SPOKEN
WORD POETRY FOR TOPAZ
Bago ako
maging ulyanin, hayaan ninyo akong isa-isa ko kayong kilalanin, isa-isa kong
alalahanin ang mga bagay na tumatak sa aking isipan at damdamin. Hayaan ninyo
akong pangalan kayo isa-isa, kung paano ko kayo tinatawag tuwing nagro-roll
call ako o noong tinawag ko kayo para tanggapin ang diploma ninyo. Hayaan ninyo
akong maalala ko kayo sa abot ng aking memorya. Paalala ko lang, baka ako ay matawa o
maluha. Pagpasensiyahan ni'yo na, pogi lang talaga.
Mga lalaki...
Carl Cedric Esquivel Agad, ikaw ang numero uno.
Ikaw rin ang inilipat ko-- mula Topaz, sa Emerald ang tungo. Hindi ko
makakalimutan kong paano ka lumuha, kung paanong yumugyog ang iyong mga balikat
dahil labag sa loob mong lumipat. Akala mo, iyon ang parusa mo. Pero, nakita
mo. Ang laki ng naitulong sa 'yo. Ang laki ng iyong pagbabago. Ngayon, hindi ka
lang pogi, isa pang matalino at maginoo. Keep it up, Ced!
Clarence Ezra Bombay Anareta, isa ka sa
pinaka-behave sa klase. Alam mo 'yan. Alam nila 'yan. Gayunpaman, natutuwa ako dahil napaka-cool ng lola mo. Normal lang naman ang mga ikinikilos mo.
Pero, sana... sana huwag masyado. Sobrang bata mo pa para mag-explore o
mag-exhibition sa mga bagay-bagay na hindi dapat ginagawa ng kabataang katulad
mo. Study first din, iho. Mas marami pang kasiyahan ang mararanasan mo kapag
tumuntong ka sa kolehiyo, lalo na kapag natapos mo ang edukasyon mo.
Mark Gabriel Fernando Araza, alam kong na-enjoy mo
ang pitong taon mo sa Gotamco. Takbo rito, takbo roon. Parang easy lang sa 'yo
ang lesson ni Sir at Ma'am. Parang gusto mo lang pumasok para magsaya at
magkulit. Well, it's okay! Here you are, naka-graduate din. Alam kong very
proud sa iyo ang iyong kapatid, ina, at ama. Alam mo bang, very proud din ako
dahil kahit paano nagbago ka. Nakukuha ka sa tingin at pangaral. Nakikinig ka.
Hindi ka sumasagot-sagot. Alam mong hindi ka sinasaway o pinagagalitan dahil
kinaiinisan ka, kundi dahil gusto naming magbago ka at magseryoso ka. Salamat
dahil kahit sa huling araw ng mga talakayan ay nagiging aktibo ka. Hindi ka man
gano'n kasipag sa mga sulatin, pero ramdam ko ang pagnanais mong maging bahagi
ng klase. Salamat dahil naging bahagi ako ng iyong elementary days. Stay cool,
Gab!
Elijha Clark Dela Cruz Casanova, anak na anak nga
kita, lalo na sa katawan, manang-mana. Kailan kaya tayo tataba? Anyways, ikaw
ay sweet na bata. Talentado pa. Nagustuhan ko ang arte mo noon sa isang dula.
Umakting ka bilang bakla. Wow, napahanga mo ako roon nang sobra. Pero, sana ay
hanggang acting lang iyon, ha? Kasi alam mo ba ang meaning ng apelyido mong
Casanova? Naku, ito ay lalaking chicks magnet. Lahat sa kanya at naaakit. Pero,
sana kapag binata ka na, huwag na huwag kang maglalaro ng mga babae. Mahalin mo
sila, ha?
Shamir Jacob Paras Erin, noong una, nalilito
ako kung ikaw ba si Shem o si Shamir, pero napagtanto ko, hindi pala kayo
magkamukha. Hindi rin kayo magkaugali. Gayunpaman, naaaliw ako sa mga kambal.
First time kong magkaroon ng kambal na estudyante. Ang hindi ko makakalimutan
sa 'yo ay nang siniko mo si Shem habang nasa graduation practice tayo.
Kitang-kita ko kung paano kayo mag-away at kung paanong hindi nakaganti ang
kapatid mo dahil tinitigan ko kaagad kayo. Ang kyut ninyo! Naaala ko tuloy ang
kakambal ko. Nasaan siya? Hayan siya, o, sa tabi mo.
Shem Jacob Paras Erin, ikaw yata ang isa sa
mga dwarfs ni Snow White. Sino nga iyon? Ang antuking duwende? A, oo. Siya nga.
Kaya naman, inaantok rin ako, kami, nang nagbigay kami ng grades mo. Mabuti na
nga lang, hindi binangungot ang ballpen ko, kaya kahit paano positive pa rin
ang average mo. Anyways, nagbigay ka naman ng aliw sa Topaz. Kahit hindi ka
madalas mag-perform, makita ka lang ng mga kaklase mo, buo na ang araw nila.
Uy, uy, aminin ninyo! Alam mo ba, may narinig ako noong unang araw ng pasok
ninyo. Sabi ng isang babae, "Pag-isahan natin." ano, Shem,
nagparamdam na ba sa 'yo?
Jovic Custodio Española, humanga ako agad sa 'yo noong una kang nag-perform sa
klase ko. Ibang klase ang talent at confidence mo. Pero, tandaan mo, may iba
pang bahagdan ang pagbibigay ng grade. I'm sorry hindi ka umabot sa nubenta
porsiyento. Gayunpaman, mahusay ka sa batch na ito. Hindi ko maaaring itanggi
na napabilib mo ako. Bravo! Naaalala mo pa ba noong isinulat ko sa top 15 ang
pangalan mo? Nakakatuwa ang reaksiyon mo. Akala mo talaga ay kasama ka sa mga
listahan ko. Epic fail talaga ang moment mo. Kaya, niyakap kita at nasabi ko,
"Ganyan ka magiging masaya kapag napasama ka sa kanila, kaya galingan
mo." Sorry dahil nasayang ang talon mo, pero salamat dahil ikaw ay naging
aktibo.
Joselito Gahol Coronel Jr., ang broadcaster ng
Topaz. Chocolate ka raw, kaya malamang ikaw ay sweet. Huwag kang magagalit
kapag ikaw ay kinukulit. Hayaan mo silang asarin ka nila basta alam mong hindi
ka pangit. Alam mo ba, hindi ka nag-iisa. Relate ako sa 'yo noong bata ako.
Kakulay mo ako. Hindi rin nila ako makita. Norman Black ang bansag nila sa
akin. Pero, dahil pogi tayo, kaya in pa rin. Isa pa, uso na ngayon ang Gluta.
Kaya, may chance ka pa. Seriously, Joselito, may potential ka. Keep it up! Soar
higher! Just be humble. Laging itatapak sa lupa ang mga paa. Matutong
magpakababa kahit dapat kang tinitingala.
Rommel Mikel Caparas Hernandez, sa akin ikaw ay yes
na yes-- kuwela, game na game sa performances at sa klase ay present always.
Anumang role ay kaya mong gampaman. Ang hindi mo lang nagawa ay ang ibaba ang
iyong pantalong naka-high waist. Bilib ako sa 'yo, Mikel. Ilang beses mo akong
napatawa sa mga performances mo. I'm sure, hindi lang ako pati ang mga kaklase
mo. Puwede ka na sigurong maging artista, kapalit ni Dolphy o kaya ni Aga.
Salamat mga pala, hindi lang kuwela ang iyong dinala, kundi inspirasyon sa iba.
Tandaan mo lang ang salitang disiplina para hindi ka sumobra sa pagpapakuwela.
Magkaiba ang nakakainis sa nakakatawa.
Rashid Samarista Lucion, lagi kang mabango.
Oo, both literal at idyomatiko. Idyomatiko dahil kahit madalas absent ka noong
simula, pero nang tumagal ikaw ay naging henyo. Ikaw ay umaktibo kaya sa
journalismo ay natuto. Hanga ako sa abilidad ko. Kaybilis mo ngang matuto.
Proud ako sa 'yo, kaya sana ipagpatuloy mo ang pagsusulat mo. Gamitin mo sa
junior high school ang mga natamo mo mula sa iyong mga guro. Ang payo ko, para
makasama ka sa honors, magpakitang-gilas ka sa unang talakayan para makilala ka
ng mga guro. Sayanh kasi ang potensiyal mo kung iyo lang ikakahiya o itatago.
Huwag kang magtago. Go out! Believe in yourself.
Sebastian Exequiel Capinig Osit, hindi ka naman pusit
kaya hindi ako nabuwisit sa 'yo. Nakulangan lang ako dahil hindi kita noon
maramdaman. Iyan ang totoo. Kaya nga, nitong huling mga buwan, nang
nagpakitang-gilas ka na sa mga gawain at talakayan, wala na, huli na ang lahat.
Ang grades mo ay hindi ko na mababanat. Kaya, ang magic ko ay hindi gumana.
Kahit mais kung sa honor roll ay makasama ka, pero powers ko ay hindi kinaya.
Pero, tandaan mo, may susunod pa. Bumawi ka. Ipakita mong may husay at galing ka dahil galing ka sa section ng Topaz, na
hindi umaatras. Dream big, Baste!
Alnajie Dale Simone Ramos Paluhod, noong una kilala kita
bilang pikon at short-tempered, pero nagawa mong kontrolin ang emosyon mo.
Thanks for that, Najie! Remember, kapag gumanti ka at nasaktan mo ang iyong
kapwa, kahit may masamang nagawa siya sa 'yo, may kasalanan at pananagutan ka
na rin. Payo ko lang sa 'yo, huwag masyadong seryoso. Masarap ang may kalaro at
kaibigan. Makipagkulitan ka at makipagbiruan. Smile lang para lalo kang pumogi.
See? That's great, Najs!
Zyron Panayangan, maaalala ko lagi ang
performance mong 'It's Zytime!' Magaling ka roon, kahit first time! Maliban
doon, maaalala rin kita dahil napabilang ka sa hubaran issue. Nagulat ako roon
dahil kaya mo palang gawin ang bagay na iyon. Gayunpaman, huwag ka na ulit
masasangkot sa ganoon. Isipin mo na lang baka sa 'yo gawin iyon. Ang classroom
ay hindi entablado ng 'It's Showtime,' ha?
Jonathan Madahan Panlilio, ikaw ng singer ng
Topaz. Tinitilian ka ng mga chikas. Ang self-confidence mo lang ay hindi man
gaano kalakas, pero alam kong nahasa ka at ang mga talento mo ay iyong
nailabas. Huwag mong ikahihiya at itatago ang ganyang talent. Alam mo bang
pangarap kong makakanta sa harapan ng madla, pero ikaw iyon nang nagawa. Kaya,
sana hasain mo pa. Practice more. Birit more. Para chicks ay many more. Kidding
aside, hanga ako sa 'yo. God bless sa next round. Yes ako sa 'yo!
Mark Ferdinand Leonardo Pascual, ikaw bata ka, kung
ang husay at galing mo ay inilabas mo noong Hunyo pa, sana kasama ka sa mga
kaklase mong nabigyan ng medalya. Kung sana noon ka pa nagpakitang-gilas, sana
kabilang ka sa rarampa sa entablado para tanggapin ang iyong karangalan. Hindi
bale, alam mo naman sa iyong sarili na hindi ka nagpahuli. Alam mo naman sa
iyong sarili ang kakayahan mo. Alam mong nakatulong ang Topaz sa iyong paglago.
Gamitin mo ito sa susunod mong pag-aaral. Next time, gusto kong makasama ka na
sa top. Goodluck!
Alvin John Prado, mula sa malayo,
napadpad ka sa classroom ko. Dati, ang akala ko, mahiyain ka, pero nang
tumagal, aba, umaakting ka pa! Akalain mo iyon?! Ang batang galing sa Bisaya,
nagpakita ng kakaiba at pambihira. Sana nakatulong ang Topaz sa iyo at sa
pagbabalik mo sa inyong probinsiya, sana magamit mo ang mga ito. Sana maaalala
mo ang mga kaklase mo, lalo na ang mga naging mabuti sa 'yo. Sana kapag luluwas
ka sa Maynila, may pamilya kang babalikan. Sana kapag sila naman ang dadayo sa
inyong lugar, makilala mo sila. Lagi kang mag-iingat! Mahal ka ng Topaz.
Zyrell San Jose Ramos, ikaw ang estudyanteng
lutang, pero mabuti na lang, chill ka lang. Good thing, madalas ka mang walang
ma-say sa discussion, pero alam kung ikaw ay may natutuhan. Ang mahalaga naman,
magamit mo ang mga learnings na iyon sa pagtahak mo pa sa iba pang landasin.
Lagi mo lamg iisipin ang mga aral na napulot mo sa akin o sa amin. Kahit isa
man lang doon ay maalala mo at magamit mo. Sa Topaz, isa kang mahalagang
miyembro. Huwag mong iisiping hindi ka kabilang dito. We love you!
Raymarc Espinoza Samarista, napakabait mong bata.
Hanga ako sa pagpapalaki sa 'yo ng iyong ama at ina. Sana lahat ng estudyante
ay katulad mo. Pero, sana bawasan mo ang sobrang pagkamahiyain mo. Ang K12 ay
written, performances, at test. Mapag-iiwan ka kapag mahiyain kang masyado. Natawa nga ako sa 'yo noong umiyak ka dahil
tinawag kita para mag-recite. Mabuti na lang, na-overvome mo iyon. Nakita ko
naman kung paano ka bumangon. Sa totoo lang, mahusay ka. Inaabangan ko ang mga
performances mo. More! More to come!
Charles Pajulas Tagud, small but terrible.
Sa una pa lang, nakita mo na ang iyong potensiyal. Ganyan nga! Dapat sa una pa
lang, ipakita mo na ang iyong kagalingan para sa huli, ano't ano man ang
mangyari, ikaw pa rin, itatangi ka ng iyong Ma'am o Sir. Wala akong maaalala sa
'yong nakakatawa, dahil sa bawat activity ay seryoso ka. Great job, Charles!
Zheus Paulo Borro Tomines, ang tahimik, pero
kayang isulat ang nasa puso at isip. More confidence lang. Alam kong may
ilalabas ka pa. Huwag ka lang mahihiya. Maging totoo sa sarili at huwag
magpapahuli. Be on top. Be ahead. Natutuwa ako sa iyong pag-evolve. Kaya nga,
proud ako at hindi ko pinagsisihang isinama kita sa mga pinarangalan. So, dapat
lalo mo pang pag-igihan. Sa journalism at creative writing, alam ko, ikaw ay
may laban. Fight, fight lang!
Adrian Ian S. Umayam, madalas man ang mga
kaklase mo, sa 'yo ay nauuyam, pero ako, natutuwa sa 'yo. May potensiyal kang
maging pinuno. Kailangan mo lang maging matigas at maging matikas. Pagdating mo
sa junior high, ipakita mo ang iyong husay. Alam kong may ilalabas ka pa.
Makisama ka. Hayaan mo silang hindi nagtitiwala, basta ang mahalaga, gumagawa
ka ng naaayon at tama. Salamat sa pagiging masipag at masunurin!
Juaquin Gabriille Dejeto Vibar, baby-ng baby ka pa sa
paningin ko, pero mamang-mama na ang husay at galing mo. Amazing! Pursue being
what and who are. Alam kong malayo ang mararating mo. Pero, sana kapag nasa
malayo ka na, marunong ka pa ring lumingon kung saan ka nagmula. Stay cute and
sweet!
Nathan Andrei P. Villamor, hindi ko
makakalimutan ang mga styles ng drawing mo. Makita ko pa lang ang braso ng tao
na iginuhit mo, alam ko, ikaw ang may gumuhit nito. I hope someday, makita ko
ang mga drawings mo sa magazines o kaya
sa comics. Lagi mong tatandaan, ang talent ay hinahaluan ng disiplina. Hindi
ko naman sinasabing wala kang disiplina. Hindi ka naman pasaway, kuwela ka nga
at kaibigan ng lahat. Nakikipagsabayan ka nga sa inglesan ng kambal. I like
that!
Mga
babae...
Alaiza Jane Torlao Alfabete, beauty queen-like ng
buong klase. Laking may salpak na earphone ang tainga, kaya madalas bungol ka
na. Okay lang naman as long as nagpa-partcipate ka at nagpe-perform ka. Basta
sa junior high, sikapin mong bawasan ang kaadikan mo sa gadget. Alam mong hindi
na puwede roon ang style mo sa elementary. Kapag nagpakahina ka, matatabunan
ka. Just focus sa studies. Huwag munang umibig at makipag-date.
Patricia Mae Armohila Antonio, small but terrible ka
rin. Hindi ko makakalimutan sa 'yo ang pagpapaambag mo ng tarpaulin at cake
para sa birthday ko. Salamat sa effort, kahit sumuway ka sa aking gusto.
Nag-goosebumps din ako sa spoken word poetry noong Teachers' Day. Galing! Kung
na-appreciate nga lang ng marami at kung mas maganda lang sana ang tunog ng
mikropono, mas marami sana ang tumaas ang balahibo. Anyways, deserve mo ang
aming palakpak. Kaya, sana ipagpatuloy mo ang spoken dahil masarap at maganda
itong gawain. Dahil sa 'yo, nahilig na rin tuloy ako rito. Mas mahisay ka mga
lang dahil kaya mo pang magmemorya. God bless, Pat!
Lyreignem Xian Grau Aquino, ang hirap bigkasin ng
pangalan mo. Mabuti na lang hindi ka mahirap matuto. Iyan ang katangi-tangi sa
'yo. Isa pa, mahusay ka sa aktingan, lalo na kapag ikaw ang kontrabida. Puwede
ka na sa Star Magic. Natuwa ako noong nag-Ms. Q&A kayo. Sabi mo,
"Mataba man ako sa inyong paningin, ang totoo, kaunti lamg ako kapag
kumain." Andami kong tawa roon. Nawala ang stress ko. Thumbs up!
Allaine Guia Arroyo, nakita kita noong
Grade Five ka, na nakikipagsabunutan sa kaeskuwela. Alam mo bang ang tingin ko
sa 'yo ay bumaba? Pero, nang nasa Topaz ka na, nagbago rin naman nang kusa,
lalo na nang isang school year kang nagbenta. Ang hirap kaya ang iyong
ginagawa. Sigaw rito, sigaw roon. Saway rito, saway roon. Sukli rito, benta
roon. Magko-compute pa at magsasauli ng tira-tirang food sa tray ninyo. Salamat
sa pagiging tindera, este, sa pagiging ate. Takot talaga sa 'yo ang iyong mga
kaklase. Anak ka ba ni Duterte? Anyway, keep up the good work.
Althea Jainal Arroyo, isa ka sa mga
naaasahan ko sa klase. Noong wala ako, naiiwanan ko sa 'yo ang iyong mga kaklase. Napansin ko nga, mas
tahimik pa nga yata sila kapag wala ako. Galing! Galing mong maging leader.
Anak ka rin ba ni Marcos? Pero, ingat ka lagi kapag ikaw ang pinuno. Mahirap
din ang nakakapanakit ka. Just have a self-control. Hindi ko makakalimutan amg
mga akda mo, lalo na kapag sa ama patungkol. Alam ko kung gaano mo kamahal ang
iyong ina at ama. Hanga ako sa iyo dahil nauunawaan mo ang inyong sitwasyon.
Hanga ako sa iyo dahil hindi ka nagtanim ng gamit sa iyong ama. Huwag kang
mag-alala, hindi ka nag-iisa. Kahit ang mga anak ko una, katulad mo rin sila.
Ang masakit lang para sa aming mga amang nagkasala ay kapag itinakwil na kami
ng aming mga anak. Basta tandaan ninyo, bibihira ang ama na nagpapabaya sa
kanilang mga anak. Pagkakataon at panahon lamang ang magtatakda. At tanging
Diyos ang nakakabasa ng aming isipan at puso. Sana magkita kayong muli ng iyong
ama soon.
Nicole Ann Llorca Bangayan, aktibo ka rin naman.
Hindi ka nagpapahuli sa mga gawain at talakayan, kaya lang mas kailangan mo
pang galingan para umabot sa hangganan. Anyways, may next time pa naman. At
saka, naging bahagi ka naman ng documentary sa GMA-NewsTv- Brigada. Kakaibang experience
iyon, 'di ba? Hindi ko nga lang makalimutan ang phone call ng iyong lola. Ako
pa tuloy ang pinagalitan niya. Okay lang naman, basta alam ko, masaya ka. May
uwi pa nga tayong rehalo mula kay Ate Shilla.
Diane Isabel Dingcong Capulong, noong unang
discussion, napansin ko kaagad ang iyong dunong. Pambihira ang iyong pagsagot
sa bawat tanong. Sa mini-beauty contest sa classroom, game na game ka rin. Kaya
pati sa Division Palaro, pumayag kang maging.mise ng Gotamco. Salamat sa
pagpapaunlak! Siguro nga one of these days, makikita kitang rumarampa sa
entablado ng mga pageant gaya ng Binibining Pilipinas o Miss Universe. Wow!
Proud teacher here.
Jimbeth Dela Cruz Cerna, tatahi-tahimik ka
lang, at may pagka-absenera, pero alam ko, may ibubuga ka. Kaya nga, muntik ka
nang umabot sa 90. Hindi bale, maganda ka naman at matangkad pa. Bawi ka na
lang sa Grade 7, ha? Doon iwas absent na. More performances din. Huwag
kalimutan ang pagsulat ng tula, kuwento, balita, o sanaysay, ha? Very good!
Lorysen Kate Turing Colico, nanghihinayang ako sa
'yo, kasi puwede ka sanang makakuha ng nubenta porsyento. Ano ba ang nangyari?
Sa klase ko, umaktibo ka naman at nag-participate sa mga pinagagawa ko. Sa
written, mahusay ka naman at sa panlasa ko ay pasado. Siguro sa mga test ka
lang bumaba nang husto. Hayaan mo, ang talino naman ay hindi nasusukat sa
grado, kundi kung paano gagamitin ang mga natutuhan sa klase ko. Goodluck!
Saludo ako sa 'yo.
Dianzen Bugtae De Los Santos, sa akin ayos na ayos
ka. Okay ang iyong written prowess. Okay ang iyong mga performances. Sa test,
matataas naman, kaya hayan, tumanggap ka ng karangalan. Kung hindi ka lang sana
madalas lumiban, baka mas mataas pa ang iyong grado sa bawat markahan. Okay
lang iyan! Ang mapabilang sa mga pararangalan ay isa nang magandang karanasan.
Ipagpatuloy mo lang ang kasipagan. Bawasan ang mga bagay at gawaing hindi naman
pakikinabangan. Agree? Okay!
Tricia Camille Moreno De Vera, sobra mong tahimik.
Sobra! Halos hindi nga kita marinig. Pero, hindi ka naman nagpapahuli sa bawat
activity. At sa written works, hanep ka! Wala akong masabi. Hugot kung hugot!
Ang ambag mo sa Topaz at GES ay hindi ko malilimot. Pinahanga mo rin ako nang
sa nag-first place ka sa photojourn. Parang wala kang effort, pero alam kong
deserve mo. Great job! Sa akin, ikaw ay click na click.
Chealsey Louise Ebio Laxamana, wala akong masabi sa
'yo, I mean, andami. I just to thank you for the great experiences and efforts
you shared sa Topaz at sa Gotamco. Hindi na kita pupurihin masyado. Alam mo
naman iyon, right? Basta, lagi mong tatandaan ang mga aral at good words na
natutuhan mo. Ikaw ang inaasahan ko sa batch na ito para mag-look back. First
time konh mag-handle ng section one and it makes me proud na naging bahagi ka
ng isang pambihirang karanasang ito. Goodluck sa mga academic endeavors mo.
Alam kong, katulad nila malayo ang mararating mo. Pero, huwag makalimot sa
pagsulat. Iyan lang ang alam kong naipamana ko sa 'yo, sa inyo. Remember, sa
pagsusulat, malayo ang mararating. Thank you!
Erica Mae Logro Marbella, ikaw raw si Moira at
Morisette, pero.hindi pa.kita narinig bumirit. Puwede bang sa amin ay iyong
iparinig ang iyong tinig? Joke lang. Alam kung may talent kang nakatago. Nakita
ko iyon nang nag-fliptop ka at nag-spoken word. Continue mo lang. Sa
pagsusulat, astig ka rin. Never mind ang sulat-kamay. Bata ka pa, doktor na.
Kung may time ka, i-develop mo ang penmanship mo. Sabagay, sabi nila, ang
matatalino raw ay pangit ang sulat-kamay. Naniniwala ako kasi ang sulat ko ay
parang kinahig ng manok, minsan. Sige na, hanggang dito na lang. Enjoy life na
lang. Kung may kulang man, punuan mo ng masasayang alaala. God bless!
Jana Patricia Tabay Martillan, sa energy, ikaw yata
ang number one. Often than not, lagi kang active. Pero, one time, pinataranta
mo ang Topaz, pati ang ibang mga guro at ang principal. Ako noon, hindi alam
ang gagawin. Para akong hangin, lumulutang-lutang lang. Ang mga kaklase mo
naging iyakin. Walang hiya kasing Dengvaxia na 'yan, nagpaalarma sa atin.
Gayunpaman, naging okay ka na rin. Nalaman naming madalas ka lang mapuyat at
mag-skip sa pagkain. Payo ni Dok, love your health.
Mikee Pauline Rogero Mendoza, ikaw yata ang female
counterpart ko pagdating sa Wattpad. I like that! Hilig ko rin dati ang magbasa
kaya ako ay nakapagsulat. Tuloy lang! Aasahan ko na someday makilala ka sa
wattpad world. Iwas lang sa food trip para hindi mag-alburuto ang sikmura mo.
Kasi, madalas, absent ka. Nakakaapekto kaya sa iyong class standing. Isa pa,
lakasan mo ang boses mo kapag nag-peperform o nag-rerecite ka para mas mataas
ang markang makukuha. Another, keep on writing!
Shaina Ileto Pahayahay, ikaw naman ay masipag
talagang tunay. Nakita ko kong paano ka nagsikhay. Kahit hindi kita nakikita,
alam kung nag-aaral ka sa bahay. Kapag sa klase naman, attentive ka. No wonder,
nag-reflect naman sa 'yo talaga. Keep it up, Shaina! Sa junior high school ay
mas galingan mo pa. Doon ang competition ay matindi talaga, kapag nagpakahina
ka, matatabunan ka. Gaya ng sinabi ko, sa unang araw pa lang magpakilala ka na
sa guro at sa mga kaeskuwela. Paano? Recite lang nang recite hanggang isipin
nila, na deserve mo talaga ang grades mo sa bawat asignatura. Huwag kang
mahihiya. Sa panahon ngayon, nagugutom ang mahiyain. Okay?
Cristal Joy Davidson Segunla, ang cute mo talaga!
Isa pa, bumilib ako sa taglay mong sipag at tiyaga. Pagdating sa gawain at
sulatin, hindi ka pumapalya. Sa disiplina, wala akong mapupuna. Numero uno ka!
Kaya naman, ikaw ang batang may natatanging pag-uugali sa klase. Ikaw ay
namumukod-tangi. Ituloy mo lang ang ganyang ugali. Alam mong daig ng
disiplinadoang matalino. Congrats sa iyo at sa mga magulang mo!
Andrea Resurrecion Tamayo, ikaw si Ms. Fall.
Madalas kang ma-fall, este matumba. One time, pinalapit kita. Nakakatawa dahil
natumba ka pa. Hindi ka naman niyan lampa o baka iyo lang sinasadya? Anyways,
huwag munang ma-fall sa lalaki, ha? Aral muna. Bata ka pa. Maganda. Bright
future is waiting there for you. Make your family, relatives, and friends proud
of you.
Xyra Bree Ercilla Tua, isa sa mga Topaz na
parang dalaga na. Nagli-lipstick na nga at sa poging lalaki ay naaakit. Payong
tatay lang, Xyra, lessen mo ang pag-ibig. More studies muna. Focus sa
edukasyon, huwag sa relasyon. Kaya mas mataas ang utak kaysa puso dahil
kailangan nating matuto bago ang magkaroon ng kalaguyo. Hindi masama ang
magmahal o magka-crush, basta gawin nang tama. Gayunpaman, nakita kong magaling
ka. Sa mga performances, nakikipagsabayan ka. Keep it up! Sa junior high,
magagamit mo 'yan. Study hard lang.
Lady Haiko Adolfo Villarente, andami mong
kinasangkutang gulo, pero hindi ako nainis sa 'yo dahil alam ko, gusto kong
magbago. Tandaan mo lang, kapag nasa school ka, pag-aaral dapat ang una. Hindi
bale kung ang mga labi mo ay iyong pinapupula, basta sana ang card mo ay walang
pula. Well, sa Topaz, nag-shine ka naman kahit paano. Hindi ka man star gaya ng
iba, but I know, kaya mong kuminang. Next time, be a star. Ikaw naman ang
mag-shine. Alam ko, kaya mo. Aja!
Ngayon,
ako'y magpapaalam na. Humayo kayo't maging matagumpay, ha? Gamitin ninyo lahat
ang mga naibahagi ko. Munti man ang mga iyon, pero mahalaga.
Again,
congratulations sa inyong lahat! Salamat! Salamat sa pagiging bahagi ng inyong
isang makabuluhang santaon!