Followers

Saturday, December 10, 2022

Mga Talatang Naglalarawan

 

Ang Travel City

 

         Ang Pasay ay tinatawag na Travel City. Ito kasi ang lugar kung saan matatagpuan ang international airport na NAIA. Dito lumalapag ang mga naggandahan at naglalakihang eroplano mula sa iba’t ibang bansa na lulan ang mga turista, gayundin ang mga Pilipino. Dito rin matatagpuan ang mga world-class o five-star hotel at restaurants. Kaya naman wiling-wili ang mga turista na mamalagi sa Pilipinas dahil ang Travel City ay laging may magagandang hatid at may mabuting pagtanggap sa mga bisita.

 

 

Ang Aking Hardin

 

         Maaliwalas at malamig sa aming bakuran dahil sa aking hardin. Marami akong koleksiyon ng mga halaman dito. Mayroon akong iba’t ibang uri ng cactus, bougainvillea, Philondendron, ferns, at Evergreen. Mayroon din akong mga mumurahing halaman, pero kaygagandang tingnan. Dahil sa mga halamang ito, sariwang hangin ang dulot nito sa amin. Marami ring ibon, paruparo, at bubuyog ang mga dumarayo sa aking hardin dahil dito sila nakakapagpahinga, nakakain, at nakapagpaparami.

 

 

 

Si Bantay

 

         Mabait at maamong alaga si Bantay, ngunit siya ay matapang na bantay. Mahilig siyang matulog sa umaga. Gising naman siya sa gabi. Siya ang matiyagang bantay sa aming bahay. Tinitiyak niyang walang makakapasok sa aming bakuran sa gitna ng aming pagtulog. Galit siya sa mga magnanakaw. Tinatahulan naman niya ang mga kapitbahay na maiingay.

 

 

Trangkaso

 

           Sobrang sakit ng katawan ko noong Linggo ng gabi. Nakaramdam ako ng kakaibang lamig, kaya nagsuot ako ng makapal na jacket. Nahulaan ko na agad na may trangkaso ako. Nakakatakot man, pero nilabanan ko ang nakahahawang sakit upang hind maging Omicron. Uminom ako ng mabisang gamot. Nagsuob ako, gamit ang asin at luya. Nagpahinga ako. Gayunpaman, umabot ng tatlong araw ang aking trangkaso. Mabuti na lang, trangkaso lamang iyon at hindi Covid-related na sakit.

 

 

Kagubatan

 

Napakahalaga ng kagubatan sa buhay ng mga tao at mga hayop. Dito kumukuha ang mga hilaw na produkto ang mga tao, gaya ng troso, prutas, kasuotan, at iba. Nagdudulot din ito ng proteksiyon sa mapaminsalang baha at bagyo. Dito namamahay ang maiilap na hayop, na siyang nagpaparami sa mga puno at halaman at pinagkukunan din natin ng ating mga resources o pagkain. Kung patuloy na sisirain ang mga kagubatan, nanganganib ang buhay nating lahat.

 

 

Ang Aking Ina

 

Napakabuti ng aking ina. Pinalaki niya ako nang maayos. Pinapagalitan naman kapag nakagagawa ng pagkakasala. Maunawain siyang talaga. Lagi niya akong pinaaalalahanang gumawa nang mabuti sa kapwa.

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...