Followers

Wednesday, March 31, 2021

Ang Aking Journal -- Marso 2021

Marso 1, 2021
Walang modules ang mga estudyante, kaya dapat wala ring online teaching ang mga guro. Nakakainis lang talaga!

Pagkatapos ng aking late breakfast, nagdilig ako ng mga halaman. Then, nag-check ako ng mga modules habang nagsa-soundtrip.

Dahil sa init ng panahon, nakakatamad gumawa ng mga school works. Umidlip na lang ako. At past 4, nag-biking ako. Six na ako nakauwi.

Ang sarap ng hangin doon. Nakaka-relax. Parang ayaw ko nang umuwi.



Marso 2, 2021
Umalis si Emily bandang past 7 patungo kina Edward at sa FVP office. Tahimik ang kabahayan kapag kami lang ni Zillion. Nag-soundtrip ako habang nagdidilig at nagtsetsek ng modules. Mga 7 pm na siya nakauwi. Tahimik pa rin ako. Hindi ko pa rin siya kinikibo dahil sa pag-aaway namin noong Sabado.

Gabi, nag-biking ako. Pampalipas ng oras at para antukin at malamigan. Ang init kasi sa kuwarto kapag maaga akong matutulog.



Marso 3, 2021
Gumising ako nang maaga para magturo, pero dahil may online religion class, walang schedule para sa subjects. Natulog uli ako. Past nine na ako bumangon para mag-almusal.

After breakfast, ginawa ako ang pinagagawa ni Emily-- logo ng First Vita Plus group namin at isang template ng form.

Past 12, nagyaya si Sir Hermie na mag-road trip. Naghanda ako, pero hindi masyadong nag-expect baka kasi prank na naman. Dumating naman siya bandang 1:30. Saka lang ako nagbihis.

Sa Naic, dumaan kami sa simbahan. Then, pumunta kami sa Torres Farm and Resort para sana mag-ocular, kaya lang bawal ang picture. Hindi na lang kami pumasok at nag-inquire. Nainis kami.

Sa Ternate, nag-video ako sa daan para sa aking vlog. Kumain din kami sa isang kainan, na may overlooking view ng bundok at beach. Gusto ko sanang dumiretso sa Kaybiang Tunnel, pero baka hindi kayanin ng gasolina. Wala raw gasolinahan doon, kaya bumaba kami sa Maragondon.

Sa Maragondon, dumaan kami sa simbahan. Then, naghanap kami ng magandang spot. Nadaan lang namin ang isang tulay. Ang ganda ng ilog doon. Gusto ko sanang mahanap ang mababang bahagi niyon, pero hindi kami nakahanap ng daanan. Ang layo na ng narating namin. Na-disappoint kami, kaya umuwi na lang kami. Past 5 na kami nakarating sa bahay.

Pagod man, pero masaya ako. Nawala ang lungkot at stress ko, which is iyon naman ang gusto namin.

Bago ako natulog, nagpatulong si Ms. Krizzy na i-edit ang action research proposal niya. naiinis man ako kay Chula, ginawa ko pa rin bilang suporta sa aking kaibigan.



Marso 4, 2021
Gumising ako nang maaga para magturo. Kaya lang nakipagpalit si Ma'am Madz ng oras, kaya natulog uli ako hanggang past 8. Eight-thirty-five kasi ang schedule ko.

After breakfast, nagdilig ako. Pagkatapos, nagbanlaw ng mga winashing ni Emily kahapon. Nakakapagod din kaya halos maghapon akong humilita upang makabawi ng lakas.

Gabi, nag-biking ako. Naisingit ko rin ang pagsusulat.




Marso 5, 2021
Naging maayos naman ng pagtuturo ko ng pagsulat ng tanaga. Kaya lang, kakaunti lang ang interesado.

Past 10 hanggang 12:45, may meeting kami. Nakakainis lang naman. Pinanood lang kami ng recorded video, pagkatapos ay nag-sum up nang nakapatagal. Andami pang dakdak.

Then, maghapon na kaming nag-meeting dahil kailangan may video presentation kami para sa retirement ni Sir Vic. Nag-compose ako ng lyrics ng Bed or Roses. Gabi, nagpraktis kami.

Past 9:45, nag-biking ako.

Dumating nga pala si Kuya Emer bago magtahalian. Siya uli ang magluto.




Marso 6, 2021
Halos maghapon ako sa kuwarto ko upang magpahinga. Nakaka-stress ang isang linggong may klase, na walang direksiyon dahil walang modules.

Past 4, sinundo ako ni Sir Hermie. Galing siya kina Sir Joel G. Nagdala siya ng binhi at sprinkler. Dapat magkikita kami roon. Mabuti na lang hindi na ako pumunta dahil aalis sila. Niyaya nila kaming pumunta sa Biares Family.

Nag-road trip muna kami bago pumunta sa Biares Family. Nakapag-vlog pa ako.

Past 7, natunton namin ang venue ng party. Birthday pala ng kapatid ni Ma'am Lea May at blowout na rin niya dahil rank number 2 siya sa Teacher 2 slot.

Past 8 na dumating ang magkakaibigang Kinder teachers.

Bago pa nagkainan, nagsimula na ang inuman. Ang saya-saya namin. Malalim ang aming topic. Hindi ko napigilan ang sarili ko na mag-confide. Wala naman kasi akong masabihang iba.




Marso 7, 2021
Alas-4 na ako naihatid ni Sir Hermie. Grabeng lasing ko, kaya naman sobrang sakit ng ulo ko paggising ko. Halos kalahating araw akong may hangover. Mabuti hindi ako sumuka.

Nahiga ako maghapon.

Bandang hapon, okay na ako. Nakapagsulat pa nga ako at nakapag-post sa wattpad.

Iniisip ko pa rin ang mga payo ng aking mga kaguro kagabi. Sa tingin ko, mahihirapan ako.



Marso 8, 2021
Nagturo na ako ng galing sa module kasi distribution na sa Tuesday. Na-observe din ako ng PSDS at bago ako nagpaalam sa mga bata, na-interview pa ako.

After class, nag-check ako ng modules. Sobrang hirap talaga! Nakaka-stress. Kaya naman, bandang hapon, nag-biking ako. Kahit paano, nawala iyobn.

Kaya lang, nag-chat na naman ang ESP supervisor. Kung sino-sino na ang nag-chat sa akin -- Ms. Krizzy, teacher from other school, at si Papang. Alam kong inutusan sila ni Chula, pero unseen silang lahat sa akin. Napaka-unprofessional naman kasi nila. Hindi nila pag-aaari ang oras ko. Gabi na. Mai-stress ako kapag binigyan nila ako ng trabaho. Dapat ginawa nila iyon during hours. Isa pa, hindi man lang sila nagsabi na isasama nila ako sa memo.

Na-stress ako. Kaya past 9, nag-biking ako. Habang nagpapaantok, nagbisikleta ako sa within the subdivision.



Marso 9, 2021
Bago ako mag-online class, ni-reply-an ko na ang ESP visor ko. Ni-like ko na rin ang mga forwarded messages nina Papang at Ms Krizzy.

Past 1:30, nakipagmiting ako sa mga LAS writers at ESP visor namin. Panay ang banggit niya sa akin. Defensive din siya na huwag daw magalit sa kaniya kung pinili ako. Maganda raw kasi ang modules ko.

Maghapon akong nagsulat, nag-sound trip nagtsek ng modules, at nagpahinga. Gabi na ako nag-biking.



Marso 10, 2021
Maaga rin akong nagising dahil maagang bumangon si Emily. Umalis siya bandang 5:30. Nakatulog uli ako hanggang 6:30.

After ng online class, natulog uli ako. Sinabayan ko si Zillion. Past 9:30 na kami nag-almusal.

Nagtsek ako ng modules halos buong araw. Kung wala nga lang meeting tungkol sa ESP Learning Activity Sheets, baka mas marami akong natapos.

Sa meeting, pinuri ako ng ESP visor ko. Na-mention din ako ni Ma'am Mina. Feeling ko, bida ako. Nakakataba rin naman ng puso. Kay sarap talagang maging writer.

Past 3:45 na natapos ang meeting. Hindi pa naman ako makakapag-start dahil wala pa ang mga template at forms.

Past 8:30 na dumating si Emily. Tapos n kaming mag-dinner.

Nakipagmiting pa ako with my grade level at with Sir Erwin, bago ako nakapag-biking. Hanggang past 10 lang ako sa labas.



Marso 11, 2021
After ng online class, na-bad trip ako sa boss namin kasi naghahanap ng program para sa virtual retirement tribute. Naiinis ako kasi hindi nagpasa ang iba ng video greetings.Wala rin naman kasing suporta mula sa kaniya at sa iba.

Past 10, umattend ako sa GAD webinar. Pagkatapos niyon, tinawag ako para magsalita. Hayun, sinabi kong postponed. Ipinaliwanag ko ang mga dahilan. Hinikayat ko silang magpasa dahil event naming lahat iyon. Kahit paano, gumaan ang loob ko.

Sinubukan kong umidlip after lunch, pero dahil sa sobrang init, hindi ako nakatulog.

Wala pang 4, umalis ako upang mag-biking. Na-enjoy ko uli ang sariwang hangin at magagandang views. Past six, nakauwi na ako. Nagdilig agad ako pagdating ko.



Marso 12, 2021
Pagkatapos ng online class, nagbanlaw ako ng mga winashing ni Emily.

Sunod, hinarap ko ang paggawa ng video presentation. Hindi pa nagpasa lahat kaya hindi ko pa na-fonalize.

Siyempre, umidlip din ako. Maganda ang panahon-- malamig-lamig, kaya nakatulog yata ako.

Gabi, gumawa ako ng vlog.

Tahimik pa rin ako. Magdadalawang linggo na. Choice ko lang. Hindi pa kasi ako maka-get over sa away namin ni Emily. Gusto ko siyang matuto. Andami niyang dapat ma-realize. Ayaw ko namang sabihin pa sa kanya isa-isa. Alam na niya iyon. Basta ako, less talk para less mistake.



Marso 13, 2021
Ayaw ko sanang pahiramin si Emily ng pamasahe para makapunta siya sa FVP Office, kaya lang nakonsensiya ako. Sana maging lesson na lang sa kanya ang magtira ng pera. Hindi iyong puro labas at padala sa magulang at anak. Ako na ngang lahat ang gumagastos, ako pa ang uutangan. Anong klaseng business iyan kung hindi man nakakapagpasok ng pera. Puro labas. Mabuti sana kung okay ang trato sa akin. Minsan masama pa ako at nagkukulang pa ako. I can't help but to self-pity.

Tahimik ang bahay maghapon dahil wala siya. Hinayaan ko lang si Ion na gawin ang gusto. Inutusan ko ring bumili ng ilulutong ulam. Areglado ng pagkain namin. Nakapaglinis pa ako sa sala at kusina. At siyempre, nakapag-check ng modules.

Hapon at gabi, sinige ko pa ang pagsusulat. Kaya, nakapag-post ako ng update sa wattpad. 

Ngayon lang ako walang gala. Tahimik si Sir Hermie. Ramdam niya siguro na nagtatampo ako sa kanya. 



Marso 14, 2021
Nag-check ako ng modules habang nagkakape. Gusto ko nang matapos ang week 7 ng Quarter 1. Nakakasawa na. Pero nang napagod ako, nag-gardening ako. Pinunasan ko ang mga dahon ng mga halaman ko. May mga marka kasi ng alikabok o natuyong tubig. Naiinis akong tingnan. Bakit ang mga halaman sa online selling, ang gaganda at ang kikintab? Gusto kong malaman ang sikreto nila.

Past 3, nag-biking ako. Marami akong napuntahan. May nadiskubre na naman akong lusutan. Past 6 na ako nakauwi.

Past 9 to 11, nag-biking uli ako around SPV. 



Marso 15, 2021
After ng online class ko, natulog uli ako. Past nine na ako bumangon. Then, nag-gardening ko kasi may bumili ng  halaman. Nag-order din siya ng Chinese bamboo. So, kinailangan kong mag-propagate. Blessing in disguise din pala iyon kasi nadiskubre ko ang dahilan ng paninilaw ng mga dahon niyon. Puro ugat na pala ang laman ng plastic bag. Hindi ko kasi tinanggal. Basta ko na lang inilagay sa timba. Mabuti na lang!

Then, nag-tsek ako ng modules. Nakinig din ako sa national InSET.

Four PM, nakipagmiting ako sa LAS Team. Naunawaan ko na ang gagawin ko. 

Dumating nga pala si Kuya Emer bandang tanghali at umuwi rin habang natutulog ako. 



March 16, 2021
Hindi ako nakapag-gardening ngayong araw dahil masama ang panahon. Umuulan-ulan. Sa halip, pagkatapos ng online class, nag-tsek ako ng modules at nakinig sa speaker ng national InSET. Nagkainteres ako sa topic nila. Natuto akong mag-video editing gamit ang Filmora.

Sa PM session ng webinar, hindi na ako nanood. Naka-play lang, pero natutulog ako. Nakakaantok kasi. 

Gabi, gumawa naman ako ng Learning Activity Sheets sa ESP6. Nakatapos ako ng isang pahina. Isa na lang ang tatapusin ko.



Marso 17, 2021
Ikatlong araw na ng InSET. Nakinig ako sa lecture tungkol sa Adobe Photoshop. Maganda sana kaya lang, wala naman akong apps. Ayaw ko naman ng trial lang. 

Ngayong araw ay nakapag-gardening ako at nakapag-update sa wattpad. Siyempre, nakapag-biking ako, mula alas-dos hanggang 4:30. May kasama na akong mag-bike. Nakilala ko sa SPV Dahil sa pagba-bike ko tuwing gabi. Day off niya kanina kaya nakasama siya sa akin. Birthday niya rin kahapon kaya binigyan niya ako ng pansit at cake. Sana makasama uli siya next week. 

Dumating pala si Kuya Emer kaninang umaga. Siya na naman ang nagluto ng lunch. Saka lang ako nakakatukim ng lutong bahay kapag dumarating siya. Ang sipag kasi ng wifey ko. Nalaba siya kanina. Nag-deliver. Nagbenta ng FVP. 



Marso 18, 2021
After class, gumawa ako ng report na kailangan ng SBM. Hindi ko na nga napokusan ang InSET. Kaya lang, uminit ang ulo bandang hapon dahil may template daw. Nai-upload ko na ang report, saka nagbago. Inis na inis ako. Gusto kong manapak ng boss. Gayunpaman, binago ko pa rin. 

Sa sobrang init, sa sala ako umidlip. Ang kasi, maingay. Si Zillion, gising na gising, kaya hindi ako makatulog. Uminit lalao ang utak ko, kaya ilang beses kong natarayan si Emily.

Hindi ko talaga magawang magpaka-sweet. May problema ako. May problema kami. Kailangan ko ng break. Kailangan kong mapag-isa para ma-miss ko siya. Hindi na healthy ang pakikisama ko sa kanya. Alam kong nasasaktan ko na siya, pero sa ngayon, wala pa akonh magagawa. Nai-stress ako. Dahil dito, nadadamay siya. Sana, maunawaan na lang niya ako. 




Marso 19, 2021
Thanks, God, it's Friday! Medyo gumaan ang pakiramdam ko after ng online class. Pero, hindi pa agad iyon nawala dahil may meeting pa kami with the principal. Nanermon na naman siya after ng virtual tribute kay Sir Vic.

Gayunpaman, tagumpay ang virtual tribute. Napaiyak namin si Sir Vic. Maayos namang nai-play ang video presentation.

Nagpaluto si Sir Hermie ng meatless sisig. Dumating siya bandang alas-4 kaya maaga kaming nagkantahan at nag-inuman. Past 9:30 siya umuwi. Ayaw niyang maabutan ng curfew.



Marso 20, 2021
Masakit ang ulo ko paggising ko, kaya hindi ako umaasang matutuloy ang lakad namin ni Kuya Natz. Gayunpaman, naghanda ako. Naligo na ako nang maaga. Before 8, sinundo na niya ako.

Sa Pantihan Falls sa Maragondon kami unang pumunta. Ang ganda ng lugar. Hindi kami naligo sa falls, kundi sa irrigation.. Pinaliliguan din talaga iyon. Na-enjoy ko ang bonding-kuwentuhan namin ni Kuya Natz. Siyempre, nakapag-picture-picture ako sa ilog at rock formation. Nakakuha rin ako ng suiseki stone.

Then, past 2, pumunta kami sa Magallanes. Doon kami ng late lunch. Naghalo-halo rin kami. After niyon, dinala niya ako sa Buhay Forest. Ang ganda rin ng view sa taas niyon. Na-enjoy ko kasi mabilis lang kami roon. 

Ang suwerte ko kasi isinama niya ako sa mga iyon. Bagong experiences na naman. 

Past 5 na niya ako naihatid sa bahay. After pahinga, naligo ako. Then, pumunta naman ako kina Sir Hermie. May part 2 ang inuman at kantahan namin. Past 8 na ako nakarating sa kanila. 



Marso 21, 2021
Past 12 am na kami natulog. Mabuti may bagong sofa na sina Sir Hermie kaya doon nila ako pinatulog. Past 5, gising na ako. Halos hindi namam ako nakatulog. Namahay ako.

Past 7, hinatid na ako ni Sir Hermie. Umalis si Emily, kaya kinailangan kong umuwi nang maaga.

Pagkatapos kong mapaalmusal si Zillion, natulog ako. Kahit paano, nakaidlip ako. Gayundin noong hapon. Nahiga lang ako nang nahiga maghapon.

Past 8:30 na dumating sina Emily at Kuya Emer. Nakapag-dinner na kami ni Zillion. 



Marso  22, 2021
Past 8:30, bumiyahe ako patungong Rosario upang mag-withdraw at mag-groecery. Kahit paano, natatakot ako sa lockdown issue kaya kailangan kong mag-panic buying nang kaunti. Past 10:30, nakauwi na ako. 

Ngayong araw, marami akong nagawa. Hindi nga ang ako tumulong sa paglalaba ni Emily. Hindi ko rin siya pinagsabihan kahit naiinis ako. Hindi matapos-tapos ng paglaba niya. Mas marami ang pahinga at ibang gawain. Bukas maglalaba pa rin siya. Ako, isang araw lang na paglalaba. Kinabukasan, tuyo na. 

Haist! Kaya hindi ko na siya kinikibo. Ayaw ko nang magsalita ng masasakit na salita. Okay na sa akin ang pananahimilk.

Hindi ko lang nagawa ang plano kong pagre-redesign ng garden ko. Naha-hassle-lan kasi ako. May mga bike na nakakaabala sa garden. Hindi ko alam kung paano ko sisimulan. Gusto ko nga sanang magpatulong kay Sir Hermie, kaso nahihiya ako. 



Marso 23, 2021
Pagkatapos ng klase, maghapon akong nasa kuwarto. Nag-socmed at nag-sound trip. Kahit gabi, habang nagpapaantok, ganoon pa rin ang ginawa ko. Siyempre, nakipag-meeting ako at nagtsek ng modules. 

Sa ngayon, tahimik pa rin ako. Hindi ko pa rin magawang bumalik sa dating masiyahing ama at asawa. Marami pa rin kasing rason kung bakit ako dapat manahimik.  



Marso 24, 2021
Pagkatapos ng online class, nagtsek ako ng modules. Natutuwa ako kasi kakaunti na lang ang Q1.  Pero, sayang lang kasi wala akong hawak na Q2. Mababakante ang isanf linggo. 

Natapos ko ang LAS sa ESP kaninang umaga. Kaya nang nag-chat ang supervisor, nakapagpasa ako. Approved naman yata kasi hinihingian na lang ako forms, like originality form.

Nagsulat din ako ng update sa wattpad. Nakapag-post ako ng isang chapter ng nobela ko bandang hapon, bago ako nagdilig ng mga halaman.

Sobrang init na ng panahon, hindi na ako makatulog sa hapon. Lagi pa naman akong puyat sa gabi. Sana umulan naman...



Marso 25, 2021
Pagkatapos ng klase, gumawa ako ng vlog. Okay na sana ang mood ko kaya lang biglang nasira dahil nagpabaya na naman si Emily sa lunch namin. Past 12:30 na, wala pang ulam. Ang sumatutal, nagbukas na lang ng tuna in can. Sinermonan ko siya. Panay kasi ang First Vita Plus. Halos umaga hanggang gabi na lang. Araw-araw. Napapabayaan na ang mga routines. 

Nasira talaga ang mood ko! Mabuti na lang natapos ko ang vlog. Maayos naman kahit paano. 

Past 3:30 hamggang 4:40, may faculty meeting kami. Wala akong naunawaan, maliban sa Early Registration. Hindi ko rin maunawaan kung bakit napakaaga pa para mag-enroll. 

Past 5, nag-karaoke ako. Tinanggal nito ang bad mood ko. Sinulit ko ang oras bago at pagkatapos kumain.



Marso 26, 2021
After class, tinapos ko na ang pagtsek ng modules. Wala na akong tsetsekan. Sayang! Sana nakakuha man lang ako sa school bago nag-lockdown.

Pagkatapos, nagsulat ako ng isang chapter ng nobela ko sa wattpad. Hapon ko na iyon natapos. 



Marso 27, 2021
Past 8 na ako nagising. Ang sarap matulog!

After breakfast, nag-biking ako. Napunta ako sa bahay ni Noel. Day off niya. nagkuwentuhan kami. Past 10:30, umuwi na ako. Nag-ayos ako sa garden para kapag nakabili na kami ng inflatable pool ay may mapupuwestuhan iyon.

Medyo nagawa ko namang palawakin ang space, pero hindi ko natapos kasi mainit na. Hapon ko na na-finalize. 

After kong magdilig, nagkaraoke ko. medyo nababanat na ang vocal cords ko, kaya parang may improvement na ang tono ko. Marami-rami na rin akong kantang nakamamaster. 



Marso 28, 2021
Late na ako bumangon para makabawi ako sa ilang araw na maagang paggising. 

After breakfast, sinukat ko ang bakanteng espasyo sa garden upang matantiya ko ang bibilhin kong inflatable pool. Then. umorder na ako sa Lazada. Malaki na ang binili ko. Family size talaga. Sana quality naman ang i-deliver sa akin.

Umidlip ako after maligo, kaya lang, hindi naman ako nakatulog sa ingay ni Emily. May meeting siya with FVP uplines. Nakakaasar man. wala akong nagawa. Past 4:3 na ako umakyat para umidlip uli. Hindi naman aki nakaidlip. 

After mameryenda, nag-karaoke uli ako. Nakakaaliw! Nakakaadik. Kung puwede lang magdamag kumanta, gagawin ko. 

Tumambay uli ako sa garden hanggang past 10:30. Nakakainis lang ang mga lamok.


Marso 29, 2021
Past nine na akong bumangon kahit past 7 ako nagising. Nakakatamad kasi. Tutal wala namang online class, kaya okay lang.

Halos maghapon akong naglinis sa garden. Iniba ko ang ayos ng garden set. Nagbabawas ako ng mga paleta,  nakakapagpasikip kasi. Pero, nag-FB live muna ako habang nag-tritrim ng dahon ng mga bonsai trees ko.

Hindi ko natapos kaya may part 2 pa bukas. Sana dumating na rin ang inflatable pool bukas.




Marso 30, 2021
Itinuloy ko ang pag-aayos sa garden. Tanghali na nang natapos ko iyon. Past 2, dumating naman ang inflatable pool na inorder ko sa Lazada, kaya kahit nakaligo na ako, sinet-up ko pa rin, lalo na't mas excited si Zillion kaysa sa akin.

Alas-3, nagbababad na kami. Noon ko na-realize na masyadong malaki ang nabili ko. Kaya naman, kailangan ko pang mag-ayos sa garden. Magbawas ng mga paleta at magbawas ng mga halaman. 

Before 5, umahon na ako kasi nilalamig na ako. Nakakaantok din pagkatapos magbabad. Kaya lang, hindi naman ako nakatulog dahil sa sobrang init sa kuwarto. 

After dinner, nagsulat ako. Hindi ako nakatapos ng isang chapter kasi nanood muna ako ng series sa Youtube. Okay lang naman. At least mahaba-haba na rin ang naisulat ko bago ako huminto, bandang 9:20. 



Marso 31, 2021
Past 8, bumangon na ako kasi chinat ako ng ESP supervisor para i-check online ang LAS na ginawa ko. Nine AM daw ako papasahan ng Google Meet link.

Naghintay ako until 9:20. 

Okay naman ang validation. For documentation purposes lang naman. Gusto lang nilang sabihin na maganda ang gawa ko. Almost perfect dahil wala silang binago. Nagpicture lang talaga kami, kaya mabilis lang. 

Nag-gardening ako pagkatapos niyon. Inayos kong muli ang garden. Pinalawak ko pa para magkasya ang inflatable pool. Nagtanggal pa ako ng tatlo pang paleta, kaya lumuwag-luwag. 

Hindi ko nakatulog sa hapon dahil sa init at ingay ng mag-ina ko. Gusto kong magalit, pero hindi ko ginawa. Wala silang konsiderasyon sa natutulog. Umakyat ako kuwarto bandang past 4, pero di rin ako nakatulog. Nanood na lang ako sa youtube. 

Past 5:30 na ako nagmeryenda. 

Past 7:30, dumating si Kuya Emer.


No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...