Followers

Monday, September 7, 2020

Inyong Kabayanihan


'Di lang ninyo alam, kung gaano ninyo kami natutulungan
Upang ang pandemya ay hindi humantong sa  kapighatian.
Kahit pa ang inyong kalusugan at kaligtasan ang naaalangan
At kahit ang araw at gabi ay inyo nang nakaliligtaan.

'Di lang ninyo alam, nananahan sa ami'y takot at pangamba,
Subalit dahil ang bawat isa'y nagkaroon ng pag-asa
Kaya kami'y humahanga sa inyong pakikiisa at pakikibaka
Na ang pandemyang nagpapahirap sa ati'y lubusang mapuksa.

'Di lang ninyo alam na kami'y saludo sa inyong kabayanihan--
At tungkuling noon pa man ay inyo nang ginagampanan.
'Di lang ninyo alam na kayo'y aming ipinagdarasal
Inyo sanang lakas at malasakit ay dagdagan pa ng Maykapal.

No comments:

Post a Comment

Ang Pinakamasamang Kuya

  Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...