Followers

Friday, April 30, 2021

Ang Aking Journal -- Abril 2021

Abril 1, 2021
Past 9 na ako bumangon para mag-almusal. Alam ko kasi na may magluluto ng almusal-- si Kuya Emer. Tama naman ako. Naka-ready na iyon pagbaba ko.

After breakfast, nag-gardening lang ako nang kaunti, then nagsulat na ako para sa next vlog ko.

After lunch, nanonood ako ng series aa Youtube. Hindi ako inantok sa pinanonood ko.

Past 5:30 na ako bumaba para magmeryenda. Nakaalis na noon si Kuya Emer.

Gabi, ipinagpatuloy ko ang pagsusulat. Natapos ko naman iyon, sa wakas.

Huwebes Santo ngayon. Ikalawang taon nang ganito. Nakaka-miss ang gumala. Pero, mas gusto ko ang ganito kasi tipid.



Abril 2, 2021
Malinaw na malinaw sa akin ang panaginip ko sa madaling araw. Tungkol iyon sa malaking bahay na nakatayo sa lupa namin sa Polot. Nakapagara niyo. Although, hindi pa tapos, pero kakikitaan na ng karangyaan.

Hindi ko inakalang ang panaginip pala iyon ay tungkol sa pag-chat ni Gie bandang 9:30 am kanina. May buyer na raw siya niyon. Worth P600k ang alok niya. Kaya lang, gusto ng bibili na i-settle muna ang sanla kay Bolodoy, na pinsan ko. Napag-alaman ko na magkakaproblema kami dahil nagtayo na ng konkretong bahay roon. Nakakagalit! Sangla lang naman iyon.

Na-realize kong may koneksiyon ang panaginip ko sa reyalidad.

Gusto ko rin namang maibenta na iyon nang magamit na, lalo na ni Mama. Kung ipapaopera sa mata niya, okay lang. Kung ibibili ng lote, okay lang din.

Sabi ko nga kay Gie, walang problema sa akin as long as na magamit nang tama ang pinagbentahan.

Ngayong araw, tinapos ko ang vlog tungkol sa First Vita Plus. Natagalan ako sa pag-save kasi twice kong ginawa. May nakita akong mali sa unang file. Gabi ko na iyon nai-upload sa youtube channel ko. Worth it naman.

Nakapanood din ako ng pelikula sa TV habang naghihintay na lumamig sa kuwarto. Nagustuhan ko iyon-- Gladiator.



Abril 3, 2021
Black Saturday ngayon. Hindi pa rin ako makalabas para mag-bike although puwede naman. Kaya lang, nakakatakot din. May mga checkpoint kasi, baka maharang pa ako. Mas pinili ko na lang na mag-stay sa garden.

Maghapon akong nagsulat ng update sa wattpad. Minadali ko na nang matapos ng Book 1 ng nobela ko. Gabi, nakapag-post ako ng isang chapter.



Abril 4, 2021
Linggo ng Pagkabuhay. Maaga akong nagising dahil sa ingay sa paligid, pero hindi naman agad ako lumabas sa kuwarto. Nag-body weight workout ako. Na-inspire ako sa Twitter friend ko.

Past 9:30 na ako nakapag-almusal.

Pagkatapos niyon, nagdilig ako. Isinunod ko ang pagsusulat ng isa pang chapter ng nobela ko.

Nakadalawang chapter ako ngayon. Mula umaga hanggang gabi ba naman akong nagsusulat.

Bukas, balik online class na naman. Sana may tsetsekan na akong modules. Sana dalhan uli ako ni Ma'am Vi. Lolz.




Abril 5, 2021
Gumising ako nang maaga para s aonline class. Nagsimula na ako sa Quarter 3 kahit wala pang hawak na modules ang mga estudyante. Gayunpaman, naging maayos ang aming discussion.

Sa ikalawang araw, nag-home work out uli ako. Dinagdagan ko ng reps ang mga ginawa ko kahapon. Nagdagdag din akong isa pang routine.

After, exercise saka lang ako nag-almusal. Then, nagsulat naman ako. Nakapag-post ako bago ako nag-biking at 3 PM.

Hapon, dumating si Ma'am Jenny. Kinausap niya ako tungkol sa First Vita Plus. Humingi siya ng permiso sa pag-i-speaker o pag-share ni Zillion sa webinar. Pumayag ako siyempre. Gusto kong mahasa ang anak ko sa pagsasalita.

Nagsulat uli ang ng pang-update sa wattpad. Halos matapos ko ang isang chapter kung hindi lamang sa mga abala ng mga nag-chachat



Abril 6, 2021
Ikalawang araw ng onlimne class na walang modules. Naging maayos naman. Medyo nahirapan nga lang akong pumasok sa Google Meet, kaya nag-extend ako ng limang minuto.

After class, nagluto ako. Hinintay ko pa silang magising para makabili ng itlog. Haist! Gising-mayaman ang mag-ina ko.

After breakfast, nagpahinga lang ako..Then, nag-home workout uli ako. Dinagdagan ko na naman ng reps ang ibang routine at isa pang routine. Kaya naman, inabot ako ng 11 am bago ako nakapagdilig ng mga halaman. Okay lang naman dahil ramdam ko ang development sa katawan ko. Masasakit ang calf ko, ang hita ko, at abdomen ko.

Hapon na ako nakapag-post ng isa pang chapter ng nobela ko sa wattpad. Pagkatapos niyon, nag-isip na naman ako ng gagawin ko. Sayang kasi ang mga oras na wala akong modules na tsinitsekan.

Naisip kong isulat para sa vlog ang tungkol sa hypersalivation dahil noong isang araw may nagtanong nito sa vlog ko. Nagkainteres ako.

Before 10 pm, naisulat ko na ang draft. Bukas ay gagawan ko ma ito ng video.




Abril 7, 2008
After class, umalis ako para mag-withdraw ng clothing allowance. Wala pa akong almusal niyon kasi kababangon lang ni Emily. Nagsasaing pa. Nakakainis talaga! Gayunpaman, nanahimik pa rin ako.

Past 10:30 na ako nakauwi kasi nag-grocery pa ako. Iyon din ang oras kung kailan ako nakapag-brunch.

Ngayong araw, natapos ko na ang powerpoint presentation ng gagawin kong vlog. Nasimulan na ko rin ang last chaoter ng nobela ko sa wattpad. Napakintab ko rin ang mga dahon ng aking mga halaman, gamit ang egg whites. Hindi nga lang ako nakaidlip.




Abril 8, 2021
Pagkatapos ng klase, agad akong nag-home workout. Mga past 9 na ako natapos at nakapag-almusal.

Pagkatapos ko namang magdilig, hinarap ko ang pag-record ng audio para sa aking vlog. Past 12 ko na iyon natapos. After lunch, sala ko iyon na-uoload sa youtube at sa FB page ko.

Umidlip ako pagkatapos niyon, pero hindi naman ganoon katagal, nag-usap kasi kami ni Ma'am Vi tungkol sa school uniform at sa plano naming research, na sisimulan namin sa Monday.

Gabi, nagsulat ako ng wakas ng nobela ko sa wattpad. Past 8:30, nai-post ko na iyon. Excited na ako sa Book 2 niyon.




Abril 9, 2021
Dahil holiday ngayon, late akong bumangon. Past na rin akong nag-almusal. Hindi kasi ako naka-schedule para mag-home workout.

After breakfast, nag-gardening ako. Na-miss kong magtanim at mag-repot. Andami ko ring na propagate.

Past 11, dumating ang air pump kaya nag-set up ako ng inflatable pool.

Past 2:00 tapos na kaming maligo. Umidlip naman ako. Hindi nga lang nahimbing dahil sa ingay ni Zillion.


Seven, umattend ako sa webinar ng Toktok. Interesado sana ako kaya lang ayaw ni Emily. What is P17,888 kung lifetime business naman.



Abril 10, 2021
Napuyat ako sa ingay ng delivery jeepney sa kapitbahay, kaya nahirapan akong bumalik sa pagtulog bandang 2 am. Pero kailamgan kong bumangonq nang maaga dahil umalis si Emily. Ipinagluto ko ng almusal.

Then, tinapos ko ang paglilinis sa garden upang magkasya ang inflatable pool at maging maluwag ang daanan.

Bago ako nag-workout, na-set up ko na ang pool at nilagyan ko na ng tubig.

Hinayaan kong maligo si ZillIon. Naabutan nga siya ni Emily. Ako naman, nasa Zoom webinar ng Unified Products and Services. Past 2 na ako nakaligo.

Past 6, may webinar uli. Interesado ako pero parang ayaw kong maglabas ng puhunan, lalo na't walang interes si Emily.




Abril 11, 2021
Late na ako bumangon dahil inuna ko muna ang workout.

Nakaka-refresh ng sarili ang pag-eehersisyo. Kahit wala akong equipment, body weight lang, pinagpapawisan pa rin at ramdam ko ang magandang dulot sa aking katawan. 

Nag-videoke rin ako pagkatapos mag-almusal.

Maghapon, nagsulat ako ng unang chapter ng book 2 ng nobela ko sa wattpad. Nagbabad din ako sa inflatable fool mula past 12 hanggang past 2. Then, umidlip ako. 

Gabi, hindi ko agad natapos ang chapter 1 dahil ginamit ni Zillion sa Zoom webinar. Isa siyang sharer ng First Vita Plus. Kahanga-hanga siya dahil sa edad na 10 ay nakapag-share niya siya. Siya na marahil ang pinakabatang sharer sa history ng FVP.

Past 11 ko na nai-post ang Chapter 1. Natulog agad ako pagkatapos.



Abril 12, 2021
Maaga akong nagising dahil sa isang panaginip. Palaging palaisipan sa akin ang mga panaginip ko. Noong Sunday, nagbunot ako ng sirang ngipin ko. Kamatayan ang kahulugan niyon. Humingi ako sa Diyos ng awa. Sabi ko, huwag naman sa pamilya ko. Mabuti na lang dahil wala naman. 

Bago ako nag-almusal, nag-home workout muna ako. Then, mag-videoke ako. Masaya ako Kaya nang inutusan akong maglaba ni Emily, wala akong negativity. Sinumulan ko iyon bandang past 12. Natapos ko after 2 hours. Naisampay ko. 

Past 3 na ako nakaligo at nakaidlip. Past 5 naman ako bumangon para magmeryenda. Then, nag-videoke ako hanggang 7:30. Tumigil ako para magsulat naman ng Chapter 2. 

Nainis lang ako kay Emily dahil hindi na naman nagluto ng ulam. Jjampong lang inihanda niya. Sabi ko, "Dapat may pritong isda kapag may ganito. Paurong tayo, ah... Bumabalik sa kahirapan." Gusto ko siyang awayin, pero magiging balewala. Wala talaga siyang pakiramdam. Hindi siya marunong mag-alaga ng asawa. Ever since, hindi niya ako napataba. 

Sobrang kabaliwan sa First Vita Plus, maghapong may kausap. Nakaupo, nakahiga. Ni paghugas ng mga plato, hindi na nagawa. Haist! 

Nakakalungkot ang buhay ko. Mabuti pamg wala akong asawa. Parang wala naman akong kasama. Mas tanggap ko pang gumawa mag-isa. 



Abril 13, 2021
Pagkatapos ng online class, naghanda ako ng breakfast. Akala ni Emily may lagnat ako. Sabi ko, "Ako pa ngayon ang may lagnat?" Joke lang daw.

Nag-home workout ako bandang 9. Matagal kong natapos kasi pahinto-hinto ako. Umalis kasi ang mag-ina ko para magpalit ng First Vita Plus checks.

Past 11:30, dumating sila. Nabigo silang ipalit iyon. Ayaw papasukin si Zillion. Nakakabuwisit ang Security Bank sa Gen Tri. Bobo! May discrimination. Pirma lang ang kailangan, kaya naroom, hindi pa pinagbigyan. Gusto pang ideposit bago ma-claim. E, ayaw ngang papasukin. Mas matagal ang process niyon. Gago talaga!Nalungkot tuloy si Ion. Pambili pa naman sana niya iyon ng cake at ice cream para sa birthday ng Tito Emer niya. 

Umidlip ako after maligo hanggang 3. Paggising ko, walang internet. Past 8:30 na dumating. 

Naka-chat ko si Jano. Malapit nang makuha ang bayad sa lupa namin sa Polot. Naibenta ng P600. Nasa banko na. Three days pa bago makuha. 

Hinati iyon sa apat-- kay Mama, kay Jano, kay Taiwan, at sa akin. Okay na rin iyon. Makakabili rin ako niyon ng lupa kahit maliit.



Abril 14, 2021
Nag-home workout ako right after ng online class. Late na ang breakfast ko. Then, isinunod ko ang gardening. 

Past 10:30, nagluto ako ng chicken adobo. Na-miss kong bigla ito, gayundin ang pagluto.

Then, nagsulat ako ng wattpad update. Nai-post ko iyon bago ako naligo. 

Hapon, nanood lang ako ng series aa youtube. 

From 8 to 10:30 pm, nasa webinar ako ng Rotary Club about CoViD-19. Essential sana, pero hindi ako interesado. Gayunpaman, naka-in lang ako. Kahit paano ay may napapakinggan ako. 




Abril 15, 2021
Kagaya kahapon, late na ako nag-almusal dahil inuna ko muna ang home workout pagkatapos ng klase. Pero, mas maaga akong nakatapos kasi wala akong ka-chat. 

After, breakfast natanggap ko na ang balita mula kay Jano na may tseke na ako, as kaparte ko sa lupang ibinenta.

Ngayong araw, marami akong na-accomplish. Nakapagsulat ako ng isang chapter ng nobela. Nakapag-biking. At  nakapag-gardening. Dumating na kasi ang plant rack na pinagawa ko kay Kuya Boy. Mas organisado na ang mga halaman ko.

Wala pang one hour ang biking ko at hindi ako lumayo kasi flat tire ang bike ko. Wala akong dalang pera upang makapagpahangin ako.

Gabi, nag-print ako ng mga Special Power of Attorney na dadalhin ko kina Jano bukas. Makikigulo muna ako sa school bago ako bumiyahe pa-Antipolo.



Abril 16, 2021
Past 7:30, nakaalis na ako sa bahay. Tinulungan ako ni Emily na makabili ng long bond paper upang mai-print ko ang iba pang dokumento. Nagpabili rin ako ng battery kay Zillion dahil nagloloko ang mouse ko.

Past 9 nasa school na ako. Naroon na rin sina Sir Hermie at Ma'am Vi. Tinulungan ko silang mag-assort ng summative tests.

May pa-free lunch si Ma'am Vi. Then, nagkainan din kaming Tupa group bandang 1 PM. After 4 months, nagkasama-sama uli kami. 

Before 2, bumiyahe na ako patungong Antipolo. Mabilis lang ang biyahe, kaya nakarating ako kina Jano bandang 4 pm. 

After naming pumirma sa mga dokumento, nagkuwentuhan na kami. Matagal-tagal kaming nagkuwentuhan. Sinabi niya sa akin na gusto na niyang magkaroon ng sariling bahay. Gusto ko man, pero hindi sapat ang pera. 

Sa unang pagkakataon, nag-stay ako kina Jano. Nagyaya kasi siyang mag-swimming. Gusto ko rin naman makaligo sa ilog. 



Abril 17, 2021
Past 4 am, gising na ako. Hindi na ako nakatulog kasi sobrang lamig. Bumangon naman ako bandang past 7.

Disappointed ako kay Jano kasi hindi naman siya nagpursigeng maligo. Gusto kasi niya, ako ang gagastos. Hay naku talaga!

Pagkatapos pumirma ni Taiwan, umuwi na ako. Bandang past 10 na iyon.

Nakasakay ko si Auntie Lida sa dyip. Nagpaabot ako ng P1k para kay Ate Diyang. Nagpasaring kasi noon si Auntie Helen na kailangan ni Ate Diyang ng gamot para sa mental illness nito. 

Past 1 na ako nakakain. Pares na lang ng kinain ko kasi sarado ng mga fast food chain, na gusto kong kainan.

Past 3, nakauwi na ako. Sobrang antok ko, pero hindi naman ako nakatulog. Okay lang naman. At least, safe ako. 

Naka-chat ko si Lizbeth, live-in partner ni Taiwan dahil sa pinost nitong farm lotnfor sale. Ang mura sana ng per square meter, pero buo palang ibinibenta. Bawal ang tingi. Sana mahanapan niya ako. 



Abril 18, 2021
Kahit paano ay nakabawi ako ng ilang araw na puyat kasi 7:30 na ako nagising. 

Bago ako bumaba, nakapag-home workout na ako. Dalawang araw ding may gap. Every Friday, wala akong workout. Kahapon lang ako nakapag-miss. Di bale...

After breakfast, hinarap ko ang paggawa ng powerpoint presentation tungkol sa panitikan ng Mindanao. Tulong ko ito sa kaibigan kong si Michael. Magagamit ko rin ito sa aking youtube. 

Past 5:30 ko na iyon natapos. Saka ako nagdilig ng mga halaman. 

Gabi, nainis ako kay Emily. Gusto na namn niyang maglabas ako ng pera sa First Vita Plus. Puro na lang ako kapital. Ako na ang walang mainom. Haist! Sana naman kapag kumita siya, ipunin niya. Huwag puro padala. Kawawa naman ang bulsa ko. Kahit sana ibili niya ng iinumin niya, makabawas man lang sa gastusin ko. Lahat na lang ba sa akin?

Ang puhunan sa mga halaman at paso, nawala na. Aruy! Nakakabanas na talaga. 



Abril 19, 2021
Nagsimula na ang unmerged online classes namin. Ikalawang week na ito ng comparative study namin kung alin ba ang mas maganda-- ang merged or unmerged.

Nakadalawang klase ako. Ang dalawang sections ay walang pumasok. Tumambay lang ako. Habang nakatambay, nag-home workout ako. 

After class, gumawa ako ng DLL para sa COT. Natapos ko naman iyon bago mag-lunch.

Hapon, gumawa ako ng vlogs. Nakatatlong vlogs ako ngayong araw.

Nakapanood din ako ng youtube series. Nakapag-gardening din. Hindi nga lang ako nakaidlip dahil sa sobrang init. 



Abril 20, 2021
Umalis si Emily ngayong araw. Naging tahimik kami ni Zillion. 

Ngayong araw, dumating na ang tseke ko mula sa Google Adsense. Nakakatuwa! Youtube salary is real! Sana magtuloy-tuloy na. 

Naging abala ko maghapon. Gumawa ako ng vlog tungkol sa aking cheque. Nag-entertain ako kay Sir Hermie at kay Ma'am Wylene. Nauna si Sir. Naghatid si Ma'am Wylene ng modules na kinarga ko sa kotse niya noong Friday. Binayaran ko siya ng maraming plants. Tuwang-tuwa naman siya.

Then, nag-inuman at nagkantahan kami ni Sir Hermie. Past nine na kami natapos. Inabutan na kami nina Emily at Kuya Emer. 

Dahil hindi ako nakainom ng First Vita Plus, nasuka ako bago ako natulog. Nakalimang grande kasi kami. Tindi!




Abril 21, 2021
After class, nag-exercise ako. Hindi ko natapos kasi nag-set up ako ng inflatable pool. Um-attend din ako ng meeting. Gabi ko na itinuloy ang workout.

Ngayong araw, nag-check ako ng summative tests. Kakaunti lang ang nagpasa kaya mabilis kong natapos. Nairekord ko na rin. 

Past 2, nagbabad ako sa pool. Kahit paano ay napreskuhan ako. At sa gabi, bago ako natulog at pagkatapos kong makagawa ng isang summative test sa ESP 6, nagbabad uli ako sa pool. Malamig nga lang, kaya mabilis lang ako.



Abril 22, 2021
Nainis ako kay Emily dahil past 8:30 na ay wala pa ring almusal. Mas inuna pa niya ang pakikipag-meeting. Haist! Nasira ang mood ko. Kaya naman after ng online class at home workout, nagdilig ako ng mga halaman at naglinis ng inflatable pool. Gusto kong mawala ang stress ko. Past 1:00, nagbabad ako.

Sinimulan kong gumawa ng vlog kaninang umaga, pero hindi ko natapos dahil sobrang ingay sa paligid.

Past 3, nadiskubre kong may chat at email sa akin si Ma'am Nhanie. May idagdag daw ako sa module. Nalungkot ako, pero ginawa ko pa rin dahil binayaran na ako. Sana lang may tatanggapin pa akong bayad kasi natanggap uli ang modules ko. Ang iba, hindi. 

Nai-submit ko na ang karagdagang pages bandang alas-nuwebe. Then, nagbabad ako sa pool bago natulog. 




Abril 23, 2021
After ng online class, bumiyahe ako patungong Pasay upang ideposito ng mga cheque ko na mula sa pinagbentahan ng lupa namin sa Polot, First Vita Plus, at Google Adsense. 

Before 12, nasa PNB na ako. Bigo akong maideposito ng kinita ko sa youtube kasi kailangan ng dollar account. Nalungkot din ako kasi ang balance kong P2,000+ ay napunta lang sa charge. Hindi ko pala na-meet ang maintaining balance n P5k.

Bago ako nag-lunch, naghanap muna ako ng CitiBank. Sa tulong ni Michael, nagpahanap ako sa Google. Sa US Embassy, meron sana, kaya lang, nahiya akong pumasok. Ang sumatotal, hindi ko naipa-encash. Okay lang naman. Six months naman ang expiry ng mga tseke.

Nakauwi ako bandang 4 PM. Nag-search ako kung paano maging pera ang tseke ko sa youtube. Nasagot din ng isang vlogger. Kaya, nakahinga na ako nang maluwag.

Nag-chat naman ako kay Jano tungkol sa ipinakita niyang lupang binibenta. Interesado na ako. Kailangan ko na lang makita iyon. 

After meryenda, nag-gardening ako. Gustong-gusto ko nang mawala ang mga paleta sa garden ko. Nakapagpapasikip kasi. Kung dati, gandang-ganda ako, ngayon parang hindi na bagay sa garden ko. Babawasan ko na. Sobrang dami kasi, e. 




Abril 24, 2021
Maaga akong bumangon para maglinis sa garden. Inuna kong linisan ang labas ng bakuran. Isinunod ko ang loob. Natagalan ako nang husto dahil sa mga paleta. Pinagtatanggal ko na. Inipon ako ang mga kahoy upang pabulukin at panlagay sa halaman.

Halos wala akong pahinga. Mabuti na lang, ako lang mag-isa sa bahay, mula ala-una, kasi nasa BDF kina Ma'am Jenny ang mag-ina ko.

Gabi, nagpahinga na ako. Sobrang pagod ko pero worth it naman. 

Past 6:30, dumating ang mga uplines namin sa First Vita Plus, na sina Sir Aries, Sir Elvis. Ma'am Nita, etc. 

Nakita pa nila ang kaguluhan sa garden ko, pero ayos lang. Nabigyan ko naman ng halaman sina Ma'am Nita at asawa ni sir Aries.




Abril 25, 2021
Maaga ulit akong bumangon upang tapusin ang ginagawa ko sa garden.

Past nine, nagawa ko naman agad. Nai-set up ko na rin ang inflatable pool. At habang naglalagay ng tubig, naglinis naman ako sa sala. Pagkatapos, naglinis naman ako sa kuwarto. Isinunod ko na ang paglalaba. Nagwa-washing ako habang nagbababad sa pool.

Power talaga!

Past 5, dumating na si Boboy, kasama ang mag-ina niya, mommy niya, at bayaw. 

Sumunod na pangyayari, agad naming nakita kung paano atakehin ng sakit si Ate Jennilyn.   Hindi na kami nagpatumpik-tumpik pa. Ang First Vita Plus kaagad ang idinulot namin sa kaniya..

Pagkatapos niyon, nag-sales talk na kami. Hindi pa nagtatagal, nag-decide na siyang maging dealer. Power! Good thing is may webinar kaya nakapanood at nakapakinig sila.

Bago kami natulog, nagbigay na siya ng pera para sa powerpack. Wow! Sana all ng bisita ay open-minded. 



Abril 26, 2021
Gumising ako ng alas-3 upang ipagluto ng almusal ang mga bisita ko na aalis bandang 4 am para pumila kay Nick Banayo, isang faith healer. 

Mga 4:30 umalis na sila. Natulog uli ako hanggang 6:30 para sa online class. Kaya lang. Hiningi ni Ma'am Vi ang time ko sa VI-Charity upang matapos niya ajg lesson niya. Natulog uli ako hanggang 9. 

After breakfast, nagbanlaw ako ng mga winashing ko kahapon. Nagpatulong ako sa pag-hanger.

Dahil sa puyat, natulog ako bandang past 1:30 hanggang 5. Iyon na ang pinakamahabang idlip ko sa hapon. Nakatulong marahil ang First Vita Plus By Bye Old Self na ininom ko before lunch. 

Gabi, nagkadiskusyunan na naman kami ni Emily tungkol sa plantsa na hinihiram niya sa kapitbahay. Hindi niya makuha ang punto ko. Judgmental daw ako at No mam is an island. Kako, walang kabuluhan iyan sa akin. Pinahihiya niya ako sa kapitbahay. Ano na lang ang sasabihin. Plantsa lang, hindi pa makabili. Kami nga, ayaw nang hinihiraman ng gamit. Ganoon din ang ibang tao. Saka sabi ko, mabubuhay tayo kahit walang plantsa.

Hay, naku! Matigas pa rin siya. Mayabang! Ayaw makinig. Sabi ko nga, kapag may income siya bumili siya. Bibili raw siya after magbayad ng utang E, 'di, good! Basta ayaw ko nang nanghihiram ng gamit sa kapitbahay, at ayaw kong kalat-kalat lang sa bahay dahil ako ang naglilinis at nag-aayos, hindi siya. 

Nakakasira ng mood! 



Abril 27, 2021
Umalis si Emily bandang 8:30. Patungo siya sa First Vita Plus office. Pero bago siya umalis, nakapaglinis na ako sa kuwarto. At pag-alis naman niya, natapos ko ang home workout ko. Naituloy ko na rin ang paggawa ng vlog. 

Tahimik kami ni Zillion maghapon. Nakaidlip pa nga ako. 

Past 4, dumating si Sir Hermie. Hinatid niya ang pinabili kong halaman. Inimbitahan niya rin ako sa birthday celebration niya bukas. Pinagluluto niya ako ng tofu-mushroom sisig.

Pag-alis niya, nagtanim ako. Andami kong naitanim at nai-repot. Naabutan pa ako ni Emily. 

Gabi ko na nai-upload ang vlog na ginawa ko maghapon. 



Abril 28, 2021
Hindi na ako nakapag-home workout dahil pagkatapos ng online class, namili na ako ng ingredients para sa tofu-mushroom sisig na request ni Sir Hermie. Nagluto agad ako pagdating ko kasi maaga niya akong susunduin. 

Eleven, nasa bahay na ako nina Sir. Marami siyang handa, pero walang dumating na ibang bisita. 

Past 2, nag-inuman at nagkantahan na kami. San Mig Light ang ininom namin, kaya nanibago ako. Tinamaan agad ako. Bloated ako kaya halos hindi na iyon tinatanggap ng sikmura ko. Gayunpaman, masaya ang birthday celebrant dahil sa mga kinanta ko. 

Past 11 na kami natulog. Hindi naman kami masyadong lasing. Bloated lang.



Abril 29, 2021
Maaga akong nagising, pero kahit paano ay nakatulog ako. Hindi tulad noong una kong sleepover kina Sir Hermie, na kulang ako sa tulog.

After breakfast, hinatid niya na ako sa bahay. Dumaan muna kami sa bilihan ng halaman. Bumili ako ng white bougainvillea. 

Pagdating ko, nagdilig agad ako. 

Hapon, gumawa ako ng summative sa ESP 6 Quarter 3. Isiningit ko rin ang panonood sa Youtube. Hindi ko naman itinuloy ang paggawa ng ESP 6 module para sa Q4. Napagod na ako. 



Abril 30, 2021
After online class, nag-home workout ako. Isiningit-singit ko ang paglilinis sa kuwarto.

Habang naghahanda si Emily sa pag-alis, sinimulan kong gawin ang isang vlog. Ang tabal niya, alas-11:30 na siya nakaalis. Sinundo siya ni Kuya Emer. Late na rin kaming nag-lunch ni Ion kasi hindi agad nakapagsaing. Okay lang naman...

Hapon, hindi ako umidlip. Tinapos ko talaga ang paggawa ng vlog. Past 4 ko na iyon nai-save. Five PM ko naman nai-upload. 

Gabi, sinimulan ko naman ang paggawa ng ESP 6 module. Nakagawa na ako ng story bilang spring board. Nakapag-stay rin ako makatapos ako ng dalawang pahina. Thirteen pages more to go. 

















 
























No comments:

Post a Comment

Ang Pinakamasamang Kuya

  Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...