakabalik ako sa school bago nagsimula ang PM session. Mga #10000 lang ang nakakaalam ng pagpasa ko niyon. Mga 5 na yata kami nakauwi. Nag-OT si Ma'am Laarni sa talk niya. Nag-biceps at chests workout ako ngayon. Pagtitiyagaan ko ito. Kahit mabagal ang development, still development pa rin. Oktubre 24, 2019 Late akong dumating sa school, pero hindi pa naman ako late sa INSET. Nakalaro ko si Yohan ang anak ni Lorie. Natutuwa ako sa kanya kasi bibo siya. Tuwang-tuwa rin siya sa akin kasi ipinadarama ko sa kanya ang aking pagkagiliw. Kahit nga hindi na ako nakakapagpokus sa sinasabi ng speaker, okay lang, mapatawa ko lang siya. Nagpaalam ako kay Ma'am Laarni na eexit ako nang maaga para sa meeting ko kay Dr. Ramos, ang thesis professor ko. Pumayag naman siya. Exactly four, nasa CUP na ako. Wala akong kaba nang humarap ako sa kanya, kasi alam kong may edge ang chapters 1-3 ko. Hindi nga ako nagkamali. Nagustuhan niya ang gawa ko. Aniya, napansin niyang against ako sa Phil-IRI dahil hindi nito nasusukat nang tama ng reading proficiency ng bata. Bukod tangi raw ako sa mga thesis writer. Lalo akong naging confident. Naramdaman kong gusto niya akong makapasa sa colloquium at makagradweyt. Marami akong dapat baguhin, pero balewala iyon dahil alam kong maipagtatanggol niya sa da defense kapag pinahirapam ako ng ibang panelist. Ang nakatuwa, siya ang chairman. Ayaw niya akong maging advisee. Ibinigay niya ako kay Dr. Rivas, which is better sa tingin niya. Umuwi akong masaya at punong-puno ng pag-asa. Oktubre 25, 2019 Nakipagkuwentuhan ako kina Ma'am Vi at Ma'am Madz. Pero, hindi masyadong nakisali ng huli. Tamang-tama, gusto kong mag-privilege talk bago matapos ang INSET. Maipapahayag ko ang mga saloobin at hinaing ng faculty. Nakipaglaro uli ako kay Yohan. Tuwang-tuwa siya. Aliw na aliw rin ako. Then, nakapag-video pa kami para sa youtube vlog ko. Nag-Walang Kukurap Challenge kami. Nag-Walang Tatawa, Walang Lilingon, at Walang magsasalita Challenge. Past two, natapos ang closing program ng INSET. Nagtagumpay ako. Hindi ko man nasabing lahat, pero naipahayag ko ang pinakaimportante. Past 4, nag-bonding kaming #10000 sa KFC. Nanalo kasi si Ms. Krizzy sa raffle ng P500. Oktubre 26, 2019 Maaga akong bumangon kasi hindi na ako nakatulog pagkatapos kong magbanyo. Nag-revise na lang ako ng thesis proposal ko. After more than an hour, saka ako nag-almusal. Isinunod ko ang gardening. Then, bumalik ako sa paggawa pagkatapos magtanim. Ngayong araw, nakapag-upload ko ng tatlong videos sa youtube. Ang dalawa roon ay ang challenge namin ni Yohan kahapon--bawal kumurap at bawal tumawa. Umalis ang mag-ina ko bandang alas-singko. Pupunta sila sa pinsan ni Emily na galing sa Aklan. Natuwa ako kasi makakapagpokus ko sa gawain ko. In fact, natapos ko na ang bagong survey questionnaire. Oktubre 27, 2019 Nag-gardening muna ako bago ako humarap sa laptop para gawin ang revision ng thesis ko. Okay naman ang pagga-gardening ko. Nalinis ko ang harapan dahil walang mga tsismoso/tsisimosang kapitbahay. Nag-print ako ng ilang mga kakailanganin sa thesis ko. Nanghinayang din ako sa ikalawang questionnaire na ginawa ko. Nakahanap ako ng mas maganda. Gabi ko na iyon na-conceptualize, kaya hindi ko natapos at naiprint. Baka sa October 30 pa ako makapagpasa ng 2nd revision ko. Dumating ang mag-ina ko ng mga past 12. Tamang-tama, may dala silang ulam. Hindi pa naman ako diniliberan ng chinat ko sa SPV online tindahan. Past 2, umidlip ako. Nasira nga lang ang tulog ko nang pumasok si Emily sa kuwarto. Okay lang naman kasi kailangan ko nang madaliin ang paggawa ng thesis. Oktubre 28, 2019 Wala ako sa mood magturo kanina. Nagpaka-busy ako sa utos sa akin ng principal --ang pag-retrieve ng field trip permits. Mabuti na lang, hindi na naglipatan ang ibang advisers. Ipinagpatuloy ko rin ang paggawa ng thesis. Nag-draft akong questionnaire at written interview. Wala pa ring pagbabago ang VI-Love. Manhid pa rin sila. Hindi nga siguro sila magbabago. Ang tindi ng ingay at pagpapasaway nila. Kaunting kibot at salita ng isa, magiging sanhi ng away at iringan. Nakakasuya! Hindi ko na lamang sila pinagsalitaan. Tinititigan ko na lang sila. Kaya lang, waepek! Kay bagal pa bg oras. Nabagot ako sa kahihintay. Nakagawa tuloy ako ng youtube video. After class, nag-workout ako. Shoulders at triceps workout ang ginawa ko. Past 5, nasa bahay na ako. Agad kong hinarap ang thesis ko. Ast 8, nakapag-print na ako. Bukas, kapag nailagay ko na sa ring folder, ipaasa ko na kay Dr. Ramos. Excited na akong mag-colloquim. Bago ako natulog, nakagawa pa ako ng video tungkol sa ASMR. Printing ang content. Naipost ko kaagad ito sa youtube. I hope, magawa pa ako ng maraming videos kahit hectic ang schedule ko. Oktubre 29, 2019 Nagsimula na ang 2nd grading test kanina. Sa halip na mapahinga ako sa pangungunsumi, ganoon pa rin pala. Nakapagsalita tuloy ako. Sabi ko, hindi ko tatanggapin ang mga nilista ko o ako ang aabsent bukas. Nakakainis kasi. Nagte-test sila pero nagkukuwentuhan. Hindi ko nga tinanggap ang mga papel nila. After class, umidlip ako. Inantok ako habang nanunuod ng youtube videos at habang naghihintay ng meeting with the principal. Tungkol sa NAT ang meeting. Dagdag trabaho na naman. Nakakainis! Gayunpaman, nagpakita ako ng willingness to help. Maganda naman kasi ang approach at intention ni Ma'am. May paburger pa siya. Past 2:45 na natapos ng meeting. Bumili muna ako ng tinapay sa Red Ribbon at pineapple drink sa Shopwise para ipasalubong kina Dr. Ramos at Dr. Rivas, mga advisers ko sa thesis. Matagal-tagal din akong naghintay na matapos siya sa kanyang pakikipag-usap sa kaklase ko. Mas matagal pa ang paghihintay ko kaysa sa pag-uusap namin. Tiningnan niya lang ang revision ko. Binuklat-buklat. Sabi niya, "igo-Go ko na ito. Ready ka na sa 9?" Humindi ako. Alanganin. Wala pang pera. Hindi ako nagtanong kung bakit nagbago. Dapat November 23 pa ako. Sa November 16 na lang niya ako iniskedyul. Tinanggap ko na. Excited na ako, e. Sinamahan niya ako sa clerk. Sinabihan niya na isama ako sa defense sa November 16. Binigyan din ako ng instruction-- about slides, payment, at iba pa. Natuwa naman ako sa mabilis na resulta ng aking effort. Nag-chest at biceps workout ako sa AF bago umuwi. Nabad-trip lang ako sa sumbong ni Emily tungkol kay Ion. Mas problemado pa siya kaysa sa akin. Ako nga, hindi nagsusumbong sa kanya sa problema ko sa 40 pupils ko. Ang kanya, isa ang. Anak naman niya. After dinner, nag-ready ako ng request letter na papipirmahan ko sa dean o kaya sa president ng school. Oktubre 30, 2019 Kaunti lang ang mga estudyante ko. Hindi nga pumasok ang ilang nilista ko kahapon. Hindi kasi nila siniseryoso ang test, kaya dapat lang na huwag na silang magtest. Nagawa ko silang patahimikin kanina. Hindi tulad kahapon, late ko nang nagawa. Pero, may mga nilista pa rin ako. Sila ang pinaglinis ko ng classroom. Pinapunasan ko ang bintana at pinag-mop ko ng sahig. After dismissal, nag-organize ako ng mga gamit ko. Hindi ko man natapos, at least may nagawa ako bago ako nag-leg workout. Hindi na muna ako pumunta sa CUP. Ayon kasi kay Ma'am Edith, after colloquim na ako magpapapirma ng request letter. Kailangan munang maaprub ang questionnaire ko. Past 6:30, nakauwi na ako. After dinner, sinimulan ko ang paggawa ng NAT reviewer sa Filipino. Walang pasok bukas. Gusto ko pa sanang magpuyat, kaso antok na ako. Oktubre 31, 2019 Nagbabad ako sa higaan. Ang sarap talagang matulog. Nakaka-recharge. After breakfast, lumabas ako para mag-gardening. Tinabas ko na ang mga sanga ng blue ternatea ko, pero hindi ko nilahat. Nanghinayang ako sa mga ibibigay pa nitong bulaklak at bunga. Nag-video ako para sa vlog. Tinulungan ako ni Zillion. Then, naglinis ako ng doghouse at ng aquarium tank. Pinaliguan ko na rin si Angelo. Tanghali na nang harapin ko ang laptop para ituloy ang NAT reviewer. Pero bago iyon, gumawa muna ako ng draft ng school paper, na ipakikita ko kay Ma'am Laarni. Gusto kong matulungan niya ako sa pag-distunguish ng mga articles na ilalaman ko. Mahihikayat niya rin ang mga guro na tulungan ako. Past 2:30, umalis ang mag-ina ko. Sinamantala ko naman iyon para matulog. Past 4 na ako bumangon para magmeryenda. Pagkatapos, nag-edit na ako ng video. Hindi nagtagal, naipost ko na sa youtube ng 'Blue Ternatea Rice.' After dinner, nanunod kami ng 'Stolen Princess.' Isang magandang animation. Nanuod din ako ng Play or Die, nang umakayat na ang mag-ina ko. Hindi ko nga lang natapos dahil inantok na ako.

Saturday, October 5, 2019

1. Yosi-Kadiri

Ikaw, yosi-kadiri, yosi ka nang yosi. Hithit ka nang hithit. Buga ka nang buga! Hindi ka naman siguro tanga para hindi mo malamang nakasasama sa kalusugan ang usok ng sigarilyo. Alam mo rin siguro na mas  delikado ang secondhand smoke o usok. Kaya sa bawat pagbuga mo, marami ang naaapektuhan. Sana kung gusto mong patayin sa sakit sa baga ang sarili mo, sarilinin mo na lang ang usok. Huwag mo nang ibuga. Lunukin mo. Huwag ka nang mandamay pa ng kapwa. Gusto naming mamuhay nang matagal at maligaya. 

Sige, yosi pa. Gusto mo `yan, e. Bili ka na lang ng TV Plus o magpakabit ka ng cable para sa TB mo. 



2. Palamura

Ikaw, bata ka. Bakit ba mura ka nang mura? Maganda bang pakinggan ang "putang ina ka"? Hindi naman, `di ba? 

O, bakit ka mura nang mura kahit wala ka na namang kaaway? Style mo lang? Nakasanayan mo lang? O baka naman iyan ang paikakain sa `yo ng mga magulang mo. Sana hindi...

Sigurado ako, hindi mo sa paaralan iyan natutuhan. 



3. Pagdadaldal sa klase

Hoy, bakit ang daldal mo?

Para kang palaka. Kokak nang kokak. Para ka ring manok, putak nang putak. Tingnan mo ang bunganga mo, mukha nang puwet ng manok.

Nakakarindi kasi ang ingay at daldal mo. Wala namang kapararakan ang mga sinasabi mo. Nadadamay mo pa ang mga kaklase mong gustong matuto.

Sana huwag ka na lang pumasok. Doon ka sa inyo, dumaldal. O kaya sa kalye, kasama ang mga tsismosa mong kabarangay.

Kapag tinanong mo, hindi makasagot. Makasagot man, ang hindi ng boses. Talo pa ng ipis.

Ano? Daldal pa? Kala mo naman kikita ka sa kakadaldal mo. Hindi ka naman sina Kris Aquino at Boy Abunda, na may sense ang mga salita.

Kapag hindi ka pa tumigil, ipapakain kita sa pating. 

Saturday, September 28, 2019

Hindi Ko Kayo Mahal

Hindi ko kayo mahal
Huwag kayong maniwala na
Mahalaga kayo sa akin
Tandaan ninyo
Mga estudyante ko lamang kayo
Hindi tayo magkakadugo
Hindi ko kayo kapamilya
Huwag ninyong isiping
Mahal ko kayo.
Hindi totoo iyan
Pumapasok lang kayo
Mag-aaral ko lamang kayo
Kapag wala kayo, wala ako
Mga estudyante ko lang kayo
Grades lang ang maibibigay ko sa inyo
Guro lang ako
Huwag ninyong isipin na
Mananatili kayo sa puso ko
Mamahalin at ituturing na mga anak
Kasi ang nararapat sa inyo'y
Pagagalitan
Mumurahin
Sasaktan
Ibabagsak
Hindi
Ko kayo
Iingatan
Dadamayan
Maniwala kayo
Iyan ang katotohanan
kaya ko kayong tiisin
Hindi naman totoong
Nalulungkot ako
Nagtatampo ako
Nasasaktan ako
Iniyakan ko kayo
Ang totoo
Wala na akong pakialam sa inyo
Hindi totoong
Mahal ko talaga kayo
Ang totoo niyan
Wala kayong kuwenta
Kaya huwag ninyong isipin na
Mahal ko kayo
Mga estudyante



------
*Reverse Poetry
(Read upward)

Friday, September 27, 2019

Pasalamat sa Araw ng mga Guro

Pasasalamat sa Araw ng mga Guro


Kay sarap maging guro
kung ang mga bata ay hindi lang bibo,
kundi mga disiplinado.

Kay sarap maging guro,
kung ang mga mag-aaral ay may respeto.
at hindi nananakit ng kapwa-tao.

Kay sarap magturo
kung mga estudyante'y determinado
at nakapokus sa pagkatuto.

Kay sarap magturo
kung ang edukasyo'y pinahahalagahan ninyo
at sa bawat gawai'y nilalagyan ng puso.

Kay sarap maging guro,
kung ang mga mag-aaral ko'y ganito--
mga matatalino at talentado.

Maraming salamat sa inyo!
Kayo ang dahilan ng aking pagkaguro.
Magkakaiba man, tanggap ko kayo.

Kay gandang maging guro
lalo na't ang mga magulang ay narito--
sumusuporta't nakikiisa sa Gotamco.

Kay gandang maging guro
kung ang mga katulad ninyo
ay may pang-unawa sa mga guro.

Kay gandang maging guro
dahil katuwang namin kayo
sa pagpapabuti ng mga kabataang ito.

Kay gandang maging guro
sapagkat kayo'y maaasaha't aktibo,
lalo na sa mga sandaling ito.

Kay gandang maging guro,
kapag kayo'y laging positibo
na mga bata'y, sa landas `di liliko.

Maraming salamat sa inyo!
Kayo ang kauna-unahang guro
ng mga batang nais matuto.

Kay sayang maging guro
kapag may masayang grupo
at mga masayahing kaguro.

Kay sayang maging guro
dahil may samahang buong-buo,
at dahil kayo ang pamilya ko.

Kay sayang maging guro
kung walang lamangan, alitan, at gulo,
sa kaunting gusot, agad nagkakasundo.

Kay sayang maging guro,
sapagkat nagtutulungan tayo,
kaya mga asset tayo ng gobyerno.

Kay sayang maging guro
lalo na't wala pader na namumuo,
kaya ang lahat ay nakakahalubilo.

Maraming salamat sa inyo!
Kayo ang rason kung bakit narito ako--
determinadong maging produktibo.

Kay rangal maging guro
dahil may isang mabuti punungguro,
isang pinunong matatawag na idolo.

Kay rangal maging guro
lalo na't kayo'y may mabuting motibo
na mabuti ang paaralang ito.

Kay rangal maging guro
`pagkat kayo'y balanse at totoo,
at may hangaring makatao.

Kay rangal maging guro
lalo na't may maaasahang pinuno
malalapita't makikinig sa `yo.

Kay rangal maging guro
dahil sa paggabay at suporta ninyo
sa bawat naming perspektibo.

Maraming salamat sa inyo!
Kayo ang dahilan ng pagkakaisa rito
at patuloy na magandang pagbabago. 

Maraming sa lahat ng mga narito!
Naging memorable ang Araw ng mga Guro
dahil sa pakikiisa at pagdalo ninyo.









Negative O. -- Bigkas at Baybay

Kung ano ang bigkas, siya ring baybay.

Hindi rin!

Ang salitang 'lalaki' ay hindi naman binibigkas gaya ng pagkakabaybay. Binibigkas ito ng ganito: 'lalake.'

Naisip ko nga, baka ito ang dahilan kaya may mga lalaking tigasin ang panlabas na kaanyuan, pero malambot pala.

Just saying.

Saturday, September 21, 2019

Numero Lang Iyan

"Halika nga rito, Uno!" galit na tawag ng ina. Kararating pa lamang nito mula sa paaralan. Hawak-hawak nito ang card ng anak.

"Dos, dito ka muna, ha? Maglalaro uli tayo mamaya," sabi ni Uno sa nakababatang kapatid. Pagkatapos, nakayuko siyang lumapit sa ina. "Bakit po?"

"Ano ka ba naman, Uno? Bakit ang bababa ng grades mo? Line of seven lahat. Blangko ka pa sa English at Mathematics. Diyos ko, saan ba ako nagkulang?"

Hindi makatingin si Uno sa kanyang ina. 

"Mag-aral ka namang mabuti, Uno. Nagtratrabaho kami ng Papa mo para mapag-aral kang mabuti at mabigyan kayong magkapatid ng magandang kinabukasan. Sana ikaw rin. Maging masipag ka at magsikap sa pag-aaral. Kahit matataas na grades na lang, masaya na ako... Noong nag-aaral ako, hindi ganito ang mga grado ko."

Nagsisimula nang tumulo ang mga luha ni Uno.

"Mahalaga ang grado, Uno. Huwag mo namang sayangin ang pinangpapaaral ko sa `yo. Naunawaan mo ba?" Dumukwang ang ina kay Uno at itinangala nito ang kanyang baba. 

Noon lamang nagtagpo ang mga mata nilang mag-ina.

"Opo," nahihiyang sagot ni Uno. Nagpunas din aiya ng luha.

"Anong opo? Opo lang ba?"

"Mag-aaral na po ako nang mabuti."

"Sige, tama na ang laro. Magbasa ka. Hayaan mo na ang kapatid mo. Doon ka sa kuwarto."

Mabilis na tumalikod si Uno at tumakbo patungo sa kuwarto.

Nilapitan ng ina ang bunsong anak. 
"Dos, laro ka lang dito, ha?! Si Kuya Uno, nasa kuwarto lang."

Tumango lang ang anak.

Naupo ang ina sa sofa at pinagmasdan ang card ni Uno. Gusto niyang maiyak dahil sa kabiguan, pero naalala niya ang mga sandaling nagkukuwento sa kanya si Uno.

"Mama, bertdey po ng kaklase ko bukas. Magbaon po ako ng maraming kanin at dalawang itlog. Bibigyan ko po siya para masaya po siya."

Napangiti ang ina sa alaalang iyon. Makulit ang kanyang anak, pero naisip niyang napakabuti ng kalooban nito.

"Mama, alam mo po ba? Ang kaklase ko, kawawa kasi wala siyang baon," sabi ni Uno.

"O, ano ang ginawa mo?"

"E, `di ba po, may baon akong sandwich at binigyan mo pa po ako ng beynte? Binigyan ko po siya ng limang piso para makabili siya ng soup."

Napangiting muli ang ina sa kanyang naalala.

"Mama, ang kaklase ko po... laging masakit ang kamay," kuwento ni Uno.

"Bakit daw?"

"Ewan ko po. Basta po, pinagsusulat ko po siya para gumaling na po ang kamay niya at para hindi pagalitan ni Ma'am."

Napangiting muli ang ina.

"Mama, paglaki ko, bibilhan kita ng kotse. Ayaw ko po kasing nahihirapan ka sa amin ni Dos kapag umaalis tayo," sabi ni Uno.

Nagpahid ng luha ang ina ni Uno dahil sa alaalang iyon.

"Mama, maglaba ka lang po riyan. Ako na po ang bahala kay Dos. Maglalaro lang po kami para hindi po siya umiyak," sabi ni Uno.

Muling pumatak ang luha ng ina dahil sa pagiging responsableng anak at kuya ni Uno.

"Mama, mag-iipon na po ko para makasal na kayo ni Papa sa simbahan," sabi ni Uno.

Yumugyog ang mga balikat ng ina dahil sa mataas at malawak na pag-iisip ni Uno. Natutuwa siya dahil parang matanda na nagkatawang-bata lang ang kanyang anak. 

Naalala tuloy niya ang kanyang lolo.

"Wow, Daisy, ang tataas ng grades mo!" bulalas ng lolo niya nang ipakita niya ang kanyang card. "Siguradong aakyat na naman sa entablado ang Mama mo."

"Siyempre po. Nag-aral po kasi ako nang mabuti."

"Mahusay! Pero, Daisy, tandaan mong ang grado ay numero lang. Ang mahalaga, may natututuhan ka sa paaralan na magagamit mo sa buhay."

"Opo, Lolo!"

Muli niyang tiningnan ang mga grades ni Uno sa card. Nagsisi siya sa pagpapagalit niya sa anak.

Nang umiyak si Dos, saka lamang natigil ang ina sa pagluha.

"Bakit, Dos? Gutom ka na ba? Halika."

Inasikaso ng ina ang bunsong anak. Pagkatapos, naghanda na siya ng hapunan. Hindi pa rin mawala sa isip niya ng mga salitang binitiwan niya sa anak. Gusto niyang bawiin ang mga iyon.

Kinabukasan, Sabado iyon, pinuntahan ng ina si Uno.

"Uno, gising ka na ba?" 

"Opo! Good morning, Mama!" bati ni Uno.

"Good morning! Kumusta ka na, Anak? Nakatulog ka ba nang mahimbing?" Nakatago sa likuran ng ina ang card ni Uno.

"Opo."

"Mabuti naman kung ganoon."

Mama, alam mo ba naiiyak ako kagabi habang nagdarasal ako," kuwento ni Uno sa ina.

"Ha, bakit naman?" 

"Sabi ko po kasi Papa Jesus, sana tumalino na ako para hindi na nagagalit sa akin si Mama. Ang bobo ko po kasi, e. Marunong naman po akong magbasa... kaunti, pero mababa pa rin grades ko."

Noon lamang inilabas ng ina ang card. Hindi na rin niya naitago ang kanyang luha.

"Anak, numero lang ang mga ito."

"Po?" Bumangon si Uno at tiningnan ang kanyang card.

"Sorry, Anak, kung lagi kitang napapagalitan. Gusto ko lang namang lumaki kang matalino at may magagandang ugali."

"Opo, Mama."

"Kaya, okay lang kahit hindi mataas ang grades mo basta maging mabuting bata ka lang. Masaya ako kasi mabait ka sa mga kaklase mo at sa amin, na pamilya mo. Proud na proud ako sa `yo, Uno." Niyakap niya nang mahigpit ng anak. "Salamat, Anak!"

"Salamat po, Mama!"

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...