Followers

Sunday, October 1, 2023

Kwek-Kwek


Nagmamadaling lumabas sa eskuwelahan si Neneng pagkatapos ng klase. Dala ang bag, tumakbo siya patungo sa kalsada ng Leveriza.

 

Nadatnan niyang natutulog sa kuna ang bunsong kapatid niya.

 

“`Nay, bakit malungkot ka?” tanong niya.

 

“Matumal ang benta, Neneng,” tugon ng ina.

 

Nakita nga ni Neneng ang mga paninda ng ina. Marami pa ang gulaman at tokneneng na hindi pa nabebenta.

 

Napansin naman ni Neneng na dinadagsa ng tao ang tokneneng, fish ball, kikiam, at squid ball, na tinda ng iba. Marami ring bumibili ng calamares, barbeque, takoyaki, at iba pa sa mga katabi nilang tindahan.

 

Naawa siya sa kaniyang ina. Tiyak na pagod na pagod na ito sa maghapong pagtitinda.

 

“Magligpit na tayo nang makauwi na,” sabi ng ina.

 

Pinigilan ni Neneng ang ina, sa halip ay kumanta siya. Sumayaw rin siya sa saliw ng mga makabagong kanta.

 

Hindi nagtagal, dumagsa ang mga bumibili ng tokneneng nila. Kaya, lalo niyang ginalingan ang pagsayaw at pagkanta.

 

Tuwang-tuwang nagbilang ng benta ang kaniyang ina.

 

 

Magkakasamang umuwi ang mag-iina pagkatapos bumili ng gamot sa botika at ulam sa karinderya.

 

Sa bahay, masaya silang sinalubong ng ama, kahit nahihirapan itong maglakad at magsalita. Masaya nitong tinanggap ang kwek-kwek na dala ni Neneng.  

 

No comments:

Post a Comment

Ang Pinakamasamang Kuya

  Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...