Followers

Sunday, February 28, 2021

Ang Aking Journal -- Pebrero 2021

Pebrero 1, 2021
Maaga akong nagising dahil sa lamok. Bukas pala ang bintana kaya nagsipasukan. Pinapak ako magdamag. Haist!

Gayunpaman, nagturo ako nang masigla. Nagluto din ako ng almusal namin habang vacant period namin.

Paat 10, dumating n si Sir Hermie. At lumarga na kami nina Jay-R patungo sa Silang para mamili ng mga halaman. Siya ang kapitbahay naming plantito na may kilala roon. Mura lang daw.

Mura nga pero halos walang mapagpiliian. Nasa liblib ang lugar. Gayunpaman, bumili pa rin ako bilang tulong na rin sa may-ari.

Ang sarap mamili. Kung hindi nga lang kami nakamotor baka naubos ang P3k ko. Anyways, dream come true dahil nakabili na ako ng juvenile Monstera deliciosa. P500 lang.

Nagutuman kami. Past 3 na kami nakauwi sa bahay. Mabuti na lang may ulam at kami pa. No regrets naman. Sobrang saya! Worth it ang pagod at ang gastos.

Past 4, dumalo ako sa RPMS orientation. Pagkatapos, nag-esit ako ng modules. Past 10:30 ko na iyon na isend sa email ni Ma'am Nhanie. At east, wala na akong ira-rush.

Bukas pupunta ako sa school para sa distribution ng modules.



Pebrero 2, 2021
Three-thirty, bumangon na ako para sa pagpunta sa school. Past 5:30, nasa school na ako. Naroon si Sir Joel G, pero wala pa ang mga kasama ko sa Grade Six. Umakyat n ako sa room pagkatapos magkape. Later dumating na si Ma'am Vi. Nag-online class muna ako. Then, paisa-isa na silang dumating.

Ang mga sumunod na pangyayari ay action para sa bigayan ng modules at siyempre may kulitan at tawanan. Nag-contribute din kami para bigyan ng simpleng celebration sa birthday ni Papang.

Nagplanong umalis gamit ang sasakyan ni Sir Joel G.. Hindi nga lang puwede si Sir Joel K kaya hindi na pursue. Pero nangag-uuwian na, nagkaroon ng biglaang plano. Pupunta na lang sa bahay ng Guillermos. Gusto kasi nilang makapunta roon at mag-stay si Ma'am Madz. Hayun nga! Nangyari ang hindi-plinano. Nakasama si Ma'am Wylene, si Ma'am Venus, at Ma'am Joann.

Nakarating kami sa bahay ni Ma'am Venus.

Isang masayang kainan, kulitan, at tawanan ang naganap doon. Ang saya-saya! Ang dami namin. Almost full force ang Grade Six.

Nine, nagkayayaan nang umuwi. Ayaw nila akong pag-commute-in kaya hinatid ako nina Sir Joel. Nakarating na rin tuloy sa bahay sina Ma'am Madz at Ma'am Joann. Nagkita na silang muli ni Zillion, dati niyang Kinder pupil. Nagkuwentuhan muna kami sandali, bago sila nagpaalam. Nakapag-sales talk pa si Emily ng FVP.

Sa sobrang pagod at puyat, nakatulog agad ako.




Pebrero 3, 2021
Kahit paano, nakatulog ako nang maayos kaya naman naggising ako nang una sa alarm clock.

Nagturo muna ako, then nag-prepare na ako para bumiyahe patungong FVP office.

Nine-thirty dumating si Sir Hermie. Pinuntahan namin si Ma'am Jenny. Agad naman kaming bumiyahe.

Before 12, nasa Suntree na kami. Agad naming inayos at isinagawa ang mga pakay namin. Medyo natagalan lang sa pagpapabago ng name ni Sir Hermie, kaya inabutan kami roon ng past 3:30. Pero okay lang, sulit naman dahil naisama ko si Sir doon.

Nakakatuwa rin dahil P62k pala ang royalty fee ko. Kaya naman, nagplano ako ng surprise para kay Emily. Kinuntsaba ko si Ma'am Jenny. Bibilhan ko siya ng tri-bike at cellphone.

Pagdating namin sa PITX, trineat ko ang dalawa ng meryenda sa Jollibee. Then, bumili kami ng cellphone. Pagdating sa bahay, sinikap kong hindi iyon makita ng mag-ina ko.

Nag-shot muna kami ni Sir ng isang grande bago siya umuwi. Nagkuwentuhan kami nang kaunti kasi kailangan na niyang umuwi.



Pebrero 4, 2021
Maaga akong nagising para mag-poo, kaya naman naibalot ko pa ang brand new cellphone na gagamitin ko para i-prank si Emily, kasabay ng tri-bike. Kaya lang, after class, nakita niya iyon sa likod ng tv, kaya no choice ako kundi isakatuparan na. Mabuti na lang dumating si Ma'am Jenny, na aking accomplice.

Parang totoong-totoo ang prank.

Ang siste kasi ay kunwari may dumating na package. Babalikan daw ang bayad ng nag-deliver kasi tulog pa siya. Nang binuksan, walang laman kaya lalo akong nagalit. Maiyak-iyak na sa takot si Emily. Nang ni-reveal ko, naiyak siya.
Successful ang prank.

Nang napanood ko ang mga videos, nag-decide ako na sa youtube account na lang ni Ma'am Jenny i-upload since siya naman ang may-ari ng videos. Tulong na rin sa kaniyang YT.

Wala nga sa plano ang nangyari dahil dapat ay sabay ang cellphone at tri-bike. Kaya, pasikreto kaming nagko-communicate ni Ma'am Jen para sa 2nd prank.

Before 9PM, dumating na ang delivery. Game na game ang mag-asawang nag-deliver. Nice acting din kami ni Ma'am Jen. Kaya naman, successful uli.

Okay lang kahit gumastos ako ng almost P15k para sa kaniya. Gusto ko lang na mapasaya siya at makapag-start na sa kaniyang mga plano. Wala nang rason para hindi siya kumita sa online selling. May pang-deliver na siya wothin the subdivsion.

Thanks, God sa blessings!




Pebrero 5, 2021
Pagkatapos ng online class, dumating si Ate Emer. Nakisabay siya sa pag-aalmusal namin. Uminom lang siya ng First Vita Plus.

Past nine, nasa biyahe na ako papuntang Antipolo. Nagpadala muna ako ng P6,200 kay Ma'am Nhanie through Cliqq sa kanyang GCash para sa outreach program ng 21st Century Teacher..

Sa Cubao, gumala muna ako sa bilihin ng mga halaman. Ang gaganda! Hanggang tingin na lang ako.

Bago ako bumiyahe uli, nakakain na ako. Past 2, nagkita na kami ni Flor sa Gate 2. Bumili muna kami ng burgers sa Jollibee bilang pasalubong.

Past 3, nakarating na ako kina Jano. Authentic ang kasiyahan ni France nang makita ako. Tuwang-tuwa rin si Mama.

Habang hinihintay si Janno, nagkuwentuhan kami. Si Taiwan ang asawa nito ang ikinuwento niya sa akin. Gusto raw nitong maikasal sa kapatid ko kasi Christian ito at hindi maganda sa paningin ng Diyos. Tama naman!

Marami rin akong naikuwento kay Mama bago nagyaya si Jano na kumain sa labas. Hindi sumama si Mama.

Nang pumunta na kami sa kainan ng pansit batil patong, namalengke pa raw, kaya maghihintay pa kami. Naisipan ni Flor na sunduin ang mga anak ko, since malapit lang naman. Dahil gusto ko ring makita at makasama, pumayag ako.

Niyakap ko sila nang magkita kami. Malaki na ang pagbabago nila. Soon, may dalaga at binata na ako. Kaya lang, masyado silang mahiyain. Marahil ay hindi sila confident sa sarili nila. Gusto kong mawala iyon, lalo na si Zildjian.


Habang naghihintay kami roon, sinamantala ko nang makausap ang magkapatid. Humingi ako ng sorry sa kanila. Matagal ko nang gustong sabihin iyon pero iyon ang tamang panahon kasi nakita kong matured na sila. Alam kong mauunawaan nila ako. Sinabi kong hindi ko ginusto o pinili ang nangyari sa amin. Gayunpaman, sinabi kong bumangon ako para sa kanila. Kung hindi ako babangon, pare-pareho kaming nasa baba. Then, ikinuwento ko sa kanila ang ilan sa mga inspiring stories like royalty fee, module writing na may bayad, travel, house, at iba pa. Ipinangako ko na rin kay Hanna ang kaniyang debut sa 2023. Gusto ko ring makasama sila sa travel ko para magkakilala kami nang husto.

Nagawa ko pang mag-vlog habang nasa sasakyan at habang na restaurant. Ang saya! Walang mapagsidlan ng ligaya ang puso ko. Gusto kong balik-balikan ang mga anak ko.

Mga pasado alas-otso na yata iyon nang maghiwa-hiwalay kami. Sayang naiwan kay Mama ang pera at hoodies na para sa kanila. Pero hindi bale, magandang makita naman sila ni Mama.

Before 12, nasa bahay na ako. Napagod ko sa Cubao. Ang hirap makasakay. Ang layo nang nilakad ko kasi wala nang bus stop. Mabuti may MRT pa.



Pebrero 6, 2021
Kahit hindi ako nakatulog nang 8 hours, kahit paano ay nakabawi ako ng pagod at puyat.

After breakfast, nag-gardening ako. Inayos ko ang parking area ng tri-bike ni Emily. Then, gumawa ko ng vlogs, gamit ang mga pictures at videos kahapon.

Bandang hapon hanggang gabi, gumawa naman ako ng vlogs, gamit ang ginawa kong modules sa Filipino. Nakadalawa ako. Nakaapat akong vlogs ngayong araw. Not bad.



Pebrero 7, 2021
Past 8 na ako bumangon dahil alam kong may magluluto ng almusal namin, si Kuya Emer.

Pagkatapos mag-almusal, nagligpit ako sa garden dahil gagawin ni Kuya Emer ang ramp sa gate para hindi mahirapan ang paglabas at pagpasok ng bike.

Dumating din si Kuya Boy para magsukat sa pinagagawa kong metal plant rack. Humihingi na siya ng P4k para sa material at labor cost. Pero, nang gabi, humirit pa siya ng P500 kasi nakalimutan daw ilista ng gulong. Pinalalagyan ko kasi ng gulong.

Nagsulat ako ng pang-update sa wattpad ko. Hindi ko matapos-tapos pero nadaragdagan ang haba.

Gabi, nagtsek ako ng modules. Nakaka-stress kaya halos hindi ako nakausad.



Pebrero 8, 2021
Unang araw ng INSET. Hindi ko gusto ang mga nangyari. Boring ang topic at andaming gagawin. May modules pang nalalaman. Gayunpaman, nag-screenshot ko ng mg slides habang nakikinig. Pagdating ng hapon, nakatulog ako. Sobrang nakakaantok talaga, lalo na't binasa lang ng speaker ang kaniyang slides.

Pagkatapos ng sessions, nag-brainstorming naman kaming magkakasama sa grade level. Pagkatapos iyon na maglabas kmi ng mga hinaing, komento, at kuro-kuro namin sa mga nangyari at mga pinagagawa sa amin. Nakagaw rin kami ng output na siyang ipapasa namin sa Huwebes.

Gabi na nga ako nakapagdilig. Pero masaya ako dahil magaganda ang tubo ng mga halaman ko. Malapit na rin akong magkaroon ng metal plant rack, na lalong magpapaganda at magpapaluwag sa garden ko.



Pebrero 9, 2021
Nagsulat muna ako ng wattpad update bago ako bumaba at nag-log in sa webinar. Muntikan na akonh ma-late.

Kahit si Sir Erwin ang isa sa mga resource speaker, hindi ko pa rin talaga matanggap ang halaga ng webinar na ipinagpipilitan sa amin ng DepEd. Bukod kasi sa late na, andami pang activity. Nakakatuyot ng utak. Mabuti sana kung umaga lang ang seminar Maghapon. Paano kaya namin magagawa iyon? Essay pa naman.

Gayunpaman, gumawa pa rin ako. Sinikap kong gumawa dahil ayaw ko namang kumopya na lamang sa collaborative output namin kahapon.

Past 2, inantok ako. Pinagbigyan ko. Okay naman kaya lang hindi na ako nakapag-screenshot. Kahit paano may epekto iyon sa mga sagot ko. Kailangan kong labanan ang antok sa susunod.

Pagkatapos ng webinar, ginawa ko ulit ang mga activities. Kahit paano hindi na ako mangangarag sa mga susunod na araw. May ipapasa na ako kung magkabiglaan man.

Ngayong gabi, nakapag-post ako ng update sa wattpad. Pagkatapos, nagsulat uli ako.



Pebrero 10, 2021
Mula umaga hanggang gabi, tutok ako sa computer. Nag-double time ako kasi kinailangan kong gumawa ng summative tests sa ESP 6 Q2 W2 and 6, habang ongoing ang INSET, na nakakaloko..

Gayunpaman, naipasa ko ang summative tests at muling umusad ng LAC Study Notes ko. Naisingit ko rin ang paggawa ng PDS at SALN na due na bukas.

Ang pahinga ko lang ay gardening. Dumating na kasi ang metal plant rack ko. Worth it ang P4,500 na binayad ko.

Gabi, nagkaroon pa kami ng LAC session with our MT. Nakinig lang ako dahil busy ako sa paggawa ng study notes. So far, nasa 75% na ako. Not bad.

Bukas, pumunta ako sa Pasay para kumuha ng cedula at magpasa ng SALN at PDS.




Pebrero 11, 2021
Alas-tres nagising ako at hindi na ako nakatulog muli. Kaya, nagsulat na lang ako ng pang-update sa wattpad. Past 4, bumangon na ako para mag-almusal at maligo.

Before 5, umalis na ako sa bahay. Maaga akong nakarating sa PITX, kaya nagsulat din muna ako roon. Nakapag-upload nga ako bago ako pumunta sa school.

Past 7:30, nasa school na ako. Nakapagsabay ako kay Mang Bernie ng cedula. Hindi na ako nahirapan. Nag-concentrate ako sa pakikinig sa webinar, habang pini-print naman nina Sir Hermie ng PDS at SALN ko.

Nainis lang ako sa principal dahil pinatatawag ako. Mabuti natimbrehan ako ni Sir Hermie, kaya hindi ko bumaba. Isinangkalan pa si Sir Erwin para pumayag lang akong tanggapin ang SPG coordinator. Useless ang trabahong iyan sa panahon ngayon, kaya wala akong balak tanggapin.

Masaya ang naging binding ko kina Sir Erwin, Ma'am Edith, Sir Archie, at Sir Joel habang may webinar.

Past 4 na kami umuwi. Natagalan lang ako sa CCP dahil punuan ang bus.

Past 7:30 na ako nakauwi sa bahay. Pagod man, pero nakapagdilig pa ako ng mga halaman habang may meeting kami kay Sir Erwin tungkol sa LDM2.



Pebrero 12, 2021
Past 8:30 AM ako bumiyahe para sa naka-schedule naming buffet sa Tramway, kasama ang mga kaTupa ko. Hindi naman ako pumunta roon agad. Nagpalamig muna ako sa PITX. Nagsulat na rin.

Past 11:30 am, bumiyahe na ako. Naroon na sila, maliban kina Ma'am Bel at Ma'am Divine.

Masaya kaming nagkainan kahit magkakalayo at kahit kakaunti ang menu, hindi tulad dati. Busog na busog ako.

Nagplano rin kami para sa gala namin sa February 25. Gusto ni Ma'am Bel makarating sa Torres Farm. Rerentahan namin ang L300 ng kapatid ni Ma'am Rapunzel.

Past 3, nasa PITX na ako. Nagyaya si Sir Hermie na pumunta kina Sir Joel G, kaya bumiyahe ako papuntang Imus. Past 4 na ako nakarating sa meeting place namin.

Kami naman ang bumili ng alak at pulutan, kaya bago kami pumunta sa bahay ng Guillermo, may dala na kami. Hindi nga lang nakuntento sa tatlo si Sir Joel, kaya bumili pa siya ng dalawa. Okay lang naman dahil masaya kami. Ang daldal ko na nga.

Past 10 na kami natapos at nagkapag-dinner, pero hindi naman nakauwi kaagad dahil umuulan. Nagkuwentuhan na lang kami nina Ma'am Joann. Andami kong tawa sa kanila ni Sir Hermie.

Past 12 na ako naihatid ni Sir Hermie aa bahay. At hindi rin agad nakatulog. Gayunpaman, masayang-masayang ako.



Pebrero 13, 2021
Maaga akong nagising dahil nagising din si Emily nang maaga. Pupunta sila ni Ma'am Jenny sa FVP office dahil speaker si Sweetie.

Natulog naman uli ako pag-alis niya. Nagising ako mga pasado alas-8. Bago mag-almusal, naglinis muna ako sa sala. Nagpunas ako kasi amoy-daga ang sahig namin. 

Then, hinarap ko na ang LDM2 Portfolio. Natapos ko naman ito kaagad, kaya nasimulan ko ang ESP 6 module. Nakapag-gardening din ako kahit paano. Hapon, natulog ako. Nagising lang ako sa tawag ni Ma'am Vi. Nag-usap kami ng mga kulang-kulang isang oras tungkol sa LDM at iba pang isyu sa school at DepEd. 

Past 9:30, nakaapat na pahina na ako ng modules. Not bad. 



Pebrero 14, 2021
Nag-gardening muna ako sa umaga. Napakasarap sa pakiramdam na makita ang malulusog na halaman. Nakakainis lang tingnan ang mga sinisira ng mga daga. Hinuhukay nila ang ibang halaman. Siguro naghahanap sila ng root crops. Ang resulta, natatapon ang mga lupa. Ang masama, namamatay ang halaman kasi minsan hindi na pala nakatanim sa lupa.

Past 12:00 nasundo na kami ng Guillermo family para dumalo sa first birthday party ng anak ni Ma'am Fatima sa Dasma. Sinundo rin nila ang mag-iinang Biares. 

Nakarating kami sa venue bandang 2:30. 

Nalungkot ako kasi wala akong katawanan, maliban sa nakakausap ko naman si Sir Joel. Pinaasa kasi kami ni Sir Hermie. Hindi siya makakapunta. 

Okay lang din naman na nakasama kami roon dahil nakilala ni Emily ang mga kaguro ko. Naka-bonding niya rin ang mga ito. At nakaranas na naman si Zillion ng pagdalo sa bertdeyhan. 

Past 6:00, umuwi na kami. Hinatid uli kami ng van. Blessings din kasi kailangan nila ng First Vita Plus Dalandan para sa ubo ni Althea. Binigyan ko naman sila ng mga halaman bilang pasasalamat.



Pebrero 15, 2021
After ng online class ko, nag-almusal lang ako at nag-decide na akong maglaba. Pero bago akp nakapagsimula, nagkasagutan kami ni Emily. Nayabangan kasi ako sa kanya. Ipinipilit niyang siya lang ang lahat ng nakapag-inspire kay Ma'am Leah na painumin ng FVP ang anak nito. Haist! Napakaliit an bagay. 

Tahimik kong tinapos ang labahan ko. Napagod man ako pero masaya akong nagtratrabaho para sa pamilya ko. Ayaw ko lang ng hinahanap pa ako ng kakulangan ko... Wala raw akong time. Nang siya ang pinalalaba ko, ayaw naman. 

Nakatulong ako bandang hapon. Naniniwala na talaga ako sa psychology. Kapag malungkot daw, tulog nang tulog. 

Gabi, nagsimula akong gumawa ng vlog. Lalapatan ko na lang ng audio. Nagsulat ako para sa wattpad. Nakapag-post ako. At ipinagpatuloy ko ang ESP6 module. Nakadalawang pahina ako. 

Past 8, pumunta ako sa bahay ni Mareng
Janelyn. Naglayas kasi siya dahil sa problema sa asawa. Nakipagkuwentuhan ako hanggang past 9. Nag-biking din ako hanggang 9:30. Nawala ang stress ko.



Pebrero 16, 2021
After breakfast, nagdilig ako ng mga halaman. Then, hinarap ko na ang module writing.

Habang naghihintay kay Mareng Janelyn umidlip ako. Past 2:30 na siya dumating para makigamit ng wifi. Nag-start agad siya sa kaniyang online tutorial. Ako naman, nagpatuloy sa paggawa ng module, habang pasalit-pasalit ang kuwentuhan.

Matagal kami nagkuwentuhan hanggang sa dumating ang Converge agent. Isinama na niya ang mga ito sa kanilang bahay. Past 7:30 na iyon.

Nagpasalamat siya sa akin. Kahit paano ay naibsan ang stress niya, lalo na't na-reintroduce namin ang First Vita Plus sa kaniya. Pinautang nga siya ng 2 boxes ng Dalandan Gold at isang virginity soap.

Masaya rin ako dahil nakatulong ako kahit sa kaunting paraan. 



Pebrero 17, 2021
Nagkasagutan kami ni Emily habang nagdidilig ako ng halaman kay bad trip ako maghapon. Idagdag pa ang system error ng PRC. Hindi tuloy ako makapag-transact. Kailangan ko nang mag-renew ng license. Hinahanapan na kami sa office.

Halos maubos ng oras ko sa kakasubok. Wala talaga. Mabuti na lang, nakapag-update ako sa Wattpad. 



Pebrero 18, 2021
Pagkatapos ng virtual class, nagdilig ako ng mga halaman. Tapos,  maghapon akong nagkulong sa kuwarto upang tapusin ang ESP 6 module. Nagpapahinga rin ako. Na-stress lang sa PRC renewal of license dahil hindi pa rin ako makausad. Error palagi. Gayunpaman, hindi ko masyadong dinibdib. Makaidlip pa nga ako kahit paano.

Past 4:30, nakatambay ako sa garden. Na-appreciate ko iyon kaya nag-pictorial ako at nag-post sa FB. Marami-rami na agad ang nag-like at nag-comments. 

So far, bago ako matulog, nakatapos na ako ng anim na pahina ng module. Siyam na lang ang gagawin ko. 



Pebrero 19, 2021
Nag-biking ako pagkatapos ng virtual class. Merged ang mga klase kaya isang session lang ang nangyari. Kaya lang, may observer na pumasok kaya nawindang ang mga kasamahan ko habang wala ako.

Anyways, naging masaya naman ang pagbibisikleta ko. Nakakuha ako ng water plants at driftwood.

Maghapon, ginawa ko ang ESP module at inasikaso ko ang PRC license renewal ko. Tinulungan ako ni Ms. Krizzy, kaya nakabayad ako after 48 years. Nakaka-stress ang online. Pero, pasalamat ako at naging okay na ang address details ko. May schedule na ako. Sa June 10 ko kukunin sa PICC. 

Past nine, nag-biking uli ako. Past 10 na ako nakauwi. Nakaka-refresh!



Pebrero 20, 2021
Past 8 na ako bumangon. Ang sarap kasing matulog dahil sobrang lamig. Kung hindi lang aalis sina Emily, hindi ako bumangon agad.

After ko mag-gardening, hinarap ko na ang module writing. Tinapos ko na ngayong araw. Pati ang key to correction ay ready to submit na. 

Hindi ko nakapunta sa Guillermo Family. Niyaya pa naman ni Sir Hermie doon si Sir Vic. Aalis kaso ang mag-ina ko. Hindi puwedeng walang maiiwan sa bahay dahil may plant-.napper. Nanakawan na kami noong isang araw. Tapos kanina, muntikan nang manakaw ang Hawaiian palm namin. Nabunot na sa paso, hindi lang nadala.

Habang wala sila, nag-stay ako sa garden. Nag-sound trip ako.

Paat 8, nag-biking ako. Ten PM na ako umuwi. Ilang minuto ang lumipas, tinawagan ako nina Ma'am Joann at Sir Hermie. Ang kulit na ni Sir. Lasing na lasing na.



Pebrero 21, 2021
Maagang naistorbo ang tulog ko sa maagang pagbangon ni Emily kanina. Pupunta siya sa Montalban para sa First Vita Plus, kasama si Ma'am Jenny. Iwan kami ni Zillion.

Past 8 na ako bumangon pagkatapos niyang umalis. 

After breakfast, nag-biking ako. Past 10 na ako nakauwi. 

Maghapon, wala akong nagawa kundi makipag-chat. Gabi na ako naging produktibo. Nakagawa ako ng vlog at nai-post ko sa YT.

Past 10 na dumating si Emily. 




Pebrero 22, 2021
Kahit wala pang modules na hawak ang mga estudyante, nagklase pa rin kami. Nagturo ako ng pagsulat ng tula. Medyo mahaba kaya hinimay-himay ko. Kakayanin iyon until Friday.

Nag-biking ako past 10, then bumili ng isda. Nagluto ako ng pInangat na sapsap pagdating ko. Ang sarap ng kain ko! Bihira kasing magluto si Emily ng ganoon. Halos araw-araw kaming bili. 



Pebrero 23, 2021
Ngayong araw, nakagawa ako ng isang vlog at nakapag-biking. 

Nakakilala ako ng isa ring biker. Nakipag-join ako sa pag-bike sa kanya, kaya nakarating ako sa highway. Kahit paano ay nawala ang takot ko sa highway. Kaunti na lang ay tuluyan nang mabubuo ang confidence ko sa kalsada.

Sana i-chat ako ni Kym, ang teenager na nakasama ko. Gusto kong makasama sa solo ride niya hanggang Indang.



Pebrero 24, 2021
Past 6:50 na ako nagising. Late na ako sa klase ko. Mabuti na lang nakapasok agad ako at hindi pa tapos si Ma'am Vi sa Charity. Hayun, nakahabol ako.

After class, naglaba ako. Inabot ako ng past 1 bago natapos. Umidlip muna ako bago naligo. Nakapagpahinga naman ako kahit paano, kaya nag-biking ako.  

Sa unang pagkakataon, lumayo ako nang husto. Sa highway ng Gen Tri ako dumaan. Hinanap ko ang bahay ni Sir Joel G pero hindi ko natagpuan. Ibang way yata ang nalusutan ko, kaya nakarating ako sa bayan o sa simbahan-park-city hall ng Gen Tri. Gayunpaman, natuwa ako sa sarili. Kaya ko palang mag-solo ride sa highway. 

Pumunta pa ako sa liblib na lugar bago ako umuwi. Nakakatuwa ang mga nakikita ko. Nakaka-relax!



Pebrero 27, 2021
Mainit ang ulo ni Emily dahil sa mga tae at ihi ng mga daga. Naglinis siya. Tinulungan ko naman na lagyan ng harang ang uwang sa pinto. Kaya lang, meron pa rin siyang nasabi. Dapat daw kahapon ko pa ginawa. Nainis ako. Until nag-away kami dahil sa module o katamaran ni Zillion at sa pagbubunganga niya sa bata. Pinagsalitaan ko siya.

Nagkulong ako sa kuwarto after lunch dahil sa inis.

Past 1:30, tumawag sina Ma'am Madz, Sir Joel, at Ma'am Wylene. Pupunta raw sila sa bahay. Agad akong bumangon para maghanda at magluto.

Nagluto ako ng carbonara at tofu-mushroom sisig at gumawa ako ng fruit salad. 

May dala silang pizza, kaya solb na ang kainan. Nag-karaoke pa sila habang nagluluto ako.

Dinala namin sa Guillermo family ang mga tira at ang bagong lutong sisig. Past 7:30 na kami nakarating doon. 

May kantahan din doon. At siyempre, may masarap na pagkain.

Nasarapan lahat sila sa putahe ko.

Dumating si Sir Vic, pero in-Indian kami ni Hermie. Kaya, bandang 10:30, pinuntahan namin sila. Hinatid kasi kami ni Sir Joel G ng van niya kasi sa bahay matutulog sina Pareng Joel at Ma'am Madz. 

Natatawa ako sa reaksiyon ni Sir Hermie sa pagdating namin. Hindi siya nakabuwelo.

Past 12 na kami nakarating sa bahay. 

Sa sala natulog ang dalawa. Ayaw nila sa kuwarto kahit wala naman ang mag-ina ko. 




Pebrero 28, 2021
Past 6:30, gising na kami. Nagluto ako ng almusal upang busog sina Sir Joel at Ma'am Madz bago umuwi.

Idinaan ko muna sila sa bahay ni Marekoy. Although, wala ng tao roon, at least alam na nila.

Maghapon akong nagpahinga kasi past 3:30 pa dumating ang mag-ina ko.

At alas-4, nag-biking ako. Binalikan ko ang magandang lugar na nadaanan namin ni Sir Hermie noong isang araw. Naniwala na ako sa kakayahan kong pumadyak. Kaya ko pala.

Past 6 na ako nakauwi. Sobrang sarap sa pakiramdam. 

Pinautang ko si Padi Glenn ng P2,000 ngayong araw. Naawa naman ako. Hindi ko man naibigay ang P5,000 na una niyang hinihiram, at least, nakatulong ako. 

Nag-biking pa ko bandang 8:30 hanggang  10 ng gabi. Ang init kasi sa kuwarto kung matutulog agad ako. 


   






No comments:

Post a Comment

Ang Pinakamasamang Kuya

  Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...