Followers

Saturday, February 13, 2021

Ang Pangako

Madalas magtalo ang magkaibigang sina Lawson at Analou sa mga bagay-bagay na ginagawa nila. Dahil maunawin si Analou, hindi kaagad siya sumusuko sa pagpapaalala kay Lawson. “Tawid na tayo. Dali!” Hinila ni Lawson si Analou habang malalayo-layo pa ang mga rumaragasang sasakyan. Walang nakagawa si Analou kundi ang tumakbo nang mabilis dahil hindi siya makawala sa kamay ni Lawson. Bumisina nang bumusina ang mga sasakyang muntikan nang madisgrasya dahil sa kanilang pagtawid. “Gusto mo bang magpakamatay? Ha? Bakit hindi ka makapaghintay sa traffic light?” galit na galit si Analou. “Ang bagal mo kasi!” “Parati kang ganyan! Sumunod tayo sa batas trapiko para hindi tayo mapahamak. Hindi na nga ako sasama sa ‘yo!” Naglakad palayo si Analou. Agad namang hinabol at hinarang ni Lawson ang kaibigan. “Sorry na… Hindi na mauulit.” “Sorry… Paulit-ulit ka na lang nagso-sorry hindi ka naman nagbabago. Lagi kaya tayong muntik na mapahamak dahil sa mga maling aksiyon. Kahapon, na-jaywalking tayo. Mabuti na lang napakiusapan natin ang law enforcer, kung hindi baka maghapon tayong nagwalis sa kalsada. Noong isang araw, nang nagbibisikleta tayo, hinarang tayo ng mga barangay tanod kasi gusto mong dumaan sa one-way. Ang kulit mo! Sinabi ko na sa ‘yo na hindi puwede. Ipinagpilitan mo pa rin. Hayun, napagsabihan pa tayo, na hindi tayo marunong magbasa. At ang pinakamaling ginawa mo ay noong nakarang linggo— paggamit mo ng motorsiklo ng kuya mo. Ako naman si Analou, pumayag na umangkas sa ‘yo kasi sabi mo ililibre mo ako ng milk tea.” Binangga niya si Lawson upang makadaan siya. “Hindi na ako sasama sa ‘yo kahit kailan.” “Sorry na nga!” sigaw ni Lawson habang sinusundan si Analou. “Kaya nga hindi na ako magmomotor kasi wala pa akong lisensiya at bata pa ako. Kaya nga naglalakad na lang tayo ngayon papunta sa park. Hayaan mo… kapag nakabili na tayo ng skateboard, magiging masunurin na ako sa batas-trapiko.” “Nangako ka na naman… Hindi mo naman tinutupad. At saka… bakit hindi pa ngayon?” “Tutuparin ko na nga… Alam ko namang mali, kaya lang nagmamadali ako para maabutan natin ang idol natin sa skateboading. Halika ka na. Huwag ka nang magalit. Samahan mo ako roon,” pakiusap ni Lawson. Naka-prayer position pa ang mga kamay niya. “Huling beses mo na itong lalabag sa batas, ha? Mangako ka.” “Pangako, huli na ito. Kapag ginawa po pa uli, hindi na ako magpapasama sa ‘yo.” Pagkatapos maramdaman ni Analou, na seryoso ang kaibigan, sinamahan na niya ito.

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...