Followers

Monday, September 28, 2020

Diyalogo -- Islam at Kristiyanismo

Anak: Mama, bakit nakatalukbong sila? Ang init-init, e.

Ina: Sssh! Muslim sila. Sila ang tagapagtaguyod ng Islam. Ang Diyos nila ay tinawag nilang Allah. 

Anak: Allah? Parang narinig ko na po iyan. May kinalaman iyan kay Muhammad.

Ina: Tumpak! Tinatanggap ng karamihan ng mga Muslim bilang kapwa Muslim ang sinumang matapat na binigkas ang Shahada, isang ritwal na pagpahayag ng pagkakaloob sa Diyos at ang paninindigang na si Muhammad ang huling propeta.

Anak: Katulad din po ba sila nating mga Kristiyano? 

Ina: Opo! Ipinagkaloob din nila nang buo ang kanilang sarili sa Diyos. Kinakailangang mamuhay ang mga Muslim ayon sa mga patakarang ng pamumuhay na itinalaga ng Diyos at sa nakasaad sa mga pahayag na dumaan sa Arabong propetang si Muhammad noong nabubuhay pa siya. Dahil dito tinatawag rin ang mga Muslim bilang mga Mohamedano, ngunit mas ninanais ng mga sumasampalataya sa Islam na tawagin sila bilang mga Muslim o Moslem. 

Anak: Wow! Napaka-interesting! 

Ina: Korek! Kaya nga dapat nating igalang ang kanilang paniniwala, kultura, at tradisyon.

Anak: Tama po iyon! E, kilala po ba nila si Hesus?

Ina: Para sa mga Muslim, isa lamang sa kanilang mga propeta si Hesus. Hindi sila tinataguriang mga Kristiyano dahil hindi sila naniniwalang anak ng Diyos si Hesus.

Anak: Naku! Kailangan po pala talagang irespeto ng bawat Filipino ang kani-kaniya nating relihiyon.

Ina: Amen, anak!

No comments:

Post a Comment

Ang Pinakamasamang Kuya

  Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...