Followers

Tuesday, March 30, 2021

Pagmamahal sa Diyos

Ang pagmamahal sa Diyos ay hindi lamang sa salita. Kailangan itong ipakita sa gawa. 

Maraming paraan upang maipamalas ito. Ang pagsunod sa sampung utos ng Diyos ay isang paraan ng pagmamahal sa Kaniya. Hindi rin sapat ang pagsunod sa mga utos na ito. Dahil mahirap para sa atin ang masunod o mamemorya man lang ang mga ito, ang pagmamahal na lamang sa kapwa ang ating unahin. 

Ang pagmamahal sa kapwa gaya ng pagmamahal natin sa ating sarili ay ikinalulugod ng Diyos. Kapag mahal natin ang ating kapwa, mahal din natin ang Diyos. Ang lahat ng mabubuting gawain ng tao ay nag-uugat mula sa pagmamahal sa kapwa at Diyos. Kung hindi natin mahal ang ating Diyos, hindi tayo magiging makabayan, makatao, at makakalikasan. Bakit may krimen, korupsyon, giyera, at iba pang kaguluhan? 

Bakit walang kapayapaan, pagkakaisa, kalinisan, at kaunlaran? Isa lang ang sagot sa mga iyan—dahil walang pagmamahal sa kapwa at hindi tunay na nagmamahal sa Diyos. 

Kaya, mahalin natin ang ating kapwa upang maisakilos natin ang pagmamahal sa Diyos.

No comments:

Post a Comment

Ang Pinakamasamang Kuya

  Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...