Followers

Sunday, September 1, 2019

Buhayin Natin ang Mundo

Mahigit-kumulang 100 milyong nilalang sa karagatan ang namamatay dahil sa basura, na kagagawan ng mga pinakamatatalinong nilalang sa mundo---ang mga tao.

Alam ba natin na ang bawat basura ay may buhay rin katulad natin? 

Ang mga papel ay tumatagal hanggang 6 na linggo. Ang karton ay nabubulok sa loob ng 2 buwan. Ang damit na koton ay natutunaw sa loob ng 2 hanggang 5 buwan. Ang upos ng sigarilyo ay tumatagal mula 1 hanggang 5 taon. Ang plastic bag ay natutunaw sa loob ng 10 hanggang 20 taon. Ang gomang tsinelas ay nabubulok sa loob ng 50 hanggang 80 taon. Ang styrofoam ay hanggang 50 taon. Ang aluminum ay kayang magtagal hanggang 80-200 taon. Ang plastic na bote ay nagtatagal hanggang 450 taon. Samantalang, ang glass bottle ay hanggang 1 milyong taon. 

Kung alam natin ang mga ito, pahahalagahan natin sila at ang kalikasan dahil sa bawat basurang itanatapon natin, perwisyo sa ang idinudulot nito. Kung sa bawat maling pagtapon ng basura ay libo-libong buhay ang maaapektuhan, ano na lang ang magiging kinabukasan ng mga susunod na salinlahi?

Ang tao ay nilikha na may pinakamataas na antas ng kaisipan. Ako, ikaw... tayo! Tayong lahat ay nararapat na maging matalino. Ang kalikasan ay bahagi ng ating mundo. Ang bawat nilalang dito ay nararapat ding ingatan, pangalagaan, at protektahan.

Ang basura ang numero unong pumapatay sa mga hayop, kapaligiran, at tao. Kung alam lang sana natin kung paano maging responsable, disin sana'y isang paraiso ang mundo.

Tayo, mga tao, ay kawangis ng Manlilikha. Huwag nating kitilin ang Kanyang mga obra. Sa halip, sinupin natin ang ating mga basura. Buhayin nating muli ang ating mundo. 

No comments:

Post a Comment

Ang Pinakamasamang Kuya

  Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...