Followers

Sunday, December 23, 2018

BlurRed -- Sayang

Sinikap kong maging kaaya-aya sa paningin nina Lola at Lolo nang humarap ako sa kanila. Masigla ko silang binati at hinalikan sa pisngi. 


"Bakit napasugod ka?" tanong ni Lola. 


"Kumusta? Bakit hindi ka nagpasabi?" sabi naman ni Lolo. 


"Mabuti naman po. Gusto ko lang ko kayong makita."


"Aysus, batang ire." Inakbayan na ako ni Lola papasok. 


"Ang mommy mo, kumusta na?" ani Lolo na kasunod na namin. 


"Okay naman po siya. Sabi niya, kiss ko na lang daw kayo para sa kaniya."


Natawa ang mag-asawa. 


"E,  ang daddy mo? Mabait na ba?" Natawa si Lolo nang sabihin niya iyon. 


"Sobrang bait na po." Pinilit ko ring tumawa para maitago ang kalungkutang aking nadarama. At para hindi sila mag-usisa, ako ang nagtanong nang nagtanong. Kung ano-ano ang pinansin ko. Ultimo ang ayos ng kanilang dining table ay pinuri ko. Pati ang mga pananim na gulay ni Lolo ay naitanong ko pa. 


Kaya lang, dumating si Karryle. 


"Hala, nandito ka pala, 'insan!" gulat na gulat na bati ni Karryle. "Bakit biglaan? Alam na ba ni Dindee?" Lumapit siya sa akin at nakipag-apir. Nag-aabang din siya ng sagot ko. "Alam na niya?"


Nakatingin ako kina Lola at Lolo. Nakatingin sila sa akin at animo'y naghihintay sa sagot ko. Hindi nga nila pinansin ang nagmamanong si Karryle. 


"Pupunta ba dito si Dindee? Miss na namin siya. Matagal-tagal nang hindi siya nagagawi rito," wika ni Lola.


Ramdam ko ang pagmamahal niya sa ex-girlfriend ko. Lalo akong nalungkot. 


"Hindi ko po alam," sabi ko, sabay talikod sa kanila. "Lola, Lolo, magbibihis lang po ako. Karryle, pupunta ako sa bahay ni'yo mamaya.  Iidlip lang ako saglit."


"Hoy, Red, huwag kang tumakas!" sigaw pa ng pinsan kong nakakainis. 


Nag-lock ako sa guestroom habang pinakiramdaman ko si Karryle kung umalis na. Ayaw ko muna siyang kausap, lalo na kapag naririnig ng matatanda. Ayaw kong malungkot sila. 


Pero, hindi nagtagal, kumatok na siya. "May problema kayo, 'di ba? Baka makatulong ako," anito. 


"Nagpapahinga muna ako. Mamaya na tayo mag-usap."


"Hindi ako aalis dito."


"Ang ingay mo kasi, e. Naririning nina Lola at Lolo." 


"Kaya nga papasukin mo na ako."


Agad ko siyang pinagbuksan at hinila paloob. "Na-miss mo lang yata si Jeoffrey, e.  Gusto mong makibalita," tudyo ko. 


"Hay, naku, don't mention his name. Not anymore," mataray niyang sagot. 


"So, narito ka para damayan ako? Lakas ng radar mo, ha!"


"Siyempre naman, we're cousins!"


"Cousins ka d'yan!" Ngumiwi pa ako. "Hindi mo nga ako natulungan noong nandoon ako, ngayon pa kayang buntis siya."


"What? Buntis si Dindee?" Sa timbre ng boses niya, halatang wala talaga siyang kaalam-alam. 


Malungkot akong tumango. 


"Bakit hindi ko alam? Nakikita naman kami once a week, e."


Natahimik ako. Naisip ko kasing sinadya ni Dindee na ilihim ang pagbubuntis niya.  Umiiwas siya sa kahihiyan.Tama naman, pero paano siya maiintindihan?"


Naawa si Karryle sa akin. Umiyak ako sa harapan niya. Nagkaiyakan kami. Hindi na ako nahiya sa kaniya. Alam naman niya kasi kung gaano ko kamahal si Dindee. 


"Walang hiyang foreigner na iyon!" Natawa ako sa pagkasabi niya. 


"Hayaan mo na. Time heals na lang siguro. Makaka-move on din ako. Dapat ko na sigurong harapin si Riz."


Sumang-ayon si Karryle, pero humirit pa siya. "Parang hindi yata magandang ending kung mapupunta si Dindee sa iba."


Lalo akong natawa. "Bakit pelikula ba ito?  At direktor ka ba?"


"Hindi. Pero, seriously, bagay kayo ni Dindee, hindi dahil pinsan kita at kaibigan ko siya. Alam ko kasi kung gaano ka niya kamahal. Hindi biro ang naging samahan at relasyon ninyo. May respeto. Andon ang pagmamahal. Sayang. Sayang talaga... Sobra akong nasasaktan ngayon."


Tumulo pa ang mga luha ko. Tinapik-tapik niya ang balikat ko. 


"Samahan kita mamaya sa kan'ya. Kailangan ninyong mag-usap," ani Karryle. 












Friday, December 21, 2018

BlurRed -- Two-way

"Bakit pabigla-bigla ka, Red?" tanong ni Mommy nang nasa hapag na kami. Sinabi ko sa kanila ni Daddy ang plano kong umuwi sa Aklan. 


"Oo nga, Red. Hintayin mo na lang mag-sem break," sabi naman ni Daddy. 


"Kasi po... kailangan ko ring~"


"Makausap si Dindee?" pagtutuloy ni Mommy. 


Tumango na lang ako. 


"Pa'no ba ito, Dad?" paghingi ni Mommy ng tulong sa aking ama. 


Tinapos lang ng ama ang nginunguya, saka nagsalita. "Sige na. Malaki ka na. Alam mo na ang tama at mali."


"Salamat, Dad!"


"Mag-iingat ka lang lagi," sabi naman ni Mommy. 


"Opo. Salamat po!" Pakiramdam ko,  magiging matagumpay ang lakad ko dahil sa suporta nila. 


To make the story short, nakabili ako ng two-way plane ticket. Mahal, pero kinagat ko na, matuloy lang. Okay lang maubos ang ipon ko, makita at makausap ko lang si Dindee. 


Biyernes ng umaga, bumiyahe na ako. Absent ako. 


Ligtas naman akong nakarating sa Aklan. Kaya lang, nilamon ako ng kaba. Gustong umurong ng mga paa ko habang nasa tricycle terminal na ako. Ilang metro na lang ang layo ko kay Dindee. 


"Special po. Papasok," sabi ko sa driver. Sa wakas, nabawi ko na ang takot ko. 


Katabing bahay nina Dindee ako nagpababa. Mula roon, huminga ako nang malalim saka tinungo ang gate. Sa balkonahe, tanaw ko ang ina niya. 


"Tao po!" lakas-loob kong tawag. 


"Sino 'yan?!"


"Si Red po."


Agad na tumayo ang ina ni Dindee. "Red!?" Parang inipad niya ang gate. 


"Magandang araw po? Nandiyan po ba si Dindee," tanong ko habang binubuksan ang gate. 


"Tuloy ka. Kumusta ka na?" Kiniss niya ako sa pisngi. "Kumusta ang mommy mo?"


"Mabuti naman po."


Inakbayan niya ako patungo sa kanilang sala.      "Wala si Dindee ngayon. Pumasok. Upo ka muna. Ipaghahain kita ng lunch."


"Huwag na po. Kumain na po ako sa labas. Hindi po muna kasi ako pumunta kita lola."


"Sure ka?"


"Opo."


Umupo ang ina ni Dindee sa isahang sofa, na nasa harap ko. Malungkot siyang tumingin sa akin. Sa tingin ko nga, nawala ang pagka-blooming niya. Ibang-iba siya noong huli naming pagkikita. 


"Kumusta po kayo, Tita?"


Mapait ang ngiting ipinakita niya sa akin. "Hindi mabuti, Red." Nangilid ang luha sa kaniyang mata. 


"Po? Bakit po?"


"Sana hindi ko na lang siya kinuha sa inyo."


Kumunot ang noo ko. Hindi ako sigurado kung iyon nga ang pinupunto niya. Kaya, hinayaan ko siya. 


"Sana pinayagan kona lang siyang magpatuloy ng pag-aaral sa Manila. Hindi sana siya... Hindi sana siya nabuntis."


Kasabay ng pag-iyak niya ang pagkabasag ng puso ko. Napasandal ako sa sofa. "Po? Buntis po si Dindee?" Gusto kong malaman kung sino ang ama. Siguradong hindi ako dahil walang nangyari sa amin. 


Tumango-tango siya habang nagpupunas ng mga luha. "Nagrebelde siya sa akin. Kasalanan ko bang maging protective sa kaniya?"


Wala akong mahanap na akmang salita para kalmahin siya. Hindi ko nga rin alam kung ano ang nararamdaman ko. Magkakahalong awa, galit, inis, at pagkabigo ang nasa puso ko. 


"Red, sorry. Sorry kasi hindi ako magtiwala sa 'yo. Sa sobra kong pagprotekta, mas lalo pala siyang napahamak."


Tumango lang ako. Hindi ko na naitago ang luha ko. 


"Kailangan ko na lang tanggapin ang katotohanang ito. Sana ikaw rin. Pasensiya ka na sa anak ko. Naging marupok siya. Padalos-dalos."


Wala pa rin akong nasabi. Pero, sinikap kong nakakonekta ang puso ko at mga mata ko sa kaniya. 


"Ayaw ni Dindee sa lalaki. Hindi niya raw kayang mahalin at pakisamahan. Okay na raw sa kaniyang maging single mother. O,  Diyos ko. Bakit ganito ang mga kabataan ngayon? Ayaw piliin ang tamang daan. Nagkamali na nga, mali pa rin ang solusyon."


"Nag-PM po sa akin si Josh Lange. Siya po ba ang ama ng dinadala ni Dindee?" Sa wakas, nagawa ko nang magsalita. 


Tumango muna ang ina ni Dindee. "Nagseselos siya sa 'yo kasi feeling niya ikaw ang dahilan kung bakit hindi siya matanggap ni Dindee."


Gustong magbunyi ng puso ko, pero hindi ko ipinakita. Sa halip, itinanong ko kung ano ang plano ni Dindee sa bata. 


"Hindi ko nga alam. Madalas siyang umuwi nang lasing. Hindi pa alam ng mga kaklase niya ang tungkol sa pagbubuntis niya."


Napauling ako. Naawa ako sa bata. "Sigurado po ako, hindi rin po niya sinabi kay Karryle."


"Malamang."


"Kaya po pala parang hinihila ang mga oaa ko papunta rito. May dapat po pala akong malaman."


"Sorry, masamang balita pa ang nalaman mo. Hiyang-hiya ako sa 'yo at sa mommy mo. Sana mapatawad ninyo kami." Yumugyog na ang mga balikat niya habang nakasubsob sa kaniyang mga palad. 


Katahimikan ang sumunod na nangyari. 


"Bakit po hindi niya ako ni-rereply-an?" Direct to the point na ako.  Baka mayroon siyang maisasagot. 


"Hindi ko alam, Red. Ang sabi niya lang sa akin noon, break na kayo."


Umiling-iling ako. Disappointed. 


Very apologetic ang ina ni Dindee, pero napagdesisyunan kong magpalaam na. Tinapos na pala niya ang relasyon namin noon pa. There's no point para hintayin pa siya. Sobrang masakit iyon, pero closure lang naman talaga ang sadya ko roon. Nagkataon lamang na may ibang balitang bumungad sa akin. Siguro nga, kailangan ko nang harapin ang tunay kong buhay --si Riz. Andami kong naging kakulangan sa kaniya dahil kay Dindee. Ngayon, panahon na para siya naman ang pagtuon ko ng pansin gaya noong mga nakaraang buwan. It's not too late. 


Na-realize kong two-way talaga dapat ang pag-ibig. Hindi puwedeng isa lang ang nagmamahal. 






Thursday, December 20, 2018

BlurRed --One Plus One Equals Two

Hindi ako nakatulog sa pag-iisip ng mga dapat gawin. Pinuyat ako ng mga bagay, na kahit pilit kong isantabi ay hindi ako tinatantanan. 


Nang pumasok ako sa school, para akong nakalutang sa hangin. Wala pa ring magandang solusyon ang pumapasok sa kukote ko. Pakiramdam ko, bigla akong nabobo. 


Bobo na nga ba ako sa pag-ibig? E, samantalang para lang itong 1+1=2. 


Nakaupo na ako sa tabi ni Riz at nasa harap na ng klase ang professor namin, nang biglang nag-pop out sa utak ko ang katotohanan. 


Kaya pala ako nasasaktan dahil mali ang formula-- 1+1=3. Dalawa sila, kaya nagiging tatlo kami.


"Mr. Canales, please explain this statement," sabi ng professor. Dalawang beses na pala niya akong tinawag. 


Nakarinig pa ako ng tawanan bago ako tumayo para mag-explain. Matalino naman ako sa academics, pero bobo sa pag-ibig. 


"Isa lang, Red, isa lang," sabi ng konsensiya ko.  


"Paano? Bakit? Pero, pareho na nga silang nawawala. Si Riz, malamig na. Si Dindee naman, naglaho na. One plu one equals zero (1+1=0) yata ng tamang formula, e," monologue ko sa isip ko habang abalang sumasagot si Riz sa aming short quiz. Blangko ang papel ko. Okupado naman ang isip ko. 


"Ano ba ang nangyayari sa 'yo, Red?" iritableng tanong ni Riz. "Kanina ka pang gan'yan."


"Ikaw." Siyempre, hindi ko nasabi iyon.  Umiling lang ako. Hindi ko naman talaga siya problema. Alam ko namang mahal niya ako.  Naglalamig-lamigan lang siya para makuha ang full attention ko. Ramdam niya kasing may pagmamahal pa rin ako kay Dindee. 


"Ayusin mo naman ang buhay mo. Hindi na kita maintindihan," halos pabulong niyang litanya. "Sabihin mo lang kung hindi ka na masaya sa akin. Maaga pa para mag-shift ka ng course kung napilitan ka lang talagang mag-Education."


Napatingin ako kay Riz. Nagkakamali yata siya ng paratang at hinuha. "Hindi. Gusto ko ang course na ito. Napuyat lang ako kagabi."


"Puyat? Bakit?"


"Pass your papers!" deklara ng professor. Saved by the bell. Hindi ko na kailangang magpaliwanag. Kaya lang, wala akong naipasa.


Babawi na lang ako. 


Maghapon akong wala sa ulirat. Gayunpaman, makatulong iyon para makabuo ako ng malaking desisyon. Sasaglit ako sa Aklan. May ipon na ako, kahit pamasaheng back and forth lang. 


Pagkatapos niyon, aayusin ko na ang sa amin ni Riz. 'One plus one equals two' lang dapat. 


Wednesday, December 19, 2018

Blurred -- Josh Lange

Nagpatuloy ang malamig na pakikitungo sa akin ni Riz. Hindi man ako sumuko sa pagsuyo at pagpapanumbalik ng init ng aming relasyon, pero tila pinanghinaan na ako ng loob. Noong nakaraang araw, ni hindi kami nagkaroon ng pagkakataong mag-usap. Busy raw siya. Andami niyang pag-aaralan at susulatin. E, pareho lang naman kami ng subjects. Alam kong wala masyadong dapat pagkaabalahan. 



Akala ko noon,  maganda ang short distance relationship. Hindi pala. Lalo lang pala nito pinaglalayo ang mga puso namin. Tinalo pa namin ang walang mode of communication.  Parang wala na akong girlfriend. Halos araw-araw ko siyang nakikita, pero parang ayaw niya akong makasama at makatabi. Ibang-iba na.  


Lalo ko tuloy na-appreciate ang presensiya noon ni Dindee. Mas marami ang happy moments namin kaysa sa mga oras na kami ay malungkot o magkaaway. 


Sa sobra kong pananabik kay Dindee,  naisipan ko siyang kontakin. Kahit hindi siya naka-online sa Messenger, nag-iwan pa rin ako ng nangungumustang mensahe. Hindi ko rin maiwasang sabihin ang pagka-miss ko sa kaniya.  


Habang naghihintay ng reply niya, itinuloy ko ang pagtitig kay Riz. Siya pa rin ang nagapatibok ng puso ko sa oras na iyon. Napakaganda pa rin niya kahit nakulayan na ang mga kolorete ang mukha niya, kahit nag-iba na ang tikwas ng buhok niya, at kahit may iba na siyang set of friends na madalas makapangiti at makapagpatawa sa kaniya. 


Mag-uuwian na nang mag-notify sa filtered messages ng Messenger ang mensahe ng nangngangalang Josh Lange.  


"PLEASE STOP COMMUNICATING WITH DINDEE," anito.  


Parang sinukluban ako ng langit at lupa. Hindi agad siya nakaisip ng isasagot. Parang nasagot na niyon ang matagal na niyang katanungan.  


"Okay, class, dismiss!" deklara ng professor. 


Saka lang ako natauhan. At saka ko lang din napansing kanina pa pala nakatingin sa akin si Riz. 


"May problema?" tanong niya nang makalapit  sa akin. 


Naibulsa ko naman kaagad ang cellphone ko. "Wala na. Pinauuwi ako agad ni Mommy.  Mag-oovertime daw kasi si Daddy," palusot ko. Napaniwala ko naman siya. 


"A, sige, mauna ka na. Nagyayaya kasi sina Ella."


"Sige, ingat!" Hinawakan ko at pinisil ko muna ang kamay niya bago ako tumalikod sa kaniya. 


Hindi na muna ako nagpaapekto sa pagyayaya ni Ella kay Riz. Alam kong matalino siya. Hindi niya pipiliin ang bagay na ikasasama niya.  


Nakasakay na ako sa dyip nang muli kong basahin ang mensahe ni Josh, na ang hula ay ko ang bagong boyfriend ni Dindee. walang katumbas na salita para sa kalungkutan ko. 


Lalo pa nga akong nagdamdam nang makita kong na-seenzone ako ni Dindee. Ni emoji o sticker ay hindi siya nag-iwan sa reply box. 


Nang makauwi ako, agad na naramdaman ni Mommy ang pinagdadaanan ko.  "Hindi pa rin ba kayo okay ni Riz?" tanong niya. 


Gusto ko sanang ilihim sa kaniya ang problema ko, kaya lang hindi ako mapakali. Alam kong may maitutulong siya, lalo na't tungkol kay Dindee. 


Ikinuwento ko ang nangyari at pinabasa ko ang mensahe.  


"Naniniwala kang boyfriend ni Dindee ang Josh na iyan?" tanong ni Mommy. Hinihimas-himas niya ang kaniyang lumalaking tiyan. 


Saglit akong nag-isip. "Posible po."


Napangiti si Mommy. "Red, ang posibleng sinasabi mo ay dalawang bagay-- posibleng oo at posibleng hindi. Alin sa dalawa?"


"Mapi-PM po ba siya sa akin kung may karapatan siya kay Dindee?" pabalik kong tanong. 


"Ewan ko. Depende sa tao iyan. Noong nambababae pa ang daddy mo, hindi ako nag-aksayang i-text ang mga babae niya. Hindi rin ako nag-text sa mga iyon."


Lalo along naguluhan sa tinuran ni Mommy.  "Alam ko kasi sila na, e. Kasi kung hindi,  dapat nakikipag-communicate si Dindee sa akin."


"Alam mo, may delikadesa si Dindee. Alam niya kung saan siya lulugar. Alam niyang makakasira siya ng relasyon, kaya umiiwas siya sa 'yo. Bakit hindi mo na lang kasi ayusin ang relasyon mo kay Riz?"


Natahimik ako. Napagtanto ko, tama si Mommy. 


Nang gabing iyon, natuto akong mandedma. Dinedma ko na lang ang mensahe ng bf ni Dindee.  


Natuto rin akong magparaya. Naisip ko kasi na panahon na para maging masaya si Dindee at si Riz.  


Nag-iwan ako ng mensahe kay Dindee kahit wala siyang reply.  Sabi ko, "Masaya ako dahil natagpuan mo na ang lalaking magpapaligaya sa 'yo. Hayaan mo, ito na ang huling pangungumusta ako sa 'yo. Mag-iingat ka lagi."


Tumulo ang mga luha ko bago ko pa napindot ang send button. Masakit pala magparaya. Napakasakit. 


Naunawaan ko na si Riz... pati si Leandro. 







Thursday, December 13, 2018

Palaisipan

May mga bagay ngang mahirap ipaliwanag

katulad kung paanong ang EDSA ay luluwag,

kung bakit mabilis maglaho ang bulalakaw,

at kung bakit kay raming politikong buwakaw.



Mayroon din hindi talaga maunawaan,

gaya ng syota mong 'di mapagkatiwalaan,

kung meron pa bang disiplinadong kabataan 

at kung bakit magulo sa 'ting pamahalaan.



Ang mundo nga'y isang malaking palaisipan

na minsan nga, nasa atin lang ang kasagutan.

May pagkakataon pang, hinahayaan na lang 

na lagi't manatili bilang 'sang katanungan.



***



--Isunulat noong Disyembre 13, 2018.

-Ang larawan ay kuha sa Cultural Center of the Philippines (CCP) noong Disyembre 8, 2018.

Wednesday, December 12, 2018

Nakalutang

Inulila ng berdugong kahirapan,

inapi ng yaman at ng kasalatan,

kaya nalupyak ang tiyan at kaisipan,

nakipagkarera kanyang kamusmusan.


Ginutom ng bayan sa diwa't kaalaman,

nagkulang sa layang sinakal ng ilan,

tinikis ng buhay, na animo'y buwan.

Sa halip, sa sakit, siya'y nananahan.


Nakalimutan pang siya ay kabilang

sa mundong mapait, saka mapanglamang.

Kinulong sa dusa; sa bait, nawalan.

Ngayon, gumagala... siya'y nakalutang. 



--Isinulat noong Disyembre 12, 2018

--Ang larawan ay kuha sa Buendia, Pasay City noong Disyembre 2018.




Tuesday, December 11, 2018

Makalaglag-Panty

'Tong si Dante ay talagang poging-pogi

Mga bebot, nahuhumaling 'pag ngumiti

Kanyang titig, makalaglag ng bra't panty.


Madalas nga, sitsit, sipol, natatamo.

Minsan pa, panggigigil, pangharuyo

ang kaniyang napapala, 'di na-zero.


Isang araw, sa mataong eskinita,

may dalagang seksing-seksi at suplada.

Suminangot nang makita s'yang namangha.


Nang dalaga'y ilang metrong nakalayo, 

s'ya'y nabato, nanataling nakatayo,

tingin niya, sa balakang, nakapako.


Mayamaya, kisapmata, may nakita

Salong-ari ay nalaglag. Sa'n nagmula?

"Miss, panty mo," sabi niya, natatawa.


Huminto s'ya, naiinis, walang kurap

Ang binatang nakangiti, siya'y tiyak

dahil muli may babaeng nakalaglag.


Itinaas ang bikining nangungupas

Winagayway, pinaikot, pinagaspas

"Miss, panty mo." Inulit pa nang kay lakas.


"Gago! Bastos!" sabay buntal nang matindi.

"Di akin 'yan. Isuot mo," kanyang sabi.

Saka niya naramdamang may mahapdi.


Nang tumingala, may namasid sa bubungan--

isang ale, nagsasampay ng nilabhan.

Mga ito'y, di n'ya alam, nagliparan.


***


--Isinulat noong Disyembre 11, 2018.

--Kuha ang larawan sa Pasay City noong Disyembre 8, 2018.



Monday, December 10, 2018

Peace on Earth

Hark! the herald angels sing, 

Glory to the new-born King! 

Kay sarap namang dinggin

'tong pamaskong awitin.


Peace on earth, and mercy mild, 

God and sinners reconciled.

Kapayapaang hangad

ay para sa 'ting lahat.


Joyful, all ye nations, rise, 

Join the triumph of the skies; 

Nagkakaisang bansa,

galak ng Manlilikha.


With th' angelic host proclaim, 

Christ is born in Bethlehem.

Ang pagsilang ni Kristo,

ipagdiwang sa mundo.


Hark! the herald angels sing, 

Glory to the new-born King!

Nag-aawitang kerubin,

tara, sabayan natin!


Christ, by highest heaven adored: 

Christ, the everlasting Lord; 

Magpuri sa Kaniya

at kamtin ang biyaya.


Late in time behold him come, 

Offspring of the favoured one. 

Daan ng kaligtasan

Biyaya ay kagalakan.


Veiled in flesh, the Godhead see; 

Hail, th'incarnate Deity: 

Ang kaniyang pagsilang,

tunay na kinagiliwan.


Pleased, as man, with men to dwell, 

Jesus, our Emmanuel! 

Siya ay nananahan

dito sa sanlibutan.


Hark! the herald angels sing, 

Glory to the new-born King!

Ating ipagkapuri

ang kanyang pagkahari.


Hail! the heaven-born Prince of peace! 

Hail! the Son of Righteousness! 

Ang prinsipe'y itangi

Itaas, bigyang-puri.


Light and life to all he brings, 

Risen with healing in his wings 

Ilaw na mapayapa,

kay Hesus, makikita.


Mild he lays his glory by, 

Born that man no more may die: 

Pagbuhos ng biyaya,

siksik at parating na.


Born to raise the son of earth, 

Born to give them second birth. 

Mundo'y matatanglawan

ng ginhawang maalwan.


Hark! the herald angels sing,

Glory to the new-born King!

Halina't mag-awitan,

Siya'y pasalamatan.


****

--Isinulat noong Disyembre 10, 2018

--Ang larawan ay kuha sa Bangko Sentral ng Pilipinas, Manila noong


Saturday, December 8, 2018

Paghihintay

Sa lilim ng pananabik na siya'y muling magbalik

Sarili ay inaalo, pinasasaya n'yang pilit.

Ang huni ng mga pipit, sa tainga ay nananakit.

Kahit oras, naaagnas; kahit gabi'y sumasapit.



Sa ililim ng pag-asa, siya'y tigib ng pangamba

Darating pa kaya siya? lagi niyang winiwika.

Sindami ng mga dahong nalalaglag sa lupa,

Ang hinagpis ng kahapon, na nais nang kumawala.



Mga silahis ng araw, nakasusunog ng dugo,

ngunit ang kaniyang puso ay mananatiling buo

Maghihintay pa rin ako, hanggang langit, manibugho,

ang bulong niya sa hangin habang mata'y namumugto.



Sumuko man itong oras, hindi ang pag-ibig niya,

"Ugat ma'y tubuan ako at magkadahon ang sanga,

hinding-hindi bibitiwan, pangakong tayong dalawa,

sabay na mamumulaklak at parehong mamumunga.



Nang ang araw, sumuko na, s'yang datal ng sinisinta

Kristal na butil sa mata, napawi't natunaw bigla.

Ang babaeng hinihintay, sa wakas ay nayakap  na.

Ngunit, tila may nag-iba, tuod na kahoy na siya.



'Dito sa ating tagpuan, nag-abang talaga ako.

O, sa iyong pagbabalik, pumintig ang aking puso.

Subalit, heto ka ngayon, wala nang buhay at pulso.

Mahal pa rin kita, Eva, iyan ang aking pangako."



At tahimik na kumalas ang ebang nanlalamig

sa mainit pang katawan ng adang sobrang sigasig.

Mga labi ay kumibot, sabik sa nais marinig.

Ihip ng hangi'y napipi dahil sumikdo ang dibdib.



Mahabang buntunghininga ang sa kaniya'y lumaya.

"Hindi ako nakatupad. Patawad at paalam na."

Ang mga ibon sa puno, nagsiliparan pa nga.

Nagalit din ang tagpuan, na dapat nagbunyi sana.



"Ikakasal na ba kayo o nais mo lang lumayo?"

Nag-abang ang maginoo, subalit wala ni tango.

"Nasa akin pa rin naman ang buhay ko, ang puso mo.

Mahal pa rin kita, Eva," ang bulong ng kalaguyo.




****




--Isinulat noong Disyembre 9, 2018.

-- Ang larawan ay  kuha sa  gilid ng gusali ng Cultural Center of the Philuppines (CCP) habang naghihintay. 





Wednesday, December 5, 2018

Putik

Hindi ito isang kuwento,

Pilit ipinapakasal sa agos

Tangan ng hindi alam ang pangalan

Paulit-ulit namulat

Napakaraming putik

mula sa Maykapal,

na sa ilan ay tamang-tama.

Mababang kataasan,

mahabang tanong,

magkakaiba,

matigas ang inilalarawan,

bahagi ng paliwanag,

nagladlad...

nakaumang...

Dalawang karanasang

hindi matapos-tapos

ang putikan.


--mula sa "Sa Kabukiran ng Kapitangan," Liwayway Magazine


#erasurepoetry

Pamasko

Estudyante1: Sir, ano po ang gusto ni'yong regalo?

Sir: Pagpapakabait mo.

Estudyante: (Napangiti at napaupo)

Estudyante 2: Anopo ang wish ni'yo sa Pasko?

Sir: Sana lumiit na ang tiyan mo.

Estudyante: (Napangiti at napaupo)

Kakaiba

Kakaiba ako

Natutunaw sa hiya

Paano kaya?

Kapag dumaan

laging pinupuna

Gusto kong lumabas

dito sa sarili.

Iniwan ko 

ang narinig ko.

Tuesday, December 4, 2018

Mundo

Naisip ko

Kung sarili o mundo

Naisip ko

Limampung beses

Katumbas ng kalaban

Hindi mahirap pasukin

Ang mundo ng hayop

Ang tao, kayang-kayang pasukin ito.


--mula sa 'Langgam Vs. Tao'

#blackoutpoetry


Paglaya

Lumuhod

Nanalangin

"Salamat! Salamat!"

Pakiwari niya'y lalaya ang kanyang pagkatao,

sa halip, tumuntong sa upuan,

Napangiti

Yumuko

Napangiti

Napatingin sa malayo

Napahalakhak.

"Ngayon, nakita ko na."

Kumislap ang mga mata.

"Diyos ko, paalam."


--mula sa kuwentong "Bestfriend" (Liwayway Magazine)

#erasurepoetry


Sana Lang

Hinagod ko ng tingin

ang kumupas na panahon.

Humakbang

Nahantad

Napahugot ako nang malalim

Pagbabago, tila nahaluan ng pangamba.


Sundin ang natatanging puwersa.

Nabuwal ako sa malakas na pag-asa

sa piling kong naghihintay,

nagsimulang magbago.

Pero,unti-unti

Ipinaglalaban

Habang tuluyan nagdurugtong

Naglalaho ngayon.


Alam mo bang haharapin

ang kasinungaling payapain ang aking damdamin?

Magpapakatotoo

Tama, ngayon.

Naiintindihan kita.

Sinabi ko noong nalimutan ng lahat ang kahinaan ko.

Mali ka -- ang bumigo sa akin.

Nakapanghihinayang...


Sa katotohanan, patuloy akong lalaban

hanggang bumalik ang sandaling kasama ko

ang may hawak ng aking dibdib.

Unti-unti...

Dahan-dahan...

Sapilitan...

Sana lang. 


--mula sa kuwentong "President and I" Liwayway Magazine


#erasurepoetry


Ang Aking Journal -- Disyembre 2018

Disyembre 1, 2018 Nag-gardening ako pagkatapos mag-almusal. Gumanda pa lalo ang hardin namin dahil sa pag-landscape ko sa isang bahagi ng lote. Nalinisan ko na rin ang dog cage ni Angelo. Then, habang nagpapahinga, ipinagpatuloy ko ang pagsusulat ng 'Kay Sayang Maglakbay,' ang kuwentong tribute ko sa Pasay. Sana maging bahagi ito ng kasaysayan o literatura ng siyudad. Lolz. Hindi ko natulog sa hapon para lang matapos ko. I succeed naman. Gabi. inihanda ko ng mga entries ko para sa 8th Lampara Children's Story Writing Competition. May apat akong nakalkal sa files ko. Iyon lang kasi ang pasok sa word counts. Kaya naman, sinimulan ko ng isa pang kuwento para maging lima ng entries ko. Disyembre 2, 2018 Nag-gardening uli ako. Pero, hindi na ganoon kahirap kumpara kahapon. Hindi ko pa nga natapos kasi nakatunghay si Bukbok Ususero. Nakakainis ang pagmumukha. Habang nagpapahinga, nag-chat si Sir Randy. Tutuloy pala siya sa pagpunta rito para sa tripping. Mamamasyal sana kaming mag-anak sa Rex Habitat at Cultural Display na nasa Tanza lang din. Binalak kong ituloy at isama siya. Past one, nasa tripping na kami. Nakasakay kami sa kotse ng agent. Mabilis lang naming natingnan ang mga sites. May nagustuhan si Sir Randy. Kaya nang bumalik kami sa office ng agent, bandang alas 2:30, nag-fill out na siya ng form para sa reservation. Since wala pa siyang cash, isinama ko muna siya sa bahay para magmeryenda at ako naman ay kumuha ng pera para ipahiram muna sa kaniya. Nang matapos ang pagbayad, sumama ako sa kaniya sa Puregold para mag-withdraw siya at maibalik sa akin ang limang libo. Nagkuwentuhan muna kami habang naghihintay ng bus. Excited na siyang magkabahay. Na-inspired siya sa bahay ko at sa mga sinabi ko sa kaniya. Mas magandang mag-invest o gumastos para sa future o sa bahay kaysa sa mga luho at gala. Disyembre 3, 2018 Wala pa ring pormal ang klase. Nasa sports training pa rin ang tatlo naming kasamahan. Kaya naman, halos wlang palitan. Sa VI-Peace lang ako nakapasok. The rest, nasa VI-Love ako. Nagpa-games lang ako. Na-enjoy naman nila. After class, umidlip ako. Kahit paano, nakatulog ako. Kaya naman, nakagawa ako ng ilang produktibong bagay bago umuwi. Past five, nayaya ako nina Ma'am Sharon at Ma'am Edith na mag-Max's. Taya si Ma'am Sha. Ayaw ko sana, napilit lang ako. Nahirapan akong sumakay. Past nine na ako nakarating sa bahay. Okay lang naman. Safe and sound pa rin naman. Disyembre 4, 2018 Muntik na naman akong ma-late. Four-thirty na ako bumangon, na supposedly, nasa highway na ako. Hindi kasi naka-set sa tamang oras. Dapat 4:30 am. Ang naka-set ay 4:30 pm. Okay lang. Wala pa rin namang pormal na klase. Nagpa-groupwork lang ako sa advisory class ko. Then, sa Peace, nagbantay lang kasi may ipinagawa sa kanila ang kanilang adviser, na nagklase naman sa Love. Nakipagkuwentuhan na lang ako sa ilang estudyanteng ayaw gumawa ng Christmas card. Sa advisory class ko, nagturo ako ng erasure poetry. Nagustuhan nila iyon. Nakasulat ang lahat. Naadik naman ang iba. Nasimulan din naming i-put up ang "Stop. Look. and Read" Hub. Sa tulong ng ilang estudyante, gumanda na iyon bago mag-uwian. Umuwi ako nang maaga kasi nasa Divisoria si Emily. Hindi naman ako nakatulog kasi nag-print ako at may ginawa pa akong iba sa laptop. Disyembre 5, 2018 Nagpagawa muna ako ng monstera leaves gamit ang colored papers. Idedekorasyon ko sa reading hub ng Grade Six. Pagkatapos, nagturo at nagpagawa ako ng blackout poetry. Binigyan ko sila ng mga materials. Nakagawa naman sila bago mag-recess. Then, nagpa-games na lang ako. Rewurst nila iyon. Nagbigay pa ako ng premyo. Palaka. Nainis lang ako dahil may mga pabida. Pinag-seatwork ko tuloy sila sa ESP hanggang mag-uwian. After class, gumawa lang muna ako ng blackout poetry, then pumunta ako sa HP Plaza. Bumili ako ng mga panregalo. Books ang binili ko. Mas maganda ang libro bilang regalo. Pangmatagalan at mas makabuluhan. Nag-ukay-ukay rin ako at nag-spot ng panregalo ko sa Monita ko sa #10000 group Christmas party. Before 5, nasa Baclaran na ako. Maaga akong nakauwi. Pero pagod na pagod at antok na antok ako, kaya maaga akong pumasok sa kuwarto. Disyembre 6, 2018 Napaaga ako ng pasok kanina. Ang bilis kasi ng bus na nasakyan ko. Okay lang naman. Nakaidlip pa ako sa room. Nagbabasa na ako ngnkuwento nang nagpatawag ng meeting si Ma'am Vi. Hindi ko naituloy. Nang natapos, nag-games na lang kami. Pinalaro ko dila ng hola hoop relay at 'Nasaan ang bato?' Isinagawa ko naman ang Tagalog Word Domino na nasa isip ko pa lang. Nagandahan ako at ang mga bata, kaya itutuloy ko ang paggawa ng cards niyon. Sa ESP, nagpagawa ako ng 'Sertipiko ng Pagkilala,' gaya ng nasa libro. Ang kaibihan lang ay kailangan nilang i-award sa kaklase nila sa oras na iyon at sasabihin nila ang dahilan. Na-enjoy naman nila ang bagong activity na iyon. Nabagbag nga ang puso ng iba. After class, nagpahinga ako. Nanuod ng youtube videos. Umidlip. Paggising ko, nagkape ako at nagmeryenda. Umaktibo ako kaya nagawa kong linisan ang tanke ng mga palaka ko. Past 7 na ako nakauwi. Disyembre 7, 2018 Kakaunti lang ang estudyante ko. Nasa sports pa rin kasi ang iba. Gayunpaman, hindi ako nag-aksaya ng oras. Habang nag-aalamusal ako, pinasulat ko sila ng tigdadalawang salita na isasalin nila sa baybayin. Iyon ay para sa laro namin. Na-enjoy nila ang 'Decoding Baybayin,' na sila mismo ang nagsulat. Nagpagawa rin ako ng Christmas cards para sa bulletin board ng Grade Six. At bago nag-uwian, nagpa-decorate ako sa chalkboard ko gamit ang mga bond papers. Past eleven, naganap ang faculty general meeting. Pinag-usapan ang tungkol sa Christmas party. Nagbigay na rin ng bonus ang coop. Nag-meeting din kaming faculty officers pagkatapos niyon. Past two na ako nakaidlip. Past five, pumunta ako sa Baclaran para bumili ng mga medyas para panregalo sa #10000 group. Kaya lang, sarado na ang nag-iisang tindahan niyon. Sayang! Disyembre 8, 2018 Past 7, nasa school na ako para pakainin ang chubby frogs ko. Pagkatapos niyon, hinintay ko si Ma'am Joann sa CCP para sa seminar-workshop na dadaluhan namin--ang Pambansang Edukasyong Pampanitikan Seminar-Workshop. Natuwa ako sa oportunidad na iyon. Bagong-bago na naman ang kaalamang natutuhan ko. Marami akong dapat baguhin sa pagsulat ko ng tula. Sabi ng tagapangulo ng UMPIL, hindi kultura ng mga Filipino ang nakasanayang estilo ng pagsulat ng tula sa ngayon. Sobrang puno ang utak ko ng kaalaman. Natuwa rin ako sa mga performances ng nga LIRA members, lalo na sa ventriloquist. Superb! Dahil dito, na-inspire na naman akong magsulat ng tula araw-araw. Tatawagin ko itong 'One day. One Pic. One Poem.' Ibabase ko ang tula sa larawang nakuha ko. Eight, umuwi na kami ni Ma'am Joann. Past 10 na ako nakauwi sa bahay. Disyembre 9, 2018 Pinagbigyan ko ang sarili ko sa higaan. Bumangon ako bandang alas-otso. Pero, pagkatapos namang mag-almusal, binisita ko ang garden ko. Nainis lang ako dahil may halamang nalanta ang dahon. Bino-bonsai ko pa naman. Nakapagsulat ko ngayong araw ng tula. Ginamit ko na ang learning ko mula sa workshop kahapon. Nasimulan ko rin ang isa pa. Gagawin ko ito araw-araw. Sana ma-maintain ko. Pagkatapos kong magdilig sa hapon, nag-print ako ng apat sa children's stories na ipapasa ko sa Lampara. Bukas, ipapanotaryo ko ang mga iyon. Then, nag-encode ako ng mga spoken word poetry ng mga estudyahte ko. Marami pa sana, wala lang time. Disyembre 10, 2018 Nagpapa-group activity ako sa advisory class ko nang tinawagan ako ni Ma'am Vi para sinimulan ang pagde-decorate ng stage, na siyang nakatoka sa Grade Six. Agad ko naman siyang hinarap. Mayamaya lang, nasimulan na namin ang paggugupit ng mga Christmas symbols, gamit ang cartolina. Hinayaan ko namang matapos ng VI-Love ang kanilang gawain. Naidikit na rin namin ang mga gawa namin bago matapos ng klase. Ang ganda ng resulta! After that, nagplano naman kami para sa graduation. Kailangan na raw kasing mabadyetan ng principal, kaya kinukuha na ng plano o proposal namin. Nagpa-ice cream din si Ma'am Vi. Cool! Pagkatapos niyon, tinanggap namin ang grocery bag mula sa city hall. Tamang-tama, naiuwi ko kasi hindi na ako pinasama ni Ma'am Joann para magpanotaryo. Siya na lang daw. Maaga rin akong nakauwi. Nakapagdilig pa ako bago dumilim. Nakapag-print ng IMs para bukas. Nakapag-post sa KAMAGFIL ng mga akda ng mga bata. At nakapagbasa ng "Connect the Dots" ni Sir Genaro Gojo Cruz. Disyembre 11, 2018 Nagpa-group activity ako sa VI-Love habang nag-aalmusal. Binigyan ko sila ng Pamaskong kanta para ipresent nila. Ginawa naman nila, kaya lang hindi nai-present kasi naging busy ako sa pagdagdag ng dekorasyon sa entablado, na nagustuhan at sinuportahan naman ng principal. After class, naging busy ako para sa paghahanda sa pag-submit ng entries ko sa Lampara storywriting contests. Natagalan kami kasi nagpakain pa si Ma'am Fat dahil wedding anniversary nilang mag-asawa. Past 3 na kami nakalabas sa school. Na-traffic pa kami. Kaya, past 5 na kami nakarating sa Precious. Mabuti na lang, tinaggap pa. Past nine na ko nakauwi. Okay lang. Masaya naman ako dahil tatlo na kaming nakasali sa contest. Disyembre 11, 2018 Nagpa-group activity ako sa VI-Love habang nag-aalmusal. Binigyan ko sila ng Pamaskong kanta para ipresent nila. Ginawa naman nila, kaya lang hindi nai-present kasi naging busy ako sa pagdagdag ng dekorasyon sa entablado, na nagustuhan at sinuportahan naman ng principal. After class, naging busy ako para sa paghahanda sa pag-submit ng entries ko sa Lampara storywriting contests. Natagalan kami kasi nagpakain pa si Ma'am Fat dahil wedding anniversary nilang mag-asawa. Past 3 na kami nakalabas sa school. Na-traffic pa kami. Kaya, past 5 na kami nakarating sa Precious. Mabuti na lang, tinaggap pa. Past nine na ko nakauwi. Okay lang. Masaya naman ako dahil tatlo na kaming nakasali sa contest. Disyembre 12, 2018 Masama ang pakiramdam ko nang bumangon ako. Parang ayaw kong pumasok. dahil parang may trangkaso ako. Gayunpaman, mas pinili kong pumasok. Kaya naman pagdating sa school, umidlip muna ako. Kahit paano, nabawasan ang bigat ng pakiramdam ko. Umaktibo pa ako nang inayos ko ang stage decoration namin. Nagkatanggalan kasi ang mga dikit. Past 7, naisipan naming gumawa ng malaking snowman. Past nine nang maikabit namin iyon. Naiinis ako sa mga estudyante ko. Ang iingay pa rin nila kahit ipinararamdaman ko sa kanila na may sakit ako at kailangan nilang mag-behave dahil baka i-proclaim kong walang Christmas party. Bago mag-uwian, natumba pa nila ang Christmas tree-books na ginawa ko. Sign iyon na hindi ko talaga sila dapat bigyan ng party. After class, umalis kaming Grade Six advisers para tumingin sa Shell Canvas ng red carpet for graduation. Niyaya rin kami ni Ma'am Nabua para mag-lunch out. Nakapag-down kami ng kalahati. Nakabili rin ako ng doormat para sa bahay at panregalo. worth P800 (P100 each lang). Pagkatapos doon, kumain kami sa Mc Do. Then, pumunta ako sa SM para bumili ng pang-exchange gift. Bumalik ako sa school para iwan ang regalo. Nag-stay ako roon till 5. Kasabay ko uli sina Ma'am Sha at Ma'am Mj. Past 7 ako nakauwi. Bago ako nahiga, nainis ako sa ginamit na salita ng adviser ni Zillion nang tinext niya si Emily. "Sinira" raw ng anak ko ang pompoms ng kaklase. Alam kong aksidente lang iyon. Kaya dapat "nasira" lang ang ginamit niya. Magkaiba kasi ang sinira at nasira. Dapat alam niya iyon. Obvious siyang mainit ang dugo niya sa anak ko at sa wife ko. Dahil doon, nag-decide akong ichat siya i-confirm. Hindi ko na rin pinasasali si zillion sa sayaw at party. Sinabi ko ring kakausapin ko siya sa January. Hindi pa siya nag-reply. Disyembre 13, 2018 Tahimik ako sa advisory class ko. Hinayaan ko ang sila. Iniwanan ko rin sila para makipagkuwentuhan kina Ms. Kris at Papang. Gusto ko lang naman kasing maging disiplinado sila, kahit pakunwari, para ianunsiyo kong may Christmas party sila. Lalong hindi ko sila naintindi dahil gumawa ako, kasama ang ilang estudyante, at sina Sir Erwin at Ma'am Vi, ng Santa Claus. Hindi raw kasi makokompleto ang kasiyahan kapag wala iyon Natapos at naikabit naman agad namin habang may party pa ang Kinder sa covered court. Tuwang-tuwa ng mga estudyante ko nang sabihin kong "Oo na!" Hindi talaga sila umuwi hangga't hindi ko pumapayag. Magpapa-party naman talaga ako. Gusto ko lang silang magbago. Kaya lang, bigo pa rin ako. Iba sila, e. Umalis agad ako after class. May naglilinis pa nga sa classroom. Kailangan ko kasing makabili pa ng mga panregalo at pang-prize. Nag-Baclaran ako oara bumili ng mga iconic socks. Doon, binigyan ako ng business idea ng tindero. Marami pala ang nag-oonline selling niyon. Naibebenta raw nila mula P150 to P250. Nagulat ako. Kaya naman pag-uwi ko, hinikayat kong magbenta si Emily. Willing akong pahiramin siya ng puhunan para may kabuhayan din siya. Namili rin ako sa Puregold. Past 4 na ako nakauwi. Bukas, makiki-party ang mag-ina ko sa Grade VI-Love. Disyembre 14, 2018 Maaga akong nakarating sa school. Nakapagkape pa ako at naka-bonding ang ilan sa mga kaguro ko. Nakpagbalot din kami ng candies para sa prizes. Before 8, dumating na ang mag-ina ko. Past 8, nagsimula na ang Christmas party ng Grade Six. Ang ingay sa covered court, pero masaya. Parang nag-enjoy ang mga bata. Nagpa-contest kasi kami at nagpalaro. Past 12, pinauna ko na sina Emily at Zillion kasi nagbago ang sked ng #10000 Christmas party. Marami silang naiuwi. Past 1, pumunta na kami kina Ms. Kris para sa aming salusalo. Nagpalitan kami roon ng regalo. Nagkainan. Nagtawanan. Sobrang saya. Sana yearly na namin iyon gagawin. Before 6, nasa Baclaran kami ni Ma'am Bel para bumili ng pang-exchange gift. Nakakainis lang dahil sobrag putik. Nabasa ang sapatos ko. Past 7 ako nakauwi. Nalungkot ako nangmapag-alaman kong may namatay na chubby frog. Isinuli nga ni Lorraine ang bigay kong palaka, may kapalit naman. Sayang. Disyembre 15, 2018 Hindi naman ako na-late sa Christmas party. Nainis lang ako sabiyahe namin ni Epr paluwas sa Manila kasi dumaan pa ang bus sa PITX. Perwisyo Integrated Terminal Exchange talaga! Gayunpaman, masaya kaming Grade Six teachers na nag-photoop bago nagsimula ang party. Naka-white attire kami. Sobrang bumagay sa stage decoration namin. Masaya ng naging Christmas party. Kahit paano nabawasan ang mga ilangan. Malayang nakakilos ng lahat. Ako naman, hindi nahiyang sumali sa mga parlor games. Isa sa mga sinalihan ko ay ang "Trip to Jerusalem witha Twist." Nakapiring kami habang hinahanap ang upuan. Nakakatawa raw! Anyways, sinadya kong maging katawa-tawa para masaya. Nagpakabuang din ako sa agawang-barya. Nakakahiya man. pero ginawa ko para makabawi sa mga ginastos. In fact, nakaipon ako ng P250 plus. Not bad. Past 3:30 na natapos ng party. Antok na antok ako. Nakakainis lang dahil sobrang traffic sa Tejero. At saka ko lang din naramdaman ang sakit ng katawan nang nakauwi na ako. Disyembre 16, 2018 Pinahirapan ako maghapon ng sakit sa likod. Sobrang sakit. Hindi ako halos makatayo. Gaya ito noong mga nakaraang taon. Matindi. Dumating pa naman si Sir Randy para sa tripping niya sa Pearl Residences. Hindi ko siya na-entertain. Siya pa tuloy ang nagluto ng ulam. Hindi ko gustong ganito ang nararamdaman ko. Mas okay pang may ginagawa ako at napapagod kaysa rito. Para akong baldado. Disyembre 17, 2018 Magdamag akong pinahirapan ng lower backache ko. Sobrang sakit. Kinaumagahan, wala na naman akong nagawa kundi ang mahiga at umihi. Naisip kong baka may UTI ako o kaya may gallstones na, though hindi naman masakit kapag umiihi ako. Mabuti na lang, naaliw ako sa panunuod kay Miss Universe Catriona Gray. Kahit paano nawala ng sakit kapag natatawag ang kaniyang pangalan. Disyembre 18, 2018 Hindi pa rin ako okay. Kailangan na sana naming maglinis ng mga kuwarto dahil darating na sina Kaylee at Nene. Kaya lang, hindi naman ako puwede. Si Epr na nga ang ang nagpaligo sa aso. Maghapon uli akong nakahiga at pabalik-balik sa banyo para umihi. Siyempre, halos maubos ko na ang tubig sa dispenser. Sana maging okay na ang pakiramdam ko bukas. Kailangan ko talagang makatae. Kaya marahil sumasakit ang babang bahagi ng likod ko dahil ilang araw na akong hindi nakakapagbawas. Constipated ako. Wrong timing pa dahil barado ang toilet bowl. Hindi ko magawang umupo roon. Gusto ko sanang piliting lumabas. Haist! Disyembre 19, 2018 Sa wakas, nakapagbawas na ako. Hindi na ako nangangamba na baka magka-colon cancer ako. Regular naman talaga ang bowel movement ko. Nakapagtataka ka lang na kung bakit marami akong nakakain sa buwang ito, saka naman ako hindi natae. Naisip ko na naman tuloy na baka nakulam ako. Nakakatawa lang. Makatulong din siguro ang hilot ni Epr kagabi sa akin. kahit paano, medyo um-okay ang pakiramdam ko. Hindi masyadong masakit. Nakagalaw-galaw ako. Gayunpaman, maghapon akong nasa higaan para matulog. Napuyat kasi ako sa ingit ng alaga naming aso. Past five na nang bumangon ako. Kaya past six na rin nang maisipan kong maglinis sa dalawang kuwarto. Lumipat na ako sa maliit na kuwarto para sa mas malaking kuwarto na matulog ang mga bisita at mag-ina ko, sa halip na sa sala. Disyembre 20, 2018 Medyo okay na ang backache ko. Masakit pa, pero hindi na katulad noong mga nakaraang araw. Mas nakakatagal na ako sa pagtayo. Nakayuyuko na rin kahit paano. Kaya naman, nakapag-gardening na ako. Nagdilig ako. Nakapaglinis na rin ako ng banyo. Sana magtuloy-tuloy na ang paggaling ng likod ko. Tanghali, natulog ako. Naisingit ko rin ang pagsusulat bandang hapon at gabi. Naipost ko ang update sa novel ko at 9pm. Disyembre 21, 2018 Kaunti na lang ang sakit ng likod ko. Talaga ngang sanhi lang ng constipation ang backache na naranasan ko. Kaya naman, nakapaglinis ako sa sala. Na-reorganize ko ang mga display. Kahit magaling-galing na ako, hindi ko pa rin pinagod nang husto ang katawan ko. Nagpahinga ako. At siyempre, nagsulat ako. May wattpad follower kasing naghahanap na ng update ng nobela ko. Hindi ko rin kinaligtaang ituloy ang blurred. Kailangang maging masigasig uli akong isulat ang karugtong ng nobelang iyon. Kahit kasi ako, nae-excite. Gusto kong ma-in love uli sa characters at sa kuwento. Disyembre 22, 2018 Very late na ang almusal namin. Ang sarap kasing matulog. Naging brunch na tuloy ang almusal namin. At, late na rin ang lunch namin. Past 1:30 na iyon nang kumain kami. Dumating si Kuya Emer bandang alas-dos. Late na rin ang pananghalian niya. Umidlip ako ilang minuto ang lumipas pagdating niya. Nasa higaan ako nang umuwi na siya. Gabi, sinimulan ko uling gumawa ng zine -- 'The Challenge' para may pakinabang ang Christmas break ko. Nakadalawa ako ngayon. Kaya lang nainis ko sa printer ko. Green na lang ang nag-e-excrete. Kahapon, nawala ang red. Wala na ngang black at read, wala na rin ang blue. Nakakainis! Disyembre 23, 2018 Maaga akong bumangon para alalayan si Emily sa pag-alis niya. Magde-deliver siya ng leche flan sa Caloocan. Pag-alis niya, hindi na rin ako nakatulog. Nagsimula na akong maglinis. Ako na rin ang naghanda ng almusal namin. Naging accomplished ako ngayong araw. Marami akong nagawa. Nailipat ko ang mga gamit namin sa magkabilang kuwarto. Hindi pa nga lang tapos. Nagawa ko rin ang reading nook sa ilalim ng hagdan. Gabi, nalagyan ko ng dekorasyon ang wall niyon. Monstera leaves ang nilagay ko. Nag-print ako sa bond paper at dinikit ko gamit ang glue. Ang ganda ng resulta. Cool sa mata. Nabuhay ang mini-library ko. Ang sarap tuloy magbasa roon. Disyembre 24, 2018 Dahil maraming order na leche flan kay Emily, kami ni Epr ang mamalengke ng pang-Noche Buena. Nine o'clock kami nakaalis at past 11:30 kami nakauwi. Sobrang dami ng mamimili. Maputik pa. Ang haba ng pila sa grocery. Gayunpaman, masaya ako dahil buo kaming mag-anak at may bisita pa. Third Christmas na namin dito sa bahay. Dalawang taon na kami rito noong December 10. Marami na ang improvement. Thankful ako sa God's blessings na ito. Hindi ko na nararanasan ang masalimuot na Pasko, gaya ng mga nakaraang taon. Naawa lang ako sa mga kapatid ko lalo na kay Flor. Wala raw silang handa. Kumusta rin kaya si Mama? Sina Hanna at Zildjian? Sana next Christmas, makasalo ko sila sa Noche Buena. Disyembre 25, 2018 Masaya ako sa pagkakaroon ng masaganang Noche Buena. Alam kong masaya rin ang aking mag-ina at ang mga bisita. Ang suwerte ni Zillion kasi hindi niya naranasang matulog na lang kapag Noche Buena. Past 1:30 kami natulog. Past 8 naman nagising. Agad kong ininit ang mga natirang pagkain dahil may bisitang darating. Before 12, nang maliligo na ako, ipinanukala ni Emily na dalawin ko na sina Mama sa Antipolo dahil baka makaalis sila mag-iina bukas. Sinunod ko naman siya. Isinama ko si Zillion dahil dalawang tao na rin siyang hindi nakikita roon. Mahirap nga lang talagang bumiyahe. Natagalan kami. Andaming pasahero. Nakarating kami roon bandang 5:30 ng hapon. Almost one hour lang kami roon. Gayunpaman, nakapagpaligaya na naman ako ng pamilya. Nabigyan ko sila ng pamasko. Malungkot lang kasi wala roon sina Hanna at Zj. Past 11:30 kami nakauwi. Pagod, pero masaya. Disyembre 26, 2018 Nag-late breakfast na naman kami kanina. Ang sarap kasing matulog. Pero pagkatapos namang mag-almusal, naglinis ako ng kulangan ng aso at kaunting gardening. Maghapon, gumawa ako ng paper mache. Pero, nakapaglinis ako sa kuwarto. Kagit paano, maayos-ayos na. Kaunti na lang. Kailangan pa talaga ng isa pang cabinet. Andami pa kasing nakalabas na gamit. Disyembre 27, 2018 Late na nga ako nagising, naabutan ko pang naghahanda ang apat para sa kanilang pamamasyal sa Luneta. Late na rin tuloy akong nag-almusal. Pag-alis nila, katakot-takot na paglilinis ang ginawa ko. Nagpaligo ng aso. Nagdilig. Nagsampay. Naglinis sa CR. Nag-ayos sa sala at kusina. Gumawa ng paper mache. Nagdikit ng wallpaper. Sobra akong fulfilled ngayong araw. Disyembre 28, 2018 Umalis si Emily para pik-apin ang ham sa kaklase niya. Business. Ako naman ang in-charge sa mga gawaing-bahay. Past 11, sinamahan ko si Sir Randy sa office ng agent para sa kaniyang housing loan application. Hiniram niya kasi ang ID ko at ang proof of billing. Antagal namin doon. Inabot kami ng past 1. Mabuti na lang, hindi na siya sumama sa akin. Umuwi na siya. Wala ako sa mood mag-entertain ng bisita. Past two till 4:30 ng hapon, tulog ako. Ang sarap matulog dahil maginaw. Dahil ito sa bagyong Usman. Kabaligtaran ang nangyari sa akin kahapon. Ngayon kasi, wala akong nagawa masyado. Gusto ko nang magsulat. Magbasa nang magbasa, kaya lang parang may sagabal. Hindi ako komportable. Gabi, mga past 9:30, sinikap kong makapagsimula ng isang zine. Nagawa ko naman, pero kulang ng illustrations o images. Okay lang, at least, sumaya ako kahit paano. Disyembre 29, 2018 Napuyat man ako kagabi dahil katabi namin ni Epr sa higaan si Ion at maingay ang aso, nagising naman ako bandang alas-9. Late na naman ang almusal ko. Okay lang. Ang sarap kasing mag-stay sa higaan. Ang lamig. Habang nasa palengke sina Emily at Nene, nagpi-paper mache naman ako. After kong maligo, sinubukang kong umidlip. Hindi naman ako nakaidlip dahil nagsulat ako. Hindi ko nga lang matapos-tapos ang chapter ng BlurRed. Hapon, na-inspire uli akong mag-self publish. Iyon ay nang mabasa ko ang post ng JMD Publishing. Kaya naman, pinili ko ang 'Alamat ng Pahilis' na i-format. Naka-format na talaga iyon, kaya lang in-edit ko pa. Mahabang basahan uli ang nangyari. Natapos ko bandang alas-onse. Cover na lang ang kulang. Bukas, may mga bisita kami--sina Edward at sina Aileen. Magkaibang pamilya sila. Sana hindi magkasabay. Bahala na. Naghanda na nga sina Emily ng lumpiang Shanghai at cheese sticks. Meron na rin silang Graham cake at leche plan. Disyembre 30, 2018 Ayaw ko pa sanang bumangon kasi ang lamig ng panahon. Ang sarap pang matulog. Kaya lang, kinatok na na Emily ang pinto. Gumising na raw ako. Abala na kasi sila sa baba sa paghahanda. May darating siyang mga bisita-- sina Edward and family at si Kuya Emer. Tiyempo rin dahil darating din sina Kuya Jape at Aileen. Naunang dumating si Kuya Emer. Ang mag-anak na Edward naman ay past 2 na dumating. Sina Aileen, alas-3 pasado na. Grabe ang kaguluhan sa bahay pero ayos lang. Nakarating sila sa humble abode namin at nakapagkuwentuhan. Na-inspire ko pa sina Kuya Jape at ang kasama niyang driver na kumuha ng pabahay sa Pag-ibig. In fact, gusto na nilang mag-tripping. Sana matuloy para may extra income na naman si Emily. Disyembre 31, 2018 Alas-diyes na ako bumangon. Ang sarap kasi talagang matulog. Nang umalis sina Emily, kami lang ni Ion ang naiwan sa bahay. Nakapaglinis ako. Sobrang lagkit kasi ng sahig. Gawa ng handaan kahapon. Mabuti na lang, tapos na ako nang dumating si Kuya Emer. Nakapagsulat at nakapagpabasa ako ngayong araw. Natapos ko na ang aklat na 'Connect the Dots.' Naituloy ko pa ang 'Moymoy Lulumboy 4.' Natapos ko na rin ang bagong kuwentong pambata. Gabi. Medyo nainis ako kasi parang wala kaming handa. Hindi kompleto ang rekados ng spaghetti. Ang pinamili noong nakaraang araw ay halos naubos na sa handaan kahapon. Goodbye P2000! Gayunpaman, walang nakaramdam ng inis ko. Sinikap ko na lang na maging okay ang lahat. Nagbasa ako para mawala ang stress lo. Nang bumaba ako bandang alas-11, almost ready na ang buffet table. Marami rin pala kaming handa. Masaya na ako. Masaya rin ang mag-ina ko at ang mga bisita namin. Alam kong magiging masaya ang aming pasalubong sa 2019 at ang buong taon.

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...