Followers

Saturday, December 10, 2022

Ang Aking Alaga

Mahilig ako sa mga alagang hayop. Mayroon akong aquarium, na may dose-dosenang mga goldfish, isang pares ng angelfish, at maliit na pagong dito. Mayroon akong tatlong pares ng mga love birds. Mayroon din akong isang itim na tuta, at bantam at Texas na manok, ngunit ang paborito kong alaga ay  pusa.

Mayroon akong isang mabalahibo at matabang pusa. Ang kaniyang balahibo ay makintab na puti at may mga orange spots. Ang kaniyang mga mata ay napakagandang tingnan. Ang kaniyang mga kuko ay hindi ganoon katulis. Ang kaniyang buntot, na mas mahaba kaysa sa kaniyang katawan, ay may pantay na tatlong mga guhit na kulay-kahel. Ang kaniyang mga mata ay asul tulad ng mga menthol candies. Ang kaniyang maliliit na labi ay kulay-rosas at laging basa. Ang mala-rosas niyang dila ay bihirang makita, ngunit ang amoy niya ay isang bagay na hindi ko kinaiinisan.

Isang taon at anim na buwan na siya ngayon. Mas malaki siya sa kaniyang edad.

Kumakain siya ng mga kinakain ko, ngunit kakaunti lang siya kung kumain. Dahan-dahan siyang ngumunguya ng pagkain tulad ng isang dalagang mahinhin. Gayunpaman hindi niya iniwan nang walang laman ang kaniyang plato. Sa madaling salita, mayroon siyang table etiquette kung siya ay tao.

Isa sa magandang bagay tungkol sa aking alagang pusa ay hindi siya dumudumi kung saan-saan. Sa banyo siya pumapasok kapag nakararamdam siya ng pagdurumi. Talagang isang siyang disiplinadong pusa, hindi katulad ng iba na pasanin ng pamilya, kaya kinaiinisan ng mga kapitbahay. 

Hindi lamang siya masarap yakapin, mapagmahal din siya at magiliw. Lagi niya akong kasama. Natatutulog siya sa tabi ko. Sumasama siya sa akin sa parke. Bagaman hindi niya ako makakasama sa paaralan, palagi siyang nagpaalam sa akin tuwing malapit na akong umalis sa paaralan, sa pamamagitan ng paghilahid niya sa aking mga paa.

Siya ang aking paboritong alaga – si Sussy. 


No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...