Followers

Saturday, August 4, 2018

Wikang Mapagbago

Noon, ang dila ng mga Pilipino,
naging Kastila, Hapon, at Amerikano.
Banyagang wika, nagdulot ng banyagang diwa,
na ang mga ninuno, sa ati'y ipinamana.

Wikang Filipino noong buuin at ipanukala
ni Quezon, na Ama ng Wikang Pambansa,
nanig ang pagka-makabansa at pagka-Pilipino
at nagbunga ang pagkakaisa't pagbabago.

Sariling wika, noong atin nang sinalita,
pagkabanyaga'y iwinaksi sa puso't diwa,
nilinang ang bayan--bayang nais kumawala,
hanggang makamit ang makinang na pag-asa.

Wikang Pambansa ay tunay na mapagbago.
Bawat isa ngayon, umaangat... lumalago,
habang ipinagmamalaki ang kulturang Pilipino.



Ang Aking Journal -- Hulyo 2018

Hulyo 1, 2018 Maaga pa lang, sinimulan ko na ang pag-tsek ng mga papel ng mga estudyante. Nairekord ko na rin. Madugong pagbabasa at pang-unawa ang ginawa ko dahil sa sulat-kamay nila. Gayunpaman, na-enjoy ko ang mga akda nila. Kahit paano, marunong na silang magsalaysay. Madugong pagtuturo pa nga lang ang kailangan ko. Kahit busy ako, ako pa rin ang nagluto. Tuwing Sabado't Linggo ko na lang nagagawang magluto, kasi laging teaching ang pinagkakaabalahan ko kapag weekdays. Ayos lang naman dahil nae-enjoy ko ang trabaho ko. Kanina, nag-spelling kami ni Zillion. Mahina siya sa spelling, kaya need kong gawin iyon kapag may panahon. Nagagawa ko ngang mapatuto ang mga pupils ko, why not my own child. Hulyo 2, 2018 Inspired akong magturo, hindi lang dahil maganda ang learning materials ko, kundi dahil alam kong matututo na naman sila at mag-eenjoy. Gaya ng mga nauna, gamit ko ang akda ko para mapatuto sila. Nagpakenkoy ako sa harapan nila habang nag-i-storyreading, gamit ang mga paper puppets. Hindi nga ako nagkamali. Nabigyan ko na naman sila ng bagong karanasan. Sobrang antok ko after class, kaya umidlip muna ako. Paggising ko, hinarap ko naman ang mga papel ng mga estudyante. Nagtsek ako, nagrekord, at namili ng mga akdang maaaring ilagay sa zines. Nakapag-encode ako ng apat n kuwento mula sa dalawang sections. Past five, niyaya ako ni Ma'am Mj, na kumain muna sa Harrison, since sabi ko sa kaniya, na pupunta ako sa NBS para bumili ng bond paper. Nag-bonding kami kahit sandali habang kumakain. Na-miss namin ang tatlo pang zeros. Ten (10) lang kami kaya hindi kami masyadong nakatawa. Pero, sulit naman. Past 8:00 na ako nakauwi. Uminit ang ulo ko sa tagal ng biyahe. Nasaktan ko tuloy ang damdamin ni Inday. Haist! Nag-print agad ako ng zines. Naka-15 copies lang ako kasi hindi ko na naman napansin na natuyuan na ang cartridge ng black ink. Nakakainis! Nasayang ang ibang bond paper. Quarter to ten na ako nahiga. Tired yet thankful sa mga nangyari sa akin maghapon. Hulyo 2, 2018 Inspired akong magturo, hindi lang dahil maganda ang learning materials ko, kundi dahil alam kong matututo na naman sila at mag-eenjoy. Gaya ng mga nauna, gamit ko ang akda ko para mapatuto sila. Nagpakenkoy ako sa harapan nila habang nag-i-storyreading, gamit ang mga paper puppets. Hindi nga ako nagkamali. Nabigyan ko na naman sila ng bagong karanasan. Sobrang antok ko after class, kaya umidlip muna ako. Paggising ko, hinarap ko naman ang mga papel ng mga estudyante. Nagtsek ako, nagrekord, at namili ng mga akdang maaaring ilagay sa zines. Nakapag-encode ako ng apat n kuwento mula sa dalawang sections. Past five, niyaya ako ni Ma'am Mj, na kumain muna sa Harrison, since sabi ko sa kaniya, na pupunta ako sa NBS para bumili ng bond paper. Nag-bonding kami kahit sandali habang kumakain. Na-miss namin ang tatlo pang zeros. Ten (10) lang kami kaya hindi kami masyadong nakatawa. Pero, sulit naman. Past 8:00 na ako nakauwi. Uminit ang ulo ko sa tagal ng biyahe. Nasaktan ko tuloy ang damdamin ni Inday. Haist! Nag-print agad ako ng zines. Naka-15 copies lang ako kasi hindi ko na naman napansin na natuyuan na ang cartridge ng black ink. Nakakainis! Nasayang ang ibang bond paper. Quarter to ten na ako nahiga. Tired yet thankful sa mga nangyari sa akin maghapon. Hulyo 3, 2018 Nasira ang schedule namin dahil wala si Sir Joel K. Gayunpaman, na-contain namin ang advisory class niya. Nakapasok ako roon nang hindi oras para lang mapatahimik sila. Nagawa ko naman. In fact, na-inspire ko silang magsulat. Napakatahimik nila. Lahat ay nagnanais makasulat ng maikling kuwento, lalo ipinakita ko sa tatlo ang akda nilang na-encode ko na. Kabaligtaran naman sila nang klase ko na. Sobrang gulo talaga nila kapag groupwork. Marahil dahil iyon sa unruly na sila. Last period na kasi nila ako. Masakit na rin ang vocal cords ko, kaya mabilis akong mainis. After ng klase, gumawa kami ng Mary-Joy ng tula para sa Nutri-Tula contest ng DOH. Natapos namn namin bago mag-4. I hope manalo siya. Then, hinintay namin (ako, Ms. Kris, at Papang) si Mj. Nagkayayaan kaming lumabas para mag-bonding. Past 5, nasa Shakeys-HP na kami. Sobra na naman ng kakulitan namin. Inabot kami ng 6:45 sa kuwentuhan at tawanan. Past nine tuloy ako nakauwi. Hulyo 4, 2018 Masagana ang almusal namin kanina nina Ms. Kris at Papang. Ako ang taya. Na-appreciate nila ang dala kong daing na galunggong. May pasaging pa ako at pakape. Sa canteen na kami bumili ng pritong itlog at kanin. Pag-akyat ko, busy pa rin ang mga estudyante ko sa seatwork nila. Hindi na naman natsekan dahil nag-meeting kaming Grade 6 teachers. Pinagplanuhan namin ang mga magaganap na parada sa Biyernes. Naturuan ko naman lahat ng sections na hina-handle ko. Naging referee pa nga ako sa suntukan ng dalawang estudyante. Nakakainis lang dahil kung kailan ako nagro-rollcall para makuha ang scores nila sa seatwork, saka naman nangyari. Haist! Ang buhay nga naman ng guro! Gayunpaman, pilit kong ini-inspire ang sarili ko, kasi kung hindi, hindi magre-reflect sa mga bata ang kagustuhan kong matuto sila at maging bahagi ako ng karanasan nila. Hindi ko inaalisan ng puso ang bawat ginagawa ko para kahit mahirapan man ako, masaya pa rin ako. Kaya, kahit araw-araw akong umuwi nang late, okay lang, maging hands-on lang sa bawat gawain nila. Talagang kailangan kong gawing religiously ang pagtsek, pagbasa, at pag-record ng mga output nila. Past 7 na ako nakauwi. Nalungkot ako kasi hindi pa rin okay ang printer ko. Wala pa ring black ink kahit sinalinan ko na. Andami ko pa namang ipiprint. Hulyo 5, 2018 Ginanap ang Holy Spirit Mass kanina, kaya hindi kami nagpalitan ng klase, lalo na't nagpabasa kami ng mga estudyante para malaman ang kanilang reading level. Kailangang maging totoo para sa remedial classes. After class, nag-stay muna ako sa classroom ko. Gumawa ako ng mga paperworks. Then, pumunta ako sa SM para bumili ng gift para kay Zillion. Dart ang napili ko. Narinig ko kasing gusto niya iyon. Pareho naming gusto. Tama nga ang sabi nila, kapag magreregalo raw, dapat piliin ang gusto mo dahil siguradong magugustuhan niya. Hindi nga ako nagkamali. Tuwang-tuwa ang anak ko. Hulyo 6, 2018 Past 7, nagparada kami. Bahagi iyon ng pagdiriwang ng Buwan ng Nutrisyon. Nakakatuwa pa dahil ang cute tingnan ng nga personalized shades with fruits and vegetables ang mga Grade Six pupils. Kami namang mga guro, nakasuot ng checkered na polo at naka-sombrero ng buri. Kami lang ang grade level na may uniformity, kaya naman mamatay-matay na naman sa inggit ang mga ahas sa school. Before 3, nasa City University of Pasay ako para mag-enroll. Mabuti na lang, open pa ang TS 101 (Seminar on Thesis Writing). Ito na lang ang kulang ko para sa Compre. Before 4, tapos na akong mag-enroll. Bumiyahe na ako pa-Cavite. Past 5 pa lang, nakarating na ako. Seven ang usapan namin ni Emily para magkita sa may sakayan. Nagyaya kasi si Zillion na i-celebrate ng birthday niya aa Mc Do. Since, maaga pa, tumambay muna ako sa Robinson's. Nanuod muna ako ng zumba. Guest zumba trainer nga si Wowie De Guzman. Ang husay pala talaga niyang sumayaw. Before seven, nasa Mc Do na kaming tatlo. Tuwang-tuwa si Ion sa birthday treat ko sa kaniya. Masaya na rin ako. Kaya lang, hindi pa rin maalis sa akin ang malungkot dahil ayon kay Flor, inoperahan si Hanna. May bukol daw ang mukha, malapit sa mata, dahil sa tigyawat. Naawa ako sa anak ko. Nalungkot din ako nang husto dahil hindi ko mabibisita at mapapadalhan ng malaki-laking halaga. Haist! Hulyo 7, 2018 Maghapon akong gumawa, nag-encode, at nag-design ng zine. Hindi ko nga lang ma-finalize kasi wala akong internet. Kailangan ko ng mga cliparts. Gayunpaman, marami akong naumpisahan at nakatapos. Kahit busy ako sa zine-making, ako pa rin ang naghanda ng lunch at dinner namin. Nakapagpagupit din ako bandang alas-6 ng hapon. Habang inaalagaan naman ni Emily si Zillion, na kahapon pa may sinat. Miss ko na ang gardening, pero hindi ko pa mae-enjoy dahil sa mga kapitbahay naming laging nakatanghod at nagpaparinig. Haist! Kailangan kaya sila titigil? Hindi pa ba sapat ang pandededma ko? O baka lalo silang nag-iinit? Hulyo 8, 2018 Gaya kahapon, maghapon uli ako gumagawa ng zines. Medyo ready to print na ang ilang titles, pero dahil wala pa akong net at hindi pa okay ang black ink ng printer ko, hindi pa ako makapag-print. Ang DLL at learning materials ko nga, red, brown, at gray ang print. Nakakainis! Pending tuloy ang bentahan ng zines. Hindi pa rin magaling si Ion. Pero, bandang gabi, humingi na siya ng pagkain. Nagutom yata sa dalawang araw na halos walang ganang kumain. Thanks. God! Hindi uli ako lumabas ng bahay kahit sa garden. Pabago-bago kasi ang panahon. Uulan, iinit. Anyways, healthy pa naman ang mga halaman ko. Sinisilip ko naman sila. Hulyo 9, 2018 Dahil walang pasok, late na akong bumangon. Paggising ko naman, agad akong naghanda ng breakfast para magawa ko na ang mga gusto kong gawin. Nakapagsulat ako ng mga tula gamit ang mga tugmang pambata sa Pilipinas. Parody kumbaga. Pasaring sa mga kapitbahay naming bugok. Maibsan man lang ang inis ko. Nakapaglinis ako sa banyo. Nakapagpaligo sa aso. Siyempre, priority ko ang zine-making. Nai-prepare ko na ang mga dapat iprint. May mga photos na rin. Bandang hapon, nag-bonding kaming mag-anak sa painting. Gamit namin ang canvas at acrylic paints na bigay ni Ma'am Joann. Natuwa ako sa dalawang output namin. Past 6:30 nakalabas ako ng bahay dahil wala si Bukbok. Mabilis lang naman. Kumuha lang ako ng oregano at nagdilig ng mga halamang hindi nauulanan. Hulyo 10, 2018 Napuyat ako sa kaaabang ng suspension of classes. Gayunpaman, maaga akong nakarating sa school. Kakaunti lang ang estudyante pumasok. Dalawang dahilan ang naisip ko. Una, dahil sa masamang lagay ng panahon. Ikalawa, dahil 6:00-9:00 am lang ang klase namin. Nagturo ako sa advisory class ko. Then, wala na. Nag-Phil-Iri (Filipino) na lang ako. Wala naman sa hulog ang schedule. Kulang na ang bata, andami pang trabaho. Haist! Before, nagsimula ang faculty meeting slash seminar about RPMS, naturuan at napasulat ko pa ng balita si Samatha P. Past one, nagsimula ang "walang kuwentang RPMS-IPCRF" ek-ek. Nag-FB lang ako at kumain habang sila ay nagbabaliktaktakan. Nakakasawa ang evaluation for teachers. Wala akong nakikitang magandang dulot para sa amin. Dagdag trabaho lang at nagtuturong mandaya ang mga guro. Gayunpaman, naroon ako para unawain dahil required ang bawat guro na mag-undergo niyon. Gagawin ko pa rin iyon dahil nasa sistema ako. Poor boy! After nito, nagkayayaan ang #10000 na magkape. Sa JCo kami nag-bonding. Matagal kami roon. Past 6 na kami natapos sa kuwentuhan at kulitan. Nawala ang mga streas namin. Kaya lang, pag-uwi ko, hindi ako pinansin ng birthday girl. Binati ko naman at sinabing wala siyang handa. Hindi niya siguro alam na halos sa bills at pagkain lang napupunta ang sahod ko. May mga anak pa ako at isang magulang na sinusuportahan. Haist! Sana hibdi handa ang dahilan. Sana dahil lang sa masama lang ang pakiramdam niya.... Kasi kapag ako ang magtampo, baka hindi niya magustuhan. Hulyo 11, 2018 Ikalawang araw ng shortened classes. Nagturo ko sa advisory class ko ng pagsulat ng sanaysay. Naibida ko rin sa kanila ang zine nilang 'Takot Ako,' since kailangan kong magbasa ng sample ng mga talata. After ng class, tinuruan ko si Rovie ng pagsulat ng tula. Pinasulat ko rin siya. Mabagal pa magproseso ang utak niya. Naunahan ko pang makagawa. Eleven na nang pinauwi ko siya. Isng saknong lang ang naisulat niya. Haist! Madugong pagtuturuan ito. Kailangan naming manalo sa division para makapasok sa regional ng patimpalak sa Tulkas (Tula at Bigkas). One pm, nag-start na ang RPMS seminar. Nakapag-tsek ako ng mga papel ng mga bata. Umidlip din ako. Past 3:30 na natapos. Ayaw ko pa sanang umuwi, kaso niyaya na ako ng group ko. Tinatapos ko kasi ang pagsulat ng info sa ID cards. Hulyo 12, 2018 Naging abala ako maghapon. Pinokusan ko ang Phil-IRI. Natapos ko nga ang Filipino at nasimulan ang sa English. Nakapag-train ako sa pagsulat ng tula. Nakipag-brainstorm with Mam Vi. Bandang ala-una, sinama ako ni Ms. Kris na um-attend sa meeting ng paggawa ng action research sa SDO. Naging blessing iyon sa akin dahil kailangan ko talagang makapagpasa niyon. Nagkataon pang hawak iyon ng Basic Education Research Fund, na nagbibigay ng P30k na pondo sa mga approved na research. Nagkainteres ako, lalo na't ang zine-making ang gusto kong pag-aralan at isaliksik. Past 3, nakabalik pa ako sa school. Tapos na ng seminar ng RPMS, pero nakaabot pa ako ng meryenda. Agad ko namang sinimulan ang proposal ko. Kailangan kong maipasok agad ang mga ideya ko, lalo na't July 18 ang deadline. Past 5, umuwi na kami nina Papang at Mj. Past 7 ako nakauwi. Naiinis pa rin ako sa black ink ng printer ko. Pending tuloy ang printing ng 'Takot ako' zine ng VI-Love. Hulyo 13, 2018 Friday the 13th ngayon. Nakarating ako nang maaga at safe sa school. nakapag-almusal pa ako with Ms. Kris and Papang, habang nagsusulat ang advisory class ko. Last day na ngayon ng roll-out ng RPMS. pero hindi ko pa napabasang lahat ang pupils ko. Andami kasing distractions!Gayunpaman, masaya ako dahil naka-bonding ko sina Ma'am Vi. Sir Joel K, at Ma'am Madz habang nagla-lunch kmi. Dumating rin si Papang. Natulungan ko si Papang sa kaniyang task (SIP) bago at habang may roll-out. Natapos ko iyon bago mag-adjourn. Past 4, lumabas n kami sa school. Maaga naman akong nakauwi. Agad kong hinarap ang action research proposal kong "ZINE (Zealous Intervention for Neo-Education) System: A Scheme to Enhance Reading and Develop Writing Prowess of Grade Six Pupils." Kahit paano, mahaba-haba na ang aking nagawa. Hulyo 14, 2018 Nagbabad ako sa higaan para mabawi ko ang ilang araw kong puyat. Nasolb naman ako. Nakapag-exercise pa ako bago nag-almusal. Maghapon akong nag-laptop. Gumawa ako ng learning materials at zines. Naghanda ng DLL. Nagdagdag sa action research proposal. Nagbasa ng mga sulatin ng pupils ko. At siyempre, umidlip din ako. Hindi ko nga ang nagawang mag-update ng mga naka-pending kong nobela. Gayunpaman, happy ako dahil nakapag-sign up ako sa Noink, writing site ng ABS-CBN. Mas malapit sa opportunities ang mga writers kapag na-approve doon ang pinublish na akda. Sana mapili ang isa sa mga gawa ko. Hulyo 15, 2018 Gaya kahapon, maghapon akong tahimik. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. baata ang alam ko lang, nahihirapan ako sa finances namin. Feeling ko, pambayad lahat sa bills ang kinikita ko. Naiinis tuloy ako sa asawa ko. Pakiramdm ko, hindi siya marunong humawak ng budget. Imagine, P2000 ang binibigay kong pang-grocery, weekly. Huwebes pa lang, kailangan ko nang humugot sa bulsa ko para sa iba pang pangangailangan. E, tatlo lang naman kami. Nariyan na ako... Mahal na ang mga bilihin ngayon dahil sa TRAIN Law, pero pambihira! Hindi na ako makatulong sa pamilya at ina ko sa Antipolo. Past 9, nagkasagutan kami, bago siya namalengke. Binigyan ko lang siya ng P1000 at sinabi kong tirhan niya ako ng pamasahe bukas. Pagbalik niya, nagsagutan na naman kami. Akala niya, madali lang magtrabaho at mauwi lang sa wala ang kinikita ko. Akala rin niya siguro, pinagdadamutan ko silang mag-ina. Ang totoo, said na said na ako. Ang gusto ko lang naman ay maging wise sila sa paggastos at pagkunsumo. Iwasan ang mga pagbili ng mga bagay na hindi kailangan at ang pag-aksaya ng pagkain. Alam ko, magiging okay ang lahat. Kaunting pasensiya lang. Hulyo 16, 2018 Napuyat ako sa lakas ng ulan kagabi. Halos, apat na oras lang ang tulog ko, kaya naman, pagdating sa school, wala ako sa mood. Mabuti na lang, wala ring pormal ang klase. Kakaunti kasi ang bata. Dalawang sections lang ang naturuan ko. Gayunpaman, hindi ko ipinaramdam sa kanila na wala akong ganang magturo. As is pa rin ang enthusiasm ko. In fact, all ears sila sa bago kong estilo--ang i-integrate ang Araling Panlipunan sa Filipino subject. After class, may dalawang guardians na dumating. Ilan lang sila sa pinatawag ko dahil sa attitude ng anak nila. Ang kaso, past two na ako nakapag-lunch. After class, tinapos ko na ng proposal ko. Ready to submit na ito. Nakaidlip rin ako bago umuwi. Hulyo 18, 2018 Dahil kagabi pa lang ay in-announce na ang suspension of classes, nagpakapuyat ako sa paggawa at pag-print ng zines. Nakapag-stay pa ako nang matagal sa higaan. Then, maghapon na akong nas harap ng laptop para naman sa ibang zines. Nag-print pa ako ng iba pang titles. Nakagawa rin ako ng learning materials para bukas. After kong maligo, umidlip ako. Mabilis lang akong nagising, kaya nagsulat na lang ako. All in all, napaka-productive ng araw ko. Sulit! Maghapon pa rin akong tahimik. Hindi pa rin kami gaanong nag-uusap ni Inday. Bukas, sana okay na ang panahon. Birthday ko na, e. Hindi ako masyadong excited, pero alam kong marami ang babati sa akin. Hulyo 19, 2018 Masayang-masaya ako ngayong araw. Nakita ko ang efforts ng mga estudyante now and last school year. May nagdala ng donuts. Ng chocolate. Ng ensaymada. Sinorpresa pa ako ng advisory class ko ng cake. At, ang hindi nawala ay ang mga greetings cards, na siya namang nagpapaiyak sa akin. Ang gaganda ng mensahe nila. Grabe! Hindi oo akalaing ganoon katindi ang inspirasyon ko sa kanila. I'm blessed! I'm also blessed with good friends like my Tupa slash 10000 group. Sinorpresa uli nila ako ng cake, gaya last year. Sobrang saya! Pag-uwi ko naman, binati ko na ang inday ko. Okay na kami. Masaya na uli kami. Thanks, God for the thirty-eight years of existence! Hulyo 20, 2018 Maaga akong bumangon para makapagprito ako ng daing, na aalmusalin sana namin nina Papang at Ms. Kris. Kaya lang, suspended ang klase. Naiinis ako! Sayang ang pagbiyahe ko. Gayunpaman, hindi namin sinayang ni Papang ang araw na iyon dahil niyaya niya akong pumunta kina Ms. Kris. Sayang lang dahil hindi nakapunta sina Mj at Belinda. Okay ang naman. Masaya pa rin kami dahil panay ang tawanan namin, kasama si Kuya Allan at ang anak-anakan nila ni Ms. Kris, na si Miguel. Sobrang kulit! Grabe naman ang kabusugan namin sa lunch naming adobong adidas at pritong daing. Nag-tea nga kami pagkatapos. Grabeng saya ng kuwentuhan at kulitan namin. Na-enjoy ko. Later, nang umakyat na si Kuya Allan, naglaro rin kami ng tong-its habang naghihintay ng meryendang pinabili ko. Sa kabila ng kasiyahang iyon, nalungkot ako nang sobra-sobra sa private messages ni Emily. Grabe! Nagseselos siya. Hindi naman dapat niya pinagseselosan sinoman sa mga kaibigan ko dahil magkakapatid ang turing namin sa isa't isa. God knows. Nakakagalit lang dahil nagpapakabaliw at nagpapakaboba na naman siya. Mas matatanggap ko pa ang pag-innarte niya kung isa akong mabisyong tao. E, samantalang grabe ng pag-iingat ko sa dignidad ko, tapos sisirain lang niya. Aysus! Lahat ng ginagawa ko ay para sa ikabubuti ng karera ko, para sa mga estudyante ko, at para sa pamilya ko. Hindi ko deserve na pag-iisipan pa ng masama dahil lang naglalaan ako ng oras para sa mga kaibigan ko. Hindi niya ba alam na nawawala ang stress at pagod namin kapag nakakatawa kami? Dapat nga ipagpasalamat niya dahil may mga kaibigan akong totoo at handang dumamay sa akin. Past six na ako nakauwi. May bisita siya, kaya hindi ko siya nakausap agad. Past 8 ko na siya pinagsabihan. Kako, hindi maganda ang iniisip niya. Ako ang ipinahihiya niya. Hindi siya kumibo. Sana lang, ma-realize niya ang kamalian niya, bago pa siya mapahiya. Hulyo 21, 2018 Maaga akong umalis at dumating sa GES para kunin ang planner ko, kung saan nakasuksok ang class card ko. Kailangan ko iyon sa masteral class ko. Unang Sabado pa naman. Napaaga ako nang husto sa CUP. Alas-siyete pa nagpapasok. Kaya naman, may chance pa akong mag-almusal. Past 8 na ang ma-meet ko ang president na CUP at ang aming professor sa TS 101: Seminar on Thesis Writing. She looks terror, but she's nice. She deals with us pleasantly. Pinag-self-introduce kami. Then, she also tells a tale about her, bago siya nagbigay ng assignment. After ng klase, nakisalo ako sa pagmemeryenda nina Ma'am Gigi, Sir Joel, at Sir Jonas ng CES. Pagkuwa'y lumabas na ako. Hindi pa ako nakakasakay, nagchat si Emily. Akala ko okay na kami kagabi dahil pinagsabihan ko na siya. Hindi nga siya kumibo. Iyon pala, grabe pa ang galit niya. Hindi rin ako nagpatalo. Dumating sa point na pinalalayas ko na siya. Grabe kasi siya. Hindi makaunawa. Para na siyang may sira sa ulo. Wala sa lohika. Ayun, na-stress ako. Hindi agad ako nakaalis sa kinauupuan ko. Nagpatulong ako sa 10000 grouo. Nakachat ko sina Papang at Mj, at later si Belinda. Pinayuhan nila ako. Pinatawa. Nagkayayaan pa nga kami. Napagdesisyunan namin na sa Zinnia kami pumunta ni Mj, sa halip na kina Belinda. Past 3, nandoon na kami. Masayang kuwentuhan at payuhan ang naganap doon. Kahit paano lumuwag ang dibdib ko. Past 6, umuwi na kami ni Mj. Past 9:30 naman ako nakauwi. Umakyat kaagad ako pagkatapos kong magsipilyo. Sobrang antok ko na kasi. Naisip kong bukas na lang namin ayusin ang problema. Hulyo 22, 2018 Hindi ako agad lumabas sa kuwarto ko, lalo na't nag-chat kami ni Daba. Nagtanong siya kung paano magkaroon ng publication para sa MT ranking. Inabot kami ng halos isang oras at mahigit. Alas 9:30 na yata iyon nang kumatok si Inday. Napangiti na lang kami. Tinanong niya ako kung gusto ko ng kape. Umoi ako. Pagbalik niya, may breakfast-on-bed na ako. Then, nagsalita na siya. Wala akong gaanong sinabi. Pinakinggan ko lang siya, habang nag-aalmusal ako. After noon, nagsimula na akong maglinis sa kuwarto ko. Nag-reflect na sa aming mag-anak ang kasiyahan. Thanks, God! Maghapon ang pagbuhos ng ulan. Kaya naman, sinuspende na ang klase sa Cavite at Pasay, gayundin sa ibang lugar. Wala na namang pasok. Sayang ang learning materials ko na panglunes. Aabutan na naman ng Martes. Haist! Gabi, nakagawa na ako ng tatlong thesis titles. Sana ma-approve ni Dr. Libuit ang kahit isa sa mga ito. Hulyo 23, 2018 Dahil walang pasok, naging abala ako sa mga gawaing-bahay. Nakapagbasa rin ako, nakapagsulat, at nakapag-edit. Sa hapon, nakapag-gardening ako. Ako rin ang naging cook maghapon, maliban sa almusal. Bukas, sana magkapagturo na ako nang maayos. Wala na sanang distractions. Ang kaso, imimiting yata kami ni Ma'am about sa journalism, na dapat sana ay noong Friday pa. Hulyo 24, 2018 Kahit paano nakapagpalita kami ng klase. Maliban sa VI-Charity, naturuan kong lahat. Nag-meeting kasi kami. Kakainis lang kasi hindi naman pala gaanong mahalaga ang pinag-usapan. Kahit wala na sana ako roon. Puwede namang i-chat na lang. Haist! Time-consuming! Apektado tuloy ang mga bata. Hindi pa rin nagbayad si Mam Gie. Ni hi, ni hoy, wala rin siya. It's been 4 months na. Grabe. Ako pa ang nahihiyang maningil. After class, nag-stay uli ako sa classroom ko. Nag-check. Nag-record. Umidlip. Nagmeryenda. Past 7 na ako dumating. Masaya naman ako kahit pagod. Agad din akong nag-print ng LMs ko para bukas. Natuwa akong malaman nang makita kong published na ang stories ko sa noink ng ABS-CBN. Sana mapansin nila ang script ko at ang "Pagsubok ni Lola Kalakal." Hulyo 25, 2018 Maaga akong bumango para magprito ng daing na galunggong para sa almusal namin nina Papang at Krissy. Maaga rin akong nakarating sa school. Sa wakas, naturuan ko na ang VI-Charity. Naging all-ears sila. Effective ang pag-iinspire ko. Kahit paano, marami-rami rin ang napasulat ko pagkatapos ng discussion. Sobrang busy ako kanina, after class. kulang ang apat na oras para matapos ko ang pagbabasa ng mga sulatin nila. Gusto ko pa sanang i-encode ang magagandang akda, kaya lang ginahol na ako sa oras. Umidlip pa kasi ako. Gayunpaman, nakagawa ako ng plano at learning materials para bukas. Past 7:30 na ako nakauwi. Sobrang traffic sa Tejero. Hulyo 26, 2018 Naging epektibo na naman ang pagtuturo ko sa limang seksiyon. Gumamit ako ng mga puppets sa storytelling ko. Napasulat ko rin sila ng salaysay, na siyang layunin namin sa araling iyon. Kaya lang, medyo sumakit ang lalamunan ko. Mahirap magsalita nang magsalita nang walang tigil. Gayunpaman, na-enjoy ko ang buong araw ko. After class, nag-TQC kaming grade six teachers. Naglabas kasi ako ng hinaing kay Ma'am Vi about the principal. Binigyan namin ng solusyon ang problema naming lahat sa pagiging autocratic leader ni Ma'am L. Hindi niya napapansin ang mga pangangailangan namin. Sa halip, ipinagdadamot pa niya, like password ng wifi. Past 2, nasa meeting ako ng SPA o journalism. Pinagplanuhan namin ang nalalapit na Pasay City Schools Press Conference. Nabigla ako dahil sa Agosto 20 na ito magsisimula. Wala pa nga akong na-finalize na campus journalists at trainers. Nawalan kasi ako ng ganang maging school paper adviser. Past 4, natapos ng meeting. Maaga akong nakauwi. Naghanda agad ako ng LM at minutes of the meeting. Hulyo 27, 2018 Naging abala ako kaninang umaga dahil sa journalism. Nagpatulong ako kina Ma'am Vi at Sir Joel sa pag-identify ng nga campus young journalists at sa mga categories nila. Mabuti na lang, may LM ako at nakapagturo ako kahit paano sa advisory class ko, kaya busy rin sila. Hindi na kami nakapagpalitan dahil may closing program ng Nutrition Month. Nagawa ko rin ang task ko as SPA. Nabigyan kong lahat ng trainees ang nga trainers. Ako ang magtri-train sa column writing, ang pinakabagong category. After class, nag-train ako ng mga journalist at trainers. Nakipagmiting rin ako sa mga Filipino subject teachers para sa division contest at Buwan ng Wika. Haist! Trabaho na naman. Bago ako umuwi at past 4:30, nagtsek muna ako ng mga notebooks ng pupils ko. Maaga-aga akong nakauwi. Nakapagprint pa ako ng autobiography at nakapag-post sa noink. Kulang ang time para magawa kong lahat ang mga gusto ko. Past ten na ako umakyat para magpahinga. Feeling fulfilled. Hulyo 28, 2018 Maaga akong nakarating sa CUP, kaya nakapag-almusal. Kaya lang, pinaghintay kami ni Dr. Libuit. Past nine na siya dumating. Okay lang naman dahil nakapagtsek pa ako ng mga papel ng VI-Love. Supposedly, invited ako sa birthday party ng anak nina Ma'am Leah at Sir Joel, kaya lang 4:30 pa ng hapon. Natatae na ako. Isa pa, andami kong gustong gawin da bahay. Kaya, umuwi agad ako. Nagpasabi na lang ako kay Ms. Kris na hindi ako makakadalo. Pag-uwi ko, naawa ko kay Angelo. Nagkasugat na ng katawan niya dahil sa tali niya. Namamaho na rin siya. Muntik nang makagat si Emily nang gugupitin niya ang tali. Habang bumibili siya ng sleeping pill para mahawakan namin ang aso. Ako naman ay nag-iisip ng paraan. Alam kong hindi siya makakabili Pagdating niya, ikinulong ko si Angelo sa kulambo. Safe kami. Epektibo naman dahil nakalas namin ang tali niya. Guminhawa na rin ang pakiramdam niya. Kaya lang, hindi pa rin nmin mapaliguan. Gayunpaman, nakahinga kami nang maluwag. Solved ang problema. Sugat na lang niya ang gagamutin namin. Past 4 na ako nakaidlip dahil sa kae-encode at iba ang may kinalaman sa zine. Humina lang ang net, kaya hindi ako nakapag-email para sa "Librong Itim" at hindi ako nakapag-download ng DLL. Hulyo 29, 2018 Sa wakas, bumalik na ang signal ng internet. Nakapag-send na ako ng entry sa Black Ink's Librong Itim. Sana makapasa. Maghapon rin akong nag-edit, gumawa, at nag-print ng zine. Bukas, iprepresente ko na sa pupils ko ang Volume 2 ng 'Zine of Hope,' ang 'Kaibigan,' at 'Laot. Ang huling dalawa ay bahagi ng koleksiyon ko. At, siyempre, nakapaghanda ako ng DLL at LMs para bukas. Hulyo 30, 2018 Muntik na akong ma-late kanina dahil sa traffic sa Coastal. Five: fifty-five na akong nakapag-time in, pero nasa taas na ang mga pupils ko. Anyways, puspusan na sana ang turo ko. Hindi ko alam na, babalik na pala kami sa dating schedule. Kinuha na ni Ma'am Vi ang Filipino niya sa VI-Charity dahil ayon kay Sir Torres, 4 teaching loads lang daw ang dapat hawak ng school paper adviser, basta makapag-produce ng diyaryo. Enjoy ko rin sana ang lesson ko, kaya lang maaarte ang ilang groups ng dalawang magkasunod na sections, kaya hindi ko na sila pinag-perform. Ang dalawa namang sections, pinagsulat ko na lang dahil lack of time. After class, mga 2 pm, nag-meeting kami ni Ma'am L sa JRES about collab and broadcasting. Naroon din ang principals ng JRES. ABES, at PVES, gayundin ang tatlong trainers mula sa school na iyon. Naging vocal ako sa mga suggestions ko at nasunod naman. Sana hindi ako naging bida-bida. Past 4, tapos na ang meeting. Kaya, before six, nakauwi na ako. Nauna pa ako sa mag-ina ko. Hulyo 31, 2018 Wala ang adviser ng VI-Faith, pero tuloy pa rin kami sa pagtuturo at pagpapalitan. Naging busy rin ako sa ipinagawa sa akin ni Sir Erwin. Pina-interpret niya ako ng summary ng IPCRF. Nag-start na rin ang collaborative at broadcasting training sa JRES. For the first time, hindi ako ang trainer. Si Erwin na ang ipinalit ko. Mabuti, pumayag siya. After class, nag-coop board meeting kami. Trabaho na naman. Then, nag-stay ako till past five. Tinapos ko ang interpretation ng IPCRF. Nakapagtsek at nakapagrekord pa ako. Gabi, tinulungan ko si Ma'am Bettina ng Pasay West na maipost sa KAMAFIL ang tula niya noon sa Baguio, nang nagkasama-sama kami sa journalism workshop. Para iyon sa ranking niya for MT 2. Sana ma-credit iyon.

Minsan, sa Basurahan

"Ang babaho naman ninyo!" maarteng sigaw ni Mikay Plastik. "Lumayo nga kayo sa akin!" Nagtakip siya ng ilong.

"Hay, naku! Sinabi mo pa, Plastik," sabad ni Melay Papel. Nakapamaywang pa siya. "Bakit ba naman kasi tayo napasama sa kanila?"

"Ang arte naman ninyo! Kapareho lang naman namin kayong basura," nauuyam na sa singhal ni Bentong Tinik.

"Excuse me! Hindi kami basura. Napakikinabangan pa kami." Inirapan pa ni Mikay Plastik si Bentong Tinik.

"E, bakit narito kayo sa basurahan?" sagot naman ni Bino Buto. Isa siyang buto ng manok.

"Isa ka pa! Katulad mo lang naman itong si Bentong Tinik. Wala na kayong silbi pagkatapos ibasura." Ngumisi pa si Mikay Plastik.

Katulad ni Bentong Tinik, napahiya rin si Bino Buto. Hindi na siya kumibo, lalo na't tahimik rin sina Bong Bote at Gina Lata. Hindi niya alam kung kamampi niya ang mga ito o hindi.

Naging tahimik sa loob ng basurahan, maliban sa ingay ng mga langaw sa paligid nila.

Nakatakip pa rin ng ilong si Mikay Plastik. Samantalang iwas na iwas naman si Melay Papel kina Bino Buto at Bentong Tinik kasi nababasa siya.

Lumiwanag ang paligid. Isang matandang lalaki ang nagbukas ng basurahan. Sinipat-sipat niya ang laman niyon.

"Ayan na! Kukunina na niya tayo!" sabi ni Mikay Plastik.

"Oo nga!" dagdag pa ni Melay Papel. "Hoy, Manong, nandito ako. Pakikinabangan mo ako. Hoy!" sigaw niya.

Parang nadidiri at naduduwal na ibinlik ng mama ang takip ng basurahan. Muling dumilim ang loob niyon.

"Nakakainis! Hindi tayo kinalkal!" reklamo ni Mikay Plastik.

"Ito kasing mga buto-butong ito, panira ng araw! Ang babaho! Kahit langaw ayaw na kayong kainin," sabi naman ni Melay Papel.

"Oo na, kasalanan na namin," sarkastiko, ngunit nakangiting sagot ni Bentong Tinik.

"Hindi natin kasalanan, Bentong Tinik," bulong ni Bino Buto. "Sadyang wala lang disiplina ang mga tao. Ayaw nilang maging malinis ang paligid nila. Ang tingin tuloy sa atin ng iba, basura. Ang totoo, ang tunay na basura ay ang mga taong ayaw magpahalaga sa bagay na mapapakinabagan pa, gayundin ang mga taong walang awa kung sirain ang kalikasan na kanilang ginagalawan."

"Tama ka," sang-ayon ni Bentong Tinik. "Pero, tanggap ko nang hanggang basurahan na lang talaga ako."

"Huwag kang magsalita ng ganiyan," sabad ni Gina Lata. "Naniniwala akong pare-pareho tayong may silbi. Hindi nga lang nila alam kung paano tayo pakinabangan.

"Basta ako, masaya ako kahit saan ako mapadpad. Huwag lamang akong mababasag," sabi naman ni Bong Bote.

"Pinagtsitsismisan ba ninyo kami ni Mikay Plastik?" nakapaywang na tanong ni Melay Papel.

"At bakit ninyo kami pinag-uusapan? Naiinggit kayo sa amin dahil kami ang madalas na i-recycle ng mga tao?" mataray na tanong ni Mikay Plastik.

Walang sumagot sa mga tanong nila.

"Kapag may dumaan uli, I'm sure, kami ni Melay Papel ang kukunin. Hindi kayo. Wala kasi kayong silbi."

Nagkibit-balikat lang si Gina Lata.

"Sana... Sana kundi na kayo para wala nang maingay at maaarte rito," bulong ni Bentong Tinik.

Narinig iyon ni Bino Bito, kaya natawa siya.

"Ay, grabe sila, o! Kung makatawa, wagas. Tingnan natin..." ani Melay Papel.

Saglit na natahimik ang mga basura nang biglang lumiwanag ang loob ng basurahan.

Nakita nilang dumukwang ang dalawang batang lalaki. Kinalkal nila ang basurahan.

"Narito kami, mga bata!" sabi ni Mikay Plastik.

"Yes, kids! Maaari ninyo kaming gawing bagong bagay o kaya ay ibenta sa junk shop," dagdag ni Melay Papel.

"May plastik, o!" Hawak na ng isang bata lalaki si Mikay Plastik.

"Ba-bye, mga kasama. I told you, hindi ako basura," kumakaway-kaway pang sabi ni Mikay Plastik.

"Ito,  papel... Kailangan din natin ito, Kuya," sabi naman ng batang babae. Hawak na niya si Melay Papel.

Inirapan ni Melay Papel sina Bino buto at Bentong Tinik. "Hay, salamat, makakatakas na ako sa nakakadiring lugar na ito." Humalakhak pa siya.

Nakihalakhak pa si Mikay Plastik. "Bes, tagumpay tayo."

"Korek!" maarteng sagot ni Melay Papel.

"Halika na, Kuya, sunugin na natin ang mga langgam sa bahay," yaya ng batang babae.

Nagtawanan sina Gina Lata, Bong Bote, Bentong Tinik, at Bino Buto. Alam nilang susunugin nila ang mga langgam, gamit sina Mikay Plastik at Melay Papel.

Muling dumilim sa loob ng basurahan. Napuno iyon ng tawanan ng apat na basura. Hindi na nila narinig ang paghingi ng saklolo ng dalawang basura na dala ng dalawang bata.



Ang Aking Journal -- Agosto 2018

Agosto 1, 2018 Muntik na naman akong ma-late. sobrang traffic sa Coastal. Tapos, ang bagal pa ng dyip na nasakyan ko. Kakainis! Nagpasulat lang ako ng kuwento sa lahat ng sections. Application lang iyon ng aralin namin kahapon. Na-enjoy naman nila. Nag-meeting kaming Grade Six teachers about sa pinagmeetingan ng mga GLs at principal. Nainis lang ako. Puro research na walang kapararakan ng ipinapagawa sa amin. Samantalang, nasa lower grades ang problema. Kung doon pa lang ay nasolusyunan na, hindi na sana kami apektado. Nagpa-poster-making contest ako s advisory class ko, habang nagti-train sa column writers ko. Then, nang makauwi na sila, nag-stay ako sa classroom ko at nagbasa, nagtsek, at nagrekord ng mga akda ng bata. Hindi ko natapos sa sobrang dami. Isiningit ko pa kasi ang pag-idlip. Past 7:30 na ako nakauwi. Ang sakit ng uli ko! Agosto 2, 2018 Kahit nagkaroon ng parada at maikling palatuntunan at kahit kulang kaming mga guro sa araw na ito, nagturo pa rin ako sa advisory class ko. Sinikap kong maraming silang natutuhan. Medyo pasaway lang talaga kapag buong araw kaming magkakasama. Mahirap kapag walang palitan ng klase. After class, nagtsek at nagrekord uli ako ng mga sulatin ng mga estudyante, bago at pagkatapos kong nakaidlip sa classroom ko. Before five, lumabas na ako sa school. Kahit paano, marami akong na-accomplish. Nakapag-encode pa nga ako ng dalawang akda. Andami kong gustong gawing makabuluhang bagay. Kulang nga lang sa oras. Hindi pa nga ako nakakagawa ng mga isusulat ko sa thesis titles proposal. Sa Sabado na iyon. Kailangan ko nang makagawa ng Chapters 1-3 ng thesis. Agosto 3, 2018 Iniwan ko sa mga kaguro ko sa Grade Six ang advisory class ko para dumalo sa 'Pansangay na Patimpalak sa Madulang Pagkukuwento at Sulat-Bigkas Tula' sa JRES. Si Rovie ang kandidata ko para sa sul-kas tula. Confident akong mananalo siya. Matagal natapos ang paligsahan. Hindi naman kami nagutuman dahil nagpadala ng pagkain si Ma'am, kaya lang nabigo kaming maiuwi ang hamon. Walang napanalunan ni isa ang GES. Gayunpaman, marami akong natutuhan. Next time, mas gagalingan ko ang pag-train. Past 2, nakahabol ako sa birthday treat ni Ma'am Vilma sa Tramway. Kahit paano may naabutan pa akong ulam. Nabusog at nakuntento ako, kaya nga halos antukin ako nang bumalik. Nakaidlip naman ako kahit paano. Nakagawa rin ako ng mga papaerworks bago ako umuwi, especially ang draft ng thesis title proposal. Pagdating ko sa bahay, hinarap ko kagad ang pagtapos niyon. Nakagawa ako ng tatlo. Sana isa man lang doon ay mapili at magustuhan ni Dr. Libuit. Agosto 4, 2018 Dahil maaga akong nakarating sa CUP, nakapagsulat pa ako ng karugtong na kabanata ng Alamat ng Parang, habang naghihintay ng klase. Nakapag-almusal na rin ako. Sobra ang kaba ko habang kini-critique ni Dr. Libuit ang thesis title proposal ko. Grabe! Ina pala ng pakiramdam ng harap-harapang evalution. Para akong kinakatay. Mabuti na lang, hibdi ako nagaya sa iba, na reject ang ipinasa. Tatlo namn kasi ang ipinasa ko. Kung alin pa ang least like ko, iyon pa ng napili. Gayunpaman, masaya ako dahil hindi na-reject ang pinaghirapan ko. Hindi ako napahiya sa mga kaklase ko. Umuwi agad ko. Bumili lang ako ng melaware sa Novo. Bawal na kasi ang plastic sa GES. Maghapon hanggang gabi akong nag-esdit, gumawa, at nag-print ng zines. Tatlong titles ang natapos ko. Nakapaghanda na rin ako ng DLL at isang LM. Ngayong araw, nakapag-register ako sa Lagaslas writing workshop, sponsored ny NCAA. Hinikayat ko rin si Sir Ivan na sumali sa paggawa ng kanta. Isinali niya ako. Ako raw ang gumawa ng lyric. Siya ang music. Nagawa ko naman agad bago at pagkatapos kong umidlip. Sana magawa niya. Gusto ko ring maging bahagi ng tagumpay niya. Agosto 5, 2018 Umaga. Hinarap ko ang pag-encode ng lesson plan ni Emily para sa kaniyang demo. Suportado ko siya sa kaniyang endeavor para makapasok sa Tanza National High School. Sana... Nakapaglinis din ako ng kuwarto ko. Gabi, naiprint ko ang LP niya at nasimulan namin ang paggawa ng visual aids. Hindi ko nga lang naiprint ang PDS niya dahil wala pa ring black ink ang printer ko. Agosto 6, 2018 Maaga pa ako nakarating sa school kanina. Na-stapler at na-cut ko pa ang ilang copies ng zines. After ng discussion ko, saka ako nagbenta ng zines. Soldout ang "Bully." Kulang pa nga. Ang dalawang titles ay soldout din sa ibang sections. Nag-train ako ng column writing pagkatapos ng klase. Ang contestant English category ay nahihirapan pang bumuo ng parargraphs with correct grammar. Unti-unti namang lumalabas ang potential ng sa Filipino category. Lesser na ang errors niya. Nae-express niya rin ang kaniyang opinyon. Alas-4, pumunta ako sa NBS para bumili ng bond paper. Umuwi naman ako agad. Maaga man akong dumating sa bahay, puro pa rin trabaho. Okay lang naman dahil para iyon sa aking mga estudyante. Isa pa, masaya ako sa ginagawa ko. Ang gusto ko lang, maunawaan ako ng pamilya ko. Agosto 7, 2018 Kahit kulang kami ng tatlong guro sa grade level namin, nagpalitan pa rin kami ng klase. "Pagbibigay ng Opinyon" ang topic ko. Pinasulat ko ang bawat section. Mainam na matuto na agad sila habang nasa elementarya. Sana lang ay manatili sa kanilang utak ang mga natutuhan nila. Birthday ngayon ni Mama. Hindi man lang ako nakabati o nakapunta lalo na't umalis si Emily. Pinuntahan niya sa ospital si Edward. Wala raw kasing magbabantay. Haist! Five, nasa bahay na ako. Nakagawa ako ng zine, 'I Love Science Now,' habang naghihintay kay Ion. Nakapag-print na rin ako ng ilang kopya. Agosto 8, 2018 Mainit ang ulo ko kanina kasi may dumating n supervisor. Nagtsek ng DLL. Hindi naman iyon ang dapat niyang hinahanap o sinasadya sa school. Dapat magbigay sila ng para sa ikagiginhawa ng mga guro. May DLL naman ako, pero naiinis pa rin ako sa idea. Big deal sa kanila ang process, samantalang dapat ang product ang tingnan nila kung nakakapagturo pa ba nang maayos at mahusay ang mga titser. May lesson plan nga kung hindi naman nagturo, wala ring kuwenta. Gayunpaman, sinikap kong hindi mag-reflect sa akin ang inis ko. Naging epektibo pa rin naman ako, sa tingin ko, dahil napag-group work at napag-perform ang bawat klase. Nag-enjoy rin sila. After class, journlism training ako with Martina ang Elyza. May laban ang huli, samantalang mahaba pa ang bubunuin ko para sa una. Naunawaan ko naman dahil English ang category niya. Umidlip din ako bago at pagkatapos ko jg mga paperworks. Naihanda ko rin ang materials para bukas ko. Past 7, nakauwi na ako. Nainis akong bigla sa tirada sa akin ni Emily. Parang nagdududa na naman. Inaway ko naman siya bago ako natulog. Nakakainis. Nakasawa na. Hindi niya ako maintindihan. Puro ako trabaho tapos pagseselosan pa ako. Put*! Arang ayaw ko na raw siyang makita. Ano'ng drama?! Saan ako uuwi kung ayaw ko siyang makita? Buwisit talaga. Agosto 9, 2018 Na-enjoy ko ng storytelling ko kanina ng "Ang mga Pagalit ni Mama." Napansin kong enjoy n enjoy rin sila, lalo na't nagpapatawa pa ako. Ang hindi ko lang napatawa ay ang VI-Faith kasi nagsermon pa ako. May pasaway kasing estudyante. Nasira tuloy ang mood ko. Gayunpaman, na-enjoy nila ang group activity ko. Nagsulat sila sa speech bubble ng mensahe para sa kanilang mga ina. After class, pumunta kami sa Cuyegkeng Health Center para sa checkup. Nalungkot ako dahil may PTB na naman ako. Pero, masaya ako dahil willing silang gamutin ako. Kailangan ko nga lang magpaturok everyday for two months at uminom ng gamot sa loob ng walong buwan. Naiinis din ako dahil ang buong akala ko ay okay na ako. Hindi pala sapat na negative ako sa sputum. Dapat pala talaga akong gamutin dahil ang result ng xray ay may PTB ako. Kaya ala nararamdaman ko minsan ng pananakit ng dibdib, pananakit ng likod, kawalan ng gana, at iba. Past two na kami nakalabas sa center. Bumalik ako sa school para sa mga paper works. Nag-paint din ako roon. Pag-uwi ko naman, tahimik lang ako. Hindi ko masyadong pinapansin ang wife ko. Nainiis pa rin ako sa mga sinabi niya. Agosto 10, 2018 Ang pagsulat ng liham pangkaibigan ang topic ko ngayong araw. Gaya kahapon, nagsermon pa ako sa VI-Faith. Naiinis ako sa mga estudyanteng need ng special atention. Dati, nauunawaan ko sila. Pero, lumalala ang kakulangan nila ng pansin. Hindi ko na yata kaya. Tumigil naman sila pagkatapos kong pagalitan. Nakapagsulat pa. Sila lang ang section na hindi ko pinag-group work kasi napakaingay nila. Gayunpaman, alam kong natuto sila. Sana magamit nila iyon sa praktikal na buhay. Masaya naman ako nang tinext ako ng taga-NCCA. Ni-notify niya ako na kailangan ko nang mag-email ng work sample ko para sa story writing workshop about Ilog Pasig. Pag-uwi sa bahay, in-email ko kaagad. Natulog na ako pagkatapos. Sobrang antok na antok ako. Iang araw rin kasing laging kulang sa tulog. Gayunpaman, natulog akong may saya sa mga labi dahil binati ko na si Emily. Agosto 11, 2018 Kahit late ako sa pagdating sa CUP. nakapag-almusal pa ako. Wala pa kasi si Dr. Libuit. Pasado 8:45 na siya dunating. In fact, nakapag-encode pa ako sa cellphone ko ng mga tula para sa "Mag-aral. Tumula." Nakinig lang ako sa kaniya, habang ina-assess niya ang mga thesis titles. Maramu ang na-reject. Mabuti na lang, approved na ang akin. Puwede na akong mag-start. Umuwi agad ako pagkatapos ng dismissal. Sinuong ko ang malakas na ulan. Nabasa lang naman ang sapatos ko. Ngayong araw, naihanda ko na ibang mga kakailanganin para sa Lunes at mga susunod na raw, like budget of work, articles para sa column writers ko, etc. Napagplanuhan ko na rin ang story na ipapasa ko sa Librong Itim. Agosto 12, 2018 Halos maghapon akong nasa harap ng laptop. Sulit naman dahil nakagawa at nakapag-print ako ng zine (Milenyal), natulungan kong gumawa ng PPT presentation si Emily, at nasimulan ko ang zine na 'Mag-aral Tumula. Ako rin ang naging cook, maghapon. Bukas, dahil walang pasok, malamang mas marami akong matatapos. Agosto 13, 2018 Dahil walang pasok, hinarap ko ang paggawa ng detailed lesson plan sa Filipino 6. Nakadalawang layunin ako ngayong araw. Kahapon, dalawa rin. Naipagpatuloy ko rin ang paggawa ng 'Mag-aral Tumula.' Kaunti na lang, matatapos ko na ito. Hindi naman ako nakatulog sa hapon dahil sinimulan kong isulat ang isa-submit ko sa Librong Itim. Gabi, nakasulat na ako ng 1300+ words. Ngayong araw, natuwa ako sa private message ng co-founder ng Tourette Syndrome Association of the Philippines. Nabasa raw niya ang article ko tungkol sa TS. Kahit paano., nag-paid off ang pagsusulat ko ng science and health. Maaari pa akong makatulong sa estudyante kong may TS kapag ni-refer ko sa kanila. Naawa naman ko kay Angelo dahil nadiskubre ko ang maga niya o malambot na bukol sa kaniyang joints sa leg. Ang hula ko, may elephantiasis siya. Haist! Sana nagkakamali lang ako. Agosto 14, 2018 Mabigat ang katawan kong pumasok, pero sinikap ko pa ring makarating sa school nang maaga. Kailangan ko rin kasing magpa-sputum test. Nang pumunta ako sa Cuyegking Health Center bandang alas-7, napaaga ako. Eight pa pala sila nagbubukas. Bumalik ako before 10, pero naipasa na raw ang mga sputum, kaya binigyan na lang ako ng lagayan para maipasa ko bukas kahit sa guard. Gusto ko na rin kasing gumaling ang PTB ko. After class, nag-stay ako sa room para gawin ang mga gusto kong gawin. Nag-research ako para sa thesis proposal. khit paano, naragdagan ang ang nasimulan ko. Pero, kailangan ko pa rin talagang mag-library. Limited lang ang nasa net. Narugdutungan ko rin ang horror story ko para sa Librong Itim submission. Bukas, siguradong tapos ko na iyon. Sobrang saya ko habang pauwi ako dahil isa ako sa mga chosen participants ng Lagaslas Writing Story Workshop for Children sa August 18-19 (8am to 6pm) sa Intramuros. Kasama ko uli si Ma'am Joann. Nakapasa rin siya. Anither experience, learning, and opportunity na naman ito. Past 7, nasa bahay na ako. Agosto 15, 2018 Nainis ako kanina sa guard ng Cuyegking Health Center kasi nang pumunta ako roon para mag-iwan ng sputum, hindi niya tinanggap. Hintayin ko raw ang ibang empleyado. Nakikisuyo lang naman. Hindi naman niya bubuhatin. Iyon ang naisip ko. Agad akong bumalik sa school. Inis na inis. Mabuti na lang, supportive si Ma'am Vi. Binantayan niya ang klase ko nang pasado alas-8 na. Balak kong isumbong sa doktor na nag-assist sa akin last week ang guard na walang consideration. Kaya lang, pinaliwanagan ako ng nurse na dapat doon mag-sputum test, hindi sa bahay dahil may oras iyon. Kasalanan ng nagbigay sa akin ng sputum canister. Sabi niya, iwan ko na lang sa guard. Naunawaan ko na ang guard. Okay na rin ang paliwanag nila. Napapayag uli nila akong mag-sputum test doon. Masuka-suka nga lang ako dhil pinilit kong lumabas ang kahit na katiting na plema. Nakabalik naman ako agad sa school. After school, sinimulan kong gawan ng layout ng children's book si Ms. Kris. Tulong ko iyon sa kaniya para sa kaniyang promotion o pagpapa-rank. Nakaka-enjoy ding mag-drawing at mag-layout. Next time, ang kuwento ko naman ang gagawan ko ng book. Kahit paano, nang bandang 5 na, nakalimang pahina na ako. Naguhit pa ako ng dalawang actions ng bata. Malaki nga lang ang mga sapatos ng isa, kaya hindi proportion. Uulitin ko bukas. Past 8 na ako nakauwi. Sobrang traffic kasi at matagal dumating ang bus. Agosto 16, 2018 Hindi ko kinibo ang VI-Love. Sobrang ingay nila. Hindi na madala sa reward and penalty system. Mas maigi png dedmahin ko na lang. Effective pa siguro. Mas masakit ang hindi ka pinapansin. After class, ipinagpatuloy ko ang pagli-layout at pag-illustrate. Kahit paano, umuusad na ang book ni Ms. Kris. Natapos ko ring sulatin ang 'Binibining Saging.' Hindi ko nga lang naharap ang thesis proposal ko at ang horror story. Maaga-aga akong nakauwi. Nakapanuod pa ako ng telebisyon at naka-bonding ang mag-ina ko over santol juice. Agosto 17, 2018 Hindi ko pa rin pinapansin ang Grade Six-Love. Maingay pa rin sila. Gayunpaman, nagkaroon kami ng grade six-wide elimination para sa pagtula. Napatay namin ang oras. Hindi na kami nakapagpalitan masyado. Last period lang ako nakapasok sa ibng klase. Naghangad sila ng kuwento. kaya binasa ko sa kanila ang dalawang kabanata ng 'Idolo.' Hindi na naman ako niyon binigo. napaiyak ko ang buong klase After class, pumunta ako sa haelth center para kunin ang result ng sputum test. Negative ako, pero pumila ko para makausap ng doktor. Nang ako na, sabi niya sa akin ay dalhin ko sa kaniya sa Miyerkules ang plate ng xray ko para mabigyan ako ng referral sa pulmonologist na magbabasa niyon. Hindi naman pala ako agad na tuturukan at bibigyan ng gamot. Past 4, nasa bahay na ako. Nagulat si Emily. Antok na antok kasi ako. Isa pa, maaga na naman ako bukas para sa workshop. Natapos ko nang isulat ang horror story kong 'Prosthetic.' Kaagad ko naman itong in-email sa Librong Itim. I hope, mapili nila. Agosto 18, 2018 Ako ang ikalawang participant na dumating sa Guadalupe Ferry Station. ang meeting place pala sa Lagaslas Children's Story Writing Workshop sa Intramuros, Manila. Matagal din akong naghintay roon. Pero okay lang dahil hindi ako na-late. May nakakuwentuhan naman ako. Before 10, nag-tour na kami sa Ilog Pasig. First time ko iyon. Akala ko, madi-disappoint ako. Hindi pala. Hindi naman mabaho. Dahil siguro iyon sa sunod-sunod na pag-ulan at pagbaha. Nakitaan ko ng pag-asa ang ilog. Kung magiging disiplinado lang ang lahat, babalik sa dating ganda ang Ilog Pasig. Dahil sa tour na iyon, nagkaroon ako ng mas marubdob na hangarin para tumulong sa pagbabalik-sigla sa Ilog Pasig, sa munti kong kakayahan. Before 12, nasa NCCA na kami. Natuwa ko sa mga preliminary activities na inihanda ng PETA facilitators. Andami kong natutuhan at maaaring gamitin sa mga future kong engagements o sa mga advocacies ko. Hapon, napuno ng bago at makabuluhang mga impormasyon mula sa mga mahuhusay na resource speakers. Napakapalad ko dahil napabilang ako sa mga napili. Dahil dito, nalamnan pa ng kaalaman ang utak ko. Walang tapon. Past 8, saka lang ako nakauwi. Sobrang pagod at antok ko na, ero hindi pa ako kaagad natulog. Sinikap kong makagawa at magkapag-print ng akda na gagamitin sa evaluation bukas. Ang "Nasaan ang Singsing, Lily?" ang pamagat ng aking akda. Agosto 19, 2018 Kahit 9:00 am pa ang start ng workshop, maaga akong nakarating sa venue. Nakapagsulat pa tuloy ako ng mga lectures kahapon mula sa cellphone to notebook ko. Mahahalaga kasi ang bawat kaalamang ibinigay nila. Sobrang saya na naman ng workshop kanina. Si Ate Aiko ang aking mentor. Siya ang brand manager ng Lampara Books. Binigyan niya ako ng tatlong pointers sa pag-rewrite ng kuwento ko. Satisfied ako sa mga tips niya. Hindi ko pa alam kung may chance ang kuwento ko, pero ramdam ko na maililimbag iton. Mahirap man mapili ang sa akin dahil thirty over 5 ang probability. Maagang natapos ng workshop. Nagkaron ako ng pag-asa. Andaming opportunity na maaaring dumating sa mga susunod na araw. Agosto 20, 2018 Sa unang pagkakataon, nahuli ako sa klase ko. Twenty minutes late ako. Akala siguro ng mga estudyante ko, tuluyan na akong nagtampo sa kanila. May nag-chat kasi. Sabi niya, pumasok na raw ako. Tamang-tama naman iyon dahil tahimik pa rin ako. Hindi ko pa rin sila kinikibo. Nagpasulat lang ako ng akda. Samantalang sa ibang seksiyon, nag-storytelling ako. Sayang, hindi nila narinig ang "Ang Alamat ng Water Lily." Pagkatapos ng klase, almost ready na ang revised ng akda ko. Kailangan ko na itong ipasa Taga-Alog secretariat para sa evaluation. Nasimulan ko ring isulat ang 'Si sir Flarino.' Inspired ito ng pagtatampo ko sa VI-Love. Na-traffic ako sa Tejero, kaya nakauwi ako bandang alas-otso. Okay lang naman dahil wala namang pasok bukas. Agosto 21, 2018 Kulang ang isang araw na holiday para magawa kong lahat ang gusto ko. Gayunpaman, nakapagsulat ako ngayong araw ng dalawang kuwento. Nai-email ko na rin ang revised output sa Lagaslas. Sana mapili iyon ng panel. Gusto kong maging bahagi ng literaturang Filipino ang akda kong alamat. Naiisip kong dalawin si Mama kaya lang kapos talaga ako ngayon sa budget. Sobrang pasakit sa bawat pamilya ang Train Law ni Duterte. Kakaunti na lang ang nabibili sa P2000 kada linggo. Agosto 22, 2018 Wala ako sa mood kanina. Hindi ko pa rin kinikibo ang advisory class ko. Hindi pa rin sila nagbabago. Maingay pa rin. Nagsasawa na ako. Apektado tuloy ang ibang sections. Sensitive ako sa ingay. Kaunting ingay, ikinaririndi ko. Hindi ko nga ipinatapos o ipina-report ang groupwork nila. Nasayang lang. Sobrang ingay rin kasi nila. Gusto ko sanang matuloy na bukas ang exam. Gusto ko nang magsimula sa second grading. Kaso, postponed uli. Sa August 28 to 30 na naman daw. Buwisit talaga ang SDO! After class, umidlip ako. Nang makapag-recharge, itinuloy ko ang paglilipat ng scores mula sa traditional class records to Excel. Hindi ko nga namalayan, 5 pm na pala. Kailangan nang umuwi. Andami kong gustong gawin. Mag-apply sa Diwa Publishing bilang book writer sa Filipino subject. Mag-research sa National Library. Gumawa ng zines ng stories ko. Magsulat nang magsulat ng kuwento. Haist! Kulang sa oras. Agosto 23, 2018 Postponed na naman ang periodic test for the second time. Pero, dahil naka-mindset na sa mga bata, gumawa ng paraan si Ma'am Vi para matuloy. Nagpa-Riso siya ng mga downloaded test questionnaires. Ayun, natuloy rin. Patuloy akong nanahimik sa klase ko. Gusto ko na silang sigawan. Sobrang daldal pa rin nila. Kapag tinitingnan ko, nananahimik. Pero, pagkalipas ng ilang sandali, maingay na naman. Mga walang hiya sa sarili. Hinarap ko ang zine/booklet ni Ms. Kris. Unti-unti nang napro-progress. Ang ganda ng output ni Kiya Allan. Nagawa niyang i-digitalized ng illustrations ko. Na-inspire tuloy akong bumili ng Corel Draw apps. Hinarap ko rin at tinapos ang class records. Ready to print na ang apat na sections. Past 7, nasa bahay na ako. Agosto 24, 2018 Wala pa rin ako sa mood kanina. Parindi nang patindi ang ingay ng VI-Love. Nakakarindi. Gusto nilang kibuin ko sila, ayaw naman nilang magbago. Gayunpaman, mapagtimpi pa rin ako. At least, eleven ng umaga ang uwian nila. Natapos na naman ng buong isang linggo nang hindi ko sila pinapansin. After class, nag-stay ako sa classroom ko. Umidlip ako. Nag-edit. Nag-download. Hindi na naman ako nabayaran ni Ma'am Gigi. Limang buwan na siyang hindi nakakabayad ng interest. May dahilan na naman siya, e. Past 8 na ako nakauwi. Nagsulat pa kasi ako sa may abangan ng bus. Doon ko lang nagagawang mag-isip ng mga susulatin. Agosto 25, 2018 Nag-attendance ako pagdating sa CUP. Expected ko nang walang klase kay Dr. Libuit. Nasabi sa akin ni Mj kahapon na may colloquim siya ngayon. Tama naman siya. Since, nagpaalam na ako kay Emily kagabi pa, dumiretso na ako sa Antipolo. Maaga pa ako nakarating doon kaya nakapagkuwentuhan pa kami ni Mama. Binigyan ko siya ng pag-asa. Gusto pa talaga niyang maoperahan at makakita. Kaya, pangako kong pagdating ng royalty fee, ipaopera ko na ang cornea niya. Kahit paano, nakapag-relax ako sa Baitista. Nakaidlip ako habang nanunuod ng tv. Past four, umuwi na ako. Past 9 na ako nakauwi. Sobrang traffic kasi sa Tejero. Agosto 26, 2018 Nasanay ako sa maagang paggising, kaya kahit gusto ko ang matulog, dilat na ang mga mata ko. Gayunpaman, nagawa ko pa ring magsulat ng journal, na hindi ko nagawa kagabi. Umaga, habang nasa simbahan si Emily, nag-gardening ako. Nakagawa rin ako ng indoor garden Ngayong araw, nadagdagan ko ang resume ko ng mga data. Nakasulat ako ng letter of intent para sa Diwa Publishing. Mag-a-apply ako as author ng Filipino books. Nadugtungan ko rin ang thesis ko. Kahit paano, nakakuha ako ng mga laocal related studies sa internet. Agosto 27, 2018 Nagtagal ako sa higaan ko bago ako bumangon. Bawiin ko naman sa paghiga ang holiday ko kahit paano. Gayunpaman, hindi naman ako natulog. Nagsulat lang ako. Ngayong araw, marami akong accomplishments. Nag-send ng resume at letter of intent sa Diwa Publishing. Nag-encode ng school paper articles. Nag-gardening. Mas napagand ko pa ajg indoor garden namin. Gumawa ng zine. Nag-edit. Etc. Agosto 28, 2018 Nag-almusal kami nina Papang at Ms. Kris kanina habang nagsi-shade sa bubble sheet ang mga pupils ko. Hindi pa rin sila makuha sa tingin. Gayunpaman, hindi ako nagalit o nagsalita. After class, nagsulat ako ng update ng novel ko. Umidlip din ako. Paggising ko, nabasa ko ang email ng Diwa Publishing. Invited ako sa pre-qualification orientation sa September 27. It means, nakapasa ako sa evaluation, gamit ang resume at letter of intent. Agad akong nag-confirm ng attendance ko. Gusto ko ring kumita. Kaya lang, kailangan kong malaman kung kakayanin ko ba ang pressure at standard nila. Sana... Past five, pauwi na sana ako nang dumating ang ilang VI-Topaz pupils ko, last year. Natuwa ako sa presensiya nila. Nagyaya sila sa classroom. Nakuwentuhan kami roon. Nagtawanan. Nag-selfie. Sayang, maikli ang 30 minutes. Kailangan ko nang makauwi. Nakauwi ako ng past 8. Agosto 29, 2018 Nag-meeting kaming grade six advisers kanina. Naging makabuluhan din ang palitan namin ng kuro-kuro at opinyon. Kahit paano, nakapulot kami ng ideya sa isa't isa. Gusto ko nang magalit sa VI-Love. Sobrang walang hiya na sila. Gayunpaman, kinalma ko ang sarili ko. Nakukuha sila sa tingin, pero agad din namang nakakalimot. After class, natuloy na rin sa wakas ng mga patimpalak sa Buwan ng Wika -- ang pagsayaw, pagbigkas ng tula, at Lakan at Lakambini ng Wika. Natuwa ako sa tula ni Rovie at sa sayaw ng Grade Six. Disappointed naman ako sa talent ng lakan at lakambini namin. Haist! Sana hindi na lang namin pinakanta. After ng contest, tinapos ko na ng zine na 'Haraya.' Anthology ito ng Grade Six. Pagdating sa bahay, nag-print ako ng anim na kopya. Bukas, division journalism contests na. Goodluck sa mga journalists. Ang column writer ko, pihadong manalo. Una, first time na category. Pangalawa, wala sa hulog ang construction ng English. Hindi bale, ang mahalaga ay magkaroon siya ng experience. Agosto 30, 2018 Nakarating kami nina Sir Joel, at ang 16 young campus journalists sa T. Paez Elementary School bago magsimula ang progam. Natuwa ako nang malaman kong si Bam Alegre ang keynote speaker. Isa siya sa mga produkto ng campus journalism. Nakaka-inspire siya. Kaya naman, hindi na ako nahiyang mag-selfie kasama siya. Hindi nman ako na-boring habang naghihintay sa mga bata. May kausap kasi akong parents. Kahit paano, may natutuhan at may nalaman ako sa kanila. Past 1:30, nasa GES na kami. Napagod man ako at nawalan ng pag-asang mananalo ang trainees ko, masaya pa rin. Past five, umuwi na ako. Tawa ko nang tawa kasi naniwala ang mga pupils ko, na lilipat na ako sa Cavite sa Tuesday. May umiyak pa nga. Haist! Sana makatulong iyon para magbago sila. Agosto 31, 2018 Natatawa ako sa reaksiyon ng mga estudyante ko. Kumalat sa buong Grade Six ang biro kong paglipat ng school. nalungkot sila at nag-iyakan pa. Ayaw nilang umalis ako. Naramdaman ko ang pagmamahal nila sa akin. Kahit pala wala silang disiplina, nagkintal pala sa kanila ang mga ginawa ko para sa kanila. Ang zines. Ang pagpapasulat. Ang pagkukuwento. Ang pagpapatawa. Atbp. Kahit lalaki, umiyak. Kahit mga pasaway ay naging emotional. Ayaw pa naman ng VI-Love na maging adviser siya. May mga sulat pa ngang ibinigay sa akin. Nakakataba talaga ng puso. Sayang lang, masyado silang pasaway.

Friday, July 27, 2018

Hindi Makabasa si Rico

Tuwing papasok si Ginang Ludovico sa Grade Six-Acapulco, magpapaalam na si Rico para magbanyo. Agad namang magtuturo ang guro at hindi na niya mamamalayang hindi pa pala nakakabalik si Rico. Araw-araw, ganoon ang ginagawa ni Rico. Bumabalik siya kapag alam niyang tapos nang nagturo si Ginang Ludovico. Minsan, hindi pinayagan si Rico na magbanyo. "May babasahin akong kuwento," paliwanag ng guro. "Makinig ka muna, Rico. Pagkatapos, saka ka pumunta sa banyo." Nakinig nga si Rico. Maluha-luha pa nga siya pagkatapos marinig ang kuwento. At nakalimutan na niyang magpaalam sa guro. "Ngayon, basahin nga ang mga pangngalang ginamit sa kuwento." Isa-isa at sabay-sabay na binasa ng mga bata ang mga salitang nakasulat sa pisara. "O, Rico, hindi ka nagbabasa. Sumunod ka sa kanila," utos ng guro. Bumaka-buka naman ang bibig ni Rico. Isang araw, may napagtanto ang guro nang magpaalam si Rico. "Aba, namimihasa ka na yata, Rico! Banyo ka nang banyo. Lagi kang wala tuwing nagtuturo ako. Bakit doon ka ba natututo?" pagalit ni Ginang Ludovico. Napayuko na lang si Rico habang kumakamot sa kaniyang ulo. "Ma'am, hindi po talaga siya nagbabanyo, kundi nagtatago," sabad ni Pacundo, ang kaklase ni Rico. "Nagtatago? Bakit ka nagtatago?" tanong ng guro. Hindi na mapakali si Rico. Tiningnan niya nang masama si Pacundo. "Hindi po kasi siya marunong magbasa," sagot ni Pacundo. "Opo, Ma'am, natatakot po siyang malaman ninyo. Hindi po siya makabasa kahit sa Filipino," dagdag pa ni Cielo. "Totoo?" tanong ng guro. "Opo, Ma'am, kahit pabasahin pa ninyo," sagot ni Cielo. Parang kinurot ang puso ni Ginang Ludovico. Naawa siya kay Rico. "O, sige, sa susunod huwag ka nang magtatago sa banyo. Narito ako para turuan ka at mapatuto. Huwag kang mahiya kung hindi ka marunong bumasa kahit sa Filipino. Kayo, mga kaklase ni Rico, itigil ninyo ang panunukso. Makakabasa si Rico. Naniniwala ako. Naniniwala rin ba kayo?" "Opo!" sabay-sabay na sagot ng Grade VI-Acapulco. Kinabukasan, hindi pumasok sa klase si Rico. Naisip nilang napahiya ito. Lunes na nang pumasok si Rico. Tahamik ito, pero hindi na siya nagpapaalam para magbanyo. Gaya ng dati, kaagad na nagturo ang gurong tagapayo ng Grade Six-Acapulco. Nakikinig naman si Rico, kaya tuwang-tuwa si Ginang Ludovico. Naniniwala siyang matututo pa ito. Bago natapos ang pagtuturo, naisip ni Ginang Ludovico na maglaan ng oras para maturuang magbasa si Rico. Kinausap niya si Rico. "Ayos lang ba sa iyo?" Tumango lang si Rico. "Sige, kakausapin ko ang Papa o kaya Mama mo para malaman nila ang tungkol dito." Nanginig bigla ang mga kalamnan ni Rico. Kahit nginitian siya ni Ginang Ludovico, hindi pa rin nawala ang kaba niya nang siya ay nakaupo na. Sa araw na iyon, buong araw na hawak ni Rico ang libro niya sa Filipino. Natutuwa si Ginang Ludovico, na makita itong nagbubuklat ng aklat. Hindi man niya marinig ang mga salita sa mga labi nito, alam niyang sumusubok magbasa si Rico. "Bukas, ha, isama mo ang magulang ko?" paalala ng guro kay Rico. "Opo!" Kinabukasan, agad na hinanap ni Ginang Ludovico si Rico. "Absent ba?" "Ma'am, nakita ko po siya kanina bago nag-flag ceremony?" sagot ni Anthony. "Ha? Sigurado ka?" "Opo! Sigurado po ako. Sandali lang, ha? May pupuntahan lang ako," paalam ni Ginang Ludovico. Pero, bago pa siya nakalabas sa silid-aralan, dumating na ang ina ni Rico. "Magandang umaga po, Ma'am Ludovico!" bati nito. "Magandang umaga rin sa iyo, Ginang Girado! Upo muna kayo." Itinuro niya sa ina ni Rico ang silya sa kanto ng kuwarto. "Hananapin ko muna si Rico. " "Po? Nauna pa po siyang umalis. Sabi ko nga, sabay na kami," nag-aalalang wika ng ina. Nginitian ni Ginang Ludovico ang nanay ni Rico. "Huwag po kayong mangamba, Misis. Alam kong nasa banyo lang siya, gaya ng ginagawa niya araw-araw sa period ng Filipino." "Sige po." Gusto nang magalit ni Ginang Ludovico dahil sa ginawa ni Rico. Para kasi sa kaniya sayang ang bawat minuto, na ikatututo sana ng Grade Six-Acapulco. Pero, kailangan pa niyang magtago at magpasundo. "Naku, kung puwede lang sanang mangurot, ginawa ko na sana kay Rico," naiinis na bulong ng guro, habang patungo siya sa banyo. Maingat na sumilip si Ginang Ludovico sa pinto. Nagulat siya nang wala roon si Rico. Nainis siyang lalo. Naisip niyang baka nasa isang banyo. Paalis na siya nang tila naulinig niya ang tinig ni Rico. Saka lang niya naalalang baka nasa loob ng cubicle. Maingat at marahan niyang tinungo ang kinaroroonan ng tinig. Pero, bago pa siya nakalapit, nasigurado niyang ang kaniyang naririnig ay si Rico. Nagbabasa ito. "Lumi... pad sa himpa... pawid ang... ang ibon..." Mangiyak-ngiyak na pinakinggan ni Ginang Ludovico ang pagbabasa ni Rico. Labis ang kaniyang ligaya sa pagsusumikap nito. Dagli siyang bumalik sa silid-aralan. "Hindi niyo po nakita si Rico?" tanong ng ina nito "Misis, nakakabasa na si Rico. Salamat po sa pagbisita ninyo!" Nabigla ang ina ni Rico, gayundin ang buong Grade Six-Acapulco, ngunit lahat sila ay natuwa at humanga. Nagtuloy-tuloy ang pagsusumikap ni Rico, kaya nakasama siya sa mga tumanggap ng diploma sa entablado.

Sunday, July 15, 2018

Ang Lip Tint ni Tina


"Class, maghanda kayong lahat para sa pictorial. Nariyan na ang photographer," anunsiyo ni Ginoong Howard Horacio, ang gurong tagapayo ng VI-Pag-ibig.
"Sir, para po ba sa ID?" tanong ni Tina.
"Opo," sagot ng guro.
Nag-ayos na ang karamihan. Excited silang makuhaan ng litrato. May nagsuklay na. May naglagay ng pulbos. May nag-ayos ng polo at blouse. May nanalamin.
Abala si Ginoong Horacio sa pagwawasto ng mga ipinasang papel ng mga estudyante. Napansin niyang magulo at maingay ang mga nagdadalagang estudyante.
"Ano 'yan? Bakit nagpupulahan ang mga labi ninyo?" Napahinto at napatayo ang guro. Sinipat niya ang mga labi ng mga mag-aaral. Mga anim ang may mapupulang labi, kabilang si Tina.
"Lint tint po iyan, Sir," sabi ni Joylyn.
"Hindi ninyo kailangang kulayan ang mga labi ninyo kasi ini-edit naman ng photographer ang picture. Baka masobrahan, pumangit pa. Ang gaganda na ninyo. Huwag na ninyong takpan. Ang pangit lang ang nagtatago sa kolorete," litanya ng guro. Kay Tina siya nakatingin. Napansin niya kasing sa kaniya nanggaling ang lip tint na ginamit ng mga kaklase.
Pilit binubura ni Tina ang lip tint sa mga labi niya, gayundin ang mga kaklase niya.
"Maging natural kayo, mga babae. Mas maganda ang natural," dugtong ng guro.
Nakayuko na si Tina. Hindi naman niya natanggal lahat ng lip tint.
"Ang babata pa ninyo para magpapula ng labi. Alam ba ninyong nagiging dahilan iyan ng pang-aabuso sa inyo ng mga lalaki? Iba ang dating sa akin kapag may kulay ang mga labi. Hindi pa ninyo kailangan iyan. Huwag ninyong madaliin ang inyong pagdadalaga. Maliwanag ba?"
"Opo!" halos sabay-sabay na sagot ng VI-Pag-ibig.
"Very good!"
Ilang araw ang lumipas, nakasalubong ni Ginoong Horacio si Tina sa labas ng paaralan. Pauwi pa lamang siya noon. Napansin niya ang mapupulang  labi ng estudyante, ngunit hindi niya ito pinagsabihan.
Bumati si Tina sa kaniya, gayundin ang dalawa nitong kasama, na hindi niya kilala.
"Saan kayo pupunta?" tanong ng guro.
"Diyan lang po."
"Sige, ingat."
"Ingat din po, Sir!"
Gusto man niyang sermunan si Tina, hindi niya nagawa. Ayaw niyang makakita ng dalagitang pagala-gala sa kalsada.
Kinabukasan, bago nagsimula sa leksiyon, nagpasaring si Ginoong Horacio. "Delikado na ang panahon ngayon. Mapalalaki at mapababae, hindi na ligtas ngayon sa kapahamakan. Alam ninyo ang gusto kong sabihin, kaya sana lagi kayong mag-iingat. Hangga't maaari iwasan ang pagtatambay at paggala-gala sa kalye. Kayong mga babae, kapag nag-iba na ang kulay ng mga labi ninyo, makakaakit kayo ng mga lalaki," litanya ng guro.
"Hindi po lahat, Sir," nakayukong saad ni Tina.
"Sana nga, Tina. Sana nga..."
Patuloy na napapansin ni Ginoong Horacio ang katigasan ng ulo ni Tina. Lagi pa ring pula ang mga labi nito. Madalas pa nga, nagpapaalam ito para magbanyo. Ang hula niya, may pinapapansinan sa ibang silid-aralan.
Isang hapon, makakasalubong sana niya sa hagdan si Tina. Bigla itong tumalilis. Nainis siyang lalo dahil kanina pa uwian. Dapat wala na siya sa paaralan.
Kinabukasan, nagpatawag ng HPTA meeting si Ginoong Horacio sa mga magulang ng VI-Pag-ibig para sa nakakabahalang isyu ng mga kabataan.
Dumalo ang pitumpu't limang bahagdan ng mga magulang.
Hindi naman agad binuksan ni Ginoong Horacio ang tungkol sa ikinikilos ng nga nagdadalaga niyang estudyante, lalo na ni Tina. Nahirapan kasi siya kung paano ito simulan.
"Mga magulang, magtulungan po tayong gabayan ang ating mga anak. Ang ilan sa mga babaeng estudyante, nag-iiba na po ang kulay ang mga labi. Nakababahala po ito!" litanya ng guro.
Nagulat ang ibang magulang. Ang iba naman ay sumang-ayon pa. Natuwa naman ang guro kahit paano dahil alam nila ang mga pagbabago ng kanilang anak.
Pagkatapos ng meeting, sinabi ng guro na maaaring magpaiwan ang magulang na hinihinalang ang anak niya ay ang tinutukoy niya.
Nagpaiwan ang ilan, gayundin ang lola ni Tina. Natuwa si Ginoong Horacio nang harapin niya ito.
"Sir, pasensiya na po. Ako na lang po kasi ang kasama ni Tina..."
"Salamat po dahil nakarating kayo. Siya po talaga ang tinutukoy ko."
"Alam ni'yo po kasi..." Humikbi ang lola ni Tina.
"Alam kong mabuti po kayong lola para kay Tina, pero kailangan po nating mapigilan o hindi man ay magabayan ang pagdadalaga niya... Alam ni'yo po kasi... hindi po maganda sa isang estudyante na..."
"Alam ko po iyon, Sir. Pero, sana hayaan ni'yo na po siyang gumamit ng lip tint. Iyon na lang po..." Hindi na napigilan ng lola ni Tina ang pag-iyak.
Kinabukasan, tila nag-iba ang pagtrato ni Ginoong Horacio kay Tina. Napansin iyon ng mga kaklase.
"Sir, naka-lip tint na naman po si Tina," sumbong ni Joylyn kay Ginoong Horacio.
"Okay lang 'yan."
Nanlaki ang mga mata ni Joylyn. Para siyang napahiya.
"Sir, puwede na po bang mag-lip tint?" tanong naman ni Bea.
"Naku, gustong-gusto iyan ni Christine!" biro ni Steven.
"Si Tina lang ang pinapayagan kong mag-lip tint!" sigaw ni Ginoong Horacio.
"Bakit, Sir?" halos sabay-sabay na tanong ng mga malalaking bulas na estudyante.
"Oo nga, Sir. Bakit po? Unfair po iyon," sabi naman ni Joylyn.
"Unfair? Bakit, may cancer ka ba? Ha? May cancer ka rin ba?" pasigaw na tanong ng guro.
Parang binuhusan ng yelo ang mga estudyante. Ilang segundo ang lumipas. Napatingin silang lahat kay Tina.
Napayuko si Tina. Yumuyugyog ang mga balikat niya.
"I'm sorry... Hindi ko sinasadya, Tina," sabi ng guro. Awang-awa siya sa estudyante habang inis na inis siya sa sarili niya.
Matagal bago umangat ang mukha ni Tina.
"Okay lang po, Sir. Ngayon, naunawaan na po ninyo... Gusto ko lang naman pong itago ang mapuputla kong labi, kaya ako nagpapahid ng lip tint..." Nagpupunas na siya ng mga luha.
"Oo... Nagkamali ako. Hindi pala ako dapat naging mapanghusga... Sana mapatawad mo ako."
Hindi kumibo si Tina. Sinulyapan niya lang si Ginoong Horacio. Nakuyom niya ang lip tint sa kaniyang kanang palad.

Saturday, July 14, 2018

Walang Imposible

"Ramoooon!" sigaw ni Aling Chula sa natutulog na anak. Hindi man lang nagulat si Ramon sa panggigising ng ina. Mabilis lang niyang idinilat ang mga mata at pinahiran ang laway sa kaniyang mga labi, saka muling pumikit at humilik. Sa inis ni Aling Chula, hinila nito ang kumot sa anak. "Ano'ng oras ka na naman gigising!? Naghihintay na ang tatay mo!" Hindi pa rin natinag si Ramon. Umingit lang siya at tumagilid. "Bangon na!" Hinila ng ina ang paa ni Ramon, ngunit hindi man lang nito iyon naiangat. Umingit uli si Ramon, habang nagpupumilit si Aling Chula na magising siya. "Para ka nang bato," walwal ang dilang nabigkas ng ina. "Suko na ako sa `yo. Hindi ka na nga siguro magbabago." Malungkot na lumabas si Aling Chula sa kuwarto, pero sinulyapan muna nito si Ramon. "Suntok sa buwan na siguro... At kahit maging bato na ang mga luha ko, hindi ka na magbabago." Saka ito luhaang tumalikod. Narinig lahat iyon ni Ramon. Nalungkot siya dahil noon niya lamang naringgan ng ganoon ang ina. Tulad ng araw-araw na nangyayari, si Aling Chula ang sumasalo ng mga trabaho na dapat si Ramon ang gumagawa. Ang ina ang nag-iigib sa balon. Pinupuno nito ang mga tapayan. Ang ina ang nagpapakain ng mga alaga nilang manok, pato, itik, gansa, pabo, at aso. Dinadala rin nito sa parang ang kanilang mga baka, kalabaw, at kambing upang makasabsab ng damo. Ang ina ang nangangahoy. Sinisibak rin nito ang mga malalaking kahoy na nakuha nito sa gubat. Ang ina ang nagwawalis ng mga tuyong dahon ng mga puno sa kanilang bakuran. Dinidiligan rin nito ang mga tanim nilang gulay. Ang ina ang nagluluto, naghuhugas, at naglalaba, habang ang kanilang haligi ng tahanan ay nasa bundok, gumagawa ng hagdan-hagdang palayan. Isang araw, nagkasakit si Aling Chula. Ubo ito nang ubo, kaya hindi malaman ng mag-ama ang kanilang gagawin. "Ikaw na lang ang gumawa sa bundok," panukala ni Mang Tonyo kay Ramon. "Aalagaan ko ang iyong ina." "Ikaw na po. Hindi ko kaya ang iyong ginagawa," tanggi ni Ramon "Hindi mo kaya kung hindi mo susubukan. Kaya nga sabi ko sa `yo... tumulong ka nang malaman mo. Ang laki ng katawan mo. Kayang-kaya mo sanang magbuhat ng bato mula sa talon hanggang sa ginagawa kong palayan." "Ayaw ko nga po ng ginagawa ninyo. Napakaimposible ng pangarap ninyo. Paano magiging palayan ang bundok?" Natatawang tumalikod si Ramon. "Walang imposible, Ramon!" pahabol na wika ni Mang Tonyo. Saka naman nito hinaplos-haplos ang naninikip nitong dibdib. Umubo si Aling Chula. "Tonyo, hayaan mo na siya kung ano ang gusto. Darating ang araw, makakapag-isip-isip din siya." "Kailan pa, Chula? Kailan pa? Matatanda na tayo at nagugupo na sa sakit." "Sabi mo nga, walang imposible." "Oo! Pero, parang huli na ang lahat para sa anak nating batugan." Muling umubo ang ilaw ng tahanan, kaya kinuhaan ito ng tubig ni Mang Tonyo. "Heto, uminom ka muna. Mamaya, magdidikdik ako ng dahon ng oregano para mawala ang ubo mo." "Salamat, Tonyo!" Saglit na natahimik ang mag-asawa. Parehong naaawa ang mga ito sa isa't isa, pero mas lamang ang pagkaawa nila kay Ramon. "Kapag nakahanap ng dalagang magpapabago sa anak natin, saka lang siguro tayo liligaya," wika ni Aling Chula. "Sana nga... Sana may dalaga pang tatanggap ng binatang tamad at walang kusa," malungkot na saad ni Mang Tonyo. "Alam kong may mataas na pangarap ang anak natin. Hintayin lang natin." Lingid sa kaalaman ng mag-asawa, nakikinig si Ramon sa usapan ng mga magulang mula sa likuran ng bahay. Napaisip siya. Lumipas ang mga araw, gumaling na ang ubo ni Aling Chula, ngunit ang katawan at dibdib naman ni Mang Tonyo ang sumakit. Hindi na nito maituloy ang hagdan-hagdang palayan. "Ramoooon!" tawag ni Aling Chula. "Manananghalian na!" Lumipas ang ilang minuto, hindi nagpakita si Ramon. Hinanap ng mag-asawa ang anak. Pinuntahan ni Aling Chula ang paboritong puno ni Ramon, kung saan siya madalas na nagduduyan. Wala siya roon. Tinungo naman ni Mang Tonyo ang ilog kung saan paboritong magbabad ni Ramon. Wala siya roon. Gabi na nang dumating si Ramon. Bagsak ang balikat nito. "O, anak, bakit? Saan ka galing? Kanina ka pa namin hinahanap. May problema ka ba?" masuyong tanong ni Aling Chula. Napangiwi naman si Mang Tonyo. "Galing po ako sa kabilang bayan. Nakilala ko po roon si Mutya," malungkot na kuwento ni Ramon. Nahulaan agad ni Aling Chula ang ipinagdaramdam ng anak. "Halika ka, kain ka muna. Umupo ka na. Ipaghahain kita." Kumurba ang mga kilay at kumunot lalo ang noo ni Mang Tonyo. Iiling-iling itong tinalikuran ang mag-ina at saka pumanhik upang matulog na. Habang naghahapunan si Ramon, kinausap siya ng ina. "Anak, natutuwa ako dahil may nakilala kang dalaga," simula ng ina. "Hindi po niya ako gusto." Habag na habag ang ina kay Ramon, ngunit binigyan nito ang anak ng isang matamis na ngiti. "Siyempre, bago pa lang kayong magkakilala. Pasasan ba't iibigin ka rin niya " "Imposible po." "Walang imposible." "Kahit hinihingi niya po sa akin ang buwan?" Napatda si Aling Chula. Naunawaan niya ang kalungkutan ng anak, lalo na't likas itong tamad. "Paano ko po susungkitin ang buwan kong hindi ko nga magawang maging mabuting anak sa inyo?" "Iyon ba ang gusto niyang gawin mo?" Tumango si Ramon. "Iniibig mo ba siya?" Tumangong muli si Ramon. "Kung gayon, pagsumikapan mo. Bata ka pa at malakas. Marami ka pang oras na maaaring gugulin para sa iyong pangarap. Kaya mo iyan, Ramon. Kaya mong makuha ang puso ni Mutya." Nagtatanong ang isip ni Ramon, pero walang salitang lumabas sa kaniyang bibig. Kinabukasan, maagang gumising si Ramon. "Aalis po ako," masaya niyang paalam sa ama at ina. Nagtatakang tumango ang mag-asawa, pero masaya ang mga ito sa nakitang ngiti sa mga labi ng anak. Hindi alam ng mag-asawa na sa ginagawang palayan ng ama siya tutungo. Doon, pinag-isipan niya kung tutulong siya sa ama o ipupursige ang panunuyo kay Mutya. Iniisip pa lamang niya, parang imposibleng magawa ng ama ang hagdan-hagdang palayan. Pero, nang nilibot niya ang kabuuan ng natapos nito, napahanga siya. Hindi niya akalaing halos matapos na iyon ng ama sa loob ng sampung taon nitong pagtratrabaho rito. Nalungkot nga siya dahil ni minsan ay hindi man lamang niya natulungan ang ama. Sa kagustuhang niyang magkaroon ng inspirasyon upang magawa niyang tapusin ang palayan, nag-isip pa siya ng paraan kung paano maibibigay ang kahilingan ni Mutya. Isang bato ang namataan ni Ramon. Naisip niyang espesyal iyon kaya hindi isinama ng ama sa isinalansan sa pilapil. Korteng buwan iyon, kaya namilog ang kaniyang mga mata at bibig. Maggagabi na nang umuwi si Ramon. Masaya siyang tumulong sa kaniyang ina sa paghahanda ng hapag. Hindi naitago sa mag-asawa ang kasiyahan sa mukha ni Ramon. Nagtitinginan at nagngingitian na lamang ang mga ito nang palihim. Araw-araw, maagang umaalis si Ramon. Bitbit niya ang mga gamit ng ama. Hapon na kapag umuuwi siya. Isang hapon, pawis na pawis at hingal na hingal siyang dumating sa kanilang tahanan. "O, anak, ano ba iyang pasan mo?" pansing bati ng kaniyang ina. Agad ibinaba ni Ramon ang nililok niyang buwan mula sa bato. "Ireregalo ko po kay Mutya." Ngumiti siya nang napakatamis. Pakiwari niya'y matatanggap na siya ng dalaga. "Ang galing mo, anak! Iyan ba ang bato roon sa kubo?" tanong ni Mang Tonyo. "Opo! Pasensiya na po. Ito po ang pinagkaabalahan ko sa loob ng dalawang linggo." Napalunok lang ang ama. Akala nito ay ipinagpatuloy ng anak ang pagtapos ng kanilang palayan. "Bukas po, aakyat ako ng ligaw kay Mutya," ani Ramon. "Alam kong magugustuhan niya iyan," sabi ng ina. Tinalikuran lang sila ni Mang Tonyo. Kinabukasan ng hapon, pinasan ni Ramon ang batong buwan patungo sa kabilang bayan. Tinawid niya ang limang ilog at tatlong bundok. Hindi niya alintana ang bigat at pagod. Halos makuba siya at lumawit ang dila. Tanging liwanag ng mga bituin at buwan ang tumatanglaw sa kaniyang dinaraanan. Pagdating niya sa tahanan ng dalagang kaniyang iniirog, agad niyang binati ang mga magulang nito, na noon ay nasa balkonaheng kawayan. "Magandang gabi po! Gising pa po ba si Mutya?" "Magandang gabi rin sa iyo, `iho! Mutya, may bisita ka," tawag ng ama. "Hintayin mo lang saglit. Lalabas na iyon," payo naman ng ina. Halos umabot sa tainga ang ngiti ni Ramon, habang hinihintay na sumungaw sa bintana si Mutya. Nabalewala ang hirap niya sa pagbubuhat dahil sa magandang pagtanggap sa kaniya ng mga magulang ng dalaga. "Sino po ang bisita?" Agad niyang nakita si Ramon. "Ikaw pala." "Magandang gabi, sa `yo, Mutya! May dala ako para sa `yo." Itinuro niya ang batong buwan. "Hindi ko man nasungkit, inukit ko na lang ang buwan." Walang lumabas na salita sa bibig ng dalaga, ngunit halos malunod siya sa lungkot nang pinagsarhan lamang siya nito ng bintana. "Pasensiya ka na sa anak namin, `iho," paumanhin ng ama. "Sige na. Bumalik ka na lang... Kapag may tiyaga, may nilaga," dugtong ng ina. Halos lumaylay ang balikat ni Ramon sa lupa habang buhat-buhat niya pabalik ang batong buwan. Sa palayan tumuloy si Ramon. Doon niya na rin dinala ang inukitang bato. Sa pinakatuktok ng palayan niya iyon inilagay. Aniya, alaala iyon ng pagmamahal niya kay Mutya. Alam niyang imposible, pero abot-kamay niya lang ito. Sa halip na magsisi, isinubsob ni Ramon ang sarili sa pagtapos ng palayan. Mula umaga hanggang hapon, naghahakot siya ng bato sa pinakamalapit na talon upang mapunan niya ang mga kulang sa pilapil. Natutuwa naman sina Aling Chula at Mang Tonyo sa ipinamamalas niyang kasipagan. Sabi ng mga ito, wala ngang imposible. Natupad ang pangarap nilang pagbabago ng anak. Lumipas pa ang ilang linggo at buwan, natapos na ni Ramon ang hagdan-hagdang palayan. Napadaluyan na rin niya ito ng tubig mula sa talon. Ngunit, tila hindi na niya kayang umuwi sa hapong iyon, kaya minabuti na lamang niyang matulog sa kubong naroon. Inaapoy ng lagnat si Ramon nang gabing iyon. Pakiramdam niya'y babawiin na ng Panginoon ang kaniyang hininga. Noon niya lang naunawaan ang kaniyang mga magulang. Mahirap pala talaga ang ginagawa ng mga ito, parang imposible, pero possible. Kinabukasan, nagdedeliryo si Ramon nang maabutan siya ng kaniyang ama. "Anak, bubuhatin kita pababa. Iuuwi na kita sa bahay," natatarantang sabi ni Mang Tonyo. "Mabigat po ako. Hindi ni'yo po ako kaya. Hayaan ni'yo na lang po ako rito. Gagaling ako kung gagaling. Mamamatay ako kung oras ko na." "Huwag kang magsalita ng gan'yan! Bababa ako sa bayan. O kaya, babalik ako sa bahay, papupuntahin ko rito ang iyong ina." "Huwag na po. Masaya na po ako kung sakaling maputol na ang hininga ko... Pakisabi po kay Mutya... mahal ko siya. Alay ko sa kaniya ang palayang ito." "Gagaling ka, anak. Gagaling ka." Mabilis na umalis ang ama upang humingi ng tulong. Magtatanghali na nang may mga boses na narinig si Ramon. Pilit man niyang kilalanin, pero hindi niya magawa. Subalit nang isang pamilyar na tinig ang tumawag sa kaniyang pangalan, napadilat siya. Nanginginig man at nanlalabo ang paningin, sinikap niyang bumangon. "Mutya?" "Ramon, pagaling ka." Halos mapuno ng ligaya ang puso ni Ramon sa kaniyang narinig. Parang lumakas siyang bigla. "Bakit ka naparito?" "Naparito ako para alagaan ka... at para makita ko ang pinaghirapan mo." "Talaga? Nagustuhan mo ba?" "Oo. Napakasipag ninyong mag-ama. Humahanga ako sa kakayahan ninyo." "Salamat!" Nabanaag na rin niya ang kaniyang mga magulang, gayundin ang mga magulang ni Mutya. "Bakit po maingay sa labas?" "Narito kasi ang mga taong-bayan para makita ang ating hagdan-hagdang palayan," sagot ng ama. "Hindi ka ba natutuwa?" tanong ng ina. "Natutuwa po. Bigla nga po yatang akong gumaling, o." Hinipo-hipo pa niya ang kaniyang leeg at noo. Nagtawanan naman ang dalawang pares na mag-asawa. "Natutuwa ako dahil narito si Mutya," dugtong pa ni Ramon. Namula ang mga pisngi ni Mutya. "Pero nalungkot ako nang sobra dahil pinagsarhan mo ako ng bintana. Hindi ka man lang pumanaog para makita ang batong buwang inuukit ko," ani Ramon. "Hindi naman kasi bato ang kailangan ko. Pero, dahil doon, nagawa mong tapusin ang palayang ito. Magiging maalwan na ang pamumuhay ninyo simula ngayon," paliwanag ng dalaga. "Tama ka. Magiging maalwan na ang buhay natin... ang buhay ng pamilyang bubuuin natin." Lalong namula ang mga pisngi ni Mutya. Nagpalakpakan naman ang mga magulang nila na tila nagsasabing itakda na ang kanilang pag-iisang dibdib. Hindi nagtagal, naging kabiyak ni Ramon si Mutya. Kinalaunan, nabiyayaan sila ng isang sanggol na babae. Namuhay sila nang masagana sa tuktok ng hagdan-hagdang palayan, kung saan parang napakalapit nila sa buwan.

Mga Sangguniang Makaluma at Makabago, Ambag sa Panitikang Pilipino



          Bago pa dumating ang mga Kastila sa Pilipinas, mayaman na ang ating panitikan. Ang mga ninuno natin ay nagbibigkas at nagsusulat na ng tula sa mga bato, yungib, o sa kawayan. Sila rin ay may mga awitin na sa bawat gawain gaya ng pakikipagdigma, pagkakasal, pagtatanim, at iba pa.
          Nang lumaon, nagkaroon ng bugtong, salawikain, kasabihan, talambuhay, pabula, parabola, epiko, dula, maikling kuwento, at iba pang uri ng akda na kinapupulutan ng aral. Ang ating bansa nga ay lalong yumaman sa mga babasahin. Samot-saring aklat at sanggunian ang nailathala at pumuno sa maraming silid-aklatan sa paaralan, nayon, o bayan.
          Sa paglago ng teknolohiya, hindi pa rin nawawala at nakalilimutan ang mga sangguniang katulad ng diksyunaryo, atlas, almanak, magasin, pahayagan, at iba pang aklat. Siyempre, nadagdag ang mga makabagong anyo ng sanggunian nang umusbong ang google, wikipedia, at marami pang iba.
          Gayunpaman, ang bawat mag-aaral ay may kalayaang mamili ng sangguniang kaniyang gagamitin upang mas mapadali ang kaniyang pag-aaral. Subalit, hindi ipinapayong tuluyang talikuran ang mga sinaunang sanggunian dahil ang mga ito ay may mas tiyak at maaasahang impormasyon kumpara sa mga online na sanggunian.
            Kung anuman ang modernong panitikan natin sa kasalukuyan, bahagi ang mga ito ng mga makaluma at pangkalahatang sanggunian. Huwag sana nating hayaang mabaon na lang sa kasaysayan ang mga ito.

Buwaya sa Gobyerno

Guro: Ano ang gusto ninyong trabaho paglaki ninyo? Maria: Maging guro! Guro: Wow! Gusto mo ring magturo sa mga bata? Maria: Opo! Masay...