Followers

Saturday, August 31, 2019

Itakda Na!


Halos lahat ng guro ay nainis nang ibalita ang tungkol sa bill na "No Assignment Policy." Hindi nga naman ito makatarungan para sa kanila. Magmumulta at makukulong ang sinumang napatunayang nagbigay ang takdang-aralin. 

Wow! Ang talino ng author nito! Maalam masyado sa batas. 

Sa dami ng problemang dapat pagtuunan ng pansin, mas inuna pa ang napakawalang-kuwentang isyung ito. May kinalaman ba ito sa kanyang kabataan? 

Bahagi ng pagkatuto ng estudyante ang takdang aralin. Bakit tatanggalin? Ito ang extension ng gawaing-hindi natapos o kaya paraan upang mag-advanced study ang isang bata. Kung ang bonding ng pamilya ang dahilan ng matalinong mambabatas na ito, wow... dapat siyang saluduhan. 

Hindi palaging nagbibigay ng assignment ang mga guro. In fact, naipatupad na ng DepEd ang order na hindi dapat nagbibigay ng takdang aralin tuwing Biyernes. Sapat na ito. Pabor ang lahat sa ganyan. Pero ang patawan ng parusa at pagmultahin ang guro kapag nagbigay nito ay isang malaking kabaliwan.

Ipatupad na ang "No Assignment Policy." Pabor iyan sa mga guro. Repasuhin ang bill. Tanggalin ang penalty. 

Ang takdang aralin ay hindi nag-aalis ng oras para sa quality time with the family. Tinuturuan nito ang mga mag-aaral na maging palaaral, maging masipag, at maging disiplinado. 

No comments:

Post a Comment

Ang Pinakamasamang Kuya

  Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...