Followers
Sunday, November 1, 2020
Ang Aking Journal -- Oktubre 2020
Oktubre 1, 2020
Gumising ako nang maaga upang bumili ng saging na saba. Kailangan ni Emily para sa kaniyang diarrhea. Nasimulan ko nang maganda ang araw ko, kaya chillax ako maghapon. Nakabenta ako ng plants at pebbles.
Naisingit ko rin ang paggawa ng module. Natapos ko na ang 13th. Isa na lang.
Hapon, nag-usap kami ni Ma'am tungkol aa kabulastugan ng mga kalaban namin sa school. Nakisali na rin sa video call si Sir Hermie.
Then, chinat ako ni Mrs. Ledesma. Pursigido siyang mapanagot si Sir Jul sa pananakit kay Stephanie. Ayaw ko naman ang ganitong isyu, kaya lang doon ako sa tama. Kinailangan ko tuloy lumuwas bukas para makipag-meet sa dalawang partido at sa principal. I hope maging okay na ang lahat.
Gabi, dumating si Ma'am Jen upang i-deliver ang FVP ko. Binigyan niya rin ako ng mga halaman. Nagustuhan ko ang mga iyon. Limang variety at ang dami pa. Worth P500+ kung bibilhin.
Oktubre 2, 2020
Pasado alas-8 na ako umalis sa bahay, dala ang isang First Vita Plus powerpack at ang kaba sa dibdib. Kinakabahan ako sa meeting ko with complaining mother against Sir Jul. Hindi ko alam kung ano ang kahihinatnan nito.
Past 10, nasa school na ako. Hindi lumipas ang isang oras, pinatawag na kami ng principal para sa briefing.
Past 1, dumating na si Mrs. Ledesma at ang kaniyang sister-in-law. Although, hindi naman galit sa akin ang ina, hindi ako sanay sa ganoong scenario. Sa loob ng sampung taon ko bilang adviser, never pa akong nasangkot sa ganoong reklamo. Never pa akong humarap sa paglilitis.
Naging emotional ang ina, pero later naunawaan naman niya si Sir. Natuwa rin naman ako dahil hindi na umabot sa Division ang complaint. Ayaw ko naman kasing makaladkad ang pangalan ko.
Pagkatapos ng meeting, nakahinga ako nang maluwag. Pero, hindi ako nakatiis kaya ikinuwento ko kina Janelyn, Ma'am Gigi, at Ate Jing ang mga nangyari at mga kabulastugan ng mga ulupong. Naniwala sila.
Then, nag-bonding kami nina Ma'am Edith at Sir Erwin sa Mang Inasal. Ikinuwento ko rin sa kanila. Nagkuwento rin si Sir sa akin. Lalong naragdagan ang sama ng loob ko. Kaya nga nang naglabas din si Ma'am Venus sa GC naming officers, nag-decide akong magsiwalat sa kanila at mag-share ng mga nangyari. Gusto kong maunawaan nila kung bakit hindi ko masaya sa event na inaasa sa amin. Walang magandang dahilan kung bakit magsi-celebrate ng Teachers' day virtually. Mga plastic nga sa personal, magbi-virtual pa.
Dahil naipaliwanag ko ang lahat, naunawaan nila ako. Alam na nila ngayon ang mga panloloko, panggagago, at pagmamanipula nila sa amin.
Bago ako matulog, isang Grade 9 student ang nagmensahe sa akin sa FB. nabasa raw niya ang isa kung kuwnlento. Nagandahan siya. Nagpasalamat ako at kinausap siya. Naramdaman ko ang sinseridad niya, kaya bigla akong na-inspire. Sa tingin ko, sOiya na ang ipinadala ni God para maging misyon ko. Gusto ko siyang tulungang magkaroon ng gadget para sa pag-aaral niya.
Masaya na ako kahit sobrang sama ng loob ko nitong buong linggo. Mabait talaga si Lord.
Oktubre 3, 2020
Late na akong bumangon. Gusto kong bumawi sa ilang gabing balisa. Masuwerte naman ang pagbangon nang maaga ni Emily dahil may benta agad kmi. Nagtuloy-tuloy pa nga hanggang hapon. Kaya lang, maghapon din akong nakaramdam ng galit sa principal ko at sa mga taong kasabwat niya. Nais pa nga akong damayan ng mga kasamahan ko through video call. Kaya lang, mas pinili kong mag-chat na lang.
Naka-chat ko si Mrs. Ledesma. Sagad pa rin ang galit niya kay Jul. Marami-rami rin ang napagkuwentuhan namin.
Naka-chat ko rin si Mareng Janelyn. Siya ng nagbigay ng recorded audio na lalong nagpainit ng ulo ko. Nai-block ko tuloy ng principal at nag-leave ako sa bagong GC, lalo na't nalaman naming postponed pala ang WTD celebration namin sa Lunes. Hindi man lang niya ko in-inform.
Naka-chat ko rin ang estudyante kagabi. Lalo akong humanga sa pagiging palaban niya sa buhay.
Gabi. Gumawa ako ng vlog. Na-inspire ako ni Precious. Naipangako kong magbibigay ako ng mensahe sa Lunes sa GC namin. Hihingi ako ng apology sa kanila.
Oktubre 3, 2020
Five hundred pesos agad ang buena mano namin. Tatlong klase ng halaman ang nabili. Hinatid ko tuloy sa kanila. Nakita ko rin doon ng koleksiyon niya ng bougainvillea. Na-inspire akong magparami at mag-collect din.
Ngayong araw, mainit ang talakayan namin sa GC. Nagplano kami. Si Ma'am Venus ang nag-initiate na mag-raise ng mga questions.
Napansin iyon at nagkaroon ng sagutan. Uminit din ang ulo, kaya nagbigay rin ako ng kaunting hint ng rebellion. Nag-schedule tuloy ng meeting ng pahal.
Sa meeting, matapang na inilahad ni Ma'am Venus ng kaniyang mga saloobin. Nagkaroon ng mainit at madamdaming balitaktakan.
Pagkatapos, ako naman... Kinorner ko siya tungkol sa ginawa nilangnbagong GC. Halatang hindi siya prepared kaya halatang nagsisinungaling siya. Kahit mataas ang tono ko, hindi niya ako mapigilan sapagkat talo siya sa aking mga rason.
Nagsalita si Ma'am Ana. Naiyak siya. Ayaw niyang lumala pa ang bangayan. Bumaba ang galit ko, but hindi nawala ang inis ko sa aking boss.
Masaya ako dahil naipahayag ko ang boses ng mga kasamahan ko. Sumama man ng loob ng principal at mga kakampi niya, wala akong pakialam. Kasalanan nila ng lahat ng kaguluhan.
Oktubre 5, 2020
Na-excite siya ang katawan ko. Nagising ko bandang 3:30. Hindi na ako nakatulog. Naalala ko tuloy ang nangyari sa meeting kahapon.
Before 5, bumangon na ako. Sa unang pagkakataon, maaga akong nagbukas ng tindahan.
Ngayon araw ang opening of classes. Naging maayos naman ang online classes namin. Kakaunti lang ang mga nakapasok. Pinag-isa na lang namin kaya isahang turo na lang din. Pabor ito sa aming lahat dahil tigpi-fifteen minutes lang kami.
Ginawa ko ngayong araw ang mga accomplishment reports at workweek plan. Nakapagdagdag na rin ako ng ilang pahina sa last module ko.
Nakakaantok at nakakapagod lang ng maghapong nakaharap sa laptop at cellphone. Kailangang i-divert ang sarili s ibang gawain.
Oktubre 6, 2020
Hindi na ako bumangon ng napakaaga. Sapat naman ang kalahating oras na preparasyon sa pagharap sa laptop para sa online class.
Naging maayos naman ang ikalawang araw ng distance learning. Nakapagturo ako nang maayos, gamit ang mga flash cards.
Then, hinarap ko naman ang paggawa ng module. Kakainis lang ang mga estudyante. Ginagawa nilang tambayan ang GC, kaya naiistorbo ako. Mayroon namang tanong nang tanong. Pahina na lang ng subject na Filipino, ichachat pa sa akin. Properly labeled naman ang mga modules. At nasa unahan pa. Pambihirang katangahan!
Ngayong araw, naawa ako kay Sir Hermie dahil nabuhay na naman ang kaso niya. May memo siya, kasama sina Sir Joel at Sir Erwin bilang GL at MT, sa conference bukas.
Grabe si Chula! Isang napakakasuklam-suklam ng ginawa niya kay Sir Hermie.
Sana makaraos na si Sir.
Nakakalungkot ang mga nangyayari sa GES. Hindi na healthy.
Oktubre 7, 2020
Maayos kong naisagawa ang online class. Naging all ears sila nang sinimulan ko nang ikuwento ang springboard kong tungkol sa alagang itik ko. Marami marahil ang naengganyong pahalagahan ng pagbabasa, pagsusulat, at pagkakaroon ng karanasan.
Hindi ko pa rin natapos ng huling layunin ng module dahil kinailangan kong turuan si Zillion sa Math.
Gabi. Matagal ang video call namin nina ma'am Vi at Sir Hermie. Natawa kami sa nangyari kay Sir sa conference with the Legal Officer. Naabsuwelto na siya, pero tsinismis na naman siya tungkol sa pagsasama nila ni Ma'am Anne. Grabeng ka-cheap-an talaga ng principal namin!
Oktubre 8, 2020
Dahil sa ulan kagabi, napuyat ako. Kaya halos puro ako pahinga at idlip ngayong araw. Nakagawa naman ako ngayon ng video lesson cum vlog, na gagamitin ko bukas. Hindi rin ako nakapag-gardening. Gayunpaman, malapit nang matapos ang modules sa Filipino 6. Masisimulan ko na ang Filipino 4.
Oktubre 9, 2020
Thanks, God, it's Friday! Nakaraos na ako sa isang linggong online class. Kahit paano ay nakaka-adjust na sa New Normal. Nakausad na rin ako sa Filipino 6 modules. Nasimulan ko na ngayong araw ang Filipino 4. In fact, day 2 na ako. Hindi ko nga lang natapos dahil maraming customers ng dumating. May delivery pa kami ng loam soil.
Oktubre 10, 2020
Dumalo ako sa Division LAC bandang 8 ng umaga. Dapat sana ay mamimili ako ng mga paso, pero dahil nakamemo ang pangalan ko, sinikap kong tapusin iyon. Besides, maganda naman ang topic. Tungkol iyon sa mental health. Marami akong natutuhan.
Past 12:30, after lunch, umalis ako para mamili ng mga paso.
Marami akong nabili. May mga bago na naman kaming style ng paso. Nakabili rin ako ng mga dating stocks.
Nasa ikatlong layunin na ako ng Filipino 4. Kung hindi nga lang busy at hindi ako naglutonng hapunan, baka natapos ko na iyon. Andami pa namang objectives ngayon ang week 2 ng Filipino 4. Trenta! Wew! Dati, seventeen lang. Sana may dagdag na bayad naman. Parang lugi ako sa P4,000 lalo na't may P1,000 less pa para sa edting at proofreading fee. Sana...
Oktubre 11, 2020
Hindi naman ako halos nakagamit ng laptop kasi nag-gardening ako. Pinagbigyan ko rin si Emily na gamitin ang laptop ko para sa FVP Zoom meeting.
Dumating na ang giant golden atbsilver satin pothos na pinadeliber ko. Medyo disppaointed ako, pero later on, natanggap ko na. Alam kong makadaragdag ng ganda sa garden ko ang mga iyon.
Gabi, gumawa ako ng vlog para magamit ko rin sa lesson bukas.
Oktubre 12, 2020
Dahil ako ang naghanda ng almusal, na-late ako sa pagpasok sa online class. Nag-overtime din ako.Naglabo-labo tuloy ang schedule.
Pagkatapos ng klase, humina ang net. Nagbanlaw na lang ako ng mga nilabhan ni Emily bilang tulong sa kaniya, since siya naman ang gumagabay kay Zillion sa pagsagot sa module.
Then, maghapon na ang meeting namin. Halos hindi ko na maharap ang module writing. Gayunpaman, kahit paano ay umusad na ako.
Ten o' clock na rin ako natapos gumawa ng video lesson. Mabuti na lang, nakisama ang internet.
Oktubre 13, 2020
Nanaginip ako ng tae, kaya maaga pa lang ay may benta na ako. Na-late na nga lang ako sa pagpasok sa online class. Nagkaproblema pa ako sa audio.
Past 1:30, dumalo ako sa writeshop ng NBDB. Kasama ko uli si Ma'am Joann. Hindi ako nakapagpakilala online kasi may problema talaga ang audio ko. Gayunpaman. marami akong natutuhan. Bago na naman ang lahat sa akin. I hope matapos ko ang 4 sessions.
Past 8, dumating si Sir Hermie upang ibigay sa akin ang authorization letter ng pagkuha ng checks niya sa FVP. Nag-inuman na rin kami at nagkuwentuhan. Past 10:30 na kami natapos. Naging tipsy rin ako sa dalawang grande na ininom namin.
Oktubre 14, 2020
Mas maayos pa ang pagtuturo ko online nang ginamit ko ang cellphone ko kaysa noong laptop ng gamit ko. Nagamit ko ang earphone, kaya nagkarinigan kami. On time pa ang in and out ko.
Maghapong maulan kaya humarap lang ako sa laptop para sa paggawa ng module. Hapon, umidlip ako. Ang sarap matulog. Kung wala lang akong gagawin, baka pinagbigyan ko ang sarili ko hanggang alas-singko.
Naghanda ako ng vlog cum video lesson para bukas. Sana mai-present ko nang maayos bukas, gamit ang cellphone ko.
Oktubre 15, 2020
Hindi talaga ako nakapasok sa Google Classroom. Ang puno't dulo nito ay ang DepEd email ko. Kailangang ayusin ni Ma'am Gigi. Nag-chat na ako sa kanya kahapon. Nakalimutan niya. Nag-chat uli ako. Wala pa rin. Mabuti na lang, maunawain ang mga kasamahan ko sa grade level.
Hinarap kong muli ang module ko. Nainis lang ako dahil nawalan ng internet. Nang madiskubre ko, nakabayad na ako ng bill. ang problema ay settings lang. Okay lang naman. Kailangan talagang magbayad. Pinoproblema ko lang ang pambayad sa Ultera ko. Patong-patong na. Hangad ko na magpadala na lang sila ng bill para may panghawakan ako.
Anyways, marami akong na-accomplished ngayong araw. Isa na roon ang pagdalo ko sa writeshop. Second session na iyon. Mas lumalalim na ang kaalaman ko sa folklore.
Gumawa rin ako ng video lesson para bukas. Kahit alam kung hindi ulit ako makakapasok, okay lang. Maging handa lang ako palagi.
Oktubre 15, 2020
Nakapasok na ako sa Google Meeting, pero hindi na naman gumana ang audio. Kahit anong gawin ko sa settings, ayaw pa rin. Halos maubos na ang time ko. Kaya pinasalo ko na kay Sir Hermie.
Na-stress ako. Mabuti na lang ay dumating uli sa ikatlong beses ang customer naming maboka. Bumili siya ng P100. Hindi pa nagtagal, bumili rin si Rose Ong ng worth P215. Malaki-laki ang sales ko maghapon. May P35 pang pebbles. Not bad.
Na-stress lang ako bandang alas-6 ng hapon nang mag-reply sa text ko ang AF-PITX. Hindi ko raw puwedeng ipa-freeze ang account ko dahil may outstanding balance ako. Nagulat ako kasi ang alam ko settled ako before lockdown.
Naglabas pala sila ng email, announcing na magbubukas sila ng September 7. Wala namang nakalagay na guidelines na automatically ay lifted na ang freezing of account. October 14, nag-email naman about it.
Late ko na nabasa, pero it doesn't mean na may utang ako. Grabe sila. Nanginig ako sa galit.
Pinaliwanagan ko at nag-please ako na i-freeze ang account ko nang wala akong babayaran. Hindi na sila nag-reply pagkatapos.
Oo, may contract kami, pero naka-freeze ang account ko. Nag-email ako at pumayag sila. Sana man lang kinontak nila ako kung bakit hindi ako nakapag-workout noong September 7 till this day. Wala silang concern sa clients nila. Ang concern lang nila ay income, which is wrong.
Sana ma-realize nilang mali ang trato nila sa akin o sa iba pa. Sabi ko nga, hindi aabot sa deadline kung well-informed ako. Kaso, hindi. Hindi malinaw ang email nila. Wala roon ang sinasabi nilang freeze-freeze.
Haist! Na-stress na nga ako sa PLDT bill na umabot na ng P3500 plus, pati sa AF, stressful din. Mabuti sana kung may darating na pera sa akin..
Oktubre 17, 2020
Hindi na nag-reply ng AF-PITX. Okay lang! Kahit paano ay naiparating ko na ang side ko.
Maging busy ako maghapon. Hinarap ko ang Character Template, na assignment namin sa writeshop. Nagawa ko naman bago mag-1 PM. Ready to email na sa organizer. Kung wala nga lang kaming webinar, baka natapos ko nang mas maaga. Tungkol sa pagtutuli ang naisip kong paksa ng aking folklore.
Then, module writing naman sa hapon. Umidlip lang ako nang kaunti at nag-entertain ng customer sa garden shop.
Past 10 na akp natapos. Nag-post kasi ako ng mga sinulat ko at isinama sa modules. Nailista ko rin ang mga akda kong ginamit sa modules upang hindi maulit o magamit sa ibang layunin. May dalawa ngang nagamit ko sa ibang grade.
Oktubre 18, 2020
Halos maghapon akong gumawa ng module. Nahirapan ako kasi nauubusan na ako ng akda, na maaari kong magamit. Hindi ko naman puwedeng gamitin ang mga pang-adult na stories at articles ko. Kinailangan ko pang magsulat ng bago. Naka-13 layunin na ako. Seventeen to go.
Maaga naman akong umakyat at nagpahinga. Napagod ang utak at mata ko sa kaka-laptop.
Oktubre 19, 2020
Nakapagturo ako nang maayos kahit walang audio ng video presentation ko sa cellphone. Binasa ko na lang at ipinaliwanag. Ang haba pa naman ng kuwento. Nag-overtime tuloy ako.
Then, ginawa ko ang module hanggang 1 PM. Nag-meeting kaming Grade Six teachers with our MT. Grabe! Ang haba ng meeting na iyon. Inabot kami ng past 6:30. Nakapaglabas din ako ng saloobin dahil sobra akong naiinis sa admin, na hindi marunong makinig sa mga nakakababa. Patawarin sana ako ng Diyos sa masasakit na salitang namutawi sa aking mga labi.
At ngayong hapon din, nag-text ang AF-PITX. Akala ko, sasabihing naka-freeze na ang account ko. Sa sobrang disappointment, nag-decide na lang akong bayaran sila. Imagine P2,600+. Grabe sila. May deferred payment pa talaga silang nalalaman.
Kahit matapos ang pandemic na ito, hindi na magbabago ang tiwala ko sa kanila. Hindi na ako mag-eextend ng contract sa kanila. Mga mukhang pera. Sabi ko nga, mahalin nila ang clients nila. Ilayo dapat nila sa penalties. Kokontakin nila kapag may bayarin na. Noong wala pa, dedma sila. Haist! Tao nga naman.
Oktubre 20, 2020
Pagkatapos ng matagumpay kong online class, naghanda na ako para umalis. Mag-wiwithdrawako upang bayaran ang AF.
Nagawa ko naman agad before 9. Gusto ko pa sanang bumili ng paso at halaman, kaso sarado sa binibilhan ko. Isa pa, may meeting pala. Agad akong umuwi. More than 30 minutes akong late.
Then, ang workshop naman ang pinagkaabalahan ko. Na-stress ako sa story concept ko. Sinubukang kong sumulat. Thrice! Pero lahat ng draft ko ay hindi puwede. Lumiko sa nais kong folklore.
Na-stress talaga ako sa AF na iyan. Apektado ang utak ko. Mabuti na lang nakabayad na ako. Sana wala nang problema.
Oktubre 21, 2020
Hindi ako halos gumamit maghapon ng laptop kasi hinarap ko ang pagsulat ng folklore, na kailangan kong ipasa sa BSB sa Oktubre 27. Nagawa ko naman bago mag-twelve. Nai-record ko pa nga at naiparinig sa aking mag-ina.
Naawa lang ako kay Zillion kasi umiyak siya. Na-trauma yata sa content nito. Tungkol kasi ito sa pagtutuli-- de pukpok na pagtutuli. Inilahad ko ang proseso. Kung pakikinig nang maigi at uunawain, talagang masakit. Takot pa naman siyang magpatuli. Ayaw pa raw niya. Sana lang hindi iyon makaapekto sa gender niya.
Hapon, umidlip ako. Hinintay ko ang Zoom meeting ko with Ma'am Nhanie and other co-module writers. Five nagsimula na.
Mababalewala ang Quarter 2 na ginawa ko dahil nagbago ng plano. Quarter 3 na ng gagawin namin. Ibi-bid pa lang naman ng SBPH sa DepEd, kaya hindi pa sure kung matutuloy ang pagsulat namin. Gayunpaman, kailangang may maihanda kaming sample modules.
Past 7, nasimulan ko na agad ang paggawa. May kailangan kasing ipasa sa Friday.
Oktubre 22, 2020
Halos maghapon akong gumawa ng module. Hindi naman ako na-stress. Medyo nakakapagod lang. Mahirap pala ang merged objectives na module. Kailangan kong ikonekta lahat. Gayunpaman, nakatapos ako ngayon ng isa. Ang ikatlong module ay malapit nang matapos.
May benta ako ngayon-- paso at halaman. Halos sa akin lahat. Thanks, God!
Oktubre 23, 2020
Past 7, bumiyahe ako patungong Pasay. Nakapagturo ako kahit paano bago umalis.
Ten, nasa school na ako. Nakasabay ko si Sir Vic.
Naroon na sina Ma'am Madz, at Ma'am Vi. Naki-join ako sa paghiwa-hiwalay ng modules. Dumating din si Ma'am Wylene. Kinuwentuhan ko siya tungkol sa mga kalokohan ng admin at ilang kaguro namin. Nabuksan ang diwa niya.
After lunch, nagbigayan na kami ng modules. Tinulungan ko sila. Inabutan kami ng 4:30. Nakisabay ako kay Ma'am Wylene kaya hindi ako natagalan sa biyahe. Past 6, nasa bahay na ako. Naabutan ko si Ma'am Jenny.
Hindi agad ako nakagawa ng module. Pag-alis niya saka ako nakapagsimula. Hindi ko na natapos ng isa. Kagagawa ako lang ng springboard. Ang hirap na kasi ng layunin. Wala na akong magamit sa mga dati kong kuwento.
Mabuti na lang, hindi pa deadline kay Ma'am Nhanie. Matatapos ko pa bukas ang ikaaapat na module
Oktubre 24, 2020
Naabala ako ng dalawang webinar. Ang isa ay DLAC. Ikatlong session na ito. Ang isa naman ay sponsored ng Rotary Club. Magkasabay pa. Hindi ko halos maintidihan. Ang ganda sana ng topic ng isa.
Maghapon akong gumawa ng module. Hindi ko nga lang natapos ng panlima. Kung wala sanang webinar baka nakaanim pa ako.
Oktubre 25, 2020
Wala akong inaksayang sandali. Nag-double time ako sa paggawa ng modules. Kailangang kong matapos agad ang Grade Six para magawa ko naman ng Grade Four. Dahil masakit sa mata at sa kamay, kinailangan kong magpahinga kahit sandali. Past 2, umidlip ako hanggang four. Kahit paano ay nakapagpahinga ako nang mahaba-haba. Pero, gabi, sinagad ko ang oras para maipasa ko ang Table of Contents. nahirapan akong gumawa kasi hindi pa tapos. Nag-imbento na nga lang ako ng mga pamagat ng springboard. Isusulat ko pa ang mga iyon, kaya tiyak na katakot-takot na namang oras ang ilalaan ko.
Past 11 na ako umakyat para matulog.
Oktubre 26, 2020
Napuyat ako dahil sa bagyo. Matindi ang hangin ni Quinta. Nakakakatakot. Nagawa niyang kalampagin ang mga bubong, na dati naman ay hindi nagagalaw at nauuga. Pati ang wasiwas ng mga puno ay kakaiba. Mapaminsala.
Kaya nga nang bumangon ako, before 8, nakita ko ang pinsala niya sa garden. Yumuko ang isa kong shrub, kaya napilitan akong putulan ng ibang sanga. Kitang-kita na tuloy kami dahil wala nang pangharang.
Halos maghapon akong gumawa ng module. Naabala pa ko ni Ma'am Nhanie. Pinagawa niya ako ng isang module niya. Ipapasa na raw kasi ngayong gabi. Nagawa ko naman agad.
Bukas may online class na uli.
Oktubre 27, 2020
Pagkatapos ng online class, inasikaso ko naman ang pag-email ng story draft ko para sa writeshop. Nabasa at na-edit ko rin ang kay Ma'am Joann.
After kong tapusin ang isang module na hindi ko natapos kagabi, nag-gardening ako. Tiyempo namang dumating ang dump truck kaya naitapon ko ang mga sanga ng punong tinabas ko dahil pinayuko ni Quinta.
Itinuloy ko ang pagsasaayos ng garden bandang alas-4:30. Kahit paano ay gumanda na naman. Kung natapos ko sana, baka mas maganda pa.
Bago ako umakyat para matulog, sinimulan ko ang isang module. Bukas, kailangan kong makatapos ng dalawang layunin dahil sa Huwebes, may writeshop na naman kami.
Oktubre 28, 2020
Hinarap ko ang pag-critique ng akda ng kasama ko sa writeshop. Siya ang ibinigay sa akin ng organizer. Natuwa ako dahil mas maganda ang gawa ko. Nalungkot din naman ako sa huli kasi andami niyang mali sa technicalities. Kaya, sinikap kong maging patas sa pag-evaluate. Sinabi ko lang ang dapat at ang mga alam kong mali niya.
Alas-singko na ng hapon na ako nakapag-ayos sa garden. Hindi ko nga lang natapos dahil madilim na.
Hindi ko rin natapos ng ikalawang layunin sa module. Isa lang ang nagawa ko ngayon. Gayunpamam, masaya ako kasi nakapagsulat na naman ng kuwento dahil sa module. Lumalabas talaga ang creativity ko kapag kailangan.
Oktubre 29, 2020
Hindi pa ako tapos magbukas ng garden shop, dumating na si Natz, ang suki kong senior citizen, na medyo bakla. Masuwerte siyang buena mano. Nabentahan kami maghapon ng worth P200+.
One PM, ginanap na ang 4th at last session ng writeshop. Maganda ang critique sa akin. Although, hindi nila na-gets ang 'puyos,' minimal ang dapat kong baguhin at i-eedit. Nai-deliver ko rin nang maayos ang aking critique. Binasa ko lang.
Disppointed lang ako dahil hindi napili as one of the top 3s ang akda ko. Gayunpaman, may chance pang mapili ng mga judges upang maging aklat at upang mapasama sa digital publication sa bookwatch. I'm hoping for my big break as writer.
Oktubre 30, 2020
Pagkatapos ng online class ko, naghanda na ako para sa pag-alis ko. Natagalan lang ako kasi nag-chat pa kami ni Ma'am Joann tungkol sa writeshop. In-entertain ko rin ang chat ng dati kong estudyante na si Stefani Caiso dahil nanghihingi siya ng tulong oara sa kaniyang goiter. Nairekomenda ko sa kaniya ang FVP Guyabano. Wala naman daw silang pera dahil walang trabaho ng kaniyang mga magulang at pinalalayas na nga raw sila sa inuupahan nila. Akala ko, mangungusta lang. Kailangan pala niya ng tulong. Nag-pledge na lang ako na bibigyan ko siya ng FVP. Excited na nga siya. Gusto na niyang ipadala ko. Siyempre, nag-white lie ako. Gusto ko kasing personal na maibigay sa kaniya. Kailangan kong mai-document ang kaniyang kondisyon.
Past 9, naglakad ako patungong Umboy. Dumaan ako sa bahay ni Natz. Wala siya roon. Nakasalubong ko nga siya sa daan. Nakilala niya ako, kaya hinintuan niya ako.
Namili ako ng halaman at paso sa Rosario. Past 12 na ako nakarating.
Ngayong araw, nakatapos ako ng isang module.
Nakabenta rin ako ng halaman na worth P40.
Oktubre 31, 2020
Late na akong bumangon upang pagbigyan ng sarili kong matulog up to sawa. Hindi man ganoon katanghali, pero at least nakabawi ako ng ilang araw na paggising nang maaga.
Past 9, dumating si Ma'am Jenny para ibigay ang mga tseke at free products ng First Vita Plus. Tuwang-tuwa kami sa malaki-laking halaga at sa dami ng freebies. Mayroon din si Sir Hermie.
Past 1:30, pumunta ako sa Puregold para makipag-meet up sa FVP customer. Bibili ng Mangosteen. Ni-refer siya ni Ma'am Jenny sa akin. Natagalan ako roon kasi na-traffic siya. Okay lang naman. Ang mahalaga, may bumili at may isang kalusugan na naman ang mababago.
Nag-grocery na rin ako bago umuwi. Tuwang-tuwa si Zillion sa mga pinamili ko.
Ngayong araw, nakatapos ako ng isang module. Bukas, sisikapin kong makagawa ng dalawa. Sa November 20 na kasi ang deadline. Mahigit sampung modules pa ang gagawin ko. Padayon!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Ang Pinakamasamang Kuya
Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...
-
Sorsogon, Isang Destinasyon Ang Sorsogon ay hindi magpapahuli sa kagandahan ng tanawin, at kalinisan na mga dalampasigan, bundok at kapaligi...
-
MGA BAGONG SALAWIKAIN TUNGKOL SA PERA Ang pera, ginagamit para makapagpaligaya, pero ang ligaya, 'di ginagamit para magkapera. An...
No comments:
Post a Comment