Followers
Tuesday, March 30, 2021
Pananalig sa Diyos
Ang pananampalataya ay nangangahulugan ng paniniwala o pananalig sa Diyos. Ang pananalig sa Diyos ay may basehan. Hindi basta nananampalataya ang isang tao kung wala siyang naririnig, nakikita, at nalalaman sa mga bagay na pinanampalatayaan niya. Ang bawat isa sa atin ay may kani-kaniyang relihiyon gaya ng Kristiyanismo, Hinduism, Buddhism, Islam, Judaism, Sikhism, Taoism, Shintoism, at Jainism. Ang bawat isang relihiyon ay may iba’t ibang aral o doktrinang pinaniniwalaan o pinanampalatayaan.
Magkakaiba man tayo ng pananampalataya, iisa lamang ang ating pananalig sa Diyos. Kasinglakas ng pananalig natin sa Diyos ang kapangyarihan Niya. Kaya, nararapat lamang na magtiwala tayo sa Kaniya at sa mga salita Niya. Maging matiisin tayo sa anomang pagsubok sa buhay. Maging madasalin tayo. At matutong maghintay para sa katuparan ng ating mga kahilingan.
Tandaan: Ang pananalig sa Diyos ay hindi lamang sa pag-anib sa isang relihiyon, kundi pati sa pagsunod at pagtitiwala sa mga salita ng Diyos.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Ang Aking Journal -- Marso 2026
Marso 1, 2026 Six-thirty pa lang, gising na ako. Ginusto ko pang matulog muli, pero ayaw na ng mga mata ko. Nag-tablet na lang muna ako b...
-
Bakit kapag nagkakamali ng bigkas ang ating kapwa, pinagtatawanan natin? Bakit kapag mali-mali ang Ingles nila, kinukutya natin? Big deal ba...
-
Ano ang Kolum (Column)? Paano ito isinusulat? Ang kolum o pitak ay regular na lathalain o serye ng mga artikulo sa pahayagan, magasi...
No comments:
Post a Comment