Followers

Friday, December 31, 2021

Ang Aking Journal -- Disyembre 2021

Disyembre 1, 2021
Maaga pa rin akong nagising, kahit kulang ako sa tulog. Ang init kasi kagabi. Kahit si Emily, nahirapan ding matulog nang maaga at mahimbing.

Sinimulan ko kaagad ang paggawa ng digital illustrations ng 'Palaging Panalo si Paolo sa mga Laro.' Nanood din ako ng storytelling ni Ma'am Joann bilang suporta.

Halos maghapon kong ginawa ang illustrations, pero hindi pa rin tapos. Hindi ito dahil sa online class at iba pang school work, kundi dahil madetalye ang mga actions ng lead character. Okay lang naman. Nakaka-enjoy nga e.

Nalalapit na ang pagdalo ko sa kasal nina Ma'am Nhanie and her fiance. Wala pa akong isusuot. 



Disyembre 2, 2021
Naggising ko, nag-open agad ako ng FB ko. Bumungad sa akin ang post ng Lampara. may free writeshop sila. Agad akong nagpa-register. Sinend ko rin kay Ma'am Joann at Ma'am Lea. Nagka-chat kami ni Ma'am Joann kasi sabi ko, nasa biyahe kami habang may workshop. Nalaman mo tuloy na postponed ang kasal ni Ma'am Nhanie kasi may Covid ang groom nito. Nalungkot ako, pero blessing naman sa akin kasi wala pa akong isusuot. Sana lang, makasama ako kapag natuloy na. Aalis pa naman si Emily.

Hinarap ko kaagad ng magpagawa ng illustrations. Nang napagod ang mata ko, naglaba naman ako.

Dahil wala namang pasok, nagawa ko ang mga gusto ko. Nanood ng movie. Natulog. At tinapos ang illustrations. Nine-thirty ng gabi, tapos ko na ring lagyan ng audio. Bukas ko na ia-upload sa YT ko.

Bukas, nasa school ako. Kukunin na rin namin nina Ma'am Joann at Ma'am Lea sa SDO-LRMDS ang certificates at token namin. 



Disyembre 3, 2021
Hindi ako nakapag-storytell kasi walang nag-accept sa akin sa Google Meet link. Napag-alaman naming walang teachers at pupils doon. Kaya, nagpaalam ako kay Ma'am Jackie na bibiyahe na ako. 

Nasa PITX na ako nang nakiusap ako kay Ma'am Joann na saluhin niya ang storytelling ko kasi pumasok na ang mga Grade 1. Mabuti, game at ready siya.

Nag-late breakfast muna ako sa Chowking bago pumunta sa school. Marami nang tao roon. Magulo. Hindi naman agad ako nagsimula. Nakipagkuwentuhan muna ako. 

Nakapagbawas ako ng mga gamit. Andami kong itinapon. Nakakapanghinayang. 

Hindi ako nakalipat ng room, kasi hindi ko natapos. Pagkatapos kasi ng lunch, nagkuwentuhan kaming Grade 4 teachers. Then, ice cream day pa kaya nakigulo ako sa mga ka-Tupa. 

Past 3, pumunta kami ni Ma'am Joann sa SDO-LRC para kunin ang certificates at tokens namin. Andami! Nakakatuwa! Worth it ang hirap namin.

Bumalik ako sa school bandang past 4. Nawala na ang mga kalat kong iba. 

Then, nakipagkuwentuhan ako kay Ma'am Vi bago ako bumaba sa mga ka-Tupa ko. 

Nakisabay ako sa pag-uwi. 

Mas masakit ang ulo ko nang dumating ako sa bahay. Kahit uminom na ako ng First Vita  Plus, hindi pa rin nawala. Itinulog ko na lang. 




Disyembre 4, 2021
Umalis si Emily, kaya tahimik kami ni Zillion maghapon. Nag-gardening ako bago ako nanood ako ng TaRL training. Then, gumawa ako ng illustrations ng Bubot Panot.

Hapon, bandang 2-4pm, nanonood ako sa FB Live ng writing webinar na sponsored ng Lampara Books. Andami ko na namang takeaways! Sulit!  Past 5, TaRL Day 10 naman ang pinanood ko. Sa wakas, natapos din. Hindi ako interesadong ipagpatuloy iyon. Akala nila, may sahod kaming extra. Kung makapag-demand ng rssulta, wagas!



Disyembre 6, 2021
Hindi ko alam kung excited ako or what, basta hindi na ako nakatulog nang nagising ako bandang 1:45. Sa halip na mainis, bumangon ako bandang 3. Nagkape na lang ako. Kaya past 4, nasa biyahe na ako. Past 6, nasa school na ako. Ako yata ang pinakaunang dumating doon. Agad kong sinimulan ang paglipat sa room ni Bes. 

Maraming gamit na naman akong itinapon. Sayang, pero kailangan kong mag-let go. Lesson learned. Hindi na ako magtatabi nang magtatabi ng  mga abubot, kahit learning materials pa. Walang permanente sa school. Laht inililipat.

Muntikan na akong hindi makapag-storytell dahil mahina ang internet connection. Pero, naging matagumpay pa rin naman. Ayaw ko lang ang story. Mukhang hindi masyadong interested ang mga Grade 1. Pagiging handa kasi sa bagyo ang paksa. Gayunpaman, nakasasagot naman sila.

Naging maayos naman ang bigayan ng modules. Kaya lang, kakaunti lang uli ang kumuha. Kakainis! 

Ang maganda pa, nakapag-check ako ng mga modules. Nakapagkuwentuhan din kami.

Past 3, umuwi na kami. Sinabay na ako ni Ma'am Joan sa sasakyan nila. Binaba nila ako sa Gahak.

Antok na antok ako sa biyahe, pero nang dumating ako, hindi na. Nagkape na lang ako. Pagkatapos, gumawa ng Google Form ng lesson. Gumawa rin ako ng IDLAR.

Pagkatapos niyok, nadiskubre ko sa Bilibili apps na may Money Heist Season 5. Pinanood ko iyon. Hanggang 10:45. Ang galing! Kaso, patay na si Tokyo. Pero,.may Volume 2. Aabangan ko.



Disyembre 7, 2021
Pagkatapos ng storytelling, nagdilig ako ng mga halaman. Isinunod ko na ang paggawa ng illustrations. 

Naging maayos naman ang online class namin. Nakakaantok lang kapag vacant period ko. Gustuhin ko mang umidlip, hindi puwede. Isa pa, andaming parents na nag-chachat. 

After class, sinubukan kong umidlip. Kahit paano, nakatulog naman ako. 

After meryenda, gumawa ako ng IDLAR at 
learning material sa Google Form.

Past 6:30, nanood ako ng 'Alice in Borderland Ep. 6. Nang matapos, digital illustration naman. Salitan lang para hindi ako maumay. Pareho ko namang nae-enjoy.



Disyembre 8, 2021
Mainit ang ulo ko nang magising ako kasi may estudyanteng makulit at walang common sense. Kaunting problema, mag-chachat. Nareplyan ko tuloy nang pabalang. Saka, nagsermon ako sa mga parents na hindi nagpapasa ng modules. 

Dahil walang pasok, naituloy ko ang paggawa ng digital illustration. Isiningit ko rin ang panonood ng movie.

Pagkatapos kong magdilig, tinapos ko na ang illustrations. 

Nalungkot at nanghinayang ako sa roundtrip ticket ni Emily. Hindi siya makakauwi sa Aklan. Nagkaproblema sa health requirements. Hindi siya nakapagpasa agad. Haist! Sayang ang pera ko. 




Disyembre 9, 2021
Pagkatapos ng storytelling ko, nanood pa ako ng storytelling nina Ma'am Joann at isa pa naming kasamahan. Then, nadiskubre kong may manuscript submission pala sa Lampara Books na deadline na sa December 31. Agad ko itong ibinalita kay Ma'am Joann. Sasali rin siya.

Bago mag-10:30, nakapag-submit na ako ng entry. Ang kuwentong "Palaging Panalo si Paolo sa mga Laro" ang ipinasa ko. Sana makalusot. Sana ito na ang big break na hinihintay ko. 

Nanood ako ng La Casa de Papel habang naghihintay ng time ng online class.

Naging maayos naman ang online class namin. Medyo slow na naman ang Pinya.

After class, umidlip ako. Mabilis lang. Nanood uli ako ng series paggising ko. Then, at 5 pm, nag-practice kaming Grade 4 teachers ng Christmas carol as Christmas presentation sa December 17. Nakakatuwa ang kantahan namin. 

Gabi, nag-record ako ng audio para sa 'Bubot Panot.' Hindi ko natapos kasi ang ingay ng mga aso. Nanood na lang ako ng finale ng Lasa Casa de Papel. Sobrang ganda! Worth it. Kahit walang sub ang ibang episode, pinanood ko talaga.



Disyembre 10, 2021
Pagkatapos ng storytelling, naglaba ako. Offline ngayon ang klase kaya hindi ako masyadong ngarag. Nainis lang ako sa e-camp ng girl scouts. Hindi naman ako involved, pero okupado pa ako.

Hapon, ginawa ko ang IWAR ko. Gabi, nagsulat naman ako ng kuwento. Natapos ko naman iyon bago ako nanood ng movie. Fulfilled ako ngayong araw. 




Disyembre 11, 2021
Maaga akong nagising para paghandaan ang pagpunta sa binyag ng anak ni Sir Archie, na si Narich Will. Isa ako sa mga ninong.

Nagkasabay-sabay kaming nakarating sa reception venue ng mga kaTupa ko. Balak naming tumulong sa pagluluto o paghahanda, pero inihatid kami ng kapatid ni Sir Archie sa simbahan. Hayun, nakaabot pa kami sa misa. Nakasama rin kami sa photo op.

Ang saya-saya ng kainan at inuman namin. First time naming nakasalamuha si Ma'am Isabel at ang kaniyang fiance. Andami naming tawa. Naroon din sina Sir Vic at Sir Rey. Sayang, wala sina Sir Erwin at Ma'am Mel. 

Nalasing ako sa Red Horse at Alfonso. Mabuti na lang, nakontrol ko. Nagyaya na rin si Sir Joel at nagpresentang ibaba ako sa PasCam. Mabuti na lang dahil nakauwi ako nang maaga. Kailangan kasing mai-print ang mga papeles ni Emily. Bibiyahe siya bukas. Matutuloy rin sa wakas.



Disyembre 12, 2021
Nauna akong magising kay Emily, pero hindi agad ako bumangon. Hinayaan ko muna siyang maghanda sa pag-alis niya. Before 4, bumaba na ako. Past 4, naihatid ko na siya sa tricycle terminal. 

Natulog uli ako pagdating ko. Past 7:30 na ako nagising. Naghanda ako ng almusal. Nagdilig. Naglinis nang kaunti sa kuwarto, hagdan, at sala. 

At para hindi malungkot si Ion, pinag-record ko siya ng audio ng isang storytelling. Natapos naman agad niya. Hindi rin siya nabagot maghapon kasi dumating si Kuya Emer.

After lunch, umidlip ako. Hanggang past 3:30  ako natulog. Not bad. Nakabawi sa puyat. 

So far, okay naman kami ni Ion dito. Tahimik ang buong bahay maghapon. Nakapag-edit ako ng story na sinulat ko kahapon. Nadugtungan ko pa isang chapter ng nobela ko sa wattpad. 




Disyembre 13, 2021
Nagluto ako ng almusal para makapag-almusal nang maayos at sagana si Zillion. Kaya lang, disappointed ako kasi kakaunti lang ang kinain niya. Haist! Siya ang batang hindi mahilig kumain.

Naging maayos naman ang observation sa akin para sa COT. Recorded lang. Parang wala lang. Natural na natural. 

Sinikap kong umidlip after class pero hindi naman ako nakatulog. Nanood na lang ako ng movie at gumawa ng mga schoolwork. Gumawa ako ng learning material sa Google Form.

Gabi, nag-judge ako ng mga tula ng Kindergarten sa GES. Pinakausapan ako ni Ma'am Joann. Nagawa ko naman agad.

After dinner, nanood ako ng movie. Pampaantok. 



Disyembre 14, 2021
Gustuhin ko mang magbabad sa higaan, hindi puwede. Hindi rin naman ako nakatulog uli pagkatapos kong maalimpungatan sa aking panaginip.

Pagkatapos mag-almusal, nagdilig ako. Nakita ako ng tsismoso kong kapitbahay habang nagdidilig nang nakahubad-baro. Nakamotor siya. Pinadiretso niya pa talaga niya sa may malapit sa akin. Aguy!

Makaraos na naman ako sa online class. Ang hirap ipaliwanag ng topic. Paghuhula ang layunin. Sa totoo lang, wala namang sabor. Sinisikap ko ang maging interesting ang talakayan. Haist! 

After online class, hindi naman ako nakaidlip. Gumawa na lang ako ng learning materials para bukas at sa Huwebes. 

Bukas, pupunta ako sa school para magbigay ng modules.



Disyembre 15, 2021
Kulang ako sa tulog kasi na nang nagising ako bandang 1:30 am, hindi agad ako nakatulog muli. Uminom ako ng First Vita Plus, kaya inantok ako. At sa halip na maaga akong aalis, mga past 7 na ako nakabiyahe.

Before 9, nasa school na ako. Nandoon na sina Sir Joel at Ma'am Joan. Inihanda ko ang gifts ko kina Trisha, Aisha, at Maeven. Inaanak ko si Trisha. Storytellers naman ang dalawa.

Walang online class, kaya nag-check na lamang kami ng submitted modules.

Nagkayayaan na magkaroon ng Christmas party kina Ma'am Joan, kaya before 5, nandoon na kami. Nakasama namin si Ma'am Madz.

Inilibot kami ni Ma'am Joan sa mansion niya. Grabe! Limang palapag. Ang ganda! Ang sarap maglagay ng mga halaman.

Masaya kaming nagkainan, nagkantahan, at nag-inuman. Namorblema lang ako kasi hindi kami pinayagang umuwi ni Mr. Remalante. Dapat hanggang 9 pm lang kami. Pinaiwan kaming boys para maka-bonding niya. Napaka-cool naman kasi kaya hindi namin pinahindian. Past 2 na kami natapos.

Hinatid ako nina Sir Joel at Sir Hermie. Tulog na si Ion pagdating namin. Past 3 na kasi iyon.



Disyembre 16, 2021
Past 8 na ako nagising at bumangon. Kahit paano ay nakatulog ako ng ilang oras. Wala akong hang-over.

Bago mag-almusal, nagdilig muna ako.

Ang bilis ng oras! Naramdaman ko na lang na malapit nang mag-12. Mabuti na lang asynchronous kami ngayon. 

Ni-meet ko ang pupils ko nang saglit. Ipinaliwanag ko sa kanila ang dahilan at ang mga gagawin. Hinikayat ko rin silang huwag magpapaputok at mag-ingat sa paputok.

After lunch, umidlip ako. 

Past 2:30, umalis ako para mag-withdraw at mamili ng panregalo sa mga kaTupa ko. Merry-making namin bukas.

Past 5 na ako nakauwi. Andami kasing tao sa    mall. Traffic pa. 

Habang nagkakape, nagbalot ako ng mga regalo. Kung marami lang sanang budget, marami sanang ibabalot. Kaso, andaming gastos ngayong taon. Napunta sa mga kapatid ko ang malaking bahagi ng pera ko. Okay lang naman. Kikitain ko pa naman siguro iyon.



Disyembre 17, 2021
Maaga akong nagising para maghanda ng almusal. Isa pa, may GAD seminar ako bandang 8 bago umalis patungo kina Ms. Krizzy. 

After ng seminar, bumiyahe na ako patungong Pasay. Sa FX na ako nanood ng Christmas presentations ng bawat grade level. 

Third place ang Christmas carol namin. As usual and as expected, ang favorite grade level ang nanalo. But, sabi ng karamihan, kami ang mas magaling. Okay lang naman. May prize naman kaming P1k. Two hundred pesos each kami. Not bad. Katuwaan lang naman 'yon. 

Matagal akong naghintay sa mga kasama namin. Mga ala-una na yata dumating sina Papang at Cinderalla. Kumain na agad kami. Saka naman dumating sina Puts at Melay. 

Ang saya namin. Pero malungkot lang kasi hindi namin nakasalo sina Belinda at Gracia. Dumating sila roon nang nakaalis na kami. Sayang! Hindi rin nila na-enjoy ang exchange gift namin. Natuwa sila sa inihanda kong raffle. Squid game style. 

Past 8 na ako nakauwi. Sobrang traffic kasi. Maaga pa sana kaming umalis kina Ms. Krizzy. Nakakain na tuloy si Ion. Hindi na niya nakain ang take home ko.



Disyembre 18, 2021
Naglaba ako pagkatapos mag-almusal. Past 11:30 na ako natapos. Medyo napagod ako kaya hindi na nakapagluto. Mabuti, nagkusa nang mag-order ng ulam si Ion. 

Alas-tres, umalis ako para mag-withdraw. Pumunta rin ako sa SM Rosario para maghanap ng plantsa na may scanner lang. 
Wala roon. Dati naman noong hindi ko kailangan, meron. Haist.

Past 5:30 na ako nakauwi. Naglakad kasi ako  from SM Rosario hanggang Umboy. Ang haba kasi ng trapik. 



Disyembre 19, 2021
Malakas ang ulan kagabi kaya naglinis na naman ako sa kusina pagkatapos mag-almusal. Then, inayos ko ang cabinet ko. Sa wakas, nagawa ko rin. Para akong nakahinga nang maluwag. Kaya naman, nanood ako ng movies maghapon. May pahinga rin-- luto, ligo, at idlip. 

Bukas, kailangan ko namang magsulat o kaya'y mag-vlog. Dapat araw-araw akong productive. Mabilis lang ang Christmas break. Kailangang sulitin.



Disyembre 20, 2021
Pagkatapos kong magsulat bilang update sa Wattpad novel, nag-gardening ako. Binungkal ko ang kamada ng mga pinagpatong-patong kong kahoy ng paleta dahil marami akong nakitang tainga-daga mushroom. Nakakita rin ako ng dalawang bubuwit, kaya binanlian ko ng mainit na tubig. 

Hindi ko natapps ang pag-aayos, kasi sumakit na ang likod ko. Okay lang naman dahil marami pa namang araw.

Nag-movie marathon ako maghapon. Nakakaadik!



Disyembre 21, 2021
Naglinis ako sa sala, pagkatapos kong mag-almusal. Then, gumawa rin ako sa garden. Kahit paano ay may naiayos ako. Naisingit ko rin ang paglinis nang kaunti sa kuwarto ko bago ako nagpahinga.

Nakapagluto pa ako ng tainga ng daga mushroom sisig style. Ang sarap! Andaming kaning naubos ko. 

Maghapon uli akong nanood ng pelikula. Sa sala ako nag-stay. Mas maaliwalas na kasi. At mas mabango. 



Disyembre 22, 2021
Itinuloy ko ang pag-aayos sa garden. Pero hindi ko pa rin tinapos hindi dahil pagod na ako, kundi para may gagawin ako bukas. Ayaw ko naman kasi ng puro movie marathon. 

Nainis ako kay Ion kasi hindi yata nag-order ng ulam. Ala-una na, wala pa. Nagbukas na lang ako ng tuna. Pagkatapos kumain, pinagalitan ko siya kahit nasa magkabilang kuwarto kami.

Nawala ang inis ko nang nag-movie marathon ako.

Gabi, nag-chat si Epr. Pupunta raw sila rito sa 24. Kailangan kong maghanda ng Noche Buena at siyempre ng gifts.



Disyembre 23, 2021
Kahit napuyat ako kagabi dahil sa ingay ng mga bisita ng kapitbahay ko-- nag-iinuman kahit madaling araw na, bumangon pa rin ako nang maaga. 

Bago nag-almusal, nagpunas muna ako ng sahig sa sala at kusina. Amoy-daga kasi. Siguro, rumampa na naman ang mga bubuwit!

After mag-almusal, nagwalis ako sa labas ng bakod. Sa harap namin natatambak ang mga plastic at kung ano-ano pang basura. Kakainis! Wala talagang disiplina ang mga tao.

Past 8:30, bumiyahe ako patungong EPZA para mag-withdraw. Mabilis ko lang nagawa, kaya nakabili rin agad ako ng pangregalo kay Judilyn. Meron na si Epr. Cash na lang kay Heart.

Then, nag-grocery ako sa Puregold. Kailangan kong mamili at maghanda para sa mga bisita.

Past 10 na ako nakauwi.

Maghapon, movie marathon uli ako. Umidlip lang ako bandang 2:30 to 3:30. Nakakaadik talaga!



Disyembre 24, 2021
Nagdilig muna ako ng mga halaman, saka ako umalis para bumili ng mga prutas at iba pang kailangan sa Noche Buena.

Dumating si Kuya Emer mga past 12. Umalis din siya bandang past 3. Akala ko makiki-celebrate sa amin. Gumawa lang pala sila ni Ion ng buko salad. At kinuha niya lang ang First Vita Plus pay-in form at ang pera.

Past 8, dumating na sina Epr at Judy. Natagalan sila sa PITX dahil napakahaba raw ng pila.

Pagkatapos kumain, nag-inuman at nagkantahan na kami ni Epr. Isingit-singit ko naman ang pagluluto. Carbonara ang naluto ko sa halip na spaghetti kasi wala palang giniling o corned beef man lang. Nailuto ko na pala ang isang lata ng corned beef noong isang araw.

Before 2, tapos na namin ni Epr ang dalawang buti ng RH grande. Hindi na namin ininom ang ikatlo.


Disyembre 25, 2021
Hindi maayos ang tulog ko sa sofa. Gayunpaman, bumangon ako nang maaga para maghanda o mag-init ng mga pagkain.

Ang hina kumain ng mga bisita ko. Andami pa ring pagkain. Parang hindi naman nabawasan. Tapos, past 2:30, umalis na rin sila agad.

Nag-movie marathon ako pag-alis nila. Nakaidlip din ako. 

Gaya dati, marami na namang pagkain sa ref. Pangat na naman ang labas ng mga iyon. Di bale, ang mahalaga ay hindi masayang.




Disyembre 26, 2021
Pagkatapos kong mag-almusal, naglaba ako. Ayaw kong matambakan ng labahan. Dalawa na nga lang kami. Past 11:30 na ako natapos.

Maghapon, nanood lang ako sa Youtube. Hindi tuloy ako makaidlip. Nag-foodtrip din ako.

Gabi, dumating si Kuya Emer. Itinuloy ko ang panonood kahit aaandap-andap na ang mga mata ko.



Disyembre 27, 2021
Nag-init lang ako ng mga tira-tirang handa para sa almusal namin. Lunch na lang ang niluto ko-- tulingan na inadobo sa gata.

Bad trip ngayong araw ang Converge! Alas-tres pasado na bumalik anh internet connection. Sabagay, maganda rin iyon kasi nakapag-soundtrip ako. Natapos ko na rin ang unang book ng 'Diary of a Wimpy Kid.'

At pagkatapos ng meryenda, nag-movie marathon ako. Grabe, nakaka-hook!



Disyembre 28, 2021
Hindi lang pagmo-movie marathon ang ginawa ko maghapon. Mangusina ako. Naglinis sa sala. Nagtupi ng mga nilabhan. Umidlip din ako. Kaya ang sumatotal, happiness! Kay sarap nang walang stressors! Sana mas matagal pa ang Christmas break. Kaya lang, malapit nang mag-resume ang klase. Kailangang sulitin ko na ang mga nalalabing araw ng pahinga sa teaching job. More movies to watch!



Disyembre 29, 2021
Past nine, umalis ako para i-withdraw ang SRI. Pagbalik ko, nagdilig ako ng mga halaman. Then, nagluto ako ng nilagang baboy. Na-miss ko ang luto ko.

Dahil sa sobrang kabusugan, nakaidlip ako. Past 3, nagluto naman ako ang spaghetti. Food trip ngayong araw-- actually, halos araw-araw since Christmas break. Movie marathon din. 



Disyembre 30, 2021
After mag-almusal ng kanin, fried egg, at hotdog, nag-movie marathon na ako. Parang same pa rin ang nangyari kahapon o noong mga nakalipas na araw. 

Ang sarap talaga kapag may pahinga sa work!



Disyembre 31, 2021
Nagdilig muna ako ng mga halaman bago nag-almusal. Then, nanood na ako ng pelikula sa YT. Dahil na-hook ako, past 12 na yata iyon nang naisipang kong bumili ng ulam. Wala akong nabili, kaya dumiskarte na lang ako ng kung ano sa ref.

Maghapon akong nag-movie marathon. Sinasagad ko na bago mag-resume ang klase.

Past 6, lumabas ako para bumili ng pandagdag handa. Kahit dalawa lang kami, mabuti pa rin ang may makakain kami. Marami pang tirang pagkain noong Pasko, like maja, salad, and Graham's cake. Hindi na nga ako nagluto ng pasta. Alam kong mahihirapan lang kaming ubusin.

Habang naghihintay ng Media Noche, movie marathon uli. Hindi ako uminom at nag-karaoke. Wala ako sa mood. 

















Sunday, December 12, 2021

Ang mga Regalo ni Tito

Kapag malapit na ang Pasko, eksayted ang lahat kong pinsan sa mga regalo sa amin ni Tito. Ako naman ay hindi gaano. Hindi naman kasi ako ang paborito. Basta ako, lahat ng natatanggap kong regalo ay nagugustuhan ko. Ang magkakapatid na Carlo, Clara, at Charito ay hindi na mahintay ang Pasko. Gustong-gusto na nilang dumating si Tito. May kani-kaniya pa silang hiling na regalo. Minsan, dalawa o tatlo ang kanilang gusto. Ang pinsan ko namang si Yumiko, ay katulad ko. Hindi rin siya paborito ng tito ko. Pero, madalas naman siyang makatanggap ng magandang regalo. Ang bait talaga ng tito ko! At ang galing niyang pumili ng regalo. Alam na alam niya ang ibibigay sa akin at sa kapatid kong bunso. Noong nakaraang Pasko, nakatanggap kami ng damit na pangsundalo. Nahulaan ni Tito na gusto ko talagang maging sundalo. Sabi ni Mama, hindi lang daw kaming mga pamangkin ni Tito ang nireregaluhan nito. “Anak ba siya ni Santa Claus, Mama?” tanong ko. Natawa si Mama sa tanong ko. “Hindi, Roy-Roy. Maganda ang kaniyang trabaho.” “Paglaki ko, gusto ko ring magkaroon ng magandang trabaho.” “Sige. Basta magtapos ka rin ng pag-aaral at maging edukado.” “Opo! At magiging mabait ako sa kapwa ko kahit hindi Pasko.” Natuwa sa akin si Mama, kaya pinisil-pisil niya ang pisngi ko. “O, sige na, maligo na kayo ng kapatid mo. Pupunta na tayo sa lola niyo. Darating na ang tito niyo.” “Yehey! Masaya na naman kami ng mga pinsan ko.” Nang hapong iyon, eksayted ang lahat sa pagdating ni Tito. Tahimik lamang ako, habang nakikinig sa usapan ng mga pinsan ko. “Lola, sana relo ang matanggap ko,” sabi ni Carlo. “Aba, malay mo, relo nga ang regalo sa ‘yo ng Tito mo,” sagot ni Lolo Charo. “Ako po, gusto ng magandang baro,” sabi ni Clara. “Pansimba ko po.” “Sana makukulay na laso ang matanggap ko,” sabi naman ni Charito. “Ikaw, Yumiko?” tanong ni Lola Charo. “Kahit ano po, masaya na ako,” sagot ni Yumiko. Hindi na ako naghintay na tanungin ako ni Lolo Charo. “Ako rin po,” sabi ko. “Marunong po si Tito. Alam niya ang gusto ko.” “Meeeeerry Christmas!” masayang bati sa amin ni Tito. “Bumati kayo sa tito niyo,” utos sa amin ni Lola Charo. “Merry Christmas po, Tito!” sabay naming bati ni Yumiko. “Merry Christmas po.” Halatang walang kabuhay-buhay ang bati ng tatlo. “Kanina pa sila nag-aabang sa regalo,” sabi ni Lola Charo. “Ganoon ba? Sige, may sasabihin ako sa inyo,” simula ni Tito. Nahulaan ko agad ang sasabihin ni Tito. Nakita ko ring nalungkot bigla ang mga pinsan ko—lalo na sina Carlo, Clara, at Charito. Isang maliit na ecobag lang kasi ang lalagyan ng mga regalo ni Tito. “Maraming gastusin nitong taon, pero may mga regalo pa rin kayo mula kay Tito!” masayang sabi ni Tito. “At dahil mababait kayo.” Tuwang-tuwa ako, gayundin sina Lola Charo. Nakita ko ring ngumiti si Yumiko. “Huwag munang bubuksan,” sabi ni Tito habang inaabutan kami ng regalo. Napangiwi si Carlo nang makapa ang regalo. Nagsalubong ang mga kilay ni Clara habang hawak ang regalo. Humaba naman ang nguso ni Charito habang inaalog ang regalo. “Pagbilang ko ng tatlo, buksan na nang sabay-sabay ang regalo,” sabi ni Tito. “Sige po, Tito!” sagot ko. Mas lalo akong naging eksayted sa matatanggap ko. “Roy-Roy, ikaw na rin ang magbukas ng regalo ng kapatid mo.” “Opo, Tito.” “Isa… Dalawa. Tatlo!” Ang regalo muna ni Bunso ang binuksan ko. Tatlong sando ang regalo ni Tito para kay Bunso. “Ang gaganda ng disenyo sa sando ni Bunso! May daga, pusa, at aso.” “Ay, hindi relo,” komento ni Carlo. “Akala ko, baro.” Napangiwi si Clara sa natanggap na regalo. “Damit na naman! Akala ko, laso,” sabi naman ni Charito. Napansin kong biglang nalungkot si Tito. “Mabuti nga may regalo pa tayo,” sabi ko. “Tama si Roy-Roy,” sabi ni Lola Charo. “Magpasalamat kayo.” “Salamat po!” Halatang walang kabuhay-buhay ang tatlo. Pagkatapos naming magpasalamat ni Yumiko, tumango-tango lang si Tito. Saka umakyat na ito. Naawa ako kay Tito. Ang totoo, magaganda naman ang kaniyang mga regalo. Nabigo lang talaga sina Carlo, Clara, at Charito. Pero kami ng kapatid ko at ni Yumiko, sobrang gusto namin ang natanggap naming regalo. Noon lamang ako nakatanggap ng libro! At dahil eksayted ako, umakyat ako para basahin nang tahimik ang libro. Tama ako! Pinili ni Tito ang regalong libro dahil maganda ang mensahe nito. Magaling talagang pumili ng regalo si Tito! Taon-taon, nasosorpresa ako. Bababa na sana ako nang tawagin ako ni Tito. Agad akong lumapit, pero nahihiya ako at nakayuko. “Ano po, ‘yon, Tito?” “May ibibigay ako sa ‘yo.” “Po? Binigyan niyo na po ako.” “Hindi! Iba ito.” Napakamot na lang ako sa ulo ko habang hinihintay ang iaabot ni Tito. “Dahil masaya ka sa bawat natatanggap mong regalo, may pamasko pa ako sa ‘yo.” Kumuha siya ng pera sa pitaka at isinisik sa pulang sobre ang isanlibo. “Heto ang dagdag na regalo para sa pinakamabait na pamangkin ko!” “Salamat po, Tito!” maluha-luhang sabi ako. “Magpapabili pa ako kay Mama ng mga librong katulad nito.” “Mabuti iyan. Kaya nga hindi na laruan ang inireregalo ko sa inyo. Mas makabuluhang regalo ang libro.” “Tama ka po, Tito. Salamat po!” “Huwag mo nang ipakita sa mga pinsan mo.” Ginulo-gulo niya ang buhok ko. “Sige po.” Gusto kong yakapin si Tito, pero nahihiya ako. Isasama ko na lang siya sa panalangin ko. Pasasalamatan ko rin ang Diyos dahil may mabait akong tito. Hindi man ako ang kaniyang paborito, pero hindi siya sa akin nagtatampo. Kaya, kapag malapit na ang Pasko, eksayted kaming magpipinsan sa mga regalo sa amin ni Tito. Hindi man ako ang kaniyang paborito, pero alam kong magugustuhan ko ang kaniyang ireregalo.

Wednesday, December 8, 2021

Si Lolo Poy

“Meow! Meow! Meow!” tawag ni Lolo Poy sa dalawampu niyang alagang pusa. Naglapitan ang mga pusa ni Lolo Poy. Kakawag-kawag ang buntot na lumapit si Muning. Mabilis na lumukso patungo sa balikat niya si Katie. Sabay namang dumating ang puti at kahel na mga pusa na sina Puti at Kahel. Iika-ika na naglakad palapit sa kanya si Angelo. Mula sa puno ng mangga, lumukso ang apat-- sina Snow, Dagul, Molly, at Spottie. Mula sa cat litter, agad na tumakbo si Tiger. Mula sa kahon ng sapatos, lumabas ang magkakapatid na kuting na sina Lally, Lila, Lily, Lola, at Lulu. Umiinat-inat pang lumapit si Max. Patalon-talon namang lumapit si Jolly. Parang ramp model namang naglakad si Bella palapit. At mula sa kulungan, nakasimangot na lumabas ang pinakamalaki at pinakamabalahibo sa lahat—si Furr. Nag-animong mga sundalo ang lahat ng pusa ni Lolo Poy. Umupo ang mga ito nang tuwid sa harap ng kani-kanilang cat bowl. Habang tangan-tangan ang cat food, binilang ni Lolo Poy ang kaniyang pusa. “Isa. Dalawa. Tatlo. Apat. Lima. Anim. Pito. Walo. Siyam. Sampu. Labing-isa. Labindalawa. Labintatlo. Labing-apat. Labinlima. Labing-anim. Labimpito. Labingwalo. Labingsiyam… Kulang ng isa!” Luminga-linga siya sa paligid. “Sino ang wala? Muning. Katie. Puti. Kahel. Angelo. Snow. Dagul. Molly. Spottie. Tiger. Lally. Lila. Lily. Lola. Lulu. Max. Jolly. Bella. Furr.” Agad naman niyang nakita ang bakanteng cat bowl. “Si Ming-Ming, nawawala! Nasaan si Ming-Ming?” “Meow! Meow! Meow!” Sabay-sabay na humingi ng pagkain ang mga pusa, subalit walang umalis sa puwesto. “Ming-Ming! Ming-Ming! Ming-Ming?” Nagtataka si Lolo Poy kung bakit wala ang itim niyang pusa. Dati-rati, ito pa ang nauunang lumapit tuwing pakakainin niya ang mga alagang pusa. “Sandali lang, mga anak ko. Hahanapin natin si Ming-Ming, ha?” “Magandang araw po, Lolo Poy!” masayang bati ni Nonong. “Hello, mga pusa! Meow, Meow! Meow!” “Meow! Meow! Meow!” Sabay-sabay na bumati ang mga pusa, subalit walang umalis sa puwesto. “Ay, kasama mo pala si Ming-Ming,” tugon ng matanda. “Opo! Nakasalubong ko po siya na may kagat-kagat na isda.” “Ming-Ming, anong ginawa mo?” Kinuha ni Lolo Poy ang pusa mula kay Nonong. Pagkatapos, inamoy-amoy niya ang bibig ni Ming-Ming. “Hindi ba sinabi ko sa inyo na huwag na huwag kayong kakain ng pagkain ng iba?” “Meow!” sagot ni Ming-Ming at tumingin kay Lolo Poy, na parang nagsasabing hindi niya ninakaw ang isda. Malambing na hinimas-himas ni Lolo Poy ang ulo ni Ming-Ming. “Lolo Poy, tulungan ko na po kayong magpakain sa mga pusa ninyo,” alok ni Nonong. “At mamaya, tutulong din ako sa pagpapaligo sa kanila.” “Sige, Nonong, mabuti pa nga para lalo ka nilang maging paboritong kaibigan.” Nalagyan na nina Noong at Lolo Poy ng cat food ang bawat cat bowl nang dumating ang mga galit na galit na kapitbahay. “Lolo Poy, peste ‘yang mga pusa mo!” bungad na sigaw ni Aling Mitring. Gulat na gulat sina Lolo Poy at Nonong. Nagtatanong ang kanilang mga mata. “Magandang araw po, Lolo Poy!” bati ni Kapitan Cesar pagkatapos nitong patahimikin si Aling Mitring. “Marami pong reklamo ang idinulog sa akin tungkol sa mga alaga mong pusa.” “Po?” maang na tanong ni Lolo Poy. “Ano po ba ang problema sa mga pusa ko?” “O, ipaliwanag niyo na kay Lolo Poy ang nangyari,” sabi ng kapitan sa mga kapitbahay na sina Aling Mitring, Aling Marissa, Aling Marites, Aling Ningning, at Aling Susan. “Peste talaga ‘yang mga pusa mo! Ang ingay-ingay sa bubungan kapag gabi!” bunghalit ni Aling Mitring. “Oo nga. Ang baho pa ng dumi. Buti sana kung sa bahay mo tumatae, e, sa amin,” mahinahong reklamo ni Aling Marissa. “Kinalmot ng pusa mo ang anak ko. Paano kung may rabies? Mapapagamot mo ba?” tanong ni Aling Marites. “Ang ulam namin, kinain ng isa sa mga alaga mo! Bakit, hindi mo ba kayang pakainin? Siguro nga, kasi sobrang dami naman kasi ng alaga mo,” sabi ni Aling Ningning. “Bukod sa balahibo na nagiging allergy ng pamilya ko, kinakalat pa ng mga pusa mo ang mga basura namin,” sabi naman ni Aling Susan. “Kaya, Lolo Poy, huwag mo sanang mamasamain ang pagpunta namin dito,” simula ni Kapitan Cesar. “Idinulog sa akin ng mga kabarangay natin ang mga problema sa mga pusa ninyo. Marahil, narinig naman ninyo ang bawat isa. Kaya naman, hinihiling ko sana na gawan po natin ng paraan. Maaari po akong tumulong sa paghahanap ng mag-aampon sa kanila. Maaari din nating i-surrender sa animal shelter. Mas mahalaga po kasi ang kapakanan ng ating mga kapitbahay. Sa tingin po Ninyo, Lolo Poy?” “Naniniwala akong hindi magagawa ng mga pusa ko ang mga ibinibintang ninyo sa kanila. Tinuturuan ko po silang maging mabuting hayop gaya ng kung paano akong naging mabuting tao o kabarangay ninyo.” “Ah, basta, ayaw naming ng mga pusa sa barangay na ito! Palayasin mo ang mga pusa! Peste sila,” singit ni Aling Mitring. “Tama! Palayasin mo na lang ang pusa mo!” sang-ayon ni Aling Marissa. “Korek! Hindi puwede rito ang mga salot baka mas marami pang makalmot!” sigaw naman ni Aling Marites. “Alaga ka nang alaga ng pusa, pero ulam ng iba ang kinakain nila,” sabi naman ni Aling Ningning. “At ang basura… basura na nga, kinakalkal pa,” dagdag pa ni Aling Susan. “Layas! Layas!” sabay-sabay na sigaw ng mga kapitbahay ni Lolo Poy. “Teka! Teka!” sigaw ni Kapitan Cesar, saka pumagitna sa kanila. “Maknig muna kayo…” Hinaharap na niya si Lolo Poy pagkatapos manahimik ang mga babae. Bilang pinuno ng barangay, sumasang-ayon ako sa kanila. Alam kong napamahal na sa iyo ang mga pusa mo, pero kung manganganak nang manganganak ang mga iyan, dadami nang dadami. Bibigat nang bibigat ang problema mo at ng buong barangay natin.” “Salamat, Kapitan Cesar! Ako naman sana ang pakinggan at sagutin ninyo?” mahinahong sabi ni Lolo Poy. “Sige po,” sang-ayon ng kapitan. “Ikaw, Aling Mitring, sigurado po ba kayo na ang mga pusa ko ang maiingay sa bubungan ninyo kapag gabi? Ikaw, Aling Marissa, nakita po ba ninyo ang mga pusa ko na dumudumi sa inyong bakuran? Ikaw, Aling Marites, paano kinalmot ang anak mo ng pusa ko? Ikaw, Aling Ningning, bakit nasabi mong ang isa sa mga alaga ko ang kumain ng ulam ninyo? At ikaw, Aling Ningning, pusa lang pa ang nagbibigay ng allergy sa tao at pusa lang ba ang may kakayahang mangalkal ng basura?” sunod-sunod pero malinaw niyang tanong sa mga babae. Nagtinginan ang mga kapitbahay ni Lolo Poy. Wala ring nasabi si Kapitan Cesar. “Minsan ba, inalam ninyo kung paano ko sila inaalagaan? Minsan ba, nakita ninyo kung paanong pinoprotektahan ko sila laban sa masasamang elemento at kapahamakan? Naisip ba ninyo na may kakayahan naman akong magpakain ng dalawampung pusa?” “Kilala ka po namin. Siguro inabandona ka ng iyong pamilya kaya mga pusa na lang ang mga kasama mo,” natatawang sabi ni Aling Mitring. Nakitawa na rin ang ibang babae, habang tahimik na nakatingin sa kanila ang mga pusa. “Sundin mo na lang ang mungkahi naming sa inyo, Lolo Poy, nang matapos na ito,” sabi ng kapitan. “Hindi ko puwedeng ipamigay o i-surrender ang mga alaga kong pusa. Sila na lang ang pamilya ko. Masaya akong kasama sila. Ngayon kung gusto ninyong mawala ang mga pusa ko, na sinasabi ninyong peste…” Maluha-luha na si Lolo Poy. “Sige, desidido na ako… Aalis kami ng mga pusa ko dito sa Barangay Puting Buhangin.” Pumagitna na si Nonong. “Huwag po ninyong palayasin ang mga alagang pusa ni Lolo Poy. Huwag niyo po silang palayasin. Mababait po sila. Saksi po ako. Hindi po ang mga pusa ni Lolo Poy ang dahilan ng mga reklamo ninyo.” “Huwag kang mangialam dito, Nonong, kung ayaw mong pati ikaw ay palayasin naming,” pagalit ni Aling Mitring. “Nagpapatotoo po ako… Araw-araw akong pumupunta rito. Nakikita ko kung paano alagaan nang mabuti ni Lolo Poy ang mga pusang ito. Madalas, tumutulong akong maglagay ng cat food sa bawat cat bowl. Naturuan na rin po niyang dumumi sa cat litter. May kulungan po ang iba sa kanila para hindi po gumala kapag gabi na.” Isa-isang itinuro ni Nonong ang kaniyang mga tinutukoy. Nakita naman iyon ng mga babae at ni Kapitan Cesar. “Pinaliliguan mo naman tuwing Sabado ang mga pusa. Tinuturaan din po sila ni Lolo Poy ng mabubuting asal at disiplina, gaya ng paghihintay, pakikinig, pagtahimik, at pagtulong. Kanina, natunghayan ko si Ming-Ming. Nabuslot kasi ang plastic bag ng ale na pinaglalagyan ng mga isdang binili nito. Sa halip na itakbo ang isdang nalaglag, isinasuli niya iyon.” Tiningnan nila si Ming-Ming. Tila nahihiya itong ngumiti. “Pagmasdan ninyo sila,” patuloy ni Nonong. “Nakita niyo naman kung paano silang nakatingin lamang sa inyo. Kitang-kita at ding na dinig nila ang magagandang asal ninyo. Mabuti pa nga ang mga pusa ko, asal-tao, pero ang mga tao, asal-hayop.” Pinatahimik ni Lolo Poy si Nonong, pero hindi niya ito napigilan. “Kayo po ba, Aling Mitring, Aling Marissa, Aling Marites, Aling Ningning, at Aling Susan, naging mabuting kapitbahay po ba kayo?” tanong pa ni Nonong. Napalunok si Aling Mitring. Napayuko si Aling Marissa. Natakpan ni Aling Marites ang bibig niya. Tumingin sa malayo si Aling Ningning. Napakamot naman sa ulo si Aling Susan. “Ikaw po, tama po bang magdesisyon agad kayo nang hindi niyo man lang nakilala si Lolo Poy?” sabi ni Nonong sa kapitan. “Kilala niyo lang siya bilang weirdo, pero hindi niyo po alam ang buong pagkatao niya at pinagdaanan niya sa buhay. Pinatahimik ni Lolo Poy si Nonong, pero hindi niya ito napigilan. “Retiradong sundalo si Lolo Poy. Buong puso siyang nagsilbi sa ating bansa. Hindi na siya nagkaroon ng sariling pamilya… Mabuti pa nga ang mga pusa ni Lolo Poy, magpagmahal sa kapwa at tao, pero tayong mga tao… mapanghusga!” Lumapit siya sa matanda. “Lolo, huwag na po kayong umalis. Malulungkot po ako kapag umalis ka. Simula nang makilala kita, hindi ko na po nararamdaman ang kakulangan sa akin ng mga magulang ko. Okay na po ako kahit sina Lola Pia at Tiya Lucia na lang ang kasama ko sa bahay.” Yumakap siya sa baywang ng matanda habang yumuyugyog ang balikat. “Tahan na, Nonong,” sabi ni Kapitan Cesar, saka lumapit kay Lolo Poy. “Pasensiya na po kayo, Lolo Poy. Masyado naming hinusgahan ang pagkatao at kakayahan mo. Mga kabarangay, hahayaan ba nating umalis sila?” “Huwag na po kayong umalis, Lolo Poy. Sorry po sa panghuhusga,” sabi ni Aling Mitring. “Ako rin po… Nahihiya po ako sa inyo. Patawarin mo po ako. Babawi po ako inyo sa mga susunod na araw,” sabi ni Aling Marissa. “Gusto ko na pong dumito na kayo sa Puting Buhangin, kasama ang beynte mong pusa. Sama-sama na po tayo palagi. Patawad po, Lolo Poy,” sabi ni Aling Marites. “Totoo po ang mga sinabi nila. Nagkamali rin po ako. Sana po mapatawad pa ninyo ako,” sabi ni Aling Ningning. “Masyado pong marumi ang aking isip at matalas ang aking bibig. Natuto na po ako, Lolo Poy. Pangako po, hindi na po ito mauulit. Mag-aaalaga na rin po ako pusa o aso man,” sabi naman ni Aling Susan. Tiningnan ni Lolo Poy si Nonong. Tila nakita niya sa mga mata ng bata ang pagpayag nito. “Sige, pinapatawad ko kayo. Hindi na rin kami aalis.” Napasuntok sa hangin si Nonong dahil sa pasiya ni Lolo Poy. Ngumiyaw naman ang mga pusa. “Maraming salamat, Nonong!” Niyakap ni Lolo Poy ang bata. Naglapitan sa kanila ang mga pusa, na pawang nais ding yumakap sa kanila.

Saturday, December 4, 2021

Ang Kasunduan nina Felix at Hendrix

“Ano ba ‘yan, Felix?! Bakit kanina ka pa kamot nang kamot sa ulo mo? At hindi na maipinta ang mukha mo?” tanong ni Kuya Hendrix. “Ang hirap kasi nitong modyul sa Filipino. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.” “Tungkol ba saan? Baka makatulong ako. Tutal tapos ko na rin naman ang modules ko.” Nagliwanag ang mukha ng Felix nang marinig ang sinabi ng nakatatandang kapatid. “Tungkol sa grapikong biswal, Kuya.” “Grapikong biswal?” saglit na nag-isip si Kuya Hendrix. “Alam ko ‘yan! Iyan ang sistema o instrumento sa pagsasaayos at paggabay ng kaisipan para sa mabilis na pag-unawa ng mga mag-aaral sa mga impormasyon.” “Oo, Kuya… Ang mga halimbawa ng grapikong biswal ay grap, dayagram, tsart, at mapa.” “Tumpak! Iyan nga! Paborito ko iyan noon, kahit ngayon.” Napatayo si Kuya Hendrix at lumapit na ito kay Felix. “Ano ba ang gagawin?” Ipinakita ni Felix sa kapatid ang modyul niya. Agad naman nitong binasa. “Napakadali lang pala nito!” bulalas ng kuya. Napakamot na naman si Felix sa ulo niya. “E, nahihirapan nga akong intindihin.” “Puro ka kasi gadget! Magbasa ka rin kasi para lumawak ang kaalaman mo,” galit na sagot ng kuya. “Sayang ang mga reading materials na pinupundar nina Mama at Papa sa atin kung hindi mo man lang binubuklat.” “May Google naman kasi, Kuya.” “Hindi lahat ng sagot, alam ni Google! Mahalaga pa rin ang mga aklat.” “Nasa internet naman lahat ang sagot.” “May rason ka pa, ha?! Nasa internet pala, e, ‘di ikaw na ang gumawa niyang modyul mo.” Nalungkot na naman si Felix. “Sige na, Kuya. Tulungan mo na ako.” “Tulungan kita? Sana tinutulungan mo muna ang sarili mo.” “Nag-aaral naman ako nang mabuti. Tinatapos ko naman ang mga modules ko.” “Oo, pero mas lamang ang oras na ginugugol mo sa paglalaro ng online games. Hindi man lang kita nakitang magbuklat ng mga babasahin sa mini library natin.” Napatingin si Felix sa kapatid, na animo’y maamong pusa. Nakikiusap ang kaniyang mga mata. “Ano ang dapat mong gawin?” Napayuko siya at nag-isip, saka napatingin siya sa cell phone. “Babawasan ko na ang oras para sa online gaming.” “Iyon lang?” galit na tanong ni Kuya Hendrix. Napatingin siya sa mini library. “Magbabasa na ako ng mga libro, encyclopedia, atlas, magasin, pahayagan, at iba pa.” Napangiti si Kuya Hendrix. “Sigurado ka o ngayon lang ‘to?” “Sigurado na ako. Pangako ko iyan, Kuya Hendrix.” Nagtaas pa siya ng kanang kamay. “Tama ka naman, e. Puro ako gadget. Mas mahalaga pala ang pagbabasa.” Napakamot siya ng ulo habang nakatingin sa kuya. “Tutulungan mo na ba ako?” “Sabi rito, gumawa ka ng grapikong biswal tungkol sa mga datos.” Itinuro ni Kuya Hendrix ang panuto sa modyul. “Ano bang grapikong biswal ang nararapat para sa mga datos na ito? Mga interes ng mga kabataang Pilipino.” Saglit na nag-isip si Felix. “Tsart?” “Hindi… Puwede.” “Dayagram?” “Puwede.” “Grap!” “Tama! Sige na. Gawin na natin. Basta ang kasunduan natin, ha?” “Opo, Kuya, hinding-hindi ko kakalimutan iyon.” Nag-cross my heart pa si Felix. Natawa tuloy si Kuya Hendrix.

Matalinong Mamimili sa Makabagong Panahon

Sa panahon ngayon, matalinong pamimili ang kailangan sa tradisyonal na pamimili man o online shopping. Ang wastong pagkilatis sa mga serbisyo at produkto ay dapat na isaalang-alang ng konsyumer. Sa paglago ng teknolohiya, hindi na rin ligtas sa iba’t ibang klase ng pandaraya at panloloko ang bawat mamimili. Ang malawak na kaalaman at matinding pag-iingat ang susi sa pagiging matalinong mamimili sa makabagong panahon. Paano nga ba maging matalinong mamimili? Narito ang mga paraan: Maging mapanuri sa mga bibilhing produkto. Magtanong, magbasa, at mag-obserba muna kung ito ba ay nakabubuti, ligtas, may kalidad, at may tamang presyo o halaga. Ang mapanuring mamimili ay sinusuri muna ang timbang, presyo, sukat, sangkap, at pagkakagawa. Ang pagbabasa sa label ng produkto ay makatutulong din, gayundin ang paghahambing nito sa ibang produkto. Maging mapamaraan sa pagbili ng produkto. May mga pagkakataong nauubusan ng stocks ang tindahan, groseri o supermarket. Dahilan ito upang pumili tayo ng hindi nakasanayang brand ng produkto. Kapag ganito, ang pagiging mapamaraan ay kakailanganin. Pumili ng produktong makatutugon sa mga pangangailangan. Isaalang-alang muli ang mga bagay na nabanggit sa unahan. Huwag magpadaya. Alerto, handa, mapagmasid ang matalinong mamimili. Marami ang manloloko sa panahon ngayon. Nadadaya na ang timbang, sangkap, at kalidad ng produkto. Hindi lang sa pagsusukli, nadadaya ang mga mamimili. Marami na rin ang naglilipanang produktong peke, imitasyon, at hindi pumasa sa quality control. Maging makatuwiran. Iwasan ang pagbili ng mga produktong imported, mahal, o branded. Piliin ang mga produktong gawang-Pinoy, pero mura at may kalidad. Hindi makatuwiran ang pamimili ng mga produkto, na ayon lamang sa maluhong pamumuhay. Marami namang produkto ang ligtas, maganda, masarap, o de-kalidad kahit mura lamang. Isaalang-alang din ang tibay ng produkto. Tagagal ba ito o bibigay agad? Gayundin naman ang health benefits. Mas piliin ang masustansiya kasya sa masarap lang. Isaalang-alang ang badyet. Bumili ayon sa antas ng kabuhayan at kakayahan. Huwag bumili ng produkto dahil lamang sa ito ay popular, trending, o viral. Bilhin ang produkto dahil ito ay swak sa badyet at pasok sa listahan ng basic needs ng pamilya. Ang matalinong mamimili ay hindi nagpapadaig sa ganda ng advertising campaign ng produkto. Matalino ang mamimili kung kaya niyang bumili ng maraming produkto sa kakarampot na pera. Huwag mag-panic buying. Napakaraming supplier at manufacturer ng mga produkto. Hindi tayo mauubusan. Mag-imbak ng mga kailangang produkto sa bahay batay sa pang-isang linggong pangangailangan. Maiiwasan nito ang pagkasira, pagkabulok, o pag-expire ng mga produkto. Hoarding naman ang tawag sa pamimili at pagtatago ng mga produkto, na may intensiyong ibenta ito sa napakamahal na halaga. Pakiusap huwag itong gawin dahil gawain ito ng masama at hindi matalinong nilalang. Hindi ito ang sagot sa kakulangan sa suplay, bagkus isang hadlang tungo sa maayos na consumerism sa bansa. Huwag agad maniwala sa mga advertisement. Hindi lahat ng maganda sa paningin, pandinig, panlasa, at pandama ay nararapat bilhin. Kilatisin muna nang mabuti ang mga bibilhing produkto. Kung nais sumubok, bumili lamang ng pinakamaliit o pinakamura upang maiwasan ang pag-aaksaya. Saka na lamang bumili nang marami kung nagustuhan ito o talagang mabisa, maganda, o masarap. At huwag na huwag magpabulag sa pag-iindorso ng artista o commercial model. Dinggin ang sinasabi ng isip at puso. Suriin ang mga reviews. Kung online shopping. Makatutulong ang pagbabasa sa mga pagsusuri at komento ang mga kustomer. Sila ang nakabili na, kaya mayroon silang sasabihin tungkol sa produkto, subalit kailangang maging mapanuri pa rin dahil maaaring ang magagandang product reviews ay mula rin mismo sa mga tauhan o kamag-anak ng kompanya. Hayan! Wala nang dahilan upang madaya pa sa pamimili. Maraming rason kung bakit kailangang at maraming paraan kung paano maging matalinong mamimili. Sa panahon ngayon, kailangang pagbutihin ang pamimili. Sabi nga, bawat sentimo ay mahalaga, kaya kilatisin ang produktong bibilhin.

Climate Change sa Pilipinas

Ayon sa Global Peace Index 2019, ang Pilipinas ang pinakamalapit sa mga panganib na dulot ng climate change. Napag-aralan ng mga eksperto na ang 47% ng populasyon ng ating bansa ay nasa mataas na bahagdan ng panganib sa kalamidad gaya ng lindol, tsunami, baha, bagyo, at tagtuyot, at iba pa.

Nahaharap ngayon sa nakakaalarmang kalagayan ang Pilipinas dahil sa patuloy na pagbabago ng klima. Isa sa tinuturong dahilan nito ay ang lokasyon ng bansa sa mapa. Matatagpuan ang Pilipinas sa Southeast Asia Pacific, kaya sadyang mahina ito sa mga epekto ng climate change.

Kapansin-pansin ang madalas at malubhang pagtama ng mga kalamidad at pabago-bagong taas ng sea level. Ang matinding pag-ulan ay senyales din nito, kaya madalas mauwi sa matinding baha at landslide. Kapag tag-init naman, malala ang init na nararanasan ng tao. Nauuwi rin ito sa El Niño phenomenon. May mga naitatalang kaso na rin sa ibang lugar sa Pilipinas ang pag-ulan ng yelo o hailstorm, na hindi ordinaryong pangyayari. Dahil sa mga ito, bumababa ang pinagkukunan natin ng mga raw materials at resources. Nasisira na rin ang ating kapaligiran.

Kung magpapatuloy ang mabilis na pagbabago ng klima, higit na maaapektuhan ang agrikultura, katubigan, imprastraktura, kalusugan ng tao, at mga ekosistema sa baybayin ng Pilipinas. Ang mga ito magiging ugat upang mahirapan ang mamamayan sa pagkakaroon ng maunlad na ekonomiya at lipunan. Kaya naman, binalangkas ng Climate Change Commission ang National Climate Change Action Plan (NCCAP) 2011-2028. Ito at batay sa teknikal na pagsusuri at konsultasyon sa mga ahensiya ng gobyerno at sa iba pang sektor ng pamayanan. Nais nitong matiyak na magkaroon bawat Pilipino ng sapat na suplay ng pagkain at tubig, at enerhiya, katatagan ng ekolohiya at kapaligiran, seguridad ng tao, malagong industriya, at pag-unlad ng kaalaman at kapasidad ng mga tao ukol sa climate change.

Kasalukuyan at patuloy na kumikilos ang naturang komisyon tungo sa maayos na sistema sa pagsasakilos ng mga plano sa klima. Sa tulong ng pinagsama-samang agham at teknolohiya, gayundin ang sistematikong pangangalap ng mga datos tungkol sa mga kalamidad, magiging matagumpay ang pagbabawas ng epekto ng climate change. Marami na ring non-government organizations (NGO) ang nakikiisa sa adbokasiyang ito.

Ang bawat Pilipino ay may mahalagang papel din na gagampanan sa suliraning ito. Hindi man mapipigilan ang climate change, maiibsan naman ang epekto nito sa sangkatauhan at kapaligiran, kung makikiisa sa pagsasalba sa kalikasan. Kung iiwasan ang pagdagdag ng polusyon sa hangin, tubig, at lupa, hindi malabong ang Pilipinas ay maging isang bansang pinakaligtas tirhan. 


Grapikong Biswal sa Edukasyon

Sa mabilis na paglago ng teknolohiya, nangangailangan na rin ng mabilisang paraan ng pagkatuto ng mga mag-aaral. Ang tradisyonal na paglalahad ng mga impormasyon ay napalitan ng makabago at grapikong biswal upang maihatid ang mga kaisipan o layunin ng aralin nang mas mabisa at angkop sa pagbabago. Sa larangan ng edukasyon, malaki ang naitutulong ng mga grapikong, gaya ng dayagram, tsart, grap, at mapa. Ang bawat halimbawa ay may kani-kaniyang gamit, ayon sa impormasyong inilalahad nito. Gumagamit ang grapikong biswal ng mga simbolo, kulay, hugis, linya, bilang, titik, at iba pang elemento. Halimbawa sa mga audio-visual presentations, na ginagamit sa pagtuturo, mas kapana-panabik ang bawat slides nito para sa mga mag-aaral kung gagamit ng grapikong biswal kaysa sa paglalahad ng mahahabang teksto. Ang dayagram ay isang anyo ng grapikong biswal. Ito ay isang disenyong geometriko, na kumakatawan sa mga paraan, proseso, ideya, solusyon, mekanismo o pangyayari. Layunin nitong magbigay ng malinaw at mabilis na pang-unawa sa impormasyon ang mga tagapakinig. Maraming uri ang dayagram, na may kani-kaniya ring layunin sa paglalahad. Ilan sa mga ito ang Venn Diagram, Fishbone Diagram, Tree Diagram, o Ladder Diagram. Ang bawat isa ay maaari ding gumawa ng sariling dayagram ayon sa layunin ng paglalahad ng datos. Ang tsart ay isa ring anyo ng grapikong biswal. Ayon sa Wikipedia, ang isang tsart ay isang grapikal na representasyon ng datos, kung saan "ang datos ay kinakatawan ng mga simbolo, tulad ng mga bar sa bar tsart, o mga linya sa linyang tsart, o mga hiwa sa isang pie tsart." Katulad ng dayagram, ang tsart ay maraming uri. Ilan sa mga ito ang tsart ng oraganisayon (organizational chart) at tsart ng daloy (flowchart). Ang mga ito ay may kani-kaniyang layunin din sa paglalahad ng impormasyon. Ilan sa mga layunin ng tsart ay pagpapakita ng pagkakasunod-sunod o daloy ng mga impormasyon, proseso ng kaalaman, mga pagkakatulad at pagkakaiba, sanhi at bunga, at iba pa. Ang ikatlong halimbawa ng grapikong biswal ay ang grap. Ito ay madalas gamitin sa paglalahad ng mga impormasyon sapagkat madaling maunawaan at mabigyang kahulugan ang mga impormasyon. May apat na uri ito—ang bar graph, line graph, pictograph, at pie graph. May kani-kaniyang gamit at layunin ang mga ito. Ang bar graph ay gumagamit lamang ng dalawang bar -- isang patayo at isa pang pahalang, na may magkaibang halaga o numerong prinipresenta. Ang line graph ay gumagamit ng linya upang ipakita ang magkaibang variables. Ang pictograph ay gumagamit ng larawan, simbolo o imahe, upang sumasagisag sa variable na inilalahad. At ang pie graph ay kumakatawan sa mga porsyento ng isang kabuuan. Ipinapakita ito sa pamamagitan ng paghahati ng isang bilog sa mga bahagi. At ang mapa ay isa ring grapikong biswal, na nagpapakita ng grapikong representasyon ng bawat lugar. Maaari itong magpakita ng heograpiya, klima, sakop o hangganan ng teritoryo, direksiyon, at maging sa kalagayang ekonomiko at turismo ng isang lugar o bansa. Marami din ang uri ng mapa. Ang mga ito ay ayon sa impormasyong inilalahad. Ilan sa mga ito ang mapang pisikal, mapang pulitikal, mapang demograpiko, mapang pangklima, mapang pangkabuhayan, mapa ng daan, at iba pa. Ana bawat grapikong biswal ay napakahalagang pantulong para anomang sektor ng pamahalaan. Kaya sa edukasyon, bahagi ito ng kurikulum, hindi lang upang imulat ang mga mag-aaral, kundi mas mapadali ang pagkaunawa sa mga impormasyong pagtatalakayan.

Wednesday, December 1, 2021

Aking Journal -- Nobyembre 2021


Nobyembre 1, 2021
Nainis ako kay Emily kasi hindi agad bumangon nang may tumatawag na delivery boy. May order pala, hindi gumising nang maaga. Nabulahaw ang tulog ko.

Past 9 na ako bumaba. Hindi ko siya pinansin. Nawala rin naman ang inis ko pagkatapos kong gawin ang WHLP. 

Nakapag-post din ako mg chapters sa Stary bago mag-lunch time. 

After lunch at after kong maligo, umidlip ako. Paalis na sana ako para mag-withdraw, pero inantok ako.

Past 2, nasa Robinson's ako. Doon na lang ako nag-withdraw. Gusto ko rin sana kasing mag-window shopping. Nagawa ko naman, kaya lang, hindi pa nagtatagal, pinauwi na ako ni Emily. Aalis daw sila ni Zillion. Agad akong umuwi. 

Ngayong, araw isiningit-singit ko ang pagbabasa. Nakalahati ko na ang chapter 6 ng Moymoy.



Nobyembre 2, 2021
Before na ako naalimpungatan. Ang sarap ng tulog ko. Ang ganda rin ng start ng araw ko. Marami akong na-accomplish maghapon. Nag-gardening saglit. Nag-update ng Stary. Nag-review ng lessons. Nagbasa. 

Before 12, chinat ako ng dati kong kasamahan sa broadcasting--si Ma'am Ruby. Kinukuha ako as storyteller sa opening program ng Buwan ng Pagbasa ng kanilang school. Dahil conflict sa Kumustahan, tinanggihan ko siya. Pero, humirit pa siya. Next week na lang daw. Pumayag na ako. My pleasure to serve. Ito na siguro ang simula... 



Nobyembre 3, 2021
Maaga akong gumising para pumunta sa vaccination venue. May nakapagsabi kasi sa akin na may schedule ng bakuna.

Past 7, nandoon na ako..Ang haba na ng pila. Isang oras na halos akong nakapila, nang bilang may nag-ikot, wala raw Sinovac na vaccine. 

Sa halip na mainis, umuwi akong nakangiti pa rin. At para hindi ko maramdaman ang disppointment, bumili ako ng sweat shirts sa ukay-ukay. Masaya na uli ako.

Pagdating ko, nag-update ako sa Stary. Nagbasa rin ako. Okay naman na si Emily, kaya hinayaan ko lang siya sa kusina. Masarap naman ang niluto niyang sinabawang salmon. 

After class, hindi na ako nakaidlip dahil alas-4, magsisimula na ang orientation ng TARL orientation. Sinali ako ng principal ko. Isa na naman itong pagkakaabalahan. Sana magustuhan ko para hindi ako mapagod sa pagsasagawa niyon.

Past 5:30, natapos ang orientation, saka lamang ako nakapagdilig ng mga halaman. Gabi na rin ako nakagawa ng IWAR. 

Bukas, maaga akong bibiyahe patungo sa Pasay. 



Nobyembre 4, 2021
Past 2:30, nagka-insomnia na naman ako. Hindi ko malaman king eccited pa ako o ano. Andami kong gustong gawin. 

Kaya naman, nagsulat na lang ako ng pang-update sa wattpad ko. Then, bumangon ako bago mag-4 am. Kaya bandang 5, nasa highway na ako, nag-aabang ng bus. 

Naunang dumating si Sir Hermie sa school. Halos magkasunuran lang kami. Agad naman kaming nagsimulang mamigay at nag-check ng mga modules.

Masaya kami kapag nakikita-kita. Nakakapagkuwentuhan, tawanan, at brainstorming.

Naroon din kanina ang mga dati naming kasamahan sa Grade Six, maliban kay Sir Joel K. Ang saya-saya naman nang nagkita-kita kami. Muntikan nang magkaroon ng gala.

Dumating na ang uniform namin. Sa unang pagkakataon, nagustuhan kp anh kulay, design, tela, at tahi. Worth it ang matagal na paghihintay.

Past 4, isinabay na ako ni Sir Joel G sa kaniyang motor. Nag-convoy naman si Sir Hermie. Ang layo ng inuuwian o dinadaanan nila. 

Nauna kami ni Sir Joel sa bahay ni Sir Hermie. Balak sanang tumagay, kaya lang mainip si Sir Joel kaya umalis na kami. Ibinababa niya ako sa PasCam.

Mga past 7:30 na ako nakauwi. Pagod na pagod at antok na antok ako kaya pagkatapos kumain, nakaidlip ako. Kung hindi ako ginising ni Emily para mag-lock ng gate, baka tuloy-tuloy na ang tulog ko..




Nobyembre 5, 2021
Nabulahaw na naman ang tulog ko dahil sa tawag ng delivery boy. Kinatok ko pa ang wala para magising si Emily. Hindi na tuloy ako nakatulog uli.

Pagkatapos mag-almusal, humarap ako sa laptop upang gumawa sa Google Forms ng summative tests sa Filipino. Natapos ko naman bago mag-lunch, kaya nakagawa pa ako ng iba.

Merged ngayon ang online learners kasi nakiusap ang cathecists na pagsamahin ang mga bata upang mas marami silang ma-accomplish. 

Habang wala pa sila, nag-prelimiary activities si Sir Hermie. Ako naman, nag-story telling. Nakadalawang stories ako bago nagsimula.

Past 2, nasa Teaching at the Right Level (TaRL) Training ako. 

Maganda naman ang layunin ng proyekto, nakakaantok lang. Past 4, nakaidlip ako. Andami ko sigurong na-miss na info. 

Past 5 na natapos ang training. Hindi ko talaga na-enjoy. 

Nagdilig muna ako after meryenda. Then, gumawa na ako ng IDLAR. Natulungan ko rin ang parent ng dati kong estudyante sa Math problems. 



Nobyembre 6, 2021
Naglaba ako pagkatapos mag-almusal. Before 12, tapos ko na. Tinulungan ko ng mag-ina ko na mag-hanger ng mga damit. 

Past 2, binisita ko ang friend kong si Jay sa Villa Monteverde. Past 3:30, binisita ko naman sa Istana si Bern. May dala akong First Vita Plus Mangosteen. May binili siyang white wine at pagkain. Habang nagkukuwentuhan, nag-iinom kami at kumakain.

Past 7, sinundo naman ako ni Ken sa Istana. Isinama niya niya ako sa kaniyang bahay sa Micara. Grabe! Ang ganda ng bahay niya. 

Before nine, nagpahatid na ako sa highway. 

Sulit ang gala ko! Tatlong kaibigan ang nabisita ko.

Bukas, kasama naman ako nina Bro. Natz at Bro. Joni sa pagpunta sa Silang at Tagaytay.




Nobyembre 7, 2021
Alas-4:10, bumangon na ako para maghanda ng baon. Nagsaing ako. Nagluto ng tocino, scrambed eggs, at pritong tuyo. Naghanda rin ako ng peanut sandwich at itlog na maalat na may kamatis.

Past 6, lumabas na ako para salubungin si Kuya Natz. 

Past 7, nasa Silang na kami. Ipinakilala ako ni Kuya Natz kay Sister Ruth. Doon kami nag-almusal.

Isang masaya at masaganang almusal ang aming pinagsaluhan.

Pagkatapos ng almusal, nag-bonding kami sa garden at sa paligid ng lugar. Then, naglakbay kami ni lKuya Natz patungong Sta. Rosa, Laguna. Dumaan kami sa Nuvali.

Pagkatapos, pinuntahan uli namin ang bahay ng ka-TGIS naming si Ich. May ibinigay itong mga halaman kay Kuya Natz. 

Past 11, nakabalik kami kina Sis. Ruth. Isang masarap na sinigang na pata ang inihanda nito sa amin. Ang sarap niyon! Andaming lahok na sariwang gulay. Inantok nga ako pagkatapos. Kaya, halos hindi na ako makasali sa dalawa sa kuwentuhan.

Pagkatapos magpatunaw, bumiyahe naman kami ni Kuya Natz patungong Tagaytay,, kung saan naroon ang kapatid niya. Ikalawang beses na niya akong isinama roon. This time,  birthday ng sister niya, kaya maramong tao. Nakaka-OP man, pero kinaya ko. Kumain ako kahit nahihiya.

Bumuhos ang ulang habang naroon kami, kaya nang humina sinalubong na namin ang ambon. Umuwi kami bandang past 3:45. Naihatid niya ako bandang 4:30. Antok na antok at pagod na pagod ako, kaya umidlip muna ako.

Gabi ko na napanopd ang FB Live ang training namin kahapon sa TaRL. Okay lang naman. Nakapag-attendance pa ako. 



Nobyembre 8, 2021
Maaga akong nagising. Hindi ko man gustong bumangon agad, ginawa ko pa rin dahil may seminar ako bandang alas-8 ng umaga.

Nag-push up muna ako bago magkape. At habang nagkakape, nag-FB muna ako. Hindi ako excited sa seminar. Actually, alanganin  na nga ang pagligo ko. Tapos, hindi pa naman nakapagsimula ang seminar dahil sa technical issues.

Sus! Boring ang topic. Hindi intesting. Idagdag po ang speakers, na fluent mag-English. Walang patawa. I know, hindi lang ang ang nainip sa kanya. Nauunawaan ko naman ang mga salita niya, pero hindi talaga nakakaengganyo.

Sa kalagitnaan ng seminar, inantok ako. Pinagbigyan ko ang sarili ko. sumatotal, wala talaga akong natututuhan. Wala akong balak magpasa ng mg outputs nila para lang sa certificate.

Habang nagtuturo na ako sa online class, hindi pa rin tapos ang seminar. Nakaistorbo.

Naging maayos naman ang online class ko. Gustong-gusto ko ang topic--ang mga bahagi ng kuwento. Binasahan ko sila ng sarili kong kuwento.

After class, umidlip ako. Pagbangon ko, nagmeryenda at nagdilig ng mga halaman. Pagkatapos niyon, nabasa ko ang memo. Kasali na naman kami ni Ma'am Joann sa storytelling. Nasa memo rin si Ma'am Lea. Nakakatuwa. 

Isa na namang karanasan ito para sa akin.

Kaya naman, nanood ako ng mga videos sa Youtube tungkol sa storytelling. Bago ako natulog, puno na ng ideya ang aking isip. Magsasanay na lang ako. 



Nobyembre 9, 2021
Masakit pa rin ang lower back ko nang magising ako. Mas lumala ito kumpara kahapon. Naisip kong dahil ito sa mga nakainin kong processed food noong mga nakaraang araw. Nilantakan ko rin ang mango-onion-tomato-and-alamang salsa, na sawsawan ng inihaw na bangus. Haist! Hindi na ako natuto!

Kaya naman, wala akong ganang makinig sa seminar. Kakaunti lang ang natutuhan ko. Lalo na't boring at fluent sa English ang speaker.

Mabuti na lang, maagang natapos ang seminar. Nakaligo ako bago magsimula ang online class. 

After class, tinawagan ako ni Ma'am Nhanie. May problema ang modules namin kasi naghahabol ang Sinag textbook writers dahil ipinagamit sa amin ng publishing ang mga iyon.

Nakiusap siya na ako ang tumayong 
coordinator ng grupo upang hindi makaladkad ang name niya. Pumayag ako kasi malaking pera ang nakataya. Kailangang ma-settle agad ang problema upang matanggap ko na ang royalty. 

Blessings-in-disguise naman ang mga nagki-claim kasi nalaman naming dapat pala kaming tumanggap ng royalty fee. Malaking halaga ang makukuha namin kung sakali. 

Sana, Lord...

After kong magawa ang IDLAR, nagsulat ako ng kuwentong pambata. Isiningit ko ang pagbisita sa garden at pag-propagate ng pothos bago ko tinapos ang kuwento.

At bago ako natulog, nanood muna ako sa YT ang storytelling. Nakakaaliw manood. Maraming style akong natutuhan.



Nobyembre 10, 2021
Masakit pa rin ang lower back ko, pero hindi na ganoon kasakit, gaya kahapon.

Ngayong araw, marami akong na-accomplished. Naisagawa ko ang TaRL Assessment tool, na ginawa ko. Na-read aloud ko ang kuwentong pambata na sinulat ko kahapon. Naituro ko ang huling aralin sa Filipino 4. Nakapagbasa. Nakapag-gardening sa gabi.

Past 9:30, tinawagan ako ni Ma'am Nhanie. May hinihinging declaration form ang Sinag book writers about sa mga pahina ng books na ginamit namin. Kaya naman, agad ko itong ginawa. Hindi ko natapos. Pero, bukas sigurado akong matatapos ko naman at maipapasa. Past eleven na kasi ng gabi. Kailangan ko nang magpahinga para sa seminar bukas. 

I just hope na matapos na ang problema sa publishing at maging pera na ang modules ko.



Nobyembre 11, 2021
Bago ako bumaba para mag-almusal, tinapos ko muna ang Declaration na pinagagawa sa amin ng Sinag book writers. Nai-send ko na rin sa email ni Ma'am Nhanie.

Umaasa akong magiging okay na ang lahat. Six pages lang ang hiniram ko sa Sinag 6. Zero naman sa Sinag 4. Umaasa akong malaking royalty fee ang matatanggap ko.

Nag-chat sa akin si Taiwan kaninang umaga. Nanghihiram ng puhunan. Hindi ko naman siya binigo. Pinangakuan ko. Gusto kong maging maayos ang buhay ng mga kapatid ko.

Nagpa-summative test ako ngayong araw sa lahat ng section. Nag-review naman kami sa MAPEH. Pinanood ko lang sila ng video.

After ko magdilig, umalis ako. Mga six pm na  iyon. Nag-withdraw ako ng LA. Saka nagpakulay ng buhok sa parlor. Past 8 na ako makauwi.

Gustong-gusto ko ang bago kong looks. Nakakabata talaga ang itim na buhok.



Nobyembre 12, 2021
Past 8, umattend ako sa online seminar. Ikaapat na araw na iyon ng boring na talakayan. Hindi naman talaga ako nakikinig.

Past 10, nakipag-meeting ako with Ma'am Mina, Ma'am Jack, at mga kapwa storytellers ko. Kasama na roon si Ma'am Lea May. Kami pala ang mga nanalo sa division storybook writing contest. 

Natuwa akong malamang may illustration na ang aking kuwentong "Pulis ang Daddy Ko."

Maganda ang pagkakagawa, kaya lang ginawang lalaki si Jona, ang batang bida sa kuwento. Pero, later nang tiningnan ko sa Google, may lalaki naman pala talagang Jona.

Past 12, na natapos ang meeting namin. Okay lang naman dahil wala kaming online class. Nagkasundo kaming Grade 4 teachers. Wala naman na halos kaming ipapagawa sa mga bata. 

Past 2, hindi ako naka-attend sa TaRL workshop kasi nag-decide akong pumunta sa Antipolo para sa bibilihing van ni Taiwan. Naghiram siya ng pera sa akin. 

Kahit tutol si Emily, sumige ako. Pera ko naman ang itutulong ko sa kapatid ko.

Past 8:30 nakarating na ako kina Flor Rhina. 

Agad kong binasahan ng kuwento si Raven. Nagustuhan niya iyon. Pambihira talaga ang power ng storytelling. Inaabangan niya rin pala ang kuwentong ipinangako ko sa kanya last time-- ang "Ang Batang Hindi Napapagod."

Itutuloy ko talaga ang advocacy na ito. Itutuloy ko rin ang planong storytelling sa mga bata sa kalye. Susupport daw sa akin si Ma'am Joann, kaya lalong dapat kong ipursige.



Nobyembre 13, 2021
Past 9:30, nagmotor kami ni Flor para tagpuin si Jano sa daan, kung saan patungo kina Taiwan sa Morong. Medyo malayo pero ayos lang. 

Doon, na-meet ko for the first time ang partner ni Taiwan na si Lizbeth at ang kanilang anak na sina Dani at Arya. Ang gaganda ng mga bata at ang lalapit sa tao. Nagpapakarga sila.

Natuwa ako sa kalagayan o buhay ni Taiwan. Nakita ko ang kanilang pagpupunyagi. Maayos naman ang kanilang bahay. 

After an hour, bumiyahe na kaming apat patungo sa Pililia, kung saan naroon ang van na bibilihin namin. Malayo rin iyon, pero ayos lang. Enjoy ako sa sceneries.

Past 11:30, nabayaran na namin ang Hyundai Grace. Worth P60k iyon. Hindi na nagpatawad kasi presyong pamigay na lang iyon. Sabi nga nina Taiwan at Jano, mabibili pa raw iyon ng P150k. 

Alam kong napasiya ko ang kapatid ko, kaya masaya rin akong nakatulong. I hope maging maalwan ang pamumuhay. Gamitin sana nila iyon sa pagpapalago ng kanilang kabuhayan o munting negosyo. Kaya ko naman siya tinulungan ay dahil nakita ko ang potential ng kanilang munting negosyo--buy and sell.

Past 12 na nang bumiyahe kami pabalik. Dahil gutom, nagyaya si Jano na kumain sa labas. Sagot ni Taiwan. Dinala niya kami sa isang sikat at mataong restaurant-- ang Barandilya.

Sa dami ng customer, natagalan kami bago kumain, pero worth it naman. Ang sasarap ng mga pagkain at ang ganda ng place. Overlooking ang palayan. Mahangin sa taas, kaya para akong hinihele. 

Pagkatapos kumain, dumaan muna kami kina Taiwan. Uminom sila ng tig-isang Mucho. Ako, nahiga lang. Antok na antok, pero hindi nakaidlip.

Past three, umuwi na kami. Sobrang init pa, kaya nag-decide akong hindi muna bumiyahe pauwi. Nag-stay muna ako kina Flor hanggang past 6.

Dahil traffic, inabutan ako ng past 11 sa biyahe. Pinagalitan pa ako ni Emily. Haist! Hindi makaunawa.



Nobyembre 14, 2021
Kahit paano, nakatulog ako nang sapat. Past 7 na ako nagising. Past 8 na ako nag-almusal. Agad kong pinanood ang FB Live ang TaRL. Naglalaba naman ang misis ko.

Maghapon kong pinanood ang TaRL. Dalawang araw din kasi akong hindi nakadalo sa Zoom. Naisingit ko ang pag-idlip, kaya hapon na bago ko nagawa ang powerpoint presentation ng kuwentong babasahin ko bukas sa storytelling event.

Nagdilig muna ako ng halaman, bago ako nag-practice ng storytelling. Hindi madali ang craft na ito. Hindi pa naman ako bihasa. Actually, first time kong gagawin ito lalo na't reading aloud lang dati ang ginagawa ko. Nagawa ko na ring mag-record ng audio para sa vlogs ko, pero iba ito.

Pinarinig ko pa kina Emily at Zillion ang kuwento. At bago matulog, nag-record pa ako ng video kung maganda pa ang rehistro ko sa camera..

Haist! Sana okay naman ang performance ko bukas.



Nobyembre 15, 2021
Dahil sa excitement, hindi ako agad nakabalik sa pagkahimbing nang umihi ako bandang 3am. Five na yata ako nakatulog uli. Bumangon pa nga ako at nag-edit ng PPT, na gagamitin ko sa storytelling. 

Ayos lang naman. Maaga pa rin akong gumising para maghanda sa event. 

Past 7, nag-start na ang storytelling. Hindi yata ako kinabahan. Sa tingin ko, effective naman iyon. Ang ganda ng reception mula sa Grade 3 pupils ng PZES. Sa question and answer portions, halos lahat gustong sumagot. Natutuwa ako.

Natutuwa rin ako sa feedback ni Ma'am Joann. Ang galing ko raw mag-change ng voice. 

Nanood din ako ng storytelling nina Ma'am Joann at Ma'am Jackie. Magagaling din sila. Naaliw ako sa style ni Ma'am Jack. Nabigyan niya ng hustisya ang kuwento ko. 

After niyon, nagsulat ako ng kuwento na hango sa disorder ni Zillion-- ang pulling of hair. Grabe! Nakita ko kagabi ang napapanot niyang ulo dahil sa kabubunot ng buhok.

After online class, agad akong pumunta sa Felipe G. Calderon Elementary School para magpabakuna ng second dose. Kakaunti na lang ang tao kaya mabilis lang akong nabakunahan. 

After niyon, nag-withdraw ako ng 13th month pay. Bumili na rin ako ng class A na Air Jordan. Iyon lang ang kaya ng budget. Kahit gayon, masaya pa rin ako. Ang mahalaga, napalitan na ang luma kong sapatos. 

Past 6:30 na ako dumating sa bahay. After magkape, itinuloy ko ang pagsusulat ng kuwentong 'Bubot Panot.' Natapos ko naman ito after dinner. Posted na rin sa Booklat, Wattpad, at Wordpress. 

Then, nagpraktis uli ako ng storytelling. Habang gunagawa iyon, ini-rerecord ko para sa vlog. Sana payagan ako ng illustrator ko.



Nobyembre 16, 2021
Medyo nakaranas ako kagabi ng pamamanhid ng braso kong binakunahan. Pero kahit gayon, mahaba-haba pa rin naman ang tulog ko.

Quarter to 7, gising na ako para sa storytelling. Dalawang beses akong nagkuwento ngayon. Mabenta. Napansin kong gumaganda na ang estilo ko Nagagamay ko na. Kaya naman, sinabihan ko si Ma'am Joann na magpalit kami. Grade 3 na siya. Ako naman ang Grade 1 next week. Pumayag naman siya, kaya after online class, ginawan ko na ang illustrations ang 'Handa Kami.' 

Inaabangan ko ang royalty fee ko sa St. Bernadette. Sana ibigay na. Gusto kong mapahiram ang Fontejon Family para sa pagpaparaspa ni Tatay. 



Nobyembre 17, 2021
Maaga akong nagising. Gustuhin ko mang matulog muli, hindi na ako nakatulog. Kaya naman pala... kasi kinailangan ako ni sa storytelling engagement. Nagloko kasi ang laptop ni Ma'am Joann. Sinalo kp ang oras niya habang inaayos niya. Naikuwento ko tuloy ang "Ang mga Laruan ni Juan."

Ayos naman! Impromptu pero alam kong napukaw ang interes ng mga Grade 1 pupils. 

Bale dalawang kuwento ang naikuwento ko ngayon. Nakaka-enjoy na! Lalong nagiging marubdob ang hangarin kong ipagpatuloy ang advocacy ko.

At kahit sa online class, pagsulat ng kuwento ang itinuturo ko, since yesterday. Mabuti, may module akong ginawa sa St. Bernadette. Nagamit ko. 

Speaking of modules, nag-meeting kaming module writers at si Ma'am Nhanie. Nagde-demand na naman ang kabilang kampo ng apology letter mula sa amin. Hindi iyon pabor sa amin kaya ang desisyon namin ay i-pull out na lang ang nga original works namin. Na-disappoint ako. Pera na sana... 

Ngayong hapon, tinapos ko na ang digital illustrations ng 'Handa Kami.' At nasimulan ko na itong lagyan ng audio. Nabosesan ko na rin ang "Pulis ng Daddy Ko." 



Nobyembre 18, 2021
Nahirapan akong makatulog nang maaga kagabi dahil sa problema sa publishing at royalty issue. Naiinis ako kasi hindi pa sure kung magkakapera ako o hindi. Balak pa naming i-pull out ang original works namin sa modules at ibalik ang working money.


Gayunpaman, nagising ako nang maaga para sa storytelling.

Pagkatapos ng storytelling, nag-record ako ng audiobook ko. Natapos ko naman ang 'Handa Kami' at nai-post ko sa YT. Then, nagbasa rin ako ng storybooks for children.

Sa online class, itinuro ko uli sa mga estudyante ang pagsusulat ng natatanging kuwento. But, this time, nag-sample ako sa kanila habang nagdi-discuss. Mas effective ang demo teaching. Nakikita nila ang paraan o estilo ko ng pagsusulat. 

After class, umidlip ako. 

Gabi, sinimulan kong gawin ang digital illustrations ng 'Si Niknok, Tiktok nang Tiktok.' Nakakawiling gumawa. 



Nobyembre 19, 2021
Naging matagumpay ang unang linggo ng Aklatan sa Kalawakan ng SDO-LRMDS-Division Library. Sa Lunes at Martes, pahinga ako. Wala akong schedule.

Before 10:30, nagmiting kaming Grade 4 teachers tungkol sa mga bagay-bagay about our students. Then, nagkasundo kaming pumunta sa school sa Lunes para magbigay ng summative tests at modules.

After class, umidlip muna ako. Hindi muna ako dumalo sa TaRL training. 

Five ko na pinanood. After niyon, ginawa ko na ang IDLAR, saka ang FA masterlist ng Buko. Saka ko na hinarap ang paggawa ng digital illustrations. Past 10 na ako huminto. Kahit paano, marami akong natapos. Nakakaadik. Parang ayaw ko nang huminto. 



Nobyembre 20, 2021
Pagkatapos mag-almusal, nagbabad ako ng mga damit ko. At dahil umalis si Emily, nakapag-reorganize ako ng garden ko. Nagpahinga ako bandang 11. 

Past 1, umalis ako para bumili ng shoes na ipapares ko sa uniform ko. Gagamitin ko sa Lunes. 

Past 3, ako nakabalik. Antok na antok ako kaya umidlip ako hanggang sa dumating si Emily. 

Past 5:30 na ako nakapagbanlaw ng mga damit ko.

After niyon, hinarap ko naman ang panonood ng TaRL. Nakapagpasa rin ako ng Week 2 output ko.

Then, ipinagpatuloy ko ang pag-illustrate ng "Niknok..." Past ten na ako huminto. Dalawang pages na lang, matatapos ko na.



Nobyembre 21, 2021
Nag-gardening ako pagkatapos mag-almusal. Past eleven na ako nagpahinga. Sobrang nakaka-revive. Marami akong na-accomplish.

Habang nagpapahinga, nagbasa ako ng children's storybooks. Nabasa ko na halos ang mga binili ko sa Adarna noong nakaraang araw. Kailangan ko na namang bumili. 

After lunch, dahil nakaligo na ako, umidlip ako. Past 3:30 na ako nagising. Kundi dahil sa panggigising ni Emily, baka hindi pa ako naalimpungatan. Okay lang naman kasi nagsimba silang mag-ina. 

Pagkatapos,magkape, nagbasa uli ako. Inabutan pa nila ako sa sala. Ilang minuto pagdating nila, umakyat na ako para tapusin na ang illustrations ko ng 'Niknok.'

Natapos ko naman iyon after dinner. Nalapatan ko na rin ng audio. Kaya, before 10 pm, uploaded na iyon sa YT at sa mga FB pages ko. Isa na naman source of income ang nairagdag ko!



Nobyembre 22, 2021
Past 8, nasa school na ako. Nauna na si Sir Joel. Past 9:30 na kami nakompleto. 

Naging okay naman ang bigayan ng summative tests. Kahit hindi naman lahat kumuha, okay lang kasi nandoon kami hindi lang para mamigay kundi upang mag-check din ng modules.

Before 3, nagkayayaan na pumunta kina Ma'am Joan. Kaya, nagpasundo siya sa husband niya. Nagmotor naman sina Sir Hermie at Sir Joel. Matagal kaming naghintay sa kanila. Marami na kaming napagkuwentuhan.

Agad din kaming pumasok sa audio room para magkantahan at mag-inuman. Imported na Fundador ang hinain sa amin ni Mr. Remalante. 

Enjoy naman kami, lalo na't naki-join sa amin si Mr. Remalante. Past 10:30 na kami pinayagang umuwi. Nag-aaalala na kasi si Sir Joel.

At dahil hindi nag-reply si Emily, hindi na ako umuwi. Pinatulog na lang ako ni Sir Hermie sa kanila. Nasuka ako bago natulog. Nahiya tuloy ako sa mag-asawa.




Nobyembre 23, 2021
Past 7, ginising ako ni Sir Hermie para maaga akong maihatid sa bahay. Medyo may hang-over, kaya hindi na ako nakapag-almusal. 

Pagdating sa bahay, nahiga lang ako. Nalaman kong lowbat pala si Emily. Dala ko kasi ang charger ko. Kaya pala hindi niya na-seen ang chat ko kagabi. 

Maghapon akong nakahiga. Bumangon lang ako para dumalo sa virtual awarding ng division story writing contests. Apat na categories ang napanalunan ko. First place ako sa Kinder. May 2 second place at may 1 3rd place. Sana magtuloy-tuloy na ito at matupad ko na ang pangarap kong Palanca.

Umidlip uli ako pagkatapos. Past five na ako bumangon para magmeryenda. Then, nagbanlaw ako ng nilabhan o binabad kong shoes. 

Gabi, may gusto akong isulat o gawin about stories. Nag-edit ako ng mga kuwento ko. Pero, wala ako sa mood na magsulat. Nagsimula rin akong mag-digital illustrate ng 'Ang mga Hayop sa Dila ni Mommy." 

Naiinip na ako sa good news mula sa St. Bernadette. Ano na kaya ang balita tungkol sa royalty fee namin as module writers. Wala na ring update si Ma'am Nhanie.



Nobyembre 24, 2021
Nagawa ko namang maikuwento nang maayos ang 'Handa Kami.' First time kong gawing piece iyon sa storytelling. Mabuti, napraktis ko na iyon nang gawin kong vlog.

Walang online class ngayon dahil may summative tests pa. Pero, sabay-sabay ang activities. May Google Meet para sa GPTA election of officers. At may MS Teams sa Pakitang-Turo sa Filipino. Parehong required ang attendance, kaya pinagsabay ko. Halos wala nga akong maintindihan sa demo teaching. Sa tingin ko, walang bago. O walang interesting part. 

Umidlip ako after ng election. Naka-on lang ang sa demo teaching. Past four na ako bumaba para magkape.

Then after magdilig, umalis ako o
para i-withdraw ang Youtube salary ko. Na-disappoint ako kasi mababa ang palitan ng dollars. Pumapatak lang na P46+ per dollar. Kaya sa halip na P7k ang ini-expect ko, P6,500 lang ang natanggap ko. Gayunpaman. thankful ako kasi every two months na ako nakakakapag-withdraw o nakakalampas sa threshold na 100 dollars. Pasasaan ba't aabot ako sa six digits.

Nag-grocery ako sa Puregold bago ako umuwi. Makakabayad din ang tira sa internet at kuryente. Not bad.

Bandang nine, nagba-biking ako pagkatapos kong simulang lagyan ng audio ang digital illustrations ng kuwento kong 'Ang mga Hayop sa Dila ni Mommy.'



Nobyembre 25, 2021
Pagkatapos kong mag-storytelling, hinarap ko ang pagtapos sa audio recording ng kuwento ko. Nagawa ko naman iyon before lunch, pero hindi ko kaagad na-post sa YT at FB pages dahil may online class na.

Naging maayos naman ang online class, maliban sa last section. Mali-mali ang sagit nila. Pang-uri ang topic, pero pangngalan ang isinasagot nila. Na-highblood ko. 

Mas lalo akong na-HB nang mag-chat ng nakaka-offend ang admin aide namin. Kinukuwestiyon niya ang IWAR ko. Kulang raw ako sa accomplishment. 

Sinagot ko siya. Ipinaramdam ko ang inis ko. hindi siya nag-reply. Buwisit ako sa kanya. Akala mo, siya ang nagpapasahod sa akin. 

Gabi, habang gumagawa ako ng bagong digital illustrations, tinawagan ako ni Ma'am Nanie. Humingi siya ng tulong dahil hindi na kinaya ng kasamahan naming module writers na mag-submit ng mga bagong articles. 



Nobyembre 26, 2021
Na-offend ako sa chat ni Emily sa akin. Nag-send lang ako ng pictures ng invitation sa kasal ni Ma'am Nhanie, ganito na ang chat sa akin.: Ok lng sana umalis ka...ingat lang savirus kase yung uuwian mo dito ang mas mahalaga..may anak ka na nasa bahay lng..#stayhomegatmaari. 

May hashtag pang nalalaman. 

Sabi pa: Hubarin agad ang suot,
Maligo kung kelangan or Magsanitize..

Hindi ko napigilan ang sarili ko. Sinagot ko: (1)Grabe. Iyan agad ang nasa isip mo. Vaccinated ako. At lahat ng dadalo saa kasal.(2) Ikaw ang maghubad. (3) Bitterness. (4) Be happy sa events at achievements ko. Di mo ba alam na iyang bride ang nagdala sa akin sa publishing?

Hindi n siya nag-reply. Kung nag-reply siya, ipapamukha ko sa kanya, na makapal ang mukha niya. Lazada nga niya, ako ang nagbabayad. Plane ticket niya, ako ang nagbayad. Kapag ako ang aalis, andami niyang sinasabi. Nakakabuwisit talaga! Kaya, wala na akong pagmamahal sa kanya. Andaming sama ng loob na inabot ko sa kanya! 

Ngayon, kailangan ng ama niya ang pera para sa operasyon. Sa akin umaasa. Ang galing pa naman ng ugali niya. Ang sarap tulungan. 

Haist! Mapapabuntonghininga na lang ako.

Hindi ko siya kinibo kahit umalis ako para magpabunot ng ngipin. Nalaman niya lang na galing ko sa dental clinic, pagbalik ko.

After kong mabunutan at makainom ng gamot, inantok ako. Nanonood pa naman ako ng FB Live ng TaRL training. Pinagbigyan ko. Past six na ako nanood uli. 



Nobyembre 27, 2021
Very late na kaming nag-almusal. Past 8:30 na kasi ako nagising. Ayos lang naman dahil ilang araw ding kulang sa tulog. 

Habang nagkakape, nag-gardening ako. Pagkatapos ng almusal, humarap ako sa laptop upang gawin ang digital illustrations ng "Lolo Payaso." Dahil dito, hindi ako nakaidlip sa hapon. Hindi rin. ako nakapanood ng TaRL training sa FB live. Tinapos ko ito hanggang past 9. 

Diniliveran ako ng mag-asawang Biares ng maraming buko bandang past 10. Nakakatuwa! Puwedeng magbuko salad. 




Nobyembre 28, 2021
Pagkatapos mag-almusal, nagbiyak ako ng mga buko. Akala ko tutulungan ako ni Emily na magkayod para gawing salad, hindi pala. Ako rin ang nagkayod. Ako rin ang gumawa ng salad. Hanap ko na nga iyon nagawa. Hindi ko na lang siya pinansin, kaysa maasar pa ako.

Ngayong araw, marami akong na-accomplish. Nakapag-record ako ng audio at nakapag-upload ng vlog sa YT at FB pages. Nakagawa rin ako ng tatlong Google Forms na gagamitin ko sa pagtuturo. Nakapanood pa ako ng isang movie. Hapon, nakaidlip din ako. Sa gabi, bago matulog, nakapanood ako ng videos sa pagggawa ng figures gamit ang polymer clay. Na-inspire ako. Soon, ita-try ko iyon. 



Nobyembre 29, 2021
Maaga akong bumangon dahil may dalawang storytelling sessions ako sa PVES.

Grabe ang mg estudyante roon-- speaking dollars. Kinailangan ko ring sabayan sila. Masyadong advance. Mabuti na lang, naka-ready ang mga stories ko na akma sa kanila. 

After ng storytelling, Professional Meeting na naman with the principal. As usual, wala namang latoy ang mga pingsasabi. Reading mode. Gusto lang niyang mag-ayos kami ng classrooms para makakuha siya ng good points sa mga monitoring teams. Kailangan pa tuloy naming maglinis sa classroom. Ako, naglilipat pa.

Mabilisang ligo ang ginawa ko kasi past 11:30 na natapos ang lively meeting.

So far, mas okay gamitin ang Google Forms. Nailagay kong lahat ang nasa modules. Pabor iyon sa mga tamad magdulat ng sagot. Magki-click-click na lamang sila. Mas madali ko ring ma-checheck ang mga sagot nila.

After online class, sumubok akong umidlip, pero nabigo ako. Bukod sa mainit, naalala kong marami akong dapat ma-accomplish. Kaya, gumawa muna ako ng IWAR, saka nanood ng TaRL Training sa FB Live. Pagkatapos. sinimulan ko naman ang digital illustrations ng isa ko pang kuwento. 

Unti-unti ko nang nagagamay ang paggawa ng digital illustrations. Okay lang kahit 2D pa lang. Ang mahalaga, malagyan ko ng larawan at kulay ang mga kuwentong pambata ko. Double purpose. Pang-vlog na rin. 



Nobyembre 30, 2021
Nahirapan akong matulog nang maaga kagabi. Alas-dos na yata iyon nang madaling araw nang makatulog ako. Okay lang naman dahil wala namang pasok. Salamat kay Andres Bonifacio! 

Past 8, gising na ako, pero hindi ako agad bumangon. Past nine na ako bumaba. Paalis na niyon si Emily, patungo sa FVP office.

Pagkatapos magdilig, hinarap ko ang paggawa ng digital illustrations. Medyo mahirap ngayon ang ginagawa ko kasi puro actions-- mga larong Pinoy. Bawat pahina ay iba ang galaw, kaya matagal gawan. Okay lang naman, nag-enjoy naman ako.

Dumating si Emily nang gusto kong umidlip. Umidlip din naman ako pagkatapos kong antukin sa pinapanood kong movie.

Gabi, ipinagpatuloy ko ang paggawa ng digital illustrations. Nakapanood din ako ng isang cartoon movie, bago at pagkatapos mag-dinner. 
















 






Tibok ng Puso (Dula)

  Tibok ng Puso     Mga Tauhan:     *Lydia     *Brad   Tagpuan:     * Sa isang pamantasan   Eksena 1: Labas. Sa mapunong...