Nasa gitna
ng malawak na bakuran ang Pamilya Flores.
"Daddy,
Mommy, parang may kulang po," sabi ni Margarita.
"Ano
iyon, Margarita?" tanong ni Daddy Fernan.
"Oo
nga, para ngang may kulang," sang-ayon ni Mommy Melissa.
"Ah,
alam ko na! Kulang ng palaruan," sagot ng ama.
"Hindi
po." Nalungkot si Margarita.
"Mas
maganda ang bahay kapag may mga halaman, hindi ba, Margarita?" tanong ng
ina.
"Opo,
Mommy!" Napangiti na si Margarita.
"Ay,
oo nga pala! Sige, magtatanim tayo ng nga halaman. Salamat sa ideya,
Margarita!"
"Walang
anuman po, Daddy."
"Ano-anong
halaman ba ang gusto mo?"
"Kahit
ano po, basta ang gusto ay magkaroon tayo ng alphabet garden."
"Alphabet
garden?!" magkasabay na bulalas nina Mommy Melissa at Daddy Fernan.
Nagpatingin sila sa nakangiting anak.
Napakamot
si Daddy Fernan, saka nangako kay Margarita na magkakaroon sila alphabet
garden.
Kinabukasan,
nagsimula na ang pagpapagawa ng Pamilya Flores ng mga sementong patungan ng mga
paso. Nakasunod iyon sa mga titik ng alpabeto.
Hindi
maitago ni Margarita ang kanyang pananabik.
Isang araw,
pinanunuod nila ang mga trabahador sa kanilang bakuran.
"Daddy,
Mommy, kailan po matatapos ang alphabet garden natin?" tanong ni
Margarita.
"Malapit
na, anak," sagot ni Daddy Fernan.
"Mamimili
na nga kami sa makalawa ng mga halamang nakapaso," wika naman ni Mommy
Melissa.
"Talaga
po? Naku, hindi ko na po mahihintay na makita ang hardin natin," bulalas
ni Margarita.
Nang
dumating na ang pinakikihintay na araw ni Margarita, walang mapagsidlan ang
kanyang kaligayahan nang makita niya ang isang trak. Ibinaba mula roon ang mga
namumulaklak na halaman.
"Daddy,
Mommy, tutulungan ko na po kayo," alok ni Margarita nang matapos maibaba
ng mga drayber at pahinante ng trak ang mga halamang nakapaso.
"Sige,
anak," sabi ni Mommy Melissa.
"Ingat
lang, ha? May mga pangalan ang bawat halaman. Tingnan mong maigi at ipatong sa
tamang patungan," bilin ni Daddy Fernan.
"Opo!"
Masayang nagtulong-tulong
ang mag-anak at nang matapos, isa-isang binasa ni Margarirlta ang mga pangalan
ng mga bulaklak.
"Amaryllis,
Begonia, Carnation, Daisy, Eucalyptus, Fuschia, Gardenia, Hibiscus, Ivy,
Jasmine, Kalanchoe, Lavender, Magnolia, Narcissus, Orchid, Poinsettia, Queen
Anne's Lace, Rose, Sunflower, Tulip, Violet, Water Lily." Nalungkot si
Margarita nang mapansin niyang walang halaman sa patungang X, pero itinuloy
niya ang pagbasa. "Yellow bell at Zinnia."
Napansin
agad iyon ni Daddy Fernan. "Pasensiya ka na, anak... Wala akong nakitang
halaman na nagsisimula sa titik X."
"Paano
po iyan? Hindi po buo ang alphabet garden natin kapag walang X," sabi ni
Margarita.
Inakbayan
siya ng kanyang ina. "Huwag ka nang malungkot. Gagawa kami ng paraan para
mabuo ang ating alphabet garden."
Tumango
lamang si Margarita.
Araw-araw,
hinihintay niyang makompleto ang kanilang alphabet garden, ngunit parang
nawawalan na siya ng pag-asa.
Isang gabi,
nagbasa siya ng encyclopedia. Naghanap siya roon ng mga halamang nagsisimula sa
letrang X. Nabuhayan siya ng loob nang may nahanap siya.
Kinabukasan,
pumunta si Margarita sa bilihin ng mga halaman.
Nagulat ang
mga magulang niya nang umuwi siyang may dalang nakapasong halaman.
"Mommy,
Daddy, makokompleto na po ang alphabet garden natin!" masayang pagbabalita
ni Margarita.
"Sigurado
ka ba, anak?" tanong ni Mommy Melissa. "Chrysantemum ito, na
nagsisimula sa titik C."
Ngumiti
muna si Margarita. "Nabasa ko po sa encyclopedia. Tinatawag din po itong
Xeranthemum."
"Wow,
ang galing mo naman, anak!" sabi ng ama. "Halika na, ilagay na natin
sa patungan.
Pagkatapos
nilang ilagay ang Xerathemum sa patungan, isa-isang binasa uli ni Margarita ang
mga pangalan ng mga halaman.
"Amaryllis,
Begonia, Carnation, Daisy, Eucalyptus, Fuschia, Gardenia, Hibiscus, Ivy,
Jasmine, Kalanchoe, Lavender, Magnolia, Narcissus, Orchid, Poinsettia, Queen
Anne's Lace, Rose, Sunflower, Tulip, Violet, Water Lily, Xeranthemum, Yellow
bell at Zinnia. Yehey!"
Napapalakpak
sa tuwa ang mag-anak na Flores.
No comments:
Post a Comment