Followers

Saturday, October 21, 2023

Guro Problems -- Walang Ballpen

 Napansin ng guro na hindi nagsusulat ang isang estudyante.

Guro: Ano'ng ginagawa mo?

Estudyante: Wala po akong ballpen.

Guro: Pumasok ka nang walang ballpen? Haru, Diyos ko!

Estudyante: Naubusan po ng tinta.

Guro: Oo nga, So, wala kang gagawin?

Estudyante: (Ngumiti pa ito, na parang hindi apektado.)

Guro: Maraming estudyante ang mas malala ang problema kaysa sa iyo. Ang iba, walang kamay, walang paa, walang paningin, o walang pandinig. `Tapos, ikaw, ballpen lang, hihinto na ang buhay mo. So, ganyan ka lang buong hapon, sa lahat ng subject?"

Estudyante: (Kumilos na ito at nagkalkal ng ballpen sa bag.)

Guro: (Nakita niya ang estudyanteng nagsusulat, gamit ang ballpen na walang tinta. Napakamot na lang siya sa ulo.)


No comments:

Post a Comment

Ang Aking Journal -- Marso 2026

 Marso 1, 2026 Six-thirty pa lang, gising na ako. Ginusto ko pang matulog muli, pero ayaw na ng mga mata ko. Nag-tablet na lang muna ako b...