Followers

Sunday, February 28, 2021

Ang Aking Journal -- Pebrero 2021

Pebrero 1, 2021
Maaga akong nagising dahil sa lamok. Bukas pala ang bintana kaya nagsipasukan. Pinapak ako magdamag. Haist!

Gayunpaman, nagturo ako nang masigla. Nagluto din ako ng almusal namin habang vacant period namin.

Paat 10, dumating n si Sir Hermie. At lumarga na kami nina Jay-R patungo sa Silang para mamili ng mga halaman. Siya ang kapitbahay naming plantito na may kilala roon. Mura lang daw.

Mura nga pero halos walang mapagpiliian. Nasa liblib ang lugar. Gayunpaman, bumili pa rin ako bilang tulong na rin sa may-ari.

Ang sarap mamili. Kung hindi nga lang kami nakamotor baka naubos ang P3k ko. Anyways, dream come true dahil nakabili na ako ng juvenile Monstera deliciosa. P500 lang.

Nagutuman kami. Past 3 na kami nakauwi sa bahay. Mabuti na lang may ulam at kami pa. No regrets naman. Sobrang saya! Worth it ang pagod at ang gastos.

Past 4, dumalo ako sa RPMS orientation. Pagkatapos, nag-esit ako ng modules. Past 10:30 ko na iyon na isend sa email ni Ma'am Nhanie. At east, wala na akong ira-rush.

Bukas pupunta ako sa school para sa distribution ng modules.



Pebrero 2, 2021
Three-thirty, bumangon na ako para sa pagpunta sa school. Past 5:30, nasa school na ako. Naroon si Sir Joel G, pero wala pa ang mga kasama ko sa Grade Six. Umakyat n ako sa room pagkatapos magkape. Later dumating na si Ma'am Vi. Nag-online class muna ako. Then, paisa-isa na silang dumating.

Ang mga sumunod na pangyayari ay action para sa bigayan ng modules at siyempre may kulitan at tawanan. Nag-contribute din kami para bigyan ng simpleng celebration sa birthday ni Papang.

Nagplanong umalis gamit ang sasakyan ni Sir Joel G.. Hindi nga lang puwede si Sir Joel K kaya hindi na pursue. Pero nangag-uuwian na, nagkaroon ng biglaang plano. Pupunta na lang sa bahay ng Guillermos. Gusto kasi nilang makapunta roon at mag-stay si Ma'am Madz. Hayun nga! Nangyari ang hindi-plinano. Nakasama si Ma'am Wylene, si Ma'am Venus, at Ma'am Joann.

Nakarating kami sa bahay ni Ma'am Venus.

Isang masayang kainan, kulitan, at tawanan ang naganap doon. Ang saya-saya! Ang dami namin. Almost full force ang Grade Six.

Nine, nagkayayaan nang umuwi. Ayaw nila akong pag-commute-in kaya hinatid ako nina Sir Joel. Nakarating na rin tuloy sa bahay sina Ma'am Madz at Ma'am Joann. Nagkita na silang muli ni Zillion, dati niyang Kinder pupil. Nagkuwentuhan muna kami sandali, bago sila nagpaalam. Nakapag-sales talk pa si Emily ng FVP.

Sa sobrang pagod at puyat, nakatulog agad ako.




Pebrero 3, 2021
Kahit paano, nakatulog ako nang maayos kaya naman naggising ako nang una sa alarm clock.

Nagturo muna ako, then nag-prepare na ako para bumiyahe patungong FVP office.

Nine-thirty dumating si Sir Hermie. Pinuntahan namin si Ma'am Jenny. Agad naman kaming bumiyahe.

Before 12, nasa Suntree na kami. Agad naming inayos at isinagawa ang mga pakay namin. Medyo natagalan lang sa pagpapabago ng name ni Sir Hermie, kaya inabutan kami roon ng past 3:30. Pero okay lang, sulit naman dahil naisama ko si Sir doon.

Nakakatuwa rin dahil P62k pala ang royalty fee ko. Kaya naman, nagplano ako ng surprise para kay Emily. Kinuntsaba ko si Ma'am Jenny. Bibilhan ko siya ng tri-bike at cellphone.

Pagdating namin sa PITX, trineat ko ang dalawa ng meryenda sa Jollibee. Then, bumili kami ng cellphone. Pagdating sa bahay, sinikap kong hindi iyon makita ng mag-ina ko.

Nag-shot muna kami ni Sir ng isang grande bago siya umuwi. Nagkuwentuhan kami nang kaunti kasi kailangan na niyang umuwi.



Pebrero 4, 2021
Maaga akong nagising para mag-poo, kaya naman naibalot ko pa ang brand new cellphone na gagamitin ko para i-prank si Emily, kasabay ng tri-bike. Kaya lang, after class, nakita niya iyon sa likod ng tv, kaya no choice ako kundi isakatuparan na. Mabuti na lang dumating si Ma'am Jenny, na aking accomplice.

Parang totoong-totoo ang prank.

Ang siste kasi ay kunwari may dumating na package. Babalikan daw ang bayad ng nag-deliver kasi tulog pa siya. Nang binuksan, walang laman kaya lalo akong nagalit. Maiyak-iyak na sa takot si Emily. Nang ni-reveal ko, naiyak siya.
Successful ang prank.

Nang napanood ko ang mga videos, nag-decide ako na sa youtube account na lang ni Ma'am Jenny i-upload since siya naman ang may-ari ng videos. Tulong na rin sa kaniyang YT.

Wala nga sa plano ang nangyari dahil dapat ay sabay ang cellphone at tri-bike. Kaya, pasikreto kaming nagko-communicate ni Ma'am Jen para sa 2nd prank.

Before 9PM, dumating na ang delivery. Game na game ang mag-asawang nag-deliver. Nice acting din kami ni Ma'am Jen. Kaya naman, successful uli.

Okay lang kahit gumastos ako ng almost P15k para sa kaniya. Gusto ko lang na mapasaya siya at makapag-start na sa kaniyang mga plano. Wala nang rason para hindi siya kumita sa online selling. May pang-deliver na siya wothin the subdivsion.

Thanks, God sa blessings!




Pebrero 5, 2021
Pagkatapos ng online class, dumating si Ate Emer. Nakisabay siya sa pag-aalmusal namin. Uminom lang siya ng First Vita Plus.

Past nine, nasa biyahe na ako papuntang Antipolo. Nagpadala muna ako ng P6,200 kay Ma'am Nhanie through Cliqq sa kanyang GCash para sa outreach program ng 21st Century Teacher..

Sa Cubao, gumala muna ako sa bilihin ng mga halaman. Ang gaganda! Hanggang tingin na lang ako.

Bago ako bumiyahe uli, nakakain na ako. Past 2, nagkita na kami ni Flor sa Gate 2. Bumili muna kami ng burgers sa Jollibee bilang pasalubong.

Past 3, nakarating na ako kina Jano. Authentic ang kasiyahan ni France nang makita ako. Tuwang-tuwa rin si Mama.

Habang hinihintay si Janno, nagkuwentuhan kami. Si Taiwan ang asawa nito ang ikinuwento niya sa akin. Gusto raw nitong maikasal sa kapatid ko kasi Christian ito at hindi maganda sa paningin ng Diyos. Tama naman!

Marami rin akong naikuwento kay Mama bago nagyaya si Jano na kumain sa labas. Hindi sumama si Mama.

Nang pumunta na kami sa kainan ng pansit batil patong, namalengke pa raw, kaya maghihintay pa kami. Naisipan ni Flor na sunduin ang mga anak ko, since malapit lang naman. Dahil gusto ko ring makita at makasama, pumayag ako.

Niyakap ko sila nang magkita kami. Malaki na ang pagbabago nila. Soon, may dalaga at binata na ako. Kaya lang, masyado silang mahiyain. Marahil ay hindi sila confident sa sarili nila. Gusto kong mawala iyon, lalo na si Zildjian.


Habang naghihintay kami roon, sinamantala ko nang makausap ang magkapatid. Humingi ako ng sorry sa kanila. Matagal ko nang gustong sabihin iyon pero iyon ang tamang panahon kasi nakita kong matured na sila. Alam kong mauunawaan nila ako. Sinabi kong hindi ko ginusto o pinili ang nangyari sa amin. Gayunpaman, sinabi kong bumangon ako para sa kanila. Kung hindi ako babangon, pare-pareho kaming nasa baba. Then, ikinuwento ko sa kanila ang ilan sa mga inspiring stories like royalty fee, module writing na may bayad, travel, house, at iba pa. Ipinangako ko na rin kay Hanna ang kaniyang debut sa 2023. Gusto ko ring makasama sila sa travel ko para magkakilala kami nang husto.

Nagawa ko pang mag-vlog habang nasa sasakyan at habang na restaurant. Ang saya! Walang mapagsidlan ng ligaya ang puso ko. Gusto kong balik-balikan ang mga anak ko.

Mga pasado alas-otso na yata iyon nang maghiwa-hiwalay kami. Sayang naiwan kay Mama ang pera at hoodies na para sa kanila. Pero hindi bale, magandang makita naman sila ni Mama.

Before 12, nasa bahay na ako. Napagod ko sa Cubao. Ang hirap makasakay. Ang layo nang nilakad ko kasi wala nang bus stop. Mabuti may MRT pa.



Pebrero 6, 2021
Kahit hindi ako nakatulog nang 8 hours, kahit paano ay nakabawi ako ng pagod at puyat.

After breakfast, nag-gardening ako. Inayos ko ang parking area ng tri-bike ni Emily. Then, gumawa ko ng vlogs, gamit ang mga pictures at videos kahapon.

Bandang hapon hanggang gabi, gumawa naman ako ng vlogs, gamit ang ginawa kong modules sa Filipino. Nakadalawa ako. Nakaapat akong vlogs ngayong araw. Not bad.



Pebrero 7, 2021
Past 8 na ako bumangon dahil alam kong may magluluto ng almusal namin, si Kuya Emer.

Pagkatapos mag-almusal, nagligpit ako sa garden dahil gagawin ni Kuya Emer ang ramp sa gate para hindi mahirapan ang paglabas at pagpasok ng bike.

Dumating din si Kuya Boy para magsukat sa pinagagawa kong metal plant rack. Humihingi na siya ng P4k para sa material at labor cost. Pero, nang gabi, humirit pa siya ng P500 kasi nakalimutan daw ilista ng gulong. Pinalalagyan ko kasi ng gulong.

Nagsulat ako ng pang-update sa wattpad ko. Hindi ko matapos-tapos pero nadaragdagan ang haba.

Gabi, nagtsek ako ng modules. Nakaka-stress kaya halos hindi ako nakausad.



Pebrero 8, 2021
Unang araw ng INSET. Hindi ko gusto ang mga nangyari. Boring ang topic at andaming gagawin. May modules pang nalalaman. Gayunpaman, nag-screenshot ko ng mg slides habang nakikinig. Pagdating ng hapon, nakatulog ako. Sobrang nakakaantok talaga, lalo na't binasa lang ng speaker ang kaniyang slides.

Pagkatapos ng sessions, nag-brainstorming naman kaming magkakasama sa grade level. Pagkatapos iyon na maglabas kmi ng mga hinaing, komento, at kuro-kuro namin sa mga nangyari at mga pinagagawa sa amin. Nakagaw rin kami ng output na siyang ipapasa namin sa Huwebes.

Gabi na nga ako nakapagdilig. Pero masaya ako dahil magaganda ang tubo ng mga halaman ko. Malapit na rin akong magkaroon ng metal plant rack, na lalong magpapaganda at magpapaluwag sa garden ko.



Pebrero 9, 2021
Nagsulat muna ako ng wattpad update bago ako bumaba at nag-log in sa webinar. Muntikan na akonh ma-late.

Kahit si Sir Erwin ang isa sa mga resource speaker, hindi ko pa rin talaga matanggap ang halaga ng webinar na ipinagpipilitan sa amin ng DepEd. Bukod kasi sa late na, andami pang activity. Nakakatuyot ng utak. Mabuti sana kung umaga lang ang seminar Maghapon. Paano kaya namin magagawa iyon? Essay pa naman.

Gayunpaman, gumawa pa rin ako. Sinikap kong gumawa dahil ayaw ko namang kumopya na lamang sa collaborative output namin kahapon.

Past 2, inantok ako. Pinagbigyan ko. Okay naman kaya lang hindi na ako nakapag-screenshot. Kahit paano may epekto iyon sa mga sagot ko. Kailangan kong labanan ang antok sa susunod.

Pagkatapos ng webinar, ginawa ko ulit ang mga activities. Kahit paano hindi na ako mangangarag sa mga susunod na araw. May ipapasa na ako kung magkabiglaan man.

Ngayong gabi, nakapag-post ako ng update sa wattpad. Pagkatapos, nagsulat uli ako.



Pebrero 10, 2021
Mula umaga hanggang gabi, tutok ako sa computer. Nag-double time ako kasi kinailangan kong gumawa ng summative tests sa ESP 6 Q2 W2 and 6, habang ongoing ang INSET, na nakakaloko..

Gayunpaman, naipasa ko ang summative tests at muling umusad ng LAC Study Notes ko. Naisingit ko rin ang paggawa ng PDS at SALN na due na bukas.

Ang pahinga ko lang ay gardening. Dumating na kasi ang metal plant rack ko. Worth it ang P4,500 na binayad ko.

Gabi, nagkaroon pa kami ng LAC session with our MT. Nakinig lang ako dahil busy ako sa paggawa ng study notes. So far, nasa 75% na ako. Not bad.

Bukas, pumunta ako sa Pasay para kumuha ng cedula at magpasa ng SALN at PDS.




Pebrero 11, 2021
Alas-tres nagising ako at hindi na ako nakatulog muli. Kaya, nagsulat na lang ako ng pang-update sa wattpad. Past 4, bumangon na ako para mag-almusal at maligo.

Before 5, umalis na ako sa bahay. Maaga akong nakarating sa PITX, kaya nagsulat din muna ako roon. Nakapag-upload nga ako bago ako pumunta sa school.

Past 7:30, nasa school na ako. Nakapagsabay ako kay Mang Bernie ng cedula. Hindi na ako nahirapan. Nag-concentrate ako sa pakikinig sa webinar, habang pini-print naman nina Sir Hermie ng PDS at SALN ko.

Nainis lang ako sa principal dahil pinatatawag ako. Mabuti natimbrehan ako ni Sir Hermie, kaya hindi ko bumaba. Isinangkalan pa si Sir Erwin para pumayag lang akong tanggapin ang SPG coordinator. Useless ang trabahong iyan sa panahon ngayon, kaya wala akong balak tanggapin.

Masaya ang naging binding ko kina Sir Erwin, Ma'am Edith, Sir Archie, at Sir Joel habang may webinar.

Past 4 na kami umuwi. Natagalan lang ako sa CCP dahil punuan ang bus.

Past 7:30 na ako nakauwi sa bahay. Pagod man, pero nakapagdilig pa ako ng mga halaman habang may meeting kami kay Sir Erwin tungkol sa LDM2.



Pebrero 12, 2021
Past 8:30 AM ako bumiyahe para sa naka-schedule naming buffet sa Tramway, kasama ang mga kaTupa ko. Hindi naman ako pumunta roon agad. Nagpalamig muna ako sa PITX. Nagsulat na rin.

Past 11:30 am, bumiyahe na ako. Naroon na sila, maliban kina Ma'am Bel at Ma'am Divine.

Masaya kaming nagkainan kahit magkakalayo at kahit kakaunti ang menu, hindi tulad dati. Busog na busog ako.

Nagplano rin kami para sa gala namin sa February 25. Gusto ni Ma'am Bel makarating sa Torres Farm. Rerentahan namin ang L300 ng kapatid ni Ma'am Rapunzel.

Past 3, nasa PITX na ako. Nagyaya si Sir Hermie na pumunta kina Sir Joel G, kaya bumiyahe ako papuntang Imus. Past 4 na ako nakarating sa meeting place namin.

Kami naman ang bumili ng alak at pulutan, kaya bago kami pumunta sa bahay ng Guillermo, may dala na kami. Hindi nga lang nakuntento sa tatlo si Sir Joel, kaya bumili pa siya ng dalawa. Okay lang naman dahil masaya kami. Ang daldal ko na nga.

Past 10 na kami natapos at nagkapag-dinner, pero hindi naman nakauwi kaagad dahil umuulan. Nagkuwentuhan na lang kami nina Ma'am Joann. Andami kong tawa sa kanila ni Sir Hermie.

Past 12 na ako naihatid ni Sir Hermie aa bahay. At hindi rin agad nakatulog. Gayunpaman, masayang-masayang ako.



Pebrero 13, 2021
Maaga akong nagising dahil nagising din si Emily nang maaga. Pupunta sila ni Ma'am Jenny sa FVP office dahil speaker si Sweetie.

Natulog naman uli ako pag-alis niya. Nagising ako mga pasado alas-8. Bago mag-almusal, naglinis muna ako sa sala. Nagpunas ako kasi amoy-daga ang sahig namin. 

Then, hinarap ko na ang LDM2 Portfolio. Natapos ko naman ito kaagad, kaya nasimulan ko ang ESP 6 module. Nakapag-gardening din ako kahit paano. Hapon, natulog ako. Nagising lang ako sa tawag ni Ma'am Vi. Nag-usap kami ng mga kulang-kulang isang oras tungkol sa LDM at iba pang isyu sa school at DepEd. 

Past 9:30, nakaapat na pahina na ako ng modules. Not bad. 



Pebrero 14, 2021
Nag-gardening muna ako sa umaga. Napakasarap sa pakiramdam na makita ang malulusog na halaman. Nakakainis lang tingnan ang mga sinisira ng mga daga. Hinuhukay nila ang ibang halaman. Siguro naghahanap sila ng root crops. Ang resulta, natatapon ang mga lupa. Ang masama, namamatay ang halaman kasi minsan hindi na pala nakatanim sa lupa.

Past 12:00 nasundo na kami ng Guillermo family para dumalo sa first birthday party ng anak ni Ma'am Fatima sa Dasma. Sinundo rin nila ang mag-iinang Biares. 

Nakarating kami sa venue bandang 2:30. 

Nalungkot ako kasi wala akong katawanan, maliban sa nakakausap ko naman si Sir Joel. Pinaasa kasi kami ni Sir Hermie. Hindi siya makakapunta. 

Okay lang din naman na nakasama kami roon dahil nakilala ni Emily ang mga kaguro ko. Naka-bonding niya rin ang mga ito. At nakaranas na naman si Zillion ng pagdalo sa bertdeyhan. 

Past 6:00, umuwi na kami. Hinatid uli kami ng van. Blessings din kasi kailangan nila ng First Vita Plus Dalandan para sa ubo ni Althea. Binigyan ko naman sila ng mga halaman bilang pasasalamat.



Pebrero 15, 2021
After ng online class ko, nag-almusal lang ako at nag-decide na akong maglaba. Pero bago akp nakapagsimula, nagkasagutan kami ni Emily. Nayabangan kasi ako sa kanya. Ipinipilit niyang siya lang ang lahat ng nakapag-inspire kay Ma'am Leah na painumin ng FVP ang anak nito. Haist! Napakaliit an bagay. 

Tahimik kong tinapos ang labahan ko. Napagod man ako pero masaya akong nagtratrabaho para sa pamilya ko. Ayaw ko lang ng hinahanap pa ako ng kakulangan ko... Wala raw akong time. Nang siya ang pinalalaba ko, ayaw naman. 

Nakatulong ako bandang hapon. Naniniwala na talaga ako sa psychology. Kapag malungkot daw, tulog nang tulog. 

Gabi, nagsimula akong gumawa ng vlog. Lalapatan ko na lang ng audio. Nagsulat ako para sa wattpad. Nakapag-post ako. At ipinagpatuloy ko ang ESP6 module. Nakadalawang pahina ako. 

Past 8, pumunta ako sa bahay ni Mareng
Janelyn. Naglayas kasi siya dahil sa problema sa asawa. Nakipagkuwentuhan ako hanggang past 9. Nag-biking din ako hanggang 9:30. Nawala ang stress ko.



Pebrero 16, 2021
After breakfast, nagdilig ako ng mga halaman. Then, hinarap ko na ang module writing.

Habang naghihintay kay Mareng Janelyn umidlip ako. Past 2:30 na siya dumating para makigamit ng wifi. Nag-start agad siya sa kaniyang online tutorial. Ako naman, nagpatuloy sa paggawa ng module, habang pasalit-pasalit ang kuwentuhan.

Matagal kami nagkuwentuhan hanggang sa dumating ang Converge agent. Isinama na niya ang mga ito sa kanilang bahay. Past 7:30 na iyon.

Nagpasalamat siya sa akin. Kahit paano ay naibsan ang stress niya, lalo na't na-reintroduce namin ang First Vita Plus sa kaniya. Pinautang nga siya ng 2 boxes ng Dalandan Gold at isang virginity soap.

Masaya rin ako dahil nakatulong ako kahit sa kaunting paraan. 



Pebrero 17, 2021
Nagkasagutan kami ni Emily habang nagdidilig ako ng halaman kay bad trip ako maghapon. Idagdag pa ang system error ng PRC. Hindi tuloy ako makapag-transact. Kailangan ko nang mag-renew ng license. Hinahanapan na kami sa office.

Halos maubos ng oras ko sa kakasubok. Wala talaga. Mabuti na lang, nakapag-update ako sa Wattpad. 



Pebrero 18, 2021
Pagkatapos ng virtual class, nagdilig ako ng mga halaman. Tapos,  maghapon akong nagkulong sa kuwarto upang tapusin ang ESP 6 module. Nagpapahinga rin ako. Na-stress lang sa PRC renewal of license dahil hindi pa rin ako makausad. Error palagi. Gayunpaman, hindi ko masyadong dinibdib. Makaidlip pa nga ako kahit paano.

Past 4:30, nakatambay ako sa garden. Na-appreciate ko iyon kaya nag-pictorial ako at nag-post sa FB. Marami-rami na agad ang nag-like at nag-comments. 

So far, bago ako matulog, nakatapos na ako ng anim na pahina ng module. Siyam na lang ang gagawin ko. 



Pebrero 19, 2021
Nag-biking ako pagkatapos ng virtual class. Merged ang mga klase kaya isang session lang ang nangyari. Kaya lang, may observer na pumasok kaya nawindang ang mga kasamahan ko habang wala ako.

Anyways, naging masaya naman ang pagbibisikleta ko. Nakakuha ako ng water plants at driftwood.

Maghapon, ginawa ko ang ESP module at inasikaso ko ang PRC license renewal ko. Tinulungan ako ni Ms. Krizzy, kaya nakabayad ako after 48 years. Nakaka-stress ang online. Pero, pasalamat ako at naging okay na ang address details ko. May schedule na ako. Sa June 10 ko kukunin sa PICC. 

Past nine, nag-biking uli ako. Past 10 na ako nakauwi. Nakaka-refresh!



Pebrero 20, 2021
Past 8 na ako bumangon. Ang sarap kasing matulog dahil sobrang lamig. Kung hindi lang aalis sina Emily, hindi ako bumangon agad.

After ko mag-gardening, hinarap ko na ang module writing. Tinapos ko na ngayong araw. Pati ang key to correction ay ready to submit na. 

Hindi ko nakapunta sa Guillermo Family. Niyaya pa naman ni Sir Hermie doon si Sir Vic. Aalis kaso ang mag-ina ko. Hindi puwedeng walang maiiwan sa bahay dahil may plant-.napper. Nanakawan na kami noong isang araw. Tapos kanina, muntikan nang manakaw ang Hawaiian palm namin. Nabunot na sa paso, hindi lang nadala.

Habang wala sila, nag-stay ako sa garden. Nag-sound trip ako.

Paat 8, nag-biking ako. Ten PM na ako umuwi. Ilang minuto ang lumipas, tinawagan ako nina Ma'am Joann at Sir Hermie. Ang kulit na ni Sir. Lasing na lasing na.



Pebrero 21, 2021
Maagang naistorbo ang tulog ko sa maagang pagbangon ni Emily kanina. Pupunta siya sa Montalban para sa First Vita Plus, kasama si Ma'am Jenny. Iwan kami ni Zillion.

Past 8 na ako bumangon pagkatapos niyang umalis. 

After breakfast, nag-biking ako. Past 10 na ako nakauwi. 

Maghapon, wala akong nagawa kundi makipag-chat. Gabi na ako naging produktibo. Nakagawa ako ng vlog at nai-post ko sa YT.

Past 10 na dumating si Emily. 




Pebrero 22, 2021
Kahit wala pang modules na hawak ang mga estudyante, nagklase pa rin kami. Nagturo ako ng pagsulat ng tula. Medyo mahaba kaya hinimay-himay ko. Kakayanin iyon until Friday.

Nag-biking ako past 10, then bumili ng isda. Nagluto ako ng pInangat na sapsap pagdating ko. Ang sarap ng kain ko! Bihira kasing magluto si Emily ng ganoon. Halos araw-araw kaming bili. 



Pebrero 23, 2021
Ngayong araw, nakagawa ako ng isang vlog at nakapag-biking. 

Nakakilala ako ng isa ring biker. Nakipag-join ako sa pag-bike sa kanya, kaya nakarating ako sa highway. Kahit paano ay nawala ang takot ko sa highway. Kaunti na lang ay tuluyan nang mabubuo ang confidence ko sa kalsada.

Sana i-chat ako ni Kym, ang teenager na nakasama ko. Gusto kong makasama sa solo ride niya hanggang Indang.



Pebrero 24, 2021
Past 6:50 na ako nagising. Late na ako sa klase ko. Mabuti na lang nakapasok agad ako at hindi pa tapos si Ma'am Vi sa Charity. Hayun, nakahabol ako.

After class, naglaba ako. Inabot ako ng past 1 bago natapos. Umidlip muna ako bago naligo. Nakapagpahinga naman ako kahit paano, kaya nag-biking ako.  

Sa unang pagkakataon, lumayo ako nang husto. Sa highway ng Gen Tri ako dumaan. Hinanap ko ang bahay ni Sir Joel G pero hindi ko natagpuan. Ibang way yata ang nalusutan ko, kaya nakarating ako sa bayan o sa simbahan-park-city hall ng Gen Tri. Gayunpaman, natuwa ako sa sarili. Kaya ko palang mag-solo ride sa highway. 

Pumunta pa ako sa liblib na lugar bago ako umuwi. Nakakatuwa ang mga nakikita ko. Nakaka-relax!



Pebrero 27, 2021
Mainit ang ulo ni Emily dahil sa mga tae at ihi ng mga daga. Naglinis siya. Tinulungan ko naman na lagyan ng harang ang uwang sa pinto. Kaya lang, meron pa rin siyang nasabi. Dapat daw kahapon ko pa ginawa. Nainis ako. Until nag-away kami dahil sa module o katamaran ni Zillion at sa pagbubunganga niya sa bata. Pinagsalitaan ko siya.

Nagkulong ako sa kuwarto after lunch dahil sa inis.

Past 1:30, tumawag sina Ma'am Madz, Sir Joel, at Ma'am Wylene. Pupunta raw sila sa bahay. Agad akong bumangon para maghanda at magluto.

Nagluto ako ng carbonara at tofu-mushroom sisig at gumawa ako ng fruit salad. 

May dala silang pizza, kaya solb na ang kainan. Nag-karaoke pa sila habang nagluluto ako.

Dinala namin sa Guillermo family ang mga tira at ang bagong lutong sisig. Past 7:30 na kami nakarating doon. 

May kantahan din doon. At siyempre, may masarap na pagkain.

Nasarapan lahat sila sa putahe ko.

Dumating si Sir Vic, pero in-Indian kami ni Hermie. Kaya, bandang 10:30, pinuntahan namin sila. Hinatid kasi kami ni Sir Joel G ng van niya kasi sa bahay matutulog sina Pareng Joel at Ma'am Madz. 

Natatawa ako sa reaksiyon ni Sir Hermie sa pagdating namin. Hindi siya nakabuwelo.

Past 12 na kami nakarating sa bahay. 

Sa sala natulog ang dalawa. Ayaw nila sa kuwarto kahit wala naman ang mag-ina ko. 




Pebrero 28, 2021
Past 6:30, gising na kami. Nagluto ako ng almusal upang busog sina Sir Joel at Ma'am Madz bago umuwi.

Idinaan ko muna sila sa bahay ni Marekoy. Although, wala ng tao roon, at least alam na nila.

Maghapon akong nagpahinga kasi past 3:30 pa dumating ang mag-ina ko.

At alas-4, nag-biking ako. Binalikan ko ang magandang lugar na nadaanan namin ni Sir Hermie noong isang araw. Naniwala na ako sa kakayahan kong pumadyak. Kaya ko pala.

Past 6 na ako nakauwi. Sobrang sarap sa pakiramdam. 

Pinautang ko si Padi Glenn ng P2,000 ngayong araw. Naawa naman ako. Hindi ko man naibigay ang P5,000 na una niyang hinihiram, at least, nakatulong ako. 

Nag-biking pa ko bandang 8:30 hanggang  10 ng gabi. Ang init kasi sa kuwarto kung matutulog agad ako. 


   






Friday, February 19, 2021

Igalang ang mga Hayop

Noong 2011, nadakip at nakulong ang mag-asawang salarin sa kumalat na crush video, na nagpapakita ng karumal-dumal na pagpatay sa isang tuta. Ang pananakit o pagpatay sa mga alagang hayop ay itinuturing na krimen sa Pilipinas. Ang sinomang gumawa nito ay mapaparusahan sa paglabag sa Republic Act No. 8485. Ang RA 8485 ay tinatawag ding “The Animal Welfare Act of 1998.” Ito ay nilagdaan ni Pangulong Fidel V. Ramos. Ito ang unang batas na komprehensibong nagtadhana sa tama at makataong pangangalaga ng mga mamamayan sa lahat ng hayop sa Pilipinas. Ito ay binuo ng Committee on Animal Welfare, na siya ring mamumuno sa pagpapatupad ng batas. Ayon sa batas na ito, dapat mabigyan ang lahat ng hayop ng wastong pangangalaga at maaaring maparusahan ang sinumang mapatunayang lumalabag dito. Mahigpit na ipinagbabawal ang pagmaltrato at pag-torture sa mga hayop. Pinangalanan din sa batas na ito ang mga hayop na maaaring katayin dahil kinakain ang mga ito, tulad ng baka, baboy, kambing, tupa, manok at iba pang poultry, kuneho, kalabaw, kabayo, usa at buwaya. Ang pagpatay sa mga hayop na hindi nabanggit, maliban na lamang kung ito ay dahil sa ritwal ng isang relihiyon, malubhang sakit ng hayop, at animal control kung saan nasa bingit ng panganib ang hayop o mga taong malapit dito, may katumbas na kaparusahan. Ang mga hayop ay may buhay at pakinabang din. Hindi dapat sila sinasaktan o pinapatay. Igalang natin ang mga hayop. Lumahok at sumuporta tayo sa mga samahan, kampanya, at programa sa pagbabawal sa pananakit ng mga hayop. Isa ang ng Philippine Animal Welfare Society (PAWS) ay isang organisasyong may layuning hadlangan ang mga kalupitan sa mga hayop sa pamamagitan ng edukasyon, pag-iingat ng hayop, at adbokasiya. Ito ay nakabase sa Quezon City. Naniniwala ang PAWS na ang paglikha ng isang mas mapayapang lipunan ay nagsisimula sa pagkakaroon ng habag sa kapwa, gayundin sa mga hayop. Nais nilang ang bawat Pilipino ay may paggalang sa mga hayop, responsableng pagmamay-ari ng mga alaga, at nagproprotekta o nangangalaga sa mga hayop. Ang PAWS ay nagbibigay ng pag-asa na makahanap ang mga hayop ng mga bagong bahay at tagapag-alaga na siyang magbibigay ng pangalawang pagkakataon sa isang magandang buhay. Ang mga biktima lamang ng kalupitan o kapabayaan ang kanilang kinakanlong hanggang sa may taong handang magbigay ng pag-asa sa hayop. Samantala, tungkulin naman ng mga nag-aalaga ng mga aso na pabakunahan ang mga ito, bilang pagsunod at pagsuporta sa RA 9482 o ang “The Anti-Rabies Act of 2007.” Ang pagpapabakuna ng mga aso ay paglahok sa kampanya at programa ng gobyermo. Hindi lang ito pagtupad sa batas, kundi pag-iwas sa ating pamilya at kapwa sa pagkakaroon ng rabies. Tandaan, ang pagmamahal sa mga hayop ay pagsunod sa mga batas at paglahok sa mga adbokasiya ng gobyerno sa pagprotekta sa mga karapatan nila.

Lumahok sa mga Kampanya at Programa ng Gobyerno

Ang mga batas ay ginawa ng mga mambabatas, hindi lamang upang isailalim ang mga tao sa mga patakaran, kundi upang magkaroon ng kabutihang panlahat at pagkakaisa. Ang mga ito ay nangangailangan ng pagtupad, pagsunod, at pagkilos. Ang mga pinuno, mambabatas, at mamamayan ay bahagi ng mga batas. Nakasalalay sa pagtutulungan at pagkakaisa ang katuparan ng bawat batas at patakaran. Anomang pagpupunyagi ng mga namumuno sa bansa, kung marami ang sumusuway, hindi magiging maunlad ang ating bansa. May malaking papel na ginagampanan ang pakikilahok sa mga kampanya at programa ng gobyerno upang isulong ang mga batas. Isuplong natin sa kinauukulan ang mga sumusuway sa mga batas at patakaran, gaya ng paninigarilyo sa pampublikong lugar, pananakit sa hayop, bata, at babae, pagkakalat, pag-iingay, pagkakalat ng tsismis, pagpapalimos at panlilimos, at marami pang iba. Makiisa tayo sa pagpapatupad ng mga batas. Lumahok tayo sa mga kampanya at programa tungkol dito upang may ambag tayo sa kalinisan, kaunlaran, katahimikan, at kapayapaan ng mundo.

Thursday, February 18, 2021

Igalang ang mga Hayop

Noong 2011, nadakip at nakulong ang mag-asawang salarin sa kumalat na crush video, na nagpapakita ng karumal-dumal na pagpatay sa isang tuta. Ang pananakit o pagpatay sa mga alagang hayop ay itinuturing na krimen sa Pilipinas. Ang sinomang gumawa nito ay mapaparusahan sa paglabag sa Republic Act No. 8485. Ang RA 8485 ay tinatawag ding “The Animal Welfare Act of 1998.” Ito ay nilagdaan ni Pangulong Fidel V. Ramos. Ito ang unang batas na komprehensibong nagtadhana sa tama at makataong pangangalaga ng mga mamamayan sa lahat ng hayop sa Pilipinas. Ito ay binuo ng Committee on Animal Welfare, na siya ring mamumuno sa pagpapatupad ng batas. Ayon sa batas na ito, dapat mabigyan ang lahat ng hayop ng wastong pangangalaga at maaaring maparusahan ang sinumang mapatunayang lumalabag dito. Mahigpit na ipinagbabawal ang pagmaltrato at pag-torture sa mga hayop. Pinangalanan din sa batas na ito ang mga hayop na maaaring katayin dahil kinakain ang mga ito, tulad ng baka, baboy, kambing, tupa, manok at iba pang poultry, kuneho, kalabaw, kabayo, usa at buwaya. Ang pagpatay sa mga hayop na hindi nabanggit, maliban na lamang kung ito ay dahil sa ritwal ng isang relihiyon, malubhang sakit ng hayop, at animal control kung saan nasa bingit ng panganib ang hayop o mga taong malapit dito, may katumbas na kaparusahan. Ang mga hayop ay may buhay at pakinabang din. Hindi dapat sila sinasaktan o pinapatay. Igalang natin ang mga hayop. Lumahok at sumuporta tayo sa mga samahan, kampanya, at programa sa pagbabawal sa pananakit ng mga hayop. kalupitan sa mga hayop sa pamamagitan ng edukasyon, pag-iingat ng hayop, at adbokasiya. Ito ay nakabase sa Quezon City. Naniniwala ang PAWS na ang paglikha ng isang mas mapayapang lipunan ay nagsisimula sa pagkakaroon ng habag sa kapwa, gayundin sa mga hayop. Nais nilang ang bawat Pilipino ay may paggalang sa mga hayop, responsableng pagmamay-ari ng mga alaga, at napgproprotekta nangangalaga sa mga hayop. Ang PAWS ay nagbibigay ng pag-asa na makahanap ang mga hayop ng mga bagong bahay at tagapag-alaga na siyang magbibigay ng pangalawang pagkakataon sa isang magandang buhay. Ang mga biktima lamang ng kalupitan o kapabayaan ang kanilang kinakanlong hanggang sa may taong handing magbigay ng pag-asa sa hayop. Samantala, tungkulin naman ng mga nag-aalaga ng mga aso na pabakunahan ang mga ito, bilang pagsunod at pagsuporta sa RA 9482 o ang “The Anti-Rabies Act of 2007.” Ang pagpapabakuna ng mga aso ay paglahok sa kampanya at programa ng gobyermo. Hindi lang ito pagtupad sa batas, kundi pag-iwas sa ating pamilya at kapwa sa pagkakaroon ng rabies. Tandaan, ang pagmamahal sa mga hayop ay pagsunod sa mga batas at paglahok sa mga adbokasiya ng gobyerno sa pagprotekta sa mga Karapatan nila.

Wednesday, February 17, 2021

Sigarilyo

“Pabili po,” sabi ng mama sa tindahan ni Aling Ligaya. “Ano po iyon?” tanong ni Frank. “May sigarilyo kayo?” “Mama, may sigarilyo daw po ba tayong tinda?” sigaw na tanong ni Frank sa ina. Nang marinig niya ang sagot ng ina, sinabi niyang ‘wala.’ “Naku! Dapat nagtitinda kayo. Sayang naman ang benta ninyo,” payo ng lalaki. “Sige, pabili na lang ng softdrink.” Pagkatapos bigyan ni Frank ng softdrink ang lalaki, hinintay niyang matapos ito sa pag-inom at magbayad. Maya-maya, pumasok sa tindahan si Aling Ligaya. “Mama, bakit nga po wala po tayong tindang sigarilyo? Naghahanap po kasi si Manong,” sabi ni Frank. “Sorry po, Kuya… Simula po nang nagbukas ako nitong maliit na tindahang ito, wala pong alak at sigarilyo akong tininda. Pinahahalagahan ko kasi ang kalusugan ng kapwa ko,” sagot ni Aling Ligaya. Napakibit lang ng balikat ang lalaki habang tinatapos ang pag-inom ng softdrink. “A, kaya po pala, ’Ma… kaya po pala puro pagkain at kailangan sa bahay ang tinda natin,” natutuwa namang sabi ni Frank. “Opo, Anak… Saka alam mo bang may mga batas akong nalaman na talaga namang nagpasalamat ako kung bakit ayaw ko talaga sa sigarilyo.” “Talaga po? Ano-ano po ba ang mga batas na iyo?” “Ang Clean Air Act of 1999 at ang Tobacco Regulation Act of 2003 ay mga naunang batas. Ang dalawang ito ang pinagmulan ng bagong batas na nilagdaan ni Pangulong Duterte noong 2017 —ang Executive Order No. 26.” “Executive Order No. 26? Ano po iyon?” Nakakunot ang noo ni Frank, pero halatang interesado siya. Naramdaman din ni Aling Ligaya na interesado rin ang lalaki, kaya kahit kaunti na lang ang softdrink nito, hindi pa rin inuubos. “Ang Executive Order No. 26 ay tinatawag ding Providing for the Establishment of Smoke-Free Environments in Public and Enclosed Places. Ibig sabihin, inuutusan ang mga may-ari o namamahala ng establisyimento gaya ng mall, grocery, hospital, paaralan at iba pang pampubliko o kulob na lugar na ipagbawal ang paninigarilyo. Dapat maglagay ng area kung saan maaari lamang manigarilyo.” “A, naunawaan ko na po. Kaya pala sa SM, may nakita po akong lugar doon na may karatulang ‘Smoking Area.’ Pero, sana po, tuluyan nang ipagbawal ang sigarilyo sa bansa,” sabi ni Frank. “Hindi mangyayari iyon, iho, kasi kumikita ang pamahalaan sa buwis niyon,” singit ng lalaki. “Korek! Kaya nga po, bilang pagsunod sa mga batas, kampanya, at programa ng gobyerno, hindi po ako nagtitinda. Makatutulong ako sa kalusugan ng tao, gayundin sa kalikasan. Mas masarap huminga kapag malinis ang hangin,” dagdag pa ni Aling Ligaya. “Tama po kayo! Salamat sa inyo! Na-realize kong dapat ko nang itigil ang paninigarilyo,” tugon ng lalaki. “Salamat din po! Ang paghinto ninyo sa paninigarilyo ay malaking tulong na po!”

Tuesday, February 16, 2021

Batas Laban sa Pag-abuso sa Paggamit ng Ipinagbabawal na Gamot

Ang mga batas ay nakatutulong din sa pagkakaroon ng katahimikan. Ang pagsunod sa mga ito ay magbibigay ng kaayusan at kapayapaan ng mga mamamayan. Maraming pamilya at buhay ang tao ang nasira dahil dito. Ang pag-abuso sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot ay ang kadalasang sanhi ng mga krimen sa ating bansa. Kaya naman, ang Republic Act 9165 ay isinabatas upang pangalagaan ang kapakanan ng mga mamamayan, lalong-lalo na ang mga kabataan at kababaihan. Para sa kaalaman ng lahat, ano nga ba ang batas na ito? Ang RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ay ang batas na nagpaparusa sa mga taong nagbebenta, gumagamit, nagngangalakal, nagbabahagi, at gumagawa ng mga ipinagbabawal na gamot, gaya ng Cannabis o Marijuana o Indian Hemp, Methylenedioxymethamphetamine (MDMA) o ‘Ecstacy,’ Methamphetamine Hydrochloride (Meth) o Shabu o ‘Ice,’ at Opium Poppy. Sa pamamagitan ng batas na ito, mapapatawan ng kaukulang parusa ang sinomang lumabag nito, alinsunod sa bigat ng paglabag. Ang pamahalaan ay may mga pambansang programa upang masugpo ang pagkalat ng iligal na droga sa bansa. Ang Dangerous Drug Board ay kumikilala sa mga samahan, programa, at proyektong sumusulong o umaabot sa komunidad tulad ng mga paaralan upang ipakilala sa mga kabataan ang masasamang epekto ng pag-abuso sa droga at ang mga kahihinatnan ng pagiging kasangkot sa mga aktibidad ng iligal na droga. Nariyan ang Barkada Kontra Droga (BKD o Peer Groups Against Drugs), National Youth Congress on Drug Abuse Prevention and Control, Drug Abuse Resistance Education (DARE) Program, Kids Against Drugs Program, National Drug Education Program (NDEP), Drug Abuse Prevention Program for the Transport Groups, at Nationwide Caravan of Youth Against Drugs. Bukod pa rito, may mga itinatag na ahensiya upang mamuno sa paglutas sa problema sa ipinagbabawal na gamot, gaya ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA). Ang ahensiyang ito ang nangungunang ahensya ng pagpapatupad ng batas laban sa droga, na responsable sa pag-iwas, pag-iimbestiga at paglaban sa anomang mapanganib na gamot. Kinokontrol din nito ang paggamit at paggawa ng mahahalagang kemikal sa loob ng Pilipinas. Ang ahensiya ay may tungkulin sa pagpapatupad ng mga penal at regulasyon na probisyon ng Republic Act No. 9165 (R.A. 9165), kilala bilang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Katuwang din ng pamahalaan ang mga ahensiyang gumagamot at nagbibigay ng rehabilitasyon sa mga nagiging biktima ng pang-aabuso ng gamot. Gayunpaman, hinihikayat ang bawat isa na umiwas sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot.

Pagpasasakilos ng Pagtupad sa mga Batas Pambansa at Pandaigdigan

Ang mga batas at patakarang ginagawa ng mga mambabatas ay nakapagbibigay ng kabutihan, hindi lang para sa mga mamamayan kundi pati na rin sa mga hayop, halaman, at kalikasan, na siyang ating pinagkukunan ng ating mga pangangailangan. May mga Pilipino na hindi isinasakilos o tinutupad ang mga batas o patakarang ito, kaya nagdudulot ito ng pinsala sa kanila at sa iba pang nilalang. Hindi nila naiisip na ang bawat batas ay nagdudulot ng kaluusagan, kapayapaan, kaayusan, katahimikan, at kaunlaran sa bansa. Kung ang bawat isa ay kumikilos ayon sa mga batas at kung ang bawat isa ay tumutupad sa mga patakaran, hindi malabong ang Pilipinas ay maging isang bansa na maipagmamalaki natin sa buong daigdig. Subalit, nakalulungkot isipin na ang simpleng batas sa kalsada lamang ay nilalabag pa ng karamihan. May mga mambabatas at mga pinuno rin ng gobyerno na sumasala sa batas kaya nawawalan ng kredibilidad ang mga pambansa at pandaigdigang batas. Ang mga batas ay para sa kabutihan ng lahat. Ito ay dapat isakilos. Tuparin natin ang mga ito. Tandaan, ang bawat batas ay may karampatang parusa sa sinomang lalabag ng mga ito.

Monday, February 15, 2021

Batas Pangkalusugan, Ating Alamin!

Ang bawat Pilipino ay binigyan na ng karapatang maging malusog dahil may batas nang tinatawag na Universal Healthcare Law. Ano ba ito? Halika, ating alamin. Nakasisigurado na ang bawat sa mura at de kalidad na serbisyong pangkalusugan dahil naisabatas na ang Republic Act 11223 o ang Universal Health Care Law. Ang Universal Healthcare Law ay nangangalaga sa kalusugan ng mga Pilipino. Nilagdaan ito ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte noong Pebrero 20, 2019 upang tiyakin na ang bawat Pilipino, ikaw man ay overseas Filipino worker (OFW), ay sakop ng preventive, promotive, curative, rehabilitative, at palliative care sa pagkakaroon ng awtomatikong pagkakasali sa health insurance program ng pamahalaan. Sa madaling salita, lahat ay kabilang sa programang ito. Inaatasan nito ang Philippine Health Insurance Company (PhilHealth) na palawakin ang serbisyo sa pagbibigay ng mga libreng konsultasyon, pagpapalaboratoryo, at iba pang diagnostic services. Inaasahan nitong mapabubuti ang doctor-to-patient ratio at maparami ang bilang ng mga hospital beds at kagamitan. Sisikapin ding makapaglagay ng mga hospital sa mga liblib na lugar. Dahil dito, wala nang dapat ipangamba ang bawat Pilipino na hindi malulunasan ang anomang sakit sapagkat sagot na ng gobyerno ang kalusugan natin. Ang R.A 1223 ay ating alamin, tandaan, at ipakilala sa ating kapuwa. Karapatan nating malaman ang batas na ito. Karapatan natin ang maging malusog. Subalit, tungkulin din ng pamahalaan na tuparin at isakilos ang batas na ito.

Saturday, February 13, 2021

Ang Pangako

Madalas magtalo ang magkaibigang sina Lawson at Analou sa mga bagay-bagay na ginagawa nila. Dahil maunawin si Analou, hindi kaagad siya sumusuko sa pagpapaalala kay Lawson. “Tawid na tayo. Dali!” Hinila ni Lawson si Analou habang malalayo-layo pa ang mga rumaragasang sasakyan. Walang nakagawa si Analou kundi ang tumakbo nang mabilis dahil hindi siya makawala sa kamay ni Lawson. Bumisina nang bumusina ang mga sasakyang muntikan nang madisgrasya dahil sa kanilang pagtawid. “Gusto mo bang magpakamatay? Ha? Bakit hindi ka makapaghintay sa traffic light?” galit na galit si Analou. “Ang bagal mo kasi!” “Parati kang ganyan! Sumunod tayo sa batas trapiko para hindi tayo mapahamak. Hindi na nga ako sasama sa ‘yo!” Naglakad palayo si Analou. Agad namang hinabol at hinarang ni Lawson ang kaibigan. “Sorry na… Hindi na mauulit.” “Sorry… Paulit-ulit ka na lang nagso-sorry hindi ka naman nagbabago. Lagi kaya tayong muntik na mapahamak dahil sa mga maling aksiyon. Kahapon, na-jaywalking tayo. Mabuti na lang napakiusapan natin ang law enforcer, kung hindi baka maghapon tayong nagwalis sa kalsada. Noong isang araw, nang nagbibisikleta tayo, hinarang tayo ng mga barangay tanod kasi gusto mong dumaan sa one-way. Ang kulit mo! Sinabi ko na sa ‘yo na hindi puwede. Ipinagpilitan mo pa rin. Hayun, napagsabihan pa tayo, na hindi tayo marunong magbasa. At ang pinakamaling ginawa mo ay noong nakarang linggo— paggamit mo ng motorsiklo ng kuya mo. Ako naman si Analou, pumayag na umangkas sa ‘yo kasi sabi mo ililibre mo ako ng milk tea.” Binangga niya si Lawson upang makadaan siya. “Hindi na ako sasama sa ‘yo kahit kailan.” “Sorry na nga!” sigaw ni Lawson habang sinusundan si Analou. “Kaya nga hindi na ako magmomotor kasi wala pa akong lisensiya at bata pa ako. Kaya nga naglalakad na lang tayo ngayon papunta sa park. Hayaan mo… kapag nakabili na tayo ng skateboard, magiging masunurin na ako sa batas-trapiko.” “Nangako ka na naman… Hindi mo naman tinutupad. At saka… bakit hindi pa ngayon?” “Tutuparin ko na nga… Alam ko namang mali, kaya lang nagmamadali ako para maabutan natin ang idol natin sa skateboading. Halika ka na. Huwag ka nang magalit. Samahan mo ako roon,” pakiusap ni Lawson. Naka-prayer position pa ang mga kamay niya. “Huling beses mo na itong lalabag sa batas, ha? Mangako ka.” “Pangako, huli na ito. Kapag ginawa po pa uli, hindi na ako magpapasama sa ‘yo.” Pagkatapos maramdaman ni Analou, na seryoso ang kaibigan, sinamahan na niya ito.

Monday, February 1, 2021

Aking Journal -- Enero 2021

Enero 1, 2021
Natulog kami bandang 1 AM. Kahit paano ay natunawan na kami. Bumangon ako bandang 8.

Ngayong araw, nakagawa ako ng isang vlog. Nag-videoke. At nag-live habang kumakanta sa FB page. Kumain nang kumain.


Past 6, dumating si Sir Hermie para makipag-inuman. Dinalhan niya ako ng halaman.

Nag-videoke kami at nag-plantito bonding habang nag-iinuman.

Past 9:30 na kami natapos. Binentahan ko siya ng palmera ni Ate Len at binigyan ng mga halaman.

Nawa'y muling maging prosperous ang aming pamumuhay ngayong year of the metal ox.



Enero 2, 2021
Past 1, ready na ako para sa pagpunta namin ni Sir Hermie kina Sir Joel at Ma'am Leah sa Nueva Estancia. Nakabihis na ako, pero hindi naman agad niya ako sinundo. Kaya, nag-live muna ako sa FB page ko. Nag-videoke ako. Past 3 na akp nasundo.

Bago mag-4, nasa Nueva Estancia na kami. Medyo nagulat ang mag-asawa. Akala nila ay hindi kami seryoso.

Agad na bumili si Sir Joel ng beer at pulutan. Pagkatapos, nagyaya na kami. Nayaya namin sina Ma'am Vi, Sir Ren, Ma'am Lingling, at Sir Vic. Si Sir Vic lang ang nag-commit. Agad din siyang hinatid ng kaniyang manugang.

Ang mga sumunod na pangyayari ay history. Napakasaya!

Sinundo rin ni Sir Joel si Ma'am Venus. May binili kasi siyang alak. First time naming lahat na uminom ng Jagermeister.

Gabing-gabi na nang nasimulan namin ang Jagermeister. Inubos muna kasi namin ang beer.

Habang nag-iinuman, na-inspire ko ang mag-asawang hosts dahil sa plants, Suiseki, antique, at iba ko pang hobbies at collection.




Enero 3, 2021
Past 3 AM na kami natapos. Hindi namin naubos ang Jagermeister. Hindi na kami pinauwi ng mag-asawa, pero si Sir Hermie, umuwi. Hindi ako sumama.

Hindi naman ako nakatulog nang maayos. Past 8 na kami bumangon. Mga nine na ang almusal namin. Pagkatapos, nagkuwentuhan kami. Hinintay namin si Sir Hermie dahil susunduin ako. Pero dahil umuulan at gusto ng mag-asawa na makarating sa bahay, hinatid nila ako. Kasama namin sina Sir Vic at Ma'am Venus.

Past 11 na kami nakarating. Nasusuka ako, mabuti na lang hindi ako nasuka habang ini-entertain ko sila.

Bumili si Ma'am Leah ng pots. Binigyan ko rin uli sila ng mga halaman. Natuwa ako sa kanila dahil nagkaroon rin ako mga mga bagong halaman at mga magagandang bato.

Akala ko masusuka ako pagkatapos kong kumain, hindi naman. Mabuti ring nakaidlip ako. Pagbangon ko, wala na ang nausea ko. Nakatulong ang kape.

Maghapong walang internet. Nakakainis! Kailangan ko pa namang maghanda ng work week plan.



Enero 4, 2021
Kahit gusto ko pang matulog dahil malamig, hindi ko hinayaang mahuli ako sa virtual class. Actually, hindi ako ready. Hindi pa ako handang magturo, pero ginawa ko para sa wala pang 20 pupils na online.

Pagkatapos kong mag-almusal, sinimulan kong maglinis ng sala. Tinulungan ako ng aking mag-ina. Tinanggal na namin ang Christmas tree at iba pang decorations.

Sobrang sarap sa pakiramdam kapag napaganda, naayos, at nalinis mo ang bahay mo.

Past 1, naglaba naman ako. Past 6 na ako natapos. Sobrang dami ng nilabhan ko kaya hindi kinaya ng hanger. Hindi nasampay lahat.

Pagkatapos, in-assemble ko naman ang metal rack na inorder ko sa Lazada. Para sana sa garden iyon pero mas maganda pala sa kuwarto ko. Ginawa kong book shelf.

Feeling accomplished ako ngayong araw, kahit hindi ko natapos ang paglilinis sa kuwarto ko.



Enero 5, 2021
Maaga akong nagising para sa virtual class, pero hindi naman ako nakapasok sa Google Meet. May problema ang link o ang account ko. Mabuti na lang sinalo ni Sir Hermie ang oras ko.

Nagligpit na lang ako sa kuwarto ko at gumawa ng ibang bagay.

Ngayong araw, nakabenta ako ng mga halaman. Na-inspire din tuloy akong mag-live stream bandang hapon.

Nakagawa rin ako ng dalawang vlogs maghapon. Kailangang ma-maintain ko ito, araw-araw.

Nag-meeting kami bandang ala-una. Andami na namang hanash ng admin namin.

Bukas ng hapon, gusto ko namang mag-biking. Sana gumanda na ang panahon.



Enero 6, 2021
Wala kaming virtual class ngayong araw dahil may meeting kami sa mga parents. Tungkol sa Financial Assistance ang isa sa mga agenda. Inabot din kami ng past 8 ang meeting.

Ngayong araw, nagawa ko ang plano ko kagabi na gumawa ng dalawang vlogs, pero hindi ko natupad ang plano kong magbisikleta dahil dumating si Ma'am Jenny para magbayad ng utang sa paso at upang bilhin ang pina-reserve niyang halaman. Binigyan niya ako ng Calathea. Binigyan ko rin siya ng mga halaman. Mas marami pa siyang natanggap. Blessings.

Bukas, sana magawa kong mag-bike at sumulat ng update ng novel ko sa Wattpad.



Enero 7, 2021
Nag-gardening ako pagkatapos ng klase. Sinikap kong mag-repot upang magkapare-pareho ang paso ng mga Aglaonema plants ko. Kulang pa ako ng tatlong pots. Meron na akong 13 varieties. Nakakalungkot lang kasi parang ang liit ng garden space ko. Kailangan ko na ng mas malaki.

Ngayong araw, hindi ko nagawang magbisikleta dahil hinihintay kong dumating ang dump truck. Sa halip, nagsulat ako ng update sa novel ko sa Wattpad. Na-realize ko na kapag ginusto ko talagang magsulat, magagawa ko.



Enero 8, 2021
Pagkatapos ng klase, nag-gardening muna ako. Nilinisan ko ang aquarium kasi gusto ko ulit magkaroon ng moss garden.

Ngayong araw, nakagawa ako ng dalawang vlog. Ang isa ay downloaded. Nakuha ko sa creative commons.

Past 6, dumating si Sir Hermie. May dala na siyang pulutan..Since oras na para sa dinner, kumain na muna kami.


Bumili na naman siya ng halaman. Ayaw niya ng libre.




Enero 9, 2021
Eight o' clock na ako bumangon, since wala namang klase. Nabawi ko ang ilang araw kong puyat.

Pagkatapos mag-almusal, nag-bike ako. Gusto ko sanang lumayo-layo para i-road test ng bike ko, kaya lang parang may pumipigil sa akin. Kaya pala ganoon ay dahil nasa bahay si Kuya Natz. Nag-chat sa akin si Ion. Mabuti na lang, huminto at at in-open ko ang mobile data ko.

Dali-dali akong bumalik sa bahay. Niyaya niya ako patungo sa Tagaytay at Silang. Mabilis akong nagbihis at umalis na agad kami. Past 9:30 na iyon.

Dumaan kami sa bahay ng kapatid niya. May-kaya ang bayaw niyang pulis. Ang laki at ang ganda ng bahay.

Hindi ko first time sa Tagaytay, pero first time kong umangkas sa motor. First time ko ring makarating sa People's Park at the Sky. Doon na kami nag-lunch.

Pagkatapos naming mag-picture-picture at mag-sight-seeing sa view deck, bumiyahe na kami pabalik.

Dumaan kami sa ka-TGIS namin. Siya si Ich. Friend na nila iyon. First time ko pa lang mami-meet.

Tuwang-tuwa ako dahil binigyan niya kami ng mga halaman. Mga anim na varieties ang natanggap ko. Worth it!

Then, ipinasyal ako ni Bro. Natz sa lote niya sa Silang.

Past 3:30, nakauwi na ako. Natulog ako pagkatapos magmeryenda. Gabi na ako nakapagdilig.

Nakaka-refresh ang galang iyon. Sarap sa pakiramdam.



Enero 10, 2021
Bumili ako ng almusal bandang past 8. Nag-almusal lang ako at naligo, then nag-biking na ako. Pumunta ako sa Nahara Resort. Itinuro iyon sa akin ni Kuya Natz. Nag-inquire ako para sa future family bonding namin. Maganda naman ang lugar. Mukhang hindi masyadong marami ang guests.

Before 12, nakauwi na ako. May mga dala akong ferns mula sa isang irrigation, na nadaanan ko.

Umidlip ako until three, then nag-biking uli ako. Nag-iba ako ng way at nakatagpo ako ng isang magandang spot kung saan nakaoag-selfie ako at nakapag-video. May magandang puno roon sa parang at may kalabaw. Nakakuha ako ng carabao's manure. Nakakuha rin ako sa irrigation ng Gotu kola plants. 

Past 5 na ako nakauwi. Sobrang saya sa pakiramdam. Uulit-ulitin ko iyon. Patuloy rin akong maghahanap ng magagandang spots, plants, rocks, pebbles, ferns, driftwoods, at iba pa. 



Enero 11, 2021
Late na ako bumangon dahil napag-usapam namin nina Ma'am Vi at Sir Hermie kagabi na hindi kami magkaklase dahil wala namang modules. 

Nang buksan ko ang Messenger ko, nagklase pala sila. Nag-sorry ako kay Ma'am. Okay lang naman daw. 

Hindi ko nag-biking kasi hinihintay ko ang dump truck. Andami nang basura. Nakakainis na ang mga langaw.

Ngayong araw, nakapagsulat ako ng update para sa nobela ko sa Wattpad. Gabi ko na nai-post dahil nanood ko ng YT. Suiseki naman ang mga pinanood kong videoa. Nakaka-inspire mangolekta ng mga bato. Gusto ko nang umuwi sa Bulan para maghanap ng bato.



Enero 12, 2021
Pagkatapos ng klase, nag-LAC kami. Naiinis na naman ako kasi andami na namang arte ng  mga admins. Andaming hinahanap at pinapagawa, samantalang ang delayed n modules, hindi nila ipinaliliwanag. Super delayed na. Two weeks. 

Upang hindi ko ma-stress, nagsulat na lang ako. Na-ipost ko iyon sa wattpad ko bago ako umidlip.

Past 2, nag-biking ako. May nadiskubre na naman akong way. Na-feel ko talaga na nas probinsiya ako. Grabe. Medyo nakakatakot lamg kasi baka pagtripan ako ng mga nakakasalubong ko. 

Past 4 na ako nakauwi. Naabutan ko pa ang huling hininga ni Angelo, ang alaga naming aso. Nalungkot ako sa pagkamatay niya. Ilang araw rin siyang hindi nakakain. Kanina lang siya binawian ng buhay. Naisip ko na lang na may isinalba siyang buhay. 

Na-stress naman ako pagkatapos ko siyang isako. Hindi ko alam kung saan ko siya itatapon. Nagpaalam naman si Emily sa kapitbahay namin na makikilibing kami bukas sa loteng dini-develop. Sana lang magawa ko nang walang nakakapansin. 



Enero 13, 2021
Nagluto ako ng masarap na almusal pagtapos ng online class.

Paggising ni Emily, inutusan ko siyang maghanap na lang ng maglilibing sa namatay naming aso. Paalis na sana siya nang dumating si Ate Emer. Sinimulan ko na noon ang paglaba.

Gamit ang bike ni Ate Emer, dinala nila ang aso sa lugar nina Ma'am Jenny, kung saan may mga tambay silang kapitbahay.

Natuwa naman ako sa ginawa ni Ate Emer, kaya masaya rin akong naglaba. Parang hindi ako napagod. At natapos ko kaagad.

Umidlip lang ako after lunch at nanood ng YT. Pagkatapos, nag-gardening na ako. Andami kong ni-repot. Naabutan ako ni Ma'am Jenny. Nabigyan ko na naman siya ng halaman, lalo na't binigyan niya kami ng tanglad at herba buena. 



Enero 14, 2021
Masaya ko sanang sinimulan ang araw, kahit nagbago kami ng sistema sa virtual classes, kaya lang nainis ako kay Emily. Quarter to nine na siya gumising. Wala pang almusal. Sinermunan ko siya pagkatapos kong sabihan ng "Gising mayaman, buhay mahirap." Gusto ko pa sana siyang pagalitan nang husto, kaya lang paulit-ulit na. Ayaw ko namang maging sirang plaka. Umakyat na lang ako at nagkulong sa kuwarto hanggang tanghalian. Wala akong inalmusal. 

After lunch, umidlip ako. Pagkatapos, naligo. Then, walang paalam na umalis. Nag-biking ako. 

Binalikan ko ang pinuntahan ko noong isang araw. Marami akong nakuha-- halaman, bato, at driftwood.

Past 4:45, nakauwi na ako. Sobrang saya ko sa mga naiuwi ko. 




Enero 15, 2021
Maagang nagising ang mag-ina ko. Sana matuto na sila.

After ng virtual class, nag-gardening ako. Inayos ko ang landscape. Hindi ko agad natapos before lunch, kaya nagpahinga muna ako. After maligo, saka ko itinuloy. 

Umaliwalas at lumuwang ang garden area namin nang matapos ko. 

Ngayong araw, nakagawa ako ng vlog. Nag-sign up din ako sa Lyka-- isang social media, na may kikitain ang user. Nagandahan ako. Mabuti naman at nabanggit ni Ma'am Jenny. 

Bukas, nasa Nusa Dua kami. Kasama ko si Zillion kasi pupunta sa FVP office si Emily. Niyaya siya ni Ma'am Jen. Niyaya naman ako ni Bro. Natz. 




Enero 16, 2021
Quarter to 4 pa lang, mulat na ako. Hindi na ako nakatulog. Excited yata ako sa pasyal namin nina Bro. Natz.

Past 4:30, gising na kaming tatlo para maghanda sa pag-alis. Naghanda ako ng almusal at baon namin. Past 6, ready na. Naghintay na lang kami.

Seven-thirty na kami nasundo.

Masaya ako sa bonding namin. Masaya ako kasi nakita kong masaya si Zillion. May kalaro siya. Sinama ni Bro. Joni ang anak niyang si TanTan. 

Kinuhaan ko sila ng pictures habang naglalaro at nagba-bonding. Nakikipag-bonding din ako sa dalawa kahit paano habang nagpo-photography at naghahanap ng halaman.

Nanguha kami ng tae ng baka. Iyon talaga ng sadya namin. Past 10, umuwi na kami.

Masayang-masaya si Zillion sa bago niyang experience. Plakda siya sa higaan. Hindi na nakapananghalian. Four na siya nagising.

Pagkatapos kong magmeryenda, nag-propagate ako ng sea hibiscus at variegated gumamela, nanahingi namin doon. Gustong-gusto ko ang sea hibiscus kaya sana mabuhay ko. Gusto ko rin ang vatiegated gumamela pero dahil meron na akong nabili dati, mas nae-excite ako sa sea hibiscus. Pricey rin kasi ito. Nanood pa ako ng vlogs sa youtube para malaman ko kung paano magpaugat from cuttings.

Past 7 na dumating si Emily. Walang kalat sa kusina dahil naayos ko na. Ready na rin ang dinner. Kaya, no problem. No clash. 

Na-stress lang ako sa modules na inihatid ni Ma'am Vi kanina. Andami kong tsetsekan! Haist!



Enero 17, 2021
Pagkatapos kong mag-almusal ng niluto ko, nag-gardening muna ako. Then, checking of modules ang ginawa ko maghapon. Kahit paano ay marami akong natapos dahil hindi ako umidlip. Kaya lang, past 6:30, dumating si Sir Hermie. Dala niya ang grocery package na galing sa Pasay City Hall. Nahinto ang pag-check ko dahil nag-inuman na naman kami. Although, isang grande lang ang binili niya, natagalan kami. Past 9:30 na kami natapos. Binigyan ko siya ng dalawang klase ng halaman. May bitbit din kasi siyang plastic pot.




Enero 18, 2021
Late na ako bumangon. Sinadya kong hindi mag-virtual class dahil wala naman na kaming pag-uusapan. Sobrang delayed na ang modules. Hindi naman nila ako hinanap.

After breakfast, nag-check na ako ng modules. Maghapon akong nag-check habang isinisingit ang panonood ng series sa youtube. Nakaka-inspire magsulat ng script. Sana may mag-alok sa akin. Nauuso kasi ngayon anh series. Dati, uso anhnshort film. Wala man lang akong naibahagi. Sana ngayon, meron na.



Enero 19, 2020
Hindi ulit ako pumasok sa online class. Hindi rin ako kinabahan nang malaman kong may observation na naganap sa mga klase. I'm sure, hindi naman napansin ang kawalan ko. Walang nagtanong kung bakit wala ako.

Anyways, busy naman ako sa module checking. Mas stressful pa nga. Madugo ang pagtsek. Andami kong napag-alaman. May mga nagkokopyahan pala. May mga sumasagot ng kung ano-ano. May maling-mali. May nakakatuwa. May nakakatuwa. Iba-iba. Sa madaling sabi, hindi maganda ang modular learning. Hindi maganda ang distance learning. 

Maghapon ko ring isiningit ang panonood ng series sa YT. Nakakaadik!

Past 4, dumating si Sir Hermie para ihatid ang FVP checks na mali ang name niya. Dinala namin kay Ma'am Jenny para ipalakad sa office. Sana ma-claim na niya. 




Enero 20, 2021
Gumising na ako nang maaga para magklase. Nagturo ako nang maayos hindi lang dahil baka may mag-observe, kundi dahil kailangan kong turuan ang mga estudyante ko. Ilang araw na kasi akong disappointed sa mga sagot nila sa modules.

Tulad kahapon, checking of modules at watching series sa YT ang ginawa ko maghapon, since maulan kaya hindi ako nakapag-gardening. Nakakawala ng stress ng mga napapanood ko. 



Enero 21, 2021
Pagkatapos ng klase, naghanda ako para umalis. Nagdalawang-isip pa ako kung gagamit ako ng bike o magko-commute. Sa huli, mas pinili kong mag-commute upang makabili ako ng mga gusto ko sa Novo-Rosario. 

Past 11 na ako nakauwi. Namili kasi ako ng utensils para sa get together sa Sunday ng mga FVP dealers. 

Pagdating ko, nag-gardening ako. Nag-repot at nag-transplant. 

Ngayong hapon, checking of modules at watching series sa YT ang ginawa ko. Extended till 11 PM. 

Medyo iritable rin ako ngayon kasi ilang araw na ring may sakit si Emily. Hindi ko talaga maintindihan bakit madalas siyang may sakit. Bumiyahe lang at um-attend sa FVP, nagkasakit na. Aysus! Nakaka-stress! 



Enero 22, 2020
Hindi ako gumising nang maaga para mag-online class. wala rin naman kasing kuwenta. May modules nang hawak ang mga estudyante after 2 weeks delay, kaya nararapat lang na bigyan sila ng oras para masagutan iyon. 

Gusto ko sanang magpokus sa module checking, kaya lang dumating si Ma'am Jenny. Dala niya ang speaker para sa kantahan at get together sa Sunday. Tinesting niya iyon pagkatapos nagplano kami. Then, nag-gardening ako.

Past 11, nagkaroon kami ng meeting sa grade lebel namin. Iisa ang reaksyon namin sa mga nangyayari sa department at division namin. Nakakainis!

After lunch, huminto ako sa pag-check. nakaka-stress sa dami. Ang hirap! Karamihan sa sagot ay pangungusap at talata. Nanonood na lang ako ng series sa YT. Nakakaadik naman! 



Enero 23, 2021
Nag-gardening muna ako bago namili ng ulam at goceries. Then, nag-karaoke kami. 

Nagyaya si Sir Hermie papunta kina Sir Joel, kaya after lunch naggayak na ako. Past one, nagbi-videoke kami. Akala ko hindi kami matutuloy. Past three na niya ako nasundo. 

Sa Guillermo Family, nag-harvest kami ng gulay. Andaming bukchoi sa kanila. Namitas din ako ng native ampalaya at kulitis. 

Hindi nagtagal, bumili si Sir Joel ng beer. Wala sa plano iyon. Gusto ko sanang makauwi nang maaga, pero dahil ang host na mismo ang gumawa ng way, okay naman. 

Ang saya ng bonding naming tatlo.

Past nine na kami natapos. Nag-dinner kami bago bumiyahe pauwi. Singlot na ako at si Sir Hermie kaya sinabihan kong 40 kph lang ang takbo. 

Mabuti, naihatid niya ako nang safe.




Enero 24, 2021
Naging abala kami pagkatapos mag-almusal.  Naiayos na naman ang garden at ang sala. Pagluluto na lang ang gagawin ko. 

Past 11, may mga dumating nang bisita. Na-stress ako kasi hindi pa ako nakaligo at hindi pa kami nakapag-lunch. Mabuti na lang ay may naluto na akong gulay. Ang tagal pa namang dumating nina Ma'am Jenny. 

Nasarapan sila sa luto ko. Palibhasa fresh at kakaunti lang. Masarap naman talaga ang ginisang monggo, na may dahon ng ampalaya, dahon ng uray, at bunga ng native ampalaya. Nilagyan ko ng Chinese sausage. Parang sahog lang ang monggo.

Nagdatingan na ang mga bisita bago mag-one. Nag-lunch na rin sila habang ako ay nagluluto ng carbonara. 

Almost done na akong magluto nang dumating si Sir Hermie. Nahuli naman ang dating si Upline Gabby. Gayon pa man, masaya ang get together. Nakiharap ako sa kanila at nakipag-inuman. First time kong makainom ng Johnny Walker Red Label.

Past seven, umuwi na ang mga bisita namin. Pinigilan ko si Sir Hermie kasi gusto kong makipagkantahan sa kaniya. Nahiya siyang makihalubilo kahit nga kay Upline Gabby. Uminom lang siya. 

Pumayag naman siya. Nag-set up kami sa garden. Bumili siya ng beer at itinuloy ang kantahan at inuman. Before ten, tapos na kami. Sobrang solved! 



Enero 25, 2021
Kahit kulang sa tulog at medyo may hang-over pa, bumangon ako para sa online class. Naging successful naman ng mga klase ko. Sa VI-Hope, isang bata lang ang tinuruan ko. Sa isa naman, apat lang. At ang Section 1, more than 18. Hassle! Wala kasing awa ang SDO-Pasay. Gusto talaga nilang sundin ng class program. Ayaw ng combined.

Pagkatapos mag-almusal, nagdilig ako at naglaba. Past 2 na ako natapos. Hindi ko nga lang nasampay lahat kasi kulang sa hanger. Umidlip ako hanggang past 4. Sulit! Nakabawi ako ng pagod at puyat. 

Past 8:30 ng gabi, habang nanonood ako sa YT, sa garden, dumating si JayR-- ang kapitbahay naming plantito. Nakipagkuwentuhan tungkol sa halaman. Niyaya niya akong bumili ng plants sa suki niya sa Silang. Interesado ako.



Enero 26, 2021
Pagkatapos ng online class, ang sinampay naman ang inatupag ko naman ang sinampay. Pinaarawan ko hanggang sa matayo. Isiningit ko na rin ang gardening. Then, marami na naman kaming benta ngayon. 

Ngayong araw, nakapagsulat ako ng wattpad update. Nakapag-check din ako ng ilang modules. At nakaidlip. Life is good!




Enero 27, 2021
Hindi ako nakapag-gardening ngayong araw dahil sa online class, meeting, at module-making. 

Na-stress akong nang nag-forward ng message sa GC si Ma'am Nhanie. Ayon sa message, due date na ng Quarter 4 modules sa Filipino on February 1. Ni hindi ko pa nga natapos ang isang aralin dahil sa meeting na kay tagal-tagal. Gayunpaman, may ilang araw pa ako para tapusin ng dalawang grade level.

Past 11, natapos ko ang ikatlong modyul. Masasabi kong magagawa kong tapusin on due date ang modules. Magtitiwala ako sa kakayahan ko.



Enero 28, 2021
Kahit kulang sa tulog, maaga pa rin akong bumangon para sa online class at para sa modules. Sinikap kong makapagsimula nang maaga. Mabuti na lang, merged ang Peace at Charity. Andami kong vacant periods. Kahit paano ay umusad ang modules. 

Gabi na ako nakalabas sa garden. Nagdilig ako habang ipinapahinga ko ang mga mata ako. 

Past 8:30, natapos ko ang Quarter 4 ng Filipino 6. Sinimulan ko na ang Filipino 4, pero hindi na ako nagtagal. Nag-relax din ako. Kayang-kaya ko naman matapos iyon bago mag-deadline. 



Enero 29, 2021
Masaya akong nagturo kahit aandap-andap ang mga mata ko at kahit gusto ko pang magtalukbong ng kumot dahil sa lamig. Gayunpaman, sinige ko ang paggawa ng modules ng Filipino 4, habang vacant period ko. 

Halos maghapon akong gumawa, pero this day, nakanood ako ng series sa YT kahit ilang sandali. Umidlip din akp nang inantok ako. Power nap. Nagka-power ako. 

Dumating si Kuya Emer bandang alas-11 ng umaga. 

Ngayong araw naman, naisauli na kay Boboy ang P10k niya na ipapambayad sana sa reservation fee sa unit sa Pasinaya. Nag-back out kasi ayaw niya ng pre-selling. Pera na naging bato pa. Hindi bale, marami pang darating na grasya. Kahapon nga ay inanunsiyo na Ma'am Nhanie, na malapit na kaming makatanggap ng royalty fee. 

Past 7 na ako nakapagdilig ng mga halaman.  Iyan ay nang makatapos ako ng tatlong modules. 

Hindi ko naman natapos ang ikaapat na modyul, pero almost done na iyon. nit bad. Baka bukas ay matapos ko nang lahat ang apat pa. 

Thanks, God!



Enero 30, 2021
Dahil walang pasok, natulog up to sawa ako. Kaya lang, hindi naman mahimbing at hindi rin ako nagtagal sa higaan. Past 7:30, bumangon na ako. Maingay na kasi ang paligid.

Natuwa ako sa effort ni Kuya Emer. Nagluto siya ng almusal. Ang simpleng dilis ay napasarap niya. Masarap pala ang nilagyan ng kalamansi, sibuyas, at kamatis pagkatapos prituhin. Ang sarap ng kain ko! Solb! 

Nahirapan ako sa paggawa ng ilang modules. Mahirap ang mga layunin. Natagalan ako sa isa. Gayunpaman, I'm doing great. 

As of, 10:30, module #7 na ang gumagawa ko. More than 70% done na ito. Module #8 na lang bukas. 

Naisingit ko ang pagdidilig ng mga halaman. Hapon ko na iyon ginawa. Bandang 7:30 naman, nag-bike ako. Mabilis lang. Wala pang 30 minutes. 



Enero 31, 2021
Pinaspasan ko ang pagtapos ng modules pagkagising ko. Nagkape lang muna ako. Late na nga ang breakfast namin, pero okay lang.

Nag-succeed naman  ang effort ko dahil past 2:30, tapos ko na. Nakahingi ako nang sobrang luwag. Kaya nga, maaga pa lang nagpaorder na ako ng lettuce at tofu para sa inuman at kainan namin with Ma'am Jenny and Sir Hermie. 

Past 5, nag-prepare na ako. Pastb7:30 na dumating si Sir Hermie. Nagluto akonng tofu-mushroom sisig. May bacon at ham pa para sa Samgyup. Nagdala naman ng talangka si Ma'am Jen. Ayos na ang kainan.

Nagkantahan kami after kumain. Naiwan kami si Sir bandang 9 kasi umuwi na agad si Ma'am Jenny. Nawala ang hiya ni Sir.

Before 11, tapos na kami. Hindi naman siya masyadong lasing. 



Tibok ng Puso (Dula)

  Tibok ng Puso     Mga Tauhan:     *Lydia     *Brad   Tagpuan:     * Sa isang pamantasan   Eksena 1: Labas. Sa mapunong...