Followers

Thursday, February 27, 2020

Ang Tambol ni Ram

BLAG! TOG! BOG! BLAG! BLAG!

Iyan ang tunog ng tambol ni Ram nang tumugtog siya.

Pinagtawanan siya ng mga drummer, lyrist, baton twirler, at majorette.

"Ram, magaling kang pumalo ng tambol," sabi ng gurong tagapagsanay. "Malapit na ang pista ng barangay. Baka hindi ka na makahabol."

"A... e, Ma'am Lopez, magsasanay po ako sa bahay. Gusto ko po talagang makasali sa parada," sagot ni Ram.

"Sige... Susubukin uli kita sa Lunes."

"Yehey! Sige po, Ma'am. Magsasanay po ako nang maigi."

"Sa ngayon, manood ka muna sa kanila upang kahit paano ay may matutuhan ka."

"Opo."

Manghang-mangha si Ram sa ipinakitang husay ng mga manunugtog at mananayaw. Labis din ang paghanga niya sa mga nagtatambol.

Pauwi sa bahay, agad ba nagsanay si Ram sa pagtatambol. Gustong-gusto talaga niyang makasama sa parada.

BLAG! TUGUDOG! BLAG! BLAG!

iyan ang tunog ng Tambol ni Ram. Paulit-ulit niyang tinugtog iyon.

Halos mabutas ang tambol niya dahil sa lakas ng pagpalo niya rito.

Halos mabingi rin ang mga kabitbahay niya.

Hindi na nga niya napansin ang pagdating ng kanyang lasing na ama. Hindi rin niya narinig ang sermon ng kanyang ina sa ama.

TUGUDOG! TOG! TOG! BLAG! BLAG!

iyan ang tunog na umalingawngaw sa loob ng kanyang kuwarto.

"Ram! Itigil mo nga iyan! Nakakarindi!" sigaw ng ama niya.

Noon lamang narinig ni Ram ang paligid. Noon niya lamangbl naulinig ang pagtatalo ng kanyang ina at ama.

Lumabas si Ram upang doon tumugtog.

BLAG! TUGUDOG! BLAG! BLAG!

"Sabing tumigil ka, e!" singhal ng ama kay Ram. "Hindi ka magiging mahusay na tambolero. Masakit sa tainga ang tugtog mo."

"Hoy, Romualdo! Huwag mo nang pakialaman ang anak mo. Pumasok ka rito," sabi ng ina ni Ram.

"Binilhan-bilhan mo pa kasi ng tambol. Hayan, nakakaperwisyo!"

Gusto nang pumatak ng luha ni Ram. Gusto na niyang bitiwan ang pangarap niyang makasama sa parada sa Araw ng Pista.

"Mahusay ang anak mo. Hindi mo lang nakikita dahil lagi kang lasing.

"Hay, naku! Manang-mana sa `yo ang anak mo. Maingay!"

Lalong nagalit ang ina ni Ram sa ama, kaya nagpatuloy ang sagutan ng dalawa. Naririndi siyang marinig ang sigawan ng mga ito. Sumakit ang tainga niya sa mga naririnig, pero naging tila musika iyon sa kanyang pandinig.

Sinundan niya ang melodiya niya habang dahan-dahan siyang tumambol.

Nagtuloy-tuloy ang pagtatalo ng mag-asawa. Palakas naman nang palakas ang tunog ng tambol ni Ram.

"Tumigil ka, Ram! Masakit sa tainga!" sigaw uli ng ama. Hindi iyon narinig ni Ram. Sa halip, ipinagpatuloy niya ang pagtatambol.


"Huwag mong pag-inita ang bata. Mabuti pa nga siya may pakinabang sa barangay. Hindi tulad mo --- paglalasing lang ang gusto," sermon ng ina sa ama ni Ram.

Nagtuloy-tuloy pa ang pagtugtog ni Ram. Inisip niyang isang magandang musika ang ingay ng kanyang mga magulang.


TUGUDOG! TUGUDOG! TUGUDOG! TOG! TOG! TUGUDOG!

iyan ang tunig ng tambol ni Ram, na nagpahinto sa pagtatalo ng mag-asawa.

"Narinig mo iyon? Ang galing ng anak mi. Hindi nasayang ang perang ipinambili ko sa ng tambol sa kanya," masayang sabi ng ina. Napasungaw pa ito sa bintana.

"Kailan siya tutugtog?" tanong ng ama. Napaakbay pa ito sa asawa.

"Sa susunod ba linggo. Sa pista bg barangay," mahinahong sagot bg maybahay.

"Wow! Manonood ako." Niyakap ng ama ni Ram ang kanyang ina.

Natanaw niyang nagkasundo na ang kanyang mga magulang. Lalo tuloy siyang ginanahang tumugtog.

Sa Araw ng Pista, bidang-bida si Ram sa parada. Isa siya sa mga miyembro ng Drum and Lyre ng San Francisco Elementary School. Tuwang-tuwa sa kanya ang ina, ama, gurong tagapagsanay, at mga kabarangay.



Monday, February 24, 2020

DIALYSIS VS. POWER HERBS

Kailangan natin ang kidney o bato upang masala ang mga dumi na ating nakakain at mailabas natin nang maayos. Tumutulong din ang mga ito upang gumawa at panatilihing malusog ang ating dugo. Kung hindi natin mapanatiling malusog, maaaring mauwi ito sa samot-saring kidney disease. At maaari rin tayong sumailalim sa dialysis o kidney transplant, na ayaw na ayaw nating lahat. 

Napakamahal magpadialysis. Kahit mayaman ka pa, aaray at aaray ka sa gastos nito.

Nagrirange ang procedure nito sa P2,800 hanggang P3,500 kada session. Depende pa ito kung saang hospital o dialysis center ka pupunta. Paano na kung tatlong beses sa isang linggo ang dialysis? Kaya ba ng bulsa mo? Kulang na kulang ang apatnapung libong piso mo sa isang buwan. Paano na ang iba mo pang pangangailangan? 

Tuturukan ka lang naman ng gamot na tinatawag na Erythropoetin upang pataasin ang hemoglobin count mo. Sira at mahina na kasi ang function ng kidney mo. Namumutla at nahihilo ka na. Magkano? Tumatagingting na P2,500+ per injection lang naman! Malas ka kung two or three times a week pa iyan. 

Mahal din ang kidney transplant. Donor pa lang, pahirapan nang hanapin. Remember the white van? 

Okay! 

At kahit ibigay ko ang isa kong kidney sa `yo, habambuhay ka pa ring magpapadialysis. 

Bago ko makalimutan... Alam mo ba ang gastos ng kidney transplant?

Milyon! Oo, milyon. Alam kong wala ka rin niyan. Wala rin ako... Sorry, hindi kita mapapautang. 

Let's say, may Philhealth ka... Makakaminus ka, pero mahal pa rin. Libo-libo pa rin ang gagastusin mo. 

Magsisisi ka ngayon. Sisisihin mo ang lifestyle mo, ang mga bisyo mo. E, wala na! Nasa huli ang pagsisisi...

Kung hindi ka sana nagpakalango sa alak noon, kung hindi mo sana sinunog ang katawan mo sa sigarilyo, kung malakas ka sanang uminom ng tubig, at kung hindi ka mahilig sa maaalat na pagkain, disin sana wala kang problema ngayon.

Gayunpaman, may pag-asa pa. Ipasa mo sa iba ang gift of hope. Nariyan ang First Vita Plus upang lunasan ang mga problema sa kidney. Kung malala na ang sakit sa kidney, kaya pa iyan ng FVP. Kung hindi pa o kung wala pa, 'Prevention is still better than cure.' 

Mag-First Vita Plus ka. Ang limang Power Herbs dito ay sapat upang puksain ang sakit mo. Maniwala ka lang, gaya ng pagtitiwala mo noon sa pinili mong lifestyle. 

Ngayon ang panahon para sa pagbabago. Huwag mo nang piliin ang dialysis kaysa sa power herbs. 

Sunday, February 23, 2020

Masarap ang Bawal

Masarap ang bawal,
pero wala kang angal,
tumitira ka pa rin kahit mahal.
Ganyan ka kahangal.


Magkano ang isang bote ng alak?
Balewala iyon sa gaya mong talamak.
Kapag may alak, may balak.
Iyan ng motto ng mga 'wasalak.'
Ang saya mo `pag ito'y nilalaklak.
Kapag lasing ka na,
akala mo nasa langit ka.
Hindi mo na naisip,
bulsa mo ang nagigipit.
Hindi mo pa namamalayan,
kawawa ang iyong kalusugan.
Samo't saring sakit sa `yo ay sasapit.
Pagharap mo sa liwanag ay papalapit.
Huwag ka lamang mainip,
atay mo pa'y kumakapit.

Magkano ang isang istik ng yosi?
Ilang beses ka kung magsindi?
Presyo nito'y wala nang bale,
basta makalanghap lang ng usok palagi.
Pero, ito ay napakatindi.
Mabigat na nga sa bulsa,
baga pa ang kawawa.
Ang masama pa,
nakakadamay ka pa ng iba.
Ibinuga mong usok,
na tinatawag na secondhand smoke,
ay mas nakasusulasok.
Sana iyo na lang nilulunok,
nang ikaw ay mag-rest in peace na
at ang sakit, `di na mapasa sa iba.
Goodluck na lang sa `yo
at sa manikotinang future mo.
Sa asthma, TB o lung cancer,
tiyak ikaw ay may forever.

Umamin ka, nakatikim ka na
ng gamot na bawal sa iba.
Umamin ka, nakarating ka na
sa heaven, na iyong gawa-gawa.
Masarap ba? Maganda ba?
Kumusta ng iyong bulsa?
Mental health mo, kumusta?
Hindi ba't napapraning ka na?
Hindi ka makatulog, may insomia.
Tawa ka pa nang tawa.
Minsan nananakit pa.
Ang tingin mo sa tao ay iba.
Ang totoo, ikaw ang kakatwa.
Katinuan mo ay wala na.
Tokhang na lang ang kulang.
Payo ko, `wag ka nang lumaban.

Masarap talaga ang bawal,
pero maaari kang humimas ng bakal.
Kung mapera ka, mayor ka
Kung purdoy ka, yari ka.
Mabebehind ka ni Kakosa.
`Di bale, daks naman sila.

Saturday, February 22, 2020

BAKIT MAHALAGANG MATUTONG SUMULAT AT BUMIGKAS NG TULA?

Hindi basta-basta ang kakayahang sumulat at bumigkas ng tula. Marami itong kahalagahan. Maaari itong mapagkunan ng ekstrang kabuhayan. Maaari itong pagkakitaan. 

Isa-isahin natin ang mga ito.

Una. Naipapahayag ng tula ang mensaheng nais iparating ng may-akda o ng bumigkas. 
Para sa mga kalalakihan, epektibo ang paggamit ng tula sa panliligaw. Marami ang kinikilig sa sulat na may tula. Kahit sa mga greeting cards, mainam na sulatan ng tula ang loob nito. Ang iba nga, ginagawa itong negosyo. 

Hindi lang sa greeting cards, maaaring gamitin ang tula. Maaari rin itong gawin sa bookmarks. 

Ikalawa. Ang pagbigkas ng tula ay isang pagtatanghal. Maraming tao ang naaaliw sa mga manunula o makata. Noon, naging bida sa mga tanghalan ang balagtasan. Ngayon, nariyan na ang sabayang pagbigkas, spoken word poetry, at fliptop. Hindi rin maikakailang  dahil sa tula, may mga uri ng awitin. Ang awit daw kasi ay tula. Ang mga bugtong at hugot ay mga tula. Lahat ng mga ito ay tunay na nakakapagbigay-aliw at nakakasagi ng ating mga puso. 

Ikatlo. Ang pagtula ay isang uri ng trabaho. 
Si Mark Logan ay mamamahayag na gumagamit ng tula para magbalita. Nakakaaliw ang kanyang estilo. Patunay lamang ito na hindi basta-basta ang tula. Si Donna Cariaga ay nanalo sa isang patimpalak sa telebisyon dahil sa kanyang husay sa pagtula at paghugot. Hindi lang siya ngayon manunula, kundi artista na rin.

Ikaapat. Ang tula ay isang uri ng content sa youtube. Hindi lingid sa karamihan na may pera sa vlogging. Kaya nga, maraming vloggers na nakapokus sa pagsulat at pagbigkas ng tula. Kumikita na ang ilan sa kanila. 

Kaya, mahalaga ang tula. Mahalagang marunong tayong sumulat nito. Plus na lang kung may talento tayong bumigkas, gamit ito. At ang mas mahalaga pa, masaya tayo... at kumikita.




PAANO MAGING KAHANGA-HANGANG BOSS

Pangarap ng halos lahat ng tao ang maging boss. Para sa ilan, mahirap itong makamtam. Sa iba naman, napakadali lang itong magawa.

Tama! Napakadali lang maging boss. Para ka lang nag-one plus one.

Ikaw, na may hawak na mga tauhan, ikaw, na nangangarap maging boss, ikaw, na tinitingala ng mga empleyado, at ikaw, na isang may mataas na katungkulan sa kompanya o organisasyon, narito ang mga dapat mong gawin upang ikaw ay maging isang kahanga-hangang boss.

Panatilihin mong takot ang mga nasasakupan mo. Ipakita mong hindi ka nila kayang angatan dahil ikaw ang boss. Hindi ka dapat nilalapitan, pinapayuhan, kinakaibigan, at binabasta-basta. Kailangang hawak mo ang mga leeg nila. Maging matapang ka. Huwag mo silang purihin dahil lalaki ang ulo nila.

Magplano ka lang para sa maiksing panahon. Hindi mo naman sila makakasama nang matagalan, lalo na't mabababa lang naman ang posisyon nila. Ang plano o mga g8nagawa mo ay para sa iyo, hindi para sa kanila. Utusan at pagawain mo sila upang lalo kang umangat at tingalain. 

Diktahan mo sila. Maging diktador ka. Huwag ka ring magpadikta. Hindi iyan katangian ng isang boss. Kakayan-kayanin ka nila kapag nagpadikta ka. Ipakita mong ikaw ang batas, ikaw ang masusunod, at ikaw ang dapat pakingggan. Boss ka, hindi ka utusan. Boss ka, hindi ka dapat sunod-sunuran.

Kung nagkamali sila, sisihin mo. Huwag mong akuin ang pagkakamali. Boss ka nila, hindi ikaw ang gumawa ng kamalian. Nang inutusan mo sila, mali ang ginawa nila, kaya kailangan sila ang tumanggap ng kasalanan. Ibato mong lahat sa kanila ng mga problemang dumarating. Hindi rin ikaw ng dapat na magresolba ng gusot. Hayaan mo silang humanap ng solusyon sa kapalpakan nila.

Kapag hindi mo sila kailangan, huwag mong pansinsin. Kapag ang suhestiyon nila ay hindi naman maganda o nakabubuti, hayaan mo sila. Kapag may gusto silang sabihin at hindi ka komportable sa kanila, hayaan mo sila. Kapag may personal silang problema, hayaan mo sila. Hayaan mo sila magtrabaho dahil sumasahod naman sila. 

Ikaw ang boss, kaya dapat ikaw ang huhusga sa kanila. Ikaw ang nakakikilala nang lubos sa kanilang kakayahan, kaya husgahan mo kaagad sila kapag nagkamali. Huwag mo nang pakinggan dahil masasayang lang ang oras mo. Marami namang aplikanteng maaari mong ipalit sa kanila. 

Maging makapangyarihan ka. Ikaw ang boss, kaya hindi ka dapat sumasangguni sa mga tauhan mo. Ang lahat ng gusto mo ay dapat nilang sundin at gawin. Kung ayaw nila, umalis sila. Huwag kang makinig sa kanilang mga kagustuhan at hinaing dahil aabusihin ka nila hanggang ikaw na ang mapasunod nila. 

Taasan mo ang standard mo. Dapat laging 'the best.' Kung maaari, perfect dapat ang bawat gagawin nila. Para iyon sa iyo. Ikaw ang makikinabang ng lahat ng mga gawain nila, kaya dapat lang na maging istrikto ka sa mga proseso. Huwag kang papayag ng 'puwede na `yan.' 

May kalayaan ang oras mo, kaya huwag kang magmadali sa mga gawain mo. Boss ka, hindi ka alila upang bantayan nila ang kilos at ang oras mo. Huwag mo munang tapusin ang mga bagay-bagay na hindi gaanong importante sa iyo. May gagawa naman niyan para sa `yo. 

I-micromanage mo sila. Hindi naman sila ganoong mahalaga sa iyo. Hayaan mo silang magtrabaho. Dapat ka nilang pagsilbihan. Hindi mo sila dapat na pinagtitiyagaan dahil dapat sila ang nagtitiyaga dahil sila ang nangangailangan ng suweldo at trabaho. 

Kapag nagkamali ka, magsinungaling ka. Kayang-kaya mo silang paniwalaing tama palagi ang sinasabi mo. Gawan mo sila ng kasinungalingan hanggang gusto mo. Marami ang maniniwala sa sasabihin mo. Lahat ng sasabihin ng mga tauhan mo, kayang-kaya mong baluktutin. 

Tandaan mong ikaw ang boss. Ikaw ang dapat hangaan ng lahat. Kahanga-hanga ka kung kaya mong pasunurin ang mga tauhan mo, kahit sa maling paraan. Kung ginagawa mo ang mga ito... congratulations! Isa ka ngang kahanga-hangang boss! Abangan mo na lang ang karma mo.

Thursday, February 20, 2020

CYST? TUMOR? CANCER? KAYANG-KAYA!

Cyst? Tumor? Cancer? Hay, naku, knockout lahat iyan kapag may power ang iinomin mo o kakainin mong prutas.

Ang guyabano, kilala rin bilang Annona muricata, ay may kakayahang puksain ang mga bukol-bukol sa loob ng katawan, gayundin ang mga cancer cells. Kaya nitong labanan ang isang dosenang uri ng cancer, gaya ng Colon, Breast, Prostate, Lung, Cervical, at iba pa.

Ang guyabano ay tinaguriang 'nature's chemotherapy,' sapagkat hindi mo na kailangan pang magpaundergo nito, kung magguguyabano healing ka.

Mahal ang chemotherapy at hindi naman 100% ang survival rate. At lalong mahal ang operasyon. Bukod sa walang kasiguraduhan ang paggaling ng pasyente, lalo lamang nitong pinahihina ang sistema. Once kasi na nagalaw na ang loob ng katawan, hindi na ito normal. May mali na kaagad.

Subalit, kung madalas kang kakain ng sariwang prutas na guyabano, safe ang katawan mo at nakatitiyak ka pa ng unti-unti pagkatunaw ng bukol o cancer cells sa katawan mo. 

Dahil dito, ipinakikilala ng First Vita Plus ang FVP Guyabano Gold! Ten thousand times itong mas effective sa chemotherapy.

Kung may cyst pa lang, uminom na agad ng First Vita Plus Natural Health Drink Guyabano. Kung tumor na, damihan mo ang inom nito. Kung cancer na, huwag kang magdalawang-isip sa FVP, kayang-kaya kang pagalingin nito dahil sa 5 Power Herbs nito. 

Subukan mo. Hindi ka maniniwala kung hindi ka susubok. To try is to believe.

Maniwala ka lang sa First Vita Plus. Maniwala ka lang na ang cyst, tumor, o cancer mo ay kayang-kayang puksain ng FVP Guyabano. 

Maniwala ka, kagaya nila...

Melon Solusyon sa Problema Mo

Good news, mga pare at mare! May solusyon na sa problema mo.

Misis, unhealthy ba ang matres mo?

Mister, mababa ba ang sperm count mo?

Miss, sobrang sakit ba kapag may dysmenorrhea ka?

Ang melon ang lunas sa mga karamdaman ninyo.

Misis, nahihirapan kang mabuntis kapag marumi ang matres mo. Hindi eepekto ang mamahaling vitamins, supplement, at gamot. 

Paano mo masasabing marumi ang matres mo? 

Kapag hindi regular ang regla dahil sa pasma, lamig, at mga cyst, kapag nagkakaroon ng dysmenorrhea o sobrang pananakit ng puson kapag niregla, kapag
napakaraming dugong lumalabas at buo-buo pa, at reglang hindi tumitigil sa matagal na panahon, kapag nawawalan ng gana sa pakikipagtalik, kapag unti-unting tumataba, kapag may PCOS, kapag masakit at parang tuyot ang pakiramdam habang nakikipagtalik, kapag may impeksyon at mabahong discharge sa ari o STD, UTI, ikaw ay may maruming matres. 

Mister, hindi kayo makabuo ni misis dahil (baka) 20 milyon pababa ang bilang ng sperm count mo. Normal sa lalaki ang 50 milyon pataas na sperm count. Tandaan: Dapat buhay ang semilya upang makabuo kayo. At habang tumatanda ang lalaki, babawasan din ang semilya nila.

Hindi mabibilang ang semilya ng mga lalaki. May mga senyales kung paano masasabing may mababang sperm count mo.

Kapag walang gana sa sex or hindi siya masyadong tinitigasan, at parang lumalambot agad, kapag masakit ang kanyang ari kapag nakikipagsex or madaling mapagod, kapag malabnaw ang semilya, kapag lumalabas agad kapag pinuputok sa loob ng kapareha, at kapag may history ng operasyon sa ari, ikaw ay may mababang sperm count.

Miss, hindi healthy ang reproductive system mo kapag namimilipit ka sa sakit ng dysmenorrhea o menstrual cramps.

Ang pananakit na ito ay nagsisimula sa bandang baba ng tiyan, hanggang sa balakang at mga hita. Nangyayari ito isa o dalawang araw bago o habang may menstruation. Habang nireregla
ang isang babae, ang uterus ay naglalabas ng kemikal, na tinatawag na prostaglandin. Ito ang sanhi ng nakakabuwisit nabsakit. . Kapag umurong ito, paglabas ng dugo, doon sumasakit.

Sa mga nagnanais maging healthy ang reproductive system, melon ang solusyon.

Ang melon ay mayaman sa health benefits na kailangan ng bawat tao. Kaya rin nitong palusugin ang matres at gawing painless ang menstraution ng ga kababaihan. At kaya nitong pataasin ang sperm count ng mga kalalakihan. 

Ang First Vita Plus Natural Health Juice Drink in Melon ay finormulate upang panatilihing malusog at malakas ang pangangatawan, gayundin ang reproductive system.

Mahalaga ang reproductive system ng bawat tao sapagkat ang 

Subukan mo. Walang himala sa taong hindi naniniwala. 

Tuesday, February 18, 2020

TUBIG IS LAYF. HOW ABOUT TUBIG SA BAGA?

TUBIG IS LAYF. HOW ABOUT TUBIG SA BAGA?
https://m.youtube.com/watch?v=WkDu0Nlqqr0


Ang tubig daw ay buhay. Sabi ko naman, "Hindi lahat."

Ang tubig sa baga (pulmonary edema) ay hindi dapat nating tinataglay sa ating buhay. Kailangan ng tubig ng ating katawan, ngunit ang mapuno ng tubig ang baga ng isang tao, ibang usapan na iyan.

Paano ba nagkakaroon ng tubig sa baga?

Isang dahilan nito ang pagkakaroon ng sakit sa puso dahil kapag ang isang indibidwal ay may problema sa puso, mahihirapan na siyang magbomba ng sapat na dugo sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Alam nating ang dugo ay naglalaman ng oxygen na mula sa hangin. Ipinapasok ito ng iyong katawan sa baga sa pamamagitan ng paghinga. Ang sirkulasyon ng dugo ay sirkulasyon din ng oxygen. 

Kapag may tubig ang baga ng tao, nahihirapan siyang kumuha ng sapat na oxygen. Kung hindi ito malunasan, lalala ang sintomas nito. 

Kapag may pulmonary edema ang isang tao, nagdodoble-kayod ang puso para masuplayan nito ang buong katawan. Nagkakaroon ng pressure ang mga ugat ng baga. 

Para maiwasan ito, regular na bumisita sa doktor, ihinto ang paninigarilyo at paggamit ng droga, mag-ehersisyo, kumain ng masusustansiyang pagkain, panatilihin ang tamang timbang, at uminom ng First Vita Plus Natural Health Drink araw-araw.

Naaagapan at nagagamot ang pulmonary edema lalo na kung ito ay matukoy nang mas maaga. Ngunit, kapag pinabayaan at ipinagwalambahala, ito ay nakamamatay.

Sa araw-araw na pag-inom ng First Vita Plus, gagaling ka. Huwag lamang matakot sa 'healing crisis,' kung kailan makararanas ka ng mga pagbabago sa iyong katawan. Ilalabas kasi nito ang toxic o ang mga sakit sa katawan mo. Itutuloy mo lang ang pag-inom hanggang sa maging normal ang pakiramdam mo at tuluyan ka nang gumaling. 

Ang pag-inom ng First Vita Plus juice araw-araw, anomang variant ang gusto mo, ayon sa panlasa mo, ay magtatanggal ng tubig sa baga mo.

Proven effective ang FVP products. Libo-libo na ang pinagaling. Gusto ko, isa ka roon.  Maniwala ka lang sa FVP. Maniwala ka lang sa Diyos na siyang lumikha ng mga halamang inilalahok sa mga produktong ito. 

Maniwala ka lang na ang tubig sa baga mo ay walang forever. Still, water is life. Mag-First Vita Plus everyday!

Saturday, February 15, 2020

THE 5 POWER HERBS

The 5 Power Herbs

Sa panahon ngayon, kailangan ng bawat tao ang gulay upang lumakas ang resistensiya at upang may panlaban sa mga sakit. Parami nang parami ang mga virus na nauuso sa mundo, isa na riyan ang nakamamatay na Corona virus.

Dapat nating pahalagahan at pangalagaan ang ating mga kalusugan. Ang pagkain ng gulay at prutas ay isang mabisang paraan upang maiwasan ang pagdapo ng sakit.

Kailangan nating lahat ang 'The Five (5) Power Herbs.'

Hindi lahat ay kumakain ng gulay. Hindi rin lahat ay may kakayahan o panahong bumili, magtanim, o magluto, ngunit ang ipakikilala ko sa inyo ay tiyak ninyong kamamanghaan. Tiyak akong pagkatapos ng presentasyong ito ay may aksiyon kayong gagawin.

Halina't samahan ninyo ako sa ilang minutong pagkilala at pagtatalakay sa limang mabisang dahon o mas kilala sa tawag na 'The 5 Power Herbs.'

Ang five power herbs ay ang malunggay, dahon ng sili, saluyot, kulitis, at talbos ng kamote.

See? Nasa bakuran lamang natin ang mga iyan. Hindi natin alam, ang mga ito lamang pala ang magpapanatili ng ating kalusugan, magbibigay ng proteksiyon, at maglulunas ng mga karamdaman.

Bihira sa mga doktor ang nagrereseta o nagpapayong gumamit ng mga herbal na gamot dahil ayaw nilang mawalan ng komisyon sa mga pharmaceutical companies. Ang mga gamot na kanilang inirereseta upang anila ay magpagaling sa atin, ay kadalasang siya pang sanhi ng paglala o pagdagdag ng ating karamdaman.

Isipin mo na lang ang ating mga ninuno... Namuhay naman silang walang paracetamol o iba pang komersyal na gamot.

Mas mabisa, mas praktikal, at mas epektibo ang mga herbal. Gulay na, gamot pa.

So much for that... Balikan natin ang 'The 5 Power Herbs.'

Ano-ano nga ba ang health benefits ng mga ito? Ano-ano ang mga nagagawa nito sa ating kalusugan?

Halina't tuklasin natin ang lihim at isiwalat natin sa buong mundo ang kakayahan ng mga ito!

MALUNGGAY.

Ang malunggay ay kilala rin sa tawag na Moringa Oleifera. Ito ay may pitong beses ang Vitamin C kumpara sa orange o kahel, apat na beses ang Vitamin A kumpara sa carrot, apat na beses ang Calcium at dalawang beses ang protina kumpara sa gatas, tatlong beses ang Iron sa spinach, at tatlong beses ang Potassium sa saging. (Note: Ang sukatan ay gramo sa gramo.)

See? Napakapowerful ng malunggay.

Dahil diyan, kaya nitong ipanumbalik at palakasin ang mahihinang buto. Sa pagtatae, mainam ito, gayundin sa nakararanas ng constipation o pagtigas ng dumi. Nakadaragdag ito ng gatas ng ina, kaya hindi na kailangan pang bumili ng mamahaling formula milk. Mabisa rin ito para sa mga impeksiyon sa balat. Sa West Africa, ginagamit itong panlunas sa diabetes. Sa India naman, ito ang ipinanggagamot nila sa high blood pressure. Epektibo rin itong panlunas sa anemia. Ang at nakamamangha, ito ay may kakayahang lunasan ang cancer sa katawan ng tao, na hindi itinatago ng mga medikal na tao.

DAHON NG SILI.

Ang dahon ng sili ay may Calcium, Iron. Phosporous, Vitamin A, at Vitamin B.
Ito ay kilala rin sa tawag na 'Capsicum Frutescens.'

Ito ay mabisang pantanggal sa sobrang pagod o over fatigue. Nakapagpapalakas ito ng resistensiya. Nakapapaganda nito ang metabolismo ng tao. Mainam ito bilang aphrodisiac. Pampagana rin ito sa pagkain. Nakatutulong sa paglinis ng dugo at pagsasaayos ng daloy nito. Pinapababa nito ang blood pressure, blood sugar, at cholesterol ng tao. Sa pananakit ng sikmura, kalamnan, ugat, at puson, mabisa itong panlunas. Sa mga may rayuma, 'the best' itong kainin. At walang tatalo rito para sa hika, ubo, at sipon.

SALUYOT

Ang saluyot o Corchorus Olitorius ay mayaman sa mga bitamina, Carotinoids, Calcium, Potassium, at Fibers. Kilala ito sa Japan bilang pantanggal stress, kaya nga nasa capsule na ito sa kanilang bansa.

Ang mga sumusunod ay ang mga kakayahan ng saluyot.
Ito ay demulcent o pang-iwas sa pagtigas ng dumi. Ito ay lactagogue o pamparami ng gatas ng ina. Ito ay purgative o pampurga ng bulate. Ito ay tonic o pampasigla ng katawan.
At ito ay carminative o panlunas sa flatulence o madalas na pag-utot.

Nalulunasan ng saluyot ang pagtatae o LBM/dysentery/enteritis, kabag o dyspepsia, lagnat o fever, pananakit ng balakang at likod o pectoral pains, pamamaga ng pantog o UTI/cystitis, at pahirapan sa pag-ihi o dysuria

Maaari ring mabawasan ang panganib ng tumor, ascites o paglaki ng tiyan dahil sa sakit sa atay, piles o almoranas, at cancer ang sinumang mahilig kumain ng saluyot.

Ang galing ng saluyot, `di ba?

KULITIS

Ang kulitis ay kilala rin sa tawag na Amaranthus Spinosus. Ito ay mayaman sa Calcium, Riboflavin, Folate, Vitamins A, B6, an C, Iron, Magnesium, Phosphorus, at Copper.

Nakapagpaginhawa ito ng paghinga. Maganda rin ito bilang laxative at diuretic. Nakapagpapahinto rin ito sa pagdurugo. May mga report na mainam raw ang ugat nito bilang panlunas sa bronchitis.

Superherb talaga ang kulitis!

TALBOS NG KAMOTE

Ipomea Batatas ang scientific name nito. Ito ang tanging halamang may Iodine. Mataas ang Calories at Vitamin A content nito.

Kaya nitong pababain ang blood sugar at cholesterol ng pasyente na may Type 2 diabetes. Magaling din itong panlunas para sa mga karamdaman sa sikmura--impatso. kabag, kumukulong tiyan, at iba pa.

Power na power ang talbos ng kamote!

Kung araw-araw mong ihahain sa mesa ang mga gulay na ito, tiyak akong mahihiya sa inyo ang mga sakit. Busog ka na, healthy ka pa.

POWER!

Kaya, ano pa ang hinihintay, kumain na nitong mga gulay. Lulusog na ang katawan, hahaba pa ang buhay.

Kung tinatamad ka namang magluto, NO WORRIES! Pinagsama-sama na ng FIRST VITA PLUS (FVP) ang five (5) power herbs na mga nabanggit upang mas madali ang paghahanda, pagkunsumo, at pagiging malusog at upang mas marami ang matulungan.

Nariyan ang 'The 5 Power Herbs sa iba't ibang variants ng First Vita Plus Natural Health Drink. Ang mga ito ay ang mga tinatawag na 'vegetables-in-drink.'

Yes! Gulay na iniinom. Vegetable drink. Na hinaluan ng iba't ibang uri ng prutas, gaya ng mangosteen, guyabano, dalandan, pinya, at melon.

Saan ka pa? Hindi na hassle, mabisa pa.

Mahal ang mga gulay at prutas, subalit mas mahal ang gamot, bayad sa doktor, hospital, at operasyon. Mahal nga talaga ang magkasakit, pero ang First Vita Plus, mahal ang bawat tao.

Just love yourself. Prevention is better than cure. Huwag mo nang hintaying magkasakit ka.

Health is wealth.

Sa FVP ay kayang-kaya kang bigyan ng good HEALTH at WEALTH.

PM is the key.

PAANO MAGING VIRGIN MULI?

PAANO MAGING VIRGIN ULI?
https://m.youtube.com/watch?v=xcWZrcBIvWo

Mga Sissy, may good news ako sa inyo. Ang First Vita Plus ay may inirerekomendang sabon para sa mga babaeng may asawa o nanganak na at nais manumbalik ang yumminess. Ang VIRGINITY SOAP ay gagawin kang sariwang dalaga, katakam-takam para sa partner.

Nais mo bang malaman at subukan ang epektibong sabon, na nakapagpapasikip ng feminine area?

Watch and learn!

Ang bestseller na Herbal Blessing's Virginity Soap ay subok na ng maraming kababaihan. Marami ang mga testimonya ng efficacy nito. Pinag-uusapan ito sa social media. Kaya ano pa ang hinihintay mo, get one set and bring back the virginity in you.

Ano nga ba ang nagagawa ng HB Virginity Soap na ito, na hindi nagagawa ng ordinaryong feminine wash?

Una. Tinatanggal nito ang masamang amoy sa iyong katawan, lalo na sa feminine area.
Maaalala mo ang Viva Hot Babes at mapapakanta ka ng "Ang bango-bango, ang bango-bango ng bulaklak..`Pag inaamoy, `pag inaamoy, anong sarap."

Pangalawa. Pinapatay nito ang mga tigidig o tigyawat mo. Hindi lang kasi ito ipinansasabon sa fem area, kundi sa buong katawan. Yup! Para flawless.

Pangatlo. Nakababawas ito ng pagpapawis. Turn on ang babaeng laging dry at mabango ang katawan. Bet na bet iyan ng iyong partner.

Pang-apat. Nakakatanggal ito ng mga kati-kati. Ang dalagang Pilipina ay hindi dapat nangangati. Ang tunay na birhen ay walang skin disease.

Panglima. Nakakapagpawala ito ng amoy. Sa madaling salita, tanggal ang anghit mo, 'Day! Ang tunay na virgin ay walang baktol. Hindi ka lalayuan ng mga beshies mo, gayundin ng jowa mo.

Pang-anim. Nakakatanggal ito ng bacteria. Kung ang ordinaryong sabon ay nakakatanggal ng 99.9%  na germs, ito 100 % ng bacteria. O, `di ba, panalo ka, Sis?!

Pampito. Nakakapagpa-cramped ito ng feminine area. Alam kong alam mo na ang tinutukoy ko. Ikaw at ang partner mo ang makapagsasabi niyan kung totoong nagcramp nga ang iyo. Private moments ninyo `yan, so there's no need to talk about. Assure you, SATISFYING!

Pangwalo. Iniiwas ka nito sa pagkakaroon ng Urinary Tract Infection. Normal sa mga babae ang magkaroon ng UTI, pero ayaw natin nito. Kaya nga, ang sabong ito ang kailangan ng bawat babae.

Pangsiyam. Napapagaling nito ang buwa o uterine prolapse. Ito ay sanhi ng paghina ng pelvic floor muscles and ligaments sanhi ng pagbubuntis, panganganak, pagmemenopause, pagpupuwersa sa pagdumi. Kung may virginity soap ka, tiyak ang balik-alindog mo. Tanggal na si Buwa, healthy na uli si Matris.

May siyam na dahilan kung bakit kailangan mong gumamit ng HERBAL BLESSING'S VIRGINITY SOAP ng First Vita Plus.

Mabilis lang itong ma-out of stock kaya order na ng para sa iyo.

And FEEL AGAIN THE GIFT OF VIRGINITY.

PM is the key.

Acid Reflux

Maniwala ka lang sa power herbs at sa Diyos na siyang lumikha ng mga halamang components sa mga inuming ito at sa mga taong nagformulate ng mga biyayang ito. Maniwala ka lang sa FVP, ikaw ay magkakapower.

Sunday, February 2, 2020

Ang Aking Journal -- Pebrero 2020

Enero 1, 2019 Past 1 na ako natulog. Sa sala ako naglatag. Akala ko kasi makikitabi sa akin si Epr kasi hindi siya makikitabi sa mag-ina niya dahil kasama nila ang nanay ni Judy. Nilamok tuloy ako. Sana sa kuwarto ni Ion na lang ako natulog. Anyways, nakatulog naman siguro ako. Kaya nga lang, maaga ring nagising kasi naligo na agad sina Epr. Pupunta sila sa Laguna. Bumangon na ako para ipaghanda sila ng almusal. Naawa lang ako kasi wala akong naibigay na pera kay Heart. Anyways, may regalo naman sila sa akin. Sana masaya na sila. Naawa pa ako kasi ang papayat nila. Naalala ko noong ang payat ko rin. After nilang umalis, nagbonding kaming mag-anak. Gumawa kami ng video na may magic o transistion. Game na game naman ang dalawa. Nagustuhan nila ang resulta. Posted agad sa FB. Then, sa halip na matulog, nanonood kami, kumain nang kumain. Solved ang new year.Nakapagsulat din ako. Mabuti na lang, bumalik ang internet. Wala kasing net bago ang salubong sa bagong taon. Gabi. Nagpuyat na naman ako. Last na puyat na ito. Sa susunod na araw, school-related works naman ng haharapin ko, like school paper, DLL, IMs, etc. Magpiprint na rin ako ng questionnaire ng thesis ko. Enero 2, 2020 Nine-thirty na ako nagising. Kahit paano, nabawi ko ang puyat ko. Past 1 na kasi ako nakatulog.Pagkatapos kong mag-almusal, agad akong nagligpit ng Christmas tree. Nag-ayos na rin ako ng sala. Then, tinulungan ko si Emily sa pagsampay, habang nagluluto.After lunch, hinarap ko naman ng paggawa ng school paper. Ngayon ko lang ginawa. Ang alam ng principal, nasimulan ko na before Christmas. Gusto niya kasi talagang magkaroon ng diyaryo. Hapon, habang gumagawa ako ng vlog, nagkasagutan kami ni Emily. Gusto niyang umuwi sa Aklan sa Mayo. Nagsabi na siya ng umaga. Pumayag naman ako, pero kako, sa kanya pamasahe. Inulit na naman niya kaya nainis ako. Hindi makaintindi, na ang budget ay sakto lang para sa mga kailangan at mga bills. Sabi ko pa, "Airplane pa naman ang gusto mo. Sosyal!" Sabi ko pa, "Hindi nga ako makauwi kay Mama. Ako itong may trabaho, ako pa ang hindi makaalis." Umakyat siya. Enero 3, 2020 Past nine ako nagising. Binati na ako ni Emily. Marahil narealize niyang mali ang inakto niya kahapon. That's nice!Pagkatapos kong mag-almusal, nagdilig ako at nagpaligo sa aso. Then, humarap na ako sa laptop. Ipinagpatuloy ko ang paggawa ng school paper. Kahit paano, nadagdagan ang laman nito. Ngayong araw, nakagawa ako ng dalawang vlogs. Dumami na rin ang subscribers dahil nag-PM ako sa mga FB friends nf link. As of 11:00 PM, mayroon na akong 102 subscribers. Nakakahiya, pero sinisikap kong mareach out nila ang vlogs ko. Worth it naman ang karamihan ng content ko. Enero 4, 2020Maaga akong nagising, kaya nagdesisyon akong maagang bumiyahe patungo sa school para maglinis.Past 6, nasa school na ako. Doon na ako nag-almusal. Ainimulan ko rin agad ang paglilinis. Purely linis lang talaga ako. Hindi ko na pinakialamanan ang mga papel at forms. Natapos ko naman bandang alas-10. After brunch, pumunta na ako sa PITX. Tumambay muna ako. Umidlip ako roon, bago nag-workout.Past 4 nasa bahay na ako. Wala ng mag-ina ko kaya malaya akong nakagawa ng vlog para sa second youtube account ko. Nadiskubre kong maaari palang mag-upload ng mga videos about sex. Napansin ko pa, mas mabilis maview ang uploaded vlog ko. Mas naexcite tuloy akong mag-vlog. Past 12 n ako natulog para lang makagawa ng ikatlong vlog ko, kaso nadelete. Tapos na sana. Nakakainis! Sayang ang effort at time. Enero 5, 2020Maagang naistorbo ng tulog ko. Mas sakit si Zillion. Nagsuka. Kaya naman, bumangon na ako pasado alas-7 pa lang. Pagkatapos mag-almusal, naglaba ako. Ako na ang nagbanlaw ng winashing ni Emily kahapon. Past 10 ako natapos. Hinarap ko naman ang laptop. Nagprint ako ng DLL.Nagvlog din ako ngayong araw. Nakadalawa ako. At good thing, nakaidlip ako pagkatapos maligo.Bukas, back to reality na. I hope,.nagbago na ang VI-Love.Enero 6, 2020Gusto kong umabsent dahil kulang ako sa tulog. Past 1 na yta ako nakatulog kanina. Lagi na lang ganito. Tuwing linggo ng gabi, napupuyat ako. Hindi ako makatulog. Mabuti na lang, hindi ako nakaramdam ng antok sa klase. Hindi man ako ganoon kahyper, pero nagawa ko namang mapatuto ang mga estudyante. Nagturo ako ng pangatnig.Okay naman ng unang school day ng 2020. Walang nagpasaway. Hindi ako nagalit, maliban sa nainis ako nang kaunti sa VI-Hope. After klase, hindi man ako agad nakauwi dahil kailangan kong kausapin ang mga journalism trainers para sa article submission.Sa PITX ako nakaramdam ng antok. Umidlip ako sandali. Then, tinapos ko ang isng vlog. Enero 6, 2020Nagturo uli ako ng pagsulat ng tula, gamit ang mga pangatnig. Halos interesado ang lahat, kaya lang kulang sa oras. Hindi nakapagsulat ng karamihan. Gayunpaman, ininspire ko silang magpasa kasi may pakinabang ang pagsulat ng tula.After class, nagmiting kaming Grade Six teachers with our MT. Naibrought out ko na rin ang problema namin kay Sir Jul. Pinatawag ako ng principal pagkatapos magsabi ng MT sa kanya. Naalarma si Ma'am. Dapat daw sinabi namin kaagad.Pinagawa pa ako ng minutes of the meeting, kaya hindi ko kaagad naedit ang entries ko sa PSICOM Librerya. Nawalan ng net kaya hindi ko nasend sa email.Umuwi na lang ako. Past 6:30, nasa bahay na ako. Four-thirty na ako nakapagworkout.Enero 7, 2020Nagturo uli ako ng pagsulat ng tula, gamit ang mga pangatnig. Halos interesado ang lahat, kaya lang kulang sa oras. Hindi nakapagsulat ng karamihan. Gayunpaman, ininspire ko silang magpasa kasi may pakinabang ang pagsulat ng tula. After class, nagmiting kaming Grade Six teachers with our MT. Naibrought out ko na rin ang problema namin kay Sir Jul. Pinatawag ako ng principal pagkatapos magsabi ng MT sa kanya. Naalarma si Ma'am. Dapat daw sinabi namin kaagad. Pinagawa pa ako ng minutes of the meeting, kaya hindi ko kaagad naedit ang entries ko sa PSICOM Librerya. Nawalan ng net kaya hindi ko nasend sa email. Umuwi na lang ako. Past 6:30, nasa bahay na ako. Four-thirty na ako nakapagworkout. Enero 8, 2020 Kakaunti lang ang pumasok sa klase ko, palibhasa inannounce ko kahapon na may seminar ako ngayon. Nasa SDO na ako bago mag-8. Akala ko, may almusal na ako tulad noong December. Wala pala. Sana pala nag-almusal ba ako sa school. Mabuti na lang, hindi pa naman agad nagsimula. Lumabas ako para kumain. Nagustuhan ko ang seminar na iyon. Marami akong natutuhan na maaari at dapat ko talagang iapply sa teaching-learning process. Hindi lang talaga ako satisfied sa food. Namiss ko ang last time kong seminar. Hindi na ako nagworkout kasi gagabihin ako nang husto. Quarter to eight na ako nakauwi. Enero 9, 2020 Kakaunti ng VI-Love na pumasok. Peste talaga ang SDO. Nakamindset na ako na hindi ako maghahanda ng lesson at IMs dahil may seminar, iyon pala imomove nila ang schedule. Hayun, wala akong turo. Nagpasagot na lang ako tungkol sa pangatnig. Mabuti, nagmeeting kaming teachers, kaya nakain ang oras. Mahalaga naman iyon. Tungkol sa Bad Guyz. Samahan ito ng mga Grade Six pupils, na ang hilig ay mambully. Naalarma kaming lahat dahil may mga nagrereklamong magulang. Kinausap namin ang founder. Estudyante ko pa. Hindi naman ako masyadong naiinis sa kanya. Panata kong hindi na ako maiistress sa VI-Love. Kaya, nagchill-chill lang ako hanggang mag-uwian. Nakakatamad na kasi... I need motivation. After class, nagstay muna ako hanggang past two. Gumawa ako ng vlog. Hindi ko nga lang natapos dahil kailangan kong magworkout. Past 6 ako nakauwi sa bahay. Nakapagdilig pa ako ng mga halaman. Enero 10, 2020 Nagturo ako ng pagsulat ng balita, gamit ang mga pangatnig. Napagod ng ngala-ngala ko, pero hindi naman gumawa ng karamihan. Gayunpaman, naniniwala akong may natutuhan sila kahit paano. Sa Faith, nagturo ako ng pagsulat ng liham. Sila ang pinakainteresadong section, kaya hindi ko masyadong nagagalit at nahihirapan. After class, may meeting kaming AM teachers tungkol sa test construction. Past 3 na kami natapos. Before 6, nasa bahay na ako. Aalis kasi si Emily. Nakapagdilig pa ako ng mga halaman. Before seven, umalis ang mag-ina, kaya nakapagrekord ako ng audio para sa vlog ko. Natapos ko ang isa, pero hindi pa naipost dahil wala pa kaming internet. Bukas, seminar na naman. Enero 11, 2020 Nagdesisyon akong hindi dumalo sa seminar. Gabi pa lang, nagdadalawang-isip na ako. Sabi ni Mama, kapag ganoon daw, huwag na akong tumuloy. Isa pa, mas masarap matulog kaysa makinig sa mga speaker. Past 8 na ako bumangon. Nag-almusal agad ako para makapagsimulang gumawa ng mga gawaing-bahay at gawaing-school. Nag-gardening muna ako kasi namalengke pa si Emily. Naglaba ako pagdating niya kasi may powder na. Hindi naman ako nakapagprint at nakagawa nang marami sa laptop kasi wala pa kaming internet. Hindi ako makapagdownload. Gumawa na lang ako ng vlog. Nagsulat din ako ng mga akda. Sana bukas may internet na, since binayaran na namin kanina. Enero 12, 2020 Nag-vlog ako maghapon. Isiningit ko na lang ang mga gawaing-bahay at gawaing-paaralan. Hindi nga lang ako nakaidlip. Gayunpaman, masuwerte pa rin ako dahil dineklara agad ni Mayora na walang pasok bukas dahil sa ashfall na nagmumula sa Taal Volcano. Amoy-asupre nga sa labas ng bahay. Nanood ako ng tv hanggang 11:30 at nagsulat pa bago ko ipinahinga ang mga mata ko. Sana hindi agad masira ang mga mata ko. Sana hindi symptom ng panlalabo at pagluluhang naranasan ngayong araw. Enero 13, 2020 Dahil sa patuloy na pagbuga ng abo ng Taal Volcano, nagkulang lang kami sa bahay. Safe naman kami dahil may salami ang mga sliding window namin. Kaya lang, hindi ako nakapaggardening. Mabuti na lang, may internet. Nakapagvlog ako. Nakagawa rin ako ngayong araw ng bagong zine. Ito ang Noon Ngayon. Past 7 pa lang, inannounce na ni Mayora ang suspension ng mg klase. Magkahalong saya at lungkot ang naramdaman ko. Masaya kasi makakapagpahinga ako at mkakagawa ng vlogs. Malungkot naman dahil marami ang nasa desperate na kalagayan. At hindi ako makakapagworkout. Enero 14, 2020 Dahil wala pa ring pasok, nagpalate ako ng gising. Ginusto ko sanang pumunta sa school para makapaglinis at makapagworkout na rin sa AF, kaya lang tinamad ako. Sa halip, gumawa ako ng test. Sa maghapon, natapos ko iyon. Nakadalawang vlog din ako ngayon. Very productive. Sa panonood ng balita tungkol sa Taal, pinangarap kong makatulong pinansiyal sa mga biktima. Sana kumita na ako sa vlogging. Enero 15, 2020 Maaga pa akong nakarating sa school, kaya makapag-almusal pa ako, sa karinderya mismo. Kasalo ko si Ma'am Madz. Nabadtrip lang kami sa Grade Six kasi mga tuod sa exercise. Pag-akyat tuloy namin at nang naglilesson na ako, badtrip pa rin. Napagsalitaan ko sila ng kung ano-ano. Ang babagal kasing kumilos. Ang bagal magproseso ng mga utak. Gayunpaman, nagturo pa rin ako. Before dismissal, nagmeeting kami tungkol s test, sa nalalapit na paggiba ng building, at iba pa. Nalungkot ako kasi kailangang lumipat ng silid at makishare. Hassle. Sana sa bakasyon na lang. Afterwards, nagstay ako sa classroom para tapusin at iupload ang vlog ko. Past 2:30, umalis na ako. Past 4 naman ako nagworkout. Before 7, nasa bahay na ako. Nakabenta ako ng halaman (money tree/chestnut tree--P150). Thanks, God! Enero 16, 2019 Nagsimula na ang test namin kanina. Nagkagulatan kami. Unannounced. Mabuti na lang, marami-rami ang pumasok sa akin. Naka-35 din. Handang-handa at turong-turo sana ako. Okay lang naman. Hindi naman talaga kaya ang dalawang araw na test. Nakakastress iyon sa mga bata. After ng klase, nakipagkuwentuhan ako kina Ma'am Bel at Miss Krizzy. Then, pinasulat ko nang balita ang isang estudyante. Oara iyon sa school paper. Then, namiting kaming coop board. Past 2, nagstay ako sa classroom ko. Sinubukan kong umidlip, kaya lamg maingay. Hindi ako nakatulog. Umuwi na lang ako bandang past 3. Maaga akong nakarating sa bahay. Gabi, hinikayat ako ni Emily na magmember na sa Vita Plus. Sumige na ako, kaya pumunta agad ang upline niya at pinapirma niya ako ng form. Nagbayad na rin ako. Bukas ba ang items, worth P5460. Past nine, nagchat naman si Sir Hermie. Umorder ng isang box ng Guyabano Original. Sana mahikayat ko siyang magmember. Enero 17, 2020 Ikalawang araw ng test. Nakakastress lalo. Walang pagpapahalaga sa test ang mga estudyante. Pasaway pa rin. Nakikisabay pa sa stress ng paglipat ng classroom. Parang ayaw kong lumipat ng classroom. Nakakapagod isipin. Bakit pa kasi gigibain? Bakit ba kasi hindi hintayin ang bakasyon? Nagpamiting pa ang mga MT. Sinama nila ako para pag-usap ng outreach program para sa mga biktima ng Taal. Ako ang nakaisip ng mas magandang gawain, na nagustuhan ng lahat. After ng klase, kami naman ni Ma'am Joann, Sir Arsenio, at Sir Renerio ang nag-usap. Kami ang binigyan ng obligasyon ni Ma'am Laarni para sa planong outreach. Past 4 na ako nakapunta sa AF para magworkout. Two hours naman bale ang workout ko kasi nainvite ako ng isang coach sa cardio and abs workout. Nagustuhan ko iyon. Ang sakit at ang sarap sa katawan. Kaya naman, past 9 na ako nakauwi. Gayunpaman, masaya ako kasi nakabenta si Emily ng isang box at limang sachet ng vita Plus at dalawang klase ng halaman. Naaorder ko rin sina Sir Hermie at Ma'am Madz. Sigurado ako, bibili rin si Ma'am Vi. Enero 18, 2020 Kumuha nga si Ma'am Vi ng isang box ng Vita Plus, kaya soldout ang tatlong dala ko. Ang galing! Halos nabawi ko na ang capital ko. Nastress na naman ako s ingay ngVI-Love..Mabuti na lang, may outlet ako. Nagpintura ako sa dating kong garden. Iyon na uli ang magiging garden ng Grade Six, since lilipat na kami ng classroom. Natuwa nga raw si Ma'am L nang makita. Magpapabili pa nga raw ng pintura para sa grills. After class, nagkuwentuhan kami nina Ma'am Vi at Sir Joel, since hindi kami natuloy sa Tala Dance for a cause. Past 2:30 na kami nakalabas sa school. Nakauwi naman ako bandang alas-kuwatro y medya. Natulog ako pagkatapos magmeryenda. Masakit ang ulo ko, pero kahit paano nang nakaidlip ako, nawala ang sakit. Enero 19, 2020 Past 1, nasa Zapote na ako. Nauna roon sa meeting place si Ma'am Joann. Okay lang kasi nakapag-almusal pa ako. Past 2, nasa bahay na kami ng isa mga organizer ng 'One for Juan.' Inorient nila kami. Pinagpray nila ako. Then, bumiyahe na kami. Past six, nasa San Luis na kami. Nadisappoint ako noong una kasi hindi ako nakakita ng ghost town, pero narelize ko, evacuation at outreach program pala ang sadya namin. First time ko iyon, kaya sobrang ligaya ng puso ko. Andami kong napulot na karanasan at bagong kaalaman. Past 10:30, nasa Bauan kami. Mabilis lang kami roon, pero marami rin akong natutuhan. Past 1:30 na kami nakapaglunch dahil walang tables sa Al Goto. Sa iba kami nakakain, pero natagalan din dahil wala nang maorder. Andaming customer. After late lunch, nagpost con kami. Pinagsalita ang bawat isa. Pinuri ko ang mga organizers. At nagpledge akong sasama uli sa mga susunod na mga events. Past 7 na ako nakauwi. Nainis ako kay Emily. Wala pa siya. Gutom na gutom na kami ni Zillion. Eight-thirty na umuwi, tapos bumili lang ng de-lata. Leche! Nagbigay ako kagabi ng P2000. Iyon lang ang ipinaulam sa akin. Bad trip! Enero 20, 2020 Naglipat na kami ng classroom. Sa tulong ng mga estudyante ko, nagawa naming ilipat ang mga gamit ko patungo sa dati kong classroom noong Grade Five ako. Nagawa ko ring pagandahin ang cubicle sa tapat niyon, na dati kong garden. Gustong-gusto ngang tumingin at tumulong nga VI-Love. Nag-aagawan pa sila. Nakakapagod, pero hindi ko naramdaman dahil maganda ng kinalabasan. After class, nagpaenroll ako sa CUP. Past 2:30, tapos na ako. Bumiyahe na ako patungo sa PITX. Umidlip muna ako bago nagworkout. Past 7 na ako nakauwi sa bahay. Hindi ko matapos-tapos ng vlog kong nasimulan. Sobrang busy. Sisikapin kong makapagpost bukas. Enero 21, 2020 Tatlo lang kaming present na advisers--ako, si Sir Joel, at si Ma'am Madz. Andami pa namang estudyante. Present yata lahat ng kay Ma'am Vi. Kinuha ko ang kay Sir Hermie dahil mas kakaunti at para maipagmalaki ko sila sa VI-Love. Kinaiinggitan kasi sila ng advisory class ko. Kaya naman, nang nagpagroup work ako at nagperform na sila, tama ang sinasabi ko about them. Ang layo nila sa sarili kong klase. Bad trip nga ako buong hapon dahil sa ingay nila. Ang kakalat pa. Sabi ko nga, "'Di ba kung nasaan ang marumi, naroon ang demonyo? Gustong-gusto talaga ninyo ang demonyo." Ipinaliwanag ko kasi sa kanila noong nakaraang linggo ang kahulugan ng 'Cleanliness is next to godliness.' After ng klase, tinulungan ko si Sir Erwin sa problema niya sa report. Kasama ko ang Grade 3 at iba pa. Then, umuwi na ako. Past 4 nasa bahay na ako. Ako pa nga ang nakapagdilig ng mga halaman. Naawa ako dahil tuyong-tuyo ang iba. Lanta na ang mga ternatea seedlings ko. Nainis ako kay Emily. Gabi, gumawa ko ng vlog. Nakapagpost ako ng isa. Enero 22, 2020 Nainis na naman ako sa VI-Charity. Ayaw na naman nilang magrecite. Itinigil ko nga ang pagtuturo ko. Pinasagutan ko na lang agad ang inihanda ko. Then, naggardening na lang ako. Naiinis din ako sa VI-Live dahil sa ingay at kawalang-disiplina nila. Pinagsalitaan ko sila idiomatically. After class, nagsimula kami ni Ma'am Joann na magpack ng nga relief goods. Katulong namin ang SPG at ilang GPTA officers. Nagawa namin iyon nang mabilisan, kaya nakapamili pa kami para pandagdag. Past 4 na kami muling nakapagpack. Nakakapagod pero nakakataba ng puso. Istorbo lang si Sir Gali. Pinatawag niya ako para magkuwento tungkol sa kasong ibinabato sa kanya tungkol sa pagbebenta niya ng lapel noon. Pinakinggan ko naman ang mga kuwento niya, kaya kahit paano ay may mga nalaman ko. Humihingi lang siya ng tulong para maabsuwelto siya kung sakaling makarating sa region ang reklamo. Nagdinner muna kmi sa school bago umuwi. Past 7:30 na ako nakalabas. Past 9:30 naman ako nakauwi. Enero 23, 2020 Past 8, nasa TPES ako para sa Faculty Federation meeting. Hindi naman kaagad nagsimula, pero nang nagsimula, puro naman pagtatalo ang naganap. Nakapagsalita tuloy ako sa harap. Kako, simulan na lang ang election. Hayun nga... Nominated ako, pero hindi ako nanalo. Ikalawa ako sa lowest. Anyways, wala naman talaga kong balak maging officer. Sinabi ko na iyon sa kanila. Past 2, natapos na ang meeting-election. Bumalik ako sa school para makipag-usap (sana) sa principal para sa event bukas, na paulit-ulit niyang pinalitan ng date at oras. Sobra na talaga ang inis ko. Gayunpaman, naghintay ako ng update mula sa kanya. Sa chat lang ako nag-aabang kasi umalis siya sa school, habang nakikipagkuwentuhan kina Ma'am Joan, Ma'am Venus, at Ma'am Lea. Later, kay Ma'am Lea na lang ako nakipagkuwentuhan. Hanggang umabot na ng past 5. Umalis na ako. Nagworkout na lang ako sa AF. Past 8 na ako nakauwi. Sobrang pagod ako, kaya hindi na ako nakapagdinner. Natulog agad ako. Enero 24, 2020 Kagabi pa lang, desidido na akong umabsent para makapagpahinga at para rebeldehan si Ma'am. Nakakastress siya. Pabago-bago ng plano. Pakiramdam ko, ayaw niya kami ni Ma'am Joann na magdistribute ng relief goods. Ginamit niya lang kami. Hayun nga! Ang sumatotal, hindi rin isinama si Ma'am Joann. Kesyo hindi raw makontak. Tama ang hula ko, ayaw niya talaga kaming isama. Mabuti na lang, hindi ko ipinilit ang sarili ko. Mas productive pa ko ngayong araw. Naggardening ako. Nagvlog. Enero 25, 2020 Nainis ko sa asta ni Emily. Ang ganda pa naman ng gising ko at naghanda pa ako ng almusal. Binash niya ang pagwoworkout ko. Parang siya naman ng nagbibigay ng pambayad ko. Sagot ko, "Pera ko ang ginagastos ko, kaya huwag mo akong ibash. Kapag pera mo na, sige ibash mo ako." Nakaresbak pa ako nang nanghiram sila ni Ion ng pamasahe. Kako. "Hingi, hindi hiram. Tuwing aalis na lang, ako ang apektado. Hindi pa nga nabayaran ang unang utang. Tapos, kapag ako ang aalis, binabash niyo ako. Ako ang kumikita, ako pa ang binabash ninyo." Wala siyang nasabi. Gayunpaman, pinahiram ko sa kanya ang budget sa pagkain. Naglaba ako, after kong maggardening. Maghapon akong magvlog. Hindi ako dumalo sa PRIMALS. Kinumusta nga ako ni Ma'am sa chat. Kako, hindi pa ako okay. Sana naniwala siya. Pero, get well daw, aniya. Enero 26, 2020 Late na ako bumangon. Hinayaan ko si Emily na maghanda ng almusal. Nadisappoint ako kasi nag-order at nagpadeliver lang siya. Gayunpaman, hindi ako nagsalita o nagreklamo. Naggardening na lang ako pagkatapos kumain. Maghapon akong tahimik. Nilaan ko ang buong araw ko sa paggawa ng vlogs. Nakarami ako. Naideliver na rin ni Upline Jenny ng order na Vita Plus products ni Sir Hermie. Siya ng una kong downline. I hope maging matagumpay kami sa negosyong ito. Enero 27, 2020 Nabayaran na ako ni Sir Hermie sa inabunuhan kong Vita Plus. Desidido na talaga siyang maging dealer. Nagturo ako sa lahat ng section. Tanging Faith lang talaga ang nakinig. Ang hirap magturo sa mga nakalutang. Masakit sa dibdib at lalamunan. Wala na talagang kalidad ang edukasyon. Sila mismo kasi ang tumatangging matuto. After class, nakipagkuwentuhan ako kina Ma'am Leah at Ma'am Joann tungkol sa planong outreach sa Batangas. Then, nakinood ako ng tv kay Miss Krizzy. hanggang ala-una y medya. Past 3, nasa AF ako para magworkout. Enero 28, 2020 Nagturo ako ng paglalagom. Gumamit ako ng vlogs ko, since may tv monitor naman ang halos lahat ng rooms. Kahit paano naging magaan ang pagtuturo ko. Kaya pagkatapos ng klase, naghanda uli ako ng video presentation para bukas. Past 2 na ako lumabas sa school. Sa PITX, nagdownload ako ng mga images na kailangan ko. Hindi muna ako nag-workout kasi masakit ang likod ko, kahapon pa pagkatapos maggym. Maliwanang pa nang nakauwi ako. Pero ten na ako nakatapos sa isang vlog. Puyat na naman. Enero 29, 2020 Kahit masakit ang likod ko, hinarap ko pa rin ang bawat klase ko. Nagpalagom ako sa kanila ng kuwento, gamit ang vlog ko. Nagustuhan ng karamihan, maliban sa Peace. Tuwang-tuwa naman ako sa realsiyon ng Faith. May mga umiyak. Hindi talaga ako binibigo ng kuwento nina Janna at Janjan. After class, pinatawag ako ni Sir Gali. Nainis lang ako dahil binigyan pa niya ako ng trabaho. Kailangan niya ng pirma para tulungan siya sa kaso. Naiinis ako kasi ayaw kong mainvolve sa mga kaso-kaso. Nagconsult ako kina Ma'am Vi at Sir Joel, gayundin kay Ma'am Joann. Gaya ng gusto ko, against sila. Hindi ko nga ginawa. Pero, gumawa pala siya ng pipirmahan namin bago siya umalis. Kailangan ko na lang papirmahin ang mga naroon sa affivadit. Past 3 nasa PITX na ako. Umidlip muna ako bago ko ginawa ang vlog kong gagamitin sa mga klase bukas. Then past 5:30 na ako nagstart magworkout. Masakit pa rin ang likod ko kaya hindi ako masyadong makagalaw. Enero 30, 2020 Masakit pa rin ang likod ko. Apektado ng pagkilos ko. Gayunpaman, hindi ko iyon ipinahalata sa mga estudyante. Hindi rin ako nagalit para hindi lalong sumakit. Nakapagturo pa rin ako. Ako pa ang nagdilig. Before uwian, miniting kami ni MT2. Napag-usapan sin namin ang case ni Sir Gali. At bago umuwi, may part 2 ang usapan, pero with Ma'am Vi, Sir Erwin, at Sir Joel lang. Past 4:30, nasa bahay na ako. Gusto ko sanang matulog, pero hindi ko na ginawa kasi naghanda ako ng summative test oara bukas at tarpapel para sa Early Enrollment parade bukas. Enero 31, 2020 Nagparade kami para ianunsiyo ang Early Registration bukas. Mabilis lang naman. After niyon, bumalik ako sa klase. Summative test lang kami ngayon. Pasaway lang ang VI-Peace. Ang iingay. Naroon ang kinaiinisan kong mga estudyante. Kung sino pa ang mahina sa reading, sila pa ang mayayabang, pasaway, at maiingay. Haist! After class, nag-fill in kami sa withholding tax form. Then, nakipagkuwentuhan ako sa mga kaTupa ko. Inabot kami roon ng 3:00. Past 4:30 na ako nakapagworkout. Masakit pa rin ang likod ko. Hindi rin naman nawala sa lower back pain exercise ko.

Tibok ng Puso (Dula)

  Tibok ng Puso     Mga Tauhan:     *Lydia     *Brad   Tagpuan:     * Sa isang pamantasan   Eksena 1: Labas. Sa mapunong...