Followers
Saturday, May 1, 2021
Sampung Utos ng Diyos
Ibinigay ng Diyos ang ‘Sampung Utos’ sa bansang Israel noon. Ito ay nakilala rin bilang ang ‘Sampung Salita, na ang literal na salin ng pananalitang Hebreo ay ʽaseʹreth had·deva·rim.ʹ Tatlong beses itong lumitaw sa Pentateuch (Torah), na siyang unang limang aklat ng Bibliya. Ang katumbas nito sa Griego na deʹka (sampu) at loʹgous (salita) ang pinagmulan ng terminong “Dekalogo.” Iniukit ng Diyos ang Sampung Utos sa dalawang tapyas na bato at ibinigay ito sa propeta niyang si Moises sa Bundok Sinai.
Ibinigay ng Diyos ang Sampung Utos dahil nais Niyang maging gabay ang mga ito sa pamumuhay ng mga tao. Ito rin ang Kaniyang batayan kung ang mga tao ay minamahal Siya.
Narito ang Sampung Utos ng Diyos:
1. Huwag kang magkaroon ng ibang diyos bukod sa Akin.
2. Huwag kang gagawa ng anumang inukit na diyos-diyusan.
3. Huwag mong sambitin ang pangalan ng Panginoon mong Diyos sa walang kabuluhan.
4. Alalahanin mo ang araw ng pangilin, upang panatilihin itong banal.
5. Igalang mo ang iyong ama at ina.
6. Huwag kang papatay.
7. Huwag kang makikiapid.
8. Huwag kang magnanakaw.
9. Huwag kang magsasabi ng hindi totoo laban sa iyong kapwa.
10. Huwag kang magnanasa.
Kung mapapansin ninyo ang mga alituntunin at tagubilin ng Panginoon. Madali lang namang sundin ang mga ito. Subalit, dahil natural na sa mga tao ang magkasala, nalalabag natin ang mga ito. Ang paghingi ng kapatawaran ang tanging paraan upang manatili sa atin ang Diyos. Ang pagmamahal Niya ay hindi man natin matutumbasan ng pagmamahal natin sa Kaniya, ngunit nalulugod siya kapag gumagawa tayo ng mabuti sa ating kapwa at iba pa Niyang nilikha. Ang pagiging ispiritwal natin, sa kabila ng ating mga pagkakasala at pagkukulang, ang siyang patuloy na nag-uugnay sa atin at sa Kaniya.
Sa paglabag sa mga kautusan ng Diyos, nababawasan ang pagmamahal natin sa Kaniya. Hindi man nababawasan ang pagmamahal Niya sa atin, pero tumatangis Siya sa tuwing gumagawa tayo ng mga kasalanan. At kung susundin natin lahat ang Kaniyang mga kagustuhan, kasama tayo sa Kaniyang paghaharian.
Ang Sampung Utos ng Diyos ay nakasentro sa dalawang utos. Ayon sa Mateo 22: 37-40, “At sinabi sa kaniya, Iibigin mo ang Panginoon mong Dios nang buong puso mo, at nang buong kaluluwa mo, at nang buong pagiisip mo. Ito ang dakila at pang-unang utos. At ang pangalawang katulad ay ito, Iibigin mo ang iyong kapuwa na gaya ng iyong sarili. Sa dalawang utos na ito'y nauuwi ang buong kautusan, at ang mga propeta.”
Napakalinaw ng sinasaad nito! Ang pagmamahal sa Diyos nang buo puso ang pinakamahalaga. Kasunod na ang pagmamahal sa kapwa, kagaya ng pagmamahal sa sarili. Kapag nasunod natin ang dalawang ito, malamang hindi natin malalabag ang iba pang kautusan sa Sampung Utos.
Bukod sa pagsunod sa Sampung Utos ng Diyos, marami pa ang paraan upang ipakita ang pagmamahal sa Diyos. Nariyan ang pagdarasal. Kausapin natin Siya, may hinihiling man tayo o wala. Ipamalita natin sa iba ang mga kabutihan Niya. Huwag lang tayong sumunod sa mg autos Niya, kundi ipakalat natin ang Kaniyang magagandang balita.
Magkakaiba tayo ng relihiyon at magkakaiba ang pangalan ng Diyos na ating sinasamba, subalit ang mga kautusang ito may pagkalahatang layunin-- ibigay ang mga kaatasang ng Diyos upang matulungan ang mga tao na magkaroon ng mabuting pamumuhay.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Ang Pinakamasamang Kuya
Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...
-
Sorsogon, Isang Destinasyon Ang Sorsogon ay hindi magpapahuli sa kagandahan ng tanawin, at kalinisan na mga dalampasigan, bundok at kapaligi...
-
MGA BAGONG SALAWIKAIN TUNGKOL SA PERA Ang pera, ginagamit para makapagpaligaya, pero ang ligaya, 'di ginagamit para magkapera. An...
No comments:
Post a Comment