Followers

Tuesday, October 1, 2024

RESPONSIBILIDAD

 Responsiblidad ko bilang tao’y aking gagampanan

Edukasyon ay aking isusulong at pagbubutihan

Sarili ko ay aking pauunlarin at laging iingatan

Paligid at kalikasan ay aking pangangalaan

Oras para sa pamilya ay aking paglalaanan

Nangangailangang kapuwa ay aking tutulungan

Sisikapin kong maging mabuting mamamayan

Iiwasan kong lumabag sa mga batas at patakaran

Babantayan ko ang mga katiwalain sa bayan

Isusuplong ko ang mga abusado sa kinauukulan

Lagi kong ipagmamalaki ang kultura’t likas na yaman

Isasaalang-alang ko ang kapuwa’t kanilang kapakanan

Disiplina ay aking isasabuhay saanman at kailanman

Aking irerespeto ang mga karapatan ng mamamayan

Dakilang Diyos ay aking sasambahin at pasasalamatan.

No comments:

Post a Comment

Ang Pinakamasamang Kuya

  Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...