Followers
Saturday, October 6, 2018
Ang Aking Journal -- Oktubre 2018
Oktubre 1, 2018
Hindi ko alam kung bakit high blood ako kanina. Maganda naman ang tulog at gising ko. Hindi naman ako na-late. Sadya lang talagang narindi ako sa mga ugali ng mga estudyante, lalo na ang VI-Love. Sobra sila. Malala na. Worst. Hindi na sila makuha sa pakiramdaman at tingin. Na-bad trip nga ako sa kanila, kaya pati ibang section ay apektado. Handang-handa naman ako sa lesson ko.
Bago mag-uwian, sinermunan ko ang advisory class ko. Gusto ko nang magmura. Pinigilan ko lang ang sarili ko. Gayunpaman, napagsalitaan ko sila ng ilang masasakit na salita. Hindi ko na nga siguro sila matututunang mahalin.
Pinaiwanan kong marumi ang classroom. Iniwanan nga nila. Hindi ko namn nalinis kasi nagpamiting si Sir Erwin. Nang matapos, umuwi na rin ako.
Sa bahay, pagdating ko bandang alas-3, hindi naman mainit ang ulo ko.
Gabi. Nakagawa ako ng mga kapaki-pakinabang na bagay. Naghanda ng ituturo bukas. Gagamitin ko ang know-how ko sa paper mache. Nagluto ako ng paste. Nag-sample din ako. Na-enjoy nga ng aking mag-ina ang pagdikit ng papel.
Oktubre 2, 2018
Ako ang nagwalis at nag-mop sa classroom namin. Naabutan ako ng advisory class ko mula sa flag ceremony. Sinadya kong ipakita sa kanila ang resulta ng kawalang-disiplina nila. Sa labas lang sila naghintay. Nang matapos ko, pinasulat ko sila ng sampung dahilan kung dapat silang manatili sa Grade Six-Love.
Pagkatapos kong mag-almusal, uminit na ang ulo ko. Nagwala ako. Sinipa ko ang upuan. Hinagis ko pa. Dalawang beses akong nagbalibag. Nagulat ang lahat. Firts time kong ipinakita ang tunay kong ugali.
Kahit sina Sir Erwin at Sir Joel, hindi nakapaniwalang nagawa ko iyon. Lumabas din ang maaanghang na salita mula sa aking bibig.
Gayunpaman, nagturo ako sa ibang section. Na-inspire silang gumawa ng paper mache.
After class, nag-stay ako sa school. Sinubukan ko ang monitor sa laptop ko. Gumana naman iyon. Kaya naman, naisipan kong gumawa ng PPT presentation para bukas. Mas mapapadali ang pagtuturo ko kapag may ICT integration.
Past 7, nakauwi ako. Masaya akong sinalubong ng aking mag-ina. Masaya ko ring inabot sa kanila ang pasalubong ko.
Oktubre 3, 2018
Nagturo ako sa kabila ng tampo ko sa advisory class. Naging effective naman ako lalo na't gumamit ako ng powerpoint presentation sa kanila.
Nakapagpagawa ako ng greeting cards para sa mga guro bilang groupwork. Gumamit sila ng mga pandiwa dahil iyon ang aralin namin. Na-enjoy naman nila iyon.
Nag-rehearse din kami sa mga estudyanteng kakanta bukas sa Teachers'Day program.
Pagkatapos ng klase, nag-dinner kaming Grade Six advisers nang sabay-sabay, maliban kay Ma'am Madz, nasa practice kasi. Nagplano kami ng isang hiking at bonding. Then, nag-brainstorm kami about sa DepEd system.
Past 3 na kami natapos. Saka lang ako nakapunta kay Ma'am Joann para ibalita ang tungkol sa speaking engagement sa Antipolo City. Kailangan ko ng mga makakasama. Interesado naman siya, gayundin si Ma'am Fatima.
Agad akong gumawa ng matrix para sa tatlong araw na workshop sa pagsulat ng kuwentong pambata, gaya ng gusto ni Ma'am Teresa Padolina, ang dating guro ko sa ANHS.
Sana matuloy. Magkasundo sana kami sa professional fee.
Seven o'clock, nakauwi na ako. Dumating naman si Epr, kalahating oras pagkatapos kong dumating.
Oktubre 4, 2018
Kahit maingay at magulo ang buong school dahil sa pinagsamang AM at PM sessions, nagpakulo pa rin ako. Na-enjoy ng estudyante ko ang 'complete the phrase' at ang 'guess whose secret it is.' Hindi nga lang natapos kasi nagsimula na ang program.
Magulo ang program. Nakakainis lang. Gayunpaman, na-enjoy at nairaos naman Teachers' Day celebration. Masaya ako dahil may apat na Topaz na dumalaw sa akin para bumati at mag-abot ng greeting card. Masaya rin ako kahit hindi ko masyadong pinapansin ang Love. Alam kong nasaktan sila, pero ginawa ko iyon upang magbago sila. Wala talagang bumati sa akin. May nakalusot man, dalawa lang. May gumawa ng placard at may nagregalo.
Patuloy kong idi-discourage ang pagbibigay ng regalo habang estudyante pa lang sila.
After it, nakipag-brainstorm ako sa Kinder about sa speaking engagement namin. Nag-decide kaming bumiyahe na lang araw-araw, instead na mag-live in for two nights. Pinag-usapan din naman ng tungkol sa professional fee. Sa madaling sabi, lumilinaw na ang aming event lalo na't kinuha na ang names ng mga kasama ko at ng principal para sa invitation.
Past 12, nagsimula naman ang munting salusalo na inihanda ng GPTA officers para sa faculty. May pa-raffle pa sila. Nakabunot ako ng P100.
Past 1, sa Cuneta Astrodome naman kami. Hindi agad nagsimula kaya past 7:30 na natapos. Inis na inis ko lalo na't hindi man lang ako nabunot para sa mga raffle prizes. Gayunpaman, na-enjoy ko ng mga performances ng mga kabaro ko.
Ten na ako nakauwi. Antok na antok na ako, pero nagawa ko pang mag-post ng mga pictures. Haist!
Oktubre 5, 2018
Kakaunti ang estudyanteng pumasok. Walang palitan ng klase. Nagpasulat lang muna ako ng balita sa advisory class ko. Then, nagturo ako ng pagsulat ng haiku at tanaga. Nakapagpasa naman ng output ang iba. Gusto nilang mapasama sa zines ang mga akda nila. Na-enjoy naman nila iyon. Alam kong na-inspire pa sila dahil sinabi kong mapapakinabangan ang itinuturo. Mas mainam naman talaga kasing mahusay sila sa mga praktikal na kaalaman.
Nakapagluwentuhan din kami nina Ma'am Vi at Ma'am Madz habang nagpi-PE ang mga estudyante namin.
Then, at 12:40, bumiyahe kami papunta sa Salitran, Dasma, kina Ma'am Vi para mananghalian. Ast two na kami nakarating at nakakain. Gayunpaman, sulit dahil sobrang sarap ng mga pagkain at sobrang saya ng bonding namin.
Nakahingi pa ako ng mga halaman, punla, at bonsai. Bibigyan pa raw niya ako ng bantam chick.
Past 4, pumunta naman kami kina Ma'am Fatima. Nauna pa kami sa kaniya. Gayunpaman, naging masaya uli kami. Nagpapansit at nagpabiko siya.
Past seven na kami nagkayayaang umuwi. Antok na antok ako, pero masaya. Sulit! Makabuluhan ang naging araw naming mga guro. Nawala ang aking stress.
Hindi rin naman ako kaagad natulog. Nanuod pa ako ng tv at nag-FB. May naka-chat nga akong may problema sa kaniyang nararanasang tourette syndrome. Akala niya, marami akong alam dahil nabasa niya sa KAMAFIL ang akda ko. Anyways, sana nakatulong ako.
Oktubre 6, 2018
Nautusan pa ako ng mga kaklase ko sa masteral upang bumili ng cake para kay Dr. Libuit. Nag-ambagan kami. Nakikilala talaga ang mga sipsip na guro. Gayunpaman, hindi ako nainis. Nanghinayang lang ako sa pera.
After naming maibigay ang cake at makapag-groufie, nag-research ako sa CUP library. Kahit paano, may nadagdag sa study ko. Naabutan nga ako roon nina Sir Jonas ng CES at Sir Joel K.
Ten-thirty, umuwi na ako. Sa bahay na ako nakapag-lunch.
Sinimulan ko ang paggawa ng PowerPoint presentations para sa speaking engagement namin sa San Roque National High School. Mabuti na lang may ibinigay si Sir Genaro sa workshop namin noon. Nakatulong din ang workshop namin sa NCCA.
Oktubre 7, 2018
Ang sakit ng likod ko, kaya hindi maayos ng tulog ko. Andami ko na namang lamig sa katawan. Hindi naman puwedeng hindi mag-electric fan. Ang init, e.
Past 8 na ako bumangon. Nag-almusal lang ako, saka ako nag-print ng DLL at LMs. Pagkatapos, nag-gardening ako. Na-miss kong magtanim.
Kahit paano, umaliwalas ang harapan namin. Gusto ko pa nga sanang magtanim ng mga gulay. Maliit lang talaga ang lote. E, kasi naman, halos mapuno na ng mga ornamental plants.
Itinuloy ko ang paggawa ng PPT. Kahit paano, nakarami na ako. Hindi na ako kakapusin sa oras. Hindi na rin mahihirapan ang mga makakasama sa workshop.
Oktubre 8, 2018
Muntik na akong ma-late kanina. Nag-e-exercise na ang mga estudyante nang dumating ako.
Sobrang antok na antok ako kanina dahil hindi maayos at kompleto ang tulog ko, gawa ng backache. Gayunpaman, sibikap kong maging productive ang araw ko. Nagturo ako nang energetic. Nagpa-group work. Umidlip ako nang vacant period ko.
After class, sa halip na mag-research sa National Library, mas pinili kong mag-stay sa school para maghanda ng LMs at mag-encode ng akda ng mga estudyante.
Four-thirty na ako lumabas sa school. Tumaya ako sa lotto (6/55). Sisikapin kong makataya araw-araw.
Nang dumating ako sa bahay, agad akong gumawa ng PPT. Observation ko pala bukas.
Oktubre 9, 2018
Muntik na naman akong ma-late kanina. Napasarap ang tulog ko. Past 4 na ako nagising, na supposedly 3:45. Hindi ko narinig ang alarm. Naghilamos na lang tuloy ako.
Nagpa-observe ako kay Sir Erwin kanina. Okay naman kahit minadali ko ang paghahanda ng lesson at materials.
Bago matapos ang klase, na-highblood ako sa VI-Hope. May nag-away raw habang nanenermon ako sa advisory class ko, na walang guro dahil nasa Palaro. Puro pasaway ang mg estudyante. Wala na halos matino. Nakakabuwisit! Kailangan pang magsaksakan. Puwede namang magsuntukan lang. Ang klase ko naman, wala na yatang mga utak. Hindi na masaway nang isa o tatlong beses. Beast mode talaga ako! Dagdagan pa ng isang inilipat sa akin. Marky Aguirre. Akala mo kung sino. Porket ipinagtatanggol ng principal. Mali naman ang mga ginagawa. Haist! Poor teacher.
After class, gumawa uli ako ng PPT para bukas. Mas madali at kawili-wili ang ICT-based na LMs kaysa sa traditional. Although, kailangan ko pa rin i-combine. Hindi naman laging may time para mag-prepare.
Past 4 na ako lumabas sa school. Tumaya ako sa lotto. Ikalawang araw na ito. This time, 6/58 na. Almost one billion na ang at stake. If God's will, marami akong matutulungan.
Oktubre 10, 2018
Na-bad trip ako sa VI-Love. Para na naman silang tuod. Madadaldal sila, pero kapag oras ng talakayan, ang babagal ng isip nila. Hindi nga ako nagturo dahil parang ayaw nilang makipagtalakayan. Nagpa-saetwork na lang ako.
Maghapong mainit ang ulo ko. Hindi ko alam kung bakit sobrang lala na ng mga ugali ng bata. May sinundo pa ako sa baba dahil bumaba nang walang paalam. Nakisali sa mga nagti-training ng badminton. Kapag napahamak, ako pa ang may kasalanan. Haist, buhay-guro nga naman!
Dala ko pa naman si Kokky. Hindi rin naman pala nakatulong ara mawala ang stress ko. Talo talaga ako sa ugali ng mga bata.
After class, nag-stay ako sa classroom ko. Gumawa ako ng zines. Ang "Haiku Leksiyon" at "Diona Mandala." Ready to print na ang mga ito.
Nakaidlip din ako kahit paano. Gusto ko talagang makabili ng folding bed. Ang hirap matulog sa semento, na sinapinan lang ng mga diyaryo o Manila paper. Mahihimbing siguro ako kapag ganoon.
Past five na ako nakalabas sa school. Hinintay ko pa kasi si Ma'am Edith. Past seven naman ako nakauwi.
Oktubre 11, 2018
Kahit paano, masaya kong hinarap ang advisory class ko. Nakapagturo ako nang maayos. Nag-participate sila. Matagal man nilang natapos ang groupwork, okay lang kasi wala naman silang teacher sa next period. Hindi nga lang nakapag-perform lahat ng group.
Nang vacant ko, sinimulan kong gawin ang bulletin board ng Grade Six. United Nations ang okasyon.
After class, nakimiting ako sa coop board. Pagkatapos niyon, nag-stay ako sa classroom. Sinimulan ko naman ang zine na 'Ha, Tanaga?'
Past five na ako nakalabas sa school, kasama ang ibang panghapong teacher. Tumaya kami sa lotto.
Oktubre 12, 2018
Nagturo uli ako sa Grade VI-Love ng dalawa pang uri ng tula--ang Tanka at Limerick. Tinuruan ko rin ang ibang section. Na-enjoy naman nilang lahat. May mangilan-ngilang wala sa sarili, pero nakita kong may lugar ang poetry sa buhay nila, lalo na't iginagawa ko sila ng zines.
Pagkatapos ng klase, in-encode ko ang mga napili kong akda. Marami-rami rin ako ng nagustuhan. Makabubuo uli ng tatlo pang zines.
Before 8, nasa bahay na ako. Traffic kasi.
Oktubre 13, 2018
Alas-nuwebe na ako nakarating sa CUP. Alam ko na agad na kailangan kong magpasa ng mid-term exam. Dalawang question lang naman kaya natapos ko kaagad.
Past 10, bumiyahe na ako papunta sa St. Matthew's Publishing house para sa training-workshop. Nakapag-lunch pa ako bago ako umakyat. Dumating naman agad sina Ma'am Ann At Ma'am Venus.
Na-boring ako sa training na iyon. Hindi ako nakasabay sa paggawa ng e-book na pinangunahan ng Bookshare. Pero, na-inspire akong magpasa ng akda sa St. Matthew's.
Worth it naman. At least, naging bahagi uli ako at ang dalawa sa isa na namang prestigious na groups.
Past 8 na ako nakauwi sa bahay.
Oktubre 14, 2018
Pagkatapos kong mag-gardening at maglinis ng banyo, hinarap ko naman ang pagpasa sa St. Matthew's Publishing ng manuscript ng chapter book kong "Ang Pagsubok ni Lola Kalakal."
Umaasa akong magiging bahagi ako ng kanilang publishing. Mas maigi na ang magpasa ng kuwento kaysa sa textbook.
Nagawa ko rin ngayong araw na tapusin at i-print ng dalawang zines--'Haiku Leksiyon 2' at Tanka Ka?' Nasimulan ko ring i-layout ang 'Limerick.'
Oktubre 15, 2018
Ayos naman ang Lunes ko. Kaya lang, nagpasaway pa rin ang ampon kong estudyante na si Marky. Hindi ko talaga siya kayang pakisamahan dahil siya mismo ang sumisira sa tiwala ko.
Naglabasan kanina ang mga masasama niyang gawain. Una, ilang taon na siyang may kinokotongan. Pangalawa, nag-masturbate daw kanina sa classroom. Dyusme! Extortionist na, exhibitionist pa.
Naunawaan ko na si Sir Hermie kung bakit niya nasaktan.
Nagdesisyon akong hindi na siya tanggapin bukas. Tutal hindi ako ang adviser niya. Maghahanap siya bukas ng teacher na tatanggap sa ugali niya.
After class, nag-encode ako ng tulang cinquaian ng mga estudyante ko. Umidlip din ako.
Past 4:30, nag-out na ako. Tumaya ako s lotto. Itutuloy pa rin ang taya kahit may nanalo na.
Past 7 na ako nakauwi. Pagod pero masaya.
Oktubre 16, 2018
Masaya sana akong nagtuturo kaya lang nainis ako sa sagot ni Emily sa chat ko. Nauwi sa palitan ng maaanghang na salita. Ayaw ko kasi ng sinusumbatan ako.
Paulit-ulit na lang ang ayaw namin. Nagkulang pa ba ako? Ako na nga lang lahat ang kumikita at gumagastos sa bahay, may kulang pa ako? Litseng buhay!
Nasira talaga ng araw ko.
Natulog ako pagkatapos kong hintaying makauwi ang mga cleaners. Kahit paano nawala ang stress ko. Nakapagsimula pa ako ng bagong zine -- ang 'Haluhalo.'
Pagdating sa bahay, tahimik lang ako. Hindi niya rin ako pinansin. It's okay.
Oktubre 17, 2018
Shortened ang klase kaya walang maayos na palitan ng klase. Gusto ko sanang mag-stay sa klase ko, pero may lumipat. Napilitan tuloy akong lumipat din. Binasahan ko ng hrror story ang VI-Peace.
Nawala naman ang stress ko dahil natuwa ako sa mga alaga kong palaka. Dinala ko sila kanina sa school. Na-research ko na rin sa google ang class name nila. Tinatawag silang banded bullfrog (Kaloula pulchra) o mas kilala sa tawag na chubby frog.
Mainit ang professional meeting namin kanina. Naglabas ako ng saloobin. Alam kong nakita nila ang points ko. Sana lang magkaroon na ng mabuting pagbabago. Nakakasawa na ang bangayan.
Past 2 na natapos ang meeting. Sobrang gutom na gutom kami. Pero, dahil nagsalo-salo kaming Grade Six advisers, magana pa rin kami. Masaya kaming lahat sa nangyari.
Past 7:30 na ako nakauwi. Pagod na pagod ako pero masaya. Hindi ko nga lang binati ang wife ko. Gusto ko lang namang ipadama sa kaniya ang sakit ng mga sinabi niya sa akin.
Oktubre 18, 2018
Nagpa-pretest lang ako sa mga estudyante ko. Hindi naman ako nahirapan at na-stress dahil sa aking mga alagang chubby frogs. Kahit sila ay natuwa sa mga pets ko. Nahawakan pa nga ng iba.
Before 12, pinatawag ako sa opisina para harapin si Marky, ang estudyanteng dahilan ng stress ng Grade Six teachers. at ang kaniyang lola. Hindi ko alam kung bakit ako nadamay sa problema. Sana hindi ko na lang siya kinanlong. Hindi ako ang adviser niya. Nagmalasakit lang ako. Tapos, gumawa pa ng mabibigat na kasalanan, like extortion, sexual act, at iba pa.
Sinisisi ko rin ang principal dahil pinigilan pa niyang lumipat ng ibang school. Binigyan niya pa ng idea tungkol sa Child Protection Policy. Lumaki tuloy ang ulo.
Tumanggi akong bigyan ng isa pang chance sa section ko. Ayaw ko, sabi ko, ng kumpromiso. Mahal ko ang career ko. Maaaring mangyari sa amin ang nangyari sa kanila ni Sir Hermie.
Naihayag ko kanina kay Ma'am ang mga saloobin ko. Ipinakita kong mali ang desisyon niya. Nanalo ang point ko. Grades ang kailangan ng bata, hindi pangungunsinti. Modular daw habang nasa Guidance's Office. Nakakatawa. Para siyang politikong ikinulong sa airconditioned room.
Ang payo ko, ibalik sa adviser. Since ayaw na ng bata, lilipat siya sa ibang paaralan. Good for us.
Umidlip ako after lunch. Then, nag-enjoy sa pagsulyap sa mga painted bullfrogs ko. Nakakatuwa sila habang nilalantakan ang mga itim na langgam.
Before 8, nasa bahay na ako. Still, tahimik ako. Wala pa akong balak, batiin ang asawa ko.
Oktubre 19, 2018
Nagsimula na kaming magbigay ng test sa mga bata, instead na sa Lunes pa.
Nakapag-meeting kaming Grade Six teachers habang nas classroom ang mga bata. Naiinis talaga kami sa walang respetong case study sa estudyante namin. Para tuloy kaming nasa loob ng aquarium habang may nakatikim sa amin.
Sobra akong naaasar sa ESP supervisor ng SDO-Pasay dahil hindi man lang kami hinarap at kinausap para sa case study niya. Kawalang-respeto iyon sa amin. Tapos, sa amin babagsak lahat ng sisi samantalang major offenses na ang ginawa ng bata. Extortion and mastubation sa klase.
Sa kabila ng inis at galit namin, nakapagplano kami tungkol sa outing/bonding/reflection naming Grade Six teachers with out MT. Sa Sunday, magro-roadtrip kami sa Cavite.
After class, tumambay ako sa Grade One. Nakipagkuwentuhan ako. Pinapraktis ko na ang mga sasabihin ko para sa susunod o posibleng encounter ko sa mga heads.
Then, nag-design ako ng zines. May natapos na akong isa.
Nag-enjoy din ako sa panunuod ng youtube videos about chubby frogs habang nagpapakain sa mga pets ko.
Later, nag-chat si Ma'am, na-inspire at nainggit daw siya sa mga alaga ko, kaya humingi siya ng suhestiyon kung ano ang dapat niyang alagaan. Nagustuhan niya ang pagong.
Before 8, nasa bahay na ako.
Oktubre 20, 2018
Tahimik pa rin ako kanina habang nag-aalmusal ako. Hanggang sa pag-alis ko.
Sa CUP, nagkuwentuhan lang kaming magkakaklase kasi nasa colloquim si Dr. Libuit. Pumupunta-punta rin naman siya.
Past 10:30, nasa GES ako para pakainin ang mga palaka ko. Gumawa din ako ng answer key sa Filipino 6.
Past 12:30, umalis na ako. Nag-lunch lang muna ako sa isang karinderya. Alas-dos nasa bahay na ako. Agad akong nagpahinga at natulog.
Nakapag-gardening ako bago dumilim. Napakain ko rin ng mga anay ang mga chubby frogs ko.
Gabi, nakapag-print na ako ng zines-- ang 'Ha, Tanaga?' at 'Haluhalo.'
Bukas, may road trip kaming Grade Six teachers.
Oktubre 21, 2018
Past 6, na-pick up na ako ng van na kinalulunaran ng kasamahan ko sa Grade Six. Umaambon kaya medyo malungkot ako. Gayunpaman, natuwa ako sa magagandng tanawin sa aming dinaanan. First time kong makarating sa Nasugbu. Nakadaan na rin ako sa wakas sa iba pang bahagi ng Tanza, sa Naic, sa Maragondon, at sa Ternate. Very provincial ang feels. Nature tripping talaga.
Wala sa plano ang lakad namin kanina, kaya napadpad kami sa Papaya Island Cove sa Nasugbu, Batangas. Disappointed ako sa beach doon dahil napadpad ang mga water hyacinth na nagmula sa Ilog Pasig. Naging parang basurahan tuloy ang lugar. Hindi mapaliguan. Gayunpaman, nag-enjoy kami sa company ng isa't isa. Na-relax kami. Ang essence naman ng picnic na iyon ay maging masaya sa gitna ng kontrobersiya sa school at stressful work namin.
Masagana ng lunch namin. Sobrang busog ko. Halos antukin ako. Pero, nakalublob naman ako kahit paano sa dagat nang low tide na. Nakapag-selfie pa sa may cliff doon.
Past 3:30, sinundo na kami ng bangkero. Mabilis ng biyahe kaya nakauwi ako ng bandang alas-singko. Bitbit ko ang experience, kasiyahang priceless, at ang bago kong mga pets--hermit crabs.
Oktubre 22, 2018
Na-late ako kanina. Nakaakyat na ang mga estudyante nang dumating ako. Pero, hindi pa naman ako late sa bundee clock.
Itinuloy namin ang second periodic test. Nakakapagod lang. Mas napapagod ako kapag exam. Mas pasaway ang mga estudyante. Iba na talaga ang henerasyon ngayon. Kailangan ko nang magtinda ng disiplina. Ayaw nila ng libre. Gusto ang binibili. Haist!
After ng klase, nanuod ako ng tungkol sa hermit crab. Nang inantok ako, pinagbigyan ko. Past one, nayaya ako sa Kinder. Birthday kasi ni Ma'am Joann.
Ipinagpatuloy ko ang panunuod ng youtube videos about hermit crab. Lalo akong na-inspire mag-alaga. Nag-alala lang ako kasi hindi ko dapat ibinabad sa salt water ang mga nahuli kong hermit crab sa Papaya Island kahapon. Dapat pala, kagabi pa ako nag-research ng info at facts.
Nang makauwi ako, ang hermit crabs kaagad ang hinarap ko. Nalungkot ako nang makita kong namatay ang mga iyon. Itatapon ko na sana nang may mapansin akong gumagalaw. Buhay pa ang isa. Tapos, tiningnan ko uli ang iba. May buhay pang isa. Dalawa na. Natuwa ako nang i-double check ko ang iba pa. Tatlo na sila.
Kahit paano, maitutuloy ko ang pag-aalaga ng hermit crabs. Kaya, agad kong ginaya ang naanuod ko. Binigyan ko ng carrots. Nalagay din ako ng saltwater at fresh water sa mga takip ng botelya.
Excited na akong dalhin sila sa school bukas. Sigurado, matutuwa na naman ang mga estudyante ko.
Oktubre 23, 2018
Second day ng periodic test. Sinikap kong matapos. Nagawa naman nila bago mag-uwian. Naturuan ko pa nga silang sumulat ng tulang Diamante at Sonnet.
Nai-setup ko na ngayong araw ang tank ng tatlo kong hermit crab. I hope mapalaki ko sila.
After class, gumawa kaming Grade Six advisers ng mga materials para sa INSET bukas. Kami ang officers-of-the-day. Napagplanuhan naming gawing kakaiba at enjoyable ang opening nito upang ipakita ang aming suporta.
Nag-stay ako hanggang 5 pm. Umidlip ako. Nagmeryenda. At nag-internet.
Sa bahay, after dinner, nagkulay ako ng buhok ko. Habang nagpapatuyo, nagkausap kami ni Emily. Naiinis ako sa ikinuwento niya about sa adviser ng anak namin. Ginawa na siyang alila porke't siya ang HPTA President. Pinag-resign ko siya.
Oktubre 24, 2018
Sinira ng principal ang active participation ng lahat nang naglabas siya ng saloobin. Nagalit kami sa tinuran niya. Sinadya raw naming kalimutan siyang mag-welcome address. Nakakainis na nakakaawa siya. Feeling niya, inapi siya. Naging usap-usapan tuloy siya.
Maganda ang pakulo na inihanda namin. Gusto kasi naming maiba naman ang attendance check at magkaroon ng reflection after. Kaya lang, hindi iyon napansin ng admin na may makitid na pag-iisip. Haist! Pinababa niya lalo ang kaniyang uri.
Past 4:30 na natapos ng unang araw ng INSET. Nakakapagod. Pero, masaya naman ako dahil nasabi ko kanina ang mga gusto kong sabihin na ikamumulat ng mga mata nila.
Oktubre 25, 2018
Na-late ako kanina, pero naabutan ko pa rin ang opening program ng 2nd Day of INSET.
Ang saya-saya ng maghapon. Wala namang speaker. Nagpalaro lang ang Kinder. May mga prizes silang inihanda. Tawanan kami nang tawanan. Kabaligtaran ng nangyari kahapon. Siguro dahil hindi nag-stay roon ang principal.
Napaglaruan ko ang isang hermit crab. Nang balikan ko, patay na siya. Nanghinayang ako. Dalawa na lang tuloy sila. Hindi ko na ulit iyon gagawin.
Maaga akong nakauwi. Nakapagpagupit pa ako ng buhok.
Oktubre 26, 2018
Maaga akong nakarating sa school. Hindi naman kaagad nagsimula ang INSET. Nag-drawing lang ako maghapon. Wala naman kasing speaker. Kuwentuhan lang at kainan ang nangyari. Masaya naman, pero mas masaya kahapon.
Past 6:30 nakauwi na ako. Dala ko ang tatlong palaka. Nalungkot lang ako nang sobra dahil patay na rin ang dalawa pang hermit crabs. Kailangan ko pang pag-aralan ang tungkol sa kanila kapag mag-aalaga uli ako.
Oktubre 27, 2018
Tinamad akong pumasok sa masteral class, kaya nakatulog ako nang mahaba-haba. mabuti na rin pala iyon dahil ayon sa chat messages sa GC namin, hindi raw dumating si Dr. Libuit. Nakatipid ako ng pamasahe.
Dahil walang pasok,nakapag-gardening ako, nakapagpaligo ng aso, nakapag-sketch, at nakapaglinis sa banyo. Nai-print ko rin ang mga zines na 'Katorse,' 'Prosthetic,' at 'The Endeavor - Prayer is Powerful.' Siyempre, nakapag-bonding kami ni Zillion sa pag-paint at paper mache.
Oktubre 28, 2018
Nakatulog uli ako nang matagal-tagal. Pero, maghapon naman akong gising. Okay ang naman. Productive naman.
Nakagawa ako ng tatlo pang zines. Karugtong ang mga iyon ng diary/journal ko na ginawa ko kahapon. Isang zine, isang month. Bale apat na ang zine series kong 'The Endeavor.' Magkakaiba ang ang subtitle nito.
Nalungkot ako sa ibinalita sa akin ni Jano. Nilooban daw ang bahay ni Flor. Finahasa pa siya. Saklap. Minabuti kong ikuwento kay Emily para nakapag-ingat sila. Iba na talaga ang panahon ngayon.
Oktubre 29, 2018
Ikaapat na araw ng INSET. Ping-roleplay ako ni Ma'am Amy sa kaniyang talk. Ayos naman. Medyo kabado.
Naging boring ang maghapon ko. Tungkol sa Child Protection Policy at admistrative and grievance cases ang topic. Nag-drawing na lang tuloy ako. Nakaapat akong sketches ngayong araw.
Past five, na kami nakalabas sa school. Ast seven, nasa bahay na ako.
Oktubre 30, 2018
Suspended ang klase dahil sa super typhoon Rosita. Kaya naman, nakatulog ako hanggang seven ng umaga. Nakahiga pa nga ako nang umalis ng mag-ina ko patungo sa Caloocan. Dadalo sila sa party ng kaibigan ni Emily.
Wala ring pasok si Epr, kaya dalawa kaming bantay sa bahay.
Sinulit ko ang araw sa pag-drawing at sa paggawa ng zine. Nakaapat akong 'The Endeavor' series. Natapos ko nang i-print ang journal/diary ko noong August, 2006.
Oktubre 31, 2018
May apat na estudyanteng pumasok sa classroom ko. Nainis ko, kaya napagsabihan ko sila. sabi ko, "Commone sense. May pasok, pero hindi 100% ang attendance." Pinasulat ko sila nang kuwento at iniwanan. Nakipagkuwentuhan ako sa mga kasamahan ko sa Grade Six. Wala silang mga estudyante. Pagbalik ko, wala na ang apat. Na-realize din nilang magmumukha silang timang sa loob ng mahigit anim na oras.
Mahaba ang naging kuwentuhan ng katatakutan, katatawanan, at iba pa, brainstorning, at sharing of God's words. Nagsimula ng bandang alas-sais at batapos ng bandang alas-12:30. Doon na kami nag-lunch. Sayang, wala si Sir Joel.
Past 1, umuwi na ako.
Before 3, naipadala ko kay Flor ang hinihiram niyang pera. Pinabigyan ko rin si Mama.
Umidlip lang ako habang nanunuod ng tv. Nang bumangon ako, hinarap ko naman ang paggawa ng zine. Nakagawa ako ng dalawa ngayong gabi, bago dumating ang mag-ina ko.
Nakapag-sketch pa ako ng jar.
Naihanda ko na rin ang entries ko sa PUP's 2nd Writing Workshop. Bukas, ihahanda ko naman ang nga entries ko para sa 8th Lampara Children'5s Short Story Writing Contest.
Bayani
Pedro: Napanuod mo na ba ang ‘Goyo: Ang Batang Heneral?”
Juan: Hindi pa. Ikaw?
Pedro: Hindi pa rin. Ang ganda raw, sabi ng kuya ko!
Juan: Talaga? Sana mapanuod ko.
Pedro:Oo nga. Sana mapanuod ko rin para mas makilala ko nang husto si Heneral Gregorio Del Pilar.
Juan: Nakasama kaya roon ang love story niya?
Pedro: Love story?
Juan: May nabasa kasi ako. Sabi raw, noong December 2, 1899, matapos mapatay sa Labanan sa Pasong Tirad si Gregorio del Pilar, ang pinakabatang heneral, natagpuan sa kaniyang kasuotan ang isang gintong locket na may ilang buhok at isang sedang panyo na may nakaburdang pangalan: "Dolores Jose."
Pedro: Dolores Jose? Sino siya?
Juan: Basta. Mahabang istorya.
Pedro: Nakakabitin ka naman, Juan, e!
Juan: (Tatawa) Nananatiling misteryo kasi. Maging sa mga historyador ang katauhan ng huling pag-ibig ni Gregorio del Pilar. Hindi man lamang nababanggit sa mga istandard na talambuhay niya. Kaya ayaw kong mauna. Magbasa ka na lang din at mag-research kung interasado ka.
Pedro: Mabuti pa nga.
Juan: Basta ako, na-realize kong ang mga bayani natin ay mga ordinaryong tao rin, tulad rnatin. Sila ay umibig, nasaktan, nagging bayani.
Pedro: Hugot!

Talaarawan
Mayo 5, 1989
Deary Diary,
Kararating lang namin dito sa Tarlac. Salamat sa Diyos dahil ligtas kami sa aming biyahe!
Sabi ni Mama, hahabol na lang daw si Papa sa amin. May trabaho raw kasi. Pero, hindi ako naniniwalang makakarating agad siya kasi malayo ang Manila.
Okay lang din. Masasanay na lang siguro kami.
Kaya lang, nalulungkot ako kasi wala na naman kaming tirahan. Nakikituloy muna kami ngayon tiyuhin ko. Hindi ko alam kung magiging okay kami o kung hanggang kailan kami rito.
Narinig at naunawaan ko sa usapan nina Mama at Tito Boy, kahit Kapampangan ang salita nila, na may problema ang mga magulang ko. Hindi na lang ako nagtanong sa aking ina. Alam kong magkakasundo rin sila.
Gusto kong makabalik na kami sa Bicol. Mas gusto kong tumira sa probinsiya. Kahit sa bahay kubo ang kami nakatira, basta masaya at buo ang pamilya.
Froilan,

Alamat ng Parang: Si Zap Kulisap
Hindi pa rin kumilos si Calla Kalabaw upang matigil ang paglagas ng nag-iisang puno sa parang dahil, para sa kaniya, hindi niya iyon kawalan.
Patuloy naman ang paggapang ni Chrys Ahas. Mayroon siyang maitim na balak. Kahit pinahiya siya ni Calla Kalabaw noong nakaraang linggo, hindi pa rin siya sumuko sa pagsuyo sa reyna.
Hindi naman lingid sa buong parang ang kasamaan ni Chrys Ahas. Halos lahat ng hayop at kulisap doon ay umiiwas lang sa kaniya.
Pero, iba si Jack Tagak. Hindi lang siya umiiwas, hinihikayat din niya ang mga kaibigan niya, na putulin na ang kasamaan ng ahas nilang kasamahan upang manumbalik ang kaayusan sa parang at upang makita ng kalabaw ang tunay na problema rito at solusyon nito.
"Hindi matatapos ang kaguluhan, pag-aaway-away, at pag-usbong ng mga problema hangga't nakikinig si Calla Kalabaw kay Chrys Ahas," minsang sabi ni Jack Tagak sa mga kaibigan.
Naniniwala naman sila.
"Alam mo, Jack Tagak, hindi ko maintindihan noong kinausap ko si Calla Kalabaw, isang araw," turan ni Zap Kulisap.
Matamang nakikinig si Jack Tagak.
"Sabi ko sa kaniya, ang pagsusumbong nang mali ang nagiging dahilan ng kaguluhan sa parang," patuloy ni Zap Kulisap.
"Tama! Ano ang sagot niya?" tanong ni Jack Tagak.
"Si Chrys Ahas daw ba tinutukoy ko?"
"Siya naman talaga ang isa sa mga sipsip sa kaniya, a!" galit na singit ng tagak.
"Hindi ako nakasagot kasi kung ano-ano na ang sinabi niya. Kesyo magagalit daw si Chrys Ahas kapag nalaman niya na ganoon ang tingin ko sa kaniya. Ang gusto ko lang naman sabihin ay kahinaan ang labis pagsisipsip upang siya ay lumakas."
Napamura si Jack Tagak. "Halata namang nagkakampihan silang dalawa. Hindi ko maintindihan si Calla Kalabaw kung bakit nakikinig siya riyan kay Chrys Ahas. E, obvious namang may masamang balak iyan sa kaniya para sa sarili niyang interes. Hindi tuloy natin masolusyunan ang mga problema sa parang dahil sa kanila. Patuloy at magpapatong-patong ang problema kapag hindi nila binigyang-pansin ang pinakaugat ng problema. Magkakasakit ang mha hayop at insekto dahil mawawalan tayo ng masisilungan pagdating ng matinding sikat ng araw o ng malakas na ulan."
"Grabe talaga siya, Jack Tagak! Hindi na nila naisip ang kapakanan nating mabubuti," malungkot na pahayag ni Zap Kulisap.
Naawa si Jack Tagak sa kaibigang kulisap habang laylay ang balikat na lumulukso palayo.
"Hayaan mo, Zap Kulisap, gagawa ako ng paraan!" pahabol na sigaw ng tagak.
Nang bumuhos ang malakas na ulan, marami ang sumisigaw ng tulong dahil halos na malubog sa baha ang buong parang. Nakalikas naman ang ibang hayop at insekto.
Si Jack Tagak , palibhasa may kakayahang lumipad, nakahanap siya ng masisilungan. Ang mabubuti naman niyang kaibigan na sina Daniel Daga, Susie Suso, Susan Uwang, Lala Langgam, Zap Kulisap, Barack Uwak, at Naty Bulate ay komportable sa kani-kanilang lungga. Katulad niya, ligtas sila sa buhos ng ulan at ihip ng hangin.
"Paano kaya si Calla Kalabaw?" naisip ni Jack Tagak. "Nalunod na kaya si Chrys Ahas sa kaniyang lungga? Naku, mababasa ang kaniyang maputing balat, pero maaaring bumalik ang kaniyang pag-aagnas." Isang makahulugang ngiti ang rumihestro sa kaniyang mukha.
Sumikat ang araw. Masayang nilipad ni Jack Tagak ang paligid ng parang upang kumustahin ang kaniyang mga kaibigan.
Pinuntahan niya isa-isa ang lungga ng mga kaibigan. Kaya, nang matapos niyang masigurong ligtas at nasa maayos na kalagayan ang mabubuting kaibigan, nagpahinga siya. Naalala niya si Susie Suso. Kaya, muli siyang lumipad at tinungo ang tirahan nito.
"Kumusta?" masayang bati ni Jack Tagak.
"Heto, masaya pa rin," sagot ng suso.
"May balita ka ba kina Chrys Ahas at Calla Kalabaw?"
"Wala, e. Pero, sigurado ako, magkasama na naman sila. Sana lang makuha na ng ahas na iyon ang pangarap niya noon pa."
"Wala naman siyang kakayahang maging kanang kamay ni Calla Kalabaw. Isa pa, walang malasakit ang ating reyna sa parang dahil para sa kaniya, lilipat siya pagdating ng tamang panahon."
"Tama ka."
"Kaya nga, sana maisama niya si Chrys Ahas paglipat niya dahil magmumukhang tae siya sa paningin nating lahat kapag wala na siyang nakakapitan. Gagapang siya nang walang maihaharap na tabinging mukha!"
Malakas ang tawanan ang narinig sa isang bahagi ng parang. Walang pakialam ang dalawa kung may nakarinig man o wala. Alam nilang totoo ang kanilang
paratang.
Lumipas ang mga araw, tuloy-tuloy ang paglagas ng mga dahon ng puno. Halos wala na ring masilungan ang reyna. Wala na halos lumalapit doon.
Ilang insekto na ang nangamatay dahil sa tindi ng sikat ng araw. May ibon na ring biglang nangisay.
Nangangamba si Jack Tagak na maging malubha ang kanilang problema. Hindi na niya maatim ang mga nangyayari.
Isang araw, may kumalat na balita sa parang.
"Lilipat ka na raw?" tanong ni Daniel Daga kay Jack.
"Pinag-iisipan ko. Hindi ko na kayang makita ang paghihirap ng mga kasamahan natin. Baka hindi ko na rin kayang mabuhay pa sa parang na ito. Impiyerno na ang tingin ko rito," malungkot na saad ng tagak.
"Pag-isipan mo nang mabuti. Kung lilipat ka ba, mapapabuti ang kalagayan mo roon o baka mas lalo pang mahirapan?"
"Naisip ko rin po iyon."
Nalungkot sina Zap Kulisap, Naty Bulate, Barack Uwak, at Vina Kuwago sa balitang iyon. Nang magkaharap-harap sila, hinikayat ng apat na huwag nang lumipat si Jack Tagak.
"Alam mo ba kapag lumipat ka, may matutuwa?" kumikislap ang mga matang sabi ni Vina Kuwago.
"Si Chrys Ahas po?"
Hindi tumango ang kuwago.
"Hindi po siya ang dahilan ng paglipat ko. pero siya po ang magiging dahilan ng pananatili ko," sabi ni Jack Tagak.
"Huwag ka na pong umalis. Kailangan ka sa parang. Ikaw ang nakikita kong may kakayahan para mamuno sa mga hayop at insekto," mangiyak-ngiyak na sabi ni Naty Bulate.
Napangiti lang muna si Jack Tagak. "Hindi ko na yata kaya, Naty Bulate. Bulag na si Calla Kalabaw. Matigas na rin ang puso ni Chrys Ahas. Kailangan ko ring isipin ang buhay ko. Siguro kailangan ko na ngang maghanap ng lugar kung saan hindi masasayang ang pagmamalasakit ko para sa karamihan at sa kalikasan. Nagiging masama pa nga ako sa paningin ng iba."
"Hayaan mo po sila. Basta kami, naniniwala sa kakayahan at adbokasiya mo," patuloy ng bulate.
"Salamat, pero bukas aalis muna ako. Bahala na muna kayo rito."
"Kung makakatulong ang paglayo mo ng isang araw, sige. Pero, sana huwag mong hayaang may maligayahan," payo ni Vina Kuwago.
Tahimik lang sina Barack Uwak at Zap Kulisap, pero alam ni Jack Tagak na katulad ng dalawang babae, nalulungkot ang mga ito.
"Salamat po, Vina Kuwago! Hayaan po ninyo, pag-iisipan ko nang maigi."
"Uy, parang gusto ko ring umalis bukas. Sabay-sabay na tayong lumipad, Vina Kuwago at Jack Tagak," nakangiting yaya ni Barack Uwak.
"Hay, naku, matutuwa talaga si Ano," pakli ng kuwago.
Desidido na si Jack Tagak. Aalis siya sa parang. Isang araw lang naman siyang mawawala. Nais lang niyang pag-isipan kung lilipat na siya o mananatili.
Nang magkahiwa-hiwalay sila, kinausap ni Naty Bulate si Susie Suso.
"Hindi po ba kaibigan ninyo Jack Tagak? Tulungan naman po ninyo akong hikayatin siyang huwag umalis. Daniel Daga," sabi ng bulate.
Bahagyang natawa ang suso. "Oo, kaibigan namin siya, pero hindi namin mapipigilan. Ang magagawa lang namin ay suportahan siya."
Dumating sina Daniel Daga at Lala Langgam.
"Hay, naku, Naty Bulate, ikaw ang dahilan ng paglipat ni Jack Tagak," tila seryosong biro ng daga.
"Po? Ako po?" inosenteng tanong ng bulate. "Sige po, ako na lang ang aalis. Huwag lang siyang umalis." Humagulhol na si Naty Bulate.
Tawa nang tawa si Lala Langgam. "Naku, hindi ka na nasanay kay Daniel Daga. Hayaan na muna natin si Jack Tagak. Hindi siya aalis."
Bago dumilim, nakausap ni Naty Bulate si Jack Tagak. Paalis na sana siya noon.
"Akala ko nagbibiro ka lang," sabi ni Naty Bulate.
"Natutuwa ako sa 'yo kasi nakikita mo ang worth ko rito sa parang. Dati sabi mo sa akin, natatakot ka sa akin. Ngayon, gusto mo na ako. Salamat"
"Opo. Mabait ka po at may abilidad."
"Pero, totoong nagplaplano akong umalis."
"Huwag na po."
"Hayaan mo, magmumuni-muni ako bukas nang buong araw. Kapag bumalik ako, it means, I will stay."
"Sige po. Sana bumalik ka. Ingat po kayo."
"Salamat!" Nakangiting lumipad si Jack Tagak palayo sa kaibigan.
Hindi sapat ang isang araw ng paglayo at pagmumuni-muni ni Jack Tagak, pero nang bumalik siya parang buo na ang kaniyang pasya. Hindi na siya aalis. Tama ang mga kaibigan niya. Kailangan siya sa parang.
Masaya siyang sinalubong ng mga kaibigan.
Lubos na natuwa si Naty Bulate.
Lumapit naman si Zap Kulisap. "Akala ko, tototohanan mo na ang pag-alis. Salamat naman at bumalik ka. Alam mo, may matutuwa kapag umalis ka."
"Kaya nga, naisipan kong bumalik. Gusto ko siyang patayin sa inggit at kalungkutan. Malungkot siya kapag may nagtatagumpay at may masaya."
"Tama ka. Pero, ako, hahayaan ko lang siya. Mananahimik ako hanggang kaya ko. Dedma is my game. Kung noon dinaramdam ko ang katalasan ng dila niya, hindi na ngayon.
Marami pang nalaman si Jack Tagak kay Zap Kulisap. Ilang beses na raw siyang pinagsalitaan ng masasakit na salita at ipinahiya sa maraming tao ni Chrys Ahas. Naawa siya sa kaibigan.
"Pangit siguro ang pagpapalaki ng pamilya niya sa kaniya at pangit ang kabataan niya."
"Siguro nga. At saka, ambisyosa talaga siya. Gagawin niya ang lahat para lang maabot niya ang pangarap niya. Nakakaawa siya."
Tumatag ang kagustuhan ni Jack Tagak na manatili sa parang dahil na rin kay Zap Kulisap. Nakita niyang marami ang dapat niyang tulungan at ipagtanggol.
Nang mapag-isa si Jack Tagak, isang batang suso ang dumating.
"Pumunta ka raw ko po sa kaniya. Ngayon na po," sabi nito.
"Sige, iho, susunod na ako. Salamat!"
Walang ideya si Jack Tagak na may malaking problema si Susie Suso.
"Basahin mo at sabihin mo sa akin kung sino ang may kakayahang gumawa nito," sabi ng suso, sabay abot sa sulat.
"Grabe ka makahusga. Ikaw siguro ang gustong-gustong maging kanang kamay ni Calla Kalabaw. Pero, hindi mangyayari dahil ayaw niya sa 'yo. Mabagal ka raw gumapang at wala kang kakayahan. Sabihin mo rin sa kaibigan mong tagak, nagpapakabayani siya! Wala naman siyang ipinaglalaban. Pangalagaan na lang niya ang kalusugan niya para hindi siya makahawa. Tingnan mo si Barack Uwak, umuubo na rin. Sino pa ang mahahawa niya? Si Vina Kuwago? O baka si Calla Kalabaw? Tapos, kayo pa ang nagagalit sa kaniya? Bakit hindi na lang kayo manahimik? Hindi naman kayo nakakatulong sa parang." Iyan ang binasa ni Jack Tagak mula sa sulat na walang pamuhatan. "Malala na iyang si Chrys Ahas! Wala na akong naiisip na iba. Siya ang may gawa nito!"
"Pareho tayo ng suspek. Alam mo bang nang nag-uusap kami ni Barack Uwak noong isang araw, nakita niya kami."
"Nakakasuklam na siya pati kalusugan ko pinakikialaman niya. Huwag na huwag lang siyang magkakasakit dahil matutuluyan na siya. Walang makikiramay sa kaniya!" galit na pahayag ng tagak.
"Kailangang malaman ito ng lahat."
"Sige. Ako ang bahala. May plano ako."
"Sige, sige. Pinatawag ko rin si Barack Uwak."
Pagkatapos magpaalam ng tagak sa suso, agad niyang ipinaalam kina Vina Kuwago, Zap Kulisap, Barack Uwak, at Naty Bulate ang tungkol sa sulat. Pare-pareho sila ng suspetsa.
Galit na galit si Vina Kuwago. Pinuntahan niya si Chrys Ahas. Itinanggi nito tungkol sa sulat.
Si Naty Bulate naman ay may sinabi. "Alam mo po ba, tinatanong niya ako kung sino ang nagsabing wala siyang kakayahan at mahina ang kaniyang utak? Pinararatangan niya si Zap Kulisap."
"Naalala kong pinag-usapan natin siya pero hindi natin mali ang pinagkakalat niya. Saka tama naman iyon kung tutuusin. Wala siyang silbi sa parang."
Iwas na iwas si Naty Bulate na magbigay ng opinyon at reaksiyon. Naunawaan naman iyon ni Jack Tagak. Kaya, si Zap Kulisap ang kaniyang pinuntahan
"Hahayaan ko na lang siya, Jack Tagak. May mga lumapit na sa akin. Sa akin pa rin sila naniniwala at nakikisimpatya. Iiwasan ko na lang siya. Iyon ang tanging paraan para makaganti ako sa kaniya," sabi ng kulisap.
Sumang-ayon naman si Jack Tagak.
Sa araw na iyon, naipangako ni Jack Tagak na hindi na niya mapapatawad si Chrys Ahas. Aniya, hindi siya si Zap Kulisap, na idinadaan sa pananahimik ang lahat.
Lumipad siya nang lumipad. Nag-isip nang nag-isip. Nang lumapag siya, nakaramdam siya ng ginhawa sa kaniyang puso. Malinaw na malinaw na sa kaniya ang mga dapat niyang gawin.
"Tulong! Tulungan ninyo ako!"
Narinig niya ang boses ni Chrys Ahas. Tahimik at palihim niya itong nilapitan. Nakaipit ito sa dalawang bato. Dumurugo ang kaniyang katawan. Natalupan ang gitnang bahagi ng kaniyang balat.
Nakangising lumipad palayo si Jack Tagak. "Karma is real. Diyan ka na maagnas," bulong niya.
Sa himpapawid, ilang beses niyang inikutan ang kinaroroonan ng ahas upang iparamdam dito ang kaniyang presensiya.
Sa 'di-kalayuan, nakangising nagmamasid si Zap Kulisap sa paghihirap ni Chrys Ahas. Hindi na rin niya kailangan pang hikayatin ang mga hayop at insekto na tulungan ang masamang ahas. Sila na mismo ang kusang lumayo at nagpatay-malisya.
Samantala, nakalublob lang si Calla Kalabaw sa putikan na kaniyang ginawa sa ilalim ng nag-iisang puno sa parang. Wala siyang naririnig.

Monday, October 1, 2018
Ang Aking Journal -- Setyembre 2018
Setyembre 1, 2018
Very late na nang dumating si Dr. Libuit. Nakapagkuwentuhan na nga kaming magkakaklase. Nainis lang ako kasi hindi ako nakaabot sa awarding ng journalism. Na-miss ko ang iyakan moments. Gayunpaman, masayang-masaya ako sa mga panalo namin. Mas marami ngayon ang panalo namin kaysa last year. Hindi ko rin inaasahang mananalo ang column writer ko na si Elyza dahil ang sinulat niya ay English na sa halip ay Filipino. Gayunpaman, naka-10th place pa siya. Pasok pa siya sa regional. Naiyak nga ako sa tuwa habang nasa masteral ako.
Dahil late ako, pinasaya ko na lang ang mga bata sa pamamagitan ng pangungulit ko. Tuwang-tuwa sila.
Sa Jollibee-Libertad kami nag-lunch. Sobrang ingay ng mga bata. Ang saya-saya nila, talo man o panalo.
Nag-restructure ako ng classroom pagkatapos niyon. Masundan pa ako ng mga bata. Naniniwala talaga silang lilipat na ako. Hindi nila alam na kailangan ko talagang maglinis sa silid.
Past 5, halos tapos ko na ang pag-aayos. Ang reading corner na lang ang hindi pa.

September 2, 2018
Sa halip na makagawa ako ng mga school works, nagkaproblema pa ako. Na-expired kasi ang Microsoft Office ng laptop ko. Gabi na nang ma-open ko. Kaya lang, na-reset na. Nawala ang mga kailangan kong files, or I should say, hindi nabasa. Pending tuloy ang pag-print. Hindi ako nakapaghanda ng lesson ko.
Nabuwisit talaga ako maghapon. Mabuti na lang, nasisiyahan ako sa mga reaksiyon ng mga estudyante at iba pa tungkol sa posts ko at sa nalalaman nilang lilipat ako. Natutuwa ako sa ibang bata na nagsulat pa ng tula at kuwento. ang VI-Love naman ay gumawa ng 101 reasons para hindi na ako lumipat, nang sabihin ko.
Naramdaman ko tuloy ang kahalagahan ko sa buhay nila.
Nasiyahan din ako sa balagtasan namin ng mga dati kong kaklase sa elementary na sina Gina, Daba, at Josie.
Setyembre 3, 2018
Maaga akong pumasok para sana maipagpatuloy ko ang pag-aayos. Kaya lang, dumating si Chealsey. Naniniwala kasi siyang lilipat na talaga ako ng school.
Nag-selfie-selfie kami. Bumili rin siya ng libro. Dalawa. Nakabenta ako ng P580.
haharapin ko na sana ang mga estudyante ko, kaya lang suspended ang klase. Dumating pa ang mother ng kambal. Matagal kaming nag-usap tungkol sa anak niyang mga pasaway.
Pagkatapos, nagmiting kaming Grade Six.
Naging makabuluhan iyon. Nakapagplano kami. Kaya lang, kinailangan naming magmadali para makapagkainan na kaming 1000 group. Nanlibre si Ma'am Mj sa KFC. Kaya, busog ako bago umuwi.
Alas-dos, umidlip ako. Alas-5 na ako bumangon.
Okay na ang laptop ko. Hindi ko nga lang na-download ang tamang MS Office. Hindi latest. Pero okay lang, at least nababasa ang mga files ko. Nakapag-print na ako.
Grabe talaga ng impact ng paglipat ko. Pati mga guro at mga magulang, halos pigilan ako. Ang mga estudyante ko, nagawa naman nila ang 101 reasons. Sobra akong natuwa. Nakakataba ng puso.
Setyembre 4, 2018
Nagkaroon ng pangkalahatang Values class mula sa Bethany Baptist Church kanina, sa covered court. Naputol tuloy lesson ko. Magtuturo na sana ako sa VI-Love. Kaya lang, maingay pa rin sila. Balewala ng ginawa nilang 101 reasons.
Gayunpaman, nakapagturo sa tatlong sections. Pinipigilan din nila akong lumipat. Naintriga na rin ang mga kasamahan ko sa grade level, kaya kinausap na nila ako. Pinanindigan ko na. Sabi ko pa nga, aabsent ako bukas para magmuni-muni. Ang totoo, nai-stress ako sa mga walang kapararakang reports na hinihingi. Wala na ang essence ng teaching.
After class, kumain lang ako, saka bumiyahe na ko auwi. Agad akong natulog. Tama nga ang nabasa ko. Kapag malungkot daw ang isang tao, natutulog lang. Pasado alas-singko na ako bumangon. Ang sarap!
Gabi, binasa ko ang mga sulat ng VI-Peace. Natuwa ako sa mga tinuran nila. Ang lahat ay nagsasabing huwag na akong lumipat. Mami-miss nila ako.
Ang pinakamagandang natanggap ko ay ang scrapbook mula kay Chealsey. Ipapakita ko iyon sa VI-Topaz sa aming alumni homecoming. Worth it.
Setyembre 5, 2018
Ang sarap ng tulog ko kagabi. Alas-nuwebe na ako bumangon. Sulit ang pag-absent ko.
Nagawa ko naman ang agenda ko ngayong araw--ang pag-fill out bg report cards. Hindi ko pa nga lang naisulat ang mga grades kasi hindi pa kami nagbigayan. Okay lang. Sa Sabado pa naman ang issuance.
Bandang hapon, nakapagsulat ako ng spoken word poetry, na bibigkasin ko bukas sa mga estudyante ko. Nakapaghanda rin ako ng learning materials ko. Back to normal na kasi. Tama na ang drama. Sana lang may magbago sa kanila, gayundin sa mga kaguro ko. Alam kong may natuwa. Pero tiyak akong marami ang nalungkot at nanghinayang.
Setyembre 6, 2018
Maaga akong na-badtrip dahil sa masamang balita. May nag-text kay Ms. Kris. Anonymous pero kilalang-kilala namin kung sino siya. Siya lang naman ang nag-iisang ahas sa school. Kagaya ng mukha niyang tinapalan ng makapal na foundation, makapal din ang mukha niyang nagtatalak against us. Dinamay niya pa ang health ko. Aniya, may virus ako. Nag-post ako ng sputum result with caption, "FYI, Bes. Wala akong VIRUS. Hindi ako inuubo. Ikaw? Get well soon."
Pero mas malala ang sinabi niya against Ms. Kris. Hindi lang Bell's Palsy ang binanggit niya, kundi pati ang professional side niya. Very foul.
Dahil dito, nagawa kong i-post sa group namin ang resibo ng working money ko sa St. Bernadette Publishing at sabihing tinatapos ko na ang "Alamat ng Parang" dahil nabanggit niya ang tagak para sa contract signing. Siguro akong mamatay na siya sa inggit.
Kaya naman, naka-chat ko sina Ma'am Joann at Ma'am Fatima. Interesado silang makakuwentuhan ako dahil kagaya ko, marami rin silang complain sa mga nangyayari at specific na tao.
Past 3, nasa Baclaran Church Bell Tower kami. Nilibre nila ako ng meryenda. Sinagot ko naman ang topic at kuwentuhan.
Sobra talaga pala ang kasamaan ng bruha sa school. Ang ugali niya at parang ang mukha niya---inaagnas.
Gayunpaman, nasentro ang kuwentuhan namin sa buhay-buhay. Nmarami akong natutuhan sa dalawa. Pinayuhan nila akong maging affectionate at bawasan ang oras sa trabaho at pakikipaglaban against masasamang tao sa school.
Na-realize kong marami pala akong naging pagkakamali at pagkukulang sa aking pamilya.
Past 8:30 na kami natapos. Past 10 na ako nakauwi. Pagod at antok na ako, pero sobrang saya ko. It's so reviving.
Setyembre 7, 2018
Pagpasok ko, nakasuot ako ng masayang mood. Kabaligtaran iyon ng naramdaman at emosyon ko kahapon. Ramdam ng mga bata ang pag-aliwalas ng mukha ko, lalo na nang nagsimula na akong magturo, magkuwento, at magpatawa.
Effective talaga para sa mga bata ang pagtuturo nang may puso. May learning at bagong karanasan iyon para sa kanila.
After class, nagtampo lang ako sa VI-Hope at Love kasi maiingay sila. Ang Hope, matagal gumawa ng group work at magulo ang mga tapos na. Ang Love, walang pakiramdam. Hindi sila magbe-behave kung hindi ako tatahimik. Hindi ko nga sila pinansin hanggang makauwi sila.
Nang wala na sila, nag-ayos ako ng reading corner, umidlip, at sumubok mag-research para sa thesis. Nainis lang ako sa Office 2007 kasi hindi ko magamit. Ayaw ng copy-paste. Hindi rin ma-edit. Nangamba tuloy akong baka hindi ko matapos ang chapters 1-3.
Gayunpaman, nag-stay ako sa room till 5. Nagbasa ako ng tungkol sa pag-research na maaari kong magamit.
Past 8, nasa bahay na ako. Masaya akong sinalubong ng aking mag-ina. Mas natuwa sila nang matanggap nila ang pasalubong kong ubas.
Setyembre 8, 2018
Alam kong late na naman darating si Dr. Libuit, kaya hindi ako pumasok nang maaga. Tama ako. Past 9:30 na siya pumasok. Nakakainis! Hindi naman niya kami tinuturuan. Panay lang ang critic niya sa mga title proposals. Halos reject naman lahat. Attendance lang ang habol ko.
After class, pumasok ako sa library. Doon daw kasi makakahingi ng permit para makagamit ng library ng ibang school. Nagawa ko naman agad, kaya bumiyahe agad ako pauwi.
Maghapon kong sinubukang mag-download ng MS Office 2010, kaya lang bigo ko. Hindi ko na yata magagamit ang laptop ko sa mga paperworks. Ayaw nang ma-open ng mga files ko. Pending ang paggawa ng zine. Pati ang pag-download ng DLL, hindi ko na magagawa, kasi hindi ko rin mae-edit at maipi-print.
Setyembre 9, 2018
Napaka-gloomy ko maghapon dahil sa kawalan ng internet at MS Office ng aking laptop. Feeling useless and unproductive ang araw ko. Gayunpaman, may mag-ina ako, na siyang naging dahilan ng kasiyahan ko. Nag-gardening din kami ni Emily. Kahit paano umaliwalas ang paligid at ang pakiramdam ko.
Gusto ko sanang gumawa kami ng artwork o handicrafts, kaya lang wala palang materials.
Nalulungkot ako sa nangyayari sa budget ko.
Setyembre 10, 2018
Na-highblood ako kanina. Umagang-umaga, uminit ang ulo ko dahil sa mabagal na aksiyon at maling pagharap sa problema.
Paano ba naman kasi, e, kailangan kong gamitin ang library dahil ang lesson ko ay tungkol sa 'pangkalahatang sanggunian.' Mas mae-enjoy at mauunawaan ng mga estudyante kung totoong atlas, almanac, encyclopedia, and like, ang ituturo ko. Ang kaso, walang kuryente. Last week pa raw. Hindi man lang naglagay ng emergency lights. Sabi nila, gamitin daw. Kung kailan ako gagamit, nabigo pa.
Maiyak-iyak si Ma'am Irika sa galit ko. Bahala siya. Pati tuloy si Papang nakita ang tantrum ko. Ayaw ko kasi ng hindi nila nari-regard ng problema. Maliit pa lang sana, inaayos na nila.
Dahil kulang ako sa materyal, invisible ang ibang reading material. Kahit paano, nagawa ko namang ipaunawa sa ibang section. Sa advisory class ko, hindi ako nakapagturo dahil nawala ako sa mood.
After class, tinapos ko ang report cards. Issuance na bukas.
Setyembre 11, 2018
Sinikap kong maging epektibong guro sa bawat seksiyon. Nagturo ako. Nagpa-groupwork. Nagpasulat sa iba. Kaya lang, nagsermon ako sa isa.
Pagkatapos ng recess, nanermon ako sa advisory class ko. Ikinumpara ko na naman sila sa tuod. Malala na talaga ang kakulangan ng disiplina nila. Gusto ko nang sumuko. Hindi na sila makuha sa tingin.
After class, kuhaan ng card. Na-delay ang pagkain ko ng lunch kasi napasarap ang kuwento ko sa mga parents. Binuksan ko ang isip nila sa mga nangyayari sa GES at binigyan ko sila ng ideya tungkol sa MOOE. Nagpasalamat nga ang ilan dahil 7 years silang binulag sa katotohanan.
After ko sa classroom, may meeting naman kami sa coop. Naglabas ako ng saloobin tungkol sa planong alisin si Ma'am Amy sa canteen, na siyang nagmamalasakit sa operation at overall supervision nito. Alam kong may may tao sa likod ng plot na iyon, kaya tinutulan ko.
Hindi naman ako nakadalo sa meeting ng Filipino teachers. Okay lang. At least natuloy sila. Nai-report ni Ma'am Karen ang tirang pera sa fundraising.
Past 3 na ako nakakain. Meryenda at lunch in one na iyon. Nagkape pa ako.
Nang hinarap ko ang laptop ko, na-disappoint ako kasi hindi talaga gumagana ang MS Office ko. Hindi na rin ma-open ang files. Kailangan ko pa namang maghanda ng LMs para sa observation bukas.
Ilang sandali ang lumipas, dumating sina Ma'am Fat at Ma'am Joann. Nag-imbestiga raw sila. Mali raw kami ng akala. Hindi raw si Bes Palsy ang nag-text kay Ma'am Joan V. Iba raw.
Nag-isip ako. Nang nagbigay sila ng clue, na-gets ko, kaya agad akong pumunta kay Marekoy. Mangiyak-ngiyak kong itinanong kong may tampo siya sa akin. Nag-usap kami sa labas. Pinabasa niya rin sa akin ang chat convo nila ni Bes Palsy. And, napatunayan kong hindi siya ang tinutukoy ng dalawa.
Sa dami ng aming napag-usapan at nabasa, na-realize kong sobra na ang galit sa akin ng ahas naming kaguro. Okay lang dahil kaya ko siyang saktan sa pamamagitan ng aking panulat.
Bago ako umuwi, nakausp ko si Sir Hermie. Mas malala ang problema niya. Nakarating na sa SDO ang reklamo sa kaniya ng principal. May summon na. Nakasaad doon ang posiblemg penalty niya. Nakakaiyak! Hindi niya iyon deserve. Naniniwala akong may kinalaman doon si Bes Palsy. Binigyan ko siya ng words of encouragement at assurance of support.
Kinausap ko rin sina Ma'am Edith at Ma'am Anne.
Nang makauwi ako sa bahay, hindi agad ako nakakain. Nakipag-chat ako kay Ma'am Madz tungkol sa mga nangyayari sa GES. Nag-chat din si Marekoy. Itinuturing niya nga ako at si Sir Joel na mga tunay na kaibigan. Nakisali rin ako sa GC ng faculty officers. Ipinaramdam ko kay Sir Hermie ang willingness ko na suportahan ang laban niya.
I asked guidance of God bago ako natulog.
Setyembre 12, 2018
Naging masaya ang pagtuturo ko kanina kahit nasa gitna kami ng problema sa samahan. Hindi ko sila binigyan ng dahilan para malungkot. Naging joker ako kanina habang nag-lelesson. Enjoy na enjoy na sila sa spelling bago magsimula ang discussion. Second day ko nang ginagawa ng pagbabaybay.
Nakita ko ang support ng grade level para kay Sir Hermie tungkol sa memo at summon. Kaya lang, nagkaroon na naman ng panibagong problema. Si Mareng Janelyn at Sir Joel naman ngayon ang kaaway ni Bes Palsy.
Grabe! Gayunpaman, natutuwa ako. Dumarami na kaming galit sa ahas.
Past 5, nasa bahay na ako.
Setyembre 13, 2018
Gumising ako ng para tingnan sa FB kung may suspension of classes. May nakita ako, kaya nahiga ulit ako at natulog. Palibhasa, antok pa, hindi ko napansing August 13 ang nakalagay. Nagising ako ng bandang pasado alas-7:30 na kaya no choice ako kundi um-absent na lang. Pero dahil kailangan kong ipasa ang registration forms at fees ng campus journalists at SPA, napilitang akong pumunta sa Pasay. Gumawa muna ako ng template.
Hindi naman ako nanghinayang sa pag-absent ko. Kailangan ko naman talagang pumasok dahil sa petition letter na palalagdaan namin sa aming mga kaguro. paaalisin na namin si Ma'am Laarni dahil sa mga naidudulot niyang stress, kaguluhan, at pagbabangayan ng mga guro.
Isa pang pangyayari ang naganap kanina ay ang paghaharap-harap ng mga gurong involve sa pagkalat ng chat conversation. Humarap sa apat na MTs ang apat na sangkot. Naging mainit ako sa taong may pakana. Kaya hinikayat ko ang tatlo na ituloy ang paghanap ng tunay na salarin.
Hindi rin napalampas ang pakikinig sa side ni Ma'am Venus na siya talaga dapat ang totoong biktima, ngunit pinaparatangan ng suspek na siya ang nagpakalat ng screenshots.
Nag-meeting din kaming GES Faculty. Pinag-usapan namin ang mga nangyari, nangyayari, at mangyayari.
Bago ako umuwi, nagkuwentuhan pa kami ni Marekoy. Ikinuwento niya sa akin ang mga kaganapan sa paghaharap, na hindi naman naikuwento sa akin ni Sir Joel.
Sobrang sakit ng ulo ko habang pauwi ako. Past 8 na ako nakauwi. Masakit na masakit pa rin. Nagkape lang ako at kumain ng dalawang sandwich bago natulog.
Suspended na ang klase bukas.
Setyembre 14, 2018
Suspended na ang klase dahil sa bagyong Ompong. Good thing is hindi malakas ang hangin at walang ulan. Kaya lang, hindi naman natuloy ang hearing ni Sir Hermie with Atty. Litusquen. Hindi rin tuloy ako nakaluwas para sa MIBF.
Gumawa lang ako ng registration receive copy ng journalism fees at nag-edit ng zine. Then, maghapon na akong nakipagbalitaktakan tungkol sa kaguluhan sa school. Inis na inis ako sa mga post ni Lester. Hindi ko siya pinalampas. Barado siya sa akin. Nakapag-rant pa kami ni Marekoy.
Setyembre 15, 2018
Hindi masyadong malakas ang ulan at hangin kagabi. Thankful ako dahil hindi kami nasalanta ng bagyong Ompong. Gayunpaman, nakakalungkot ang mga lubos na naapektuhan.
After lunch, nag-grocery kami ni Zillion. Nawala ako sa wisyo pag-uwi namin kasi masakit ang ulo ko. Matagal bago nabawasan ang sakit.
Setyembre 16, 2018
Nakatulog ako nang mas mahaba-haba kahit dinadalaw ako sa panaginip ng mga mahal ko sa buhay. Past 8 na ako bumangon.
Pagkatapos kong mag-almusal, humarap na ako sa laptop. Tinapos ko na ang 'Mag-aral Tumula.' Nakapag-print na rin ako ng tatlo kopya ngayong araw.
After lunch, umidlip ako. Past 2:30 ako nagising. Nanuod lang kami ni Zillion ng tv maghapon.
Tapos na ang long weekend. Back to work na bukas. I hope ma-observe na ako ni Sir Erwin. I'm ready na. Gusto ko ring mabigyan ng katarungan ang mga kaguro kong ginago ni Bes Palsy.
Setyembre 17, 2018
Nakalulungkot pa rin ang nangyayari sa school. Apektado ang teaching-learning process.
Gayunpaman, nagpa-observe na ako sa master teacher ko --kay Sir Erwin. Hindi man ako gaanong handa, sinikap kong mai-deliver nang maayos at mahusay ang aralin ko. Nagawa ko naman kahit ang klase inobserbahan ay section 4.
After class, nag-stay ako sa classroom ko para mag-check ng mga papel at mag-record ng mga scores. Umidlip din ako.
Past seven, nasa bahay na ako.
Setyembre 18, 2018
Before 5, gising na ako para maghanda sa pagpunta sa UP Diliman. Dadalo ako sa Stakeholders'Conference ng NCCA, PETA, at PRRC.
Nahiya ako kina Ma'am Fatima at Ma'am Joann. Naghintay sila sa akin sa may Sanitarium. Tapos, may libre pa akong French fries at burger mula kay Ma'am Fat. Libre niya pa ang pamasahe namin sa FX.
Hindi naman kami na-late sa conference. In fact, may naupuan pa kami.
Namangha ako sa venue. Ang ganda pala ng Bahay ng Alumni. Sobrang lamig.
Nagustuhan ko rin ang mga talks mula sa mga bisita. Naumigting lalo ang kagustuhan kong makatulong sa rehabilitation ng Ilog Pasig at conservation na rin ng Mother Earth.
Medyo hindi ko lang nagustuhan ang catering. Nabitin ako. Gayunpaman, na-enjoy ko ang first half ng conference.
Ang parallel session naman na pinili naming tatlo ay theatre workshop. Nakakatuwa ang mga activities. Sobrang saya. Nakakawala ng stress. Hindi ko lang nagustuhan ang performance namin kasi parang hindi organisado. gayunpaman, nagawa naming tila walang mali.
Nakasalamuha na naman ako ng mga bagong kapwa. Hindi man kami nagalitan ng FB, alam kong magkukrus uli ang mga landas namin sa iisang adbokasiya.
Nakarating ako sa bahay, pasado alas-nuwebe. Gising pa ang aking mag-ina.
Setyembre 19, 2018
Bago kami bumiyahe ng trainee ko sa spelling bee na si Princess Ann Sajulga, nakapag-review pa kami. Nakapagkape rin muna ako at nakapag-iwan ng writing activity sa VI-Love.
Past 7:20 kami dumating sa TPES. Maaga pa kaya nakapag-almusal pa ako sa canteen doon. Nauna pa nga ako kay Karen, na siyang coordinator ng Filipino at emcee ng palatuntunan.
Nang magsimula ang spelling contest, nagulat ako--hindi lang ako, lahat kami. Hindi iyon ang mga inaasahan naming words na lalabas. Ang hihirap. Translation yata iyon, hindi spelling. Isa pa, mga two to 4 words ang iba kada item. Idyimatikong pahayag.
Kaya naman, hindi nanalo ang trainee ko. Nineteen points ang siya. Ang first ay 39 points. Ang 2nd at 3rd ay parehong 27 points. Nag-clincher round na lang.
No regrets naman dahil marami akong natutuhan. Next time, alam ko na ng ire-review ko.
Past 11:30 kami nakarating sa school. Hindi na ako nakpagturo. Ukopado lahat ang klase ng ibang teacher pati ang advisory class ko. Kaya, nakipagkuwentuhan na lang ako kay Ma'am Belinda. Na-disappoint ako sa meeting kahapon. Aniya, walang nangyari. Hindi lumabas ang tunay sa salarin. Absuwelto.
Mabuti na lang din at wala ako. Ako pa sana ang naging kontrabida sa mga suspek.
Past 3 nasa bahay na ako. Sinubukan kong umidlip, pero hindi ko nagawa. Pinapak kasi ako ng mga langgam. Ang sweet ko na siguro.
Past 4, gumawa ako ng video entitled "Ang Ilog Pasig Ngayon." Gagamitin ko iyon bukas sa lesson ko. In-upload ko rin iyon sa youtube.
Setyembre 20, 2018
Turong-turo sana ako, gamit ang video presentation ko about Ilog Pasig, kaya lang ayaw naman gumana ang mga speakers ko. Nanghiram pa ako kay Sir Joel. Ayaw rin. May problema sa settings ng laptop ko. Hindi tuloy na-enjoy ng bata ang ipinalabas ko. Gayunpaman, napa-groupwork ko sila. Na-enjoy nila ang tableau ng pagbibigay ng solusyon sa problemang naobserbahan.
After class, may kinausap akong parent (nanay). Suki na siya. Ang problema ngayon ay ang pag-uumit ng isa sa kambal niya. May nag-report sa akin na kumuha siya ng paninda sa canteen at liptint sa Watson.
Nag-stay ako ng ilang oras sa classroom, habang nagbabasa ng akda ng mga bata. May na-encode na rin ako.
Then, nakisabay sa akin si Papang paglabas sa school. Kinuwentuhan niya ako tungkol sa hearing ni Sir Hermie. Okay na raw. Sana lang...
Past 4, nasa bahay na ako. Agad akong gumawa ng LMS at MPS sa Filipino. Late ko na naihanda ang lesson materials ko.
Thanks, God for this wonderful day!
Setyembre 21, 2018
Halos wala na namang pormal ang klase. Wala si Ma'am Madz. nasa Jamboree. Ang ibang estudyante ay nasa training at alaro. Absent naman ang karamihan dahil sa announcement ng Manila. Kami namang teachers ng Grade Six ay nagkuwentuhan tungkol sa nangyaring hearing kahapon. Gayunpaman, vacant ko iyon. Isa pa nagturo na ko sa dalawang sections. Pagsulat ng talaarawan ang lesson namin ngayong araw. Napasulat ko ang section 4.
After class, nag-stay ako sa classroom ko. Nagbasa ng mga akda/sulatin ng pupils. Nag-record. Umidlip. At nag-encode at nag-post ng mga napiling akda para sa zine na 'Ilog Pasig.'
Past 7 na ako nakauwi.
After dinner, nai-send ko na kay Ma'am Teresa Padolina ang CV para sa invitation niya sa akin sa speaking engagement. Kahapon, tinanong niya ako kung willing akong magturo ng pagsulat ng kuwentong pambata. Siyempre, it's my honor to be speak for them, lalo na't teacher ko siya noong high school at sa former high school ako mag-i-speak. Nakatutuwa naman dahil napansin niya ang kakayahan ko.
Natapos ko na rin ngayong gabi ang layout ng zine na 'Sir.' Ready to print na iyon.
Setyembre 22, 2018
Before 8 ako nakarating sa CUP. Nag-attendance lang ako roon at nakipagkiwentuhan sandali sa kaklase. Then, naglakad na ako papunta sa SDO. Naroon na sina Ma'am Edith at Ma'am Rose. Doon ko lang nalamang tungkol pala sa 'Intra at Interpersonal Intelliegence' ang topics sa seminar.
Nagustuhan ko naman. Sakto iyon sa need ko. Nakasalamuha ko si Ma'am Tracy, guro ng TPES, na nakasama ko sa BigBook Making workshop.
Bago matapos ang seminar, nayaya ako ni Ma'am Vi kina Ma'am Fatima para mag-bonding. Kasama ang nga Kinder at Grade Six teachers. Nag-confirm naman ako ng pagdalo, kaya agad kong chinat si Emily.
Past 8 na ako nakarating sa Chester Place. Agad akong hinainan ng pagkain. Hindi natuloy ang mga kaguro namin sa Grade Six. Okay lang, masaya pa rin naman ang kuwentuhan.
Past 10, nagkayayaan nang umuwi. Past 12 ako nakauwi.
Setyembre 23, 2018
Napasarap ang tulog ko kanina. palibhasa ala-una na ako nakatulog. Past 7:30 na ako bumangon. Mainit at maingay na kasi.
After breakfast, sinimulan ko ang printing ng zine na 'Sir.' Naisipan ko ring mag-gardening pagkatapos. Then, hapon, natapos kong i-layout ang zine na 'Ilog Pasig.' Nakapag-print na rin ako bago nakagawa ng learning materials para bukas.
Kahit isang araw na lang ang pahinga, sulit naman na kasama ang aking mag-ina.
Setyembre 24, 2018
Inspired akong magturo kanina. Bukod sa pinaghirapan ko ang lesson at learning materials, gusto kong simulan ang week nang masaya.
Nagawa ko namang makapagbigay ng group activity sa bawat section. Alam kong na-enjoy nila ang kuwento at activity namin.
After class, umuwi na sana ako, kaya lang bumalik ako sa school dahil nag-diarrhea ako. Umidlip ako, pero hindi nagtagal, nagdesisyon akong umuwi na.
Before 4, nasa bahay na ako.
Ginawa ko ang zine ng student ko--ang 'Mecha.'
Natutuwa ako ngayong araw dahil sa blessings na natanggap ko. Nagbayad na si Ma'am Milo. Okay lang kahit one month lang. May 5 months delay pa siya, na unaabot ng P9,000. Sana tuloy-tuloy na ang pagbayad niya.
Setyembre 25, 2018
Kahit sira na naman ang klase dahil sa isang bakanteng section o dahil absent ang isang adviser, tuloy pa rin ang palitan namin ng klase. Pagbubuod ang lesson namin. Na-motivate ko rin sila sa pagbabaybay (spelling).
Inasikaso ko ngayong araw ang schedule at ang tungkol sa RSPC bukas. May tatlong campus journalist na ilalaban.
After class, nagturo ako ng Science newswriting sa CJ na sasabak bukas. After that, umuwi na ako.
Alas-4 ako nakauwi. Naihanda ko ang LMs ko para bukas at nasimulan ko ang zine (comics-style) ng isa kong estudyante.
Setyembre 26, 2018
Naabutan ko pa ang tatlong young campus journalists na sasabak sa RSPC ngayong araw sa Marikina City. Late kasi si Sir Joel. Pero, hindi nagtagal, dumating naman siya. Alam kong nakaalis din agad sila at hindi sila na-late.
Tatlong sections lang ang may klase kanina dahil nasa Marikina City nga ang dalawang adviser. Nagturo ako at nagpalitan kami ng klase. Na-enjoy nila ang mga group works.
Samantala, nakapag-bonding kaming Grafe Six teachers. Nagpabili si Ma'am Vi ng ice cream. Pinag-usapan namin ang Child Protection Policy. Nakakalungkot isiping halos wala na kaming karapatang disiplinahin ang mga estudyante. Magturo na lang talaga ng lesson, mag-record ng grades, at gumawa ng reports ang dapat naming gawin. Bawal naming salingin o pagsalitaan ang mga bata dahil protektado sila ng batas. Samantalang pabata nang pabaya ngayon ang kriminal. Kung hindi namin madidisiplina ang mga bata, goodluck sa PNP. Dadami ang krimen at preso.
After class, nag-stay ako sa classroom. Tinapos ko ang komiks ni Cedric, na may pamagat na 'Traydor na Ibon.'
Past 7 na ako nakauwi.
Setyembre 27, 2018
Sumasakit ang ulo ko kagabi pa. Pasulpot-sulpot. Parang may kung anong tumatama sa ulo ko every five minutes. Halos hindi ako makatulog.
Naramdaman ko pa ito nang nasa Makati na ako.
Maaga kong nahanap ang opisina ng Diwa Publishing, pero hindi muna ako pumasok dahil 12 noon pa naman ang simula. Tumambay muna ako sa dalawang parke malapit doon. Nakakain pa ako ng lunch.
Aspiring Authors' Camp ang nadaluhan ko. Sponsored ng Diwa Publishing at University Press of First Asia (UPFA). Another learning naman. Ang maganda rito, mas na-open ang eagerness kong magka-textbook. Kailangan lang na mapili ako for next level of trainings. Sana magustuhan nila ang sample lesson ko.
Past 5 na ako nakalabas sa venue. Pagod at masakit man ang ulo ko, fulfilled naman ako. Confident akong magiging bahagi ako ng Diwa. Pangarap ko noon pang maging textbook author, sana ito na iyon. Marami raw ang nag-apply, kaya privileged ako dahil napili ako sa unang batch.
Setyembre 28, 2018
Maaga akong pumasok para ma-goodluck ko man lang ang mga radio broadcasters ng GES na lalaban ngayon sa RSPC. Kaya lang, hindi pala si Ma'am Irika ang kasama, kundi si Sir Erwin at ako. Okay lang naman. Gusto ko namang ma-experience. Taon-taon naman akong sumasama. Ngayon lang muntikang hindi makadalo dahil hindi nga kasama ang column writing sa regional schools press conference.
Kahit paano, nasilayan kong muli ang ganda ng Marikina. Nakapasyal ako at nakapag-sight seeing. Marami rin akong nakuhaang larawan.
Matagal nga lang kaming naghintay. Mga past 3 na natapos ang pag-broadcast ng dalawang team.
Umuwi agad kami. Past 4:45 pm kami nakarating sa school. Nagyaya naman si Ma'am Edith na kumain. Nag-Mang Inasal kami. Treat niya kami ng palabok at halohalo. Hindi na ako nakapaghapunan pagdating ko.
Setyembre 29, 2018
Hindi na naman pumasok nang maaga si Dr. Libuit. Wala na rin halos pumapasok sa klase niya. Kalahati na lang yata kami kanina. Wala na rin halos magpa-check ng chapter 1 to 3. Kaya, napilitan siyang magturo. First time. Mabuti naman dahil nakapulot talaga ako ng kaalaman. Na-inspired akong ituloy ang research ko.
After class, pumunta ako sa PNU para mag-research. Kaya lang, nang pinahanap sa akin sa computer ang anumang related sa topic ko, wala akong nakitang bagong reference. May nag-iisa nga, outdated naman. Haist! Sayang ang punta ko.
Kaya naman, dumaan na lang ako sa dalawang museum sa Luneta. First time ko sa isa. Ang ganda! Andami kong selfies at shots ng mga naka-exhibit.
Past two, umuwi na ako kahit sobrang init.
Natulog ako pagdating ko sa sobrang pagod at antok.
Hindi muna ako nag-open ng laptop ngayon. Bukas ko na gagawin ang mga paperworks ko.
Setyembre 30, 2018
Hindi ko nagawang magtagal sa higaan. Gusto ko sanang matulog hanggang 8 am. Gayunpaman, thankful pa rin ako kasi maganda ang tulog at gising ko.
After breakfast, nag-print lang ako ng DLL at nag-research para sa thesis. Then, nagpaligo na ako sa aso at naglinis ng banyo. Itinuloy ko ang paggawa ng thesis after maligo.
Fulfilled naman ako ngayong araw kahit hindi ako nakapagsulat kahit isang akda, maliban sa diyalogong gagamitin ko sa lesson bukas.
Subscribe to:
Posts (Atom)
Paano Sumulat ng Lathalain? #2
Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam. Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...
-
Ayaw na ayaw ni Tommy ang Sabado kasi ito ang araw ng paglilinis. Biglang bunso, gusto lamang niya ang kumain, matulog, manuod ng t...
-
Sa kabila ng hamon sa pagbubukas ng panuruang taon 2020-2021, natuloy pa rin ito noong Oktubre 1. Gayunpaman, mayroon pa ring mga kinahahar...