Followers

Saturday, October 7, 2023

Makata O. Thoughts -- Mabait

Maaari ka pa ring maging mabait,

Kahit tinanggihan mo ang alok o pabor niya
Kahit ang mga pangangailangan ang iyong inuna
Kahit kinontra mo ang kaniyang gusto o ideya
Kahit naging totoo ka lang at prangka
Kahit lumalayo ka kapag toxic na siya
Kahit nagkamali ka at nagkasala sa kaniya
Kahit ipinaglaban mo ang sarili mong paniniwala
At kahit mas mahalaga ang iyong oras at pag-iisa.
Tandaan mo, maaari ka pa ring maging mabait
Kahit hindi ka perpekto at makasalanan ka.

No comments:

Post a Comment

Elias Maticas 13

Elias Maticas 13   Nag-iba ng daan si Elias upang umiwas sa mga tsismoso at tsismosa sa tindahan ni Manay Gloria. Kaya lang nahirapan na...