Followers

Thursday, April 8, 2021

Labis na Paglalaway: Sanhi, Sintomas, Epekto, at Lunas

Alam ba ninyo na ang laway ay mahalagang likido sa bibig ng tao? Ang laway ay binubuo ng 98% na tubig at mga electrolytes, mucus, white blood cells, epithelial cells, enzymes, antimicrobial agents at lysozymes. At ang 2% ay binubuo naman ng organic at inorganic substances. Ang enzymes na matatagpuan sa laway ay mahalaga sa pagproseso ng pantunaw ng mga dietary starches at fats. Ang mga ito rin ang mga tumutunaw sa mga tinga, kaya naiiwasan ang pagkabulok ng ngipin. Binabasa-basa rin ng laway ang mga pagkain upang madali itong malunok. At pinananatili nitong basa ang oral mucosa. Ang oral mucosa ay malambot na balat sa paligid ng dila. Kahit sa mga hayop, mahalaga ang laway. May mga iba’t ibang uri ng ibon na gumagamit ng laway upang gumawa ng pugad. Sa Pilipinas, nakilala ang Nido soup, kung saan ginagamitan ito ng pugad ng ibon, na yari sa kanilang laway. Ang mga cobra at iba pang uri ng ahas ay nagha-hunting ng pagkain gamit ang kanilang mga laway na may lason na nakaabang sa mga pangil. Laway din ng cobra o kamandag (venom) ang mabisang antiserum para sa mga snakebites. May ilang uod (caterpillar) din na gumagawa ng sutlang hibla (silk fiber) mula sa mga laway nila. Idagdag ko pa ang isang mabisang kagamutan ng laway sa mga tao. Kapag nagkakasugat o nagkakagasgas tayo, laway ang ipinanggagamot natin. Naaampat nito ang pagdurugo, ‘di ba? Ang isang malusog na tao ay gumagawa ng 0.75 hanggang 1.5 litro ng laway bawat araw. Tumataas ang produksyon ng laway kapag ang isang tao ay kumakain. At nasa pinakamababang antas naman kapag natutulog. Talagang mahalaga ang laway. Pero, teka… paano kaya kung sobra-sobra ang paglalaway ng isang tao? Healthy pa rin ba ito? Ang labis na paglalaway o hypersalivation ay tinatawag na sialorrhea o ptyalism. Masasabing ang isang tao ay may ganitong kondisyon kapag labis ang laway sa kaniyang bibig, kaya tumutulo at lumalabas na ito nang kusa. Ito ay maaaring tuloy-tuloy o pahinto-hinto. Maaari ring pansamantala o pangmatagalan. Gayunpaman, maaari itong magdulot ng depresyon sa taong nakararanas nito, kaya dapat itong bigyan ng agarang lunas. Hindi naman sakit ang hypersalivation, kundi sintomas ng isang karamdaman. Ang hypersalivation ay maaaring sanhi ng morning sickness ng mga buntis, impeksiyon sa sinus, throat, o peritonsillar, kagat ng makamandag na hayop at insekto, maling paggamit o pagkabit ng pustiso, ulcer, pamamaga o pananakit sa bibig, hindi wastong pangangalaga sa ngipin, dila, at bibig, rabies , tuberculosis (TB), heartburn, at jaw fractures or dislocation. Nakararanas din ng hypersalivation o hirap sa paglunok o pagtanggal ng laway sa bibig ang mga taong may Down Syndrome, autism, stroke, and Parkinson’s disease. Kapag ang isang tao rin ay may sensory dysfunction, hindi niya nararamdaman na tumutulo na pala ang kaniyang laway. Ang taong may cerebral palsy naman ay walang kakayahang isara ang bibig, kaya kusang tumutulo ang laway nito. Ang kahirapan sa pagpapanatili ng laway sa bibig naman ay maaaring dahil sa hindi wastong kontrol sa ulo at mga labi, palaging bukas na bibig, paglaki ng dila, sungki-sungking ngipin, at baradong ilong. Minsan naman, ang labis na paglalaway ay dulot ng pagtingin, pag-amoy o pagtikim ng pagkain at kahit pag-iisip lamang nito. Naglalaway tayo kapag may kumakain ng kamias o anomang maasim na pagkain o prutas. Ang excitement at anxiety ay nakapagdudulot din ng hypersalivation. Pero, teka… paano natin masasabing nakararanas tayo ng hypersalivation? Siyempre, umaagos ang laway, dura nang dura, at sobrang paglunok ng laway. Ang taong may ganitong kondisyon ay maaaring may bitak-bitak na labi, may malambot at sugat sa paligid ng mga labi, may impeksiyon sa bibig, may mabahong hininga, dehydrated, may speech disturbance, may pneumonia, at may mahina o hindi wastong panlasa. Ang sinomang may hypersalivation ay nakararanas ng sikolohikal na komplikasyon, social anxiety, at suliranin sa pagkain at pagsasalita. Maaari rin itong magdulot ng aspiration pneumonia dahil nadadala niya ang mga pagkain at tubig sa kaniyang baga. Nangyayari ito kapag nagkakaproblema sa pag-ubo at pagpigil sa ubo. Mahalagang masuri ang pinag-uugatan ng hypersalivation dahil baka mas malala pala ang pinagmumulan nito. Masusuri ng mahusay na espesyalista ang puno’t dulo nito dahil iisa-isahin niya ang bawat anggulo—mula pisikal, medikal at mental na kondisyon, at iba pa. Kung walang badyet sa pagpapa-checkup, may mga home remedies naman upang mapahinto ang labis na paglalaway. Alin man sa mga sumusunod ay maaaring umepekto: Magdikdik ng coffee beens (kape) at ilagay sa ilalim ng dila. Kumuha ng lemon wedge at sipsipin ito. Ang mga tsaa o salabat ay may kakayahang patuyuin ang bibig. Maaari ring ngumuya ng luya. Sumubo ng ice cube. Magsipilyo nang madalas. Umiwas sa matatamis na inumin at pagkain. At dahil, legit and authorized dealer ako ng First Vita Plus, inirerekomenda ko sa inyo ang pag-inom ng First Vita Plus Natural Health Drink. Makatutulong ito upang palakasin ang immune system ninyo, na siyang pipigil sa pagkakaroon ng mga karamdamang nagdudulot ng labis na paglalaway. Ang laway ay mahalaga, pero kapag sumobra, tiyak tayo ay may problema. Kaya, huwag na tayong magpatumpik-tumpik pa. Kilos na! .

No comments:

Post a Comment

Ang Pinakamasamang Kuya

  Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...