Followers

Thursday, November 19, 2020

Nakikiisa (tula)

Nakikiisa

Ang aming pamilya'y may pagkakaisa
Nagtutulungan at palaging masaya
Sa mga gawaing-bahay kami'y abala
Sa mga pagsubok at saya'y sama-sama.

Ang haligi at ilaw ng aming pamilya
Sa paghahanapbuhay' mahuhusay talaga
Walang suliraning hindi namin makakaya
Basta ang bawat isa sa ami'y nakikiisa.

Monday, November 16, 2020

We Prepared

We Prepared “Papa, is it true that another typhoon will hit the country?” I asked. “Yes, son! So, make some preparation,” said Papa. I quickly looked for my big sisters. “Ate Princess, Ate Britney, let’s prepare for the upcoming typhoon,” I said. “But, how?” Ate Princess asked. “Yay! Weird! Can’t you see we’re playing dolls. Besides, storm is a normal and natural occurrence. It happens more than 20 times in a year,” Ate Britney explained. “But typhoon Ulysses is different. I heard in the news that it might be more destructive than other storms. So, we better prepare,” I said. “Ate, he’s right. We must prepare,” Ate Princess told Ate Britney. “I have also seen on tv the damages done by storm Rolly. It might happen to us if we will not prepare. I don’t want to lose our possession.” Ate Britney thought awhile, then he got up. “Okay! You, two, are both weird! I will not help you. I’d rather play than to go with you.” Then, she left us. Ate Princess and I went downstairs and talked about the preparations. Ten minutes later, we are gathering whistles, flashlight, match, lighter, candles, bottled water, easy-open canned goods, crackers, emergency kit, ropes, Swiss knife, compass, and many others. We then put them all in a plastic box with tight lid. Then, we went back upstairs to get our important papers and documents, like birth certificates and the like. “Oh, my God!” Ate Princess exclaimed. We saw Ate Britney sorting out our important documents. She smiled at us. “I’m helping you now. Lola Carmen reprimanded me, so I realized that you are both right. I’m sorry,” Ate Britney said. “It’s alright, Ate Britney!” I said. “Let’s do this!” The three of us, planned our next steps. Later, we are helping our father in preparing the surrounding. As he cut some branches of the tress, we gather them. We also assisted him in fixing the broken windows and other parts of our house. He also checked the electrical connection. Afterwards, we altogether cooked pork adobo and rice. We doubled the usual amount of them so that we will not get starve when the going gets rough. Being ready is the best we can do to fight calamities. Mama called from aboard to check us if we are ready. “Yes! We’re very much ready,” Papa said. “It’s all because our little boy is a smart boy. He motivated us to prepare. “Wow! You’re such a grown-up boy! I’m so proud of you. I’m so happy even though I’m not with you right now. All I can wish for is your safety. And don’t forget to pray,” Mama said. “Yes, Mama!” Ate Britney, Ate Princess, and I replied. “Keep safe, too, Mama!” I said. Thank you, God bless you all!” said Mama before she said goodbye. As the storm Ulysses made its landfall, all of us are praying that no one will get harmed. The roaring sounds of the wind added terror to us. It washed away the branches of the caimito tree. It slammed our house rhythmically. The tremendous rain continued. “Oh, my God!” Ate Princess exclaimed. “Look, it’s flooded outside.” I peeped on the window and saw the flood slowly invading our surrounding. “What will happen if it comes up higher?” I asked. “Don’t worry. We are safe here,” Ate Britney said. Minutes later, we all shouted when the electricity was cut. “Papa! Papa!” shouted Ate Princess. “Ate, don’t panic. We are here.” I told her. I then come to her. “Papa is downstairs. It’s okay!” Ate Britney came near to Ate Princess as well. “Let’s go to Lola Carmen,” she said. We felt safe when we were together. The wind blew even more harder. It was a terrifying experience. We often shout for fear every time we hear some noise on our roof. We were afraid we lose it. “Don’t worry. We’re safe because we asked God to protect us,” said Lola Carmen. “Yes, that’s true, Lola,” I said. “Besides, we prepared.”

Friday, November 6, 2020

Junjun: 3 Drawing

“Junjun?” tawag ni Ate Maymay pagkatapos niyang kumatok ng tatlong beses sa pinto ng kuwarto ng kapatid. “Puwede ba akong magpatulong sa iyo?” “Ayaw ko! Pagkatapos mo akong isumbong kina Mama at Papa kanina, hihingi ka ngayon ng tulong,” sagot ni Junjun. “Sorry na… Biro lang iyon. Gusto mo, turuan kitang mag-drawing?” Katahimikan ang sagot ni Junjun kay Ate Maymay. At maya-maya, binuksan na niya ang pinto. “Talaga?” nakangiti niyang tanong. “Oo! Ganito, o.” Ipinakita ni Ate Maymay ang kaniyang drawing. Tiningnan iyon ni Junjun. “Wow! Astig!” “Gusto mong matuto?” Tumango lang si Junjun. Hindi kasi maalis ang mata niya sa drawing ni Ate Maymay. “Sige… Tuturuan kita mamaya… pero sa isang kondisyon.” Biglang ibinalik ni Junjun sa kaniyang ate ang drawing. “Sabi ko na nga ba, e!” Nahawakan ni Ate Maymay ang siradura ng pinto kaya hindi nai-lock ni Junjun ang pinto. “Makinig ka muna… Bigyan mo ito ng komento o puna. Isasali ko kasi sa contest ng paggawa ng editorial cartoon.” Tiningnan muna ni Junjun ang mukha ng ate. Sinuri niya kung seryoso ang kapatid o hindi. “Huwag mo akong lolokohin, Ate Maymay, kundi tutuksuhin kita.” “Siyempre, hindi. Seryoso ako kasi contest ito. Kapag nanalo ako rito, maaari akong makilala at kapag nakilala ako, baka may kumuhang diyaryo sa akin. May trabaho na ako.” “Advanced ka mag-isip, Ate Maymay. Okay, sige… Puna lang pala, e.” Binawi agad ni Junjun ang drawing ng kaniyang ate. “Ngayon na ba?” “Hindi. Suriin mo munang mabuti. Alam kong magaling kang magbigay ng puna. Tingnan mo lahat ng anggulo ng editorial cartoon ko—mula sa estilo, sa konsepto, sa shading, sa lahat! Bahala ka na. Negative or positive is accepted. Hindi ako magagalit. Basta mamaya, after one hour, babalikan kita. Okay?” “Okay! Basta huwag kang magagalit, ha?” “Oo. Hindi. Promise!” Tinaas pa ni Maymay ang kaniyang kanang kamay. “Tuturuan pa rin kitang mag-drawing ng editorial cartoon.” “Sige. Naniniwala ako sa ‘yo… ngayon lang,” biro ni Junjun. “Hala! Ngayon lang talaga?” “Sige na! Kita na lang tayo mamaya.” Nagsara na agad ng pinto si Junjun. Pagkatapos ng isang oras, lumabas na si Junjun. Hinagilap niya si Ate Maymay. Sa sala niya nakita ang kapatid. Naroon din ang kanilang mga magulang. “Ready ka na ba, Ate Maymay?” natatawang tanong ni Junjun. Napahawak si Maymay sa kaniyang dibdib. “Grabe? Mukhang masasaktan ako sa mga puna mo, ah!” “Sabi mo, puwede ang negative.” “Oo, doon kasi ako lalago. Kailangan ko lang tanggapin nang maluwag sa aking puso.” Huminga siya nang malalim. “Sige na… simulan mo na. Ano ang masasabi mo?” “Okay.” Ipinatong ni Junjun ang editorial cartoon sa center table. “Maganda ang drawing mo, Ate Maymay. Sa unang tingnan, mapapa-wow ka talaga.” Napasandal sa sofa si Ate Maymay. “Nang tiningnan ko nang maigi at inisip ko kung ano ang kahulugan… Ate Maymay, huwag ka na munang sumali sa contest. Marunong ka lang mag-drawing, pero wala pang meaning ang gawa mo. Alam ko kasi ang editorial cartoon ay may mensaheng nais ipahayag. Saka, bakit anime ang mukha nito?” “Ganiyan ako mag-drawing ng tao,e! Bakit ba?” medyo naiinis na sagot ni Ate Maymay. “Huwag kang maiinis at magagalit. Sabi mo, okay lang ang negative kasi para lumago ka. E, hindi ko nga gusto. Anong magagawa mo?” “Akin na nga ito!” Mabilis na dinampot ni Ate Maymay ang drawing niya at padabog na tumayo. “Salamat, ha?! Akala ko pa naman maaasahan kita….” “Ano na naman iyan?” tanong ng kanilang ama. Napatingin ang magkapatid sa kanilang ama. “Hindi pa ba tayo masasanay sa dalawang iyan?” sabi naman ng ina. “Umupo ka, Maymay,” utos ng ama at nilapitan ang magkapatid. Napilitang umupo si Maymay, habang masama ang tingin sa kapatid. “May problema na naman kayo, ‘di ba? Maaari ko bang marinig ang panig mo, Junjun?” sabi ng ama. “Humingi po kasi siya ng tulong. Bigyan ko raw po ng komento o puna. Sabi pa po niya, okay lang po kahit negative… Nagsasabi naman po ako nang totoo,” litanya ni Junjun. “Ikaw naman, Maymay,” sabi ng ama. “Totoo naman po ang sinabi niya… Pero, masyado naman pong negative ang sinabi niya. Huwag na raw akong sumali sa contest,” paliwanag ni Ate Maymay. “Okay… Pareho kayong may mali. Gusto kong pag-isipan ninyo ang inyong mga kamalian. Bibigyan ko kayo ng isang minuto para isipin iyon,” sabi ng kanilang ama. Tiningnan pa niya ang malaking wall clock. Napayuko si Junjun. Napatingin sa kisame si Maymay. Nagkatinginan naman ang kanilang mga magulang. Pagkatapos ng isang minuto, si Maymay ang unang tinanong ng ama. “Masyado po akong sensitive. Hindi po ako marunong tumanggap ng negative critcisim,” sagot ni Maymay. “Mabuti, alam mo iyang negative criticism… Ikaw naman, Junjun,” sabi ng ama. “Masyado po akong harsh. Wala pong paggalang ang mga komento at puna ko. Hindi ko po naisip ang positive criticism. Sorry, Ate Maymay,” sabi ni Junjun. “Sorry raw, Maymay,” untag ng kanilang ama. “Sorry rin, Junjun,” sabi ni Maymay. “Ayan! Ang gandang pakinggan. Alam ninyo, mga anak… Huwag ninyong kalilimutan ang respeto at paggalang. Sino man ang kausap ninyo o kahit nagbibigay kayo na puna, negatibo man o positibo, huwag ninyong kalilimutan ang paggalang. Ang masakit na salita ay maaaring mabawasan ang sakit kapag ginamitan ng magagaling na pananalita. Ang tawag doon ay constructive criticism. Tama ako, Mama?” tanong ng ama sa ina. “Oo naman, Papa,” nakangiting sagot ng kanilang ilaw ng tahanan.” “Ano naman ang masasabi mo, Mama?” tanong ng ama. “Ang talentadong bata ay may paggalang sa kapuwa. Ang magalang na bata, hindi nakakasakit ng damdamin ng kapuwa,” sabi ng ina. “Halina kayo! Kain na tayo.” Parang walang nangyari sa pagitan nina Junjun at Maymay nang patakbo silang lumapit sa dining table. Napangiti na lamang ang kanilang mga magulang, na animo’y sanay na sanay na sa away ng magkapatid.

Wednesday, November 4, 2020

Pagiging Mapanuri

Nanonood ng telebisyon sina Katie at Lolo Gardo, nang biglang lumitaw ang patalastas. Bago iyon kaya pinanood nila. “May problema ka ba sa shampoo mo? Naku! Palitan mo ang dati mo dahil narito na ang shampoo ng pamilya. B-Right Shampoo! Lahat ng scalp and hair problems ng iyong pamilya ay siguradong solb sa B-Right Shampoo. Maiiwasan ang pagkakalbo. Babalik ang kinang at ganda ng buhok ninyo. Tiyak na mawala ang inyong balakubak! Be bright! Use B-Right!” sabi sa patalastas. “Uy, Lolo Gardo, bili tayo niyan!” natutuwang sabi ni Katie. “Naku, Katie, hindi porket bago ay bibilhin mo. Maging mapanuri ka muna,” sagot ni Lolo Gardo. “E, Lolo, mukha namang mabisa. Sabi nila, lahat ng scalp and hair problems natin ay kayang masolusyonan. Kailangan ko po iyon para sa buhok kong buhaghag. Para naman sa balakubak ni Papa. Ikaw po.” Natatawang tumingin si Katie sa ulo ng kaniyang lolo. Nilakihan muna ng mata ni Lolo Gardo ang apo. “Hay, naku, Katie! Okay lang na maging kalbo na ako forever. Basta ayaw ko nang maniwala sa mga patalastas na iyon. Andami ko nang nasubukang shampoo, kaya naniniwala akong ang mga produktong iyon din ang sumira sa buhok ko.” Natawa muna si Katie. “Ikaw na po ang nagsabi kanina…” “Anong sinabi ko?” “Maging mapanuri muna. Paano po natin masusuri kung hindi natin susubukan?” Natigalgal si Lolo Gardo at napakamot sa ulo. “Kumati ang ulo ko sa ‘yo… Sige, saan ba makakabili niyan?” Napaplakpak sa tuwa si Katie. “Baka may tinda na po si Aling Nena. Pahingi po ako ng pambili.” “Ay, ang bilis mo naman, apo. Hindi ba puwedeng bukas na?” Kunwaring nag-isip muna si Katie. “Hindi po puwede. Maliligo na po kasi ako.” “Ang batang ito, napaka-spoiled! O, hala, kumuha ka ng sampung piso sa aking kalupi. Baka may sukli pa, ha. Ibalik mo sa akin.” “Kuripot,” bulong ni Katie. “Ano ang sabi mo, apo?” “Wala po. Sabi ko po…thank you!” “Kalbo lang ako, pero hindi malabo ang pandinig ko. Kuripot talaga ako kaya mapanuri ako,” natatawang sagot ng lolo. Natatawang umalis si Katie.

Limang Salita

Nakasanayan na ng mga magulang ni Tristan na bumili ng libro tuwing magsusuweldo. Kung hindi isa, dalawa ang binibili nila. “Tristan, may bagong bili kami ng daddy mo,” sabi ni Mommy Izzel, sabay abot ng makapal na libro. “Basahin mo iyan, anak. Bestseller iyan,” dagdag pa ng ama. Binuklat-buklat ni Tristan ang libro. Gaya ng dati, nagkunwari siyang masaya. “Ito po ang nabasa ko sa book review. Maganda raw po talaga ito.” Pilit pa siyang ngumiti. “Yes, that’s true… Kaya pagkatapos mong mabasa iyan, ibigay mo agad sa akin. Can’t wait to read that,” sabi ng ama. “Sure, Dad! Thank you!” Pagtalikod ng mga magulang ni Tristan, inilapag niya ang libro na tila naalibadbaran. Agad naman siyang nag-chat sa kaniyang kaklase na si Louie. Ikinuwento niya ang tungkol sa isa na namang nakakainis na pangyayari. Tulad ng dati, ganito ang reply ng kaniyang kaklase: “Oh, my gosh! Hindi pa alam ng parents mo na nasa 21st century na tayo? All are digital. Nag-aaksaya sila ng pera sa kakabili ng aklat.” “Plano yata nilang magtayo ng library rito sa bahay. You know what? Mas malaki pa ang room ng mga koleksiyon nilang babasahin kaysa sa room ko. Nakakainis!” Halos buwan-buwang naiinis si Tristan sa kaniyang mga magulang, lalo na kapag tinatanong siya kung nabasa na niya ang aklat na binili at kung ano ang nilalaman niyon. Isang beses, hindi na siya nakapagtimpi. “Bakit po ba ninyo ako pinagpipilitang basahin ang aklat ninyo? I can and I will read books that I like. Besides, nagbabasa naman po ako using my phone. Dad, Mom, hindi na po ninyo kailangang punuin ng mga babasahin ang bahay natin,” sabi ni Tristan. Pagkatapos, tinalikuran niya ang mga ito. Naiyak na lamang ang kaniyang ina. Wala ring nagawa ang kaniyang ama, kundi ang kalamayin ang loob ng kaniyang may-bahay. Simula noon, hindi na bumibili ng anomang babasahin ang mag-asawa. Hindi na rin nila pinagdidikdikan kay Tristan ang kahalagahan ng pagbabasa. Naniniwala silang darating ang oras na kakailanganin ng kanilang anak ang kanilang ipinupundar. Nagpatuloy si Tristan sa paggamit ng kaniyang mobile phone. Lahat ng nagpapasaya sa kaniya ay natagpuan niya sa kaniyang gadget. Isang araw, naging balisa si Tristan dahil hindi niya ma-search sa Google o sa Wikipedia ang limang di-pamilyar na salita. Kailangan niyang mabigyan ang mga iyon ng kahulugan upang magamit niya sa pangungusap. “Hello, Louie? Mas sagot ka na ba sa takdang-aralin natin? Pakopya naman, o,” sabi ni Tristan nang tinawagan niya si Louie. “Wala nga rin, e! Wala sa internet. Nakakainis!” “Kaya nga, e... Paano kaya ito? Nagagalit na sa akin si Ma’am Esmera. Lagi na lang akong walang assignment,” sabi ni Louie. “Oo, friend, bumawi ka baka bumagsak ka sa subject niya,” payo ni Louie. “Oo, sisikapin ko… Sige na, bye!” “Bye!” Pagkalapag niya ng cellphone niya, muli siyang nabalisa. Kailangan niyang mabigyan ng kahulugan ang mga salitang ngurob, kahuwego, marea, ngambing, at umaati-ati. Nais na niyang maiyak dahil hindi niya maisip kung saan siya kukuha ng sagot. Ayaw naman niyang humingi ng tulong sa kaniyang mga magulang dahil nahihiya siya sa kaniyang ginawa. Tiningnan niya ang oras. Dapat na siyang matulog dahil may pasok pa kinabukasan, ngunit hindi siya maaaring pumasok nang walang takdang-aralin. Maya-maya, lumabas siya sa kaniyang kuwarto. Hawak niya ang papel kung saan nakasulat ang limang salita. Kumuha na rin siya ng bolpen bago pumasok sa malaking silid na punong-puno ng iba’t ibang uri ng babasahin. Sa tagal nang naroon iyon, ikatlong beses pa lamang siyang pumasok doon. At namangha siya sa dami ng mga aklat. Humanga siya sa kaniyang mag magulang sa mga sandaling iyon dahil nagawa nilang magtayo ng isang maliit na silid-aklatan. Habang lumalapit siya sa mga hilera ng mga libro at hinahanap ang kaniyang kailangan, lalo siyang humanga dahil maayos ang pagkakasalansan ng mga iyon. May mga label pa ang bawat shelf, na parang sa library talaga. Saka lamang niyang napagtanto na isa palang librarian ang kaniyang ina. “Dictionaries!” bulalas ni Tristan nang makita ang hinahanap. Agad din niyang hinila ang makapal na diksyunaryong Tagalog. Mas lalo siyang natuwa nang mahanap agad niya ang kahulugan ng kahuwego. Abala si Tristan sa pagkopya ng kahulugan ng mga di-pamilyar na salita, kaya hindi na niya namalayan ang pagpasok ng kaniyang mga magulang. Nang maibalik niya ang diksyunaryo, saka lamang niya Nakita ang kaniyang ina at ama. “Dad, Mom? Sorry po… pumasok ako rito,” nahihiyang sabi niya.” Nginitian siya ng kaniyang ina at agad na nilapitan. “Tristan, hindi mo kailangang mag-sorry o magpaalam kung papasok ka rito. Binuo naming ito ng daddy mo para sa ‘yo. Ikaw ang inspirasyon nito. Salamat dahil natuklasan mo na ang halaga nito!” Hindi na napigilan ni Tristan ang kaniyang luha. “Sorry po, Dad, Mom, kung na-attached ako masyado sa gadget. Hindi pala lahat ng kailangang kong datos ay nasa internet.” “Oo naman, anak. You are forgiven,” sabi ng kaniyang ama. “Salamat po sa inyo! Salamat po sa library na ito!” “You’re welcome!”

Tuesday, November 3, 2020

Diyalogo: May Matutuhan sa mga Libangan

Sa klase ni Ginang Malate, tatalakayin niya ang pagkakaiba ng kathang isip at di-kathang isip. Gng. Malate: Bago tayo dumako sa aralin, nais ko muna kayong tanungin kung ano ang paborito ninyong libangan. Isa-isa kayong magsasalita. Hindi na ako tatawag. Ayon na lang sa pagkakaayos ng upuan ninyo. Ikaw na ang mauna, Teresa. Teresa: Hilig ko po ang magpinta. Joel: Mahilig po akong mag-online games. Hannah: Paborito ko pong gawin pampalipas-oras ang pagbabasa. Kiko: Ako naman po, pag-aalaga ng tarantula ang pinagkakaabalahan ko. Samantha: Pag-aalaga ng aso at pusa po. Larry: Sound trip po. Dorothy: Gustong-gusto ko pong magbasa ng komiks. Marami po kasing komiks ang lolo ko. Hilbert: Pagsusulat po ng kuwento ang pinaglalaanan ko ng bakanteng oras ko. Laarni: Movie marathon po ang libangan ko. Gng. Malate: Wow! Pareho tayo, Laarni! Subsciber ka rin ba ng Netflix? Laarni: Yes, Ma’am! Gng. Malate: Sige, ituloy na natin upang mabalikan natin ang sagot ni Laarni. Ipinagpatuloy ng mga mag-aaral ni Ginang Malate ang pagsasabi ng kani-kanilang libangan. Marami ang natutuhang libangan ng klase, maging ang guro. Halimbawa na lang ay ang paghahanap ng gagamba, paggawa ng damit ng manika, at paggawa ng Mandala design. Mayroon ding magkakaparehong hilig at libangan, gaya ng vlogging, pagluluto, pagsi-cellphone, at pagti-Tiktok. Nagkaroon pa nga sila ng tawanan at biruan. Gng. Malate: Marami akong natutuhan sa inyong mga sagot. Makakaiba man ang ating hilig na libangan, naniniwala akong may natututuhan tayo. Sa bawat paglibang natin, hindi lang tayo sumasaya, may matututuhan tayo. Nagpapasalamat ako sa inyong partisipasyon. Ituloy na natin ang aralin. Laarni: Ma’am, sabi niyo po, babalikan mo po ang sagot ko. Gng. Malate: Yes, Laarni… Salamat sa pagpapaalala! Alam ba ninyo ang pelikula ay maaaring kathang isip o di-kathang isip? Laarni: Totoo po iyan, Ma’am. May napanood po akong historikal na pelikula. Hango po iyon sa tunay na buhay ng bida. Maganda rin po. Gng. Malate: Tama! At Iyan ang aralin natin ngayon. Ano nga ba ang pagkakaiba ng kathang isip sa di-kathang isip? Handa na ba kayong matuto? Lahat: Opo, handa na po kami! Dahil sa masayang pagganyak, natuto nang lubos ang mga mag-aaral ni Ginang Malate.

Sunday, November 1, 2020

Ang Aking Journal -- Oktubre 2020

Oktubre 1, 2020 Gumising ako nang maaga upang bumili ng saging na saba. Kailangan ni Emily para sa kaniyang diarrhea. Nasimulan ko nang maganda ang araw ko, kaya chillax ako maghapon. Nakabenta ako ng plants at pebbles. Naisingit ko rin ang paggawa ng module. Natapos ko na ang 13th. Isa na lang. Hapon, nag-usap kami ni Ma'am tungkol aa kabulastugan ng mga kalaban namin sa school. Nakisali na rin sa video call si Sir Hermie. Then, chinat ako ni Mrs. Ledesma. Pursigido siyang mapanagot si Sir Jul sa pananakit kay Stephanie. Ayaw ko naman ang ganitong isyu, kaya lang doon ako sa tama. Kinailangan ko tuloy lumuwas bukas para makipag-meet sa dalawang partido at sa principal. I hope maging okay na ang lahat. Gabi, dumating si Ma'am Jen upang i-deliver ang FVP ko. Binigyan niya rin ako ng mga halaman. Nagustuhan ko ang mga iyon. Limang variety at ang dami pa. Worth P500+ kung bibilhin. Oktubre 2, 2020 Pasado alas-8 na ako umalis sa bahay, dala ang isang First Vita Plus powerpack at ang kaba sa dibdib. Kinakabahan ako sa meeting ko with complaining mother against Sir Jul. Hindi ko alam kung ano ang kahihinatnan nito. Past 10, nasa school na ako. Hindi lumipas ang isang oras, pinatawag na kami ng principal para sa briefing. Past 1, dumating na si Mrs. Ledesma at ang kaniyang sister-in-law. Although, hindi naman galit sa akin ang ina, hindi ako sanay sa ganoong scenario. Sa loob ng sampung taon ko bilang adviser, never pa akong nasangkot sa ganoong reklamo. Never pa akong humarap sa paglilitis. Naging emotional ang ina, pero later naunawaan naman niya si Sir. Natuwa rin naman ako dahil hindi na umabot sa Division ang complaint. Ayaw ko naman kasing makaladkad ang pangalan ko. Pagkatapos ng meeting, nakahinga ako nang maluwag. Pero, hindi ako nakatiis kaya ikinuwento ko kina Janelyn, Ma'am Gigi, at Ate Jing ang mga nangyari at mga kabulastugan ng mga ulupong. Naniwala sila. Then, nag-bonding kami nina Ma'am Edith at Sir Erwin sa Mang Inasal. Ikinuwento ko rin sa kanila. Nagkuwento rin si Sir sa akin. Lalong naragdagan ang sama ng loob ko. Kaya nga nang naglabas din si Ma'am Venus sa GC naming officers, nag-decide akong magsiwalat sa kanila at mag-share ng mga nangyari. Gusto kong maunawaan nila kung bakit hindi ko masaya sa event na inaasa sa amin. Walang magandang dahilan kung bakit magsi-celebrate ng Teachers' day virtually. Mga plastic nga sa personal, magbi-virtual pa. Dahil naipaliwanag ko ang lahat, naunawaan nila ako. Alam na nila ngayon ang mga panloloko, panggagago, at pagmamanipula nila sa amin. Bago ako matulog, isang Grade 9 student ang nagmensahe sa akin sa FB. nabasa raw niya ang isa kung kuwnlento. Nagandahan siya. Nagpasalamat ako at kinausap siya. Naramdaman ko ang sinseridad niya, kaya bigla akong na-inspire. Sa tingin ko, sOiya na ang ipinadala ni God para maging misyon ko. Gusto ko siyang tulungang magkaroon ng gadget para sa pag-aaral niya. Masaya na ako kahit sobrang sama ng loob ko nitong buong linggo. Mabait talaga si Lord. Oktubre 3, 2020 Late na akong bumangon. Gusto kong bumawi sa ilang gabing balisa. Masuwerte naman ang pagbangon nang maaga ni Emily dahil may benta agad kmi. Nagtuloy-tuloy pa nga hanggang hapon. Kaya lang, maghapon din akong nakaramdam ng galit sa principal ko at sa mga taong kasabwat niya. Nais pa nga akong damayan ng mga kasamahan ko through video call. Kaya lang, mas pinili kong mag-chat na lang. Naka-chat ko si Mrs. Ledesma. Sagad pa rin ang galit niya kay Jul. Marami-rami rin ang napagkuwentuhan namin. Naka-chat ko rin si Mareng Janelyn. Siya ng nagbigay ng recorded audio na lalong nagpainit ng ulo ko. Nai-block ko tuloy ng principal at nag-leave ako sa bagong GC, lalo na't nalaman naming postponed pala ang WTD celebration namin sa Lunes. Hindi man lang niya ko in-inform. Naka-chat ko rin ang estudyante kagabi. Lalo akong humanga sa pagiging palaban niya sa buhay. Gabi. Gumawa ako ng vlog. Na-inspire ako ni Precious. Naipangako kong magbibigay ako ng mensahe sa Lunes sa GC namin. Hihingi ako ng apology sa kanila. Oktubre 3, 2020 Five hundred pesos agad ang buena mano namin. Tatlong klase ng halaman ang nabili. Hinatid ko tuloy sa kanila. Nakita ko rin doon ng koleksiyon niya ng bougainvillea. Na-inspire akong magparami at mag-collect din. Ngayong araw, mainit ang talakayan namin sa GC. Nagplano kami. Si Ma'am Venus ang nag-initiate na mag-raise ng mga questions. Napansin iyon at nagkaroon ng sagutan. Uminit din ang ulo, kaya nagbigay rin ako ng kaunting hint ng rebellion. Nag-schedule tuloy ng meeting ng pahal. Sa meeting, matapang na inilahad ni Ma'am Venus ng kaniyang mga saloobin. Nagkaroon ng mainit at madamdaming balitaktakan. Pagkatapos, ako naman... Kinorner ko siya tungkol sa ginawa nilangnbagong GC. Halatang hindi siya prepared kaya halatang nagsisinungaling siya. Kahit mataas ang tono ko, hindi niya ako mapigilan sapagkat talo siya sa aking mga rason. Nagsalita si Ma'am Ana. Naiyak siya. Ayaw niyang lumala pa ang bangayan. Bumaba ang galit ko, but hindi nawala ang inis ko sa aking boss. Masaya ako dahil naipahayag ko ang boses ng mga kasamahan ko. Sumama man ng loob ng principal at mga kakampi niya, wala akong pakialam. Kasalanan nila ng lahat ng kaguluhan. Oktubre 5, 2020 Na-excite siya ang katawan ko. Nagising ko bandang 3:30. Hindi na ako nakatulog. Naalala ko tuloy ang nangyari sa meeting kahapon. Before 5, bumangon na ako. Sa unang pagkakataon, maaga akong nagbukas ng tindahan. Ngayon araw ang opening of classes. Naging maayos naman ang online classes namin. Kakaunti lang ang mga nakapasok. Pinag-isa na lang namin kaya isahang turo na lang din. Pabor ito sa aming lahat dahil tigpi-fifteen minutes lang kami. Ginawa ko ngayong araw ang mga accomplishment reports at workweek plan. Nakapagdagdag na rin ako ng ilang pahina sa last module ko. Nakakaantok at nakakapagod lang ng maghapong nakaharap sa laptop at cellphone. Kailangang i-divert ang sarili s ibang gawain. Oktubre 6, 2020 Hindi na ako bumangon ng napakaaga. Sapat naman ang kalahating oras na preparasyon sa pagharap sa laptop para sa online class. Naging maayos naman ang ikalawang araw ng distance learning. Nakapagturo ako nang maayos, gamit ang mga flash cards. Then, hinarap ko naman ang paggawa ng module. Kakainis lang ang mga estudyante. Ginagawa nilang tambayan ang GC, kaya naiistorbo ako. Mayroon namang tanong nang tanong. Pahina na lang ng subject na Filipino, ichachat pa sa akin. Properly labeled naman ang mga modules. At nasa unahan pa. Pambihirang katangahan! Ngayong araw, naawa ako kay Sir Hermie dahil nabuhay na naman ang kaso niya. May memo siya, kasama sina Sir Joel at Sir Erwin bilang GL at MT, sa conference bukas. Grabe si Chula! Isang napakakasuklam-suklam ng ginawa niya kay Sir Hermie. Sana makaraos na si Sir. Nakakalungkot ang mga nangyayari sa GES. Hindi na healthy. Oktubre 7, 2020 Maayos kong naisagawa ang online class. Naging all ears sila nang sinimulan ko nang ikuwento ang springboard kong tungkol sa alagang itik ko. Marami marahil ang naengganyong pahalagahan ng pagbabasa, pagsusulat, at pagkakaroon ng karanasan. Hindi ko pa rin natapos ng huling layunin ng module dahil kinailangan kong turuan si Zillion sa Math. Gabi. Matagal ang video call namin nina ma'am Vi at Sir Hermie. Natawa kami sa nangyari kay Sir sa conference with the Legal Officer. Naabsuwelto na siya, pero tsinismis na naman siya tungkol sa pagsasama nila ni Ma'am Anne. Grabeng ka-cheap-an talaga ng principal namin! Oktubre 8, 2020 Dahil sa ulan kagabi, napuyat ako. Kaya halos puro ako pahinga at idlip ngayong araw. Nakagawa naman ako ngayon ng video lesson cum vlog, na gagamitin ko bukas. Hindi rin ako nakapag-gardening. Gayunpaman, malapit nang matapos ang modules sa Filipino 6. Masisimulan ko na ang Filipino 4. Oktubre 9, 2020 Thanks, God, it's Friday! Nakaraos na ako sa isang linggong online class. Kahit paano ay nakaka-adjust na sa New Normal. Nakausad na rin ako sa Filipino 6 modules. Nasimulan ko na ngayong araw ang Filipino 4. In fact, day 2 na ako. Hindi ko nga lang natapos dahil maraming customers ng dumating. May delivery pa kami ng loam soil. Oktubre 10, 2020 Dumalo ako sa Division LAC bandang 8 ng umaga. Dapat sana ay mamimili ako ng mga paso, pero dahil nakamemo ang pangalan ko, sinikap kong tapusin iyon. Besides, maganda naman ang topic. Tungkol iyon sa mental health. Marami akong natutuhan. Past 12:30, after lunch, umalis ako para mamili ng mga paso. Marami akong nabili. May mga bago na naman kaming style ng paso. Nakabili rin ako ng mga dating stocks. Nasa ikatlong layunin na ako ng Filipino 4. Kung hindi nga lang busy at hindi ako naglutonng hapunan, baka natapos ko na iyon. Andami pa namang objectives ngayon ang week 2 ng Filipino 4. Trenta! Wew! Dati, seventeen lang. Sana may dagdag na bayad naman. Parang lugi ako sa P4,000 lalo na't may P1,000 less pa para sa edting at proofreading fee. Sana... Oktubre 11, 2020 Hindi naman ako halos nakagamit ng laptop kasi nag-gardening ako. Pinagbigyan ko rin si Emily na gamitin ang laptop ko para sa FVP Zoom meeting. Dumating na ang giant golden atbsilver satin pothos na pinadeliber ko. Medyo disppaointed ako, pero later on, natanggap ko na. Alam kong makadaragdag ng ganda sa garden ko ang mga iyon. Gabi, gumawa ako ng vlog para magamit ko rin sa lesson bukas. Oktubre 12, 2020 Dahil ako ang naghanda ng almusal, na-late ako sa pagpasok sa online class. Nag-overtime din ako.Naglabo-labo tuloy ang schedule. Pagkatapos ng klase, humina ang net. Nagbanlaw na lang ako ng mga nilabhan ni Emily bilang tulong sa kaniya, since siya naman ang gumagabay kay Zillion sa pagsagot sa module. Then, maghapon na ang meeting namin. Halos hindi ko na maharap ang module writing. Gayunpaman, kahit paano ay umusad na ako. Ten o' clock na rin ako natapos gumawa ng video lesson. Mabuti na lang, nakisama ang internet. Oktubre 13, 2020 Nanaginip ako ng tae, kaya maaga pa lang ay may benta na ako. Na-late na nga lang ako sa pagpasok sa online class. Nagkaproblema pa ako sa audio. Past 1:30, dumalo ako sa writeshop ng NBDB. Kasama ko uli si Ma'am Joann. Hindi ako nakapagpakilala online kasi may problema talaga ang audio ko. Gayunpaman. marami akong natutuhan. Bago na naman ang lahat sa akin. I hope matapos ko ang 4 sessions. Past 8, dumating si Sir Hermie upang ibigay sa akin ang authorization letter ng pagkuha ng checks niya sa FVP. Nag-inuman na rin kami at nagkuwentuhan. Past 10:30 na kami natapos. Naging tipsy rin ako sa dalawang grande na ininom namin. Oktubre 14, 2020 Mas maayos pa ang pagtuturo ko online nang ginamit ko ang cellphone ko kaysa noong laptop ng gamit ko. Nagamit ko ang earphone, kaya nagkarinigan kami. On time pa ang in and out ko. Maghapong maulan kaya humarap lang ako sa laptop para sa paggawa ng module. Hapon, umidlip ako. Ang sarap matulog. Kung wala lang akong gagawin, baka pinagbigyan ko ang sarili ko hanggang alas-singko. Naghanda ako ng vlog cum video lesson para bukas. Sana mai-present ko nang maayos bukas, gamit ang cellphone ko. Oktubre 15, 2020 Hindi talaga ako nakapasok sa Google Classroom. Ang puno't dulo nito ay ang DepEd email ko. Kailangang ayusin ni Ma'am Gigi. Nag-chat na ako sa kanya kahapon. Nakalimutan niya. Nag-chat uli ako. Wala pa rin. Mabuti na lang, maunawain ang mga kasamahan ko sa grade level. Hinarap kong muli ang module ko. Nainis lang ako dahil nawalan ng internet. Nang madiskubre ko, nakabayad na ako ng bill. ang problema ay settings lang. Okay lang naman. Kailangan talagang magbayad. Pinoproblema ko lang ang pambayad sa Ultera ko. Patong-patong na. Hangad ko na magpadala na lang sila ng bill para may panghawakan ako. Anyways, marami akong na-accomplished ngayong araw. Isa na roon ang pagdalo ko sa writeshop. Second session na iyon. Mas lumalalim na ang kaalaman ko sa folklore. Gumawa rin ako ng video lesson para bukas. Kahit alam kung hindi ulit ako makakapasok, okay lang. Maging handa lang ako palagi. Oktubre 15, 2020 Nakapasok na ako sa Google Meeting, pero hindi na naman gumana ang audio. Kahit anong gawin ko sa settings, ayaw pa rin. Halos maubos na ang time ko. Kaya pinasalo ko na kay Sir Hermie. Na-stress ako. Mabuti na lang ay dumating uli sa ikatlong beses ang customer naming maboka. Bumili siya ng P100. Hindi pa nagtagal, bumili rin si Rose Ong ng worth P215. Malaki-laki ang sales ko maghapon. May P35 pang pebbles. Not bad. Na-stress lang ako bandang alas-6 ng hapon nang mag-reply sa text ko ang AF-PITX. Hindi ko raw puwedeng ipa-freeze ang account ko dahil may outstanding balance ako. Nagulat ako kasi ang alam ko settled ako before lockdown. Naglabas pala sila ng email, announcing na magbubukas sila ng September 7. Wala namang nakalagay na guidelines na automatically ay lifted na ang freezing of account. October 14, nag-email naman about it. Late ko na nabasa, pero it doesn't mean na may utang ako. Grabe sila. Nanginig ako sa galit. Pinaliwanagan ko at nag-please ako na i-freeze ang account ko nang wala akong babayaran. Hindi na sila nag-reply pagkatapos. Oo, may contract kami, pero naka-freeze ang account ko. Nag-email ako at pumayag sila. Sana man lang kinontak nila ako kung bakit hindi ako nakapag-workout noong September 7 till this day. Wala silang concern sa clients nila. Ang concern lang nila ay income, which is wrong. Sana ma-realize nilang mali ang trato nila sa akin o sa iba pa. Sabi ko nga, hindi aabot sa deadline kung well-informed ako. Kaso, hindi. Hindi malinaw ang email nila. Wala roon ang sinasabi nilang freeze-freeze. Haist! Na-stress na nga ako sa PLDT bill na umabot na ng P3500 plus, pati sa AF, stressful din. Mabuti sana kung may darating na pera sa akin.. Oktubre 17, 2020 Hindi na nag-reply ng AF-PITX. Okay lang! Kahit paano ay naiparating ko na ang side ko. Maging busy ako maghapon. Hinarap ko ang Character Template, na assignment namin sa writeshop. Nagawa ko naman bago mag-1 PM. Ready to email na sa organizer. Kung wala nga lang kaming webinar, baka natapos ko nang mas maaga. Tungkol sa pagtutuli ang naisip kong paksa ng aking folklore. Then, module writing naman sa hapon. Umidlip lang ako nang kaunti at nag-entertain ng customer sa garden shop. Past 10 na akp natapos. Nag-post kasi ako ng mga sinulat ko at isinama sa modules. Nailista ko rin ang mga akda kong ginamit sa modules upang hindi maulit o magamit sa ibang layunin. May dalawa ngang nagamit ko sa ibang grade. Oktubre 18, 2020 Halos maghapon akong gumawa ng module. Nahirapan ako kasi nauubusan na ako ng akda, na maaari kong magamit. Hindi ko naman puwedeng gamitin ang mga pang-adult na stories at articles ko. Kinailangan ko pang magsulat ng bago. Naka-13 layunin na ako. Seventeen to go. Maaga naman akong umakyat at nagpahinga. Napagod ang utak at mata ko sa kaka-laptop. Oktubre 19, 2020 Nakapagturo ako nang maayos kahit walang audio ng video presentation ko sa cellphone. Binasa ko na lang at ipinaliwanag. Ang haba pa naman ng kuwento. Nag-overtime tuloy ako. Then, ginawa ko ang module hanggang 1 PM. Nag-meeting kaming Grade Six teachers with our MT. Grabe! Ang haba ng meeting na iyon. Inabot kami ng past 6:30. Nakapaglabas din ako ng saloobin dahil sobra akong naiinis sa admin, na hindi marunong makinig sa mga nakakababa. Patawarin sana ako ng Diyos sa masasakit na salitang namutawi sa aking mga labi. At ngayong hapon din, nag-text ang AF-PITX. Akala ko, sasabihing naka-freeze na ang account ko. Sa sobrang disappointment, nag-decide na lang akong bayaran sila. Imagine P2,600+. Grabe sila. May deferred payment pa talaga silang nalalaman. Kahit matapos ang pandemic na ito, hindi na magbabago ang tiwala ko sa kanila. Hindi na ako mag-eextend ng contract sa kanila. Mga mukhang pera. Sabi ko nga, mahalin nila ang clients nila. Ilayo dapat nila sa penalties. Kokontakin nila kapag may bayarin na. Noong wala pa, dedma sila. Haist! Tao nga naman. Oktubre 20, 2020 Pagkatapos ng matagumpay kong online class, naghanda na ako para umalis. Mag-wiwithdrawako upang bayaran ang AF. Nagawa ko naman agad before 9. Gusto ko pa sanang bumili ng paso at halaman, kaso sarado sa binibilhan ko. Isa pa, may meeting pala. Agad akong umuwi. More than 30 minutes akong late. Then, ang workshop naman ang pinagkaabalahan ko. Na-stress ako sa story concept ko. Sinubukang kong sumulat. Thrice! Pero lahat ng draft ko ay hindi puwede. Lumiko sa nais kong folklore. Na-stress talaga ako sa AF na iyan. Apektado ang utak ko. Mabuti na lang nakabayad na ako. Sana wala nang problema. Oktubre 21, 2020 Hindi ako halos gumamit maghapon ng laptop kasi hinarap ko ang pagsulat ng folklore, na kailangan kong ipasa sa BSB sa Oktubre 27. Nagawa ko naman bago mag-twelve. Nai-record ko pa nga at naiparinig sa aking mag-ina. Naawa lang ako kay Zillion kasi umiyak siya. Na-trauma yata sa content nito. Tungkol kasi ito sa pagtutuli-- de pukpok na pagtutuli. Inilahad ko ang proseso. Kung pakikinig nang maigi at uunawain, talagang masakit. Takot pa naman siyang magpatuli. Ayaw pa raw niya. Sana lang hindi iyon makaapekto sa gender niya. Hapon, umidlip ako. Hinintay ko ang Zoom meeting ko with Ma'am Nhanie and other co-module writers. Five nagsimula na. Mababalewala ang Quarter 2 na ginawa ko dahil nagbago ng plano. Quarter 3 na ng gagawin namin. Ibi-bid pa lang naman ng SBPH sa DepEd, kaya hindi pa sure kung matutuloy ang pagsulat namin. Gayunpaman, kailangang may maihanda kaming sample modules. Past 7, nasimulan ko na agad ang paggawa. May kailangan kasing ipasa sa Friday. Oktubre 22, 2020 Halos maghapon akong gumawa ng module. Hindi naman ako na-stress. Medyo nakakapagod lang. Mahirap pala ang merged objectives na module. Kailangan kong ikonekta lahat. Gayunpaman, nakatapos ako ngayon ng isa. Ang ikatlong module ay malapit nang matapos. May benta ako ngayon-- paso at halaman. Halos sa akin lahat. Thanks, God! Oktubre 23, 2020 Past 7, bumiyahe ako patungong Pasay. Nakapagturo ako kahit paano bago umalis. Ten, nasa school na ako. Nakasabay ko si Sir Vic. Naroon na sina Ma'am Madz, at Ma'am Vi. Naki-join ako sa paghiwa-hiwalay ng modules. Dumating din si Ma'am Wylene. Kinuwentuhan ko siya tungkol sa mga kalokohan ng admin at ilang kaguro namin. Nabuksan ang diwa niya. After lunch, nagbigayan na kami ng modules. Tinulungan ko sila. Inabutan kami ng 4:30. Nakisabay ako kay Ma'am Wylene kaya hindi ako natagalan sa biyahe. Past 6, nasa bahay na ako. Naabutan ko si Ma'am Jenny. Hindi agad ako nakagawa ng module. Pag-alis niya saka ako nakapagsimula. Hindi ko na natapos ng isa. Kagagawa ako lang ng springboard. Ang hirap na kasi ng layunin. Wala na akong magamit sa mga dati kong kuwento. Mabuti na lang, hindi pa deadline kay Ma'am Nhanie. Matatapos ko pa bukas ang ikaaapat na module Oktubre 24, 2020 Naabala ako ng dalawang webinar. Ang isa ay DLAC. Ikatlong session na ito. Ang isa naman ay sponsored ng Rotary Club. Magkasabay pa. Hindi ko halos maintidihan. Ang ganda sana ng topic ng isa. Maghapon akong gumawa ng module. Hindi ko nga lang natapos ng panlima. Kung wala sanang webinar baka nakaanim pa ako. Oktubre 25, 2020 Wala akong inaksayang sandali. Nag-double time ako sa paggawa ng modules. Kailangang kong matapos agad ang Grade Six para magawa ko naman ng Grade Four. Dahil masakit sa mata at sa kamay, kinailangan kong magpahinga kahit sandali. Past 2, umidlip ako hanggang four. Kahit paano ay nakapagpahinga ako nang mahaba-haba. Pero, gabi, sinagad ko ang oras para maipasa ko ang Table of Contents. nahirapan akong gumawa kasi hindi pa tapos. Nag-imbento na nga lang ako ng mga pamagat ng springboard. Isusulat ko pa ang mga iyon, kaya tiyak na katakot-takot na namang oras ang ilalaan ko. Past 11 na ako umakyat para matulog. Oktubre 26, 2020 Napuyat ako dahil sa bagyo. Matindi ang hangin ni Quinta. Nakakakatakot. Nagawa niyang kalampagin ang mga bubong, na dati naman ay hindi nagagalaw at nauuga. Pati ang wasiwas ng mga puno ay kakaiba. Mapaminsala. Kaya nga nang bumangon ako, before 8, nakita ko ang pinsala niya sa garden. Yumuko ang isa kong shrub, kaya napilitan akong putulan ng ibang sanga. Kitang-kita na tuloy kami dahil wala nang pangharang. Halos maghapon akong gumawa ng module. Naabala pa ko ni Ma'am Nhanie. Pinagawa niya ako ng isang module niya. Ipapasa na raw kasi ngayong gabi. Nagawa ko naman agad. Bukas may online class na uli. Oktubre 27, 2020 Pagkatapos ng online class, inasikaso ko naman ang pag-email ng story draft ko para sa writeshop. Nabasa at na-edit ko rin ang kay Ma'am Joann. After kong tapusin ang isang module na hindi ko natapos kagabi, nag-gardening ako. Tiyempo namang dumating ang dump truck kaya naitapon ko ang mga sanga ng punong tinabas ko dahil pinayuko ni Quinta. Itinuloy ko ang pagsasaayos ng garden bandang alas-4:30. Kahit paano ay gumanda na naman. Kung natapos ko sana, baka mas maganda pa. Bago ako umakyat para matulog, sinimulan ko ang isang module. Bukas, kailangan kong makatapos ng dalawang layunin dahil sa Huwebes, may writeshop na naman kami. Oktubre 28, 2020 Hinarap ko ang pag-critique ng akda ng kasama ko sa writeshop. Siya ang ibinigay sa akin ng organizer. Natuwa ako dahil mas maganda ang gawa ko. Nalungkot din naman ako sa huli kasi andami niyang mali sa technicalities. Kaya, sinikap kong maging patas sa pag-evaluate. Sinabi ko lang ang dapat at ang mga alam kong mali niya. Alas-singko na ng hapon na ako nakapag-ayos sa garden. Hindi ko nga lang natapos dahil madilim na. Hindi ko rin natapos ng ikalawang layunin sa module. Isa lang ang nagawa ko ngayon. Gayunpamam, masaya ako kasi nakapagsulat na naman ng kuwento dahil sa module. Lumalabas talaga ang creativity ko kapag kailangan. Oktubre 29, 2020 Hindi pa ako tapos magbukas ng garden shop, dumating na si Natz, ang suki kong senior citizen, na medyo bakla. Masuwerte siyang buena mano. Nabentahan kami maghapon ng worth P200+. One PM, ginanap na ang 4th at last session ng writeshop. Maganda ang critique sa akin. Although, hindi nila na-gets ang 'puyos,' minimal ang dapat kong baguhin at i-eedit. Nai-deliver ko rin nang maayos ang aking critique. Binasa ko lang. Disppointed lang ako dahil hindi napili as one of the top 3s ang akda ko. Gayunpaman, may chance pang mapili ng mga judges upang maging aklat at upang mapasama sa digital publication sa bookwatch. I'm hoping for my big break as writer. Oktubre 30, 2020 Pagkatapos ng online class ko, naghanda na ako para sa pag-alis ko. Natagalan lang ako kasi nag-chat pa kami ni Ma'am Joann tungkol sa writeshop. In-entertain ko rin ang chat ng dati kong estudyante na si Stefani Caiso dahil nanghihingi siya ng tulong oara sa kaniyang goiter. Nairekomenda ko sa kaniya ang FVP Guyabano. Wala naman daw silang pera dahil walang trabaho ng kaniyang mga magulang at pinalalayas na nga raw sila sa inuupahan nila. Akala ko, mangungusta lang. Kailangan pala niya ng tulong. Nag-pledge na lang ako na bibigyan ko siya ng FVP. Excited na nga siya. Gusto na niyang ipadala ko. Siyempre, nag-white lie ako. Gusto ko kasing personal na maibigay sa kaniya. Kailangan kong mai-document ang kaniyang kondisyon. Past 9, naglakad ako patungong Umboy. Dumaan ako sa bahay ni Natz. Wala siya roon. Nakasalubong ko nga siya sa daan. Nakilala niya ako, kaya hinintuan niya ako. Namili ako ng halaman at paso sa Rosario. Past 12 na ako nakarating. Ngayong araw, nakatapos ako ng isang module. Nakabenta rin ako ng halaman na worth P40. Oktubre 31, 2020 Late na akong bumangon upang pagbigyan ng sarili kong matulog up to sawa. Hindi man ganoon katanghali, pero at least nakabawi ako ng ilang araw na paggising nang maaga. Past 9, dumating si Ma'am Jenny para ibigay ang mga tseke at free products ng First Vita Plus. Tuwang-tuwa kami sa malaki-laking halaga at sa dami ng freebies. Mayroon din si Sir Hermie. Past 1:30, pumunta ako sa Puregold para makipag-meet up sa FVP customer. Bibili ng Mangosteen. Ni-refer siya ni Ma'am Jenny sa akin. Natagalan ako roon kasi na-traffic siya. Okay lang naman. Ang mahalaga, may bumili at may isang kalusugan na naman ang mababago. Nag-grocery na rin ako bago umuwi. Tuwang-tuwa si Zillion sa mga pinamili ko. Ngayong araw, nakatapos ako ng isang module. Bukas, sisikapin kong makagawa ng dalawa. Sa November 20 na kasi ang deadline. Mahigit sampung modules pa ang gagawin ko. Padayon!

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...