Followers

Monday, March 15, 2021

May Diyos

Isang araw, nagkuwentuhan ang magkaibigang sina Faith at Jude. 

Jude: Alam mo, sa dami ng nangyayari sa mundo at sa bansa natin, parang ayaw ko nang maniwalang may Diyos. 

Faith: Hala! Bakit naman? 

Jude: Kung may Diyos, bakit hinahayaan niyang mangyari ang pandemyang ito? Nawalan ng hanapbuhay si Tatay. Namatay si Lola. Ang dami-dami pang kalamidad na dumarating. Kung may Diyos, bakit hindi niya makontrol ang mga ito? 

Faith: Ang lahat ng mga nangyayari sa atin ay kagustuhan ng Diyos. 

Jude: Bakit hindi niya gustuhin ang kabutihan para sa lahat? Bakit may kailangang maghirap, mapahamak, masaktan, magkasakit o mamatay? 

Faith: Naniniwala ka bang natutupad ang mga panalangin mo? 

Jude: (Saglit na nag-isip) Oo. Natupad ang hiling ko na magkaroon ako ng tablet. 

Faith: Kung gayon, nananalig ka nga sa Diyos... Sabi sa Bibliya, ang pananampalataya ay siyang kapanatagan sa mga bagay na hinihintay, ang katunayan ng mga bagay na hindi nakikita. Alam mo, Jude, magiging maayos din ang lahat. Manalig lang tayo sa Diyos. Alam Niya ang mga nasa puso at isipan natin.

Ngumiti si Jude. Palatandaan iyon na naniniwala siya kay Faith.

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...